172. Ang Sermon sa Bundok. Ang mga Beatitude (Ikatlong Bahagi).

Mayo 26, 1945. Ang sermon sa bundok ay nagpapatuloy.

Gayon ding lugar at gayon ding oras. Ang mga tao, maliban sa Romano, ay gayon din. Baka ang pulutong ay mas malaki sapagkat maraming tao ang mga nakatayo sa simula ng mga landas patungo sa maliit na lambak.

Si Jesus ay nagsasalita:

Ang isa sa mga pagkakamali na madaling magawa ng tao ay ang magkulang ng katapatan sa kanyang sarili. At sa dahilan na ang tao ay bihirang sinsiro at matapat, gumawa siya ng ilang pamamaraan para sa kanyang sarili upang mapilitan siyang manatili sa daang ibig niya. Ang renda na ito, na, pagkatapos ng lahat, dahil siya ay isang malikot na batang kabayo, kanyang luluwagan o hihilahin, ayon sa ibig niya, at kung gayon binabago ang kanyang tayò; o kanya itong aalising ganap at gagawin ang ayon sa gusto niya, na walang pakialam kung anong puna ang kanyang tatanggapin mula sa Diyos, mula sa mga tao at mula sa kanyang sariling konsiyensya.  Ang bokado na iyan ay ang panunumpa. Ngunit walang panunumpa ang kinakailangan sa pagitan ng matatapat na tao at hindi kailanman itinuro iyan ng Diyos sa inyo na gawin ninyo. Sa kabaligtaran iniutos Niya: “Huwag kayong magsasaksi ng kasinungalingan”, na wala nang iba pang dagdag. Sapagkat ang tao ay kailangan na maging prangko na wala nang pangangailangang iba maliban sa katapatan ng kanyang salita.

Nang sa Deuteronomio ginawang binanggit ang tungkol sa mga panunumpa, pati rin ang mga panunumpa na nanggagaling sa isang puso na nakakaisa ng Diyos, maging ito ay sa pamamagitan man ng pakiramdam ng pangangailangan o ng isang damdamin ng pasasalamat, ito ay isinulat: “Anuman ang dumaan sa inyong mga labì, kailangan ninyong pangatawanan, at ang panunumpa na ginawa ninyong kusa sa Panginoong inyong Diyos ay kailangan na gawin”. Laging binabanggit doon ang salita na binitiwan, na wala nang iba pa bagkus ang salitang binitiwan. Ang sinuman na sa kanyang pakiramdam kailangan niyang gumawa ng panunumpa ay hindi nakatitiyak sa kanyang sarili o sa opinyon ng kanyang kapwa tungkol sa kanya. At ang sinuman na ginawa niyang manumpa ang ibang tao ay nagpapatunay na hindi niya pinagtitiwalaan ang kaprangkuhan at katapatan ng manunumpa.  Ayon sa nakikita ninyo, ang kaugalian na gumawa ng panunumpa ay ang resulta ng moral na walang-katapatan ng tao. At ito ay isang kahihiyan ng tao. Ito ay dobleng kahihiyan sapagkat ang tao ay ni hindi man lang maging matapat sa nakakahiyang bagay na panunumpa at sa kanyang págtatawa sa Diyos nang kasing dali ng kanyang págtatawa sa kanyang kapwa, siya’y manunumpa ng kasinungalingan nang may kabilisan at kakalmaduhan.

May mas kasuklam-suklam pa bang tao kaysa sa isang mandaraya? Ang isang mandaraya sa katotohanan ay kinukumbinsi ang kanyang kapwa na siya ay kanyang paniwalaan, madalas nagbabanggit ng sagradong mga pormularyo, kung gayon tinatawagan ang Diyos na maging kanyang kasabwat at tumayong kanyang garantiya, o babanggitin ang kanyang mga mahal sa buhay: ang kanyang ama, ina, asawa, mga anak, mga patay na kamag-anak, kanyang sariling buhay mismo at esensiyal na mga sangkap ng katawan, upang suportahan ang kanyang mga salita ng kasinungalingan. Nililinlang niya kung gayon ang kanyang kapwa. Siya ay isang masamang tao, isang magnanakaw, isang traydor, isang mamamatay-tao. Nino? Ng Diyos, siyempre, sapagkat kanyang dinudumihan ang Katotohanan sa pamamagitan ng nakakahiyang mga kasinungalingan at pinagtatawanan niya Siya, hinahamon Siya: “Hampasin Mo ako, pasinungalingan Mo ako, kung magagawa Mo. Ikaw ay nandiyan, ako ay naririto at natatawa ako nito”. Siyempre, makatatáwa kayo, mga sinungaling at madadaldal! Ngunit ang sandali ay darating kung kailan hindi kayo tatawa at iyan ay mangyayari kapag Siya, kung Kanino ang lahat na kapangyarihan ay ipinagkatiwala, ay magpapakita sa inyo, nakakatakot sa Kanyang mahestad, at sa simpleng aspekto Niya mismo kayo ay tatayo nang maasikaso at kayo’y hahampasin ng kidlat ng Kanyang mga mata, bago itapon kayo ng Kanyang salita sa inyong eternal na patutunguhan minamarkahan kayo ng Kanyang sumpa. Siya ay isang magnanakaw sapagkat inaankin niya ang isang reputasyon na hindi siya karapat-dapat. Ang kanyang kapwa, nabighani ng kanyang panunumpa, ay ipinagkakaloob ito sa kanya, at ang ahas ay inaadornohan ang kanyang sarili nito, nagkukunwari na siya ang hindi naman siya. Siya ay isang traydor sapagkat sa pamamagitan ng kanyang panunumpa nangangako siya ng isang bagay na hindi niya pangangatawanan. Siya ay isang mamamatay-tao: pinapatay niya ang karangalan ng kanyang kapwa tao pinagkakaitan niya siya ng kanyang reputasyon sa pamamagitan ng pagsisinungaling o pinapatay niya ang kanyang sariling kaluluwa sapagkat ang isang mandaraya ay isang nakadidiring makasalanan sa mga mata ng Diyos, Na nakakakita sa katotohanan, kahit na kung wala ring ibang nakakakita nito.

