182. Sa Kanyang Paglalakbay Patungong Magdala si Jesus Magsasalita sa Ilang mga Pastol.

Hunyo 9, 1945.

Si Pedro ay bumalik lamang nang sumunod na umaga. At siya ay mas kalmante kaysa nang siya ay umalis, sapagkat siya ay tinanggap sa Capernaum at ang bayan ay nagawang ligtas na tungkol kay Eli at kay Joaquin.

«Maaaring sila ay sumali sa pagpaplano. Sapagkat tinanong ko ang ilang mga kaibigan nang sila ay makaalis, at naintindihan ko na sila ay hindi pa nakabalik pagkatapos na pumunta kay Juan Bautista bilang mga nagsisisi. Ngunit sa palagay ko hindi sila kaagad babalik, ngayon na binanggit ko na na sila ay naroroon sa pag-aresto… May labis na kalituhan dahil sa pagkakahuli kay Juan Bautista… Titiyakin ko na ang buong mundo ay nalalaman ang tungkol diyan… Iyan ang pinakamagandang armas na mayroon tayo.  Natagpuan ko rin si Simon, ang Pariseo… Ngunit kung siya nga ay ang tila siyang lumalabas sa akin, sa palagay ko siya ay mabait sa atin. Sinabi niya sa akin: “Sabihin sa Guro na huwag sundan ang Jordan sa tabi ng kanluran ng lambak. Ang kabilang tabi ay mas ligtas” sinabi niya dinidiin ang mga salita. At siya ay nagtapos: “Hindi kita nakita. Hindi ako nagsalita sa iyo. Huwag kalimutan. At isipin kung ano ang iyong magagawa sa interes ko, inyo at ng lahat. Sabihin sa Guro na ako ay isang kaibigan” at lagi siyang tumitingin pataas, na tila nagsasalita siya sa hangin. Sila ay laging huwad, sa paggawa din ng mabubuting bagay at… at sasabihin ko “kakaiba”, upang hindi Ninyo ako kagalitan.  Ngunit… ehi!... ngunit ako ay lumakad at nakipagusap ako nang kaunti sa senturyon. Upang… magtanong lang: “Ang iyo bang katulong ay magaling na?”, at nang sinabihan ako na magaling na, sinabi ko: “Mabuti! Tiyakin na mapanatili mo siya na malusog sapagkat naglalatag sila ng mga patibong para sa Guro. Si Juan Bautista ay nahuli na…” at ang Romano ay nasakyan kaagad niya ang idea. Tusong lalaki siya nga! Siya tumugon: “Kung saan may isang bandila ng mga sundalo, may isang bantay para sa Kanya, at may isang magpapaalaala sa mga Hudyo na walang lihim na pakana ang pinahihintulutan sa ilalim ng tanda ng Roma, kamatayan o ang galera bilang siyang kaparusahan”. Sila ay mga hentil, ngunit mahahalikan ko siya. Gusto ko ang mga tao na nakaiintindi at gumagawa ng aksiyon! Kung kaya’t makalalakad tayo.»

«Tayo na. Ngunit ang lahat na iyan ay hindi kinakailangan» sabi ni Jesus.

«Kinakailangan… Iyon ay kinakailangan nga!»

Si Jesus ay nagpapaalam sa mapag-arugang pamilya at sa bagong disipulo rin, na kung kanino Siya ay maaaring nagbigay ng ilang mga tagubilin.

Sila ay nag-iisa nang muli: ang Guro kasama ang Kanyang mga apostol at sila ay naglalakad sa daan ng malamig na kabukiran, sa isang kalsada na kinuha ni Jesus sa labis na pagtataka ni Pedro, dahil ibig niya ang ibang kalsada. «Tayo ay papalayo sa lawa…»

«Makakarating pa rin tayo sa tamang oras para sa kung ano ang kailangan Kong gawin.»

