180. leksiyon sa mga Apostol sa Loob ng Kusina ni Pedro at ang Pagbabalita Tungkol sa Pagkakahuli kay Juan Bautista.

Hunyo 7, 1945.

Kami ay nasa kusina ni Pedro muli.  Ang pagkain ay maaaring masarap-sarap sapagkat ang mga tira-tira ng karne, isda, keso, tuyong prutas at mga keyk gawa sa pulot ay iniipon sa isang tila paminggalan, na nakapagpapa-alaala sa akin tungkol sa amin Tuscan na mga masahan ng tinapay. Ang mga pitsel at mga kopa ay nasa mesa pa.

Ang asawa ni Pedro ay maaaring nakagawa ng himala na nabigyan ng kasiyahan ang kanyang asawa, at maaaring nagtrabaho siya nang buong araw. Ngayon, pagod ngunit masaya, siya ay nasa kanyang maliit na sulok nakikinig sa kung ano ang sinasabi ng kanyang asawa at ng iba pa. Pinagmamasdan niya si Simon, na, sa ganang kanya, ay maaaring isang dakilang tao, kahit na kung paminsan-minsan siya ay mapaghanap, at kapag napapakinggan niya siya na nagsasalita ng mga bagong salita, kung saan dati siya ay nakapagsasalita lamang ng tungkol sa mga bangka, mga lambat, isda at pera, siya ay napapakurap na tila siya ay nasisilaw ng isang maningning na liwanag. Si Pedro, kapwa dahil sa kanyang lugod na si Jesus ay nasa kanyang mesa at dahil sa masarap na pagkain na nagkaroon siya, ay nasa pinakamagandang mga espiritu sa gabing ito, at ang hinaharap na Pedro, nagpapahayag sa mga pulutong, ay naibubunyag.

Hindi ko malaman kung aling tugon ng isang kasamahan ang nakapagbigay kay Pedro na siya ay nakatugon nang maliwanag nagsasabing: “Mangyayari sa kanila kung ano ang nangyari sa mga tagapagpundar ng Tore ng Babel. Ang kanilang sariling pagmamalaki ang magsisimula ng pagpabagsak sa kanilang mga teoriya at sila ay madudurog.»

Si Andres ay tumutol sa kanyang kapatid: “Ngunit ang Diyos ay Awa. Pipigilan Niya ang pagbagsak upang mabigyan sila ng panahon na mabago ang kanilang mga pamamaraan.»

«Huwag mong paniwalaan iyan. Kokoronahan nila ang kanilang pagmamalaki ng maling mga akusasyon at pang-uusig. O! nakikita ko na ito. Uusigin nila tayo upang mapaghiwalay nila tayo bilang mga di-kanais-nais na mga saksi. At sa dahilan na inaatake nila ang Katotohanan sa paglalagay ng mga patibong para rito, ang Diyos ay maghihiganti at sila ay mawawala.»

«Magkakaroon ba tayo ng lakas na malabanan ito?» tanong ni Tomas.

«Bueno… para sa akin, hindi ako magkakaroon nito. Ngunit inilalagay ko ang aking pagtitiwala sa Kanya» at si Pedro ay tumango sa Guro Na nakikinig at nananahimik, ang Kanyang ulo medyo nakatingala, na tila ibig Niyang itago ang Kanyang nakauunawang hitsura.

Sa aking palagay ang Diyos ay hindi tayo ilalagay sa mga pagsubok na mahigit pa sa ating lakas» sabi ni Mateo.

«O  dadagdagan man lamang Niya ang ating lakas katumbas ng mga pagsubok» paghinuha ni Santiago ni Alfeo.

«Ginagawa na Niya iyan. Ako ay dati mayaman at makapangyarihan. Kung ang Diyos ay hindi nagpasya na ako ay manatili para sa isang pakay Niya, nasiraan na sana ako ng loob at ako’y namatay nang ako ay inuusig at naging isang kinasusuklaman. Naging marahas sana ako sa aking sarili… Sa halip isang bagong kalusugan, na hindi ako nagkaroon dati, ang bumaba sa aking pangungulila: ang kayamanan ng isang paninindigan: “Ang Diyos ay naririto”. Una sa lahat…. Ang Diyos… Oo, ako ay isang matapat na Israelita. Ngunit ang akin ay ang isang pananampalataya ng pormalidad. At naging akala ko na ang gantimpala ng aking pananampalataya ay laging mas mababa kaysa sa aking birtud. Nangahas akong makipag-debate sa Diyos sapagkat sa pakiramdam ko ako ay isa pa ring kung anong bagay sa lupa. Tama si Simon Pedro. Ako, rin, ay nagtatayo ng tore ng Babel sa pagpupuri ko sa aking sarili at pagpapakain sa aking kaakuhan. Nang ang lahat ay gumuho sa kapaligiran ko at ako ay katulad na ng isang uod na dinurog ng bigat ng lahat ng pantaong kawalang-kabuluhang ito, diyan ako hindi na makapag-debate sa Diyos, bagkus sa aking sarili, sa pamamagitan ng aking mismong katangahan at nagtapos ako sa pagsira nito. At dahil ginawa ko ito, gumagawa ng lugar para sa kung ano ang sa isip ko na namumuspos na Diyos sa ating makalupang mga katauhan, nagkaroon ako ng bagong lakas at kayamanan: ang katiyakan na ako ay hindi nag-iisa at na ang Diyos ay pinagmamasdan Niya ang tao na natalo ng mga tao at ng kasamaan.»

