176. Ang Sabbath Pagkatapos ng Sermon. Sa Paanan ng Bundok.

Hunyo 1, 1945.

Si Jesus ay nag-antala kahit papaano sa bundok noong gabi, upang sa pagsikat ng araw Siya ay nakikitang nakatayo sa gilid ng isang bangin.

Si Pedro, na nakakita sa Kanya, ay itinuturo Siya sa kanyang mga kasamahan at sila ay umakyat patungo sa Kanya. «Guro, bakit hindi Kayo sumama sa amin?» marami sa kanila ang nagtanong.

«Kinailangan Kong magdasal.»

«Ngunit kailangang-kailangan din Ninyong makapagpahinga.»

«Aking mga kaibigan, sa loob ng gabi ang isang tinig ay dumating galing sa Langit humihingi ng mga panalangin para sa mabuti at sa masama at para din sa Aking Sarili.»

«Bakit? Kailangan ba Ninyo iyon?»

«Katulad ng pangangailangan ng kahit sino. Ang Aking lakas ay napakakain sa pamamagitan ng panalangin at ang Aking lugod sa pamamagitan ng paggawa sa kung ano ang ibig ng Ama. Ang Ama ay sinabi sa Akin ang pangalan ng dalawang tao at ang isang kapighatian para sa Akin Mismo. Ang tatlong bagay na sinabi Niya sa Akin ay labis na nangangailangan ng panalangin.» Si Jesus ay malungkot na malungkot at Kanyang tinitingnan ang Kanyang mga apostol sa pamamagitan ng mga mata na tila nangungusap o nanghihingi ng kung anong bagay. Ang Kanyang mga mata ay nananatili sa isa, pagkatapos sa isa pa at sa wakas kay Judas Iskariote at si Jesus ay tinititigan Niya siya.

Ang apostol ay napuna ito at nagtanong: «Bakit Ninyo ako tinitingnan nang ganyan?»

«Hindi ikaw ang Aking tinitingnan. Ang Aking mga mata ay pinagninilay-nilayan ang isang bagay…»

«Ito ay?»

«Ang kalikasan ng isang disipulo. Ang lahat na mabuti at lahat na masama na magagawa ng isang disipulo at ibibigay sa kanyang Guro. Iniisip Ko ang tungkol sa mga disipulo ng mga Propeta at ni Juan. At iniisip Ko tungkol sa Aking sariling mga disipulo. At Ako ay nananalangin para kay Juan, paa sa mga disipulo at para sa Aking Sarili…»

«Kayo ay malungkot at pagod ngayong umaga, Guro. Sabihin Ninyo sa mga nagmamahal sa Inyo kung ano ang Inyong problema» nakikiusap si Santiago ni Zebedeo.

«Oo, sabihin Ninyo sa amin, kung mayroon kami ng kahit na anuman na magagawa upang mapaginhawahan ang Inyong kapighatian, gagawin namin ito» sabi ng Kanyang pinsan na si Judas.

Si Pedro ay nagsasalita kay Bartolomeo at kay Felipe, ngunit hindi ko nalalaman kung ano ang kanilang sinasabi.

Si Jesus ay tumugon: «Maging mabuti, magsikap na maging mabuti at matapat. Iyan lang ang tanging kagaanan. Wala nang iba pa, Pedro. Naintindihan mo ba? Kalimutan mo ang iyong suspetsa. Mahalin mo Ako at magmahal kayo sa isa’t isa, huwag ninyong pabayaan ang mga napopoot sa Akin na matukso kayo, higit sa lahat mahalin ang kalooban ng Diyos.»

«Eh! Kung ang lahat ay nasa kontrol nito, ang amin ding mga pagkakamali ay nasa kontrol nito! Bulalas ni Tomas sa isang pilosopong tono.

«Sa palagay mo ba? Ngunit hindi iyan ganyan. Ngunit maraming tao ang mga nagising at nakatingin dito. Bumaba na tayo at konsagrahin natin ang banal na araw na ito sa pamamagitan ng salita ng Diyos.»

Sila ay bumababa habang ang mga taong nagigising ay parami na nang parami. Ang mga bata, na kasing saya ng mga maliliit na pipit, ay nagdadaldalan, nagtatakbuhan at nagtatalunan sa mga parang, nababasa ng hamog, upang ang ilang mga hampas ay nagsimulang magliparan na may resultang mga iyakan. Pagkatapos ang mga bata ay tumakbong patungo kay Jesus Na humahaplos sa kanila at sila’y nagsimulang ngumiti muli na tila nakuha Niya ang kanilang inosenteng pagkamasayahin. Ang isang maliit na batang babae ay ibig na maglagay ng isang maliit na kumpol ng mga bulaklak sa Kanyang sinturon, mga bulaklak na kanyang pinitas mula sa parang «sapagkat ang Kanyang tunika ay mas maganda nang ganyan» sabi niya at si Jesus ay pinabayaan siyang gawin ito, bagama't ang mga apostol ay pabulung-bulong. Ngunit sinabi ni Jesus: «Kailangan ninyong maging masaya na Ako’y minamahal nila! Ang hamog ay inaalis nito ang mga alikabok sa mga bulaklak. Ang pagmamahal ng mga bata ay inaalis nito ang lahat na kalungkutan sa Aking puso.»

