175. Ang Ketongin na Pinagaling sa Paanan ng Bundok.

Mayo 30, 1943.

Sa pagitan ng maraming bulaklak na nagpapabango sa lupa at nagbibigay kasiyahan sa mga mata nakikita ko ang nakakatakot na tanawin ng isang nakakasuka, agnas na ketongin, ganap na natatakpan ng mga sugat.

Ang mga pulutong ay nagsisigawan sa takot at mga nagmamadaling bumalik sa mas mabababang dalisdis ng bundok. Ang ilan sa kanila ay kumukuha ng mga bato upang ibato sa nagmadaling mamâ.

Ngunit si Jesus ay tumalikod na ang kamay ganap na nakaunat at sumigaw: «Kapayapaan! Manatili sa kinaroroonan ninyo: huwag matakot. Bitawan ang mga bato. Maawa sa isang kaawa-awang kapatid. Siya ay isang anak din ng Diyos.»

Ang mga pulutong ay sumunod, napangibabawan ng kapangyarihan ng Guro, Na lumalapit dinaraanan ang matataas na damo na nasa pamumulaklak hanggang sa ilang mga hakbang mula sa ketongin, na, sa parte niya, ay nakaintindi na si Jesus ay ipinagsasanggalang siya, at mas lumapit.

Nang marating niya si Jesus, ipinatirapa ang sarili, at ang namumulaklak na mga damo ay tinabunan siya nito katulad ng malamig na pinabanguhang tubig. Ang mga bulaklak ay umalon at nag-ipun-ipon, pumoporma ng isang pantakip sa ibabaw ng miserableng lalaki na nakatago sa pagitan nila. Tanging ang malungkot na tinig na maririnig ang nagpapaalaala sa mga tao tungkol sa abang nilikha na nakapatirapa roon. Ito’y nagsasabi: «Panginoon, kung gugustuhin Ninyo, mapagagaling Ninyo ako. Magkaroon din ng awa sa akin!»

Si Jesus ay tumugon: «Itaas mo ang iyong ulo at tingnan mo Ako. Ang isang tao na naniniwala sa Langit ay kailangan na nagagawa niya na tumingin dito. At ikaw ay naniniwala sapagkat nanghihingi ka ng isang grasya.»

Ang mga damo ay nauga at nagbukas muli. Katulad ng isang tao ng lumubog na barko lumilitaw mula sa dagat, ang ulo ng ketongin ay lumabas, walang mga buhok at balbas. Ang kanyang ulo ay isang bungo na hindi pa ganap na natatanggalan ng lahat na balat.

Subalit si Jesus ay hindi pinandidirihan na hipuin ang noo na iyon ng mga dulo ng Kanyang mga daliri, kung saan walang mga sugat sa balat. Ngunit ang balat sa parteng iyon ay kulay abo, makagang, at nasa pagitan ng dalawang nabulok na mga naagnas na balat, ang isa nito ay ang sumira sa kanyang anit, at ang isa pa ay nagbukas ng isang butas kung saan naroroon dati ang kanyang kanang mata, kung kaya’t hindi ko masasabi kung ang bola ng kanyang mata ay nasa malaking lalagyan pa nito, na, sa pagitan ng kanyang sentido at ng kanyang ilong, makikita ang nakalantad na buto ng pisngi at ang kartilago ng ilong, puno ng kabulukan. At si Jesus pinananatili ang dulo ng mga daliri ng Kanyang magandang kamay doon, ay nagsabi: «Gusto Ko ito. Maging malinis.»

At na tila ang mamâ ay hindi naagnas at natatakpan ng mga sugat, bagkus ng dumi lamang kung saan ang nakapaglilinis na tubig ay ibinubuhos, ang ketong ay nawala kaagad. Una ang mga sugat ang gumaling; pagkatapos ang kanyang balat ay naging malinis, ang kanyang kanang mata ay lumitaw sa pagitan ng bagong mga talukap-mata, ang kanyang mga labì ay nagsara sa paligid ng kanyang manilaw-nilaw na mga ngipin. Tanging ang kanyang buhok at balbas lamang ang nawawala, ibig sabihin, may mga ilan-ilang mga bungkos ng buhok lamang kung saan naroroon lang dati ang isang munting piraso ng malusog na balat.

