184. Sa Magdala sa Bahay ng Ina ni Benjamin.

Hunyo 10, 1945.

Ang himala ay maaaring kapapangyari pa lamang, sapagkat ang mga apostol ay ito ang pinag-uusapan, at ang ilang mga mamamayan ay gumagawa rin ng mga komentaryo, itinuturo ang Guro, Na na may mahigpit na hitsura ay pumuntang tuwiran sa labas ng bayan, kung saan doon nakatira ang mga mahihirap na tao.

Si ay tumigil sa isang maliit na bahay, mula kung saan ang isang maliit na batang lalaki ay nanggagaling patalun-talon sinusundan ng kanyang ina. «Babae, pahihintulutan mo ba Ako na makapunta sa iyong pangkusinang-hardin at makapagpahinga roon hanggang sa lumamig nang kaunti?»

«Pumasok Kayo, aking Panginoon. Pari rin sa kusina, kung ibig Ninyo. Dadalhan ko Kayo ng ilang pampalamig.»

«Huwag nang mag-abala. Sapat na para sa Akin na makapanatili sa mapayapang hardin na ito.»

Ngunit ang babae ay inalok Siya ng kaunting tubig hinaluan ng kung ano na hindi ko alam at pagkatapos siya ay naglalagalag sa paikot ng pangkusinang-hardin, na tila siya ay nananabik subalit hindi naglalakas loob na magsalita. Inaabala niya ang kanyang sarili sa mga gulayin, ngunit ito ay isa lamang pagkukunwari. Sa katunayan ang kanyang atensiyon ay nasa Guro, ngunit ang maliit na batang lalaki ay iniinis siya sapagkat sa tuwing nakakahuli siya ng paruparo o isang insekto, siya ay sumisigaw at kung gayon napipigilan siyang mapakinggan kung ano ang sinasabi ni Jesus. Siya ay nagalit at binigyan niya siya ng kaunting palo at… siya’y sumigaw nang mas malakas.

Si Jesus – Na sumasagot sa Zealot na nagtanong sa Kanya: «Sa palagay ba Ninyo si Maria ay balisa dahil doon?» nagsasabing: «Mas higit pa sa maiisip mo…» - ay tumalikod at tinawag ang bata, na tumakbo patungo sa Kanya at tumigil sa pag-iyak sa ibabaw ng Kanyang mga tuhod.

Ang babae ay sumigaw: «Benjamin! Halika rito. Huwag mong istorbuhin ang Guro.»

Ngunit si Jesus ay nagsabi: «Hindi, hayaan mo lang siya. Magiging mabait siya at mahahayaan ka sa iyong kapayapaan.» Pagkatapos Kanyang sinabi sa bata: «Huwag kang umiyak. Ang Iyong ina ay hindi ka sinaktan. Ginawa lamang niya na sumunod ka, o, ibig niya na sundin mo siya. Bakit ka sumigaw nang ibig niyang manahimik ka? Baka masama ang pakiramdam niya, at ang iyong pasigaw-sigaw ay nakakainis sa kanya.»

Ang bata, na may di-mapasisinungalingang kaprangkuhan ng mga bata, na siyang kinadidismayahan ng mga adulto, ay kaagad bumulalas: «Hindi, mabuti ang kanyang pakiramdam. Ibig niyang mapakinggan kung ano ang Iyong sinasabi… Sinabi niya sa akin. Ngunit ibig kong lumapit sa iyo, kung kaya’t sinasadya kong gumawa ng malaking ingay, upang titingnan Mo ako.»

Ang lahat ay tumawa at ang babae ay namumula.

«Huwag kang mamula, babae. Halika rito. Ibig mong mapakinggan Ako na nagsasalita? Bakit?»

«Sapagkat Kayo ang Mesiyas. Walang iba bagkus Kayo ang maaaring maging ang Mesiyas, kung titingnan ang himala na Inyong ginawa… At ako ay nananabik na mapakinggan Kayo. Hindi kailanman ako pumupunta sa Magdala sapagkat mayroon akong… isang mahirap intindihin na asawa at limang anak. Ang bunso ay apat na buwan pa lamang… at hindi Kayo kailanman pumupunta rito.»

«Ako ay naririto na, at sa loob ng iyong bahay, ayon sa nakikita mo.»

«Iyan kung bakit ibig ko Kayong mapakinggan.»

