177. Ang Katulong ng Senturyon Pinagaling.

Hunyo 2, 1945.

Si Jesus ay pumapasok sa Capernaum nanggagaling sa kabukiran. Tanging ang Labindalawa lamang ang kasama Niya, hindi, labing-isa lamang, dahil si Juan ay wala rito. Ang karaniwang mga pagbati ng pulutong ay kinalolooban ng malawak na pagkakaiba-iba ng mga ekspresyon, mula sa ganap na simpleng ekspresyon ng mga kabataan, hanggang sa kung baga mahiyain ekspresyon ng mga kababaihan, hanggang sa mataimtim na ekspresyon ng mga taong napagaling nang mahimala, at sa mga ekspresyon ng mga nag-uusisa o nanunuya. May sapat na mga ekspresyon upang masiyahan ang lahat na panlasa. At si Jesus ay tumutugon sa lahat ayon sa kung papaano Siya binati: hinahaplos ang mga bata, pinagpapalà ang mga kababaihan, ngumingiti sa mga mahimalang napagaling, at na may malalim na pagrespeto para sa iba pa.

Ngunit sa pagkakataong ito ang serye ay nakumpleto ng pagbati ng isang senturyon ng bayan, sa palagay ko. Binabati niya Siya: «Pagbati. Guro!» kung saan si Jesus ay tumugon: «Nawa ang Diyos ay pumunta sa iyo.»

Habang ang pulutong ay lumalapit upang tingnan ang kalalabasan ng pagtatagpo, ang senturyon ay nagpapatuloy: «Ilang mga araw na akong naghihintay para sa Inyo. Hindi Ninyo ako natatandaan bilang isang nakikinig sa Inyo sa Bundok. Nakasuot ako ng pangkaraniwang mga damit. Hindi ba Ninyo ako tatanungin kung bakit ako pumunta roon?»

«Hindi, hindi Ako magtatanong, ngunit ano ang kailangan mo mula sa Akin?»

«Ako ay may mga tagubilin na sundan ang mga gumagawa ng mga pagtitipon, sapagkat ang Roma ay kadalasan pinagsisisihan ang pagbibigay ng kapahintulutan sa mga tila matatapat na pagpupulung-pulong. Ngunit sa nakikita at pakikinig ko sa Inyo, inisip ko Kayo na isang… na isang… Ako ay may isang katulong na may sakit, Panginoon. Siya ay nakahiga sa loob ng aking bahay, sa kanyang higaan, naparalisa ng isang sakit sa mga buto at labis siyang naghihirap. Ang aming mga doktor ay hindi siya mapagaling. Ang inyong mga doktor ay ayaw na pumunta. Inanyayahan ko silang pumunta sapagkat iyon ay isang sakit na nagawa ng maruming hangin ng lugar na ito at nalalaman ninyo kung papaano ito gamutin sa pamamagitan ng mga yerba ng mainit na lupa ng dalampasigan kung saan nabubungkok ang tubig bago ito masipsip ng buhangin ng dagat. Labis akong nalulungkot sapagkat siya ay isang matapat na katulong.»

«Pupunta Ako upang pagalingin siya.»

«Hindi, aking Panginoon. Hindi ko hinihingi sa Inyo na daanan Ninyo ang lahat na problemang iyan. Ako ay isang hentil, marumi, sa ganang inyong paniniwala. Kung ang mga Judiong doktor ay natatakot na mahawahan sa pagpunta sa aking bahay, lalong may rason na ito ay makahawa sa Inyo, Na isang banal. Hindi ako karapat-dapat na Kayo ay pumasok sa ilalim ng aking bubungan, ngunit kung magsasabi Kayo ng kahit isang salita rito, ang aking katulong ay gagaling sapagkat pinaghaharian Ninyo ang lahat. Ngayon kung ako, na naiilaliman ng mga nakatataas sa akin, una sa lahat ng Caesar, para kung kanino ako ay kailangan na kumilos, mag-isip at umasal ayon sa kung ano ang sinasabi sa akin, ay nakapag-uutos din sa mga sundalo na naiilaliman ko, at kung sasabihin ko: “Lakad”, sa isa: “Halika” at sa isang katulong: “Gawin mo ito”. Ang una ay pupunta kung saan ko siya pinapupunta, ang isa ay lalapit sapagkat tinawag ko siya, at ang ikatlo ay gagawin kung ano ang aking sinabi sa kanya, Kayo, dahil Kayo ay kung sino Kayo, ay susundin kaagad ng sakit, na mawawala.»

«Ngunit ang sakit ay hindi isang tao…» pagtutol ni Jesus.

«Ni Kayo ay hindi rin isang tao, Kayo ay ang Tao. Makapagbibigay Kayo kung gayon na utos sa mga elemento at mga lagnat, sapagkat ang lahat ay nasa ilalim ng Inyong kapangyarihan.»