Ang mga pulutong ay sumisigaw sa pagtataka. At ang malugod na mga sigawan ay sinasabi sa mamâ na siya ay magaling na. Itinaas niya ang kanyang mga kamay, magpahanggang ngayon naitatago ng mga damo, hinihipo niya ang kanyang mata, kung saan naroroon dati ang malaking butas; hinihipo niya ang kanyang ulo, kung saan ang malaking sugat ay naipakikita dati ang bungo at pinakikiramdaman ang kanyang bagong balat. Siya ay tumayo, tiningnan ang kanyang dibdib, kanyang mga balakang… siya ay malusog at malinis…  Siya ay bumagsak muli sa mabulaklak na parang umiiyak sa galak.

«Huwag umiyak. Tumayo ka at makinig sa Akin. Bumalik ka sa buhay ayon sa ritwal at huwag kang magsalita kahit kanino hanggang nagawa mo na ito. Ipakita mo ang sarili mo sa pari hangga’t maaari kaagad, gawin ang alay na pinanuto ni Moses bilang ebidensiya ng iyong mahimalang paggaling.

«Ito ay para sa Inyo na ako ay kailangan na magbigay saksi, aking Panginoon!»

«Makapagbibigay saksi ka tungkol sa Akin sa pamamagitan ng pagmamahal sa Aking doktrina! Lakad.»

Ang pulutong ay nakalapit nang muli at kanilang binabati ang lalaking mahimalang napagaling, bagama't mula sa malayu-layong distansiya. May mga tao na ang pakiramdam kailangan nilang magbigay ng ilang panustos para sa kanyang paglalakbay at nagtapon ng ilang salapi sa kanya. Ang iba ay nagtatapon ng tinapay at mga makakain, at ang isang lalaki, nakikita na ang damit ng ketongin ay walang iba bagkus mga punit-punit na basahan, na dahil dito ang kanyang buong katawan ay nakikita, hinubad ang kanyang manta, ibinuhol ito, na tila ito ay isang malaking panyo, at itinapon ito sa ketongin na kung gayon mababalot niya nang maayos ang kanyang sarili. Isa pang lalaki, dahil sa ang pagkawanggawa ay nakakahawa kapag ito ay ginagawa ng lahat, hindi mapigilan ang kanyang mithiin na bigyan ang mamâ ng mga sandalyas, inalis ang kanyang sariling sandalyas at itinapon ito sa ketongin.

«At papaano ka?» tanong ni Jesus Na nakakita sa ginawa.

«O! Sa malapit lang ako nakatira. Makapaglalakad ako nang nakapaa. Malayo ang kanyang lalakbayin.»

«Pagpalain ka nawa ng Diyos at ang lahat na mga tumulong sa ating kapatid. Mamâ: ikaw ay magdarasal para sa kanila.»

«Oo, gagawin ko, magdarasal ako para sa kanila at para sa Inyo; na ang mundo ay sana magkaroon ng pananampalataya sa Inyo.»

«Paalam. Humayo sa kapayapaan.»

Ang mamâ ay lumakad nang kaunting mga yarda, pagkatapos tumalikod at sumigaw: «Maaari ko bang sabihin sa pari na pinagaling Ninyo ako?»

«Hindi na iyan kinakailangan. Sabihin lang: “Ang Panginoon ay kinaawaan ako”. Iyan ang buong katotohanan at wala nang iba ang kinakailangan.»

Ang mga tao ay pinaiikutan si Jesus, gumagawa ng isang pabilog na ayaw magbukas kahit ano ang mangyari. Ngunit ang araw ay nakalubog na at ang pahinga ng Sabbath ay nagsimula na. Ang mga kanayunan ay malayo. Ngunit ang mga tao ay hindi kinasasabikan ang kanilang mga nayon, kanilang pagkain o ano pa man. Ngunit ang mga apostol ay nag-aalala tungkol dito at sinabihan nila si Jesus. Ang mga nakatatandang disipulo ay nag-aalala din. May mga babae at mga bata rito, at habang ang gabi ay katamtaman at ang damuhan sa parang ay malambot, ang mga bituin ay hindi tinapay, ni ang mga bato nagiging pagkain.

