179. Ang Parabula Tungkol sa Maghahasik.

Hunyo 4, 1945.

Si Jesus ay nagsasalita sa akin ipinakikita sa akin ang daan ng Jordan, o kung baga, ang bunganga ng Jordan kung saan ito ay dumadaloy patungo sa Lawa ng Tiberias, ibig sabihin, kung saan naroroon ang Bethsaida sa kanang pampang ng ilog, kung tungkol sa mga nakaharap sa hilaga: «Ang bayan sa mga araw na ito ngayon ay hindi na lumalabas na nasa baybayin ng lawa, bagkus medyo papasok sa kalupaan. At ito ay nakapagpapalito sa mga iskolar. Ang kapaliwanagan ay matatagpuan sa lupa na napatambak sa bahaging ito ng lawa, dahil napuno ito nito sa loob ng dalawampung siglo gawa ng ilog, ng pag-agos na may dalang lupa at mga pagguho mula sa mga burol ng Bethsaida. Ang bayan noon ay nasa bunganga lamang ng ilog, at sa katunayan ang mga mas maliliit na bangka, lalo sa panahon na mayaman sa tubig, ay madalas na maglayag nang papataas sa agos, halos sa kasing layo ng Korazim; ang ilog, gayunpaman, ay laging ginagamit bilang daungan at panilungan ng mga bangka ng Bethsaida kapag ang lawa ay napakamasalimuot. Hindi Ko ito sinasabi para sa iyo, na hindi ito bibigyan ng pansin, bagkus para sa mahihirap intindihin na mga dalubhasa. At ngayon magpatuloy.»

                                                                                ------------------------

Ang mga bangka ng mga apostol, pagkatapos na matawid ang maikling distansiya ng lawa sa pagitan ng Capernaum at Bethsaida, ay dumaong sa huling bayan. Ang ibang mga bangka ay sinundan sila at maraming tao ang bumaba mula sa mga ito upang sumama sa mga mamamayan ng Bethsaida na mga dumating upang salubungin ang Guro. Si Jesus ay pinasok ang bahay ni Pedro kung saan naroroon na muli ang kanyang asawa. Sa palagay ko mas ginusto pa niyang mamuhay nang mag-isa kaysa makasama ang kanyang ina na patuloy na pabulung-bulong tungkol sa kanyang asawa.

Sa labas ang mga pulutong ay inaangkin si Jesus sa tuktok ng kanilang mga tinig, na nakapang-iistorbo nang labis kay Pedro, kung kaya’t siya ay umakyat sa bubungang terasa at pinagsalitaan ang mga mamamayan sinasabi sa kanila na sila ay kailangan na magkaroon ng paggalang at tamang mga asal. Ibig niyang kalugdan ang pakikisama ng kanyang Guro nang sandali, sa kapayapaan, ngayon na nasa kanya Siya sa kanyang bahay, samantalang hindi siya nagkaroon ng pagkakataon o ng kasiyahan na maalok Siya ng ilang tubig at pulot sa dami ng kanyang sinasabi sa kanyang asawa na ialok. At siya pabulung-bulong…

Si Jesus ay tinitingnan siya ngumingiti at iniiling ang Kanyang ulo nagsasabing: «Iniisip mo na hindi mo pa Ako kailanman nakita at na tayo ay nagkakilala pa lamang nang hindi sinasadya!»

«Ngunit ganyan nga iyan! Kapag tayo ay nasa mundo nagkakasama ba tayo kahit kailan? Hindi kailanman sa buhay mo! Sa pagitan Ninyo at ako ay naririyan ang mundo kasama ang mga maysakit nito, ang mga naghihirap na tao nito, ang mga nakikinig nito, ang mga usyosong tao nito, ang mga naninirang puri nito, ang mga kaaway nito, at Kayo at ako ay hindi kailanman nagkakasama. Dito sa halip Kayo ay kasama ko, sa aking bahay, at kailangan nila itong maintindihan!» Siya ay totoong balisa.

