18. Ang Anunsiyasyon kay Jose Tungkol sa Paglilihi ni Elizabeth.

Marso 25, 1944.

Ang maliit na bahay sa Nazareth ay nagpakita sa akin na si Maria nasa loob nito. Si Maria, isang bata-pang babae, katulad nang ang Arkanghel ay nagpakita sa Kanya. Ang simpleng tanawing ito ay pumupuno sa aking kaluluwa ng dalisay na pabango ng bahay. Ang amoy ay nasa silid pa kung saan marahang winagayway ng Anghel ang kanyang malagintong mga pakpak. Ang pabangong iyon ay naipong lahat kay Maria upang magawa Siyang isang ina at ngayon ito ay sa Kanya na nagmumula.

Ngayon ay gabi na, sapagkat ang mga anino ay nagsisimula nang salakayin ang silid patungo kung saan ang labis na makalangit na liwanag ay bumaba.

Si Maria ay nakaluhod malapit sa Kanyang maliit na kama at nagdarasal na ang Kanyang mga kamay nakakrus sa Kanyang dibdib at ang Kanyang mukha nakayukong napakababa. Siya ay nakadamit pa rin katulad ng sandali ng Anunsiyasyon. Ang lahat ay eksakto katulad na ito ay ganito noon. Ang mabulaklak na sanga ay nasa plorera nito, ang muwebles nasa dating pusisyon. Tanging ang sulidan at ang bola ng sinulid lamang ang ngayon nakasandal sa isang sulok, ang una kasama ang linen, ang huli kasama ang maningning na sinulid nakapaikot dito.

Si Maria ay tumigil sa pagdarasal at tumayo, ang Kanyang mukha namumula na tila ito ay naliliwanagan ng isang apoy. Ang Kanyang mga labì ay ngumingiti, subalit ang Kanyang mga mata ay nagniningning na may mga luha. Kinukuha Niya ang langis na lampara at sinisindihan ito ng pangkiskis. Tinitiyak Niya na ang lahat ay nasa ayos sa loob ng silid. Itinutuwid Niya ang blanket sa kama dahil ito ay nawala sa lugar. Nagdaragdag Siya ng tubig sa plorera na naroroon ang namumulaklak na sanga at dinadala Niya ito sa labas, sa lamig ng gabi. Pagkatapos Siya ay pumasok muli. Kinukuha Niya ang nakaluping binuburdahan mula sa lalagyan ng mga aklat at ng lampara at lumabas na isinasara ang pinto.  Naglakad Siya nang kaunti sa pangkusinang-hardin, sa tabi ng bahay at pagkatapos pumunta sa maliit na silid kung saan nakita ko ang pagpapaalaman nina Jesus at Maria. Natatandaan ko ito bagama't ang ilang piraso ng muwebles na naroroon dati ay ngayon wala.

Si Maria ay nawala patungo sa isa pang maliit na nakakabit na silid, dinadala ang lampara, at ako ay naiwan nang mag-isa kasama ang pagbuburdang gawain na nakalapag sa sulok ng mesa. Naririnig ko ang mga mahihinang yapak ni Maria paparoo’t parito, pagkatapos nakarinig ako ng ingay ng tubig na tila Siya ay may hinuhugasan. Pagkatapos naroroon ang ingay ng binabaling mga patpat at naintindihan ko na Siya ay nagsisindi ng apoy.

Pagkatapos Siya ay bumalik at pumunta sa maliit na pangkusinang-hardin. Siya ay pumasok muli na may dalang ilang mansanas at mga gulay. Inilagay Niya ang mga mansanas sa mesa, sa ibabaw ng may-ukit na metal na trey, posibleng gawa sa tanso. Siya ay bumalik sa kusina, (dahil ang kusina ay tiyak na nasa banda roon). Ngayon ang apoy ng paapuyan ay masiglang nagtatapon ng liwanag na dumaraan sa bukas na pintuan patungo sa silid na ito at ito ay gumagawa ng sumasayaw na mga anino sa pader.

