187. Patungong Herusalem Para sa Ikalawang Paskuwa. Mula Tarichea Hanggang Bundok ng Tabor.

Hunyo 12, 1945.

Si Jesus ay pinaaalis ang mga bangka nagsasabi: «Ako ay babalik» at sinusundan ng Kanyang mga disipulo, at sa kabila ng lugar, na lumalabas na napakataba mula rin sa kabilang baybayin, ibinaling Niya ang Kanyang mga hakbang patungo sa isang bundok, na lumitaw sa gawing timog-kanluran.

Ang mga apostol ay naglalakad sa katahimikan, nag-uugnay-ugnayan sa isa’t isa sa pamamagitan lamang ng mga sulyap. Sa katunayan hindi sila nananabik para sa paglalakbay patawid ng maganda ngunit mabangis na lugar, na puno ng mga damong-latian na napapasabid sa kanilang mga paa; ng mga tambo na nagpapaulan ng mga hamog sa kanilang mga ulo mula sa dulo ng mga dahon; ng mga abelyano na humahampas sa kanilang mga mukha ang matitigas na patpat ng mga tuyong bunga ng mga ito; ng mga púno ng willow na ang malulutong na mga sanga nito nakabitin kung saan-saan nakakakiliti sa kanila; ng mga traydor na mga nakalatag na mga damo na tila tumutubo sa solidong lupa, samantalang itinatago nito ang mga sanaw ng tubig kung saan ang kanilang mga paa ay napapalubog, ang mga ito sa katunayan ay mga latag ng mga namumulaklak na damo at mga gapang na tanim, tumutubo sa maliliit na sanaw at napakakapal upang naitatago ng mga ito ang elemento mula kung saan sila tumubo.

Si Jesus, sa halip, ay sukdulang masaya sa gitna ng lahat na kaberdehan at ng libu-libong mga kulay ng lahat na mga bulaklak, na gumagapang sa lupa, o nakatayong tuwid, o nakakapit sa ibang mga tanim upang umakyat, pumoporma ng mga bitin na maraming magagaang gapang na mga tanim ng napakaselan na klabel na mallow, napoporma ang maselan na asul na mga alpombra para sa sanlibong korola ng makahiyang-tubig, na binubuksan nito ang perpektong kopa ng puti, rosal, asul na mga korola kasama ng malalaking patag na mga dahon ng water-lily.  Hinahangaan ni Jesus ang mga lamuymoy ng mga tambong-tubig, kasing lambot ng seda at may mga perlas ng hamog, at Siya ay yumuyukong nalulugod upang mapagmasdan ang mga katangian ng mga damong namumulaklak, na naglalatag ng esmeraldang belo sa ibabaw ng tubig. Siya ay tumitigil na lubos na nalulugod sa harapan ng mga pugad na itinatayo ng mga ibon, paparoo’t paritong lumilipad, sumisiyap na palipat-lipat sa mga sanga, nagtatrabahong masasaya, sa pamamagitan ng kanilang mga tuka puno ng mga pilas ng dayami, ng balahibong bulak-bulak ng mga tambo, ng langkay ng balahibong-tupa pinulot sa mga pimpin, na nabunot nito sa mula sa mga naglalakbay na tupa… Tila Siya ang pinakamasayang tao sa mundo. Nasaan ang mundo na may kasamaan nito, kasinungalingan, mga kapighatian, mga patibong? Ang mundo ay malayo sa berdeng mabulaklak na oasis na ito, kung saan ang lahat ay nangangamoy, nagniningning, ngumingiti, umaawit. Ito ang lupa na nilikha ng Ama at hindi nalapastangan ng tao at ang tao ay maaaring kalimutan dito.