«Nasaan ang iyong asawa?»

«Sa dagat, aking Panginoon. Kung hindi siya makakahuli ng isda, wala kaming pagkain. Ang maliit na pangkusinang-hardin lamang na ito ang mayroon ako. Kakasya ba ito para sa pitong tao? Subalit iyan ang gusto ni Zachariah…»

«Magtiyaga, babae. Ang lahat ay may kanyang krus.»

«O! Hindi! Ang walang hiyang mga babae ay pagpapakasarap lamang ang mayroon. Nakita Ninyo ang gawain ng mga walang hiya! Nagsasaya sila at nagagawa ang ibang mga tao na maghirap. Hindi nila dinadanas ang paghihirap sa panganganak ni hindi sila nagbibiyak ng likod sa pagtatrabaho. Ang kanilang mga kamay ay hindi nagkakapaltos sa paghuhukay, ni hindi ito nasisira sa paglalaba ng mga damit. Ang mga ito ay magaganda at sariwang tingnan. Ang kaparusahan para kay Eba ay hindi sila naaapektuhan. Hindi, sila ay ang aming kaparusahan, sapagkat… ang mga lalaki… nalalaman Ninyo ang ibig kong sabihin.»

«Naiintindihan Ko. Ngunit, maniwala ka sa Akin, mas terible din ang kanilang krus. Ang pinaka-nakamamatay na isa, na hindi nakikita: ang kanilang konsiyensya na kinagagalitan sila, ang mundo na nanunuya sa kanila, ang dugo na tumatanggi sa kanila, ang Diyos na nanunumpa sa kanila. Hindi sila masaya, maniwala ka sa Akin. Hindi nila dinadanas ang paghihirap sa panganganak, hindi nila binibiyak ang kanilang mga likod sa pagtatrabaho, hindi nila nasusugatan ang kanilang mga kamay sa pagtatrabaho. Ngunit ang pakiramdam nila gayunpaman sila’y sira, at nahihiya. Ang kanilang puso ay isang malaking sugat. Huwag mong kainggitan ang kanilang sariwang hitsura, ang kanilang tila katahimikan. Iyan ay isang pantakip na inilagay sa ibabaw ng labí  na nangangabkab at hindi nagbibigay ng kapayapaan. Huwag mong kainggitan ang kanilang tulog, ikaw, isang ina na nangangarap tungkol sa kanyang mga inosenteng anak… Ang kanilang mga unan ay natatakpan ng masasamang panaginip. At sa hinaharap, sa kanilang katandaan, sa kanilang aguniya, wala silang iba bagkus panghihinayang at takot.»

«Totoo iyan…Patawarin Ninyo ako…  Maaari ba akong makapanatili rito?»

«Oo, manatili ka. May ikukuwento Ako kay Benjamin na isang magandang parabula at ang mga hindi na bata ay magagamit ito sa kanilang sarili at kay Maria ng Magdala. Makinig.

Pinagdududahan ninyo ang kombersiyon ni Maria sa Kabutihan. Walang tanda sa kanya sa direksiyon na iyan. Mapag-insulto at magaspang, batid ang kanyang ranggo at kapangyarihan, nangangahas siyang labanan ang mga tao at pumunta sa pinaka-pamasukan ng bahay kung sila umiiyak dahil sa kanya. Siya ay tumawa sa paninisi ni Pedro. Tumugon siya sa Aking nag-aanyayang tingin, sa pagpapakita ng pagmamalaking hitsura. Baka ilan sa inyo, alang-alang kay Lazarus o sa Akin, ay ginusto na Ako ay nagsalitang harap-harapan sa kanya, nang matagal-tagal, pinasusuko siya sa pamamagitan ng Aking kapangyarihan, pinakikita ang Aking lakas bilang Mesiyas at Tagapagligtas. Hindi. Ang lahat na iyan ay hindi kailangan. Sinabi Ko na ito maraming buwan na ang nakakaraan tungkol sa isa pang makasalanan. Ang mga kaluluwa ay kailangan na tumugon sa pamamagitan nila mismo. Ako ay dumaraan at naghahasik ng binhi. Ang binhi ay nagtatrabaho nang lihim. Ang kaluluwa ay kailangan na irespeto sa gawaing ito. Kung ang unang binhi ay hindi nagka-ugat, kailangan na maghasik ng isa pa, at pangatlo… at ang isa ay kailangan na sumuko lamang kung may tiyak na pruweba na walang mangyayari ang maghasik. At ang isa ay nagdarasal. Ang panalangin ay katulad ng hamog sa ilang mga dakot ng lupa: pinananatili nito itong malambot at pinakakain ito, upang ang binhi ay tumubo. Hindi ba’t ganyan ang iyong ginagawa, babae, sa iyong mga gulay?