Ang Diyos ay hindi malilinlang, ni sa pamamagitan ng mga salita ng kasinungalingan, o ng mga gawang pagkukunwari. Nakakakita Siya. Hindi nawawala sa Kanyang paningin ang bawat tao kahit man isang sandali. At walang malakas na muog o malalim na silong na hindi nalalagos ng Kanyang mga mata. Kahit din sa loob ninyo, nalalagos ng Diyos ang muog na mayroon ang bawat tao sa paligid ng kanyang mga puso. At Kanya kayong hinuhusgahan hindi ayon sa kung ano ang inyo pinanunumpaan, bagkus sa kung ano ang inyong ginagawa.

Magbibigay Ako kung gayon ng kaayusan bilang kapalit ng ibinigay sa inyo, kapag ang panunumpa ay napapaboran nang husto upang mapigilan ang mga kasinungalingan at ang kadalian na kalimutan ang isang pangako. Hindi Ko sinasabi katulad ng pagsabi noong mga unang araw: “Huwag manumpa ng kasinungalingan, bagkus pangatawanan ang inyong panunumpa”, bagkus sinasabi Ko: “Huwag kailanman manumpa”. Ni sa ngalan ng Langit Na siyang trono ng Diyos, o sa ngalan ng mundo na siyang tuntungan ng Kanyang mga paa, o sa ngalan ng Herusalem at sa Templo nito na siyang ang Siyudad ng Dakilang Hari at siyang Bahay ng ating Panginoong Diyos.

Huwag manumpa ni sa ngalan ng mga libingan ng mga namatay o sa ngalan ng kanilang mga kaluluwa. Ang mga libingan ay puno ng dumi ng lamang-loob ng tao, na mayroon din ang mga hayop, at ang tungkol sa kanilang mga kaluluwa, hayaan ang mga ito sa kanilang mga tirahan. Huwag silang papaghirapin o gawing mahintakutan, kung sila ay ang mga kaluluwa ng mga makatarungan na mga nasa kaalaman na ng Diyos. At bagama't sila ay mga nasa ganyang pagkaka-alam na ng Diyos, na isang parsiyal na pagkaka-alam, sapagkat hindi nila kakamtin ang Diyos sa ganap ng Kanyang kaningningan hanggang sa sandali ng Panunubos, sila’y bagkus maghihirap nakikita kayong mga nagkakasala. At kung sila ay hindi mga makatarungan, huwag dagdagan ang kanilang paghihirap sa pagpapa-alaala sa kanila ng kanilang kasalanan sa pamamagitan ng inyong mga kasalanan. Hayaan ang banal na mga patay sa kanilang kapayapaan, at ang mga di-banal sa kanilang mga kirot. Huwag pagkaitan ang una ng anuman, huwag magdagdag ng anuman sa huli. Bakit makiusap sa patay? Hindi sila makapagsasalita. Ang mga santo sapagkat ang karidad ay pinipigilan silang magsalita: ay kakailanganin nilang pasinungalingan kayo nang maraming beses. Ang mga kondenado sapagkat hindi binubuksan ng impiyerno ang mga tarangkahan nito at ang mga kondenado ay nagbubukas lamang ng kanilang bunganga kung magmumura, at ang kanilang mga tinig ay natatabunan ng poot ni Satanas at ng mga dimonyo, sapagkat ang mga kondenado ay katulad ng mga dimonyo.