Ang mga apostol ay naging tahimik at nagpatungo sa isang maliit na nayon, mangilan-ngilan na mga kabahayan, nakakalat sa kabukiran. Ang isang malakas na ding-dong ng mga kampanilya ng mga tupa ang maririnig habang ang kawan ay pinapupunta sa mga pastulan sa mga bundok.

Nang si Jesus ay tumigil upang maparaan ang isang malaking kawan, ang mga pastol ay itinuturo Siya at nag-ipun-ipon. Sila ay naguusap-usap ngunit hindi maglakas-loob na gumawa pa ng iba. Si Jesus ay tinapos Niya ang kanilang mga pagdududa sa pamamagitan ng Kanyang paglakad sa gitna ng kawan, na tumigil upang manginain sa makapal na damo. Siya ay tuwirang pumunta upang haplusin ang isang maliit na pastol, na nakatayo malapit sa gitna ng humuhuning masa ng tupa. Tinanong Niya ang bata: «Ito ba ay sa iyo?» Alam na alam ni Jesus na ito ay hindi pag-aari ng bata ngunit ibig Niya siya na magsalita.

«Hindi, Panginoon. Kasama ako ng mga lalaking iyon. At ang mga kawan ay pag-aari ng maraming tao. Kami ay nagsasama-sama sa takot sa mga bandido.»

«Ano ang iyong pangalan?»

«Zachariah, ang anak ni Isaac. Ngunit ang aking ama ay namatay at ako ay nagtatrabaho bilang utusan sapagkat kami ay mahirap at ang aking ina ay may tatlo pang anak na lalaki mga mas bata pa kaysa sa akin.»

«Ang iyo bang ama ay matagal nang patay?»

«Tatlong taon, Panginoon… at mula noon hindi na muli ako ngumingiti sapagkat ang aking ina ay laging umiiyak at wala nang humahaplos sa akin… Ako ang panganay at ang kamatayan ng aking ama ay nagawa akong ang lalaki, habang ako ay bata pa… Ngunit hindi ako kailangang umiyak bagkus kumita ng pera… Ngunit ito ay napakahirap!» Mga luha ay umagos pababa sa kanyang mukha na napakaseryoso para sa kanyang edad.

Ang mga pastol ay nakalapit na at gayon din ang mga apostol. Isang grupo ng mga kalalakihan sa gitna ng gumagalaw na mga tupa.

«Hindi ka nawawalan ng ama, Zachariah. Mayroon kang isang banal na Ama sa Langit, Na laging nagmamahal sa iyo kung ikaw ay mabait, at ang iyong ama ay hindi tumigil sa pagmamahal sa iyo sapagkat siya ay nasa sinapupunan ni Abraham. Kailangan na paniwalaan mo iyan. At dahil sa pananampalatayang ganyan kailangan na magsikap kang maging mas mabuti pa nang mabuti.» Si Jesus ay nagsasalita nang may kabaitan at hinahaplus-haplos ang batang lalaki.

Ang isang pastol ay naglakas loob na magtanong: «Kayo ang Mesiyas, hindi ba?»

«Oo, Ako nga. Papaano mo nalalaman?»

«Alam ko na Kayo ay nasa Palestina at alam ko na Kayo ay nagsasalita ng mga banal na salita. Iyan kung bakit nakilala ko Kayo.»

«Malayo ba ang pupuntahan ninyo?»

«Pataas sa mataas na mga bundok. Ang mainit na panahon ay parating na… Hindi ba Kayo magsasalita sa amin? Sa itaas doon, sa kinaroroonan namin, mga hangin lang ang nagsasalita, at kung minsan ang lobo ang nagsasalita at ito ay nanlalapà… katulad na ito ang nangyari sa ama ni Zachariah. Sa loob ng buong taglamig umaasa kami na makikita Kayo, ngunit hindi kailanman namin Kayo natagpuan.»

«Tayo na sa ilalim ng lilim ng palumpungang iyon at Ako ay magsasalita sa inyo.» At si Jesus ay umuna sa kanila, hawak-hawak ang maliit na pastol sa kamay at hinahaplus-haplos sa pamamagitan ng isa pang kamay ang maliliit na tupa na itinataas ang kanilang mga ulo, humuhuni.