Ngayon makinig sa parabula kung papaano tumatrabaho ang Diyos sa mga puso ng mga tao upang maitayo ang Kanyang Kaharian diyan. Sapagkat ang bawat puso ay isang maliit na kaharian ng Diyos sa lupa. Pagdating ng araw, pagkatapos ng kamatayan, ang lahat na maliliit na kaharian ay magsasama-sama sa iisa na lang, di-masusukat, banal na eternal na Kaharian ng Langit.

Ang Kaharian ng Diyos ay nalilikha sa loob ng mga puso ng mga tao sa pamamagitan ng Dibinong Tagapaghasik. Siya ay pumupunta sa Kanyang bukid – ang tao ay pag-aari ng Diyos, sapagkat ang bawat tao sa una ay sa Kanya – at ihahasik ang Kanyang binhi. Pagkatapos Siya ay pupunta sa ibang mga bukid, sa ibang mga puso. Ang mga araw ay susundan ang mga gabi at ang mga gabi ang mga araw. Ang mga araw ay nagdadala ng sikat ng araw at ulan, sa kaso natin mga sinag ng dibinong pagmamahal at pagbuhos ng dibinong Karunungan nagsasalita sa espiritu. Ang mga gabi ay nagdadala ng mga bituin at nakapagpapahingang katahimikan: sa kaso natin nakapagpapaliwanag na mga tawag ng Diyos at katahimikan para sa kaluluwa upang matingnan sana nito ang mga naiisip at magnilay-nilay.

Ang binhi, sa takbo ng di-nahahalata ngunit malakas na impluwensiyang ito, ay mamamaga, mabibiyak, magkakaugat, tutubo, lalago. At ang lahat na iyan ay nangyayari nang walang anumang tulong mula sa tao. Ang lupa ay kusang nagkakaroon ng damo mula sa mga buto. Ang yerba ay nagiging malakas at nasusuportahan ang tumataas na tainga, ang tainga ay lalago, mamamaga, maninigas, magiging kulay ginto at perpekto kapag nagkakabutil. Kapag ito ay hinog na, ang tagapaghasik ay babalik at puputulin ito sapagkat ang panahon ng perpeksiyon ay dumating na para sa binhing iyon. Hindi na ito maka-uunlad pa kung kaya’t ito ay inaani.

 Ang Aking salita ay ganyan din ang ginagawa sa mga puso. Ang tinutukoy Ko ay ang mga puso na tumanggap sa binhi. Ngunit ito ay isang matagal na proseso. Ang isa ay hindi dapat na sayangin ito sa pagmamadali. Gaano kahirap ito para sa isang maliit na binhi na mabiyak at magka-ugat! Ang ganyang trabaho ay masakit din para sa isang matigas na layas na puso. Kailangan na sariling magbukas ito mismo, hayaan ang mga tao na matingnan ito, kailangang tumanggap ito ng mga bagong bagay at mapakain ang mga ito nang maasikaso, lumitaw itong ibang tao natatakpan ng abang mapakikinabangang mga bagay, sa halip ng nakaaakit, mapagkunwari, walang-pakinabang, marangyang pamumukadkad na dating nakatakip dito. Kailangan na makontento na ito sa pagtatrabaho nang may kababaang-loob para sa kapakanan ng dibinong Kaisipan, na hindi kinukuha ang humahangang atensiyon ng ibang mga tao. Kailangan na gamitin nito ang lahat na talento nito upang tumubo at magka-tainga. Kailangang umapoy ito sa pagmamahal upang maging trigo. At pagkatapos na malabanan ang lahat na takot sa pantaong opinyon, na labis na nakapamimighati, pagkatapos na magtrabaho, maghirap at maging kakabit na ng bagong damit nito, kailangan na mawalan ito nito sa pamamagitan ng isang malupit na pagputol. Kailangan na ibigay nito ang lahat upang magkaroon ng lahat. Kailangan na mahubaran ito upang mabihisan muli sa Langit ng estola ng pagiging santo. Ang buhay ng isang makasalanan na naging isang santo ay ang pinakamahaba, pinaka-makabayani at pinaka-maluwalhating pakikipaglaban. Sinasabi Ko sa inyo.

