174. Ang Sermon sa Bundok. Ang mga Beatitude (Ikalimang Bahagi). Ang Engkuwentro kay Maria ng Magdala.

Mayo 29, 1945.

Ito ay isang maluwalhating umaga at ang hangin ay mas malinis kaysa karaniwan. Ang mga distansiya ay tila napaiikli at ang malalayong bagay ay tila nakikita sa pamamagitan ng isang lente napakalinaw at maliwanag ang pinakamaliit na mga detalye. Ang mga pulutong ay naghahanda na upang makinig sa Guro. Sa araw-araw ang kabukiran ay nagiging mas maganda sa marangyang damit nito sa kasagsagan ng panahon ng tagsibol, na sa Palestina sa palagay ko ay sa pagitan ng katapusan ng Marso at sa pagsimula ng Abril, sapagkat pagkaraan nito ito ay may mukhang tipikal na panahon ng tag-araw, na may mga hinog na bunga at makakapal na ganap nang napormang mga kadahunan. Ang buong kabukiran ay ngayon nasa pamumulaklak. Mula sa itaas ng bundok, na adornado ng sariling mga bulaklak nito kahit na sa mga pulo na maaaring lumalabas na siyang pinakamahirap na pamulaklakan, makikita ng isa ang bumabaluktot na mga tanim na trigo umaalun-alon pababa sa kapatagan katulad ng dagat-kaberdehan na mga alon, na may maputlang gintong kulay sa tuktok ng mga tainga ngayon nagkakabutil sa magagaspang na tangkay nito. Ang mga namumungang-punungkahoy, ganap na natatakpan ng mga petalo ay nakatayong tuwid sa ibabaw ng mga tanim na trigo umaalon sa magaang ihip ng hangin, at nagmumukhang kasing dami ng malalaking espongha ng pulbos o mga puting bola, maputlang rosas, madilim na rosas, matingkad na pulang gasa. Ang mga punong-olibo sa kaibhan, sa kanilang damit ng penitente na mga asetiko ay tila mga nagdarasal at ang kanilang mga panalangin ay nagiging isang pansamantalang mga bagsak na ng niyebe ng maliliit na puting mga bulaklak.

Ang tuktok ng bundok ng Hermon ay katulad ng rosas na alabastro at hinahalikan ng araw. Dalawang brilyanteng sinulid – nagmumukhang mga sinulid ito mula rito – ay bumababa mula sa alabastro na tuktok kumikislap sa di-kapani-paniwalang hitsura sa sinag ng araw, at nawawala sa berdeng kakahuyan; lumalabas itong muli sa ibaba sa lambak kung saan napoporma nito ang mga daang-tubig na dumadaloy patungo sa Lawa ng Merom, na hindi nakikita mula rito. Pagkatapos ito ay dadaloy kasama ang magagandang tubig ng Jordan at pagkaraan babagsak sa maputlang sapirong dagat ng Galilee, na kumikislap katulad ng mga tapyas ng mamahaling batong-hiyas na nasa loob ng sinag ng araw at pinaliliwanag nito. Ang mga naglalayag na mga bangka na gumagalaw sa lawa, kalmante at maganda sa loob ng kuwadro ng mga hardin at magagandang panabi ng kabukiran, ay tila tinutulak ng maliliit na magagaang ulap naglalayag sa loob ng karagatan ng kalawakan.

Ang kalikasan ay tila tunay na ngumingiti sa kaagahan ng umaga ng isang araw ng tagsibol.

At ang mga pulutong ay nag-iipun-ipon nang walang tigil. Sila ay lumilitaw mula sa lahat ng direksiyon: matanda, may-sakit, mga bata at mga bata-pang mag-asawa na ibig na masimulan ang kanilang buhay may-asawa nang may pagpapalà ng salita ng Diyos. May mga pulubi at mayayamang tao na tumatawag sa mga apostol at nagbibigay sa kanila ng mga alay para sa mga mahihirap at nananabik na makakuha ng tagóng lugar upang doon ibigay ang mga alay na tila sila ay patungo sa pangungumpisal. Si Tomas ay nakakuha ng isang bag ng paglalakbay at kalmanteng ibinubuhos dito ang lahat na pera na tila ito ay mga patuka sa mga manok, at pagkatapos dadalhin sa bato kung saan si Jesus magsasalita, at siya ay tatawang masaya nagsasabing: “Magsaya, Guro! May sapat Kayo para sa lahat ngayon!»

Si Jesus ay ngingiti at nagsabi: “At tayo ay magsisimula kaagad, upang ang mga nalulungkot ay maging masaya kaagad. Ikaw at ang iyong mga kasama ay pipiliin ang mahihirap at mga maysakit at dalhin sila rito.»

Ito sa pagkumpara ay magagawa sa madaling panahon, subalit kinakailangan nilang pakinggan ang mga kaso ng maraming tao at ang pagpili ay naging matagal sanang gawin kung wala ang praktikal na tulong ni Tomas, na, nakatayo sa isang bato upang makita ng lahat, sumisigaw nang malakas sa kanyang mapuwersang tinig: «Ang lahat na naghihirap gawa ng pisikal na problema pumunta sa aking kanan, sa banda roon, sa ilalim ng lilim.» Ang Iskariote ay ginaya ang kanyang halimbawa dahil siya rin ay may kaloob ng isang pambihirang mapuwersa at magandang tinig, at siya ay sumigaw: «At ang lahat na sa palagay nila sila ay dapat na magkaroon ng limos ay kailangan na pumunta rito malapit sa akin. At siguruhin na kayo ay hindi nagsisinungaling sapagkat ang mga mata ng Guro ay nababasa ang inyong mga puso.»

Ang mga pulutong ay nagsimulang gumalaw upang maporma ang tatlong grupo: ang mga may sakit, ang mga mahihirap, at ang mga nananabik lamang na mapakinggan si Jesus nagtuturo.

Ngunit dalawang tao, at pagkatapos tatlo ng huling grupo ang tila nasa pangangailangan ng kung anong bagay na hindi naman tungkol sa kalusugan o sa pera, subalit mas kailangang-kailangan kaysa sa naunang dalawang bagay: isang babae at dalawang lalaki. Tinitingnan nila ang mga apostol ngunit hindi maglakas-loob na magsalita. Ang seryosong tingnan na si Simon Zealot ay dumaraan; si Pedro din ay dumaraan; siya ay abala sa pagsasalita sa isang dosenang maliliit na bata kung kanino siya ay nangangako ng ilang olibo kung sila ay mananatiling tahimik hanggang sa katapusan ng sermon, at palò kung iistorbuhin nila ang Guro habang nagsasalita; ang nakatatandang mahigpit na si Bartolomeo ay dumaraan; sina Mateo at Felipe ay dumaraan dala-dala ang isang pilay na kinakailangang maghirap nang husto upang makaraan sa gitna ng pulutong; ang mga pinsan din ng Panginoon ay nagdaraan tinutulungan ang isang halos bulag na pulubi at isang napakatandang babae – gaano na kaya katanda ito – umiiyak sinasabi kay Santiago ang lahat na kanyang mga problema; si Santiago ni Zebedeo ay dumaraan karga ang isang kaawa-awang dalagita, na tiyak na may sakit, at na kanyang kinuha mula sa kanyang ina upang matiyak na siya ay hindi masaktan ng mga pulutong, habang ang hinihingal na ina ay sumusunod sa kanya; ang huling dumaraan ay sina Andres at Juan, na aking tatawaging ang dalawang di-mapaghihiwalay, sapagkat habang si Juan, sa kanyang mapanatag na kasimplehan ng isang banal na bata, ay payag na sumama sa kanyang mga kasamahan, si Andres, dahil sa kanyang  pagkamatimpiin,  ay mas gugustuhin pang sumama sa kanyang dating kapwa mga mangingisda at kapwa disipulo ni Juan Bautista. Sila ay nanatili sa sangahan ng dalawang pangunahing daan, upang ipakita sa mga tao ang kanilang mga lugar, subalit sa dahilan na wala nang mga  peregrino sa mabatong landas ng bundok, ang dalawa ay nagsama upang pumunta sa Guro dala ang huling tinanggap na alay.

Si Jesus ay niyuyukuan na ang mga maysakit at ang mga hosana ng mga pulutong ay ang nagbibigay tanda sa bawat himala..

Ang babae, na lumalabas na ganap na naghihirap ang kalooban, ay naglalakas-loob na hilahin ang tunika ni Juan, habang siya ay nakikipagusap kay Andres at ang babae ay ngumiti.

Si Juan ay yumuko at tinanong ang babae: «Ano ang ibig ninyo, babae?»

«Ibig kong makausap ang Guro…»

«Masama ba ang pakiramdam mo? Ikaw ay hindi mahirap…»

«Ako ay mabuti at hindi ako mahirap. Ngunit kailangan ko Siya… sapagkat may mga kasamaan na walang anumang lagnat at may mga paghihirap na walang  karukhaan at ang akin… ang akin…» at siya ay umiyak.

«Makinig, Andres. Ang babaeng ito ay may sakit sa puso at ibig na makausap ang Guro. Ano ang ating gagawin?»

Si Andres ay tiningnan ang babae at nagsabi: «Ito ay tiyak na isang bagay na masakit sa kanya…» Ang babae ay tumango sa pagsang-ayon. Si Andres ay nagpatuloy: «Huwag kayong umiyak… Juan, subukan at dalhin siya sa likuran ng tolda. Dadalhin ko ang Guro roon.»