Mga ilan sandali ang dumaan at si Maria ay pumasok na may dalang maliit na kulay kapeng tinapay at isang mangkok ng mainit na gatas. Siya ay naupo at nagsasawsaw ng ilang maliliit na hiwa ng tinapay sa gatas. Kinakain Niya itong unti-unti. Pagkatapos iniiwan ang kalahating mangkok ng gatas, Siya ay pumunta sa kusina at bumalik na may dalang mga gulay kung saan Siya ay nagbubuhos ng ilang langis at kinakain Niya ito kasabay ang tinapay. Pinapawi Niya ang Kanyang pagka-uhaw sa pamamagitan ng gatas. Pagkatapos kinuha Niya ang mansanas at kinakain Niya ito. Ang hapunan ng isang maliit na babae.

Si Maria ay kumakain at nag-iisip, at ngumingiti Siya sa ilang naiisip sa loob Niya. Siya ay tumitingin sa itaas at sa paligid ng mga pader at tila nagsasabi Siya sa mga ito ng isang lihim. Paminsan-minsan, Siya ay nagiging seryoso, halos malungkot. Ngunit pagkaraan ang ngiti ay nasa Kanyang mga labì muli.

Nagkaroon ng mga pagkatok sa pinto. Si Maria ay tumayo at binuksan ito. Si Jose ay pumasok. Nagpalitan ng pagbati ang dalawa. Pagkatapos si Jose ay naupo sa bangkito sa harapan ni Maria, sa kabilang tabi ng mesa.

Si Jose ay magandang lalaki sa kalakasan ng kanyang buhay. Maaaring siya ay mga tatlumpu’t limang taong gulang hindi hihigit. Ang kanyang mukha ay napoporma ng kanyang madilim na pagkakulay-kapeng buhok at ng balbas na gayon din ang kulay at ang kanyang mga mata ay napakagiliw at napakadilim, halos itim. Ang kanyang noo ay malapad at makinis, ang kanyang ilong manipis at medyo agilenyo, ang kanyang mga pisngi ay medyo bilugan na kayumanggi, ngunit hindi kulay olibo, sa kabaligtaran ito ay medyo rosas malapit sa taas ng mga panga. Siya ay hindi napakataas, subalit siya ay malakas at makisig.

Bago siya naupo inalis muna niya ang kanyang manta at ito ang unang pagkakataon na nakakita ako ng ganitong klase, sapagkat ganap na pabilog ang tabas nito. Ito ay nahahawakan malapit sa leeg ng isang uri ng kawing at ito ay may panaklob sa ulo. Ang kulay ay malabnaw na kulay kape at tila gawa ito sa tela ng magaspang na lana panlaban sa tubig-ulan. Ito ay kamukha ng manta ng isang namumundok tamang-tamang proteksiyon laban sa masamang panahon.

At bago rin naupo inalok niya si Maria ng dalawang itlog at isang kumpol ng ubas, medyo tuyo na, subalit maayos ang pagkakapreserba. At siya ay ngumingiti nagsasabing: «Ang mga ubas ay dinala sa akin mula sa Cana. Ako ay binigyan ng mga itlog ng isang senturyon para sa ilang trabaho na ginawa ko sa kanyang kariton. Ang isang gulong ay nasira at ang kanilang karpintero ay may sakit. Iyan ay mga bagong itlog. Kinuha niya iyan mula sa bahay-manukan. Inumin Mo iyan. Makabubuti iyan sa iyo.»

«Bukas na, Jose. Katatapos Ko pa lang kumain.»

«Ngunit makakain Mo ang mga ubas. Masarap ‘yan, kasing tamis ng pulot. Iningatan ko ang pagdala niyan, upang hindi masira. Kainin Mo. Marami pa roon. Dadalhin ko iyon bukas sa isang maliit na basket. Hindi ko madala ngayong gabi, dahil galing ako mismo sa bahay ng Senturyon.»

«Bueno, kung gayon, hindi ka pa naghahapunan.»

«Hindi, hindi pa, ngunit hindi na bale.»

Si Maria ay tumayo kaagad at pumunta sa kusina at Siya ay bumalik na may dalang ilang gatas, ilang olibo at keso. «Wala na Akong iba pa» sabi Niya. «Kainin mo ang itlog.»

Ngunit ayaw ni Jose ito. Ang mga itlog ay para kay Maria. Kinakain ni Jose nang may gana ang kanyang tinapay at ang keso at iniinom niya ang mainit-init na gatas. Pagkatapos siya ay tumanggap ng isang mansanas. At ang kanyang hapunan ay tapos na.