«Ngunit hindi Ko nakikita ang pagkakaiba, Simon. Ang Aking pagmamahal ay gayon din at ang Aking salita ay gayon din. Kung sabihin Ko man ito sa iyo nang sarilinan, o sabihin Ko ito sa lahat, anong kaibahan nito?»

Si Pedro pagkatapos ay ipinagtapat ang kanyang paghihirap ng kalooban: «Ang problema kasi ako ay isang tanga at ang aking isip ay naglalagalag nang madali. Kapag Kayo ay nagsasalita sa isang liwasan, sa bundok, sa malaking pulutong, naiintindihan ko ang lahat, ngunit hindi ko alam kung bakit, wala akong maalaala. Sinabi ko rin ito sa aking mga kasamahan at sabi nila na tama ako. Ang ibang mga tao, ibig kong sabihin ang mga tao na nakikinig sa Inyo, ay naiintindihan Kayo at naaalaala kung ano ang sinabi Ninyo. Gaano madalas na naririnig namin ang isa na magsasabi: “Hindi ko na ginagawa iyan sapagkat sinabi Ninyo sa amin”, o: “Ako ay pumarito sapagkat narinig ko Kayo na ito at ito ang Inyong sinabi at ako ay nabighani nito”. Kami sa halip… hum! Ito ay katulad ng isang daloy ng tubig na dumaraan at hindi tumitigil. Wala na sa pampang ang tubig na dumaan na. Totoo na ibang tubig ang dumarating, malaking dami ng tubig, ngunit ito ay daraan, at daraan… At ako ay nahihintakutan ng kaisipan na, kung ang sinasabi Ninyo ay magkatotoo,  ang sandali ay darating kung kailan Kayo ay wala na rito upang gampanan ang parte ng ilog at… at ako… ano ang aking ibibigay sa mga nauuhaw kung hindi ko man lamang maitago kahit isang patak ng malaking tubig na Inyong binigay sa akin?»

Ang iba rin ay sinusuportahan ang iniuungol ni Pedro, nagrereklamo na sila ay naiiwanan ng wala ng kung ano ang kanilang narinig, samantalang ibig nilang maalaala ang lahat upang makatugon sa mga magtatanong sa kanila.

Si Jesus ay ngumingiti at tumugon: «Hindi sa palagay Ko. Ang mga tao ay kontentung-kontento rin tungkol sa inyo…»

«Tiyak ‘yun… siyempre! Para sa lahat na ginagawa namin! Sa paggawa ng mararaanan Ninyo, sa paniniko para sa aming daan sa gitna ng mga pulutong, magdala ng mga may sakit na tao, mangolekta ng limos at magsabi: “Oo, iyan ang Guro!”. Maganda, hindi ba?»

«Huwag mong pasamain nang labis ang iyong sarili, Simon.»

«Hindi ko pinasasama ang aking sarili. Kilala ko ang sarili ko.»

«Iyan ang pinakamahirap na karunungan. Ngunit ibig Ko kayong paginhawahan sa inyong malaking takot. Kapag Ako ay nagsasalita at hindi ninyo maintindihan at maalaala ang lahat, tanungin ninyo Ako nang walang anumang takot na Ako’y aantukin o panghihinaan tungkol sa inyo. Tayo ay laging may ilang mga oras na tayu-tayo lamang, kung kailan maibubukas ninyo ang inyong mga puso sa Akin. Labis Akong nagbibigay sa napakarami. At ano ang hindi Ko ibibigay sa inyo na mga labis Kong minamahal na ang Diyos ay hindi na makapagmamahal sa inyo nang mas mahigit pa? Nagsalita kayo ng mga alon na dumaraan at wala nang natira sa pampang. Ang araw ay darating kung kailan malalaman ninyo na ang bawat alon ay nakapagdeposito ng butil at na ang isang halaman ay tumubo mula sa bawat butil. Matatagpuan ninyo sa harapan ninyo mga bulaklak at mga halaman para sa lahat na mga okasyon at kayo ay magtataka sa inyong sarili magsasabing: “Ano ang ginawa ng Panginoon sa akin?” sapagkat kayo ay matutubos mula sa pagkaalipin ng kasalanan at ang inyong kasalukuyang mga birtud ay mararating ang isang dakilang kataasan ng perpeksiyon.»

