178. Si Jesus Nakatagpo ang Tatlong lalaki na Ibig Sumunod sa Kanya.

Hunyo 3, 1945.

Nakikita ko si Jesus ibinabaling ang Kanyang mga hakbang patungo sa lawa kasama ang labing-isang apostol, dahil si Juan ay wala pa rin. Maraming tao ang nag-iipun-ipon sa paligid Niya: kasama rito ay marami na mga nakasama sa Bundok, karamihan mga lalaki, na mga nakaabot kay Jesus sa Capernaum upang pakinggan muli ang Kanyang salita. Ibig nilang pigilan Siya. Ngunit sinabi Niya: «Ako ay pag-aari ng lahat. At marami ang may karapatan na mapapunta Ako sa kanila. Ako ay babalik. Sasamahan ninyo Ako. Ngunit paalisin na ninyo Ako ngayon.» Nahihirapan Siyang maglakad sa gitna ng pulutong na nagsisiksikan sa maliit na makitig na kalsada. Ang mga apostol ay tumutulak sa pamamagitan ng kanilang mga balikat upang makaraan Siya. Ngunit katulad ito ng pagtutulak sa isang mala-esponghang bagay na kaagad bumabalik sa dati. Sila ay nagagalit din, ngunit walang mangyari.

Nakikita na nila ang lawa, pagkatapos ng matinding pakikipagsiksikan, nang ang isang di-masyadong katandaan na disenteng-tingnan na lalaki ang lumapit sa Guro at hinipo ang Kanyang balikat upang makuha ang Kanyang atensiyon.

Si Jesus ay tumalikod at tumigil, nagtatanong: «Ano ang kailangan mo?»

«Ako ay isang eskriba. Ngunit ang aming mga alituntunin ay hindi kailanman maikukumpara sa Inyong salita at ako ay nahahalina nito. Guro, ayaw kong iwanan Kayo. Susundan ko Kayo saan man Kayo magpunta. Aling daan ang kukunin Ninyo?»

«Ang daan patungo sa Langit.»

«Hindi iyan ang ibig kong sabihin. Tinatanong ko Kayo kung saan na Kayo ngayon pupunta. Alin na bahay ang Inyong titigilan pagkatapos ng kasalukuyang bahay, upang sana lagi ko Kayong matatagpuan?»

«Ang mga ayena ay may mga lungga at ang mga ibon ng himpapawid ay may mga pugad, ngunit ang Anak ng Tao ay wala ni mapagpahingahan ng Kanyang ulo. Ang mundo ay ang Aking tahanan, kung saan man mayroong mga espiritu na kailangan maturuan, mga paghihirap na kailangan mapaginhawahan, mga nagkakasala na kailangan matubos.»

«Kahit saan, kung gayon.»

«Tama ka. Magagawa mo ba, ikaw na isang doktor ng Israel, kung ano ang mga nagagawa ng simpleng mga taong ito alang-alang sa Akin? Ang mga kinakailangan dito ay: sakripisyo, pagsunod, karidad para sa lahat, isang isip na madaling makibagay para sa lahat at sa lahat. Sapagkat ang pagsang-ayon ay nakapang-aakit. Sapagkat siya na ibig na makapagpagaling ay kailangan na yumuko sa lahat na sugat. Pagkatapos magkakaroon ng kadalisayan ng Langit. Ngunit dito tayo ay nasa putik at kailangan natin na iahon sa putik, kung saan tayo naglalakad, ang mga biktima na nakalubog na rito. Hindi natin maitataas ang ating mga damit at tumabi dahil mas malalim ang putik doon. Ang kadalisayan ay kailangan na nasa loob natin. Kailangan na tayo ay lipos nito upang walang ibang makapasok. Magagawa mo ba ang lahat na iyan?»

«Kung man lamang hayaan Ninyong subukan ko.»

«Subukan. Magdarasal Ako na sana magtagumpay ka.»

Si Jesus ay nagsisimula nang lumakad muli at ang Kanyang atensiyon ay nakuha ng dalawang mata na nakatitig sa Kanya, mga mata ng isang matangkad na malusog na bata-pang lalaki na tumigil upang paraanin ang isang linya ng mga tagapagsunod, dahil siya ay tila patungo sa kasalungat na direksiyon. Si Jesus ay sinabi Niya sa kanya: «Sundan mo Ako.»

Ang bata-pang lalaki ay nagulat, nagbabago ang kulay, kumurap na tila siya ay nasilaw ng liwanag, pagkatapos ibinuka ang kanyang bunganga upang magsalita ngunit hindi makatagpo ng agarang tugon. Sa wakas siya ay nagsabi: «Susundan ko Kayo. Ngunit ang aking ama ay namatay sa Korazim at kailangan ko siyang ilibing. Hayaan Ninyong gawin ko ito at pagkatapos susundan ko Kayo.»