Huwag manumpa sa ngalan ng ulo ng iyong ama o ng iyong ina, o sa ngalan ng ulo iyong asawa o ng iyong inosenteng mga anak. Wala kang karapatan na gawin ito. Sila kaya ay pera o mga paninda? Sila ba ay lagda sa isang dokumento. Sila ay higit pa o mas maliit pa sa mga ganyang bagay. Sila ay dugo at laman ng sarili mong dugo, tao, ngunit sila ay  malayang mga nilikha din at hindi mo sila magagamit bilang mga alipin upang magarantiyahan ang mga salita mong kasinungalingan. At sila ay mas maliit pa kaysa sa iyong sariling lagda, sapagkat ikaw ay matalino, malaya at matanda na, hindi ka pinagbabawalan, ni hindi ka isang bata na hindi nalalaman ang kanyang ginagawa at kailangan samahan ng kanyang mga magulang. Ikaw ay isang tao na pinagkalooban ng  pangangatwiran at dahil dito kailangan mong panagutan ang iyong mga kilos at kailangan mong kumilos nang sarili mo, ginagamit, bilang garantiya para sa iyong mga gawa at mga salita, ang iyong sariling katapatan at ang sa iyong sariling kaprangkuhan, ang reputasyon na mayroon ka sa iyong kapwa, hindi ang katapatan, ang kaprangkuhan ng iyong mga kamag-anak at ang reputasyon na mayroon sila. Ang mga ama ba ay ang may-pananagutan sa kanilang mga anak? Oo, ngunit hanggang lamang sa sila ay wala pa sa edad. Pagkatapos, ang lahat ay ang mananagot sa kanyang sarili. Hindi lagi na makatarungang mga anak ang ipinanganganak sa mga makatarungang mga magulang, ni hindi lagi na ang isang banal na babae ay naikakasal sa isang banal na lalaki. Bakit gamitin kung gayon ang katarungan ng isang kamag-anak bilang garantiya? gayon din naman, banal na mga anak ay maaaring maipanganak sa isang makasalanan, at habang sila ay mga inosente, sila ay banal. Bakit kung gayon makiusap sa isang dalisay na kaluluwa para sa di-dalisay na kilos mo, katulad ng panunumpa na ibig mong gawin nang may kasinungalingan?

Huwag manumpa sa ngalan ng inyong sariling mga ulo, sariling mga mata, sariling mga dila, sariling mga kamay. Wala kayong karapatan. Ang lahat na mayroon kayo ay pag-aari ng Diyos. Kayo ay ang pansamantalang mga tagapag-alaga lamang, mga tagapag-impok ng moral o materyal na mga kayamanan na ipinagkaloob sa inyo ng Diyos. Bakit gamitin kung gayon ang hindi ninyo naman pag-aari? Makapagdadagdag ba kayo ng kahit isang buhok sa inyong mga ulo o baguhin ang kulay nito? At kung hindi ninyo magawa ito, bakit gamitin ang inyong paningin, inyong salita, ang kalayaan ng inyong mga galamay upang patotohanan ang inyong panunumpa? Huwag ninyong hamunin ang Diyos.  Mahaharap Niya kayo ayon sa inyong salita at mapatutuyo Niya ang inyong mga mata katulad na Kanyang mapatutuyo ang inyong mga lootan, o kunin Niya sa inyo ang inyong mga anak, o durugin ang inyong mga bahay upang mapaalalahanan kayo na Siya ang Panginoon at kayo ang Kanyang mga nasasakupan at na siya na sinasamba ang sarili at iniisip na siya ay mas mataas sa Diyos, hinahamon Siya sa pamamagitan ng kanyang kasinungalingan, ay isinumpa.

Gawing simple ang inyong salita: oo, oo nga; hindi, hindi nga. Wala nang iba pa. ano pa man na karagdagan ay pagmumungkahi ng Masamang isa, na pagkatapos ay pagtatawanan niya kayo, sapagkat hindi ninyo maaalaala ang lahat at masasalungat ninyo ang inyong sarili at kayo ay pagtatawanan at kikilalaning mga sinungaling.

Maging sinsiro, Aking mga anak, kapwa sa inyong mga salita at sa inyong mga panalangin. Huwag umasal katulad ng mga mapagkunwari, na, kapag nagdarasal, ay gustung-gustong tumayo sa loob ng mga sinagoga o sa mga sulok ng mga liwasan kung saan maaari silang makita ng mga tao at mapuring mga makatarungan at banal na mga tao, samantalang, sa loob ng kanilang mga pamilya, sila ay nagkakasala sa Diyos at sa kanilang mga kapwa. Hindi ba ninyo tinitingnan na ito ay katulad ng isang porma ng pandaraya? Bakit ibig ninyong panatilihin bilang katotohanan kung ano ang hindi naman totoo upang makakuha ng isang reputasyon na hindi kayo karapat-dapat? Ang isang mapagkunwang panalangin ay tinatangka nito na masabing: “Ako ay totoo ngang isang santo. Isinusumpa ko ito sa presensya ng mga nakakakita sa akin at hindi makapagsisinungaling na hindi nila ako nakitang nagdarasal”. Katulad ng isang belo na itinakip sa isang naririyan na kasamaan, ang isang panalangin na binigkas para sa ganyang mga pakay ay nagiging panlalapastangan.

Hayaan ang Diyos na iproklama kayong mga santo at mamuhay sa pamamaraan na ang inyong buong pamumuhay ay maisigaw sana nito sa kapakanan ninyo: “Naririto ang lingkod ng Diyos”. Ngunit kailangan na kayo ay maging tahimik para sa kapakanan ninyo. Huwag hayaan ang inyong dila na maudyukan ng pagmamalaki at maging dahilan ng iskandalo sa mga mata ng mga anghel. Mas mabuti pa para sa inyo na maging mga pipi kaagad kung wala kayong kapangyarihan na pigilan ang pagmamalaki at ang dila, at inyong ipoproklama na kayo ay mga makatarungan at kaaya-aya sa Diyos. Hayaan ang kaawa-awang kaluwalhatiang iyan sa mapagmalaki at huwad na mga tao. Hayaan ang naglalahong gantimpalang iyan sa mayayabang at mandarayang mga tao! Isang kaawa-awang gantimpala! Ngunit iyan ang gusto nila at hindi na sila magkakaroon ng iba pa, sapagkat hindi kayo maaaring magkaroon ng higit pa sa isa. Ito man ay ang tunay na gantimpala, ang Makalangit na isa, na isang eternal at makatarungan, o ang huwad na gantimpala, ang makalupang isa, na tatagal hanggang sa tagal ng buhay ng tao, at baka mas maikli pa, isang gantimpala na pinagbabayaran, pagkatapos ng buhay na ito, ng tunay na nakapanghihiyang kaparusahan, sapagkat iyan ay isang di-makatarungang gantimpala.