Si Maria ay kinuha ang Kanyang binuburdahan pagkatapos na malinis Niya ang mesa at si Jose ay tinutulungan Siya at siya ay nananatili sa kusina kahit na nang si Maria ay nakabalik na rito. Naririnig ko si Jose na nagliligpit ng kanyang mga gamit. Sinusundot niya ang mga baga ng apoy upang maiayos ito sapagkat malamig ang gabi ngayon. Nang siya ay nakatapos at pumasok, pinasasalamatan siya ni Maria.

Sila ay naguusap. Ikinukuwento ni Jose kung papaano niya natapos ang araw. Siya ay nagkukuwento tungkol sa kanyang maliliit na pamangkin at nagkakaroon siya ng interes sa ginagawa ni Maria at sa Kanyang mga bulaklak. Nangangako siya na magdadala siya ng ilang magagandang bulaklak na naipangako sa kanya ng Senturyon. «Iyon ay mga bulaklak na wala tayo rito. Iyon ay galing pa sa Roma. At nangako siya ng ilang maliliit na halaman. Ngayon, kapag ang buwan ay nasa tama nang ikaapat itatanim ko iyon para sa iyo. Magaganda ang mga kulay noon at mababango. Nakita ko iyon nang nakaraang taon, sapagkat namumulaklak iyon kapag tag-init. Mapababanguhan nito ang buong bahay para sa iyo. Pagkatapos aking pupungusan ang mga punungkahoy kapag tama na ang buwan. Oras na.»

Si Maria ay ngumingiti at pinasasalamatan siya. Pagkatapos nagkaroon ng katahimikan. Si Jose ay tinitingnan ang magandang ulo ni Maria na nakatungo sa Kanyang binuburdahan. Isang tingin ng anghelikal na pagmamahal. Siyempre, kung mamahalin ng isang anghel ang isang babae nang pagmamahal ng isang asawa, ganyan nga niya siyang titingnan.

Pagkatapos si Maria, na tila Siya ay nagpasya nang bigla, ibinaba ang binuburdahan sa Kanyang lapi at nagsabi: «Mayroon din Akong sasabihin sa iyo. Wala Akong anuman na masabi, sapagkat alam mo naman kung gaano Ako katahimik mamuhay. Subalit ngayon Ako ay may ilang balita. Napakinggan Ko na ang ating kamag-anak na si Elizabeth, ang asawa ni Zachariah, ay malapit nang manganak…»

Naibukang maluwang ni Jose ang kanyang mga mata at bumulalas: «Sa kanyang edad?»

«Sa kanyang edad» tugon ni Maria ngumingiti. «Ang Panginoon ay magagawa ang lahat, at ngayon ibinibigay Niya ang lugod na ito sa ating kamag-anak.»

«Papaano Mo nalaman? Ang balita ba ay tiyak?»  

«Isang mensahero ang dumating. Isa na hindi makapagsisinungaling. Ibig Kong pumunta kay Elizabeth, upang tulungan siya at sabihin na nagsasaya Akong kasama niya. Kung Ako ay iyong pahihintulutan…»

«Maria, Ikaw ay ang aking sinyora at ako ang Iyong lingkod. Anuman ang Iyong gawin ay mabuti. Kailan Mo ibig na umalis?»

«Sa lalong madaling panahon. Ngunit mawawala Ako nang mga ilang buwan.»

«At aking bibilangin ang mga araw sa paghihintay sa iyo. Titingnan ko ang bahay at ang Iyong maliit na hardin. Matatagpuan Mo ang mga bulaklak na kasing ganda na parang Ikaw ang nag-alaga sa kanila. Kaya lang… sandali. Bago mag-Paskuwa kailangan kong pumunta sa Herusalem upang bumili ng mga ilang bagay para sa aking ginagawa. Kung makapaghihintay Ka nang mga ilang araw, ako ay sasama sa iyo hanggang man lang Herusalem. Hindi na ako makalalayo pa, sapagkat kailangan kong magmadali pabalik. Ngunit magkakasama tayo. Mas magiging masaya ako kung alam ko na hindi Ka nag-iisa sa daan. Kapag ibig Mo nang bumalik, pasabihan Mo ako at ako ay darating at tatagpuin Ka.»