«Ayon sa iyo, ano ang Diyos, “ang namumuspos na Diyos sa ating makalupang mga katauhan” ayon sa sinabi mo? Ano ang ibig mong sabihin? Hindi kita maintindihan at sa palagay ko iyan ay isang erehiya. Ang Diyos ay ang Isang ating nalaman sa pamamagitan ng Batas at ng mga Propeta. Wala nang ibang Diyos» sabing medyo matigas ni Judas Iskariote.

«Kung si Juan ay naririto sasabihin niya sa iyo nang mas mabuti kaysa sa masasabi ko. Ngunit sasabihin ko sa iyo sa pinakamaganda nang magagawa ko. Ang Diyos ay ang Isa na nalaman natin sa pamamagitan ng Batas at ng mga Propeta. Totoo iyan. Ngunit sa ano natin Siya nakikilala? At papaano?»

Si Judas ni Alfeo ay bumulalas: «Kakaunti at napakasama. Ang mga Propeta, na nagsasalarawan tungkol sa Kanya para sa atin, ay kilala Siya. Ang idea na mayroon tayo ay isang napalabong idea, sa dahilan na nakakakita lamang tayo sa pamamagitan ng isang tumpok ng mga kapaliwanagan na itinambak ng mga sekta…»

«Mga sekta? Anong ibig mong sabihin? Wala tayong mga sekta. Tayo ay ang mga anak ng Batas. Tayong lahat ay» ang galit na mapilit na Iskariote ang nagsabi.

«Mga anak ng mga batas. Hindi ng Batas. Diyan ay may kaunting pagkakaiba. Plural, hindi singular. Sa katunayan, tayo ay ang mga anak ng kung ano ang ating nilikha, hindi na ng kung ano ang ibinigay sa atin ng Diyos» balik-sabi ni Tadeo.

«Mga batas na hinango sa Batas» sabi ng Iskariote.

«Ang mga sakit din ay nagsisimula sa ating mga katawan, ngunit hindi ibig sabihin niyan na ang mga iyan ay mabuti» tugon ni Tadeo.

«Ngunit pakinggan ko kung ano ang namumuspos na Diyos ni Simon.» Ang Iskariote, na hindi makapanalungat laban sa sinabi ni Judas ni Alfeo, ay nagsisikap na maibalik ang paguusap sa kung saan ito nagsimula.

Si Simon Zealot ay nagsabi: «Ang ating mga pándamá ay nangangailangan ng mga salita upang mahawakan ang isang idea. Ang bawat isa sa atin, at ang tinutukoy ko ay tayo na mga naniniwala, ay naniniwala, sa pamamagitan ng birtud ng pananampalataya, sa Kataastaasang Panginoon at Tagapaglikha, Eternal na Diyos, Na nasa Langit. Ngunit ang bawat nilikha ay nangangailangan ng higit pa sa lantad, puro, di-materyal na pananampalataya, na angkop at sapat na para sa mga anghel na espirituwal na nakakakita at nakapagmamahal sa Diyos, dahil sila ay espirituwal na katulad Niya at nakakakita sa Diyos. Kailangan natin na gumawa ng isang “larawan” ng Diyos para sa ating mga sarili, isang larawan na kinalolooban ng mga esensiyal na mga katangian na ating iniuukol sa Diyos, upang mabigyan ng pangalan ang Kanyang walang-hangganang absulutong perpeksiyon. Habang mas tumututok ang isang kaluluwa, mas lalo itong nagtatagumpay na makamtan ang eksaktong kaalaman tungkol sa Diyos. Iyan ang aking sinasabi: ang namumuspos na Diyos. Ako ay hindi isang pilosopo. Baka naiukol ko nang mali ang salita. Sa madaling salita, sa aking palagay ang namumuspos na Diyos ay ang maramdaman, upang madama ang Diyos sa ating mga espiritu, ang maramdaman at madama Siya na hindi na bilang isang abstract na idea, bagkus isang tunay na presensya, naggagawad ng lakas at isang bagong kapayapaan sa atin.»