Makinig kung papaano kayo kailangan na manalangin sa pamamagitan ng inyong mga labì at ng inyong trabaho at ng inyong buong mga sarili, inudyukan ng inyong mga puso na nagmamahal sa Diyos at nakararamdam na Siya ay ang inyong Ama, ngunit lagi nilang naaalaala kung sino ang Tagapaglikha at kung ano ang nilikha, at sa presensya ng Diyos sila ay laging puno ng mapaggalang na pagmamahal, maging kayo man ay nagdarasal o abalá, kayo man ay naglalakad o nagpapahinga, kumikita o tumutulong.

Sinabi Ko inudyukan ng inyong mga puso. Iyan ang una at esensiyal na kalidad. Sapagkat ang lahat ay nanggagaling sa inyong mga puso at mga isip: ang inyong mga salita, inyong mga mata, inyong mga ginagawa ay katulad ng inyong mga puso. Ang isang makatarungang tao ay kumukuha ng mabuti mula sa kanyang makatarungang puso at habang mas kumukuha siya mas lalong madami ang kanyang matatagpuan, katulad ng dugo na binubuhay muli umiikot sa mga ugat at bumabalik sa puso na napayaman ng bagong mga elemento nakuha sa oksiheno, na nasipsip nito o mula sa mga katas ng pagkain, na natunaw nito. Samantalang ang isang masamang tao ay makakakuha lamang ng bagkus pandaraya at lason mula sa kanyang mapanglaw na puso puno ng pandaraya at lason, na lalong dumarami sapagkat natutulungan ito ng dumaraming mga kasalanan, habang ang mga pagpapalà ng Diyos ay dumarami sa loob ng isang mabuting tao, Makatitiyak kayo na ito ay ang kasaganaan ng puso na siyang umaapaw sa mga labì at nagbubunyag sa sarili sa mga gawa.

Gawin ang inyong mga puso na mababa ang kalooban, dalisay, mapagmahal, mapagtiwala at sinsiro at mahalin ang Diyos sa pamamagitan ng basal na pagmamahal ng isang birhen para sa kanyang nobyo. Sasabihin Ko sa inyong totoo na ang bawat kaluluwa ay isang birhen ikinasal sa Eternal na Kairog, sa Diyos ating Panginoon;  ang mundong ito ay ang panahon ng pagtitipan sa loob nito kung saan ang gabay na anghel ng bawat tao ay ang espirituwal na abay, at ang lahat ng oras at mga pagkakataon ng buhay ay ang kasing dami mga abay na naghahanda sa pangkasalan na trusu. Ang oras ng kamatayan ay ang oras para sa isinagawang kasalan kung kailan ang introduksiyon, yakap at pakikipag-isa ay mangyayari at ang kaluluwa ay maitataas ang belo ng pangkasal na damit at maitapon ang sarili sa mga bisig ng Diyos at ang Esposo ay hindi makagagawa ng iskandalo sa pagmamahal nang ganito.

Ngunit pansamantala, O! mga kaluluwa nabibiktima pa rin sa pagkakatali sa pakikipagtipan sa Diyos, kapag ibig ninyong makipagusap sa Esposo, pumunta kayo sa kapayapaan ng inyong luklukan, higit sa lahat sa kapayapaan ng inyong mas nasa-loob na mga luklukan at, mga anghel na may laman tinutulungan ng inyong mga bantay na anghel, magsalita sa Hari ng mga anghel. Magsalita sa inyong Ama sa kalihiman ng inyong mga puso at ng inyong nasa loob na mga silid. Iwanan sa labas ang lahat na pag-aari ng mundo: kasabikan na mapuna at mapalakas, at mga pag-aatubili ng mahahabang panalangin puno ng mga salita, ng nakakasawa, kulang-sa-init na mga salita nagkukulang ng pagmamahal.

Alang-alang sa Diyos, kalimutan ang mga panuntunan sa inyong mga panalangin. Mayroon ngang ilang mga tao na nagsasayang ng maraming oras nagbibigkas ng monologo sa pamamagitan lamang ng kanilang mga labì at isang tunay na pagsasalita sa sarili sapagkat kahit na ang mga bantay na anghel ay hindi ito pinakikinggan;  ito ay gayong walang-kabuluhan na ingay na sila’y napapalubog sa taimtim na pananalangin para sa tangang mga tao na kanilang binabantayan, sa pagsisikap na makakita ng remedyo. Sa katotohanan may ilang mga tao na hindi gugugulin ang mga oras na iyan sa ibang paraan, kahit na kung ang Diyos ay magpakita sa kanila nagsasabing: “Ang kaligtasan ng mundo ay nakadepende sa inyong pagtalikod sa walang-kaluluwang pamamaraan ng pananalitang iyan at, lalakad, sabihin na natin, upang mag-igib ng tubig sa isang bubon at ibuhos ito sa lupa alang-alang sa Akin at alang-alang sa inyong kapwa”. Totoo ngang marami ang naniniwala na ang kanilang monologo ay mas mahalaga pa kaysa sa kabaitan sa pagtanggap ng isang bisita o sa karidad sa pagtulong sa isang tao na nangangailangan. Sila ay ang mga kaluluwa na bumagsak sa idolatriya ng pananalangin.