«Sinasabi Ninyo na gayon, aking Panginoon, at nagtitiwala ako sa Inyong salita.»

«Ngayon ay pumunta tayo sa mga naghihintay sa atin. Halikayo. Kapayapaan sa iyo, babae. Ako ang magiging panauhin mo sa gabing ito.»

Sila ay lumabas at si Jesus ay ibinaling ang Kanyang paglalakad patungo sa lawa upang maiwasan na Siya’y siksikin ng mga pulutong. Si Pedro ay mabilis sa pagpagalaw sa bangka nang ilang mga yarda mula sa baybayin, upang ang tinig ni Jesus ay sana marinig ng lahat, subalit may espasyo sa pagitan Niya at ng mga makikinig.

«Patungo rito galing Capernaum iniisip Ko kung ano ang kailangan Kong sabihin sa inyo at Ako ay nakatagpo ng indikasyon mula sa mga pangyayari ngayong umaga.

Nakita ninyo ang tatlong lalaki na lumapit sa Akin. Ang isa ay lumapit nang kusa, ang ikalawa dahil pinilit Ko siya, ang ikatlo dahil sa biglang pananabik. At nakita ninyo na Akin kinuha ang dalawa lamang sa kanila. Bakit? Nakakita kaya Ako ng isang taksil sa pangatlo? Hindi, sa katotohanan. Bagkus nakita Ko na siya ay hindi nakahanda. Sa lahat ng hitsura, ang isang ito sa tabi Ko, ang isang maglilibing sa kanyang ama, ay tila ang mas hindi-handa. Sa halip ang higit na hindi handa ay ang ikatlo. Ang isang ito ay handang-handa, na ni hindi niya nalalaman, na nakagagawa siya ng isang tunay na makabayaning sakripisyo. Ang kabayanihan sa pagsunod sa Diyos ay laging ang ebidensiya ng malakas na espirituwal na preparasyon. At ang iyan ang kapaliwanagan ng ilang nakapagtatakang mga pangyayari sa kapaligiran Ko. Ang mga pinakahanda na tumanggap sa Kristo, maging ano pa man ang kanilang lipì at edukasyon, ay pupunta sa Akin nang may absulutong kabilisan at pananampalataya. Ang mga hindi masyadong handa ay susuriin Ako bilang isang pambihirang tao o pag-aaralan nila Ako nang may pagsususpetsa o pag-uusyuso, o aatakihin at sisiraan Ako inaakusahan Ako sa iba’t ibang mga paraan. Ang iba’t ibang pamamaraan ng pagkilos ay kasukat sa kawalang-kahandaan ng mga espiritu.

