186. Ang mga Maladimonyo ng Gadara.

Hunyo 11, 1945.

Ang bisyon «Ang Pagpapakalma sa bagyo» na iyong nakita noon Enero 30 1944, ay kailangan na ilagay dito. Pagkatapos ang sumusunod na bisyon.

Si Jesus, pagkatapos na matawid ang lawa mula sa hilagang kanluran patungo sa timog silangan, ay sinabi kay Pedro na dumaong malapit sa Hippo. Si Pedro ay sumunod na walang paguusap pa at dinala ang bangka sa bunganga ng isang maliit na ilog, na nasa pagbaha dahil sa mga pag-ulan ng tagsibol at ng nakararaan pa lamang na bagyo at umaagos patungo sa lawa sa pamamagitan ng isa sa mga mababangis na mabatong mga bangin na karaniwan sa dalampasigang lugar na ito. Ang mga katulong – may isa sa bawat bangka – ay itinatali ang mga bangka at inutusan na maghintay hanggang gabi upang bumalik sa Capernaum.

«At maging kasing pipi katulad ng baka» payo ni Pedro. «Kung tanungin kayo kung nasaan ang Guro, sumagot na walang pag-aalinlangan: “Hindi ko alam”. At kung may magtanong kung Siya patutungo, sumagot nang gayon din. Maging ano pa man iyan ang katotohanan, dahil hindi ninyo alam.»

Sila ay naghiwalay at si Jesus ay nagsimulang tumaas sa isang matarik na landas na inaakyat ang halos patayong bangin. Ang mga apostol ay sinusundan Siya sa napakahirap na daan sa taluktok ng bangin na nagiging kapatag ng isang kapatagan na maraming mga puno ng terebinto sa ilalim nito kung saan ay maraming mga baboy na nanginginain.

«Nakakadiring mga hayop!» bulalas ni Bartolomeo.  «Napipigilan nila tayo na makaraan…»

«Hindi, hindi naman. May lugar para sa lahat» tugon nang kalmante ni Jesus.

Magkagayunpaman ang mga magbababoy, nang makita nila ang mga Israelita, nagsikap na maipon ang mga baboy sa ilalim ng mga puno ng terebinto, iniiwan na libre ang daan. At ang mga apostol ay dumaan, gumagawa ng walang-katapusang pangingimi, sa gitna ng mga duming naiwan ng nagtataeng mga hayop, na mga matatabang katulad nila, ay tila nananabik na maging mas matataba.

Si Jesus ay dumaan na walang anumang pagrereklamo, nagsasabi sa mga magbababoy: «Gantimpalaan nawa kayo ng Diyos sa inyong kabaitan.»

Ang mga magbababoy, mga mahihirap na hindi masyadong mas malilinis kaysa sa kanilang mga baboy ngunit tiyak na mas mga payat, ay tiningnan Siya nagtataka at pagkatapos nagbubulung-bulungan sa isa’t isa. Ang isa sa kanila ay nagsabi: «Siya kaya ay hindi isang Israelita?» At ang iba ay tumugon sa kanya: «Hindi mo ba nakikita na ang Kanyang tunika ay may mga palawit?»

Ang grupo ng mga apostol ay nag-ipun-ipon, ngayon na sila ay makapagpapatuloy na sa iisang grupo sa medyo maluwang na daanan.

Ang tanawin ay maganda. Mga ilang dalawampuing talampakan lamang sa itaas ng lawa, makikita mula rito ang isang tanawin ng buong lawa na ang mga bayan nakakalat sa mga dalampasigan nito. Ang Tiberias ay maluningning kasama ang magagandang gusali nito sa kabilang baybayin nakaharap sa mga apostol. Sa ibaba ng lugar na ito, sa paanan ng basaltong bangin, ang maikling baybayin ay nagmumukhang isang berdeng unan, samantalang sa kabilang baybayin, mulang Tiberias hanggang sa bunganga ng Jordan, ay may medyo malawak na medyo latian na kapatagan gawa ng ilog na nahihirapan na makapagpatuloy sa daan nito pagkatapos na mag-antala sa kalmanteng lawa. Ngunit ang kapatagan ay nagmumukhang isang hardin, sapagkat napakakapal nito sa mga bulaklak ng latian, at nagsisiksikan sa makukulay na mga may-pakpak na hayop, na tila puno ng mga batong-hiyas. Ang mga hayop na ito ay tataas mula sa makapal na damuhan at mula sa palumpungan ng mga tambo, lilipad sa ibabaw ng lawa, at sila ay tataas na mas maningning, sapagkat ang tubig ay napaliliwanag ang kanilang mga balahibo, pagkatapos lilipad pabalik sa kapatagan kung saan ang hangin ay maglalaro pina-uundayo ang maraming-kulay na mga bulaklak nito.