Ang panalangin ay isang pagkilos ng pagmamahal. At ang isa ay makapagmamahal nananalangin o gumagawa ng tinapay nagninilay-nilay o tumutulong sa isang maysakit, gumagawa ng perigrinasyon sa Templo o tumitingin sa isang pamilya, nagsasakripisyo ng isang tupa o nagsasakripisyo ng kanyang mga mithiin, kahit na ang matapat na mithiin na isiping lamang ang Panginoon. Magiging sapat na para sa inyo na mapuno ng pagmamahal ang buong sarili ninyo at ang lahat ng inyong mga pagkilos. Huwag matakot! Ang Ama ay nakakakita, nakakaintindi, nakikinig, nagkakaloob. Gaano karaming grasya ang ipinagkakaloob para sa iisang tunay na perpektong buntung-hininga ng pagmamahal! Gaano karaming kayamanan para sa isang matalik na sakripisyo ginawa na may pagmamahal.  Huwag kayong maging katulad ng mga Hentil. Ang Diyos ay hindi kailangan na sabihan kung ano ang dapat Niyang gawin para sa inyong mga pangangailangan. Ang mga pagano ay baka sinasabihan nila ang kanilang mga rebulto, na hindi nakaiintindi. Ngunit hindi ninyo masasabihan ang Diyos, ang Tunay na Espirituwal na Diyos, Na hindi lamang Diyos at Hari, bagkus inyong Ama din at nalalaman Niya kung ano ang inyong kailangan, kahit bago pa man ninyo ito hingin sa Kanya.

Humingi at ito ay ibibigay sa inyo, tumingin at makatatagpo kayo, kumatok at ito’y bubuksan sa inyo. Sapagkat sinuman ang hihingi, ay makatatanggap, sinuman ang titingin, ay makatatagpo at ito ay bubuksan sa kung sinuman ang kakatok. Kapag ang inyong anak ay iniuunat ang kanyang maliit na kamay sa inyo nagsasabing: “Ama, ako ay nagugutom” kayo kaya ay bibigyan ninyo siya ng bato? Bibigyan ba ninyo siya ng ahas kung nanghihingi siya ng isda? Hindi, bibigyan ninyo siya ng tinapay at isda, at mga haplos at mga pagpapalà higit sa lahat, sapagkat maganda para sa isang ama na pakanin ang kanyang anak at makita ang kanyang masayang ngiti. Kung kayo kung gayon, na ang mga puso ay di-perpekto, ay nakapagbibigay ng mga regalo sa inyong mga anak, dala ng natural na pagmamahal na mayroon din ang mga hayop para sa kanilang mga anak, gaano pa ang inyong Ama, Na nasa Langit, magkakaloob sa mga nanghihingi sa Kanya ng mabubuti at kinakailangang mga bagay para sa ikabubuti nila. Huwag matakot na humingi at huwag matakot na hindi makatanggap!

Subalit, ibig Ko kayong balaan tungkol sa madaling nagagawang pagkakamali: huwag umasal katulad ng mga mahihina sa kanilang pananampalataya at sa kanilang pagmamahal. Sa pagitan din ng mga naniniwala ay may mga pagano na ang kanilang kaawa-awang relihiyon ay ang halo ng pamahiin at pananampalataya, isang gusali na napahina, kung saan lahat na uri ng parasitong mga yerba ay nakapasok, kung kaya’t ito’y bumagsak nang nagkadurug-durog, at sila, mahihina at mga paganong katulad nila, ang pakiramdam ang kanilang pananampalataya ay namamatay kung sila ay hindi mapakinggan.

Kayo ay nanghihingi. At sa isip ninyo tama lang ang humingi. At para sa partikular na sandaling iyan ang isang grasya ay maaaring tama. Ngunit ang buhay ay hindi natatapos sa sandaling iyan. At kung ano ang mabuti ngayon, ay maaaring hindi mabuti bukas. Hindi ninyo iyan nalalaman, sapagkat nalalaman lamang ninyo ang kasalukuyan, at iyan ay isang grasya ng Diyos, din. Ngunit ang Diyos ay nalalaman din Niya ang hinaharap. At ang Diyos upang hindi ninyo danasin ang mas masakit na kirot ay hindi pakikinggan ang inyong panalangin.