Sa piniling sambayanan kailangan na posibleng makatagpo kahit saan ng mga espiritu na nakahandang tumanggap sa Mesiyas sa paghihintay kung Kanino ang mga Patriyarka at mga Propeta ay inubos ng pananabik, ang Mesiyas Na sa wakas ay dumating, pinangunahan at sinabayan ng lahat ng mga naihulang mga tanda, ang Mesiyas, Na ang Kaninong espirituwal na personalidad ay naging mas malinaw pa nang mas malinaw sa pamamagitan ng nakikitang mga himalang pinangyari sa mga katawan at mga elemento, at sa pamamagitan ng nakikitang mga himala na ginawa sa mga konsiyensya na mga binago at sa mga Hentil na mga bumaling sa Totoong Diyos.  Ngunit hindi ito ganito. Ang kahandaan sa pagsunod sa Mesiyas ay malakas na nahahadlangan ng mga anak ng sambayanang iyan at, nakakalungkot sabihin, ito ay mas hinahadlangan habang mas umaakyat ang isa sa mas mataas na mga baytang nito. Hindi Ko sinasabi ito upang kayo ay iskandaluhin, bagkus upang itulak kayo na magdasal at magnilay-nilay. Bakit nangyayari iyan? Bakit ang mga Hentil at ang mga makasalanan ay nakapagpapatuloy nang malayo sa Aking daan? Sapagkat ang mga anak ng Israel ay naka-angkla, hindi, sila ay napaot katulad ng mga kabibi sa pampang kung saan sila ipinanganak. Sapagkat sila ay natigmak, natambakan at nanabà sa kanilang karunungan at hindi makapagbigay ng lugar para sa Aking Karunungan sa pagtatapon ng kung ano ang kalabisan upang makagawa ng lugar para sa kung ano ang kinakailangan. Ang iba ay hindi pinaghihirapan ang ganyang pagkaalipin. Sila ay kaawa-awang mga Hentil o kaawa-awang mga makasalanan, hindi nahahadlangan katulad ng isang bangkang palutang-lutang, sila ay mga kaawa-awang tao, na walang mga kayamanan ng kanilang mga sarili, bagkus mga tambak ng mga pagkakamali o mga kasalanan, na kanilang malugod na inaalis sa kanilang mga sarili kaagad kapag naintindihan nila kung ano ang Ebanghelyo at malasahan ang nakapagpapalakas na pulot nito, na ibang-iba kaysa sa nakapagpapasukang halo ng kanilang mga kasalanan.

Makinig, at baka mas maintindihan ninyo nang mas mabuti kung papaano ang magkakaparehong mga pagkilos nagkakaroon ng magkakaibang mga bunga.

Ang isang magbubukid ay humayo upang maghasik. Marami siyang pag-aaring bukiring lupa na iba't ibang uri. Minana niya ang iba mula sa kanyang ama, kung saan ang kanyang kawalang-ingat ay napahintulutan ang matitinik na tanim na dumami. Ang ibang mga lupa ay nabili niya: nabili niya ang mga ito mula sa mapagpabayang tao at hinayaan niyang manatili ito nang kung ano ito dati. Sa ibang mga bukid ay maraming magkakasalubong na mga kalsada, dahil ang mamâ ay gustung-gusto ang kaginhawahan at ayaw niya ang maglakbay nang malayo kapag ibig niyang magtungo mula sa isang lugar patungo sa isa pa. Panghuli, may ilang mga bukid, pinakamalapit sa kanyang bahay, na kanyang inalagaan upang magkaroon ng magandang tanawin sa harapan ng kanyang bahay. Ito ay walang mga bato, mga tinikan, mga malalagong damo at iba pa.

Kung kaya’t kinuha ng mamâ ang kanyang sako ng binhing trigo na pinakamaganda ang kalidad, at nagsimulang maghasik. Ang binhi ay bumagsak sa malambot na magandang lupa, na inararo, inalisan ng mga damo, pinatabaan malapit sa bahay. Ikinalat din ang binhi sa mga bukid na may mga kalsada at mga landas, na naghatí-hatí sa mga ito sa maliliit na piraso, at nagawa rin nitong matakpan ng pangit na tuyong mga alikabok ang matabang lupa. Ang ilan sa mga binhi ay bumagsak sa mga bukirin kung saan ang kapabayaan ng tangang tao ay napahintulutan na dumami ang matitinik na tanim. Ang araro ay nagawa  nito ang mga ito na maitaob, na tila ang mga ito ay wala na roon, ngunit ang mga ito ay naroroon, sapagkat tanging ang apoy lamang, ang radikal na tagapagsirà ng mga dawag, ang makapagpipigil sa mga ito na hindi na ito muling tumubo. Ang huling mga binhi ay bumagsak sa lupang kanyang huling binili at iniwan niyang kung ano ito dati, na hindi niya inararo at hindi na niya inalisan ng mga bato, na mga nakalubog na sa lupa na naging isang lakarang semento kung saan walang tanim ang maaaring makapag-ugat. Pagkatapos na maikalat ang lahat na binhi, siya ay umuwi at nagsabi: «Mabuti! Ang tanging gagawin ko na lamang ay ang maghintay sa pag-aani”. At siya ay nasisiyahan sapagkat, habang dumaraan ang mga buwan ang mga trigo ay lumitaw na makakapal sa mga bukid na malapit sa kanyang bahay at lumago… O! Anong gandang karagatan! At ito ay naging ginto at umaawit ng mga hosana sa araw, habang ang isang tainga ay kumukuskos sa isa pa. At mamâ ay nagsabi sa sarili: “Ang lahat na bukid ay katulad ng mga ito! Ihanda na natin ang mga gapas at mga imbakan. Gaanong tinapay! Gaanong ginto!” At siya ay nasisiyahan…