Mababatid ninyo mula sa kung ano ang Aking sinabi sa inyo na tama lamang na harapin Ko ang tungkol kay Maria ayon sa Aking ginagawa ngayon. Iba ba ang Aking ginawa sa iyo, Mateo?»

«Hindi, aking Panginoon, hindi iba ang Inyong ginawa.»

«At sabihin mo sa Akin ang katotohanan: ano ang nakapagkumbinsi sa iyo nang labis, ang Aking pagtitiyaga o ang mapait na paninisi ng mga Pariseo?»

«Ang Inyong tiyaga, labis-labis upang ako ay naririto ngayon. Ang mga Pariseo, sa pagkapoot at panunumpa sa akin, ay nagawa akong mapanuya at dala ng di-paggalang nakagawa ako ng mas nakasasamâ kaysa ng nagagawa ko dati. Iyan ang nangyari. Ang mga makasalanan ay nagiging mas matigas ang ulo kapag nabatid nila na sila ay tinatrato bilang mga makasalanan. Ngunit kung kami ay hinahaplos sa halip na insultuhin, kami ay natutulala at kami ay luluha… at kapag ang isa ay lumuha, ang buong andamyo ng kasalanan ay nagigibà… Ang isa ay naiiwang hubad sa harapan ng Kabutihan at ang isa ay pakikiusapan ito nang buong puso upang maramtan muli ito Nito.

«Tama ka. Benjamin, nagustuhan mo ba ang Aking kuwento? Oo? Mabuti. Nasaan ang iyong ina?»

Si Santiago ni Alfeo ang tumugon: «Siya ay lumabas sa katapusan ng parabula at tumakbo sa kalsadang iyon.»

«Baka pumunta siya sa baybayin upang tingnan kung parating na ang kanyang asawa» sabi ni Tomas.

«Hindi. Siya ay pumunta sa kanyang matandang ina, upang kunin ang mga bata. Ang inay ay dinadala nila sila roon upang siya ay makapagtrabaho» sabi ng maliit na bata, na sumasandal nang may kasanayan sa mga tuhod ni Jesus.

«At pinananatili ka niya rito, aking maliit na mamâ? Maaaring ikaw ay isang magandang lalaki na gumagawa ng masama kung pinananatili ka niya rito na mag-isa!» wika ni Bartolomeo.

«Ako ang panganay, at tinutulungan ko siya…»

«Tinutulungan mo siya upang makarating sa Paraiso, kaawa-awang babae! Ilang taon ka na?» tanong ni Pedro.

«Sa loob ng tatlong taon magiging isang anak na ako ng Batas» tugon ng makulit na may pagmamalaki.

«Nakakabasa ka ba?» tanong ni Tadeo.

«Oo… ngunit napakabagal… sapagkat ang tagapagturo ay pinalalabas ako halos araw-araw…»

«Ano ang sinabi ko!» bulalas ni Bartolomeo,

«Ngunit ganyan ako sapagkat ang tagapagturo ay matanda at pangit at pare-pareho ang sinasabi lagi at nagagawa kang makatulog! Kung siya ay katulad Niya (at tinuturo niya si Jesus) makikinig ako. Pinapalo Mo ba ang mga natutulog o naglalaro?»

«Wala  Akong pinapalo na sinuman. Ngunit sinasabi Ko sa Aking mga iskuwela: “Makinig para sa kabutihan ninyo at alang-alang sa Akin”» tugon ni Jesus.

«Oo, puwede iyan! Dala ng pagmamahal, hindi dala ng takot.»

«Ngunit kung ikaw ay mabait, ang tagapagturo ay mamahalin ka.»

«Ang minamahal Mo ba ay ang mababait lamang? Kasasabi Mo pa lamang na matiyaga Ka sa taong ito rito, na hindi mabait…» ang lohika ng bata ay nakakakumbinsi.

«Ako ay mabait sa lahat, Ngunit kapag ang isa ay naging mabait, labis Kong mahal ang isang iyan at Ako ay labis na mabait din.»