Sa itaas dito, sa halip, ay may mga kakahuyan ng napakataas na mga puno ng terebinto, sa ilalim kung saan ang mga damo ay malambot at esmeraldang berde, at sa kabila ng hilerang ito ng kakahuyan, sa kabila ng isang malawak na lambak, ang bundok ay paakyat nang muli, pinoporma ang napakatarik na mabatong taluktok, sa ibabaw kung saan ang mga bahay ay lumilitaw, itinayo sa mga terasa. Sa palagay ko ang panabi ng bundok at ang mga pader ng mga bahay ay iisa, dahil ang mga yungib nito ay ginagamit bilang mga tirahan, sa isang pagkakahalo ng isang sambayanan na nakatira sa mga yungib at isang pangkaraniwang nayon. Ito ay isang nayon na tipikal ng mga istruktura ng malalaking tumataas na mga terasa, upang ang bubungan ng bahay na nasa terasa sa ibaba kapantay ng sahig na lupa ng pamasukan ng terasa sa itaas nito. Sa mga tabi kung saan ang bundok ay napakatarik, napakatarik na walang bahay ang maitatayo roon, ay may mga kuweba, malalalim na mga butas at mga pababang tuluy-tuloy sa ibaba ng lambak. Sa panahon ng mga pag-ulan ang mga pababa ay maaaring nagiging kasing dami ng kakaibang maliliit na mga agos. Ang lahat na klase ng mga bloke, na nagawa ng mga pagbaha na maigulong sa ibaba ng lambak, ay pumoporma ng isang kagulong pedestal para sa maliit na bundok na napakamarahas at matarik, kuba ang hitsura at mapangibabaw na ito ay nagmumukhang isang eskudero na ibig na siya ay maigalang anuman ang mangyari.

«Hindi ba’t iyan ang Gamala?» tanong ng Zealot.

«Oo, iyan ay ang Gamala. Kabisado mo ang bayan?» sabi ni Jesus.

«Ako ay dating isang takas diyan, isang gabi, matagal nang panahon. Pagkatapos ako ay naapektuhan ng ketong at hindi na ako muli lumabas sa mga sepulkro.»

«Hinabol ka ba nila nang ganyan kalayo?»

«Ako ay parating mulang Syria, kung saan ako pumunta naghahanap ng proteksiyon. Ngunit natuklasan nila ako at tanging ang akin lamang pagtakas patungo sa lugar na ito ang nakapagligtas sa akin na hindi mahuli. Pagkatapos unti-unti at patuloy na pinagbabantaan ako ay bumaba sa kasing layo ng disyerto ng Tekoa at mula roon, naghihirap na gawa ng ketong,  pumunta ako sa Lambak ng mga Patay. Ang ketong ang nakapagligtas sa akin mula sa aking mga kaaway…»

«Ang mga taong ito ay mga hentil, hindi ba?» tanong ng Iskariote.

«Halos lahat. Tanging iilang Hudyo lamang ang naririto sa pangangalakal, at pagkatapos may pagkakahalu-halo rito ng mga paniniwala, o walang paniniwalang lubos. Ngunit hindi nila tinatratong napakasama ang mga tumatakas.»

«Ito ay ang mga lugar para sa mga bandido. Anong mga bangin!» bulalas ng marami.

«Oo, ngunit maniwala sa akin, mas marami pang mga bandido sa kabilang dako» sabi ni Juan na hindi pa makalimutan ang pagkakahuli kay Juan Bautista.

«Sa kabilang dako ay may mga bandido rin na kasama ng mga tumatamasa ng reputasyon ng pagiging mga makatarungan» hinuha ng kanyang kapatid.

Si Jesus ay nagsimulang magsalita: «Sa kabila nito tayo ay lumalapit sa kanila na hindi nakararamdam ng pagkasuklam. Samantalang dito kayo ay gumagawa ng mga pangingimi sapagkat kinailangan na dumaan kayo malapit sa ilang mga hayop.»

«Sila ay mga di-malinis…»

«Ang isang makasalanan ay mas lalo pa. Ang mga hayop na ito ay ginawang ganyan, at ito ay hindi nila kasalanan kung sila ay katulad niyan. Ang tao sa halip ay may pananagutan sa pagiging di-malinis dahil sa kanyang mga kasalanan.»

«Bakit, kung gayon, sila ay naihiwalay bilang di-malinis para sa atin?» tanong ni Felipe.