Ginapas niya ang trigo sa pinakamalapit na mga bukirin at pagkatapos nito pumunta siya sa mga bukirin na kanyang minana sa kanyang ama at kanyang pinabayaan sa dating masamang kalagayan. At siya ay nagtaka. Ang trigo ay tumubo, sapagkat ang mga lugar ay mabuti at ang lupang inalagaan ng kanyang ama ay mayaman at mataba. Ngunit ang katabaan nito ay nakatulong din sa pagtubo ng matitinik na tanim na mga naitaob ngunit hindi namatay. Ang mga ito ay tumubo muli at nakapagporma ng isang tunay na makapal na kisame ng mga dawag, kung saan ang mga trigo ay hindi makalusot, maliban sa iilang mga tainga, at ito ay lubos na hindi makahinga.

Ang mamâ ay nagsabi: “Napabayaan ko ang lugar na ito. Ngunit walang mga dawag sa kabilang mga lugar, kung kaya’t maaaring ang mga iyon ay ayos lang”. At siya ay pumunta roon na kanyang kabibili pa lamang. Ang kanyang pagtataka at paghihirap ng kalooban ay mas grabe. Ang maninipis na natuyong mga dahon ng trigo ay nakakalat sa lahat ng lugar katulad ng mga tuyong dayami. Walang iba bagkus tuyong mga dayami. “Papaano ito nangyari?” ungol ng mamâ.  “Ngunit dito ay walang mga tinik! At ito ay ang gayon din namang mga butil! At ito ay lumitaw na makakapal at magaganda. Ito ay makikita sa pamamagitan ng maayos at magagandang napormang mga dahon. Bakit kung gayon ang lahat ay natuyo bago nagkatainga?” At na may tunay na panghihinayang nagsimula siyang maghukay sa lupa upang tingnan kung may mga uod man lamang o ibang mga peste. Walang anumang insekto o mga daga. Ngunit gaano karaming mga bato! Isang tambakan ng mga bato! Ang lupa ay mistulang sementado ng pira-pirasong mga bato at ang kakaunting lupa na nagtatakip dito ay nakapanlilinlang. O! Kung siya lamang ay nag-ararong malalim sa tamang panahon! O! Kung siya ay naghukay man lamang bago tanggapin ang mga bukid at bilhin ito bilang mabubuting lupa! O! kung, pagkatapos ng pagkakamaling nagawa niya sa pagbili sa inialok sa kanya na hindi tinitiyak ang kagandahan nito, kung ito’y kanya man lamang isinaayos sa pagtatrabaho nang mabuti! Ngayon ay huli na at ang lahat na panghihinayang ay wala nang katuturan.