Ibig Niyang ibahagi ang Kanyang kasayahan sa iba. Ngunit hindi Siya makatagpo ng tamang pagkakataon. Ang puso ng mga apostol ay pagod at napapaít ng labis na masamang kalooban at sila ay tumutugon na laban sa mga bagay-bagay at sa Guro din sa pamamagitan ng may-katigasang ulo na pananahimik, na siyang katulad ng kawalang-galaw ng hangin sa harapan ng bagyo. Tanging ang Kanya lamang na pinsan na si Santiago, ang Zealot at si Juan ang nagkaka-interes. Ang lahat na iba pa ay… wala, kung hindi marahas. Baka sila ay nananahimik upang hindi bumulung-bulong. Ngunit sa loob sila ay maaaring nagsasalita, at nagsasalita nang labis.

Iyon ay isang buhay-na-buhay na pagbibigkas ng paghanga sa harapan ng buháy na hiyas ng isang kingfisher na lumipad pababa, nagdadala ng isang maliit na kulay platang isda sa kanyang kapareha, na nagawa silang ibuka ang kanilang mga bunganga.

Sinabi ni Jesus: «Maaari bang magkaroon ng mas magiliw pa?»

Si Pedro ay tumugon: «Baka hindi mas magiliw pa… ngunit matitiyak ko sa Inyo na ang isang bangka ay mas komportable. Dito ay basang gayon din, ngunit tayo ay hindi komportable…»

«Mas gugustuhin ko ang daan ng mga karabana kaysa sa… hardin na ito. Kung ibig Ninyong ito ang itawag dito, at ako ay nasa ganap na pag-sasang-ayon kay Simon» sabi ng Iskariote.

«Ikaw ito na may ayaw sa daan ng karabana» tugon ni Jesus.

«Ehi! Siyempre… Ngunit hindi sana ako nagpadala sa mga Gherghesenes. Ako sana ay umalis mula roon, ngunit nagpatuloy sa ibayo ng ilog patungong Gadara, Pella at pababa sa timog» pabulong ni Bartolomeo.

At ang kanyang dakilang kaibigan ay naghinuha: «Ang mga kalsada ay pag-aari ng lahat, matapos ang lahat, at dumaan din sana tayo sa mga ito.»

«Aking mga kaibigan! Ako ay labis na naghihirap at nasusuya… Huwag na ninyong dagdagan ang Aking pamimighati sa pamamagitan ng kakitiran ng inyong mga isip! Hayaan ninyo Akong makakuha ng ilang kaginhawahan sa mga bagay na hindi marunong mapoot…»

Ang paninisi, mabait sa kalungkutan nito, ay naantig ang mga apostol.

«Tama Kayo, Guro. Kami ay hindi karapat-dapat sa Inyo. Patawarin ang aming katangahan. Nakikita Ninyo ang maganda, sapagkat Kayo ay banal at Kayo ay tumitingin sa pamamagitan ng mga mata ng Inyong puso. Kami ay magaspang na laman at nakadarama lamang ng magaspang na laman… Ngunit hindi na bale. Maniwala sa akin, kahit na kung tayo ay nasa paraiso, kami ay magiging malungkot kung wala Kayo. Ngunit kapag kasama Kayo… O! ito ay laging maganda para sa aming mga puso. Ang aming mga galamay lamang ang tumututol» marami sa kanila ang bumulong.

«Malapit na tayong makalabas dito at makatatagpo tayo ng mas komportableng lugar, kahit na kung hindi masyadong malamig» nangangako si Jesus.

«Saan tayo talaga patungo?» tanong ni Pedro.

«Upang magbigay ng Paskuwa sa mga naghihirap. Matagal Ko nang ibig gawin iyan. Ngunit hindi Ko magawa. Nagawa Ko sana ito sa pagbabalik sa Galilee. Ngayon na napilitan tayo nila na kunin ang mga daan na hindi natin pinili, pupunta Ako upang pagpalain ang mga kaawa-awang kaibigan ni Jonah.»