Sa loob ng santaon ng Aking pakikihalubilo sa publiko mahigit pa sa isang beses Kong narinig ang mga puso na umuungol: “Gaano ako naghirap noon, nang hindi ako pinakinggan ng Diyos. Ngunit ngayon sasabihin ko: ‘Mas mabuti na ang gayon, sapagkat ang grasyang iyon ay napigilan sana ako na marating ko ang oras na ito ng Diyos’”. Napakinggan Ko ang iba na nagsabi sa Akin: “Bakit, Panginoon, hindi Ninyo ako pinakikinggan? Ipinagkakaloob Ninyo iyan sa iba ngunit hindi sa akin?” Ngunit, bagama't nalulungkot Akong makita sila na naghihirap, kinailangan Kong sabihin: “Hindi Ko magagawa”,  sapagkat ang pakinggan sila ay nangahulugan sana na harangan ang kanilang paglalakbay patungo sa isang perpektong pamumuhay.

Ang Ama rin kung minsan ay nagsasabi: “Hindi Ko magagawa”. Hindi dahil hindi Niya kaagad mapagbibigyan ang hinihiling, bagkus hindi Niya ibig na pagbigyan ito nakikita ang mga kahihinatnan sa hinaharap. Makinig. Ang isang bata ay naghihirap gawa ng isang problema sa bituka. Ang kanyang ina ay tumawag ng isang doktor at ang doktor ay nagsabi: “Kailangan niyang mag ayuno upang gumaling”. Ang bata ay umiiyak, sumisigaw, nangungusap, tila nanghihina. Ang ina, laging maawain, isinama ang kanyang pag-ungol sa kanyang anak. Sa kanyang pakiramdam ang utos ng doktor ay mahigpit at grabe. Sa kanyang pakiramdam ang gayong pag-aayuno at pag-iyak ay makakasama sa kanyang anak. Ngunit ang doktor ay matigas sa kanyang utos. Sa wakas siya ay nagsabi: “Babae, nalalaman ko, ikaw hindi. Ibig mo bang mawala sa iyo ang iyong anak o ibig mong iligtas ko siya?”. Ang ina ay sumigaw: “Ibig ko siyang mabuhay”. “Kung gayon” sabi ng doktor “Hindi ko siya mapapayagan na kumain ng kahit anong pagkain. Papatayin siya nito”. Ang Ama rin kung minsan ay ganyan ang sinasabi. Kayo, mga nakakaawang ina sa pamamagitan ng inyong kaakuhan ay ayaw ninyong marinig itong umiiyak dahil sa ilang grasya na ipinagkait. Ngunit ang Diyos ay nagsasabi: “Hindi Ko magagawa. Makasasama ito sa iyo”. Ang araw ay darating, o ang eternidad ay darating, kung kailan sasabihin ninyo: “Salamat sa Inyo, aking Diyos, sa hindi Ninyo pakikinig sa aking katangahan!”.

Kung ano ang Aking sinabi tungkol sa mga panalangin, sinasabi Ko tungkol sa pag-aayuno. Kung kayo ay mag-aayuno, huwag magmukhang malungkot, katulad ng ginagawa ng mga mapagkunwari,  na sadyang sinisira ang hitsura ng kanilang mukha upang malaman ito ng mundo at maniwala na sila ay nag-aayuno, kahit na kung ito ay hindi totoo. Natanggap na rin nila ang kanilang gantimpala sa pamamagitan ng pagpuri ng mundo, at hindi na tatanggap ng isa pa. Sa halip, kapag kayo ay mag-aayuno, magmukha kayong masaya, hugasan nang mabuti ang inyong mukha upang magmukha itong sariwa at makinis, maglagay ng langis sa inyong ulo at pabango sa inyong buhok at ngumiti katulad ng isa na pinakakain nang husto. O! Tunay ngang walang pagkain na mas nakakabusog katulad ng nagagawa ng pagmamahal! At ang nag-aayuno na may nagmamahal na espiritu, ay nanginginain sa pagmamahal! Sasabihin Ko sa inyong totoo na kahit na kung ang mundo ay tawagin kayong “”walang pakinabang” at “mga publikano”, ang Ama ay makikita ang inyong makabayaning lihim at bibigyan kayo ng dobleng gantimpala. Ang isa para sa inyong pag-aayuno at ang isa pa para sa sakripisyo na hindi kayo pinupuri dahil diyan.

At ngayon humayo at pakainin ang inyong mga katawan, ngayong ang inyong mga kaluluwa ay napakain na. Ang dalawang mahirap na taong iyon ay maaaring manatili ritong kasama namin. Sila ay magiging mga pinagpalang panauhin na magbibigay lasa sa aming tinapay. Ang kapayapaan ay sumainyo.»

At ang dalawang tao ay nananatili. Ang isa ay napakapayat na babae, ang isa napakatandang lalaki. Sila ay hindi magkasama. Ang pagkakataon ay napagsama sila, dahil sila ay parehong nakatayong nangungulila sa iisang sulok, iniuunat nang walang-mangyari ang kanilang mga kamay sa mga nagdaraan sa harapan nila.

Si Jesus ay tuwirang pinuntahan sila dahil sila ay hindi mangahas na lumapit at kinuha sila sa kamay pinasusunod patungo sa gitna ng grupo ng mga apostol, sa ilalim ng isang uri ng tolda na itinayo ni Pedro sa isang sulok at sa ilalim nito kung saan sila ay baka roon naninilungan sa gabi at nag-iipun-ipon sa loob ng maiinit na oras ng araw. Ito ay isang panilungan itinayo sa pamamagitan ng mga sanga ng punungkahoy at… mga manta. Ngunit nakapagbibigay ito ng kapahingahan, bagama't napakababa nito upang si Jesus at ang Iskariote, ang mga pinakamatataas sa samahan, ay kinakailangan na yumuko upang makapasok.