At si Juan, ngumingiti, ay pinakikiusapan ang mga tao na siya ay paraanin, habang si Andres ay pagawi sa kasalungat na direksiyon patungo kay Jesus.

Ngunit sila ay napuna ng dalawang naghihirap-ang-kalooban na lalaki, at ang isa sa kanila ay pinigilan si Juan, at ang isa pa ay si Andres, at pagkaraan ng maikling sandali kapwa sila ay napasama na kay Juan at sa babae sa likuran ng tolda ng mga sanga na bahagi ng tolda.

Si Andres ay narating si Jesus nang ang Huli ay pinagagaling ang pilay na itinataas ang kanyang mga saklay katulad ng dalawang tropeo nang kasing liksi ng isang mananayaw, isinisigaw ang kanyang pagpapalà. Si Andres ay bumulong: «Guro, sa likuran ng ating tolda may tatlong tao na lumuluha. Subalit ang kanilang mga puso ang sumasakit at ang kanilang paghihirap ay hindi kailangan na malaman…»

«O sige. Nasa Akin pa ang dalagitang ito at ang babaeng ito. Pagkatapos Ako ay pupunta. Lumakad at sabihin sa kanila na magkaroon ng pananampalataya.»

Si Andres ay umalis habang niyuyukuan ni Jesus ang dalagita na hinahawakan na muli ng kanyang ina. «Ano ang iyong pangalan?» si Jesus ay tinanong siya.

«Maria.»

«At ano ang Aking pangalan?»

«Jesus» tugon ng bata.

«At sino Ako?»

«Ang Mesiyas ng Panginoon Na pumunta rito upang magdala ng kabutihan sa mga katawan at mga kaluluwa.»

«Sino ang nagsabi sa iyo?»

«Ang aking ina at ama na mga umaasa sa Inyo para sa aking buhay.»

«Mabuhay at maging mabuti.»

Ang bata, na ang kanyang buto sa likod sa palagay ko ay naapektuhan ng sakit, sapagkat bagama't siya ay mga pitong taong gulang, at baka mas matanda pa, nagagalaw lamang niya ang kanyang mga kamay at ganap na nakabalot sa makapal na matigas na mga bendahe mula sa kanyang kili-kili hanggang sa kanyang mga balakang – nakikita ang mga ito sapagkat ang kanyang ina ay itinaas ang kanyang damit upang ipakita ang mga ito – ay nananatili sa kanyang kinalalagyan sa loob ng ilang mga minuto, pagkatapos nagsimulang magpadalusdos mula sa lapi ng kanyang ina patungo sa lupa at tumakbo patungo kay Jesus Na pinagagaling ang isa pang babae, na ang kaso ay hindi ko alam.

Ang lahat na mga maysakit ay napagbigyan na at sila ang mga lubos na sumisigaw sa pulutong pinapalakpakan “ang Anak ni David, kaluwalhatian ng Diyos at namin.»

Si Jesus ay nagpatungo sa tolda.

Si Judas ng Kerioth ay sumigaw: «Guro! Papaano ang mga ito?»

Si Jesus ay tumalikod at nagsabi: «Papaghintayin sila sa kanilang kinaroroonan. Sila ay pagiginhawahan din» at nagmadali Siyang lumakad patungo sa likuran ng tolda kung saan naroroon ang tatlong taong naghihirap kasama sina Andres at Juan.

«Ang babae muna. Sumama kayo sa Akin patungo sa mga palupo na ito. Magsalita nang walang takot.»

«Aking Panginoon, ang aking asawa ay ibig na iwanan ako para sa isang puta. Ako ay may walong anak at ang bunso ay dalawang taong gulang… Malaki ang aking paghihirap ng kalooban…  at nag-aalala ako tungkol sa aking mga anak… Hindi ko alam kung sila ay kukunin niya o iiwanan sa akin. Tiyak na gugustuhin niya ang mga lalaki, ang pinakapanganay man lamang… At ako na nagpanganak sa kanya ay mawawalan na ng lugod ng nakikita siya? At ano ang kanilang iisipin tungkol sa kanilang ama at tungkol sa akin? Maaaring isipin nila ang kasamaan tungkol sa isa sa amin. At ayaw ko na husgahan nila ang kanilang ama…»

«Huwag lumuha. Ako ang Panginoon ng Buhay at ng Kamatayan. Ang iyong asawa ay hindi pakakasalan ang babaeng iyon. Humayo sa kapayapaan at magpatuloy sa pagiging mabuti.»

«Ngunit… hindi Ninyo siya papatayin? O! Panginoon, minamahal ko siya.»

Si Jesus ay ngumingiti: «Hindi Ako papatay ng sinuman. Ngunit may isa na gagawin ang kanyang trabaho. Kailangan na malaman mo na ang dimonyo ay hindi mas mahigit pa sa Diyos. Pagbalik mo sa iyong bayan malalaman mo na may pumatay sa masamang nilikhang iyon at sa pamamaraan na maliliwanagan ang iyong asawa tungkol sa kung ano ang kanyang ginagawa at mamahalin ka niyang muli nang may nabuhayang pagmamahal.»

Ang babae ay hinahalikan ang kamay na ipinatong ni Jesus sa kanyang ulo at umalis.

Ang isa sa mga kalalakihan ay lumapit: «Ako ay may anak na babae, Panginoon. Sa kamalasan siya ay pumunta sa Tiberias kasama ang ilang kaibigang mga babae at siya ay tila nakainom ng lason. Nang siya ay bumalik sa akin katulad niya ang isang baliw. Ibig niyang magtanan kasama ang isang Griyego… at pagkatapos… Bakit pa siya ipinanganak? Ang kanyang ina ay durog ang puso at baka mamatay sa sama-ng-loob… Ako… tanging ang Inyong mga salita lamang, na aking napakinggan noong nakaraang taglamig, ang nakapagpipigil sa akin na patayin siya. Ngunit, sinasabi ko sa Inyo, ang aking puso ay naisumpa na siya.»

«Hindi. Ang Diyos, Na isang Ama, ay isinusumpa lamang Niya ang nagawa na at di-tinitigilang pagkakasala. Ano ang ibig mo mula sa Akin.»

«Na gawin Ninyong baguhin ang kanyang pamamaraan (ng pamumuhay).»

«Hindi Ko siya kilala at tiyak na hindi siya lalapit sa Akin.»

«Ngunit mapagbabago rin Ninyo ang kanyang puso mula sa malayo! Alam ba Ninyo kung sino ang nagpadala sa akin sa Inyo? Si Johanna ni Chuza. Siya ay papaalis patungong Herusalem nang ako ay pumunta sa kanyang mansiyon upang tanungin siya kung nakikilala niya ang masamang Griyegong iyon. Kinakabahan ako na baka hindi niya siya nakikilala, sapagkat si Johanna ay mabuti, kahit naninirahan siya sa Tiberias, subalit dahil si Chuza ay may mga kilala sa mga Hentil… Hindi siya nakikilala ni Johanna. Ngunit sinabi niya sa akin: “Pumunta ka kay Jesus. Tinawag Niya muli ang aking kaluluwa mula sa napakalayo at pinagaling Niya ako sa aking TB, sa pamamagitan ng tawag na iyon, Pagagalingin din Niya ang puso ng iyong anak na babae. Ako ay magdarasal at kailangan na mayroon kang pananampalataya”. Ako ay may pananampalataya. Nakikita Ninyo ito. Maawa sa akin, Guro.»

«Ang iyong anak na babae ay luluha sa mga tuhod ng kanyang ina ngayong gabi humihingi ng kapatawaran. Kailangan na maging kasing mabuti ka katulad ng kanyang ina at patawarin siya. Ang nakaraan ay patay na.»

«Oo, Guro. Ayon sa ibig Ninyo at pagpalain nawa Kayo.»

Siya ay tumalikod upang umalis… ngunit siya’y bumalik: «Patawarin Ninyo ako, Guro… Ngunit ako’y natatakot nang husto. Ang kahalayan ay ganyan na lamang ka-dimonyo! Bigyan Ninyo ako ng isang sinulid ng Inyong tunika. Ilalagay ko iyan sa unan ng aking anak. Ang dimonyo ay hindi siya tutuksuhin habang siya ay natutulog.»

Si Jesus ay ngumingiti at iniiling ang Kanyang ulo… ngunit pinagbibigyan ang mamâ nagsasabing: «Upang ang iyong isip ay maging mas tahimik. Ngunit kailangan mong maniwala na kapag sinabi ng Diyos: “Gusto Ko ito” ang dimonyo ay umaalis na wala nang iba pang kakailanganin. Kung kaya’t itago mo ito bilang alaala tungkol sa Akin», at Kanyang binibigyan siya ng isang maliit na lamuymoy galing sa Kanyang palawit.

Ang ikatlong lalaki ay pumunta: «Guro, ang aking ama ay namatay. Akala namin mayroon siyang ilang pera. Ngunit wala kaming natagpuan kahit ano. Iyon sana ay walang anuman dahil ang aking mga kapatid at ako ay hindi nagkukulang ng tinapay. Ngunit ako ay namuhay kasama ang aking ama dahil ako ang panganay. Ang dalawang kapatid ko ay inaakusahan ako ng pagnanakaw sa pera at ibig nila akong idemanda ng pagnanakaw. Nakikita Ninyo ang aking puso. Wala akong nakita ni isang pera. Ang aking ama ay itinatago niya ang kanyang pera sa isang maliit na kahon sa loob ng isang metál na kaha. Nang siya ay namatay binuksan namin ang kaha ngunit ang kahon ay wala na roon. Sinasabi nila: “Kagabi, nang kami ay natutulog, kinuha mo iyon”. Ito ay hindi totoo. Tulungan Ninyo ako na maibalik ang kapayapaan at pagtitinginan namin sa isa’t isa.»