Ang bata ay nag-iisip… pagkatapos siya ay tumingala at tinanong si Mateo «At ano ang iyong ginawa upang maging mabait?»

«Minahal ko Siya.»

Ang bata ay nag-iisip muli at pagkatapos tinitingnan ang Labindalawa tinanong niya si Jesus: «Ang lahat ba na ito ay mababait?»

«Siyempre mababait sila.»

«Nakatitiyak Ka ba? Kung minsan nagiging mabait na bata ako, ngunit iyan ay kapag… nag-iisip ako ng ilang malaking kakulitan.»

Lahat sila ay napatawa. Ang maliit na bata sin, na nasa anyong pangungumpisal, ay tumatawa. Si Jesus din ay tumatawa idinidiin siya sa Kanyang dibdib at hinahalikan.

Ang bata, na ngayon ay mapagkaibigan na sa lahat, ay ibig na maglaro at nagsabi: «Ngayon ay sasabihin ko na sa iyo kung sino ang mabait» at nagsimula siya ng kanyang pagpili. Tinitingnan niya silang lahat at pumunta kaagad kay Juan at kay Andres na nasa malapit at nagsabi: «Ikaw at ikaw. Halikayo.» Pagkatapos kanyang pinili ang dalawang Santiago at inilagay niya sila sa dalawang nauna. Pagkatapos kanyang kinuha si Tadeo. Siya ay lubos na nag-iisip sa harapan ng Zealot at ni Bartolomeo at nagsabi: «Kayo ay matanda na, ngunit mabait» at kanya silang isinama sa iba. Pinag-aaralan niya si Pedro, na iniiksamin, nagbibirong kinukunutan siya, at nakita niya na siya ay mabait. Sina Mateo din at si Felipe ay nakapasa sa iksaminasyon. Sinasabi niya kay Tomas: «Masyado kang tumatawa. Ako ay sinsiro. Hindi mo ba alam na ang aking titser ay nagsasabi na siya na laging tumatawa, bumabagsak sa test?» Mangyari man ang lahat, si Tomas din ay pumasa sa kanyang pagsusuri, ngunit may mababang marka. Ang bata pagkatapos ay bumalik kay Jesus.

«Hoy, makulit! Naririto rin ako. Hindi ako isang puno. Ako ay bata pa at magandang lalaki. Bakit hindi mo ako iksaminin?» sabi ng Iskariote.

«Sapagkat hindi kita gusto. Sabi ng aking ina na kung ayaw mo ang isang bagay, kailangan na huwag mo iyan hawakan. Iwanan mo lamang iyan sa mesa, upang ang ibang tao, na baka may gusto niyan, ay makukuha iyan. At sinasabi rin niya na kung ikaw ay inaalok ng isang bagay na hindi mo gusto, kailangan na huwag kang magsabi: “Ayaw ko niyan”. Bagkus sabihin mo: “Salamat sa iyo, hindi ako nagugutom”. At hindi ako nagugutom para sa iyo.»

«Bakit hindi? Tingnan mo, kung sasabihin mo na ako ay mabait, ibibigay ko sa iyo ang sentimos na ito.»

«Ano ang gagawin ko diyan? Ano ang mabibili ko sa pamamagitan ng pagsisinungaling? Sinasabi ng inay na ang pera na bunga ng pandaraya, ay nagiging dayami. Minsan sa bahay ng lola ko, nagawa ko silang bigyan ako ng sentimos sa pagsasabi ng kasinungalingan sapagkat ibig kong makabili ng ilang keyk na may pulot, at sa gabi iyon ay naging dayami. Inilagay ko iyon sa butas na iyon doon, sa ilalim ng pintuan, upang kunin iyon sa susunod na umaga, ngunit ang nakita ko ay isang dakot na dayami sa lugar niyon.»

«Ngunit papaano mo nakikita na hindi ako mabuti? Ano ang diperensiya sa akin? Ako ba ay pilay? Pangit ba akong tingnan?»

«Hindi. Ngunit natatakot mo ako.»

«Bakit?» tanong ng Iskariote nilalapitan niya siya.

«Hindi ko alam. Hayaan mo lang ako. Huwag mo akong hawakan, kung hindi kakalmutin kita.»

«Anong porkupino! Ikaw ay hangal.» si Judas ay tumawang pilit.

«Hindi ako hangal. Ikaw ay masama» at ang bata ay nagtago sa lapi ni Jesus, Na humahaplos sa kanya na hindi nagsasalita.