«O sige. Ngunit, sa pagbubuod, papaano mo Siya nararamdaman? Anong kaibahan ng nararamdaman sa pamamagitan ng pananampalataya at sa nararamdaman sa pamamagitan ng pamumuspos?» tanong ng Iskariote na medyo may panunuya.

«Ang Diyos ay kaligtasan, bata. Kapag nadarama mo Siya, katulad ng sinasabi ni Simon, sa pamamagitan ng salitang iyon, na hindi ko naiintindihang literal, ngunit naiintindihan ko ang espiritu nito – at maniwala ka sa akin, ang problema ay nakakaintindi lamang tayo nang literal at hindi natin naiintindihan ang espiritu ng mga salita ng Diyos – ang ibig sabihin nito nagagawa mong masakyan ang idea ng teribleng mahestad, ngunit ang pinakamatamis na pagiging ama din ng Diyos. Ang ibig sabihin nito na kung ang lahat ng mundo ay hinusgahan at sinusumpa ka nang walang katarungan, ang pakiramdam mo na Iisa lamang, Siya, ang Eternal na Isa, Na siyang iyong Ama, ang hindi nanghuhusga sa iyo, bagkus pinatatawad at pinagiginhawahan ka. Ang ibig sabihin nito na kung ang lahat ng mundo ay kapootan ka, mararamdaman mo ang isang pagmamahal na mas malaki pa kaysa sa anumang maibibigay ng mundo. Ang ibig sabihin nito na kung ikaw ay nangungulila sa loob ng piitan o sa isang disyerto lagi mong maririnig ang Isa na nagsasalita sa iyo at nagsasabi: “Maging banal, upang sana maging katulad ka ng iyong Ama”. Ang ibig sabihin nito na para sa tunay na pagmamahal para sa Ama at Diyos na ito, Na sa wakas iyon nadama bilang ganyan, ikaw ay tumatanggap, nagtatrabaho, kumukuha at umaalis na walang anumang pantaong mga konsiderasyon, dahil ang gusto mo lamang ay makaganti ng pagmamahal para sa pagmamahal at gayahin ang Diyos hangga’t maaari sa iyong mga ikinikilos» sabi ni Pedro.

«Ikaw ay mapagmalaki! Ang gayahin ang Diyos! Wala kang karapatan nito» deklarasyon ng Iskariote.

«Iyan ay hindi pagmamalaki. Ang pagmamahal ay naghahatid sa pagsunod. Ang gayahin ang Diyos ay tila sa akin isang porma ng pagsunod sapagkat ang Diyos ay nagsabi na ginawa Niya tayo sa Kanyang sariling imahe at pagkakatulad» tugon ni Pedro.

«Ginawa Niya tayo. Hindi tayo kailangan na mas tumaas pa.»

«Ikaw ay isang kaawa-awang kapus-palad, aking bata, kung iyan ang iyong iniisip! Nakakalimutan mo na tayo ay bumagsak at na ang Diyos ay ibig Niyang ibalik tayo sa kung ano tayo dati.»

Si Jesus ay nagsimulang magsalita: «Kahit mas mahigit pa, Pedro, Judas at kayong lahat. Kahit mas mahigit pa kaysa diyan. Ang perpeksiyon ni Adan ay maaari pang umunlad sa pamamagitan ng pagmamahal, na sa pamamagitan nito mas lalo pa sana tayong naging ang eksaktong imahe ng kanyang Tagapaglikha. Si Adan na wala ng bahid ng kasalanan ay naging ang nagniningning na salamin sana ng Diyos. Kung kaya’t Aking sasabihin: “Maging perpekto katulad na ang inyong Ama Na nasa Langit ay perpekto”. Katulad ng inyong Ama. Kung gayon katulad ng Diyos. Si Pedro ay tamang tama. At gayon din si Simon. Hinihiling Ko sa inyo na tandaan ang kanilang mga salita at gamitin ninyo iyan sa inyong mga kaluluwa.»

Ang asawa ni Pedro ay halos himatayin sa tuwa nang mapakinggan na ang kanyang asawa ay pinupuri nang ganyan. Siya ay lumuha sa loob ng kanyang belo: siya ay tahimik ngunit masaya.

