188. Mula Tabor Hanggang Endor sa Kuweba ng Nigromante. Ang Engkuwentro kay Felix na Naging Juan. 

Hunyo 13 1945.

Sina Jesus at ang mga apostol ay nadaanan na ang Mount Tabor at ito ay naiiwan na sa likuran nila. Sila ngayon ay mga naguusap-usap na sa kapatagan na nasa pagitan ng bundok na iyon at ng isa pang nakaharap dito, pinag-uusapan ang pag-akyat nilang lahat, bagama't sa umpisa ang mga mas nakatatanda ay hindi masyadong gusto iyon. Ngunit ngayon sila ay masaya na sila ay umakyat sa tuktok. Ang paglalakbay ay ngayon madali na sapagkat sila ay nasa isang pangunahing daan na komportableng-komportable sa paglalakad. Ngayon ay kaagahan ng umaga sapagkat sa pakiwari ko natulog sila sa mga dalisdis ng Tabor.

«Iyan ang Endor» sabi ni Jesus itinuturo ang isang mahirap na nayon na naitayo sa unang mga kataasan ng isa pang bundok. «Talaga bang ibig mong pumunta roon?»

«Kung ibig Ninyong gawin akong masaya…» tugon ng Iskariote.

«Tayo na, kung gayon.»

«Ngunit ito ba ay mahabang lakbayin?» tanong ni Bartolomeo, na, dahil sa kanyang edad, ay hindi masyadong ganado sa pamamasyal na paglalakad.

«O! hindi! Ngunit kung ibig mong magpaiwan…» sabi ni Jesus.

«Oo, makapananatili ka. Ako ay sasama sa Guro» sabi ni Judas Iskariote kaagad.

«Makinig, bago magpasya ang aking isip, ibig kong malaman kung ano ang makikita roon… Mula sa tuktok ng Mount Tabor nakita natin ang karagatan at pagkatapos ng talumpati ng bata kailangan kong tanggapin na nakita ko ito nang maayos sa unang pagkakataon at nakita ko ito ayon sa pagkakakita Ninyo: sa pamamagitan ng aking puso. Dito… ibig kong malaman kung mayroon ditong anumang malalaman, sapagkat kung gayon sasama ako kahit na kung ito ay nakakapagod…» sabi ni Pedro.

«Napakinggan mo ba iyon? Wala ka pang sinasabi kung ano ang binabalak mong gawin. Maging mabait sa iyong mga kasamahan at sabihin mo na sa amin ngayon» sabi ni Jesus nang may paanyaya.

«Hindi ba’t pumunta si Saul sa Endor upang konsultahin ang nigromante?»

«Oo, pumunta siya. Kung gayon?»

«Bueno, Guro, ibig kong pumunta roon at mapakinggan Kayong magsalita tungkol kay Saul.»

«Kung gayon, ako ay sasama rin!» bulalas ni Pedro puno ng pananabik.

«Tayo na kung gayon.»

Naglakad sila nang mabilis sa huling haba ng pangunahing daan, na kanilang iniwanan upang sundan ang sekundaryong daan, na maghahatid nang tuwiran sa Endor.

Ito ay isang mahirap na nayon, katulad ng sinabi ni Jesus. Ang mga bahay ay nakakapit sa mga dalisdis na, sa kabila ng nayon ay nagiging mas matarik. Mahihirap na tao ang nakatira sa mga ito. Ang karamihan sa kanila ay maaaring mga pastol na nagpapastol ng kanilang mga kawan sa mga panabi ng bundok at sa loob ng mga kakahuyan ng matatandang puno ng terebinto. May ilang maliliit na bukid ng sebada, o katulad na mga grano ng kumpay, sa mas paborableng mga lugar at ilang mga puno ng mansanas at igos. Mayroon lamang ilan-ilan na mga baging sa paligid ng mga bahay, nagdedekorasyon sa mga pader, na mga madidilim dahil sa ang lugar ay halatang basang lugar.

«Magtatanong na tayo kung nasaan dati ang lugar ng nigromante» sabi ni Jesus. At pinatigil Niya ang isang babae na bumabalik mula sa bundok may dalang mga pitsel.

Tinitingnan niya Siya nang mausisa, pagkatapos tumugon nang magalang: «Hindi ko alam. May mas mahahalaga pa akong mga bagay na alalahanin kaysa sa kalokohang iyan!» at siya ay umalis.