«Napakabuti mo, Jose. Sana’y gantimpalaan ka ng Diyos ng Kanyang mga pagpapalà at ilayo ang kapighatian sa iyo. Lagi Akong nagdarasal sa Kanya para diyan.»

Ang basal na magkasama ay ngumingiti sa isa’t isa na parang mga anghel. Nagkaroon ulit ng kaunting sandaling katahimikan.

Pagkatapos si Jose ay tumayo. Inilalagay niya ang kanyang manta at tinatakpan ang kanyang ulo ng panaklob nito. Nagpapaalam siya kay Maria Na nakatayo na rin, at siya ay lumabas.

Si Maria ay pinagmamasdan si Jose na lumalabas at Siya ay nagbubuntung-hininga na medyo nalulungkot. Pagkatapos Kanyang itinaas ang Kanyang mga mata sa Langit. Siya ay tiyak na nagdarasal. Isinasara Niya nang maingat ang pinto. Tinutupi ang binuburdahan. Pumunta sa kusina, pinapatay o kaya tinatakpan ang apoy. Tinitiyak Niya na ang lahat ay nasa maayos. Pagkatapos Kanyang kinuha ang lampara at lumabas isinasara ang pinto. Sa pamamagitan ng Kanyang kamay tinatakpan Niya ang apoy na kumukurap-kurap sa kalamigan ng hanging gabi… Pinasok Niya ang Kanyang silid at nagdarasal muli.

Ang bisyon ay nagtatapos nang gayon.

                                                                                                ---

mary

Sinasabi ni Maria:

«Aking minamahal na anak, nang Ako ay bumalik sa katunayan ng panlupang pamumuhay pagkatapos ng labis na kasiyahan na nagpuno sa Akin ng di-mailalarawang lugod, ang Aking unang naisip ay ang para kay Jose: isang naiisip na kasing tulis ng tinik ng rosas, na tumutusok sa Aking puso na nasa katalikan ng mga rosas ng Dibinong Pagmamahal, Na naging Aking Esposo mga ilang sandali pa lamang ang nakararaan.

Sa panahong ito minamahal Ko na ang Aking banal at mapag-ubayang tagapag-alaga. Mula sa sandali nang sa pamamagitan ng kalooban ng Diyos, ipinahiwatig sa Akin sa pamamagitan ng salita ng Pari, na Ako ay kasal na kay Jose, nagkaroon Ako ng posibilidad na makilala at maunawaan ang kabanalan ng makatarungang taong iyon. Nang Ako ay naging kasama na niya, ang Aking panlulumo na Ako ay isang ulila ay nawala at hindi Ko na ikinalulungkot ang nawalang paninirahan sa Templo. Siya ay kasing bait ng Aking yumaong ama. Kapag kasama Ko siya Ako ay kasing ligtas katulad ng kasama Ko ang Pari. Ang lahat na kalituhan ay naglalaho, hindi lamang iyan, bagkus ito ay nakakalimutan, ganito man lang magpahanggang ngayon para sa Aking birhen na puso. Sa katunayan naintindihan Ko na walang anumang dahilan na Ako'y  mag-alinlangan o kaya matakot tungkol kay Jose. Ang Aking pagkabirhen ipinagkakatiwala kay Jose ay mas ligtas pa kaysa sa isang bata na nasa mga bisig ng kanyang ina.

Subalit ngayon, papaano Ko sasabihin sa kanya na Ako ay isa nang Ina? Nagsikap Akong makatagpo ng tamang mga salita upang maibigay sa kanya ang balita. Isang mahirap na gawain, sa dahilan na ayaw Kong ipagyabang ang tungkol sa regalo ng Diyos at sa kabilang dako walang ibang paraan na pangatwiranan ang Aking maternidad nang hindi sasabihing: “Ang Panginoon ay minahal Ako sa lahat ng kababaihan at ginawa Ako, Na Kanyang lingkod, Kanyang Nobya”. Ni ayaw Ko ring linlangin siya sa pagtatakip sa Aking kalagayan.