Si Pedro ay namumula nang labis na tila siya ay inaatake sa puso. Siya ay nananatiling tulala sa loob ng kaunting sandali, pagkatapos nagsabi: «Bueno, kung gayon, ibigay Ninyo sa akin ang aking gantimpala. Ang parabula ngayong umaga…»

Ang iba rin ay sumali kay Pedro nagsasabing: «Oo, nangako Kayo. Ang mga parabula ay nakakatulong nang mabuti upang magawa ang mga tao na maintindihan ang paghahambing. Ngunit nalalaman namin na may mas mataas na ibig sabihin ang mga ito kaysa sa paghahambing. Bakit nagsasalita Kayo sa kanila sa pamamagitan ng mga parabula?»

«Sapagkat hindi kailangan na maintindihan nila ang higit pa sa kung ano ang ipinaliliwanag Ko. Kayo ay pinagkalooban ng mas mahigit pa, dahil bilang Aking mga disipulo, kailangan na alam ninyo ang misteryo; kung kaya’t kayo ay pinagkalooban upang maintindihan ang mga misteryo ng Kaharian ng Langit. Kung kaya’t sasabihin Ko sa inyo: “Tanungin Ako kung hindi ninyo naiintindihan ang espiritu ng parabula”. Nagbibigay kayo ng lahat at ang lahat ay ibinibigay sa inyo, upang kayo rin ay sana ibigay ninyo ang lahat. Ibinibigay ninyo ang lahat sa Diyos: pagmamahal, panahon, mga interes, kalayaan, mga buhay. At ang Diyos ay ibinibigay sa inyo ang lahat upang magantimpalaan kayo at magawa kayong ibigay ninyo ang lahat sa ngalan ng Diyos sa mga darating pagkatapos ninyo. Kung kaya’t, siya na nagbigay ay bibigyan nang masagana. Ngunit siya na nagbigay lamang nang bahagi o hindi kailanman nagbigay, ay pagkakaitan din ng kung ano ang mayroon na siya.

Ako’y nagsasalita sa kanila sa pamamagitan ng mga parabula, upang, habang nakakakita, makita man lamang sana nila kung ano ang napaliliwanagan ng kanilang kalooban upang mapalapit sa Diyos, at habang nakakapakinig, laging sa pamamagitan ng gayon ding kalooban ng pagkakálapit, makarinig at makaintindi sana nila. Tingnan ninyo! Marami ang nakaririnig ng Aking salita, kakaunti ang napápalapit sa Diyos. Ang kanilang mga espiritu ay nagkukulang ng mabuting kalooban. Ang hula ni Isaiah ay nagkakatotoo sa kanila: “Makapakíkinig kayo sa pamamagitan ng inyong mga tainga at hindi makaiintindi, makatítingin kayo sa pamamagitan ng inyong mga mata at hindi makakakita”. Sapagkat ang mga taong ito ay matitigas ang puso; ang kanilang mga tainga ay matitigas at ang kanilang mga mata nakasarado, upang hindi sana sila makakita at makarinig, hindi makaintindi sa pamamagitan ng kanilang mga puso at magbalik-loob sa Diyos, upang sana mapagaling Ko sila. Ngunit kayo ay pinagpalà sapagkat ang inyong mga mata ay nakakakita at ang inyong mga tainga nakakarinig, at dahil sa inyong mabuting kalooban! Sasabihin Ko sa inyong totoo na maraming mga Propeta at maraming makatarungang mga tao ang nanabik na makita ang nakikita ninyo at hindi nila nakita, at marinig ang naririnig ninyo at hindi nila narinig. Yumao silang dala ang mithiin na maintindihan ang misteryo ng mga salita, ngunit nang kaagad mawala ang liwanag ng hula, ang mga salita ay nanatiling katulad ng mga natirang bága ng mga uling, pati na rin sa banal na tao na tumanggap ng mga salitang iyon.

Tanging ang Diyos lamang ang nagbubunyag ng Kanyang Sarili. Kapag ang Kanyang liwanag ay maglaho, kaagad kapag ang pakay ng pagpapaliwanag sa misteryo ay matapos, ang kawalang-kakayahan na makaintindi ay babalutin nito ang regal na katotohanan ng salitang tinanggap, katulad ng mga bendahe ng isang momya. Kung kaya’t sinabi Ko sa inyo ngayong umaga: “Ang araw ay darating kung saan matatagpuan ninyo ang lahat na ibinigay Ko sa inyo”. Ngayon hindi kayo makaalaala. Ngunit ang darating na liwanag ay pupunta sa inyo, hindi lamang para sa loob ng isang sandali, bagkus para sa di-mapaghihiwalay na pagsasama ng Eternal na Espiritu at ng inyo, kung kailan ang inyong itinuturo tungkol sa Kaharian ng Diyos ay hindi maaaring magkamali. At kung ano ang nauukol sa inyo, ay mauukol din sa mga kasunod ninyo, kung sila ay mamumuhay ng sa Diyos katulad ng iisang tinapay lamang.