Si Jesus ay tinititigan siya at ngumingiti.

«Bakit Kayo ngumingiti, Guro?»

«Sapagkat ang inyong ama ang may kasalanan, ang kasalanan ng isang bata na nagtatago ang kanyang laruan na kung hindi’y may kukuha nito.»

«Ngunit siya ay hindi isang abaro. Maniwala sa akin. Siya ay mapagkawang-gawa.»

«Alam Ko. Ngunit siya ay matandang-matanda na… Iyan ay sakit ng matatandang tao… Ibig niyang mapanatili ang mga bagay para sa inyo, at dala ng labis na pagmamahal, nagawa niya kayo na magkatampuhan. Ngunit ang kahon ay nakabaon sa paanan ng hagdan sa silong. Sinasabi Ko sa iyo upang sana malaman mo na nalalaman Ko. Habang nagsasalita Ako sa iyo, sa hindi sinasadya, ang iyong nakababatang kapatid, sa paghampas nang galit-na-galit, ay nagawang mayanig ito kung kaya’t natuklasan nila ito at sila ngayon ay napapahiya at nalulungkot sa pagbibintang sa iyo. Bumalik ka na sa bahay nang may tahimik na kaisipan at maging mabuti sa kanila. Huwag mo silang kagalitan sa kanilang pagkukulang ng pagtingin sa iyo.»

«Hindi, aking Panginoon. Hindi ko gagawin. Ngunit hindi ako uuwi, mananatili ako rito upang mapakinggan Kayo. Sapat na sa akin kung may kapayapaan sa pagitan namin. Sa kabilang dako… Hindi ko alam kung gaanong pera ang nasa kahon at kung gayon hindi ako maghihirap para sa anumang impormasyon na kontra sa katotohanan. At akin nang tinitingnan na ang perang iyong ay maaaring nawala na… Mamumuhay na ako ngayon, katulad nang pamumuhay ko dati, kung pagkakaitan nila ako niyon. Sapat na kung hindi nila ako tatawaging isang magnanakaw.»

«Malayong abante ka na sa daan ng Diyos. Magpatuloy at ang kapayapaan ay mapasaiyo.»

At ang mamâ din na iyon ay umalis na masaya.

Si Jesus ay bumalik sa mga pulutong, pagawi sa mahihirap na tao at binibigyan Niya sila ng mga limos ayon sa Kanyang sariling paghusga. Ang lahat ngayon ay masaya na at si Jesus ay makapagsasalita na.

«Ang kapayapaan ay sumainyo.

Ipaliliwanag Ko ang mga daan ng Panginoon sa inyo, upang sana masundan ninyo ito. Masusundan ba ninyo ang landas na bumababa sa kanang tabi, at kasabay na sundan ang isa sa kaliwang tabi? Hindi ninyo magagawa. Sapagkat kung kukunin ninyo ang isa kailangan na iwanan ninyo ang isa. Kahit na kung ang dalawang daan ay magkalapit hindi kayo makapaglalakad nang anumang kalayo na ang isang paa nasa isang daan at ang isa nasa kabila. Magtatapos kayong pagod at nakagagawa ng pagkakamali, kahit na kung may pustahan. Ngunit sa pagitan ng daan ng Diyos at ng daan ni Satanas ay may malaking distansiya, na palaki pa nang palaki, katulad-na-katulad ng dalawang daan na umaakyat doon, ngunit habang bumababa ang mga ito patungo sa lambak palayo nang palayo sila sa isa’t isa, habang ang isa ay patungong Capernaum at ang isa patungong Ptolomais.

Ganyan ang buhay, nakakaang ito sa nakaraan at hinaharap, sa mabuti at masama.  Ang tao ay nasa gitna kasama ang kapangyarihan ng kanyang kalooban at ang kanyang malayang kalooban; sa mga dulo, sa isang tabi ay nariyan ang Diyos at ang Kanyang Langit, sa kabilang tabi si Satanas at ang kanyang Impiyerno. Ang tao ay makapamimilí. Walang namimilit sa kanya. Huwag sabihin sa Akin: “Si Satanas ay tinutukso kami” bilang dahilan ng pagbaba patungo sa mababang daan. Ang Diyos din ay nanunukso ng Kanyang pagmamahal, na napakalakas, ng Kanyang mga salita, na banal-na-banal, ng Kanyang mga pangako, na labis na nakahahalina! Bakit kung gayon pinahihintulutan ninyo na matukso ng isa lamang sa dalawa, ng pinaka-di-karapat-dapat na pakinggan na isa? Ang mga salita kaya ng Diyos, mga pangako, pagmamahal ay hindi sapat upang malabanan ang lason ni Satanas?

Isipin na iyan ay hindi pabor sa inyo. Kapag ang isang tao ay pisikal na napakalusog, siya ay hindi maaaring hindi mahawahan, napangingibabawan lamang niya ito bagkus nang madali. Samantalang kung ang isang tao na dati nang may sakit, at dahil dito mahina, siya ay halos tiyak na mamamatay sa pagkakataon na makakuha ng bagong impeksiyon, at kung siya man ay mabuhay, magiging mas malubha ang kanyang kalagayan kaysa dati sapagkat ang kanyang dugo ay nagkukulang ng lakas na pataying ganap ang nakahahawang mga mikrobyo. Ganito rin ang nangyayari sa mas superior na bahagi. Kung ang isang tao ay moral at espirituwal na malusog at malakas, maaari kayong makatiyak na siya ay hindi malaya sa mga panunukso, ngunit ang kasamaan ay hindi magkakaugat sa kanya. Kapag napapakinggan Ko ang isa na nagsasabi sa Akin: “Nilapitan ko ang taong ito at iyon, binasa ko ang aklat na ito at iyon, sinikap kong makumbinsi ang tao na ito at iyon na gumawa ng mabuti, ngunit sa katunayan ang kasamaan na nasa kanilang kaisipan at sa kanilang mga puso, ang kasamaan na nasa aklat, ay nakapasok sa aking puso”, sasabihin Ko kung gayon: “Ito ang patunay na nakapaglikha na kayo sa loob ninyo ng isang tamang lugar para sa pagpasok. Ito ang patunay na kayo ay mga mahihina nagkukulang sa moral at espirituwal na lakas. Sapagkat kailangan na makakuha tayo ng ilang kabutihan din mula sa ating mga kaaway. Sa pagtingin sa kanilang mga pagkakamali kailangan na matutunan natin ang hindi mahulog sa ganyan ding pagkakamali. Ang isang matalinong tao ay hindi nagiging katatawanan ng unang doktrinang kanyang pinakinggan. Ang isang tao na tigmak sa isang doktrina ay hindi makagagawa ng lugar sa kanyang isipan ng para sa ano pa man na iba. Ito ang kapaliwanagan tungkol sa mga kahirapan na makikita kapag ang isa ay nagsisikap na makapagkumbinsi ng mga tao, na mga nakumbinsi na ng ibang mga doktrina, na sundan ang tunay na Doktrina. Ngunit kung tinatanggap ninyo na ang inyong isip ay nagbabago katulad ng isang patubiling, makikita Ko na kayo ay ganap na walang-laman, na ang inyong espirituwal na muog ay puno ng bitak, na ang dike ng inyong isip ay tumatagas sa daan-daang lugar, sa pamamagitan nito kung saan nakalalabas ang mabuting tubig at nakapapasok ang may masamang-amoy na tubig at kayo ay napakatanga at walang-pakialam na wala man lang kayong nalalaman tungkol dito at hindi ninyo ito nakikita. Kayo ay sawing-palad.

Sa dalawang daan, kung gayon, piliin ang isang mabuti at magpatuloy dito nilalabanan ang mga panghahalina ng mga pándamá, ng mundo, ng siyensiya, ng dimonyo.  Pabayaan sa mga tao ng mundo ang mga kalahating pananampalataya, pakikipagkumpromiso, pakikipag-alyansa sa dalawang tao, ang isa salungat sa isa,. Sila ay kailangan din na iwasan ang mga ito, kung sila ay mga matatapat. Ang mga tao ng Diyos, kayo man lamang, ay kailangan na iwasan ang mga ito. Hindi kayo maaaring magkaroon ng mga ito kasama ang Diyos o si Mammon. Ni kayo mismo ay hindi kailangan na magkaroon ng mga ito, sapagkat ang mga ito ay magiging walang halaga. Kung ang inyong pagkilos ay isang halò ng mabuti at masama, ito ay walang halaga kahit na ano. Ang ganap na mabubuting pagkilos ay makakansela ng masasamang pagkilos. Ang masasamang pagkilos ay dadalhin kayong tuwiran sa mga kamay ng Kaaway. Kung kaya’t huwag magpasasa sa mga ito. Maging matapat sa inyong paglilingkod. Walang makapaninilbihan sa dalawang panginoon na may dalawang magkaibang isip. Mamahalin niya ang isa at kapopootan ang isa o ang kabaligtaran. Hindi kayo maaaring kapwa nasa Diyos at kay Mammon. Ang espiritu ng Diyos ay hindi maaaring maipagkasundo sa espiritu ng mundo. Ang una ay tumataas, ang huli bumababa. Ang una ay nagpapabanal, ang huli nagpaparumi. Kung kayo ay marumi, papaano kayo makakakilos nang may kadalisayan? Ang mga pándamá ay umaapoy sa maruruming tao at ang ibang mga kahalayan ay sumusunod sa mga pándamá.