Si Jesus nanggagaling sa bundok ay dumating sa gitna ng mga peregrino kasabay ni Juan, ang Eskriba, na nanggaling sa kanyang bahay kasama ang maraming katulong may mga dala-dalang mga basket ng tinapay, mga olibo, keso at isang maliit na tupa o batang kambing, ano pa man ito, inihaw para sa Guro. Ang lahat ay inilagay sa Kanyang paanan at Siya ang namahala sa pag-aabot binibigyan ang lahat ng ilang tinapay, isang hiwa ng keso at isang dakot ng mga olibo. Ngunit nagbigay Siya ng isang piraso ng inihaw na tupa na may tinapay sa isang ina na hawak-hawak nito sa kanyang dibdib ang isang bilugang sanggol na tumatawa pinakikita ang kanyang unang mga ngipin, at ito rin ang ginagawa Niya sa dalawa o tatlong tao pa na sa palagay Niya ay nangangailangan ng espesyal na atensiyon.

«Ngunit iyan ay para sa Inyo, Guro» sabi ng Eskriba.

«Kakain Ako ng ilan, huwag mag-alala. Ngunit tingnan… kung nalalaman Ko na marami ang magsasalu-salo sa iyong kabutihan, magiging mas masarap ito para sa Akin.»

Ang pag-aabot ay tapos na at ang mga tao ay nginangatngat ang kanilang tinapay, iniiwan ang iba para mamaya. Si Jesus ay iinom din ng kaunting gatas na ibig ng eskriba na ibuhos para sa Kanya sa isang mamahaling kopa mula sa isang maliit na prasko na hawak ng isang katulong at ito’y nagmumukhang isang maliit na pitsel.

«Ngunit kailangan na pagbigyan Ninyo ako at ibigay Ninyo sa akin ang lugod na mapakinggan ko Kayo» sabi ni Juan, ang eskriba, na binabati ni Hermas nang may katulad  na paggalang at nang may mas malaking paggalang ni Stephen.

«Hindi Ko ipagkakait sa iyo ang kasiyahang iyan. Halika ka sa banda rito» at si Jesus ay sumandal sa bundok at nagsimulang magsalita.

«Ang kalooban ng Diyos ay napigilan tayo sa lugar na ito sapagkat kung tayo ay lumayo pa, pagkatapos ng distansiya na ating nilakad, nalabag sana natin ang mga alituntunin at nakagawa sana tayo ng iskandalo. At sana hindi iyan mangyari hanggang maisulat ang Bagong Tipan. Tama na konsagrahin ang mga kapistahang araw at purihin ang Panginoon sa mga lugar ng panalangin. Ngunit ang buong sangnilikha ay maaaring maging isang lugar ng panalangin kung magagawa ito ng tao na ganyan sa pamamagitan ng kanyang pagtaas sa Ama. Ang Arko ni Noah na nakalutang sa tubig ay isang lugar ng panalangin at gayon din ang tiyan ng balyena ni Jonah. Ang mga lugar ng panalangin ay ang bahay ng Paraon nang si Jose ay nakatira roon, at ang tolda ni Holofernes para sa basal na si Judith. At hindi ba’t ang di-malinis na lugar kung saan nakatira ang propetang si Daniel bilang isang alipin, sagradong-sagrado sa Panginoon, dahil sa kabanalan ng Kanyang lingkod na siyang labis na nagpabanal sa lugar upang minarapat nito ang mataas na mga hula tungkol sa Kristo at tungkol sa Anti-Kristo, na isang susi sa kasalukuyan at hinaharap na mga panahon? Mas lalo na na banal ang lugar na ito kasama ang mga kulay at mga amoy nito, ang dalisay na hangin at mayayamang bunga, ang malahamog na mga perlas nito nagsasalita sa atin tungkol sa Diyos, ang Ama at ang Tagapaglikha at nagsasabi: «Naniniwala ako, At kailangan na kayo ay maniwala sapagkat kami ang mga saksi sa Diyos”. Maging ito kung gayon ang ating sinagoga para sa Sabbath na ito at basahin natin ang eternal na mga pahina sa mga korola at mga tainga, kasama ang araw bilang ang ating lampara.