At habang Ako ay nagdarasal, ang Espiritu Na punung-puno Ako, ay nagsabi sa Akin: “Manahimik. Ipagkatiwala sa Akin ang gawaing pangatwiranan Ka sa Iyong esposo”. Kailan? Papaano? Hindi Ako nagtatanong. Lagi na Akong umaasa sa Diyos, at lagi Kong pinababayaan ang Aking Sarili na pangunahan Niyang katulad ng isang bulaklak na tinatangay ng umaagos na tubig. Ang Eternal na Ama ay hindi Ako kailanman iniwanan nang walang tulong mula sa Kanya. Ang Kanyang kamay ay laging naka-alalay sa Akin, nagpoprotekta at gumagabay magpahanggang ngayon. Gagawin din nito ito ngayon.

O Aking anak, gaano kaganda at kaginhawa ang pananampalataya sa ating Eternal na Mabuting Diyos! Hinahawakan Niya tayo sa Kanyang mga bisig katulad ng nasa isang kuna, katulad ng isang bangkang dinadalang patungo sa maliwanag na daungan ng Kabutihan, pinaiinitan ang ating mga puso, pinagiginhawa at pinalalakas tayo, nagkakaloob ng kapahingahan at kasayahan, liwanag at patnubay sa atin. Ang pag-asa sa Diyos ay lahat, at ang Diyos ay nagkakaloob sa lahat na nagtitiwala sa Kanya: ibinibigay ang Kanyang Sarili.

Nang gabing iyon naitaas Ko sa perpeksiyon ang Aking pagsandal bilang isang nilikha. Ngayon nagawa Kong magawa ito, sapagkat ang Diyos ay nasa loob Ko. Bago ngayon may kompiyansa Ako ng isang abang nilikha, katulad nang Ako ay noong dati: isang tao na tanging wala, kahit na kung Ako ay labis na minamahal upang maging ang Isang Walang-Pagkakasalang Isa. Ngunit ngayon Ako ay may dibinong pagtitiwala, sapagkat ang Diyos ay Akin: Aking Esposo, Aking Anak! O! Anong lugod! Ang maging kaisa ng Diyos. Hindi para sa Aking sariling kaluwalhatian, bagkus ang mahalin Siya nang may total na pakikiisa at masabi sa Kanya: “Kayo, tanging Kayo lamang ang nasa Akin: pakiusap na tulungan Ako ng Inyong Dibinong perpeksiyon sa lahat ng Aking ginagawa”.

Kung hindi Niya sinabi sa Akin: “Manahimik!”, baka naglakas-loob Ako kay Jose na sabihin, na nakatungo ang Aking mukha sa lupa: “Ang Espiritu ay pinasok Ako at ngayon ang Embriyon ng Diyos ay nasa Akin”, at maaaring pinaniwalaan niya Ako, sapagkat mataas ang kanyang pagtingin sa Akin at sapagkat katulad ng mga hindi kailanman nagsisinungaling, hindi siya makapaniniwala na ang iba ay makapagsisinungaling. Oo, upang maiwasan na masaktan Ko ang kanyang damdamin sa hinaharap, kinailangan Kong mapangibabawan ang anumang kaisipan na mapuri Ko ang Aking Sarili. Subalit sinunod Ko ang dibinong utos. At sa loob ng maraming buwan pagkatapos ng sandaling iyon, naramdaman Ko ang unang sugat na kumirot sa Aking puso.

Iyon ay ang unang kirot sa Aking kapalaran ng pagiging Kapwa-Manunubos. Inialay Ko ito at ipinaghirap bilang pagbabayad-sala at upang mabigyan kayo ng patnubay para sa katulad na mga kalagayan sa buhay, kung kailan kakailanganin na maghirap sa katahimikan para sa isang pangyayari na magbibigay ng masamang liwanag sa inyo sa mga nagmamahal sa inyo.

Ipagkatiwala sa Diyos ang pagprotekta sa inyong mga reputasyon at mga damdamin. Kung karapat-dapat kayo ng proteksiyon ng Diyos sa pamamagitan ng inyong banal na pamumuhay, makapagpapatuloy kayo nang ligtas. Kahit na kung ang buong mundo ay laban sa inyo, ipagtatanggol Niya kayo sa mga taong nagmamahal sa inyo at papapangyarihin Niya na ang katotohanan ay malaman.

Ngayon ay magpahinga na, Aking minamahal, at maging lalong lalo pa na minamahal Kong anak.»

090610



Sunod na kabanata