Ngayon pakinggan ang espiritu ng parabula.

Tayo ay may apat na klase ng mga bukid: ang matataba, ang matitinik, ang mababato at ang mga puno ng mga daanan. May apat na klase rin tayo ng mga espiritu.

Nariyan ang matatapat na espiritu, ang mga espiritu ng mabuting kalooban, naihanda sa pamamagitan ng sarili nila at ng trabaho ng isang apostol, ng isang “tunay” na apostol; sapagkat may mga apostol na nasa kanya ang pangalan ngunit hindi ang espiritu ng isang apostol at sila ay mas delikado para sa kalooban na pinoporma, kaysa sa mga ibon, mga tinik at mga bato. Nakapagpapagulo sila sa isang paraan, sa pamamagitan ng kanilang intoleransiya, pagmamadali,  mga paninisi at  mga pagbabanta na napalalayas nila ang mga tao mula sa Diyos magpakailanman. May iba na, sa kabaligtaran, sa pamamagitan ng kalabisan ng pagmamagandang-loob, na ganap na wala sa lugar, ay nagagawa ang binhi na mabulok sa isang napakalambot na lupa. Dahil sa kanilang kakulangan ng sigla, napapatay nila ang sigla ng mga kaluluwa ng kanilang ginagamot. Ngunit ating tingnan ang tunay na mga apostol, ibig sabihin, ang nagniningning na mga salamin ng Diyos. Sila ay maka-ama, maawain, matiyaga, at sila ay malalakas din, katulad na ang kanilang Panginoon ay malakas. Ngayon: ang mga kaluluwa na inihanda nila at ng kanilang sariling kalooban ay maihahambing sa matatabang bukid, malaya sa mga bato at matitinik na tanim, sa malalagong damo at dawag, kung saan ang salita ng Diyos ay tumatagal at ang bawat salita, ibig sabihin ang bawat binhi, ay nagkakatainga, namumunga sa ilang mga lugar ng sandaan, sa iba animnapu, tatlumpung pursiyento. Mayroon ba ng kahit ganito sa mga sumusunod sa Akin? Tiyak na mayroon nga. At sila ay magiging banal. Sila ay nanggagaling  mula sa lahat na lipì at bansa. At may mga hentil sa kanila at sila ay mamumunga ng sandaan pursiyento dahil sa kanilang mabuting kalooban, tanging dahil lamang diyan, o dahil sa kanilang mabuting kalooban at ng isang apostol o disipulo na siyang naghahanda sa kanila para sa Akin.

Ang matitinik na tanim ay ang mga na kung saan ang magkakasabid na personal na mga interes, na sumasakal sa mabuting binhi, ay nangyaring tumubo gawa ng kapabayaan. Kailangan na bantayan ninyo ang inyong sarili sa lahat ng oras. Huwag kailanman sabihin: “O! Ako ay maayos na naporma, ako ay naitanim, makatitiyak ako na ako ay mamumunga ng eternal na buhay”. Bantayan ang inyong sarili; ang labanan sa pagitan ng Kabutihan at Kasamaan ay nangyayari pa. Nakapanood na ba kayo ng isang kolonya ng mga langgam na iniluluklok ang kanilang sarili sa loob ng isang bahay? Naroroon sila, malapit sa paapuyan. Ang maybahay ay inaalis ang lahat na makakain mula diyan at inilalagay ito sa mesa. Inaamoy nila ang hangin at dudumugin ang mesa. Ang maybahay ay ilalagay ang pagkain sa isang paminggalan at ang mga langgam ay pupunta roon sa pamamagitan ng butas ng susian. Ang babae ay ibibitin ang kanyang panustos na pagkain sa kisame, at sila ay iikot nang malayo sa mga pader at mga biga, bababa sa tali at maabot ang pagkain. Ang babae ay susunugin sila, babanlian sila, lalasunin sila. At iniisip na nalipol na niya sila siya ay masaya. Ngunit kung hindi siya magbabantay, anong pagtataka ang magkakaroon siya! Ang mga bagong panganak ay lalabas at siya ay magsisimula na ulit sa simula. At iyan ang nangyayari habang kayo ay nabubuhay; kailangan na mag-ingat kayo at bunutin ang ugat ng masamang mga dawag kaagad kapag ito ay lumalabas. Kung hindi makagagawa ito ng kisame ng mga matitinik na tanim na sasakal sa trigo. Makamundong mga pangangalaga, nakapandarayang mga kayamanan ang bumubuo sa sabid-sabid, sinasakal nito ang binhi ng Diyos at pinipigilan nito ito na magkatainga.