Ang mamâ ay tumayo, at pinanghihinaan ng loob katulad niya, pumunta siya sa mga bukid kung saan siya ay naglagay ng maraming kalsada para sa kanyang kaginhawahan… at nagagalit na may paghihirap ang kalooban pinunit niya ang kanyang mga damit. Doon ay ganap na wala… Ang maitim na lupa ng bukid ay natatakpan ng manipis na tambak ng puting alikabok… Ang mamâ ay hinimatay sa lupa umuungol: “Ngunit bakit dito? Dito ay walang mga bato, walang mga dawag dito, sapagkat ito ay ang aming mga bukiring lupa. Ang aking lolo, ang aking ama at ako ay laging pag-aari ang mga ito at sa loob ng maraming mga taon ginawa namin itong mataba. Nagtayo ako ng mga kalsada, nag-alis ako ng ilang lupa, ngunit hindi iyon makapagpapabaog sa mga ito…” Umiiyak pa siya nang kanyang matanggap ang kasagutan sa paghihirap ng kanyang kalooban mula sa isang kuyog ng mga ibon na masasayang lumilipad mula sa mga kalsada patungo sa mga bukirin at balik ulit sa mga kalsada sa paghahanap ng mga butil… Ang bukid, na ginawang isang lambat-lambat ng mga daanan, sa mga gilid kung saan bumagsak ang mga binhi, ay nakakuha ng pansin sa mga ibon, na sa una kinain ng mga ito ang mga binhi sa mga daanan at pagkatapos ang mga butil sa bukid, hanggang sa pinakahuling butil.

Kung kaya’t ang gayon ding binhi, inihasik sa lahat na bukiring lupa, ay namunga ng sandaan sa isa sa ilang lugar, animnapu, tatlumpu, wala sa iba. Makinig, ang sinuman na may mga tainga. Ang binhi ang ay ang Salita: pare-pareho sa lahat. Ang mga lugar kung saan bumagsak ang mga binhi: ang inyong mga puso. Pagnilayan ang parabula at intindihin ito. Ang kapayapaan ay sumainyo.»

Pagkatapos Kanyang hinarap si Pedro at nagsabi: «Pumunta sa ilog hanggang sa layo na magagawa mo at tumigil sa kabilang tabi.» At habang ang dalawang bangka ay naglalayag nang maikling distansiya pataas ng ilog at pagkatapos tumigil sa pampang, si Jesus ay naupo at tinanong ang bagong disipulo: «Sino na ang naiwan ngayon sa bahay?»

«Ang aking ina at ang pinakamatandang kapatid na lalaki, na limang taon na na may-asawa. Ang aking mga kapatid na babae ay nasa iba't ibang bahagi ng rehiyon. Ang aking ama ay napakabuti at ang aking ina ay ipinagluluksa ang kanyang kamatayan nang may paghihirap sa puso.» Ang binata ay tumigil nang bigla, pinipigil ang taos-sa-puso na paghikbi.

Si Jesus ay kinuha ang kanyang kamay at nagsabi: «Naranasan Ko ang ganyang pamimighati Mismo at nakita Ko ang Aking Ina na umiyak. Kung kaya’t naiintindihan Ko…»

Ang pagkuskos ng bangka sa mabatong baybayin ay nagawa ang paguusap na mapatigil upang sila ay makababa. Ang mababang mga burol ng Bethsaida na halos naaabot ang lawa, ay dito nagtatapos, sa halip ang isang kapatagan mayaman sa mga bunga ay umaabot mula sa baybayin na ito, sa kabilang banda ng Bethsaida, pagawing hilaga.

«Tayo ba ay patutungong Merom?» tanong ni Pedro.

«Hindi, kunin natin ang landas na ito sa bukid.»

Ang maganda at maayos na naaalagaang bukid ay nagpapakita ng mga tainga ng trigo na mga bubot pa ngunit maayos na naporma, lahat magkakapareho ang taas; at habang umaalun-alon sa malamig na ihip ng hanging hilaga ito ay nagmumukhang isa pang maliit na lawa, na ang mga naglalayag dito ay ang mga punungkahoy dito at doon puno ng sumisipol na mga ibon.