Ang mga apostol ay pinagtatawanan ang sitwasyon na hindi napakaganda sa Iskariote.

Pansamantala ang babae ay bumalik kasama ang mga kalahating dosena na tao, at sa likuran nila, mas marami pa. Sila ay mga limampu. Lahat mahihirap na mga tao.

«Maaari ba Kayong magsalita sa kanila? Mga kaunting salita man lamang. Ito ay ang ina ng aking asawa, ito ay ang aking mga anak. At ang lalaking iyon sa banda roon ay ang aking asawa. Isang salita. Panginoon» nakikiusap ang babae.

«Oo, magsasalita Ako. Upang pasalamatan ka sa iyong ospitalidad.»

Ang babae ay bumalik sa loob ng bahay, mula kung saan kailangan siya ng kanyang pasusuhin at siya ay naupo sa pamasukan pinasusuo ang kanyang sanggol.

«Makinig. Dito sa Aking mga tuhod ay narito ang isang maliit na batang lalaki na nakapagsalita nang napakadunong. Sinabi niya: “Ang lahat na nakuha sa pamamagitan ng pandaraya, ay nagiging dayami”. Ang kanyang ina ay itinuro sa kanya ang katotohanang iyan.

Iyan ay hindi isang kuwento lamang. Iyan ay isang eternal na katotohanan. Anuman ang ginawa nang walang katapatan, ay hindi kailanman nagtatagumpay. Sapagkat ang kasinungalingan sa mga salita, mga gawa, at sa relihiyon ay laging tanda ng pakikipag-alyansa kay Satanas, ang panginoon ng kasinungalingan. Huwag paniwalaan na ang mga gawa na karapat-dapat na makapagdala sa Kaharian ng Langit ay napakaingay o mapagpakita. Ang mga iyan ay pangkaraniwan, patuloy na mga gawa, ngunit ginagawa na may isang sobrenatural na pakay ng pagmamahal. Ang pagmamahal ay ang buto ng tanim na sumisibol sa loob ninyo at tumataas hanggang sa kasing layo ng Langit, at sa loob ng lilim nito ang iba pang mga birtud ay umusbong. Ihahambing Ko iyan sa munting buto ng mustasa. Gaano kaliit ito! Iyan ay isa sa mga pinakamaliliit na buto na itinatanim ng tao. Ngunit tingnan kung gaano kalaki at karaming dahon ang tumubo rito nang ito ay lumaki at gaano ito karami bumunga. Hindi sandaang pursiyento, bagkus sandaan sa isa. Gaanong kita ang ibinibigay nito sa inyo.

Ang pagmamahal ay gayon din. Kung maglagay kayo sa inyong mga puso ng isang munting buto ng pagmamahal para sa inyong Kataastaasang Diyos at para sa inyong kapwa, at kung ginagawa ninyo ang inyong mga gawain ginagabayan ng pagmamahal, hindi kayo magkakamali sa kahit anumang alituntunin ng Dekalogo. Hindi kayo magsisinungaling sa Diyos sa pamamagitan ng isang huwad na relihiyon ng pagsasabuhay subalit hindi ng relihiyon ng espiritu. Hindi kayo magsisinungaling sa inyong kapwa, umaastang bilang mga walang utang-na-loob na mga anak, bilang mga nangangalunya, bilang labis na mapaghanap na mga asawa, bilang mga magnanakaw sa negosyo, bilang mga sinungaling sa buhay, bilang mararahas na mga naghihiganti sa inyong mga kaaway. Tingnan kung gaano karaming ibon ang naninilungan, sa mainit na oras ng araw na ito sa mga sanga ng mga punungkahoy sa hardin. Bago magtagal, ang tanim na mustasang iyan, na ngayon ay napakaliit pa, ay magiging tunay na dapuan para sa mga ibon. Ang lahat na ibon ay pupunta sa ligtas na lilim ng mayabong at maginhawang mga punungkahoy na iyan at ang kanilang maliliit ay matututong lumipad na ligtas sa mga sangang iyan na mga katulad ng mga baytang at isang lambat, na kanilang maaakyat na hindi nahuhulog. Ganyang ang pagmamahal, ang pundasyon ng Kaharian ng Diyos.