At naririto ang mga bukid na puno ng mga bato. Gaano karami ito sa Israel! Sila ang mga kasama sa “mga anak ng mga batas” katulad ng tamang-tamang binanggit ng Aking pinsan na si Judas. Sa kanila ay wala ang nag-iisang Bato ng Saksi, ni ang Bato ng Batas. Ang naririyan ay ang tibangan ng abang kaawa-awang pantaong mga batas ginawa ng mga tao. Napakarami nito na sa bigat nito nabasag din nito ang Bato ng Batas sa napakamaliliit na mga piraso. Isang sakuna na hindi magpapa-ugat sa binhi. Ang ugat ay hindi na napakakain sapagkat wala na ni lupa o katas. Ang tubig na nabubungkok sa ibabaw ng batong daanan ay nagagawa ang binhi na mabulok, ang araw nagagawang mainit ang mga bato at tinutuyo ang mga tanim. Ganyang ang mga espiritu ng mga naglalagay ng komplikadong  pantaong mga doktrina sa lugar ng simpleng doktrina ng Diyos. Tinatanggap pa nga nila nang may lugod ang Aking salita. Sa una nauuga at nahahalina sila nito. Ngunit pagkaraan… kinakailangan nilang maging mga bayani at magtrabaho nang mabigat upang malinis ang bukid, ang kanilang mga kaluluwa at mga isipan ng lahat na pantalumpating mga bato. Ang binhi kung gayon pagkatapos ay magkakaugat at magkakaroon ng mahahabang tangkay. Sa ngayon… wala itong binubunga. Sapat na ang pagkatakot sa ganti ng tao. Sapat nang sabihin: “At pagkatapos? Ano ang gagawin ng malalakas sa akin?” at ang abang binhi ay manghihina nang walang nakakain. Sapat na para sa buong tibangan na gumalaw nang may walang-pakinabang na tunog ng daan-daang mga alituntunin, na mga inilagay sa lugar ng Alituntunin, na ang tao ay mamatay kasama ang binhing tinanggap… Ang Israel ay puno ng mga ito. Ito ang kapaliwanagan kung bakit ang pagdating ng Diyos ay ang kabaligtarang proporsiyon sa pantaong kapangyarihan.

Ang huli ay ang maalikabok na tigang na bukid na puno ng mga kalsada. Ang mundo ng mga makamundong makasariling mga tao. Ang kanilang kaginhawahan ay ang kanilang batas, ang kasiyahan ang kanilang tinatangka. Ang kanilang mga ambisyon: ang walang gawin, ang matulog, ang magsaya sa kanilang mga sarili, ang magpista… Ang espiritu ng mundo ay ang kanilang hari. Ang alikabok ng pagka-makamundo ay nakatakip sa lupa na nagiging maamag. Ang mga ibon, ibig sabihin ang pag-aaksaya, ay daragsa sa libu-libong mga daanan na inilagay upang maging madali ang pamumuhay. Ang espiritu ng mundo, ibig sabihin ang Kasamaang Isa, ay pupulutin at sisirain ang lahat na binhi na bumagsak sa lupang iyon na bukas sa lahat ng pagka-makalaman at kapabayaan…

Naintindihan ba ninyo? Mayroon ba kayong itatanong? Wala? Kung gayon makalalakad na tayo at makapagpahinga at bukas tayo ay aalis patungong Capernaum. Mayroong isang lugar na kailangan Kong puntahan bago simulan Ko ang paglalakbay patungong Herusalem para sa Paskuwa.»

«Dadaan ba tayo ulit ng Arimathea?» tanong ng Iskariote.

«Hindi Ako nakatitiyak. Depende ito sa…»

Nagkaroon ng malakas na mga pagkatok sa pinto.

«Sino kaya iyan sa ganitong oras?» tanong na Pedro tumatayo upang buksan ang pinto.

Si Juan ay pumasok. Siya ay balisang-balisa, puno ng alikabok, at halatang siya laging umiiyak.

«Naririto ka!» lahat sila ay sumigaw. «Ano ang nangyari?»

Si Jesus, Na tumayo na, ay nagsabi lamang: «Nasaan ang Aking Ina?»

At si Juan, lumalapit at lumuluhod sa paanan ng Guro, nakataas ang mga kamay na tila nanghihingi siya ng tulong, ay nagsabi: «Ang Inyong Ina ay maayos, ngunit Siya ay umiiyak katulad ko, katulad ng marami pang iba, at nakikiusap Siya sa Inyo na huwag pumunta sinusundan ang Jordan sa gawi natin. Iyan ang dahilan kung bakit Niya ako pinabalik, sapagkat ang Inyong pinsan na si Juan ay nahuli na…» At si Juan ay umiiyak habang ang lahat ay nalilito.