«Naririto ang isang ama at isang kapatid na babae. Dalhin kung ano ang mayroon tayo. Habang kumakain ng ating pagkain pakikinggan natin ang kanilang kuwento.» At si Jesus ay ang mismong nagsisilbi sa dalawang nahihiyang matandang kaluluwa at pinakikinggan Niya ang kanilang nakalulungkot na mga kuwento. Ang matanda ay nag-iisa, pagkatapos ng ang kanyang anak na babae ay lumayo kasama ng kanyang asawa at nakalimutan na ang kanyang ama. Ang babae ay nag-iisa rin, pagkatapos ng ang lagnat ay napatay ang kanyang asawa at, karagdagan pa, siya ay may sakit.

«Ang mundo ay kinasusuklaman kami sapagkat kami ay mahirap» sabi ng matandang lalaki.  «Ako’y naglalagalag nanghihingi ng limos upang makaipon kahit na papaano ng ilang pera upang maipagdiwang ang Paskuwa. Ako ay walumpung taong gulang. Lagi kong pinagdiriwang ang Paskuwa at ito ay maaaring ang huli ko na. Ngunit ayaw kong pumunta sa sinapupunan ni Abraham na may kahit na anong pinanghihinayangan. Katulad na pinatatawad ko ang aking anak na babae, umaasa ako kung gayon na mapatatawad. At ibig kong maipagdiwang ang aking Paskuwa.»

«Ito’y isang mahabang lakbayin, tatay.»

«Ang daan patungong Langit ay lalo pang mas mahaba, kung ang isa ay wala sa ritwal.»

«Kayo ba ay pupunta nang mag-isa? At kung kayo ay magkasakit sa daan?»

«Ang anghel ng Diyos ay ang siyang magsasara ng aking mga mata.»

Si Jesus ay hinahaplus-haplos ang kanyang nanginginig na maputing ulo at tinanong ang babae: «At ano ang tungkol sa iyo?»

«Ako ay naghahanap ng trabaho. Kung ako ay nakakakain nang mas mabuti mawawalan ako ng aking lagnat. At kung ako ay gumaling makapagtatrabaho ako sa taniman ng trigo.»

«Sa palagay mo ba ang pagkain lamang ang makapagpapagaling sa iyo?»

«Hindi, mapagagaling din Ninyo ako. Ngunit ako ay isang mahirap na bagay, napakaaba upang manghingi sa Inyo ng awa.»

«At kung pagalingin kita, ano ang gusto mo pagkatapos?»

«Wala nang iba pa. Magkakaroon na ako ng higit pa sa aking inaasahan.»

Si Jesus ay ngumingiti at binigyan Niya siya ng isang piraso ng tinapay naisawsaw sa ilang tubig at suka, na sa aking palagay ay ang kanilang inumin. Ang babae ay kinakain ito na hindi nagsasalita at si Jesus ay patuloy sa pagngiti.

Ang kainán ay tapos na. Ito’y matipid-na-matipid! Ang mga apostol at mga disipulo ay naghahanap ng isang malilim na lugar sa mga dalisdis at sa mga palumpungan. Si Jesus ay nananatili sa ilalim ng tolda. Ang matandang lalaki ay nakahiga sa damuhan at pagod na katulad niya, siya ay nakatulog.

Pagkaraan ng kaunting panahon ang babae, na umalis naghahanap ng ilang masisilungan upang makapagpahinga, ay lumalapit kay Jesus Na ngumingiti sa kanya upang siya ay sumigla. Siya ay lumalapit nagmumukhang nahihiya, ngunit masaya, makikita mula sa halos layo ng tolda. Pagkatapos siya ay napangibabawan ng lugod, siya’y naglakad nang may malalakas na hakbang at bumabagsak na patirapá sa kanyang mukha na may nabubulunang iyak siya ay sumigaw: «Pinagaling Ninyo ako! Pagpalain nawa Kayo! Sa oras na ito ako ay madalas na nanginginig sa lagnat, ngunit ngayon ay hindi… O!» at kanyang hinahalikan ang mga paa ni Jesus.

«Nakatitiyak ka ba na gumaling ka na? Wala Akong sinabi sa iyo. Baka nagkataon lamang ito…»

«O! hindi! Ngayon naiintindihan ko na ang Inyong ngiti nang ibinigay Ninyo sa akin ang tinapay. Ang Inyong birtud ay pinasok ako kasama ang mumo. Wala akong maibibigay sa Inyo bilang kapalit, maliban sa aking puso. Utusan Ninyo ang Inyong katulong na babae, Panginoon, at susundin niya Kayo hanggang sa siya ay mamatay.»

«Oo. Nakikita mo ba ang matandang lalaking iyon? Siya ay lubos na nag-iisa at siya ay makatarungan. Nagkaroon ka ng asawa at ang kamatayan ay inilayo siya. Siya ay may isang anak na babae at ang pagkamakasarili ay inilayo siya. At iyan ay malala. Subalit sa kabila nito siya ay hindi nagmumura. Ngunit hindi tama na maglagalag siya na nag-iisa sa kanyang huling mga oras. Maging anak na babae para sa kanya.»