«Ang bukid na ito ay katulad ng nasa parabula» wika ni ng pinsan ni Jesus.

«Hindi masyado! Ang mga ibon ay hindi ito nasira, walang mga bato rito, walang mga dawag. Ang trigo ay maganda! Sa loob lamang ng isang mga buwan ito ay ginintuan… at sa pangalawa ito ay magiging handa na para sa gapas at para sa imbakan» sabi ni Judas ng Kerioth.

«Guro…  Pinaaalalahanan ko Kayo tungkol sa sinabi Ninyo sa aking bahay. Nagsalita Kayo nang napakaayos. Ngunit nagsisimula na ako na magkaroon ng mga idea sa loob ng aking ulo na kasing lito katulad ng gusot na mga ulap sa itaas na iyon…» sabi ni Pedro.

«Ngayong gabi ipaliliwanag Ko ito sa inyo. Ngayon natatanaw na natin ang Korazim.» At si Jesus ay tinititigan ang bagong disipulo nagsasabing: «Labis ang ibinibigay sa mga nagbibigay. At ang mga pag-aangkin ay hindi nito napagkakaitan ang regalo ng mga merito nito. Dalhin mo Ako sa sepulkro ng iyong pamilya at sa bahay ng iyong ina.»

Ang binata ay lumuhod, hinahalikan ang kamay ni Jesus at umiiyak.

«Tumayo ka. Tayo na. Ang Aking espiritu ay nadama ang iyong pagluha. Ibig Kitang palakasin sa iyong kabayanihan sa pamamagitan ng Aking pagmamahal.»

«Si Isaac ang Nakatatanda ay sinabi sa akin kung gaano Kayo naging napakabuti. Si Isaac, alam Ninyo? Pinagaling Ninyo ang kanyang anak na babae. Siya ay ang aking apostol. Ngunit nakikita ko na ang Inyong kabaitan ay mas mahigit pa kaysa sa sinabi sa akin.»

«Dadalawin din natin ang Nakatatanda upang pasalamatan siya sa pagbibigay niya sa Akin na isang disipulo.»

Narating nila ang Korazim at ang una nilang nakita ay ang bahay ni Isaac. Ang matandang mamâ, na naglalakad pabalik sa kanyang bahay, nang makita niya si Jesus kasama ang Kanyang mga apostol at ang binatang taga-Korazim, itinaas ang kanyang mga kamay, hawak ang kanyang tungkod nakataas, at hindi makapagsalita at natulala. Si Jesus ay ngumingiti at ang Kanyang ngiti ay naibigay ulit sa matanda ang kanyang pananalita.

«Pagpalain nawa Kayo ng Diyos, Guro! Bakit labis na karangalan para sa akin?»

«Upang sabihin sa iyo, “Maraming salamat”.»

«Ngunit para saan, aking Diyos? Kailangan kong sabihin ang salitang iyan sa Inyo. Halikayo. O! Nalulungkot ako na ang aking anak na babae ay wala rito, tinutulungan niya ang kanyang biyanang babae. Sapagkat siya ay nag-asawa na, alam Ninyo? Wala akong ibang natatanggap bagkus mga pagpapalà mula nang nakilala ko Kayo! Pagkatapos na siya ay napagaling ang mayamang kamag-anak namin na iyon ay dumating galing sa malayo, isang balo, na may maliliit na anak nangangailangan ng isang ina… O! Ngunit nasabi ko na sa Inyo ang lahat na iyan! Ang aking ulo ay matanda na! Patawarin Ninyo ako!»

«Ang iyong ulo ay marunong at kinakalimutan nito ang magmalaki tungkol sa kabutihan na ginawa niyan para sa Guro niyan. Ang kalimutan ang mabuting ginawa ay karunungan. Nagpapakita iyan ng kababaang-loob at pagtitiwala sa Diyos.»