Ang ilan sa mga nakatatanda sa Capernaum ay hinila si Jesus sa tabi at nagsabi sa Kanya: «Siya ay isang Romano, ngunit makinig Kayo sa kanya sapagkat siya ay isang matapat na tao na gumagalang at tumutulong sa amin. Siya ito na nagtayo sa aming sinagoga at nagbigay siya ng mahigpit na mga tagubilin sa kanyang mga sundalo na huwag manuya sa amin sa mga araw ng Sabbath. Ipagkaloob Ninyo, kung gayon, ang grasya, alang-alang sa Inyong bayan, upang sana hindi siya mabigo at mainis at ang kanyang pagtingin para sa amin ay hindi maging kapootan.»

At si Jesus, pagkatapos na pakinggan sila, ay tumalikod na ngumingiti sa senturyon at nagsabi: «Mauna ka at susunod Ako sa iyo.»

Ngunit ang senturyon ay nagsalita muli: «Hindi, aking Panginoon, nasabi ko na sa Inyo: ito ay isang karangalan kung papasok Kayo sa ilalim ng aking bubungan. Ngunit hindi ako karapat-dapat ng labis; sabihin lang Ninyo ang isang salita at ang aking katulong ay gagaling.»

«Mangyari ito kung gayon. Lakad at magkaroon ng pananampalataya. Sa mismong sandaling ito ang lagnat ay iniiwan siya at ang buhay ay bumabalik sa kanyang mga galamay. Pagsikapan na gawin na pumunta rin ang Buhay sa iyong kaluluwa. Lakad.»

Ang senturyon ay sumaludo, pagkatapos yumuko at umalis.

Si Jesus ay pinagmamasdan siyang umaalis, pagkatapos hinarap ang mga tao na naroroon at nagsabi: «Sinasabi Ko sa inyong totoo na hindi Ako nakatagpo ng labis na pananampalataya sa Israel. O! Totoong totoo nga! “Ang mga taong naglalakad sa kadiliman ay nakakita ng dakilang liwanag; sa mga namumuhay sa isang lupain ng malalim na anino ang isang liwanag ay sumikat”, at “Ang Mesiyas ay itataas Niya ang Kanyang bandila sa ibabaw ng mga nasyon at iipunin silang lahat”. O! Aking Kaharian! Sila nga ay totoong dadaloy sa iyo sa napakalaking bilang! Mas marami pa kaysa sa lahat na mga kamelyo at mga dromedaryo ng Madian at Ephah, mas marami pa kaysa sa mga nagdala ng ginto at mga insenso ng Sheba, mas marami pa kaysa sa lahat na mga kawan ng Kedar at ng mga lalaking kambing ng Nebaioth, ang mga pupunta sa iyo at ang Aking puso ay magsasaya na may lugod nakikita ang lahat na mga sambayanan ng karagatan at ang kayamanan ng mga nasyon pumupunta sa Akin. Ang mga isla ay mga naghihintay sa Akin upang sambahin Ako, at ang mga anak ng mga banyaga ay siyang magtatayo ng mga pader ng Aking Simbahan, na ang mga tarangkahan nito ay mananatiling patuloy na nakabukas upang tanggapin ang mga hari at ang mga kayamanan ng mga nasyon at kokonsagrahin ang mga ito sa Akin. Kung ano ang nakita ni Isaiah, ay mangyayari!  Sasabihin Ko sa inyo na marami ang darating mula sa silangan at sa kanluran at mauupong kasama sina Abraham, Isaac at Jacob sa Kaharian ng Langit, samantalang ang mga anak ng Kaharian ay itatapon sa labas patungo sa dilim, kung saan magkakaroon ng iyakan at paggigiling ng mga ngipin.»

«Hinuhulaan Ninyo kung gayon na ang mga hentil ay makakapantay nila ang mga anak ni Abraham?»

«Hindi kapantay, bagkus mas mahigit. Malulungkot lamang kayo na ito ay dahil sa kagagawan ninyo. Hindi Ako, bagkus ang mga Propeta ang nagsasabi ng ganyan, at ang mga tanda ay pinatutunayan na ito. Ngayon ang iba sa inyo ay kailangan na pumunta sa bahay ng senturyon upang malaman na ang kanyang katulong ay magaling na ayon sa nararapat sa pananampalataya ng Romano. Halikayo. Baka sa bahay ay may ilang mga maysakit na naghihintay sa Akin.»

Si Jesus kasama ang mga apostol at ilan pang mga tao ay ibinaling ang Kanyang mga hakbang patungo sa dating bahay na Kanyang tinutuluyan sa Capernaum, habang ang karamihan sa mga tao, naitulak ng pag-uusyuso, ay nagmadali patungo sa bahay ng senturyon gumagawa ng malaking ingay.

 

 141210



Sunod na kabanata