Binanggit Ko si Daniel. Sinabi Ko sa inyo: “Hayaan ang lugar na ito na maging ang ating sinagoga”. Iyan ay nagpapaalaala sa atin ng malugod na “pagpalain ang Panginoon” ng tatlong banal na binata sa mga apoy ng pugon: Mga Langit at mga tubig, hamog at namuong hamog, yelo at niyebe, apoy at mga kulay, liwanag at kadiliman, kidlat at mga ulap, mga bundok at mga burol, lahat na sumusuloy na mga bagay, mga ibon, isda at mga hayop, purihin at pagpalain ang Panginoon kahit saan. Karapat-dapat tayo nito kapag ginagawa natin ang kalooban ng Diyos.

Sa pagsikat ng araw sinabi nila sa Akin na kung ang lahat ay napangangasiwaan ng kalooban ng Diyos, ang mga pagkakamali din ng mga tao ay gusto ng kalooban na iyan. Iyan ay isang pagkakamali at isang laganap na pagkakamali. Ang isa bang ama ay kailanman gusto na ang kanyang anak ay laging nagkakamali? Hindi, hindi niya ito magugustuhan. Subalit sa kabila nito ang ilang mga anak ay nagiging kapintas-pintas, bagama't mayroon silang isang makatarungang ama na ipinakikita sa kanila ang mabuti na kailangang gawin at ang masama na kailangang iwasan. At walang matuwid na tao ang mag-aakusa sa isang ama ng pagsusulsol sa kanyang mga anak na gumawa ng masasamang bagay.

Ang Diyos ay ang Ama, ang mga tao ang Kanyang mga anak. Ang Diyos ay ipinakikita ang mabuti at nagsasabi: “Tingnan, inilagay Ko kayo sa sitwasyong ito para sa inyong ikabubuti”.  At kapag ang Masamang Isa din kasama ang mga naglilingkod sa kanya ay naghahatid ng kamalasan sa mga tao, ang Diyos ay nagsasabi: “Tingnan. Ganito kayo dapat tumugon sa masasakit na oras na ito; kung ito’y inyong gawin, ang kamalasang ito ay makakatulong  para sa eternal na kabutihan”. Pinapayuhan Niya kayo, ngunit hindi kayo pinipilit. Kung kaya’t kung ang isang tao, nalalaman kung ano ang kalooban ng Diyos, ay mas gugustuhin na gawin ang pinaka-kabaligtaran, masasabi ba natin na ang pinaka-kabaligtaran na ito ay ang kalooban ng Diyos? Hindi natin ito masasabi.

Mahalin ang kalooban ng Diyos. Mahalin ito nang higit pa sa inyong sariling kalooban at sundin ito laban sa mga panunulsol at kapangyarihan ng mundo, ng laman, ng dimonyo. Ang lahat na mga bagay na iyan ay may kalooban. Ngunit sasabihin Ko sa inyong totoo na siya na nagpapasakop sa mga kaloobang ganyan ay pinakamalungkot.

Tinatawag ninyo Akong Mesiyas at Panginoon. Sinasabi ninyo na minamahal ninyo Ako at pinupuri ninyo Ako. Sinusundan ninyo Ako at iyan ay tila pagmamahal. Ngunit sasabihin Ko sa inyong totoo na hindi lahat sa inyo ang papasok sa Kaharian ng Langit kasama Ko. Sa mga nauna at mga bagong disipulo rin ay may ilan na hindi makakapasok sa Kaharian, sapagkat marami na ang gagawin nila ay ang kanilang sariling kalooban o ang kalooban ng laman, ng mundo, ng dimonyo. Hindi ang mga nagsasabi sa Akin: “Panginoon! Panginoon!” ang makakapasok sa Kaharian ng Langit, bagkus ang mga na ang ginagawa ay ang kalooban ng Aking Ama. Sila lamang ang tanging makakapasok sa Kaharian ng Diyos.

