181. Parabula Tungkol sa Dawag.

Hunyo 8, 1945.

Ang malinaw na pagsikat ng araw ay nagagawa ang lawa na kumislap katulad ng mga perlas at binabalot ang mga burol sa loob ng isang ulap na kasing gaan ng isang muselina na belo, sa pamamagitan nito kung saan ang mga puno ng olibo at walnut, ang mga bahay at ang kaligiran ng mga nayon ay nagmumukhang mas maganda. Bigla na lamang si Pedro ay kinabig ang timon, biglang-bigla upang ang bangka ay kumiling sa isang tabi.

«Ano ang ginagawa mo?» tanong ni Andres.

«Naroon ang bangka ng isang kuwago¹. Papaalis na ito ngayon ng Capernaum. Ang aking mga mata ay magaling at mula pa kagabi may pangamoy ako ng isang aso. Ayaw kong makita nila tayo. Ako ay babalik sa ilog. Tayo ay maglalakad.»

Ang isa ring bangka ay ginaya ang manyobra, ngunit si Santiago, na siyang may hawak ng timon, ay tinanong si Pedro: «Bakit mo ginagawa iyan?»

«Sasabihin ko sa iyo, saka na. Sundan mo ako.»

Si Jesus, Na nakaupong patalikod, ay napakilos nang sila ay halos wala na sa Jordan. «Ano ang ginagawa mo, Simon?» tanong Niya.

«Tayo ay bababa rito. May ayena sa paligid. Hindi posible na pumunta sa Capernaum ngayon. Ibig kong lumakad at tingnan muna kung ano ang nangyayari. Lalakad akong kasama sina Simon at Natanael. Tatlong karapat-dapat na tao laban sa tatlong di-karapat-dapat… kung ang tatlong di-karapat-dapat ay hindi mas mahigit pa.»

«Kailangan na hindi ka makakita ng mga patibong kahit saan, ngayon! Hindi ba’t iyon ang bangka ni Simon ang Pariseo?»

«Iyan ay ang isa lamang na iyan.»

«Siya ay wala sa pag-aresto kay Juan.»

«Hindi ko alam.»

«Lagi siyang nagpapakita ng paggalang sa Akin.»

«Hindi ko alam.»

«Ginagawa mo Akong lumabas na isang duwag.»

«Hindi ko alam.»

bagama't ang pakiramdam ni Jesus ay hindi Siya napapatawa, hindi Niya maiwasan na mapangiti sa banal na katigasan ng ulo ni Pedro. «Ngunit, pagkatapos ng lahat, kailangan nating pumunta sa Capernaum. Kung hindi ngayon, sa susunod…»

«Sinabi ko sa Inyo na ako ay pupunta munang una, upang tingnan… at kung kinakailangan… pupunta rin ako… ito ay magiging isang mapait na pilduras na lunukin… Ngunit gagawin ko ito alang-alang sa Inyo… pupunta ako… sa senturyon at hingin ang kanyang proteksiyon…»

«Hindi! Hindi na iyan kinakailangan!»

Ang mga bangka ay sumadsad sa maliit na disyerto ng baybayin sa kabila ng Bethsaida. Lahat sila ay bumaba.

«Kayong dalawa ay sumama sa akin. Ikaw din, Felipe. Kayong mga mas bata, manatili rito. Hindi kami magtatagal.»

Si Elias, ang bagong disipulo, ay nakikiusap kay Jesus: «Pumunta Kayo sa aking bahay, Guro. Magiging masayang-masaya ako na mabigyan ko Kayo ng ospitalidad…»

«Oo, pupunta Ako. Simon: tatagpuin mo Ako sa bahay ni Elias. Paalam, Simon. Lakad. Ngunit maging mabuti, marunong at maawain. Halika rito upang mahalikan Kita at mapagpala ka.»