«Magsasayang tayo ng maraming oras! Ang Paskuwa ay malapit na! Laging mayroong mga pagka-antala dahil sa iba't ibang mga rason.» Isa pang koro ng pagrereklamo ang tumaas sa kalawakan. Hindi ko malaman kung papaano si Jesus magiging napakamapasensya…

Na hindi nangsisisi ng sinuman, sinabi Niya: «Pakiusap na huwag Akong hadlangan! Magsikap na unawain ang Aking pangangailangan na makapagmahal at mahalin. Ako ay walang iba bagkus ang konsolasyon na ito sa lupa: ang magmahal at ang gawin ang kalooban ng Diyos.»

«At tayo ba ay magsisimula rito? Hindi ba mas mabuti ang magsimula sa Nazareth?»

«Kung iyan ang Aking iminungkahi, nagrebelde sana kayo. Walang dapat na magsuspetsa na Ako ay naririto… at ginagawa Ko iyan para sa inyo… dahil kayo ay natatakot.»

«Natatakot! Ah! Hindi! Kami ay nakahandang makipaglaban para sa Inyo.»

«Magdasal sa Panginoon na hindi kayo ilagay sa pagsubok. Alam Ko na kayo ay palaaway, mahinanakitin, nananabik na makasakit sa mga mananakit sa Akin at ipahiya ang inyong kapwa. Alam Ko ang lahat na iyan. Ngunit hindi Ko nalalaman na kayo ay matatapang. Sa ganang Akin, Ako ay nakalakad sana nang nag-iisa rin at sa pangunahing daan at wala rin sanang nangyaring masama sapagkat hindi pa ito ang oras. Ngunit nalulungkot Ako para sa inyo. Ngunit kailangan Kong sundin ang Aking Ina, oo, iyan din at ayaw Kong balisahin si Simon ang Pariseo. Hindi Ko sila iinisin. Ngunit iinisin nila Ako.»

«At saan tayo pupunta mula rito? Hindi ko kabisado ang lugar na ito» sabi ni Tomas.

«Mararating natin ang Tabor, dadaanan natin ang bahagi nito at pupunta tayo sa Nain daan ng Endor; mula roon patungo sa kapatagan ng Esdraelon. Huwag matakot!... Si Doras, ang anak ni Doras, at si Johanan ay nasa Herusalem na.»

«O! Magiging maganda ito! Sinasabi nila na mula sa tuktok, mula sa isang lugar, makikita ng isa ang Great Sea, ang Karagatan ng Roma. Gustung-gusto ko ito! Maaari ba Ninyong dalhin kami upang makita ito?» nakikiusap si Juan sa pamamagitan ng kanyang  mabait na musmos na mukha nakatingala kay Jesus.

«Bakit gustung-gusto mo itong makita?» tanong ni Jesus hinahaplos siya.

«Hindi ko alam… Dahil ito ay napakalaki at hindi mo makikita ang katapusan nito… Nagagawa ako nito na isipin ko ang Diyos. Nang tayo ay nasa Lebanon nakita ko ang dagat sa unang pagkakataon, sapagkat hindi pa ako napupunta sa iba pang lugar, maliban sa panabi ng Jordan o sa ating maliit na karagatan… at labis akong naantig na ako ay umiyak. Labis na kaasulan! Labis na tubig! At hindi ito umaapaw kailanman!... Anong gandang bagay! At ang mga bituin ay gumagawa ng mga daanan ng liwanag sa dagat… O! Huwag kayong tumawa sa akin! Tiningnan ko ang ginintuang daan ng araw hanggang sa ako ay masilaw, at ang malaplatang daan ng buwan, hanggang sa wala na akong makita bagkus kaputian at nakita ko silang nawawala sa malayung-malayo. Ang mga daan na iyon ay nagsalita sa akin. Sinabi nila: “Ang Diyos ay ang walang-hanggang distansiyang iyan at ito ang mga daan ng apoy at kadalisayan, na kailangang sundan ng isang kaluluwa upang makapunta sa Diyos.  Halika. Bumulusok sa kawalang-hangganan, naglalakbay sa dalawang daanan na mga ito, at matatagpuan mo ang Walang-Hangganang Isa”.»