Si Jesus ang tanging nag-iisa na hindi nag-aalala. Ang mga tao pansamantala ay kinakain ang tira ng kanilang mga pagkain nang walang pag-aalala at si Jesus ay ipinakita ito sa mga apostol: «Sasabihin Ko sa inyong totoo na ang mga taong ito ay mas mahahalaga pa kaysa sa inyo! Tingnan kung gaanong walang pag-aalalang tinatapos nila ang lahat. Sinabi Ko sa kanila: «Ang sinuman na hindi makapaniniwala na ang Diyos ang maglalaan ng pagkain para sa Kanyang mga anak bukas, ay makakauwi na”, at sila ay nanatili. Ang Diyos ay hindi Niya pasisinungalingan ang Kanyang Mesiyas at hindi bibiguin ang mga umaasa sa Kanya.»

Ang mga apostol ay ikinibit ang kanilang mga balikat at hindi nagpapakita ng pakialam sa ano pa man na bagay.

Ngayon ay gabi na pagkatapos ng mapayapa, magandang mapulang paglubog ng araw at ang katahimikan ng kabukiran ay kumakalat sa lahat, pagkaraan ng huling koro ng mga ibon.  May isang malumanay na pagbulong ng hangin at pagkaraan ang unang walang-ingay na lipad ng isang ibong-gabi, ang unang bituin ay lumabas at ang isang palaka ay kumakak.

Ang mga bata ay mga tulog na. Ang mga adulto ay mga naguusap-usap at paminsan-minsan may pumupuna sa Guro nagtatanong ng paglilinaw tungkol sa isang punto o sa iba pa. Kung kaya’t walang nasusorpresa nang may isang tao, nakakagulat sa tingin, sa pananamit at sa edad, ang nakitang papalapit mula sa isang landas sa pagitan ng dalawang taniman ng mga trigo. Ilang kalalakihan ay sumusunod sa kanya. Ang lahat ay napatalikod upang tingnan siya at siya ay itinuturo nila sa isa’t isa bumubulong. Ang bulungan ay kumalat mula sa isang grupo patungo sa isa pa, ito’y mabubuhay at maglalaho. Ang mga grupong nasa malayo ay lalapit dala ng pag-uusisa.

Ang nobleng tingnan na lalaki ay narating si Jesus, Na nakaupo sa paanan ng isang puno pinakikinggan ang ilang mga tao, at yumuko sa harapan Niya. Si Jesus ay tumayo kaagad at ginantihan ang paggalang nang gayon ding pagbati. Ang mga taong naroroon ay nagmamasid nang maasikaso.

«Ako ay nasa itaas ng bundok at baka naisip Ninyo na ako ay walang pananampalataya umalis sa takot na magutom. Ngunit ako ay umalis para sa ibang rason. Ibig kong maging isang kapatid sa mga kapatid, ang pinakamatandang kapatid. Ibig kong magsalita sa Inyo nang sarilinan. Makapakikinig ba Kayo sa akin? bagama't ako ay isang Eskriba, ako ay hindi Ninyo kaaway.»

«Lumayo tayo nang bahagya…» at sila ay pumunta sa taniman ng trigo.

«Ibig kong maglaan ng ilang pagkain para sa mga peregrino at ako ay bumaba upang sabihin ang panadero na gumawa ng tinapay para sa isang malaking pulutong. Nakikita Ninyo na ako ay nasa loob ng legal na distansiya, sapagkat ang mga bukiring ito ay pag-aari ko, at legal na maglakad mula rito hanggang sa itaas sa araw ng Sabbath. Balak kong umahon bukas kasama ang aking mga katulong. Ngunit nalaman ko na Kayo ay naririto kasama ang pulutong. Nakikiusap ako sa Inyo na makapaglaan ako para sa Sabbath. Kung hindi malulungkot ako nang husto na kinailangan kong palampasin ang Inyong mga salita para sa wala.»

«Para sa wala, hindi, hindi kailanman, sapagkat ang Ama ay susuklian ka ng Kanyang liwanag. Ngunit pinasasalamatan kita at hindi kita bibiguin. Ibig Ko lamang banggitin na ang pulutong ay napakalaki.»

«Sabihan ko sila na painitin ang lahat na pugon, pati na rin ang mga ginagamit sa pagpapatuyo ng mga kakanin at magagawa kong magkaroon ng tinapay para sa lahat.»