Nalalaman na ninyo kung papaano naparumi si Eba at kung papaano si Adan naging marumi sa pamamagitan niya. Si Satanas ay hinalikan ang mga mata ng babae at ginayuma ang mga ito, upang ang bawat tingin, na magpahanggan noon ay dalisay, ay naging di-dalisay para sa kanya at nagpaalsa ng kakaibang  mga pang-uusisa. Pagkatapos si Satanas ay hinalikan ang kanyang mga tainga at binuksan ang mga ito sa mga salita ng isang bagong siyensiya: kanyang sarili. Si Eba din ay ginustong malaman ang hindi kinakailangan. Pagkatapos pinakita ni Satanas sa kanyang mga mata at isipan, ngayong nagising na sa Kasamaan, kung ano ang dating hindi nila nakikita o naiintindihan, at ang lahat ay naging matalas at marumi kay Eba.  At ang Babae ay pumunta sa lalaki, ibinunyag ang kanyang lihim at kinumbinsi si Adan na tikman ang bagong prutas, napakaganda sa mata at mahigpit-na-mahigpit na ipinagbabawal magpahanggang sa sandaling iyon. At kanyang hinalikan at tiningnan si Adan ng bunganga at mga matang naparumi na ng makulimlim na kawalang-kaayusan ni Satanas. At ang pagpaparumi ay pinasok si Adan na nakakita, at sa pamamagitan ng kanyang mga mata ninasa niya kung ano ang ipinagbabawal at kanya itong kinagat kasama ang kanyang kasa-kasama at bumagsak mula sa ganyang kataas pababa sa putik.

Ang isang maruming tao ay dadalhin ang isa pang tao sa karumihan, maliban kung ang huli ay isang santo sa tunay na ibig-sabihin ng salita.

Bantayan ang inyong mga mata, mga tao. Kapwa ang mga mata ng inyong mga katawan at ang mga mata ng inyong mga isipan. Kung sila ay marurumi, maparurumi nila bagkus ang iba pa. Ang mata ay ang liwanag ng katawan. Ang inyong kaisipan ay ang liwanag ng inyong puso. Ngunit kung ang inyong mata ay hindi dalisay – sapagkat sa dahilan na ang mga sangkap ng katawan ay nakapailalim sa kaisipan, ang isang maruming kaisipan ay maparurumi rin ang mga pándamá – ang lahat sa inyo ay magiging malabo, at ang nanunuksong kulabong ay lilikha ng di-purong mga malikmata sa inyo. Ang lahat ay puro sa kanya na may isang purong kaisipan na nakagagawa ng purong tingin, at ang liwanag ng Diyos ay bumababa bilang isang panginoon kung saan walang hadlang ng mga pándamá . Subalit kung dala ng masamang kalooban sinanay ninyo ang inyong mga mata sa mga wala-sa-kaayusang mga bisyon, ang lahat ay magiging kadiliman sa inyo.  Walang mangyayari na titingin kayo sa pinakabanal na mga bagay. Sa kadiliman sila ay wala bagkus kaitiman at ang kaitiman ay ang mga gawang pinangyari ninyo.

Kung gayon, O! mga anak ng Diyos, ipagsanggalang ninyo ang inyong mga sarili laban sa mga sarili ninyo mismo. Alagaan nang masugid ang inyong mga sarili laban sa lahat na mga panunukso. Walang kasamaan sa pagiging tinutukso. Ang isang atleta ay inihahanda ang kanyang sarili para sa pagtatagumpay nakikipaglaban. Ngunit kasamaan ang mapanaigan dahil kayo ay hindi handa at kayo ay pabaya. Alam Ko na lahat ay nagsisilbing isang tukso. Alam Ko na ang depensa ay nakakapagod. Alam Ko na nakakapagod ang pangangailangan na makipaglaban. Ngunit isipin kung ano ang inyong makukuha sa pamamagitan ng mga bagay na ito. At para sa isang oras ng sarap, ano pa man ito, ibig ba ninyong mawalan ng eternidad ng kapayapaan? Ano ang iniiwan ng sarap ng laman, ng ginto, ng mga kaisipan sa inyo? Wala. Ano ang inyong kikitain sa pag-ayaw sa mga ito? Lahat. Ako ay nagsasalita sa mga makasalanan, sapagkat ang tao ay isang makasalanan. Bueno, sabihin sa Akin ang katotohanan: pagkatapos na pinagpasasa ninyo ang inyong mga pándamá, ang inyong pagmamalaki, inyong katakawan, naging mas sariwa ba ang inyong pakiramdam, mas masaya, mas ligtas? Sa oras na sumusunod sa inyong pagpapakasarap, na laging ang oras ng pagninilay-nilay, naramdaman ba ninyong sinsiro na kayo ay masaya? Hindi Ko kailanman natikman ang tinapay ng kahalayan. Ngunit Ako’y tutugon sa inyong katauhan: “Hindi. Pananamlay, kawalang-saya, kawalang-katiyakan,  pagkaani, takot, kabalisahan: na siyang ang katas na napiga ng oras na pinaraos sa pagpapakasasa”.

Ngunit sinasamo Ko kayo: habang sinasabi Ko sa inyo: “Huwag kailanman gawin iyan”, sasabihin Ko rin sa inyo: “Huwag maging matigas sa mga nakagagawa ng mga pagkakamali”.  Alalahanin na kayong lahat ay magkakapatid, ginawa sa iisang laman at iisang kaluluwa. Isipin na maraming rason kung bakit nadadala ang isa sa pagkakasala. Maging maawain sa mga nagkakasala at may-kabaitan na tulungan sila at dalhin silang pabalik sa Diyos, ipinakikita sa kanila na ang daan na kanilang sinusundan ay puno ng panganib para sa laman, sa isip at sa espiritu. Gawin iyan at kayo ay tatanggap ng malaking gantimpala… Sapagkat ang Ama Na nasa Langit ay mahabagin sa mabubuting tao at nalalaman Niya kung papaano bigyan kayo ng sandaang ibayo sa isa. Ngayon ay sasabihin Ko sa inyo…

At dito sinabi sa akin ni Jesus na maaari ninyong kopyahin ang vision na may petsang Agosto 12 1944, mula sa linya 35 hanggang sa katapusan, ibig sabihin sa pag-alis ni Maria ng Magdala.

                                                                                -----------------

Agosto 12, 1944.

jesus sinasabi

Sinasabi ni Jesus:

«Tingnan at magsulat.  Ito ay ang Ebanghelyo ng Awa na ibinibigay Ko sa lahat at lalo na sa mga babaeng iyon na makikilala ang kanilang mga sarili sa makasalanan at  na Aking mga inaanyayahan na sundan siya sa kanyang katubusan.»

Si Jesus ay nakatayo sa bato at nagsasalita sa isang malaking pulutong. Ito ay isang bulubunduking lugar. Isang mapanglaw na burol, sa pagitan ng dalawang lambak. Ang tuktok ng burol ay kinorteng katulad ng isang pamatok, o kung baga, katulad ng likod ng isang kamelyo, upang pagkatapos ng kaunting yarda mula sa tuktok ay may isang natural na ampiteatro kung saan ang mga tinig ay bumabandang maliwanag katulad ng isang maayos-na-itinayong bulwagan ng konsiyerto.

Ang burol ay ganap na nasa pamumulaklak. Maaaring ngayon ay tag-init. Ang mga bunga sa ibaba sa kapatagan ay nagsisimula nang mahinog at naghahanda na para putulin. Ang glasyer ng isang mataas na bundok sa hilaga ay nagniningning sa ilalim ng sinag ng araw. deretso sa ibaba, pagawing silangan, ang Karagatan ng Galilee ay nagmumukhang isang salamin na binasag sa di-mabilang na mga pira-piraso, na ang bawat isa nito ay isang sapiro na pinaapoy ng araw. Ang asul-na-ginto ng pagkislap nito ay nakasisilaw at nasasalamin nito ang ilang magagaang ulap sa isang napakalinaw na kalawakan at ang anino ng ilang mabibilis na naglalayag na mga bangka. Sa ibayo ng lawa ng Gennesaret ay may isang malawak na kapatagan ng lupa, na dahil sa isang magaang ulap malapit sa lupa, baka gawa ng pagsingaw ng hamog – sa katunayan maaaring maagang umaga ngayon dahil ang mga damo sa bundok ay may ilang mala-hamog na brilyanteng kumikislap sa mga uhay – ay nagmumukhang pagpapatuloy ng lawa na may katulad-ng-opalo na kulay na may mga berdeng guhit-guhit. Sa mas malayo pa nito ay may kabit-kabit na mga bundok, na ang tabi nito ay napakapambihira upang magbigay ng impresyon ng mga ulap na iginuhit sa malinaw na kalawakan.

Ang iba sa mga tao ay mga nakaupo sa damuhan, ang iba sa malalaking bato, ang iba nakatayo. Ang apostoladong grupo ay hindi kumpleto. Nakikita ko sina Pedro at Andres, sina Juan at Santiago, at naririnig ko ang isa pang dalawa na tinatawag na Natanael at Felipe. Pagkatapos may isang kasama sa at hindi isa sa grupo. Baka siya ang huling dumating: tinatawag nila siya na Simon. Ang iba pa ay wala rito, maliban kung sila ay kasama ng mga pulutong at hindi ko sila nakikita.