«Nabanggit Ko na ito nang minsan. Sa kautusang iyan ay may isang sobrenatural na rason at isang natural na rason. Ang unang rason ay upang maturuan ang piniling sambayanan na mamuhay isinasaisip ang pagkakapili sa kanila at ang dignidad ng tao, pati na rin ang tungkol sa pangkaraniwang pagkilos katulad ng pagkain. Ang isang taong-bundok ay nanginginain sa kahit na ano. Sapat na sa kanya na mapuno ang kanyang tiyan. Ang isang pagano, kahit na kung siya ay hindi isang taong-bundok, ay kinakain din niya ang lahat, na hindi tinitingnan na ang pagkain ng sobra ay nagdadala sa mga bisyo at sa mga kiling na nagpapababa sa tao. Hindi, ang pagano ay nagsisikap na makarating sa kaululan na ito para sa pagpapakasarap, na halos isang relihiyon na sa kanila. Ang mas may-nalalaman sa inyo ay alam ang tungkol sa malalaswang mga selebrasyon sa karangalan ng kanilang mga diyos, na umaabot sa malalaswang pagpapakasasa. Ang anak ng sambayanan ng Diyos ay kailangan na nakapagpipigil sa sarili, piniperpekto ang sarili sa pamamagitan ng pagsunod at kahinahunan, isinasaalang-alang ang kanyang pinagmulan at ang kanyang katapusan: Diyos at Langit. Ang natural na rason ay ang huwag pasiglahin ang dugo sa pamamagitan ng pagkain na nakagagawa ng isang init na di-karapat-dapat sa tao, na hindi rin pinagbabawalan ng panlaman na pagmamahal, subalit kailangan na kontrolan din niya ito sa pamamagitan ng kasariwaan ng kanyang kaluluwa kumikiling sa Langit. Ang tao kung gayon ay kailangan na tiyakin na ang damdamin na nagkakabit sa kanya sa kanyang asawa, kung kanino kailangan na makita niya ang kapwa nilikhang katulad niya, hindi isang may ibang kasarian, ay pagmamahal, hindi kahalayan. Ngunit ang kaawa-awang mga hayop ay ni hindi nila kasalanan ang pagiging mga baboy ni ang epekto na nagagawa ng laman ng baboy sa dugo ng tao sa katagalan. Lalo pang walang kasalanan ang mga magbababoy. Kung sila ay matatapat, ano ang magiging diperensiya nito, sa susunod na buhay, sa pagitan nila at ang eskriba na namamaluktot sa kanyang mga aklat ngunit hindi natututo na maging mabuti? Sasabihin Ko sa inyong totoo na makikita natin ang mga magbababoy na kasama ng makatarungan at ang mga eskriba kasama ng mga di-makatarungan. Ngunit ano ang nasisira?»

Lahat sila ay umalis sa tabi ng bundok sapagkat mga bato at lupa ay bumabagsak at tumatalbog sa mga dalisdis at lahat sila ay tumitingin sa paligid nagtataka.

«Ayón, ayón! Sa banda roon! Dalawang lalaki hubad… papunta sa atin pakaway-kaway. Baliw…»

«O mga maladimonyo» tugon ni Jesus sa Iskariote, na siyang unang nakakita sa dalawang maladimonyo na patungo kay Jesus.

Maaaring sila ay nanggaling sa ilang kuweba sa tabi ng bundok. Sila ay humahagulhol. At ang isa, na tumatakbong mas mabilis, ay nagpatungo kay Jesus. Tumatakbo siya nang napakabilis at iginagalaw nang pataas at pababa ang kanyang mga kamay na tila ang mga ito ay mga pakpak, na siya ay nagmumukhang katulad ng isang kakaibang pangit na malaking ibon na binunutan ng mga balahibo. Siya ay bumagsak sa paanan ni Jesus humihiyaw: «Naririto Ka, Panginoon ng mundo? Ano ang pakialam ko sa iyo, Jesus, Anak ng Kataastaasang Diyos? Ang oras ba ng aming kaparusahan ay dumating na? Bakit Ka dumating upang magpasakit bago pa ang panahon?» Ang isa pang maladimonyo, kapwa dahil ang kanyang dila ay nakatali at dahil siya ay pinaghaharian ng isang dimonyo na nagagawa siya nito na maging tanga, ay walang ginagawa bagkus ang itapon ang sarili sa lupa, padapa, at iiyak. Pagkatapos siya ay uupo, mananatiling walang galaw, pinaglalaruan ang maliliit na bato at ang mga daliri ng kanyang mga paa. Ang dimonyo ay nagpapatuloy sa pagsasalita sa pamamagitan ng unang lalaki na namimilipit sa lupa sa isang biglang atake ng takot. Masasabi ko na ibig niyang tumugon, samantalang bagkus makapagsasamba lamang siya, nakakabig at tinatanggihan nang magkasabay ng kapangyarihan ni Jesus. Siya ay humahagulhol: «Pinakikiusapan ko Kayo sa ngalan ng Diyos, tigilan Ninyo ang pagpapahirap sa akin. Pakawalan Ninyo ako.»