Ang araw ay darating kung kailan Ako, Na nagsasalita sa inyo ngayon, pagkatapos na maging ang Pastol, ay ang magiging ang Hukom. Huwag kayong palinlang sa kasalukuyang hitsura. Ngayon ang Aking tungkod ng pastol ay iniipon ang lahat na nakakalat na mga kaluluwa at may-kabaitan na inaanyayahan kayo na pumunta sa mga pastulan ng Katotohanan. Pagkaraan ang tungkod ay mapapalitan ng setro ng Hukom Hari at ang Aking kapangyarihan ay magiging ibang-iba. Hindi sa pamamagitan ng kabaitan bagkus sa pamamagitan ng di-mapakikiusapang hustisya na Aking ihihiwalay ang mga tupa na mga pinakain ng Katotohanan, sa mga na ang ginawa nila ay ihalo ang Katotohanan sa Pagkakamali o sa mga kumain lamang sa pagkakamali. Gagawin Ko iyan sa unang pagkakataon at gagawin Ko muli pagkatapos. At kapahamakan ang darating sa mga na sa pagitan ng una at ikalawang pagharap sa Hukom ay hindi pinalinis ang mga sarili sapagkat hindi nila magawang malinis ang kanilang mga sarili ng mga lason. Ang ikatlong kategoriya ay hindi lilinisin ang sarili mismo. Walang kirot ang makapaglilinis dito. Wala silang gusto bagkus Pagkakamali, kung kaya’t hayaan sila sa Pagkakamali.

Subalit sa pagitan nila ay may uungol: “Ano, Panginoon! Hindi ba’t nanghula kami sa ngalan Ninyo, at sa ngalan Ninyo hindi ba’t nagpalayas kami ng mga dimonyo at gumawa kami ng mga himala?”. At pagkatapos sasabihin Ko sa kanila nang napakalinaw: “Oo, nangahas kayong damtan ninyo ang inyong mga sarili ng Aking ngalan upang lumabas kayo ng kung ano ang hindi naman kayo. Ginusto ninyo na ang inyong satanismo ay tingnan na namumuhay  kasama si Jesus. Ngunit kayo ay inaakusahan ng bunga ng inyong mga gawa. Nasaan ang mga kaluluwa na inyong nailigtas? Kailan nangyari ang inyong mga hula? Ano ang resulta ng inyong mga pagpapalayas ng dimonyo?  Sino ang kasabwat ng inyong mga pagliligaw? O! Ang Akin ngang Kaaway ay napakalakas! Ngunit hindi mas mahigit pa kaysa sa Akin. Tinutulungan lamang kayo niya na mapahamak ang mas marami pang mga kaluluwa, at salamat sa inyo, ang grupo ng mga napaalis gawa ng erehiya, ay lumaki. Oo, nakagawa kayo ng kababalaghan, na mukhang mas malaki pa kaysa sa nagawa ng mga totoong lingkod ng Diyos, na hindi mga aktor na nakapanggugulat sa mga pulutong, bagkus napakamabababa ang kalooban at masunurin upang nakapanggugulat sa mga anghel. Ang Aking totoong mga lingkod, sa pamamagitan ng kanilang mga sakripisyo ay hindi gumagawa ng mga pantasma, bagkus inaalis nila ito sa mga puso; hindi nila ipinipilit ang kanilang mga sarili sa mga tao, bagkus ipinakikita ang Diyos sa mga kaluluwa ng mga tao. Wala silang ibang ginagawa bagkus ang kalooban ng Ama at dinadala ang iba na gawin din ito, katulad ng isang alon na itinutulak nito ang isa na nasa unahan niya at hinihila ang isa na sumusunod sa kanya, na hindi nila inilalagay ang kanilang sarili sa trono nagsasabing: ‘Tingnan’. Ang Aking totoong mga lingkod ay ginagawa kung ano ang Aking sinasabi sa kanila, na walang iniisip na iba pa, at ang kanilang mga gawa ay tinataglay nito ang tanda ng Aking di-mapagkakamalang kapayapaan, kabaitan at kaayusan. Kung kaya’t masasabi Ko sa inyo: sila ay Aking mga lingkod, ngunit hindi Ko kayo nakikilala. Umalis kayong lahat sa harapan Ko, mga tagapaglingkod ng kasamaan.

Iyan ang Aking sasabihin. At iyan ay magiging nakakatakot na salita. Alagaan na hindi ninyo ito marapatin at magpatuloy sa ligtas, bagama't makirot na daan ng pagsunod, patungo sa kaluwalhatian ng Kaharian ng Langit.

Kasiyahan ninyo ang inyong kapahingahan sa Sabbath pinupuri ang Diyos sa pamamagitan ng inyong buong mga sarili. Ang kapayapaan ay sumainyo.»

At si Jesus ay pinagpapalà Niya ang mga pulutong bago sila kumalat sa paghahanap ng lilim, ang isang grupo nagsasalita sa isa pa, nagbibigay ng kuru-kuro tungkol sa mga salitang kanilang narinig.

Si Jesus ay naiwan kasama ang Kanyang mga apostol at si Juan, ang eskriba, na hindi nagsasalita bagkus nakalublob sa malalim na pagninilay-nilay, pinagmamasadan ang bawat kilos ni Jesus.

At ang ikot ng panahon ng Bundok ay tapos na.

141210

 



Sunod na kabanata