Si Pedro ay hindi magarantiyahan na siya ay magiging mabuti, mapasyensiya at maawain. Siya ay tahimik at hinahalikan si Jesus habang hinahalikan Niya. Ang Zealot din at sina Bartolomeo at Felipe ay hinahalikan si Jesus ng pagpapaalam at ang dalawang grupo ay lumakad patungo sa magkasalungat na direksiyon.

Pinasok nila ang Korazim nang maliwanag na. Ang lahat na mga tangkay ay kumikislap na may malahamog na mga batong hiyas. Ang mga ibon ay nag-aawitan kahit saan. Ang hangin ay puro at malamig, ito ay tila naglalasang gatas, gatas ng gulay kaysa gatas ng hayop. Ang amoy ng trigo na nagkakatainga, ng lootan ng mga almendras na may mga bunga… ay ang naaamoy ko sa malamig na mga umaga sa mayamang mga bukid sa Po Valley.

Narating nila pagkaraan ang bahay ni Elias. Maraming tao sa Korazim ang nakaaalam na na ang Guro ay dumating, at habang si Jesus ay papasok na sa bahay, may isang ina na nagmadali patungo sa Kanya sumisigaw: «Jesus, anak ni David, kaawaan Ninyo ang aking anak na babae!» May karga siyang maliit na batang babae, mga sampung taong gulang, na payat na payat at maputla, o manilaw-nilaw kaysa maputla.

«Ano ang nangyari sa iyong anak na babae?»

«Siya ay may lagnat. Nakuha niya ang sakit sa mga pastulan sa tabi ng Jordan. Dahil kami ay mga pastol ng isang mayaman na tao. Ang kanyang ama ay pinatawag ako nang nakuha niya ang sakit. Bumalik na siya sa mga bundok. Ngunit nalalaman Ninyo na sa klase ng sakit na ito ang isa ay hindi makapananatili sa matataas na lugar. Ngunit papaano ako makapananatili rito? Ako ay pinahihintulutan ng aking panginoon magpa-hanggang ngayon. Ngunit ako ang nag-aalaga sa mga lana at sa mga bagong panganak. Ito ang abalang panahon ng mga pastol. Kung ako ay mananatili rito kami ay paaalisin o paghihiwalayin. At kung ako ay bumalik sa Hermon makikita ko ang aking anak na babae na mamamatay.»

«Naniniwala ka ba na mapagagaling Ko siya?»

«Ako ay nagsalita kay Daniel, ang pastol ni Elisha. Sinabi niya sa akin: “Ang aming Sanggol ay nagpapagaling ng lahat na sakit. Pumunta ka sa Mesiyas”. Ako ay naparito mula sa kabila ng Merom karga siya at hinahanap Kayo. Maglalakad ako hanggang matagpuan ko Kayo…»

«Hindi ka na kailangan na maglakad pa nang malayo, bagkus bumalik ka na, sa iyong mapayapang trabaho. Ang iyong anak na babae ay magaling na sapagkat iyan ang gusto Ko. Humayo sa kapayapaan.»

Ang babae ay tinitingnan ang kanyang anak na babae at si Jesus. Baka umaasa siya na makita ang kanyang anak na babae na maging mataba at malarosas kaagad. Ang bata rin ay nakatitig kay Jesus sa pamamagitan ng kanyang mga pagod na mata na bukang-buka at ngumingiti.

«Huwag kang matakot, babae. Hindi kita nililinlang. Ang kanyang lagnat ay wala na magpakailanman. Sa araw-araw magiging malusog na batang babae siya. Pakawalan siya. Hindi na siya susuray o pagod ang pakiramdam.»

Ang ina ay ibinaba ang bata at siya ay tumayong tuwid. Siya ay pasaya nang pasaya at sa wakas siya ay tumili sa kanyang malaplatang tinig: «Pagpalain ninyo ang Panginoon, inay! Ako ay magaling na! Nararamdaman ko ito» at na may kamusmusan ng isang batang babaeng pastol, niyakap niya si Jesus sa leeg at hinahalikan niya Siya. Ang kanyang ina, nagtitimpi ayon sa hinihingi ng kanyang edad, ipinatirapa ang sarili at hinahalikan ang Kanyang tunika pinagpapalà ang Panginoon.