«Hindi iyan ang ibig Kong sabihin. Ang tinutukoy Ko ay ang dami ng tinapay…»

«Hindi iyan nagpapaalala sa akin. Nang nakaraang taon nagkaroon ako ng mabuting ani ng trigo. Nakita Ninyo kung anong mga tainga ng trigo ang mayroon ngayong taon. Hayaan Ninyong gawin ko ito. Ito ang magiging pinakamagandang proteksiyon para sa aking mga bukirin.  Magkagayunpaman, Guro… Nabigyan na Ninyo ako nang gayong tinapay ngayon… Kayo nga ang Tinapay ng espiritu!...»

«Mangyari ang ibig mo. Tayo na at sabihan ang mga peregrino.»

«Hindi. Sinabi Ninyo mismo.»

«Ikaw ba ay isang Eskriba?»

«Oo, ako nga.»

«Nawang dalhin ka ng Panginoon kung saan nararapat ang iyong puso.»

«Naiintindihan ko ang ibig Ninyong sabihin ngunit hindi Ninyo sinasabi. Ang ibig Ninyong sabihin: sa Katotohanan. Sapagkat malaki ang aming mga pagkakamali… at ang aming masamang kalooban.»

«Sino ka?»

«Isang anak ng Diyos. Magdasal sa Ama para sa akin. Paalam.»

«Ang kapayapaan ay mapasaiyo.»

Si Jesus ay bumalik nang dahan-dahan sa Kanyang mga apostol habang umaalis ang lalaki kasama ang kanyang mga katulong.

«Sino siya? Ano ang kailangan niya? Nagsalita ba siya sa Inyo ng anuman na hindi maganda? Mayroon ba siyang mga taong may sakit?» Si Jesus ay dinudumog ng mga katanungan.

«Hindi Ko alam kung sino siya. O kung baga, alam Ko na siya ay may mabuting puso at na…»

«Siya ay si Juan, ang eskriba» sabi ng isa sa pulutong.

«Bueno, alam Ko na ngayon, dahil sinabi mo. Ibig lamang niyang maging ang lingkod ng Diyos sa Kanyang mga anak. Manalangin para sa kanya sapagkat bukas magkakaroon tayo ng pagkain, salamat sa kanyang kabutihan.»

«Siya ay tunay ngang ang makatarungang tao» sabi ng isa.

«Oo, siya nga. Hindi ko malaman kung papaano siya nagiging kaibigan ng iba» wika ng isa pa.

«Siya ay nakabalot sa mga kaligaligan at mga alituntunin katulad ng isang sanggol, ngunit siya ay hindi isang masamang tao» hinuha ng ikatlong tao.

«Ang mga bukirin bang ito ay pag-aari niya?» tanong ng marami na hindi mga taga rito.

«Oo, pag-aari niya. Sa palagay ko ang ketongin ay isa sa kanyang mga katulong o magbubukid. Ngunit pinabayaan niya siyang makapanatili sa paligid dito at sa palagay ko pinakakain din niya siya.»

Ang mga komentaryo ay nagpapatuloy ngunit si Jesus ay hindi Niya sila pinapansin. Tinawag Niya ang Labindalawa sa malapit sa Kanya at tinanong sila: «At ano na ngayon ang Aking masasabi tungkol sa inyong di-paniniwala? Hindi ba inilagay ng Ama ang tinapay para sa ating lahat sa mga kamay ng isa na, ayon sa lipì, ay isang kaaway Ko? O! Mga tao na may kakaunting pananampalataya!... Humayo sa malambot na dayami at matulog. Ako ay lalakad upang magdasal sa Ama na sana buksan Niya ang inyong mga puso at upang pasalamatan Siya para sa Kanyang kabutihan. Ang kapayapaan ay sumainyo.»

At Siya ay pumunta sa mas mababang mga dalisdis ng bundok. Siya ay naupo at nagninilay-nilay sa pananalangin. Nang itinaas Niya ang Kanyang mga mata nakita Niya ang malaking bilang ng mga bituin nagsisiksikan sa kalawakan, nang kanyang ibinaba ang mga ito, nakita Niya ang pulutong ng mga tao natutulog sa mga parang. Wala nang iba. Ngunit gayon na lamang ang lugod sa Kanyang puso na ang Kanyang mukha ay tila nagbabagong-anyo gawa ng maningning na liwanag…

 141210

 



Sunod na kabanata