Ang sermon ay nakapagsimula na. Naintindihan ko na ito ay ang Sermon sa Bundok. Ngunit ang mga Beatitude ay naiproklama na. Masasabi ko na ang sermon ay papalapit na sa katapusan sapagkat si Jesus ay nagsasabi: «Gawin iyan at tatanggap kayo ng malaking gantimpala. Sapagkat ang Ama Na nasa Langit ay mahabagin sa mabubuting tao at nalalaman Niya kung papaano bigyan kayo ng sandaang ibayo sa isa. Kung kaya’t sasabihin Ko sa inyo…»

May labis na pagkakagulo ng mga tao na mga nagsisiksikan sa paligid ng daan patungo sa patag na tuktok.  Ang mga tao na pinakamalapit kay Jesus ay inililingon ang kanilang mga ulo. Ang atensiyon ng lahat ay nasira. Si Jesus ay tumigil ng pagsasalita at ibinaling ang Kanyang mga mata sa direksiyon na tinitingnan ng iba. Siya ay seryoso at magandang lalaki sa Kanyang madilim na asul na tunika, ang Kanyang mga braso na tiklop sa Kanyang dibdib habang ang unang mga sinag ng araw na tumataas sa ibabaw ng silangang tuktok ng burol ay tumatama sa Kanyang ulo.

«Magparaan, kayong mga plebeyo» sigaw ng galit na tinig ng lalaki. Magparaan sa kagandahan na dumaraan…» at ang apat na pusturyosong lalaki, ismarteng nakadamit, ay pumunta sa unahan, ang isa sa mga ito ay tiyak na Romano, sapagkat nakasuot siya ng toga ng Romano; dala nila si Maria ng Magdala, isang malaking makasalanan pa rin, nang mapagpanagumpay sa ibabaw na kanilang mga braso, pinagkabit-kabit upang maporma ang isang mauupuan.

At siya’y ngumingiti sa pamamagitan ng kanyang magandang bunganga, iniiitsang patalikod ang kanyang ulo at ang kanyang ginintuang buhok, na pulos tirintas at kulot hawak ng mamahaling mga pang-ipit at ng isang malabnaw na gintong dahon na may mga perlas, na pumapaikot sa mataas na bahagi ng kanyang noo katulad ng isang diyadema, mula kung saan magagaang kulot ang nakabitin upang matakpan ang kanyang maririkit na mata, nagawang mas malalaki at mas nakapanunukso sa pamamagitan ng mabuting pagmeykap. Ang diyadema ay nawawala sa likuran ng kanyang mga tainga, sa ilalim ng masa ng mga tirintas sa likuran ng kanyang puting-niyebeng ganap na walang takip na leeg. Ang kanyang mga balikat ay walang takip pababa hanggang sa kalaparan ng mga buto ng mga balikat sa likod at lalo nang ganito ang kanyang dibdib. Ang kanyang damit ay nahahawakan sa kanyang mga balikat sa pamamagitan ng dalawang maliliit na gintong kadena. Ito ay ganap na walang mga manggas. Ang kanyang katawan ay natatakpan, masabi lang nang ganito, ng isang belo na ang tanging gamit lamang ay upang maprotektahan ang kanyang balat sa pagkasunog sa araw. Ang damit ay gawa sa napakagaang materyal at kapag tinatapon niya ang kanyang likod, dala ng paggiliw, sa isa o sa isa pa sa kanyang mga kairog, tila ginagawa niya ito nang ganap na hubad. Sa aking pakiwari ang Romano ang mas nagugustuhan niya sapagkat sumusulyap at ngumingiti siyang madalas sa kanya at ipinapatong ang kanyang ulo sa kanyang balikat.

«Ang minimithi ng diyosa ay napagbigyan na» sabi ng Romano. «Ang Roma ay umaktong tuntungan para sa bagong Venus. Sa banda roon, naroroon ang Apollo na ibig mong makita. Tuksuhin mo Siya, kung gayon… Ngunit mag-iwan din ng ilang mga mumo ng iyong halina para sa amin.»

Si Maria ay tumatawa at sa pamamagitan ng isang maliksing nakapag-aanyayang kilos, siya ay tumalon sa lupa, naipakikita ang kanyang maliliit na paa saplot ng puting mga sandalyas na may mga hibilyang ginto, pati na rin ang mahaba-habang bahagi ng kanyang hita at binti. Pagkatapos ang damit ay natakpan ang kanyang buong katawan. Ito sa katunayan ay isang napakalapad na damit yari sa niyebeng kaputian na lana kasing nipis ng isang belo, nahahawakan nang mahigpit sa baywang, napakababa, malapit sa kanyang mga panabi, sa pamamagitan ng isang malapad na sinturon gawa sa malalambot na gintong mga parang medalya. At siya ay tumayo sa berdeng patag na tuktok, kung saan may napakaraming mga liryo ng lambak at mga ligaw na narcissi, katulad ng isang buhay na laman na bulaklak, isang di-purong bulaklak, na pinalitaw doon ng panggagaway.

Siya ay mas maganda kahit kailanman. Ang kanyang munting mga purpurang labì ay tila isang carnation bumubuka sa kaputian ng kanyang perpektong mga ngipin. Ang kanyang mukha at katawan ay makapagbibigay kasiyahan sa pinakamapiling pintor o eskultor kapwa dahil sa kanyang kutis at sa kanyang pigura. Sa pamamagitan ng kanyang dibdib, kanyang perpektong laki ng mga panabi, kanyang natural na malambot na balingkinitang baywang, kompara sa kanyang mga panabi at dibdib, kamukha niya ang isang diyosa, katulad ng sinabi ng Romano, isang diyosa hinugis sa isang malabnaw na mala-rosal na marmol na sa mga panabi nito ang isang tela ay ibinitin at pagkatapos pinalawitan sa harapan ng isang masa ng mga tupi. Ang lahat ay kinorte upang makapagbigay ng kasiyahan.

Si Jesus ay tinititigan siya. At siya ay mapanlaban na tinitiis ang Kanyang tingin habang siya ay ngumingiti at pumipilipit nang bahagya habang kinakanti siya ng Romano, pinasasayad sa kanyang bukas na mga balikat at dibdib ang isang liryo na pinitas sa damuhan. Si Maria na may pagkukunwaring galit, ay itinaas ang kanyang belo nagsasabing: “Magkaroon ng respeto para sa aking inosensiya» na nagawa ang apat na mapahalakhak.

Si Jesus ay patuloy siyang tinititigan. Nang kaagad naglaho ang ingay ng tawanan, ipinagpatuloy ni Jesus ang pagsasalita, na tila ang paglitaw ng babae ay nakapagpa-apoy sa sermon, na nawawalan na ng tindi sa pagtatapos, at hindi na Niya siya tinitingnan.  Kanyang tinitingnan sa halip ang Kanyang mga tagapakinig na tila napahiya at naiskandalo ng pangyayari.

Sinasabi ni Jesus: «Sinabi Ko sa inyo na maging matapat sa Batas, na maging mapagpakumbaba at maawain, na ibigin hindi lamang ang inyong mga kapatid sa laman bagkus pati rin ang mga bilang kapatid ninyo dahil sila ay ipinanganak, katulad ninyo, ng tao. Sinabi Ko sa inyo na ang pagpapatawad ay mas mabuti kaysa sa karahasan, na ang awa ay mas mabuti kaysa katigasan ng ulo. Ngunit ngayon ay sasabihin Ko sa inyo na hindi kayo kailangan na magkundina maliban kung kayo ay malaya sa pagkukulang na ibig ninyong ikundina. Huwag umasal katulad ng mga Eskriba at mga Pariseo na mga mahihigpit sa lahat maliban sa kanilang mga sarili, na tinatawag nilang di-puro kung ano ang panlabas at makapanghahawa sa kung ano lamang din ang panlabas at pagkatapos tumatanggap sila ng di-kapuruhan sa pinakailaliman ng kanilang mga puso.

Ang Diyos ay hindi nananatiling kasama ng mga di-puro. Sapagkat ang di-kapuruhan ay nagpaparumi sa kung ano ang pag-aari ng Diyos: mga kaluluwa, at lalo na ang mga kaluluwa ng mga anak na mga anghel na nakakalat sa lupa. Kapahamakan sa mga pumupunit ng kanilang mga pakpak nang may kalupitan ng mala-dimonyong mga hayop at  itatapon ang mga bulaklak na iyon ng Langit sa putikan, upang magawang matikman nila ang lasa ng mga materyal na bagay! Kapahamakan… Mas mabuti na kung mamatay silang hinampas ng mga kidlat kaysa magawa ang ganyang kasalanan!

Kapahamakan sa inyo, mga mayayaman at nagmamadaling namumuhay na mga tao! Sapagkat nasa pagitan ninyo ang pamumugad ng pinakamalalang di-kapuruhan at ang kawalang-magawa at pera ay ang kama at unan nito!  Kayo ngayon ay babad na. Ang pagkain ng pagkakiling sa kasalanan ay inaábot ang inyong mga lalamunan at sinasakal kayo. Ngunit kayo ay magugutom.  At ang inyong kagutuman ay magiging grabe, di-mabibigyan ng kasiyahan at di-mapatatahimik magpakailanpaman. Kayo ngayon ay mayaman. Gaanong kabutihan ang magagawa ninyo ng inyong kayamanan! Sa halip gumagawa kayo ng labis na kapinsalaan kapwa sa inyong mga sarili at sa ibang mga tao. Ngunit dadanas kayo ng nakakatakot na kahirapan sa isang araw na hindi magkakaroon ng katapusan. Ngayon kayo ay tumatawa. Akala ninyo kayo ay nagtatagumpay. Ngunit ang inyong mga luha ay pupunuin nito ang mga sanaw ng Gehenna. At hindi kailanman iyan titigil.