«Oo, aking Panginoon.»

«Isipin mo, ang ibig sabihin nito magtatrabaho ka para sa dalawa.»

«Ako ay malakas na ngayon, at gagawin ko iyan.»

«Umakyat ka roon, kung gayon, sa bangin na iyon at sabihin mo sa lalaking nagpapahinga roon, ang isang nakasuot ng kulay-abong tunika, na pumunta sa Akin.»

Ang babae ay umalis kaagad nang mabilis at bumalik kasama si Simon Zealot.

«Halika, Simon, ibig kitang makausap. Babae, maghintay dito.»

Si Jesus ay lumayo nang mga ilang yarda.

«Sa palagay mo ba si Lazarus ay mahihirapan na kumuha pa ng isang trabahador?»

«Si Lazarus? Sa palagay ko ni hindi niya nalalaman kung ilang katulong na ang mayroon siya ! Isang dagdag, isang kulang!... Ngunit sino ito?»

«Ang babaeng iyon. Pinagaling Ko siya at…»

«Sapat na iyan, Guro. Kung pinagaling Ninyo siya ibig sabihin mahal Ninyo siya. anuman ang Inyong minamahal ay sagrado kay Lazarus. Sinasagot ko ito mismo para sa kanya.»

«Totoo iyan. Kung ano ang Aking minamahal ay sagrado kay Lazarus. Tama ka. At iyan ang dahilan kung bakit si Lazarus ay magiging isang santo, sapagkat sa pagmahal sa kung ano ang Aking minamahal mamamahal niya ang perpeksiyon. Ibig Kong ikabit ang matandang lalaking iyon sa babaeng iyon at mangyaring maipagdiwang ng patriyarka ang kanyang huling Paskuwa sa labis na lugod. Gustung-gusto Ko ang matatandang banal na tao at masaya Ako kung mabibigyan Ko sila ng mapayapang paglubog ng araw.»

«Mahal din Ninyo ang mga bata…»

«Oo, at mga maysakit…»

«At ang mga umiiyak…»

«At ang mga nag-iisa…»

«O! Guro! Hindi ba Ninyo nababatid na mahal-na-mahal Ninyo ang lahat? Pati na rin ang Inyong mga kaaway?»

«Hindi Ko nababatid ito, Simon. Ang magmahal ay ang Aking kalikasan. Ayon… ang patriyarka ay gumigising na. Tayo na at sabihin sa kanya na ipagdiriwang niya ang kanyang  Paskuwa na may isang anak na babae sa tabi niya, at wala nang pangangailangan pa ng tinapay.»

Sila ay bumalik sa tolda kung saan ang babae ay naghihintay sa kanila at silang tatlo ay pumunta sa matandang lalaki na nakaupo na at nagtatali ng kanyang mga sandalyas.

«Ano ang gagawin ninyo, itay?»

«Bababa ako sa lambak. Baka makakita ako ng isang masisilungan para sa gabi at bukas manghihingi ako ng limos sa daan at pagkatapos sa baba, sa baba, sa loob ng isang buwan, kung ako ay hindi patay, mapupunta ako sa Templo.»

«Hindi.»

«Kailangan ko bang hindi gawin?... Bakit!»

«Sapagkat ayaw ito ng Diyos. Hindi ka lalakad nang mag-isa. Ang babaeng ito ay sasama sa iyo. Dadalhin ka niya kung saan Ko sasabihin sa kanya at ikaw ay tatanggapin alang-alang sa Akin. Ipagdiriwang mo ang iyong Paskuwa, subalit walang anumang problema. Dinala mo na ang iyong krus , tatay. Ibaba mo na ito ngayon. Ang tanging gagawin mo na lamang ay ang ituon ang iyong sarili sa pananalangin pinasasalamatan ang mabuting Panginoon.»

«Ngunit bakit… bakit… Ako…  Ako ay hindi karapat-dapat ng labis… Ikaw… isang anak… Ito ay mas mahigit pa kung binigyan Ninyo ako ng dalawampung taon… At saan, saan Ninyo ako ipadadala?...» Ang matandang lalaki ay lumuluha sa kanyang mahabang balbas.

«Ipadadala Ko kayo kay Lazarus ni Theophilus. Hindi Ko alam kung nakikilala ninyo siya.»

«O!... Ako ay nanggaling sa hangganan ng Syria at naaalaala ko si Theophilus. Ngunit… O! Pinagpalang Anak ng Diyos, pahintulutan Ninyo ako na pagpalain Kayo!»

At si Jesus, nakaupo sa damuhan, sa harapan ng matandang lalaki, ay iniyuko ang Kanyang ulo upang magawa niya na ipatong nang masolemne ang kanyang mga kamay sa ibabaw nito: «Nawa ang Panginoon ay pagpalain Kayo at panatilihin Kayo. Nawang ang Panginoon ay gawing paningningin ang Kanyang mukha sa Inyo at maging magiliw sa Inyo. Nawang ang Panginoon ay alisan Niya ng takip ang Kanyang mukha sa Inyo at dalhin Kayo sa kapayapaan.»

Sina Jesus, Simon at ang babae ay tumugon nang magkakasabay: «Amen.»

 091210

 



Sunod na kabanata