«Ikaw ay isang makata, Juan» sabi ni Tadeo nang humahanga.

«Hindi ko alam kung ito ay pagtutula. Ang alam ko lang pinaaapoy nito ang aking puso.»

«Ngunit nakita mo rin ang karagatan sa Caesarea at sa Ptolomais, at napakalapit, din. Tayo ay nasa baybayin! Hindi ko makita ang pangangailangan na pumunta nang napakalayo upang makakita ng mas marami pang tubig dagat. Pagkatapos ng lahat… tayo ay ipinanganak sa tubig…» wika ni Santiago ni Zebedeo.

«At tayo ay nasa loob na rin nito ngayon, sa kamalasan!» bulalas ni Pedro, na ibinabaling ang isip nang sandali upang mapakinggan si Juan, ay hindi napuna ang traydor na sanaw at siya ay napalublob… At lahat sila ay tumawa, at siya ay tumatawa rin.

Ngunit si Juan ay sumagot: «Totoo iyan. Ngunit kung mula sa mataas ito ay mas maganda. Nakakakita ka ng mas marami at mas malayo. Iisipin mo na ito ay mas malalim at mas malawak… Gugustuhin mo… mananaginip kang…» at si Juan ay nananaginip na… tumitingin siya sa harapan ng kanyang sarili at ngumingiti sa kanyang panaginip. Nagmumukha siyang katulad ng isang rosas na kakulay ng laman na may mga maliliit na patak ng hamog, nagiging napakamabalahibong malambot ang kanyang makinis na malinis na balat ng isang bata-pang may olandesang buhok na lalaki at habang nawiwisikan ito ng kaunting pawis mas nagmumukha itong katulad ng petalo ng isang rosas.

«Ano ang hinihiling mo? Ano ang pinananaginipan mo?» Si Jesus ay tinatanong ang Kanyang paboritong disipulo sa mababang tinig at nagmumukha Siyang isang ama na tinatanong ang kanyang anak nagsasalita sa kanyang pagkakatulog. Si Jesus ay nagsasalita sa kaluluwa ni Juan, tinatanong siya nang napakagiliw upang hindi masira ang panaginip ng Kanyang nagmamahal na disipulo.

«Ibig kong magpatuloy sa walang-hangganang karagatan… patungo sa ibang mga lupa sa kabila nito. Ibig kong pumunta at magsalita tungkol sa Inyo. Ako ay nananaginip… ng paglakad patungong Roma, patungong Gresya, patungo sa mga madilim na lugar upang dalhin ang Liwanag doon… upang ang mga namumuhay sa kadiliman ay sana makipag-ugnayan sa Inyo at sana mamuhay na nakikipag-ulayaw sa Inyo, Liwanag ng mundo… pinananaginipan ko ang mas mabuting mundo… na kailangang mas pabutihin pa sa pamamagitan ng kaalaman tungkol sa Inyo, ibig sabihin, sa pamamagitan ng kaalaman tungkol sa Pagmamahal na nagpapabuti sa mga tao, nagpapadalisay, nagpapabayani, tungkol sa Pagmamahal na nagagawa ang mundo na magmahal at na itaas ang Inyong Pangalan, Inyong pananampalataya, Inyong Doktrina sa ibabaw ng kapootan, kasalanan, laman, sa ibabaw ng mga bisyo ng mga isip, sa ibabaw ng ginto, sa ibabaw ng lahat na bagay… at pinananaginipan ko ang pagpunta kasama ang aking mga kapatid sa dagat ng Diyos, sa daan ng liwanag upang dalhin Kayo… katulad ng ang Inyong Ina ay dinala Kayong minsan pababa sa amin mula sa Langit… nananaginip ako na ako ay isang bata, na bilang walang nalalamang anuman bagkus pagmamahal, ay masaya rin kapag nakakaharap sa problema… at umaawit upang mapaginhawahan ang mga adulto na labis na nag-iisip, umaabante… hinaharap ang kamatayan ngumingiti… patungo sa kaluwalhatian ng isa na hindi nalalaman kung ano ang kanyang ginagawa, ngunit nalalaman lamang na siya ay papunta sa Inyo, Pagmamahal…»

