185. Ang Pagpapakalma sa Bagyo.

Enero 30, 1944.

[…] Ngayon na ang lahat ay tulog na sasabihin ko sa iyo ang aking lugod. “Nakita” ko ang Ebanghelyo para sa araw na ito. Isipin mo, ngayong umaga nang mabasa ko ito, sinabi ko sa sarili ko: «Ito ang episodyo sa Ebanghelyo na hindi ko kailanman makikita, sapagkat hindi ito angkop para sa isang bisyon.» Sa halip, nang hindi ako nag-iisip tungkol dito, ito ay dumating upang punuin ako ng lugod. Ito ang aking nakita.

Isang panlalayag na bangka, hindi labis na malaki, hindi masyadong maliit, isang pangingisdang bangka, kung saan lima o anim na tao ang makakikilos nang maalwan, ang umaararo sa tubig ng magandang malalim-na-asul na lawa ng Gennesaret.

Si Jesus ay natutulog sa hulihan ng bangka. Siya ay nakadamit ng puti katulad ng dati. Nakapatong ang Kanyang ulo sa Kanyang kaliwang braso at sa ilalim ng Kanyang braso at ulo nakalagay ang Kanyang asul-na-abuhing manta, na itiniklop nang makailang ulit. Siya ay paupo, hindi nakahiga, sa ilalim ng bangka at ang Kanyang ulo ay nakapatong sa tabla na nasa pinakadulo ng hulihan ng bangka. Hindi ko malaman kung ano ang tawag dito ng mga mandaragat. Siya ay natutulog nang mapayapa. Siya ay pagod at kalmante.

Si Pedro ay nasa timon. Si Andres ay abala sa mga layag, si Juan at dalawa pang tao – hindi ko kilala kung sino sila – ay inaayos ang mga tali at mga lambat sa ilalim ng bangka, na tila sila naghahanda upang manghuli ng isda sa gabi. Sasabihin ko na ang araw ay patapos na sapagkat ang araw ay pababa na sa kanluran. Ang lahat na mga disipulo ay naililis na nang pataas ang kanilang mga tunika, naiipon ito nang paikot sa kanilang mga baywang sa pamamagitan ng mga sinturon, upang maging libre sa kanilang pagkilos, palipat-lipat sa isang bahagi ng bangka at sa isa pa, tumatapak sa mga sagwan, mga upuan, mga basket at mga lambat, na hindi nahahadlangan ng kanilang mga damit. Wala sa kanila ang nakasuot ng isang manta.

Nakikita ko na sa itaas ang mga ulap ay naiipon at ang araw ay nagtatago sa likuran ng mga ulap ng isang napakalaking bagyo, na bigla na lamang lumitaw mula sa likuran ng tuktok ng isang burol. Ang hangin ay hinihipan itong mabilis patungo sa lawa. Ang hangin, sa pansamantala, ay nasa itaas, at ang lawa ay tahimik pa, nagiging mas madilim lamang ito at ang ibabaw ay hindi na perpektong makinis. Wala pang mga alon, ngunit ang tubig ay nagsisimula nang makusot.

Sina Pedro at Andres ay pinagmamasdan ang kalawakan at ang lawa at sila’y naghahanda nang mapalapit sa baybayin. Ngunit ang hangin ay bigla na lamang umihip sa ibabaw ng lawa na sa loob ng kaunting mga minuto ay rumagasang bumubulà. Ang lumalaking mga alon ay nagbabanggaan, nahahampas nila ang maliit na bangka, naitataas ito, naibababa, naitatapon ito sa lahat na direksiyon, kung gayon napipigilan ang lahat na pagmamanyobra ng timon katulad na ang hangin ay nakapagpipigil sa pagmamanyobra ng layag, na kailangang ibaba.

Si Jesus ay natutulog. Ni ang mga hakbang at ang balisang mga tinig ng mga disipulo, o ang ugong ng hangin, ni ang mga alon na humahampas sa mga panabi ng bangka at sa ungos nito, ang makagising sa Kanya. Ang Kanyang buhok ay nadadala ng hangin at ang mga patak ng tubig ay inaabot Siya. Siya ay natutulog. Si Juan ay tumatakbo mula sa isang poste patungo sa hulihan ng bangka tinatakpan Siya ng Kanyang manta, na kanyang kinuha mula sa ilalim ng isang tabla. Tinatakpan niya Siya nang may magiliw na pagmamahal.