«Sinabi ninyo: “Sa itaas doon, sa aming kinaroroonan, tanging mga hangin lamang ang nagsasalita, at kung minsan ang lobo ang nagsasalita at nanlalapà”. Kung ano ang nangyayari sa itaas doon, nangyayari sa mga puso ng mga tao sa pamamagitan ng gawa ng Diyos, ng mga tao at ni Satanas. Maaari, kung gayon, na magkaroon kayo sa itaas doon ng maaaring magkakaroon kayo kahit saan pa mang ibang lugar.

Nalalaman  ba ninyo nang sapat na mabuti ang Batas at ang sampung utos nito? At ikaw, din, bata? Kung gayon sapat ang nalalaman ninyo. Kung matapat ninyong isasabuhay ang iniutos ng Diyos, kayo ay magiging banal. Huwag ireklamo ang pagiging malayo sa mundo. Mapananatili kayo niyan mula sa labis na kabulukan. At ang Diyos ay hindi malayo sa inyo, bagkus mas malapit sa pangungulilang iyan, kung saan naririnig ninyo ang Kanyang tinig sa mga hangin, na Kanyang nilikha, sa mga yerba at sa tubig, samantalang hindi ninyo iyan maririnig sa mga tao. Ang inyong kawan ay tinuturuan kayo ng dakilang birtud, hindi, maraming dakilang mga birtud. Iyan ay mababa-ang-loob at masunurin. Iyan ay nakukontento ng kaunti at mapagpasalamat sa kung ano ang mayroon iyan. Iyan ay nagmamahal at nalalaman nila kung sino ang nag-aalaga sa kanila at minamahal nila ito. Ganyang din ang gawin nagsasabing: “Ang Diyos ay ang aming Pastol at kami ay ang Kanyang mga tupa. Binabantayan Niya kami. Ipinagsasanggalang Niya kami at pinagkakalooban Niya kami ng kung ano ang hindi pinanggagalingan ng bisyo, bagkus kung ano ang kinakailangan upang mabuhay”. At pinananatiling malayo ang mga lobo sa aming mga puso. Ang masasamang tao ay ang mga lobo: tinutukso nila kayo at hinihikayat kayo sa masasamang gawa sa pamamagitan ng utos ni Satanas at si Satanas mismo ang nanghihikayat sa inyo sa pagkakasala upang kayo ay sana malapa niya.

Maging mapagbantay. Kayong mga pastol ay alam ninyo ang ugali ng mga lobo. Sila ay kasing tuso, katulad na ang tupa ay simple at inosente. Pagnanakawan nila kayo nang malapitan, pagkatapos na mapagmasdan nila mula sa malayo ang laging gawain ng kawan, lalapit silang patago sa pamamagitan ng mga palumpong at dadapang walang-galaw katulad ng mga bato upang hindi makuha ang inyong atensiyon. Hindi ba’t nagmumukha silang malalaking bato na gumulong pababa sa mga parang? Pagkatapos kapag tiyak na nila na walang nakatingin, tatalon sila at mangangagat. Ganyan si Satanas kumikilos. Pinagmamasdan niya kayo upang makita ang inyong mahihinang punto, iikutan niya kayo, siya ay tila hindi makapananakit at tila wala siya roon, abala sa kung anong ibang bagay, samantalang pinagmamasdan niya kayo, at pagkatapos bigla na lamang siyang tatalon upang tuksuhin kayo na magkasala, at kung minsan siya ay nagtatagumpay.

Ngunit malapit sa inyo ay may isang doktor at isang maawaing espiritu. Ang Diyos at ang inyong anghel. Kung kayo ay masugatan, kung kayo ay magkasakit, huwag kayong umalis sa kanila, katulad ng ginagawa ng isang asong naging ulol. Sa kabaligtaran, habang lumuluha sumigaw sa kanila: “Tulong!”. Ang Diyos ay pinatatawad ang nagsisisi at ang inyong anghel ay nakahandang makiusap sa Diyos kasama kayo at para sa inyo.