Si Jesus ay naging maputlang-maputla ngunit hindi naging balisa. Sinabi lamang Niya: «Tumayo ka at magsalita sa amin.»

«Ako ay pababa kasama ang Inyong Ina at ang iba pang mga babae. Sina Isaac at Timoneus ay kasama rin namin. Kaming lahat ay tatlong babae at tatlong lalaki. Ginagawa ko ang Inyong tagubilin na dalhin si Maria kay Juan… Ah! Nalalaman Ninyo na iyon ay ang kanila nang huling pagpapaalaman!... Iyon ay ang kanila nang huling pagpapaalaman… Dahil sa bagyo nang nakaraang ilang mga araw, kami ay kinailangan na tumigil nang kaunting sandali. Ngunit sapat na iyon upang naging imposible para kay Juan na makita si Maria… Kami ay nakarating nang katanghalian at siya ay nahuli nang pagsikat ng araw…»

«Saan? Papaano? Sino? Sa kanyang yungib?» lahat sila ay nagtatanong, lahat sila ay ibig na makaalam.

«Siya ay pinagtaksilan!... Ginamit nila ang Inyong pangalan upang pagtaksilan siya!»

«Nakasusuklam! Sino ang gumawa nito?» lahat sila sumisigaw.

At si Juan nanginginig, bumubulong sa mababang tinig na kahit na ang hangin ay hindi ito mapakinggan, ay sinabi: «Isa sa kanyang mga disipulo…»

Ang kalituhan ay nasa pinakamataas na antas. Ang ilan nagmumura, ang ilan lumuluha, ang ilan naninigas sa pagtataka.

Si Juan ay niyakap ang leeg ni Jesus at sumisigaw: «Ako ay natatakot para sa Inyo!... para sa Inyo!  Ang mga santo ay may kanilang mga traydor na ipinagbibili ang kanilang sarili para sa ginto at sa takot sa mga malalakas na tao, umaasa ng gantimpala, sinusunod si Satanas. Para sa libu-libong mga bagay! O! Jesus! Jesus! Gaano nakakatakot! Ang aking unang guro! Ang aking Juan na nagbigay sa akin sa Inyo!»

«Hindi na bale! Huwag mag-alala! Walang mangyayari sa Akin pansamantala.»

«Ngunit pagkatapos? Ano ang mangyayari pagkatapos? Tinitingnan ko ang aking sarili, at ang mga ito…. Natatakot ako para sa lahat, sa aking sarili din. Ang isa ba sa amin ay magiging Inyong traydor?...»

«Sira ba ulo mo? At sa palagay mo ba hindi namin siya lalapain?» sigaw ni Pedro.

At ang Iskariote: «O! Ikaw nga ay sira ang ulo! Ito ay hindi kailanman magiging ako! Ngunit kung ako ay magiging napakahina upang pagdating ng araw maging ganyan, papatayin ko ang aking sarili. Mas mabuti na iyan kaysa maging ang mamamatay ng Diyos.»

Si Jesus ay pinalaya ang sarili sa pagkakahawak ni Juan, inuuga nang marahas si Judas nagsasabing: «Huwag kang manumpa! Walang makapagpapahina sa iyo, maliban na gustuhin mo!  At kung ito ay mangyayari, tiyakin na iiyakan mo ito, at huwag gumawa ng isa pang krimen karagdagan sa pagpatay sa diyos. Siya ay nagiging mahina na pumuputol sa kanyang mahalagang kaugnayan sa Diyos.» Pagkatapos Siya ay bumalik kay Juan, na umiiyak na ang ulo nasa ibabaw ng mesa at Siya ay nagsalita: «Magsalita nang kalmante. Nakapamimighati rin ito sa Akin. Siya ay kadugo Ko at Aking Prekursor.»

«Nakita ko lamang ang ilan sa kanyang mga disipulo, na mga pinanghinaan ng loob at nagagalit sa traydor. Ang iba ay sinamahan si Juan patungo sa kanyang kulungan upang mapalapit sa kanya sa kanyang kamatayan.»

«Ngunit siya ay hindi pa patay… nang nakaraan nagawa niyang makalaya.» sabi ng Zealot nagsisikap na mapaginhawahan si Juan na kanyang mahal-na-mahal.

«Hindi pa siya patay. Ngunit siya ay mamamatay» tugon ni Juan.

«Oo, siya ay mamamatay. Nalalaman niya katulad na nalalaman Ko. Walang kahit na ano at wala ni sinuman ang makapagliligtas sa kanya ngayon. Kailan? Hindi Ko alam. Ang alam Ko hindi siya lalabas na buhay mula sa kamay ni Herodes.»