«Sundan mo Ako. Hayaan ang patay na ilibing ang kanilang patay. Ikaw ay naakit na ng Buhay. Sa kabilang dako, ikaw ay nagsisikap na makarating doon. Huwag mong iyakan ang puwang na binuksan ng Buhay sa paligid mo upang ikaw ay maging isang disipulo. Ang pagputol sa damdamin ay ang ugat ng mga pakpak na tumubo sa isang tao na naging isang lingkod ng Katotohanan. Hayaan ang pagkabulok sa sarili nitong patutunguhan. Tumaas patungo sa Kaharian ng mga di-bulok. Matatagpuan mo rin doon ang di-nabubulok na perlas ng iyong ama. Ang Diyos ay tumatawag at daraan. Bukas hindi mo na matatagpuan ang iyong puso ng ngayon o ang paanyaya ng Diyos.  Halika. Humayo at ibalita ang Kaharian ng Diyos.»

Ang binata ay nakasandal sa isang mababang pader na ang mga kamay nakababa may hawak na dalawang bag, puno ng mga pabango at mga bendahe; ang kanyang ulo nakatungo sa pag-iisip, nag-aalinlangan sa pagitan ng dalawang pagmamahal: para sa Diyos at para sa kanyang ama.

Si Jesus ay naghihintay at tinitingnan siya, pagkatapos Kanyang hinawakan ang isang maliit na bata, idiniin siya sa Kanyang puso nagsasabing: «Sabihing kasabay Ko: ‘pinagpapalà ko Kayo, o Ama, at pinananawagan ko ang Inyong liwanag para sa mga umiiyak sa kalabuan ng buhay. pinagpapalà ko Kayo, o Ama, at pinananawagan ko ang Inyong lakas para sa mga katulad ng isang bata nangangailangan ng suporta. pinagpapalà ko Kayo, o Ama, at pinananawagan ko ang Inyong pagmamahal upang sana magawa nito ang mga tao na makalimutan ang lahat na hindi ang Inyong Sarili, sa dahilan na makatatagpo sila ng lahat na kabutihan sa Inyo, kapwa rito at sa Langit, bagama't hindi sila makapaniwala rito”.» At ang bata, isang inosenteng bata mga apat na taong gulang, ay inuulit sa kanyang matining na tinig ang banal na mga salita na ang kanyang mga kamay magkadaop sa pananalangin hawak ng kanang kamay ni Jesus ang bilugang mga pupulsuhan na tila ito ay dalawang tangkay ng bulaklak.

Ang binata ay nagpasya ang isip. Iniabot niya ang dalawang balutan sa isang kasamahan at lumapit kay Jesus, Na ibinaba ang bata pagkatapos na pagpalain siya, at niyakap ang binata, nagpapatuloy nang gayon kasama siya, upang mapaginhawahan at masuportahan siya sa kanyang pagsisikap.

Isa pang lalaki ang nagtanong sa Kanya: «Ibig ko rin sumama sa Inyo. Ngunit bago ko Kayo sundan ibig kong magpaalam sa aking mga kamag-anak. Papayagan ba Ninyo ako?»

Si Jesus ay tinititigan siya at tumugon: «Napakaraming mga ugat sa iyong pagkatao. Bunutin ang mga ito at kung hindi mo magawa, putulin ito. Ang isa ay kailangan na maglingkod sa Diyos na may espirituwal na kalayaan. Siya na ibinibigay ang sarili, ay kailangan na walang mga pagkakatali.»

«Ang laman at dugo ay laging laman at dugo. Unti-unti kong mararating ang kalayaan na ibig Ninyo upang…»

«Hindi, hindi mo kailanman mararating ito. Ang Diyos ay mapaghanap katulad na Siya ay walang-hangganang mapagbigay sa pagbibigay ng gantimpala. Kung ibig mong maging isang disipulo kailangan na yakapin mo ang iyong krus at sundan Ako. Kung hindi ang isa ay mananatiling isang simpleng naniniwala. Ang daan ng lingkod ng Diyos ay walang kalat ng mga petalo ng mga rosas. At ito ay absuluto sa mga hinihingi nito. Walang naglalagay ng kanyang kamay sa araro upang araruhin ang mga bukid ng mga puso at ikalat dito ang butil ng doktrina ng Diyos, ang makalilingon upang tingnan kung ano ang kanyang naiwan, kung ano ang kanyang nawala at kung ano ang kanyang maaaring kitain kung ibang pangkaraniwang daan ang kanyang sinundan. Ang gumagawa nito ay hindi angkop para sa Kaharian ng Diyos. Trabahuhin mo ang iyong sarili. Gawin mong lalaki ang iyong sarili at pagkatapos halika. Hindi ngayon.»

Narating nila ang baybayin. Si Jesus ay sumakay sa bangka ni Pedro at bumulong ng ilang mga salita sa kanya. Nakita ko ang ngiti ni Jesus habang si Pedro ay napakilos sa pagtataka. Ngunit wala Siyang sinasabing iba pa. Ang binata rin na hindi lumakad upang ilibing ang kanyang ama upang makasunod kay Jesus, ay sumakay din sa bangka.

201210

 



Sunod na kabanata