«Humayo. Alalahanin ang kaloob ng Diyos at maging mabuti. Ang kapayapaan ay sumainyo.»

Ang mga pulutong ay nag-ipun-ipon sa maliit na pangkusinang-hardin ni Elias hinihiling kay Jesus na magsalita sa kanila. At bagama't hindi Niya balak na gawin ito, nalulungkot na katulad Niya dahil sa pagkakahuli kay Juan Bautista at sa paraan na nangyari ito, Siya ay pumayag at nagsimulang magsalita sa lilim ng mga punungkahoy.

«Sa dahilan na tayo ay nasa magandang panahon pa kung saan ang trigo ay nagkakatainga, ibig Kong kuwentuhan kayo ng isang parabula hango sa trigo. Makinig.

Ang Kaharian ng Langit ay maaaring maikumpara sa isang tao na naghasik ng mabuting binhi sa kanyang bukid. Ngunit habang ang panginoon at ang kanyang mga katulong ay natutulog, ang kanyang kaaway ay dumating at naghasik ng mga butil ng dawag kasama ng trigo at umalis. Sa una walang nakapansin ng anuman. Ang taglamig ay dumating na may ulan at hamog na nagyeyelo, ang katapusan ng buwan ng Tebeth ay dumating at ang trigo ay sumibol. Ang maliliit na berdeng mga dahon na kasisibol pa lamang, ay lahat nagmumukhang magkakatulad sa inosenteng mga unang araw ng mga ito. Ang mga buwan ng Shebat at ng Adar ay dumating at ang mga tanim ay lumaki at ang mga tangkay ay nagkatainga. Dito nila nakita pagkaraan na ito ay hindi lahat trigo, at na mayroon din dito ng dawag, nakaikot sa pamamagitan ng maninipis na malalakas na mga baging nito sa mga tangkay ng trigo.

Ang mga katulong ng panginoon ay pumunta sa kanyang bahay at nagsabi: “Panginoon, anong binhi ang inyong inihasik? Hindi ba’t piling mga butil iyon, malinis sa iba pang mga butil?”.

“Tiyak iyan. Ako ang kumuha ng lahat ng mga binhi at iyon ay lahat magkakaparehong kalidad. Nakita ko sana ang ibang mga butil”.

“Kung gayon, bakit napakaraming dawag ang tumubo kasama ng trigo?”.

Ang panginoon ay napag-isip at nagsabi: “Ilang mga kaaway ang gumawa nito upang masira ako”.

Ang mga katulong ay nagtanong kung gayon: “Ibig ba ninyo na kami ay pumunta sa bukid at palayain ang trigo sa dawag, binubunot ito nang t'yagaan? Sabihin ninyo sa amin at gagawin namin ito”.

Ngunit ang panginoon ay nagsabi: “Huwag. Sapagkat baka mabunot din ninyo ang trigo at halos na tiyak na masasaktan ninyo ang mga tainga na mga bubot pa. Pabayaan silang kapwa lumaki hanggang sa anihan. Pagkatapos sasabihin ko sa inyo na mga tagapag-gapas: ‘Putulin ang lahat sabay-sabay, ngunit bago talian ang mga tungkos, dahil ang mga baging ng dawag ay tuyo na at malutong, samantalang ang nakasaradong mga tainga ay mas malalakas at matitigas, piliin ang dawag mula sa mga trigo at itali iyan na hiwalay na mga bigkis. Susunugin ninyo iyan at magpapataba iyan sa lupa. Dalhin sa halip ang mabuting butil sa mga imbakan at gagamitin iyan sa paggawa ng mabuting tinapay, sa malaking kahihiyan ng aking kaaway na ang kanya lamang kikitain ay ang maging kasuklam-suklam sa Diyos dahil sa kanyang mainggiting malisya’”.