«Oo, si Herodes. Makinig. Si Juan ay pumunta sa bangin ng bundok, sa pagitan ng Mount
Ebal at Gerizim, kung saan doon din tayo dumaan pabalik ng Galilee, sapagkat ang traydor ay nagsabi sa kanya: “Ang Mesiyas ay namamatay pagkatapos na atakihin ng Kanyang mga kaaway. Ibig niyang makita ka upang ipagkatiwala ang isang lihim sa iyo”. At siya ay lumakad kasama ang traydor at iba pang mga tao. Ang mga armadong tauhan ni Herodes ay nasa lilim ng lambak at kanila siyang hinuli. Ang iba pa ay tumakas at kanilang ibinigay ang balita sa mga disipulo na mga nanatili malapit sa Hennon. Kararating pa lamang nila nang ako ay dumating kasama ang Inyong Ina. At ang nakakatakot na bagay siya ay isa mula sa ating mga bayan… at na ang mga Pariseo ng Capernaum ay ang mga namumuno sa planong paghuli sa kanya. Sila ay pumunta kay Juan nagsasabing Kayo ay naging kanilang panauhin at na Kayo ay paalis mula roon patungong Judea… hindi sana niya iiwanan ang kanyang pinagtataguan ngunit para sa Inyo…»

Matinding katahimikan ang sumunod sa pag-uulat ni Juan. Si Jesus ay nagmumukhang walang dugo, ang Kanyang malalim-na-asul na mga mata ay napalabo. Siya ay nakatayo na ang Kanyang ulo nakatungo, ang Kanyang kamay nasa balikat pa rin ni Juan, at ang Kanyang kamay ay nanginginig nang kaunti. Walang maglakas-loob na magsalita. Sinira ni Jesus ang katahimikan: “Pupunta tayo sa Judea sinusundan ang ibang ruta. Ngunit kailangan Kong pumunta sa Capernaum bukas. Hanggang maaga kung maaari. Magpahinga na ngayon. Ako ay pupunta sa lootan ng mga olibo. Kailangan Kong makapag-isa.» At Siya ay lumabas na walang sinasabing kahit anuman.

«Siya ay tiyak na pupunta upang makaiyak» bulong ni Santiago ni Alfeo.

«Sundan natin Siya, kapatid» sabi ni Judas Tadeo.

«Huwag, hayaan Siyang makaiyak. Ngunit pumunta tayo nang matahimik at magbantay. Kinatatakutan ko ang lahat na panlilinlang kahit saan» tugon ng Zealot.

«Oo, tayo na. Tayong mga mangingisda sa baybayin. Kung may sinuman na manggagaling sa lawa makikita natin. Pumunta kayo sa lootan ng mga olibo. Tiyak na Siya ay nasa dating lugar, malapit sa puno ng walnut. Sa pagsikat ng araw ihahanda natin ang mga bangka upang makaalis nang maaga. Ang mga ahas na iyon! Ehi! Sinabi ko sa inyo! Sabihin mo sa akin, bata? Ngunit… ang Kanya bang Ina ay totoong ligtas?»

«O! Oo! Ang mga disipulong pastol ni Juan ay sumama rin sa Kanya. Andres… hindi na natin ulit makikita ang ating Juan!»

«Manahimik ka! Parang tunog iyan ng awit ng ibong kukko… Ang isa nauuna sa isa pa at… at…»

«Sa ngalan ng Banal na Arko! Manahimik! Kung magpapatuloy kayong magsalita tungkol sa kamalasan sa Guro, magsisimula ako sa inyo, gagawin kong maramdaman ng inyong likod ang bigat ng aking sagwan!» sigaw ng galit na Pedro. «Kayo…» sabi niya pagkatapos sa mga patungo sa lootan ng olibo: Magdala kayo ng ilang mga pamukpok, ilang malalaking sanga, makakakita kayo ng ilan sa tambakan ng kahoy… at maghiwa-hiwalay, armado ng mga ito. Ang unang lalapit kay Jesus upang saktan Siya, patayin siya.»

«Ang mga disipulo! Kailangan na mag-ingat tayo tungkol sa mga bago!» bulalas ni Felipe.

Ang bagong disipulo ay nasasaktan at nagtanong: «Pinagdududahan ba ninyo ako? Pinili Niya ako at kailangan Niya ako.»

«Hindi ang tungkol sa iyo. Ang ibig kong sabihin ay ang mga eskriba at mga Pariseo at ang kanilang mga tagapagsamba. Diyan manggagaling ang problema, maniwala ka sa akin.»

Sila ay lumabas, ang iba patungo sa mga bangka, ang iba pagawing lootan ng mga olibo sa mga burol, at ang lahat ay natapos.

201210

 



Sunod na kabanata