Saan namumugad ang pangangalunya? Saan nagtatago ang pagpaparumi sa mga bata-pang babae? Sino ang may dalawa o tatlong mahahalay na kama, bilang karagdagan sa kanyang matrimonyong higaan, kung saan doon niya winawaldas ang kanyang pera at inaaksaya ang lakas ng kanyang malusog na katawan na ibinigay ng Diyos upang sana siya ay makapagtrabaho para sa kayang pamilya at hindi upang pudpurin niya ang kanyang sarili sa pamamagitan ng maruruming pakikipagtalik na naglalagay sa kanya sa ilalim ng di-malinis na mga hayop? Napakinggan ninyo na ito ay sinabi: “Hindi kayo gagawa ng pangangalunya”. Ngunit sasabihin Ko sa inyo na siya na tumitingin sa isang babae nang may kahalayan, o ang babae na ibig sumama sa isang lalaki, ay nakagagawa na ng pangangalunya sa loob ng kanyang puso, simpleng sa pamamagitan niyan. Walang dahilan na makapagbibigay katwiran sa pakikipagtalik sa di ninyo asawa. Wala. Ni ang pag-abandona o ang pagpalayas ng isang asawang lalaki. Ni ang awa para sa pinalayas na babae. Kayo ay may iisang kaluluwa lamang. Kapag ito ay idinugtong sa isa pang kaluluwa sa pamamagitan ng kasunduan ng katapatan, hindi ito kailangan na humiga. Kung ito’y gawin nito ang magandang katawan para kung kanino kayo nagkasala ay sasama sa inyo, o di-purong mga kaluluwa, patungo sa walang-kaubusan na apoy. Putulin ninyo ang inyong katawan, kaysa patayin ito magpakailanman sa pamamagitan ng pagpápasamà dito. Gumising kayo sa inyong moral na mga pándamá, o mayayamang tao, mga maruruming lababo ng bisyo, upang hindi masuklam sa inyo ang Langit…»

Si Maria, na sa simula ay nakikinig na may mukha na isang panaginip ng panunukso at panunuya, paismid-ismid paminsan-minsan, sa katapusan ng sermon ay naging maputla sa galit. Nabatid niya na bagama't si Jesus ay hindi siya tinitingnan, Siya ay nagsasalita sa kanya. Siya ay namumutla pa nang namumutla at mapagrebelde at sa wakas hindi na siya makatagal. Siya ay mapanuyang binalot ang kanyang sarili sa kanyang belo at sinusundan ng mga sulyap ng mga pulutong nililibak siya at ng tinig ni Jesus na hindi siya pinakakawalan, siya ay tumakbong pababa sa dalisdis ng bundok, naiiwan ang mga kapiraso ng kanyang damit sa mga tinikang tanim at palumpong tumutubo sa mga gilid ng landas, tumatawa dala ng galit at panunuya.

Wala na akong nakikita pang iba. Ngunit sinasabi ni Jesus: «Makakakita ka pa ng iba.»

                                                                                -------------

Mayo 29, 1945.

jesus sinasabi

Si Jesus ay nagpapatuloy:

«Kayo ay nagagalit sa nangyari. Sa loob ng dalawang araw ang ating kanlungan, na malayong mataas sa putik, ay nabalisa ng hagishis ni Satanas. Ito kung gayon ay hindi na isang kanlungan at ating iiwanan ito. Ngunit ibig Kong tapusin ang alituntunin na ito ng “pinakaperpekto” sa malapad at maningning na kagiliran na ito. Ang Diyos ay totoong nagpakita rito sa mahestad ng Tagapaglikha at pinagmamasdan ang Kanyang mga kababalaghan makapaniniwala tayo nang may katatagan na Siya at hindi si Satanas ang Panginoon. Ang Masamang Isa ay ni hindi makalilikha kahit na isang uhay ng damo. Ngunit ang Diyos ay magagawa ang lahat. Ito ay kailangan na makapagpaginhawa sa atin. Ngunit kayo ay nasa loob na ng sikat ng araw. At iyan ay makapipinsala. Kumalat sa mga dalisdis kung saan may lilim at malamig ang lugar. Kumain kayo, kung gusto ninyo. Ako ay magsasalita sa inyo muli sa gayon ding paksa. Maraming bagay ang nakapagpaantala sa atin. Ngunit huwag malungkot tungkol diyan. Kayo ay kasama ng Diyos dito.»

Ang mga pulutong ay nagsigawan: «Oo, kasama namin. Kasama Kayo» at sila ay nagsigalawan patungo sa ilalim ng mga palumpungan na nakakalat sa silangang tabi upang ang dalisdis ng burol at ang mga sanga ng punungkahoy ay nakapagpoprotekta sa kanila sa sikat ng araw, na napakainit na ngayon.

Pansamantala si Jesus ay sinasabihan si Pedro na alisin na ang tolda.

«Tayo ba ay totoong aalis?»

«Oo, aalis tayo.»

«Dahil siya ay dumating?...»

«Oo, ngunit huwag kang magsalita sa iba, lalo na sa Zealot. Siya ay mababalisa dahil kay Lazarus. Hindi Ako makapapayag na ang salita ng Diyos ay pagtawanan ng mga hentil…»

«Alam ko na, alam ko na…»

«Bueno, may isang bagay pa na kailangan mong maintindihan.»

«Alin, Guro?»

«Na kinakailangan na maging matahimik sa ilang mga kaso. Pakiusap na huwag mong kalimutan. Ikaw ay mahal-na-mahal, ngunit napakamabiglain mo rin na ikaw ay sumasabog na makapagsalita ng masasakit na pamimintas.»

«Naiintindihan ko… ayaw Ninyo para kay Lazarus at kay Simon…»

«At para sa iba rin.»

«Sa palagay ba Ninyo magkakaroon ng isa man ngayon?»

«Ngayon, bukas, sa araw pagkaraan bukas, lagi. Kinakailangan na bantayan ang pagkamabiglain ng Aking Simon ni Jonah. Lumakad ka na at gawin ang sinabi Ko sa iyo.»

Si Pedro ay umalis tinatawag ang kanyang mga kasamahan upang tulungan siya.

Ang Iskariote ay nag-iisip sa isang sulok. Si Jesus ay tinatawag siya nang tatlong beses, ngunit hindi siya makarinig. Sa wakas siya ay lumingon: «Kailangan ba Ninyo ako, Guro?» siya ay nagtanong.

«Oo, lumakad at kumain ka at tulungan mo ang iyong mga kasamahan.»

«Hindi ako nagugutom. Ni hindi rin Kayo.»

«Ni hindi rin Ako, ngunit para sa ibang mga dahilan. Ikaw ba ay balisa, Judas?»

«Hindi, Guro. Ako’y pagod…»

«Papunta na tayo ngayon sa lawa at pagkatapos sa Judea, Judas. Sa bahay ng iyong ina, ayon sa ipinangako Ko…»

Si Judas ay sumaya. «Totoo bang sasama na Kayo lamang sa akin?»

«Siyempre. Mahalin mo Ako, Judas. Ibig Ko na ang Aking pagmamahal ay maging ganyan sa iyo na mapanatili kang malayo sa lahat na kasamaan.»

«Guro… ako ay isang tao. Hindi ako isang anghel. Kung minsan, napapagod ako. Kasalanan ba na maramdaman ang pangangailangan na matulog?»

«Hindi, maliban kung matutulog ka sa Aking dibdib. Tingnan sa banda roon kung gaano kasaya ang mga tao at kung gaano kaganda ang tanawin mula rito. Ang Judea ay maaaring maganda rin sa tagsibol.»

«Napakaganda, Guro. Ngunit ang tagsibol, doon, sa mga bundok, na mas mataas kaysa nito, ay nahuhuli. Ngunit may magagandang bulaklak doon. Ang mga lootan ng mansanas ay kahanga-hanga. Ang aking, na inaalagaan ng aking ina, ay isa sa mga magaganda. At kapag namamasyal siya roon, na ang mga kalapati sinusundan siya upang kumuha ng ilang trigo, maniwala Kayo sa akin, iyon ay isang tanawin na makapagpapagaan sa iyong puso.»

«Naniniwala Ako sa iyo. Kung ang Aking Ina ay hindi masyadong napapagod, ibig Kong dalhin Siya upang makita ang iyong ina. Mamahalin nila ang isa’t isa, sapagkat kapwa sila mabuti.»

Si Judas, natangay ng ideang ito, ay nagiging masaya at nakakalimutan na <siya ay hindi gutom at siya ay pagod» ay masayang tumakbo patungo sa kanyang mga kasamahan at matangkad na katulad niya, kinalag niya ang mga buhol ng tali na mga nasa pinakamatataas nang walang anumang hirap at kinain ang kanyang tinapay at mga olibo, kasing saya ng isang bata.

Si Jesus ay tinitingnan siya nang naaawa at pagkatapos pinuntahan ang mga apostol.

«Naririto ang ilang tinapay, Guro. At isang itlog. Nagawa kong ibigay iyan sa akin ng mayamang tao na iyon sa banda roon, ang isang nakasuot ng pulang tunika. Sinabi ko sa kanya: “Ikaw ay nakikinig at ikaw ay nagugutom. Siya ay nagsasalita at napapagod. Ibigay mo sa akin ang isa sa mga itlog mo. Mas malaki ang magagawang kabutihan niyan sa Kanya kaysa ng magagawa sa iyo”.»