Tingnan ngayon kung gaano kadalas at karami maghasik ang Kaaway sa inyong mga puso. At kailangan ninyong maintindihan na kinakailangan sa inyo na magbantay nang matiyaga at lagi upang matiyak na kaunting dawag (lamang) ang mapahalo sa piling mga trigo. Ang kahahantungan ng dawag ay ang sunugin ito. Ibig ba ninyong kayo’y sunugin o kayo’y maging mga mamamayan ng Kaharian? Sinasabi ninyo na ibig ninyong maging mga mamamayan ng Kaharian. Bueno, magsikap na maging ganyan. Ang mabuting Diyos ay ibinibigay sa inyo ang Salita. Ang kaaway ay nagtitiyaga na magawa iyan na makasasamâ, sapagkat ang harina ng trigo kung hinaluan ng harina ng dawag ay nakagagawa ng mapait na tinapay, na makasasamâ  sa tiyan. Kung may dawag sa inyong mga kaluluwa, piliin ito nang may mabuting kalooban at itapon ito, upang kayo ay hindi maging di-karapat-dapat sa Diyos.

Humayo, Aking anak. Ang kapayapaan ay sumainyo.»

Ang mga pulutong ay unti-unting naghiwa-hiwalay. Ang walong apostol, si Elias, ang kanyang kapatid na lalaki at ang kanyang ina, ang matandang Isaac, na ang kaninong kaluluwa ay nagbubunyi nakikita ang kanyang Tagapagligtas, ay nananatili sa pangkusinang-hardin.

«Halikayo sa paligid Ko at makinig. Ipaliliwanag Ko ang buong ibig sabihin ng parabula sa inyo, dahil ito ay may dalawa pang ibig sabihin, bukod sa Aking sinabi sa pulutong.

Sa pang-unibersal na pananaw ang hatid ng parabula ay ang mga sumusunod: ang bukid ay ang mundo. Ang mabuting butil ay ang mga anak ng Kaharian ng Diyos inihasik ng Diyos sa mundo, habang naghihintay sila na marating nila ang kanilang katapusan at putulin ng Tagapagputol at madala sa Panginoon ng mundo Na siyang mag-iimbak sa kanila sa Kanyang mga imbakan. Ang mga nasasakupan ng Kasamaang isa ay ang dawag, na naikalat din sa bukid ng Diyos para sa pakay na makapamighati sa Panginoon ng mundo at masira ang butil ng Diyos. Ang kaaway ng Diyos ay inihasik sila nang sadya, sa pamamagitan ng panggagaway, sapagkat ang dimonyo ay tunay na naninira sa kalikasan ng tao ginagawa siyang isang nilikha ng kanyang sarili at pagkatapos ihahasik ito upang mailigaw ang iba pa na hindi pa niya naaalipin nang kahit papaano. Ang pag-aani, ibig sabihin ang pagtatali ng mga tungkos at pagdadala sa kanila sa mga imbakan, ay ang katapusan ng mundo at iyan ay gagawin ng mga anghel. Sila ay binigyan ng mga tagubilin na ipunin ang mga nilikha na mga pinutol, ihiwalay ang butil sa dawag, at katulad ng nasa parabula ang dawag ay susunugin, kung kaya’t ang mga isinumpa ay susunugin sa eternal na apoy sa Huling Paghuhukom.