Ang bagyo ay dumaraan na mas galit-na-galit pa. Ang lawa ay kasing itim na tila binuhusan ito ng tinta at may guhit-guhit ng bula ng mga alon. Ang bangka ay pinapasok ng tubig at naitutulak ng hangin nang papalayo pa nang papalayo patungo sa bukas na dagat. Ang mga disipulo ay pinagpapawisan sa kanilang pagsisikap na makontrol ang bangka at sa pag-aalis nila ng tubig na ibinubuhos ng alon. Ngunit walang mangyari. Sila ay nagtatampisaw sa tubig na umaabot sa kanilang mga tuhod at ang bangka ay bumibigat nang bumibigat.

Nawala kay Pedro ang kanyang kakalmahan at pasyensiya. Ibinigay niya ang timon sa kanyang kapatid, sumusuray patungo kay Jesus at inuuga niya Siya nang maigi.

Si Jesus ay gumising at itiningala ang Kanyang ulo.

«Iligtas Ninyo kami, Guro, tayo ay lumulubog!» sigaw ni Pedro sa Kanya (kailangan niyang sumigaw upang siya ay marinig).

Si Jesus ay tinititigan Niya ang Kanyang disipulo, tinitingnan ang iba pa at pagkatapos ang lawa. «Naniniwala ka ba na maililigtas Ko kayo?»

«Bilis, Guro» sigaw ni Pedro, habang ang tunay na bundok ng tubig ay kumikilos nang mabilis sa gitna ng lawa patungo sa kaawa-awang maliit na bangka. Napakataas nito at nakakatakot na ito ay nagmumukhang katulad ng isang buga ng tubig. Ang mga disipulo na nakikita itong parating ay lumuhod at kumakapit sa kung ano ang kanilang mahahawakan, nakatitiyak na ito na ang katapusan.

Si Jesus ay bumangon. Siya ay tumayo sa tablang nasa hulihan ng bangka: isang maputing pigura sa harapan ng galit na bagyo. Iniunat Niya ang Kanyang mga kamay patungo sa malaking alon at nagsabi sa hangin: «Tumigil at manahimik» at sa tubig: “Kumalma. Gusto Ko ito.» At ang alon ay naging bula, na bumagsak nang hindi nakapipinsala na may huling ugong, na naging isang bulong, habang ang hangin ay humuhupa nagiging isang sipol at pagkatapos isang buntung-hininga. At ang kalawakan ay naging maliwanag ulit sa ibabaw ng napakalmang lawa, habang ang pag-asa at pananampalataya ay pinupuno ang mga puso ng mga disipulo.

Hindi ko maisalarawan ang mahestad ni Jesus. Kailangan na makita ito ng isa upang maintindihan ito. At kinalugdan ko ito sa aking loob sapagkat ito ay naririto pa sa aking isip at iniisip ko kung gaano kakalma ang tulog ni Jesus at gaano nakapangingibabaw ang Kanyang utos sa mga hangin at mga alon.

                                                                                                ----

jesus sinasabi 

Sinasabi ni Jesus pagkatapos:

«Hindi ko ipaliliwanag ang Ebanghelyo sa parehong pananaw na ginagawa ng iba. Aking bibigyang diin ang mga pangyayari bago ang pasahe ng Ebanghelyo.

Bakit Ako natutulog? Hindi Ko kaya nalalaman na may parating na bagyo? Oo, nalalaman Ko. Ako lamang ang nakaaalam. Bakit Ako natutulog, kung gayon?

Ang mga apostol ay mga tao, Maria. Sila ay napupuno ng mabuting kalooban, subalit labis na labis na mga “tao” pa rin. Ang tao ay iniisip na lagi niyang kaya ang lahat. Kapag totoong makagagawa siya ng isang bagay siya ay napupuno ng kayabangan at ng pagkakakabit sa kanyang “abilidad”. Sina Pedro, Andres, Santiago at Juan ay magagaling na mangingisda at dahil dito akala nila sila ay walang katulad sa paghawak ng isang bangka. Sa ganang kanila Ako ay isang dakilang “Rabbi”, ngunit isang wala lang bilang isang mandaragat. Kung gayon inisip nila na hindi Ako makatutulong sa kanila, at nang nasa loob ng bangka upang tawirin ang Karagatan ng Galilee, pinakiusapan nila Ako na maupo sapagkat wala Akong magagawang iba pa. Ang kanila ring pagmamahal para sa Akin ay nasa likuran ng kanilang aktitud, dahil ayaw nila Ako na gumawa ng kahit na anong materyal na gawain. Ngunit ang kanilang pagkakakabit sa kanilang sariling abilidad ay mas malaki kaysa sa kanilang pagmamahal.