«Pedro!»

«Hindi, Panginoon. Kasing putla Ninyo ang isang sanggol na sumususo sa isang walang-laman na dibdib, at nagiging payat Kayo katulad ng isang isda pagkatapos ng panahon ng pagbibinhi. Hayaan Ninyong asikasuhin ko ito. Ayaw kong kailangan na pagalitan ko ang aking sarili mismo. Ilalagay ko ito sa ilalim ng mainit na mga abo ng mga gatong na aking pinaapoy, at kakainin Ninyo ito. Hindi ba Ninyo nalalaman na… ilan na? tiyak na mga linggo na na kumakain tayo ng tinapay at olibo at kaunting gatas. H’m!... Masasabi sa atin na pinasasakitan natin ang ating mga sarili. At Kayo ay kumain nang mas kakaunti kaysa sa lahat at nagsasalita para sa lahat. Naririto ang itlog. Kainin Ninyo iyan habang iyan ay mainit pa, makabubuti iyan sa Inyo.»

Si Jesus ay sumunod at nakikitang si Pedro ay kumakain ng tinapay lamang, nagtanong Siya: «At papaano ka? Nasaan ang iyong mga olibo?»

«Sss! Kailangan ko ang mga iyan pagkatapos. Nangako ako sa kanila.»

«Kanino?»

«Sa ilang mga bata. Ngunit kung hindi sila magiging tahimik hanggang pagkatapos, kakainin ko ang mga olibo at mga bato ang ibibigay ko sa kanila, ibig sabihin mga palo.»

«Napakabuti nga!»

«Ehi! Hindi ko kailanman gagawin iyan. Ngunit kung hindi natin sasabihin iyan… Napakaraming palo ang natanggap ko mismo, at kung ibinigay nila sa akin ang lahat na karapat-dapat para sa mga kalokohan ko, sampung beses pa sana akong pinalo! Ngunit nakagagawa ito ng mabuti sa iyo. Ako ay ganito sapagkat ako’y napalo.»

Lahat sila ay natawa sa sinseridad ng apostol.

«Guro, ibig kong paalalahanan Kayo na ngayon ay Biyernes at na ang mga taong iyon… hindi ko malaman kung sila ay makakakuha ng pagkain sa tamang oras para bukas o makakauwi sa kanilang mga bahay» sabi ni Bartolomeo.

«Totoo iyan. Biyernes ngayon! Ilan sa kanila ang nagsasabi.

«Walang anuman iyan. Ang Diyos ang maglalaan. Ngunit sasabihin natin sa kanila.»

Si Jesus ay tumayo at pumunta sa Kanyang bagong lugar, sa gitna ng mga pulutong nakakalat sa mga palumpungan. «Una sa lahat ibig Kong paalalahanan kayo na ngayon ay Biyernes. Sasabihin Ko na sa mga natatakot na baka hindi sila makauwi sa kanilang mga bahay sa tamang oras at mga wala sa pusisyon na makapaniwala na ang Diyos ang maglalaan ng pagkain para sa Kanyang mga anak, ay kailangan na umalis na kaagad, upang hindi sila abutan ng paglubog ng araw sa daan.»

Sa lahat ng mga tao roon, mga limampu katao ang tumayo. Ang lahat na iba pa ay nananatili sa kanilang kinalalagyan.

Si Jesus ay ngumingiti at nagsimulang magsalita.

«Napakinggan ninyo na noong mga unang araw ito ay sinabi: “Hindi kayo gagawa ng pangangalunya”. Ang iba sa inyo na napakinggan Ako sa ibang mga lugar ay nalalaman na Ako ay nakapagsalita nang makailang beses tungkol sa kasalanang iyan. Dahil, tingnan, sa ganang Akin, iyan ay isang kasalanan hindi para sa isang tao lamang, bagkus para sa dalawa o tatlo. Gagawin Kong malinaw ang Aking Sarili. Ang nangangalunya ay nagkakasala tungkol sa kanyang sarili, siya ay nagkakasala tungkol sa kanyang kasabwat, at nagkakasala nagagawa ang kanyang asawang lalaki o babae na magkasala, sila sa katotohanan ay nadadala sa pagka-walang-pag-asa o makagawa ng krimen. Iyan ay tungkol sa pinangyaring pagkakasala. Ngunit magsasalita pa Ako. Sasabihin Ko: “Hindi lamang ang pinangyaring kasalanan, bagkus ang kagustuhan na papangyarihin ito ay isang kasalanan na”. Ano ang pangangalunya? Ito ay ang nasain para sa sarili, ang hindi naman atin. Ang isa ay nagsisimulang magkasala sa pamamagitan ng paghangad, ipinagpapatuloy sa pamamagitan ng panunukso, kinukumpleto sa pamamagitan ng pangungumbinsi, kinukoronahan sa pamamagitan ng gawa.

Papaano ang isa nagsisimula? Sa pangkalahatan sa pamamagitan ng di-dalisay na tingin. At iyan ay kakabit ng Aking sinabi dati. Ang isang di-dalisay na mata ay nakikita nito ang nakatago mula sa dalisay na mata at sa pamamagitan ng mata ang pagkauhaw ay pumapasok sa lalamunan, ang pagkagutom pinapasok ang katawan at ang lagnat ang dugo. Isang panlaman na pagkauhaw, pagkagutom, lagnat. Ang pagdiliryo ay magsisimula. Kung ang taong tinitingnan ay matapat, ang nagdidiliryong nakatingin ay maiiwang nag-iisa na bitin, o babagsak sa paghihiganti. Kung ang taong tinitingnan ay hindi rin matapat, ito ay tutugon sa tingin at ang pagbagsak patungo sa pagkakasala ay magsisimula.

Kung kaya’t sasabihin Ko: “Kung ang isang lalaki ay titingnan ang isang babae nang may-kahalayan, nakagagawa na siya ng pangangalunya sapagkat ang kanyang iniisip ay pinangyayari na ang gawa ng kanyang pagmimithi”. Kung ang inyong kanang mata ay nagagawa kayong magkasala, dukutin ito at itapon. Mas mabuti na para sa inyo na mga itatapon sa eternal na kadiliman sa habang panahon na wala ng isang mata. At kung ang inyong kanang kamay ay nagagawa kayong magkasala, putulin ito at itapon, sapagkat hindi masyadong kapinsalaan ang magagawa sa inyo nito na wala ang isang bahagi ng inyong katawan kaysa mapunta ang buong katawan ninyo sa impiyerno. Totoo na nakasulat na ang mga taong may kapansanan ay hindi makapaglilingkod sa Diyos sa Templo. Ngunit pagkatapos ng buhay na ito, ang mga may kapansanan sa panganganak pa lamang ngunit banal at ang mga nasira ang porma ng katawan gawa ng birtud, ay magiging mas maganda kaysa sa mga anghel at maglilingkod sa Diyos, minamahal Siya sa kaligayahan sa Langit.

Ito ay nasabi sa inyo: “Ang sinuman na hinihiwalayan niya ang kanyang asawa, ay kailangan na bigyan niya siya ng kasulatan ng pakikipaghiwalay. Ngunit iyan ay kailangan na isumpa, dahil iyan ay hindi nanggaling sa Diyos. Ang Diyos ay nagsalita kay Adan: “Ito ang kasa-kasama na ginawa Ko para sa iyo. Maging mabunga, magpakarami, punuin ang lupa at sakupin ito”. At si Adan, puno ng superior na katalinuhan, dahil ang kasalanan ay hindi napalabo nito ang kanyang pangangatwiran na ginawang perpekto ng Diyos, ay nagsalita: “Ito sa wakas ay buto galing sa aking mga buto, at laman galing sa aking laman. Ito ay tatawaging babae, ibig sabihin: isa pang ako, dahil ito ay kinuha mula sa lalaki. Ito ang dahilan kung bakit ang isang lalaki ay iiwanan ang kanyang ama’t ina at idudugtong ang kanyang sarili sa kanyang asawa at ang dalawa ay nagiging isang katawan”.  At sa isang nadagdagang kaningningan na liwanag ang Eternal Na Liwanag ay ngumingiting sinang-ayunan ang salita ni Adan, na siyang naging ang unang di-mabuburang batas. Ngayon, kung dahil sa lumalalang katigasan ng tao, ang taong tagapagbigay ng batas ay kinailangan na magbigay ng bagong batas; kung dahil sa lalong lumalalang kawalang-pamamalagi ng tao, ang tagapagbigay ng batas ay kinailangan na maglagay ng pampigil at magsabi: “Kung siya ay iyong pinalayas hindi mo na siya makukuha muli”, na hindi nagkakansela sa unang tunay na batas, na ginawa sa Makalupang Paraiso at sinang-ayunan ng Diyos.

Sasabihin Ko sa inyo: “Sinuman ang hinihiwalayan niya ang kanyang asawa, maliban sa kaso ng pakikipagtalik sa di-asawa, ay inilalantad ang asawa sa pangangalunya”. Sapagkat ano ang gagawin ng hiniwalayang asawa sa nubenta pursiyento ng mga kaso? Siya ay mag-aasawa  muli. Na ano ang kakabit na mga resulta? O! Gaano ang kailangan na masabi tungkol diyan! Hindi ba ninyo nalalaman na nakagagawa kayo ng hindi kinukusang insesto sa ganyang sistema? Gaano karaming mga luha ang iniluluha dahil sa kahalayan. Oo: kahalayan. Walang ibang pangalan para diyan. Maging prangko. Ang lahat ay mapangingibabawan kapag ang espiritu ay matuwid. Ngunit ang lahat ay isang dahilan upang mabigyan ng kasiyahan ang kahalayan kapag ang espiritu ay mahalay. Ang kalamigan ng babae, kapurulan, kalampaan sa gawaing bahay, kadaldalan, pagkahilig sa karangyaan, ang lahat ay mapangingibabawan, pati mga sakit at pagkamabugnutin, kung ang isa ay nagmamahal nang may-kabanalan. Ngunit sa dahilan na ang isa ay hindi nakapagmamahal katulad nang unang araw, kung ano ang mas posible pa ay tinitingnan na imposible at ang kaawa-awang babae ay napapatapon sa kalsada at sa kapahamakan.