Ang Anak ng tao ay magagawa na Niya ang mga lumilikha ng iskandalo at ang mga gumagawa ng malalaking kasalanan na maalis sila sa Kanyang Kaharian. Sapagkat ang Kaharian sa mga araw bago niyan ay nasa lupa at sa Langit at maraming mga anak ng Kaaway ang maihahalo sa mga mamamayan ng Kaharian. At, ayon din sa ipinopresiya ng mga Propeta, mararating nila ang perpeksiyon ng iskandalo at kasamaan sa bawat ministeryo sa lupa at ito ay magiging malaking sakit ng ulo sa mga anak ng espiritu. Ang naging marurumi ay mapalalayas na sa Kaharian ng Diyos sa Langit, sapagkat walang anumang kabulukan ang makapapasok sa Langit. At ngayon ang mga Anghel ng Panginoon, ipinakikita ang kanilang mga panggapas sa grupo ng huling paggapas, ay patutumbahin at ihihiwalay nila ang butil mula sa dawag at itatapon ang huli sa umaapoy na pugon, kung saan magkakaroon ng mga iyakan at paggigiling ng mga ngipin. Ang makatarungan, sa halip, ang piniling butil, ay dadalhin sa eternal na Herusalem, kung saan sila ay magniningning katulad ng araw sa Kaharian ng Aking Ama at ninyo.

Iyan ang pang-unibersal na pananaw. Ngunit may isa pang pananaw, na siyang kasagutan sa katanungang inyong itinatanong mismo sa sarili ninyo nang maraming beses na at lalo na mula pa kagabi. Ang inyong katanungan ay: “Magkakaroon ba ng mga traydor sa masa ng mga disipulo?” at ang inyong mga puso ay nanginginig sa sindak at takot. Oo, maaaring magkaroon ng ilan. Tiyak na may ilan.

Ang Tagapaghasik ay naghahasik ng mabuting butil. Sa kasong ito, sa halip ng paghahasik, masasabi natin na “pumipili” Siya. Sapagkat ang may-ari, maging ito man ay Ako o si Juan Bautista, ay pinipili niya ang kanyang mga disipulo. Papaano sila, kung gayon, naililigaw? Hindi, hindi Ko nagamit ang tamang salita nagsasabi na ang mga disipulo ay ang “butil”. Baka mapagkamalan ninyo. Tatawagin Ko silang “bukid”. Kasing dami ng mga disipulo bilang mga bukid, pinili ng may-ari upang maporma ang lugar ng Kaharian ng Diyos, ang kayamanan ng Diyos. Ang may-ari ay pinapagod ang kanyang sarili sa paglilinang sa kanila upang sila ay sana mamunga ng sandaang pursiyento. Inaasikaso niya ang lahat nang may tiyaga, pagmamahal, karunungan, nagtatrabaho nang mabigat at pursigido. Nakikita rin niya ang kanilang masasamang kiling, ang kanilang katuyuan at kaganahan, kanilang katigasan ng ulo at kahinaan. Ngunit lagi siyang umaasa, pinalalakas ang kayang pag-asa sa pamamagitan ng panalangin at penitensiya, sapagkat ibig niyang madala niya sila sa perpeksiyon.

Ngunit ang mga bukid ay bukas. Sila ay hindi mga hardin nakasarado sa loob ng mga pader ng proteksiyon, na ang tanging naroroon ay ang may-ari, na siyang tanging isa na makapapasok. Sila ay mga bukas. Inilagay katulad nila sa gitna ng mundo, kasama ng mundo, kahit sino ay makalalapit sa kanila at makapapasok sa kanila. Ang lahat na tao at lahat na bagay. O! ang dawag ay hindi lamang ang masamang butil na inihasik! Ang dawag ay maaaring ang simbolo ng mapait na katangahan ng makamundong espiritu. Ngunit ang lahat na iba pang mga butil, ikinalat ng Kaaway, ay tumutubo sa mga bukid. May mga buluhan, may mabilis na kumalat na damo, mga parasitong tanim, mga gapang na tanim, at panghuli abeto at nakalalasong mga yerba. Bakit? Ano ang mga ito?