Ang mga apostol ay hindi humihinga sa loob ng kalugud-lugod na pangungumpisal… Sila ay nanatili sa kanilang kinaroroonan, tinitingnan ang pinakabatang isa na nagsasalita na ang kanyang mga mata natatakpan ng kanyang mga talukap-mata, katulad ng isang belo na inilagay sa ibabaw ng init na tumataas mula sa kanyang puso, at tinitingnan si Jesus Na lubos na nalulugod nakikita ang Sarili na ganap na nasa Kanyang disipulo…

Nang si Juan ay tumigil sa pagsasalita, medyo nakayukong paharap – nakapagpapaalaala siya sa akin tungkol sa kayumihan ng Birheng Maria sa Anunsiyasyon sa Nazareth – si Jesus ay hinahalikan ang kanyang noo nagsasabing: «Tayo ay pupunta at pagninilay-nilayan ang dagat, upang mapanaginipan mong muli ang Aking Kaharian sa hinaharap sa mundo.»

«Panginoon… sinabi Ninyo na pagkatapos tayo ay pupunta sa Endor. Gawin rin Ninyo akong masaya… upang malampasan ko ang kapaitan ng paghuhusga ng batang iyon…» sabi ng Iskariote.

«O! Iniisip mo pa rin ba iyan magpahanggang ngayon? Tanong ni Jesus.

«Oo, lagi. Pakiramdam ko ako ay napababa sa Inyong mga mata at sa mga mata ng aking mga kasamahan. Iniisip ko ang tungkol sa kung ano ang Inyong mga naiisip…»

«Bakit ka namomroblema tungkol sa mga walang kabuluhan? Hindi Ko na iniisip ang walang-kabuluhang iyan, ni hindi na rin ang ibang mga kasama mo. Pinaaalalahanan mo kami… Ikaw ay isang bata na sanay lamang ng hinahaplos at ang salita ng isang bata ay tila ang sentensiya ng isang hukom sa iyo. Ngunit hindi ka dapat na matakot tungkol sa salitang iyon, bagkus tungkol sa iyong mga kinikilos at tungkol sa paghuhukom ng Diyos. Ngunit upang makumbinsi ka na ikaw ay kasing mahal sa Akin katulad nang dati, katulad lagi, sasabihin Ko sa iyo na pagbibigyan Kita. Ano ang ibig mong makita sa Endor? Iyon ay isang mahirap na nayon sa mga kabatuhan…»

«Dalhin Ninyo ako roon… at sasabihin ko sa Inyo.»

«O sige. Ngunit alalahanin na hindi ka nito paghihirapin pagkatapos…»

«Kung ito ay hindi nagiging masakit para sa kanya na pagnilay-nilayan ang dagat, hindi maaaring makasásama sa akin ang makita ang Endor.»

«Makita?... Ngunit ang pagmimithi sa kung ano ang gustong makita ng isa sa kanyang paghahanap ang maaaring makasamà. Ngunit tayo ay pupunta…»

At kanilang ipinagpatuloy ang daan patungong Mount Tabor, na ang napakalaking hitsura nito ay tila lumalabas na papalapit nang papalapit, habang nagbabago ang latian na aspekto ng lupa, dahil ang lupa ay nagiging solido at tuyo at ang mga tanim panipis nang panipis, nagbibigay ng lugar sa mas matataas na tanim at mga palumpong ng clematis at blackberry, na ang bagong mga dahon at mga bulaklak nito ay isang magandang tanawin.

020111

 

 



Sunod na kabanata