Hindi Ko ipinipilit ang Aking Sarili, Maria, maliban sa pambihirang mga kaso. Sa pangkalahatan iniiwan Ko kayo na libre at Ako ay maghihintay. Nang araw na iyon, pagod katulad Ko at pinakikiusapan na magpahinga, ibig sabihin pabayaan silang kumilos, magagaling na katulad nila, Ako ay natulog. Sa Aking tulog ay may nakahalo din na malaman kung gaano ang tao ay “tao” at ibig na gawin ang mga bagay sa pamamagitan niya mismo na walang pakiramdam na ang Diyos ay bagkus nagtatanong upang makatulong sa kanya. Nakita Ko sa mga “espirituwal na mga binging tao”, sa mga “espirituwal na mga bulag na tao”, ang lahat na espirituwal na mga bingi at mga bulag na mga tao, na sa loob ng mga siglo ay sisirain ang kanilang mga sarili, dahil “ibig nilang gumawa sa pamamagitan ng sarili nila”, bagama't Ako ay nakatungo sa kanilang mga pangangailangan naghihintay na tawagin na matulungan sila.

Nang si Pedro ay sumigaw: “Iligtas Ninyo kami!”, ang Aking kapaitan ay bumagsak katulad ng isang bato. Ako ay hindi “tao”, Ako ay ang Diyos-Tao. Hindi Ako kumikilos katulad ninyo. Kapag may tumanggi sa inyong payo o sa inyong tulong, at nakikita ninyo siya na namomroblema, kahit na kung kayo ay hindi napakasama upang matuwa tungkol dito, kayo ay sapat na di-mapagkawanggawa na titingnan siya na may panunuya at kawalang-pakialam, na hindi man lamang naaantig ng kanyang mga sigaw ng tulong. Ang inyong aktitud ang ibig sabihin ay: “Nang ibig kitang tulungan, hindi mo ako kailangan? Bueno, tulungan mo ang iyong sarili ngayon”. Ngunit Ako ay si Jesus. Ako ang Tagapagligtas. Nanliligtas Ako, Maria. Lagi Akong nanliligtas kaagad kapag Ako ay pinakiusapan.

Ang kaawa-awang mga tao ay maaaring tumutol: “Kung gayon, bakit pinababayaan Ninyo na magkaroon ng isa o magkakasamang mga bagyo?”. Kung sa pamamagitan ng Aking kapangyarihan sisirain Ko ang Kasamaan, titingnan ninyo ang inyong mga sarili na kayo ang may kagagawan ng Kabutihan, na sa katotohanan ay isang kaloob Ko, at hindi na ninyo Ako maaalaala pang muli. Hindi na ninyo Ako kailanman maaalaala. Aking kaawa-awang mga anak, kayo ay nangangailangan ng kapighatian upang maalaala ninyo na kayo ay may isang Ama. Katulad na ang alibughang anak ay naalaala na siya ay may isang ama nang siya ay nagutom.

Ang mga kamalasan ay nakukumbinsi kayo ng inyong kawalan, ng inyong kamangmangan, na siyang ang dahilan ng napakaraming mga pagkakamali, ng inyong kasamaan, ang dahilan ng labis na pagluluksa at kapighatian, ng inyong mga pagkukulang, ang dahilan ng mga kaparusahan na inyong nadadala sa inyong mga sarili, pati na rin ng tungkol sa Aking pagiging naririto, ng tungkol sa Aking kapangyarihan at ng Aking kabutihan.

Iyan ang itinuturo ng Ebanghelyo ngayon sa iyo. Ang “inyong” Ebanghelyo ng kasalukuyang panahon, Aking kaawa-awang mga anak. Tawagin Ako. Si Jesus ay hindi natutulog maliban kapag Siya ay nasa paghihirap ng kalooban sapagkat nakikita Niya na Siya ay hindi ninyo minamahal. Tawagin Ako at Ako ay darating.»

 311210

 

 



Sunod na kabanata