Magmahal at kayo ay mamahalin. Magmahal at matitiis ninyo ang isa’t isa. Magmahal at kayo ay hindi magiging malupit sa paghahangad ng mas mahigit pa sa kung ano ang makatarungan mula sa mga naiilaliman ninyo. Pagmamahal at sinseridad upang makamtan ang kapayapaan at kaluwalhatian ng Langit. Kung hindi, katulad ng sinabi ni Benjamin, ang bawat pagkilos ninyo pinangyaring nagsisinungaling sa pagmamahal at sa katotohanan ay magiging dayami para sa inyong higaan sa impiyerno. Hindi Ako magsasalita ng iba pa sa inyo. Sasabihin Ko lamang: laging tandaan ang dakilang alituntunin ng pagmamahal at maging matapat sa Diyos ang Katotohanan, sa katotohanan sa bawat salita, gawa at damdamin, sapagkat ang katotohanan ay ang anak na babae ng Diyos. Gawin na ang inyong pagtatrabaho na madala ang inyong mga sarili sa perpeksiyon ay maging patuloy, katulad na ang buto ay patuloy na lumalaki hanggang sa ito ay maging perpekto. Isang tahimik, aba, matiyagang pagtatrabaho. Makatitiyak kayo na ang Diyos ay nakikita ang inyong mga pakikibaka at pagkakalooban Niya kayo ng malaking gantimpala para sa inyong pananagumpay laban sa inyong pagkamakasarili, para sa pagpipigil sa isang marahas na salita, para sa pagpapaunlak sa isang pangangailangan na hindi inuutusan na gawin ito, kaysa ng kung, nakikipaglaban sa isang digmaan, nakapatay kayo ng isang kaaway. Ang Kaharian ng Langit, na inyong aariin kung kayo ay mamumuhay bilang makatarungang mga tao, ay binubuo ng maliliit na mga bagay ng bawat araw. Ng kabutihan, pagtitimpi, tiyaga, ng pagiging kontento kung ano ang mayroon  na ang isa, tinitiis ang isa’t isa, at ng may pagmamahal, pagmamahal, pagmamahal.

Maging mabuti. Mamuhay sa kapayapaan, sa isa’t isa. Huwag bumulung-bulong. Huwag manghusga. Ang Diyos kung gayon ay makakasama ninyo. Binibigay Ko sa inyo ang Aking kapayapaan bilang isang pagpapalà at pagpapasalamat para sa inyong pananampalataya sa Akin.»

Pagkatapos si Jesus ay hinarap ang babae nagsasabing: «Pagpalain ka sana ng Diyos nang lalo pa, sapagkat ikaw ay isang banal na asawa at isang banal na ina. Magpursige sa birtud. Paalam, Benjamin. Mahalin ang katotohanan at sumunod sa iyong ina. Ang Aking pagpapalà sa iyo, sa inyo mga maliliit na kapatid na lalaki at sa iyo, ina.»

Isang lalaki ang pumunta sa harapan. Siya ay nahihiya at pautal-utal: «Ngunit, ngunit… ako ay naantig ang damdamin tungkol sa Inyong sinabi sa aking asawa… Hindi ko nalalaman…»

«Wala ka bang mga mata o talino?»

«Oo, mayroon ako.»

«Bakit hindi mo gamitin ang mga ito? Kailangan Ko bang linisan ang mga ito?»

«Nagawa na Ninyo iyan, aking Panginoon. Ngunit minamahal ko siya, alam Ninyo… Ang problema ay… na, na… ang isa ay nasasanay… at… at…»

«At iisipin ng isa na tama lang na maging mapaghanap nang labis, sapagkat ang kabila ay mas malambot kaysa sa atin… Huwag mo nang gawin iyan ulit. Lagi kang nasa panganib sa iyong trabaho. Huwag kang matakot ng mga bagyo kung kasama mo ang Diyos. Ngunit kung mayroong Kawalang-katarungan sa loob mo, mas lalo kang matakot. Naintindihan mo ba?»

«Higit pa sa sinabi Ninyo. Gagawin ko ang pinaka-magagawa ko upang masunod Kayo… Hindi ko nalalaman…» at kanyang tinitingnan ang kanyang asawa sa unang pagkakataon.

Si Jesus ay nagpapalà at lumabas patungo sa maliit na kalsada. Nagpapatuloy Siya sa paglalakad patungo sa kabukiran.

311210

 



Sunod na kabanata