«Oo. Ngunit labas sa taong ito. Di-malinis na espiritu, lumabas ka sa kanila at sabihin mo sa Akin ang iyong pangalan.»

«Lehiyon ang aking pangalan sapagkat kami ay marami. Pinaghaharian namin ang mga taong ito sa loob ng maraming taon at sa pamamagitan nila sinisira namin ang mga pagsasama at mga tanikala, at walang lakas ng tao ang nakapagpipigil sa kanila. Sila ay isang kinatatakutan, dahil sa amin, at ginagamit namin sila upang Ikaw ay maisumpa. Ipinaghihiganti namin ang aming sarili sa pamamagitan nila para sa Iyong anathema. ipinababába namin ang tao sa mas mababa pa kaysa sa isang hayop upang tuyain Ka at walang lobo, asong-gubat, asong-Aprikano, buwitre o bampira na katulad ng mga ito na mayroon kami. Ngunit huwag Mo kaming palayasin. Ang impiyerno ay labis na nakasusuklam!...»

«Lumabas ka! Sa ngalan ni Jesus, lumabas ka!» ang tinig ni Jesus ay kumukulog at ang Kanyang mga mata lumiliyab ng kaningningan.

«Kami man lamang ay papuntahin Mo sa kawan ng mga baboy na nasalubong Mo.»

«Lakad.»

Sa pamamagitan ng isang malahayop na alulong ang mga dimonyo ay umalis mula sa dalawang abang mga tao at sa pamamagitan ng isang biglang ipu-ipo ng hangin, na nagawa ang mga puno ng terebinto na sumuray katulad ng mga tambo, tumakbo sila sa malaking kawan ng mga baboy na sa pamamagitan ng isang tunay na maladimonyong sigawan nagsimulang magtakbuhan, katulad ng mga inalihang mga nilikha, sa pagitan ng mga puno ng terebinto, nagtutulakan, nagsúsugatán, nagkakagatan at itinapon ang kanilang mga sarili sa lawa, na, pagkatapos na marating ang gilid ng bangin, wala na silang mapagtataguan bagkus ang tubig sa ibaba. Ang mga magbababoy ay napangibabawan at di-makagalaw at habang sila ay sumisigaw napanghawakan ng takot, daan-daan na mga hayop ang bumulusok patungo sa kalmanteng tubig sa magkakasunod na bagsak, nagagawa ang tubig na dumagsa at bumula; sila’y lumulubog, lulutang ulit, naipakikita dahil dito ang kanilang bilugang mga tiyan o ang kanilang tulis na mga nguso na may nahihintakutan na mga mata, at sa katapusan malulunod. Ang mga magbababoy ay tumakbo patungo sa bayan humahagulhol.

Ang mga apostol ay pumunta sa lugar ng sakuna at bumalik nagsasabing: «Ni isa sa kanila ay hindi nakaligtas! Nagawan Niya sila ng masamang suwerte.»

Si Jesus ay tumugon nang kalmante: «Mas mabuti na kung dalawanlibong baboy ang mamatay kaysa isang tao. Bigyan ninyo sila ng ilang mga damit. Hindi sila makapananatiling ganyan.»

Ang Zealot ay binubuksan ang kanyang bag at ibinigay niya ang isa sa kanyang mga tunika. Si Tomas ay nagbigay ng isa pa. Ang dalawang lalaki ay tila medyo pa nagtataka na tila kagigising pa lamang nila mula sa isang mahimbing na tulog puno ng masasamang panaginip.

«Bigyan sila ng ilang pagkain. Gawing makabalik sila sa normal na pamumuhay ng mga tao.»

Si Jesus ay pinagmamasdan sila, habang sila ay kumakain ng tinapay at mga olibo na ibinigay sa kanila at umiinom sila mula sa prasko ni Pedro.

Sa wakas sila ay nagsalita: «Sino Ka?» tanong ng isa.

«Si Jesus ng Nazareth.»

«Hindi Ka namin nakikilala» sabi ng isa pa.

«Ang inyo mga kaluluwa ay kilala Ako. Tumayo na kayo at umuwi.»