Mga buluhan: nanunusok na di-mapaamong mga espiritu na nakapananakit sa pamamagitan ng kalabisan ng kanilang lason at nakagagawa ng labis na problema. Mabilis kumalat na damo: mga parasito na nagpapagod sa may-ari dahil ang mga ito ay makagagapang lamang at makapaninipsip, pinagsasamantalahan ang trabaho niya at sinusugatan ang mga gustong tumubo, na makagagawa ng labis na kita kung ang may-ari ay hindi balisa at hindi naiistorbo ng pag-aasikasong kinakailangan sa mga damong mabilis kumalat. Ang makupad na mga gapang na tanim ay nakatataas lamang mula sa lupa sa pamamagitan ng mga pagsisikap ng ibang mga tao. Ang parasitong mga tanim: sila ay mga pasakit sa masakit nang daan ng may-ari at isang pahirap sa matatapat na mga disipulo na sumusunod sa kanya. Nangpipilipit, nanunusok, namumunit, nanggagasgas, nakagagawa ng pagdududa at kirot. Ang mga nakalalasong tanim: ang kriminal na mga disipulo, na tumatrabaho hanggang sa pagtataksil at pagpatay katulad ng abeto at iba pang nakalalasong mga tanim. Napuna ba ninyo kung gaano kaganda sila na may maliliit na bulaklak na pagkaraan ay nagiging kulay puti, pula, asul na biyoleta na mga istroberi? Sino ang makapagsasabi na ang maputi o medyo klabel na hugis-tala na korola, na may maliit na ginintuang puso, o ang may iba't ibang kulay na mga koral, na labis na katulad ng ibang maliliit na prutas na siyang kinasisiyahan ng mga ibon at mga bata, ay makapapatay, kapag ang mga ito ay hinog na? Wala. At ang mga inosente ay nahuhulog sa patibong. Naniniwala sila na ang lahat ay kasing bait nila… pipitas sila at mamamatay.

Naniniwala sila na ang lahat ay kasing bait nila! O! Ang katotohanan na nagagawa ng may-ari na tumaas at isumpa ang kanyang traydor! Papaano? Ang kabutihan ba ay hindi nakapagdidis-arma ng kasamaan? Hindi ba nito nagagawang di-nakapananakit ang masamang kalooban? Hindi. Hindi nito nagagawa, sapagkat ang tao na naging biktima sa Kaaway ay walang-pakialam sa kung ano ang superior. At kung ano ang superior ay nagbabago sa aspekto, sa ganang kanya. Ang kabaitan ay nagiging kahinaan kung saan legal ang mantapak at pinasisigla nito ang kanyang masamang kalooban katulad na ang amoy ng dugo ay nakapagpapasigla sa isang hayop na mangatay.

Ang may-ari din ay laging inosente… at pinababayaan niya ang traydor na lasunin siya, sapagkat hindi posible sa kanya na maniwala na ang isang nilikhang tao ay papatay ng isang inosenteng tao.

Ang mga kaaway ay pumupunta sa mga bukid ng Guro, ibig sabihin sa Kanyang mga disipulo. Ang mga kaaway ay marami at si Satanas ang unang-una. Ang iba ay ang kanyang mga katulong, ibig sabihin, mga tao, mga masisimbuyong damdamin, ang mundo at ang laman. Ang disipulo na mas madaling mahampas nila ay ang isa na hindi ganap na malapit sa Guro, bagkus nasa pagitan ng Guro at ng mundo.  Wala siyang kakayahan at ayaw na makipaghiwalay nang ganap sa mundo, sa laman, sa masisimbuyong damdamin at ang dimonyo ay ikakalat ang kanyang butil sa kanya: ginto, kapangyarihan, mga babae, pagmamalaki, ang takot sa di-mabuting opinyon ng mundo, ang espiritu ng pagka-utilitaryo. “Ang mga dakila ay ang mga pinakamalalakas. Paglilingkuran ko sila upang sila ay maging mapagkaibigan sa akin”. At sila ay nagiging mga kriminal at napapahamak para sa mga miserableng mga bagay na ganyan!...