«Ngunit ako… hindi ko alam…»

«At ang disipulong ito… hindi ko ba siya nakuha sa pamamagitan mo?»

«O!... Ngunit wala akong ginawa, alam Ninyo? Sinabi ko lamang sa kanya ang katotohanan… At ako ay natutuwa na si Elias ay kasama Ninyo.» Tiningnan niya si Elias at nagsabi: «Ang iyong ina, pagkatapos ng unang sandali ng pagtataka, ay naginhawahan nang kanyang mapakinggan na kasama mo ang Guro. Ang huling parangal na ibinigay sa iyong ama ay totoong solemne. Hindi pa siya matagal na naililibing.»

«At ano ang tungkol sa aking kapatid na lalaki?»

«Siya ay tahimik… alam ko… Mayroon pa siya ng mentalidad na iyon…»

Ang binata ay humarap kay Jesus: «Sinabi Ninyo mismo. Ngunit ayaw ko na siya ay patay… Hayaan siyang buhay katulad ko, at nasa paglilingkuran sa Inyo.»

Ang iba ay hindi makaintindi at sila ay nagkakatinginan nang may mga pagtatanong, ngunit si Jesus ay tumugon: «Huwag kang panghinaan ng loob, bagkus magpursige.» pinagpapalà Niya sa Isaac at umalis, bagama't pinakikiusapan nila Siya na manatili.

Sila ay tumigil muna malapit sa sepulkro at nagdarasal. Pagkatapos, dumaraan sa isang medyo wala pang maraming tanim na mga ubasan, sila ay pumunta sa bahay ni Elias.

Ang pagkikita ng dalawang magkapatid na lalaki ay medyo malamig. Ang nakatatanda pakiramdam niya siya ay nasaktan at ibig niya na mapuna siya ng mga tao. Ang nakababata pakiramdam niya siya ay nagkasala sa pantaong pananaw at hindi tumutugon sa pinakikita ng kapatid. Ngunit ang pagdating ng kanilang ina na, walang sinasabing anuman ipinatirapa ang sarili at hinahalikan ang laylayan ng tunika ni Jesus ay nagpaningning sa atmospera at sa kanilang mga espiritu. At ibig nilang parangalan ang Guro. Ngunit si Jesus ay walang ibig na tanggapin na anuman, sinabi lamang Niya: «Gawing makatarungan ang inyong mga puso, ang isa sa isa, kasing makatarungan niya na inyong ipinagluluksa. Huwag bigyan ng pantaong ibig sabihin ang kung ano ang mas mataas pa sa tao: kamatayan at ang pagkapili para sa isang misyon. Ang kaluluwa ng inyong makatarungang ama ay hindi nabalisa nakikita na ang kanyang anak ay wala sa paglilibing ng kanyang katawan, bagkus ito ay nagpahingang matahimik sa katiyakan tungkol hinaharap ni Elias. Huwag pabayaan ang makamundong mga kaisipan na magambala nito ang grasya ng pagpili. Kung ang mundo ay nasorpresa sa hindi siya nakita malapit sa ataul ng kanyang ama, ang mga anghel ay nagbubunyi nakikita siya sa tabi ng Mesiyas. Maging makatarungan. At sana iyan ay makapagpaginhawa sa inyo, ina. May-karunungan ninyong pinalaki siya at siya ay tinawag na ng Karunungan. pinagpapalà Ko kayong lahat. Ang kapayapaan ay makasama ninyo ngayon at lagi.»

Sila ay bumalik sa daan na nagdadala sa kanilang pabalik sa ilog, at mula roon patungong Bethsaida. Si Elias ay ni hindi nag-antala kahit na isang sandali sa pamasukan ng bahay ng kanyang ama. Pagkatapos na mahalikan ang kanyang ina sa pagpapaalam, sinundan niya ang Guro nang may kasimplehan ng isang bata na sumusunod sa kanyang tunay na ama.

201210

 

 



Sunod na kabanata