«Naghirap kami nang labis, sa palagay ko, ngunit hindi ako makaalaala nang mabuti. Sino ang lalaking ito?» tanong ng isa na nagsalita sa katauhan ng dimonyo, at kanyang itinuturo ang kanyang kasama.

«Hindi Ko kilala. Siya ay kasama mo.»

«Sino ka? Bakit ka naririto?» tinatanong niya ang kanyang kasama.

Ang isa na pipi, at labis pang di-makagalaw, ay nagsabi: «Ako si Demetrius. Ito ba ay Sidon?»

«Ang Sidon ay nasa dagat, lalaki. Dito ikaw ay nasa ibayo ng lawa ng Galilee.»

«Bakit ako naririto?»

Walang makasagot. Ilang mga tao ang parating sinusundan ng mga magbababoy. Sila ay nagmumukhang mga takot at mausisa. Nang kanilang makita ang dalawang lalaki nakabihis at malinis, ang kanilang pagtataka ay lumaki.

«Iyan ay si Markus ni Josiah!... At iyon ay ang anak ng hentil na mangangalakal!...»

«At Siya ang Isa na nagpagaling sa kanila at may kagagawan sa ating mga baboy na mamatay, sapagkat sila ay naging baliw nang ang mga dimonyo ay pumasok sa kanila» sabi ng mga magbababoy.

«Panginoon, Kayo ay makapangyarihan, tinatanggap namin ito. Ngunit nakagawa na Kayo sa amin ng labis na kapinsalaan! Kapinsalaan ng maraming talento. Umalis na Kayo, pakiusap, kung hindi baka ang Inyong kapangyarihan ay magawang pababain ang bundok at itapon ito sa lawa. Umalis na Kayo…»

«Ako ay aalis. Hindi Ko ipinipilit ang Aking Sarili sa kaninuman» at si Jesus, na wala nang ibang paguusap pa ay bumalik sa daan na Kanyang pinanggalingan.

Ang maladimonyo na nagsalita kanina ay sumusunod sa Kanya, sa likuran ng mga apostol. Sa mas malayo pa sa likuran, sa mahaba-habang distansiya, maraming mamamayan ang nakatingin sa Kanya upang makita kung Siya ay tunay na paalis na.

Sila ay bumababa sa matarik na landas pabalik sa bunganga ng maliit na agos ng tubig, malapit sa mga bangka. Ang mga mamamayan ay nananatili sa terasa nanonood. Ang maladimonyo na napagaling ay bumababa sa likuran ni Jesus.

Sa mga bangka ang mga katulong ay nahihintakutan. Nakita nila ang mga baboy na bumabagsak patungo sa lawa at pinag-iisipan pa nila ang kanilang mga katawan na lumulutang nang parami pa nang parami, mas mga namamaga pa nang namamaga, na ang kanilang bilugang mga tiyan nasa ibabaw at ang kanilang tuwid na maiikling paa katulad ng apat na pamasak na itinusok sa kanilang malaking matabang mga tiyan. «Ano ang nangyari?» nagtatanong sila.

«Sasabihin namin sa inyo saka na. Kalagan ang mga bangka at umalis na tayo… Saan, aking Panginoon.»

«Sa golpo ng Tarichea.»

Ang lalaking sumunod sa kanila, ngayon na nakikita na niya sila na pasakay na sa mga bangka, ay nakikiusap: «Isama na Ninyo ako, Panginoon.»

«Hindi. Umuwi ka: ang iyong mga kamag-anak ay may karapatan na mapasakanila ka. Magsalita ka sa kanila tungkol sa ginawang dakilang mga bagay ng Panginoon sa iyo at sabihin sa kanila kung papaano Siya nagkaroon ng awa sa iyo. Ang lugar na ito ay nangangailangan ng pananampalataya. Sindihan mo ang mga apoy ng pananampalataya dala ng pagpapasalamat sa Panginoon. Lakad na. Paalam.»

«Paginhawahan man lamang Ninyo ako ng Inyong pagpapalà, upang ang dimonyo ay hindi na ako muling pagharian niya.»

«Huwag kang matakot. Kung hindi mo gusto, hindi siya pupunta. Ngunit pinagpapalà Kita. Humayo sa kapayapaan.»

Ang mga bangka ay umalis mula sa baybayin patungong hilaga. Tanging doon lamang, nang ang mga bangka ay inaararo na nito ang mga tubig na may nakakalat ng mga baboy na nabiktima, ang mga mamamayan ng bayan, na ayaw sa Panginoon, ay umalis mula sa terasa at lumayas.

 311210

 



Sunod na kabanata