Bakit ginagawa ng Guro, Na nakikita ang imperpeksiyon ng isang disipulo, hindi Niya siya pinaaalis kaagad, kahit na kung hindi Siya nakahanda na tanggapin ang kaisipan: “Siya ay ang papatay sa Akin”? Iyan ang itinatanong ninyo mismo sa inyong mga sarili. Sapagkat walang kabuluhan ang gawin ito. Kung ginawa Niya ito hindi Niya maiiwasan na siya ay Kanyang maging kaaway, isang doble at mas delikadong kaaway, dahil sa kanyang galit at dahil sa kanyang kapighatian na siya ay natuklasan o dahil siya’y pinalayas. Oo, dahil sa kanyang kapighatian. Sapagkat kung minsan ang isang masamang disipulo ay hindi na nalalaman na siya ay ganyan. Ang ginagawa ng dimonyo ay napakagaling na hindi niya ito nahahalata. Siya ay nagiging masama na ni hindi niya naiisip na magagawa niya ito. At dahil sa kanyang galit. Siya ay magagalit na siya ay nalaman kung ano nga siya, sa kabila na nalalaman niya ang gawain ni Satanas at ng kanyang mga tagasunod: mga taong nanunukso sa mahihinang tao sa kanilang mahihinang punto, upang maalis sa mundo ang isang santo na nakapaninira sa kanila, masasamang katulad nila, kung ikukumpara sa kanyang kabutihan. Ang santo pagkatapos ay magdarasal at magtitiwala sa Diyos. “Hayaan kung ano ang Inyong ipinahihintulot na siyang mangyari” sasabihin niya. Idinadagdag lamang niya ang sugnay: “maliban na ito ay nakatutulong sa Inyong pakay”.  Ang Santo ay nalalaman niya na ang panahon ay darating kung kailan ang masamang dawag ay aalisin sa ani. Nino? Ng Diyos Mismo Na hindi ipinahihintulot ang mas higit pa sa kung ano lamang ang magagamit sa ipagtatagumpay ng Kanyang nagmamahal na kalooban.»

«Kung pinaninindigan Ninyo na si Satanas at ang kanyang mga tagasunod ay ang laging sisisihin… ito ay tila sa akin ang pananagutan ng disipulo ay lumiliit» sabi ni Mateo.

«Huwag mong paniwalaan iyan. Kung naririyan ang Kabutihan naririyan din ang Kasamaan at ang tao ay pinagkalooban ng pag-aninaw at kalayaan.»

«Sinasabi Ninyo na ang Diyos ay hindi Niya ipinahihintulot kung ano ang mas higit pa sa kung ano lamang ang magagamit sa ipagtatagumpay ng Kanyang nagmamahal na kalooban. Kung gayon ang gayong pagkakamali ay may-pakinabang din, kung ipinahihintulot Niya ito, at ito’y nakakatulong sa pananagumpay ng dibinong kalooban» sabi ng Iskariote.

«At ang iyong ibig sabihin, katulad ni Mateo, na iyan ay nagbibigay katwiran sa krimen ng disipulo. Ang Diyos ay nilikha Niya ang leon na walang kabangisan at ang ahas na walang lason, ngayon ang isa ay mabangis at ang isa pa nakalalason. Iyan ang dahilan kung bakit ang Diyos ay inihiwalay Niya sila sa tao. Pag-isip-isipin ang tungkol diyan at maghinuha. Tayo na sa bahay. Ang araw ay napakainit na. Tila nagmumukhang magkakaroon ng bagyo. At kayo ay mga pagod dahil sa kawalang-tulog sa gabi.»

«Ang mga silid sa bahay ay matataas, maluluwang at malamig. Makapagpapahinga Kayo» sabi ni Elias..

Umakyat sila sa hagdanan sa labas. Ngunit tanging ang mga apostol lamang ang nahiga sa mga sapin upang magpahinga. Si Jesus ay pumunta sa terasa, na ang isang sulok nito ay nalililiman ng isang napakataas na puno ng terebinto, at Siya’y napalubog sa pag-iisip.

271210

 

¹ Ang kuwago ay tinitingnan na isang ibon ng masamang pangitain.



Sunod na kabanata