Magmahalan kayo sa isa’t isa at mahalin ang batang ito. Ang bawat isa sa inyo ay kailangan na maramdaman na kayo kahit papaano ay tila ang ama ng ulila. Ang presensya ng isang bata ay kailangan na maimpluensiyahan ang bawat kinikilos ninyo sa pamamagitan ng banal na pagpipigil ng pagrespeto para sa isang bata.  At gawin ang inyong pakikisama na makapuno sa kung ano ang ipinagkait sa kanya ng kamatayan. Kailangan na mahalin natin ang ating kapwa. Ang batang ito ay ang kapwa na ipinagkatiwala sa inyo ng Diyos sa isang espesyal na paraan. Turuan ninyo siya na maging mabuti, isang matapat na naniniwala, matapat at malaya sa mga bisyo. Siya ay malayong mas mahalaga kaysa sa isa sa mga tupang ito. Ngayon, kung inaalagaan ninyo ang mga tupa dahil pag-aari sila ng nag-aari sa kanila, na parurusahan kayo kung pababayaan ninyo sila na mawala, gaano pa ninyo mas aalagaan ang kaluluwang ito na ipinagkatiwala sa inyo ng Diyos para sa Kanyang Sarili at para sa kanyang patay na ama. Ang kanyang kalagayan bilang isang ulila ay malungkot na kalagayan nga. Huwag na ninyong gawin iyan na mas masakit sa pagsasamantala at pang-iinis sa kanya dahil siya ay isang bata lamang. Tandaan na nakikita ng Diyos ang mga ginagawa at mga luha ng bawat tao at ito ay Kanyang tinatandaan, upang makapaggantimpala o makapagparusa.

At ikaw, Aking bata, tandaan na ikaw ay hindi kailanman nag-iisa. Ang Diyos ay nakikita ka at gayon din ang iyong ama. Kapag may nakapagpapabalisa sa iyo at tinutulak ka na gumawa ng masama, sabihin: “Hindi, ayaw kong maging ulila magpakailanman”. Magiging ganito ka, kung ipahahamak mo ang iyong kaluluwa sa pamamagitan ng pagkakasala.

Maging mabuti. pinagpapalà kita upang ang lahat na kabutihan ay sana mapasaiyo. Kung tayo ay patungo sa iisang daan, magpapatuloy Akong magsalita sa inyo sa mahabang oras. Ngunit ang araw ay tumataas at kailangan na ninyong lumakad, at gayon din Ako. Ang inyong katungkulan ay ang maprotektahan ang mga tupa sa araw, ang Akin ang mapaginhawahan ang mga tao sa isa namang init, isang mas nakamamatay, ang masisimbuyong damdamin ng kanilang mga puso. Manalangin na sana tingnan nila Ako bilang kanilang Pastol. Paalam, Zachariah. Maging mabuti. Ang kapayapaan ay sumainyo.»

Si Jesus ay hinahalikan ang maliit na pastol at pinagpapalà siya at habang ang kawan ay unti-unting lumalayo, ang Kanyang mga mata ay sinusundan siya. Pagkatapos nagpatuloy Siya.

«Sinabi Ninyo na pagiginhawahan natin ang mga puso sa isa namang init… Saan tayo papunta?» tanong ng Iskariote.

«Pansamantala sa kasing layo ng malilim na lugar na iyon, kung nasaan ang umaagos na tubig. Kakain tayo nang kaunti roon at pagkatapos malalaman ninyo kung saan tayo pupunta.»

                                                                                -------------------

Sinasabi ni Jesus: «Isingit mo rito ang bisyon ng ikalawang sandali ng kombersiyon ni Maria ng Magdala, na nagkaroon ka nang nakaraang taon, noong Agosto 12, 1944.

 271210

 



Sunod na kabanata