Siya na umaayaw sa asawa ay nakagagawa ng pangangalunya. Siya na magpapakasal sa hiniwalayan pagkatapos ng diborsiyo, ay makagagawa ng pangangalunya. Tanging kamatayan lamang ang makapagwawalang-bisa sa isang kasal. Tandaan iyan.  At kung ang inyong napili ay isang hindi masayang pagsasama tanggapin ang resulta bilang isang krus, kayong dalawa bilang kapwa hindi masaya ngunit banal, na hindi rin ginagawa pati mga bata na hindi masaya, dahil sila ay mga inosente at mas maghihirap dahil sa walang-suwerteng mga sitwasyon. Ang pagmamahal ninyo sa mga bata ay dapat magawa kayong mag-isip nang makasandaang beses, sa pagkakataon din ng kamatayan ng inyong asawa. O! Sana makontento na kayo sa kung ano ang mayroon na kayo at sa kung daan ang Diyos ay nagsabi: “Tama na!” Sana kayo, mga balo, ay mabatid na ang kamatayan ay hindi isang kabawasan bagkus isang pagtataas sa mga perpeksiyon ng mga magulang! Ang maging isang ina sa katayuan ng isang namatay na ina. Ang maging isang ama sa katayuan ng isang namatay na ama. Ang maging dalawang kaluluwa sa iisa at tanggapin ang pagmamahal para sa mga anak mula sa malamig na mga labí  ng namamatay na asawa at magsabi: “Humayo sa kapayapaan, na hindi nag-aalala para sa mga ipinanganak sa iyo. Patuloy ko silang mamahalin, sa ganang aking sarili at para sa iyo, mamahalin ko sila nang doble at kanilang magiging ama at ina at hindi nila dadanasin ang kalungkutan ng mga ulila, ni hindi nila mararamdaman ang likas na paninibugho na nararanasan ng mga anak ng nagpakasal-muli na asawa tungkol sa kumuha ng sagradong lugar ng kanilang ina o ama na tinawag ng Diyos patungo sa isang bagong luklukan”.

Aking mga anak, ang Aking sermon ay magtatapos na, dahil ang araw ay malapit na sa katapusan nito habang ang araw ay lumulubog sa kanluran. Ibig Kong tandaan ninyo ang mga salita sa pagtitipon na ito sa bundok. Iukit ang mga ito sa inyong mga puso. Basahin ito nang paulit-ulit at madalas. Gawin ito na inyong walang kamatayang gabay. At higit sa lahat maging mabuti sa mga mahihina. Huwag manghusga upang hindi kayo husgahan. Alalahanin na ang sandali ay baka dumating kung saan ang Diyos ay paaalalahanan kayo: “Ganyan ka kung manghusga. Kung gayon nalalaman mo na iyan ay masama. Kung gayon nakagawa ka ng kasalanan, bilang nalalaman mo ang iyong ginagawa. Kailangan na magbayad ka na ngayon para diyan”.

Ang karidad ay isang absulusyon. Maging mapagkawanggawa sa lahat at sa lahat ng bagay. Kung ang Diyos ay binibigyan ka ng labis na tulong upang mapanatili kang mabuti, huwag kang maging mapagmalaki tungkol dito. Sa halip magsikap na maakyat ang buong haba ng hagdanan ng perpeksiyon at tumulong sa mga napapagod o walang nalalaman at sa mga madaling masiraan ng lob. Bakit ninyo tinitingnan nang labis ang isang tingting sa mata ng inyong kapatid kung hindi muna ninyo inaasikasong alisin ang tabla sa inyong sariling mata? Anong lakas ng loob ninyo na magsabi sa inyong kapatid: “Hayaan mong alisin ko ang tingting sa iyong mata” habang ang tabla sa iyong sariling mata ay binubulag ka? Anak, huwag kang maging mapagkunwari. Alisin mo muna ang tabla sa iyon sariling mata at pagkatapos maaalis mo ang tinting sa mata ng iyong kapatid, na hindi mo siya nasisira.

Sa dahilan na umiiwas kayo na maging mapagkawanggawa, iwasan din ninyong maging pabaya. Sinabi Ko sa inyo: “Tumulong sa mga napapagod o walang nalalaman at sa mga madaling masiraan ng loob”. Subalit kung isang karidad ang maturuan ang mangmang, ang mapaginhawahan ang napapagod, ang mabigyan ng mga pakpak ang mga nasiraan ng kanilang dating mga pakpak, isang kapabayaan ang ibunyag ang eternal na mga katotohanan sa mga apektado ng satanismo, na kukunin ang mga ito upang makapagkunwari na sila ay mga propeta, upang maipilit ang kanilang mga sarili sa mga simpleng tao, upang makapagpasamà, makapagligaw at mapaglapastangan na makapagparumi sa mga bagay ng Diyos. Absulutong respeto, upang makapagsalita, maging tahimik, upang mag-isip, upang kumilos, ay ang mga birtud ng totoong disipulo upang makagawa ng mga proselito at makapaglingkod sa Diyos.

Kayo ay pinagkalooban ng pakultad ng pangangatwiran at, kung kayo ay makatarungan, ang Diyos ay pagkakalooban kayo ng lahat ng liwanag upang magamit ninyo nang mas mabuti ang inyong pangangatwiran. Kailangang isipin ninyo na ang eternal na mga katotohanan ay katulad ng mga perlas, at walang sinuman ang nakakita kailanman na ang mga perlas itinatapon sa harapan ng mga baboy, na maaari nilang durugin sa ilalim ng kanilang mga paa at pagkatapos, nagagalit sa pagiging tinutuya, babalingan nila kayo upang lapain kayo. Huwag bigyan ang mga aso ng kung ano ang banal. Iyan ay para sa kasalukuyan at sa hinaharap. Labis ang Aking nasabi sa inyo, Aking mga anak. Pakinggan ang Aking mga salita; siya na nakikinig sa mga ito at isinasabuhay ang mga ito, ay maikukumpara sa isang maalalahanin na tao, na nagbalak na makapagtayo ng isang bahay, pinipili ang isang mabatong lugar. Siya ay tiyak na nagtrabahong mabuti upang mailatag ang mga pundasyon. Kinailangan niyang magtrabaho sa pamamagitan ng piko at pansinsel ng bato, nagkakaroon siya ng mga paltos sa mga kamay at nabali niya ang kanyang likod. Ngunit nagawa niyang makapaglagay ng apog sa mga bitak ng bato at makapaglatag ng mga ladrilyo nang magkakatabi, katulad ng pader ng isang muog, at ang bahay ay kasing solido ng isang bundok. Ang bahay ay napalantad sa kalupitan ng panahon at sa mga pagbaha, ang ulan ay nagawa ang mga ilog na umapaw sa mga pampang, ang mga hangin ay sumisipol, ang mga alon ay hinahampas ito, ngunit ang bahay ay natagalan ang lahat. Ganyan siya na may malusog na pananampalataya. Sa halip ang isang nakikinig nang panlabas lamang at hindi nagsisikap na iukit ang Aking mga salita sa kanyang puso, sapagkat nalalaman niya na upang magawa ito kakailanganin niyang magtrabaho nang mabuti, maghirap at mag-alis ng napakaraming bagay, ay katulad ng isang tao na dala ng katamaran at katangahan nagtayo ng kanyang bahay sa buhanginan. Nang kaagad dumating ang malupit na panahon, ang bahay na itinayong nagmamadali, ay mabilis na gumuho at ang desperadong tanga ay pinagninilayan ang eskombro ng bahay at ang pagkasira ng kanyang puhunan. At sa kasong iyon ang bahay ay maaayos sa pamamagitan ng mga gastos at trabaho. Ngunit kung ang istruktura ng espiritu ay bumagsak, dahil masama ang pagkatayo nito, walang paraan na maitatayo itong muli. Ang isa ay hindi makapagtatayo sa hinaharap na buhay. Kapahamakan sa mga magpipresenta ng kanilang mga sarili roon na may eskombro!

Ako’y nakatapos na. Bababa na Ako patungo sa lawa at pinagpapalà Ko kayo sa ngalan ng Isa at sang-tatlo na Diyos. Nawang mapasainyo ang kapayapaan ng Diyos.»

Ngunit ang mga pulutong ay sumisigaw: «Kami ay sasama sa Inyo. Payagan kaming makasama. Walang sinuman ang may mga salitang katulad ng Inyo!» At sila ay nagsisimulang sundan si Jesus Na bumababa sa kabilang ng kung saan Siya umakyat at nasa direksiyon patungong Capernaum.

Ang pagbaba ay mas matarik ngunit mas mabilis at kaagad narating nila ang paanan ng bundok sa isang mabulaklak na kapatagan.

(Sinasabi ni Jesus: «Sapat na para sa ngayon. Bukas…»)

 

 



Sunod na kabanata