Si Jesus ay binalingan ang isang matandang lalaki na may inuukitan na maliit na kahoy.

«Ang nigromante?... si Saul?... Sino ang nag-iintindi sa mga iyan ngayon? Ngunit, hintay… May isang tao rito na nag-aral at baka alam niya… Sumama Kayo sa akin.»

At ang matandang lalaki ay umakyat nang hirap-na-hirap sa isang mabatong lakaran patungo sa isang napakaaba at sira-sirang tingnan na bahay. «Siya ay dito nakatira. Papasok ako at tatawagin siya.»

Si Pedro, itinuturo ang ilang manok na nagkákahig sa isang maruming bakuran, ay nagsabi: «Ang mamang ito ay hindi isang Israelita.» Ngunit hindi na siya nagsalita pa sapagkat ang matandang lalaki ay pabalik na sinusundan ng isang lalaking bulag ang isang mata na kasing dumi at walang-kaayusan katulad ng lahat sa paligid ng bahay.

Ang matandang lalaki ay nagsabi: «Kita Ninyo? Ang mamang ito ay nagsasabi na ito ay nasa banda roon sa kabila ng sira-sirang bahay na iyon. May daanan, may isang agos ng tubig, isang kakahuyan at ilang mga yungib, ang isang nasa tuktok, kung saan may mga bakas pa ng mga nasirang pader sa isang tabi, ay ang isang inyong hinahanap. Tama ba iyon?»

«Hindi. Nagulo mo ang lahat. Sasama ako sa mga estrangherong ito.» Ang tinig ng mamâ ay paos at garalgal, na nakapagpapalaki sa pagkabalisa ng lahat.

Siya ay nagsimulang maglakad. Sina Pedro, Felipe at Tomas ay gumagawa ng paulit-ulit na senyas kay Jesus upang payuhan Siya na huwag pumunta. Ngunit si Jesus ay hindi sila pinapansin. Siya ay naglalakad kasama si Judas sa likuran ng mamâ, at ang iba ay sinusundan Siya… nang may pag-aalinlangan.

«Kayo ba ay isang Israelita?» tanong ng mamâ.

«Oo, Ako nga.»

«Ako rin, o halos, bagama't hindi ako nagmumukhang isang Israelita. Ngunit nanirahan ako nang matagal sa ibang bansa at nagkaroon ako ng maraming kaugalian, na hindi sinasang-ayunan ng mga tangang tagarito. Ako ay mas maigi kaysa sa iba. Ngunit sinasabi nila na ako ay isang dimonyo, sapagkat marami ako kung magbasa, nag-aalaga ako ng mga manok na aking ipinagbibili sa mga Romano at nakapaggagamot ako ng mga tao sa pamamagitan ng mga yerba. Nang bata pa ako, dahil sa isang babae, nakipag-away ako sa isang Romano – ako ay nasa Cintium noon – at sinaksak ko siya. Siya ay namatay, nawalan ako ng isang mata at ng lahat na kayamanan ko at nasentensiyahan ako ng habang buhay sa kulungan. Ngunit alam ko kung papaano manggamot ng mga tao, at pinagaling ko ang anak na babae ng isa sa mga bantay. Nakuha kung gayon ang kanyang pakikipagkaibigan at ilang kalayaan… Ginamit ko iyon upang makatakas. Masama ang aking ginawa, sapagkat ang taong iyon ay tiyak na nagbayad para sa aking pagtakas sa pamamagitan ng kanyang buhay. Ngunit ang kalayaan ay tila napakaganda kapag ang isa ay isang preso…»

«Hindi ba’t talagang maganda ito pagkatapos?»

«Hindi. Ang kulungan, kung saan ang isa ay nag-iisa, ay mas mabuti kaysa nakakahalubilo ang mga tao na hindi ka pinababayaan na mag-isa at pupuntahan tayo para kapootan tayo…»

«Nag-aral ka ba ng pilosopiya?»

«Ako ay isang tagapagturo sa Cintium… Ako ay isang proselito…»

«At ngayon?»

«Ngayon ako ay wala. Nabubuhay ako ayon sa reyalidad ng mga katotohanan. At ako ay napopoot, katulad na ako noon at ngayon kinapopootan.»

«Sino ang napopoot sa iyo?»

«Lahat. At ang Diyos ang unang-una. Ang babaeng iyon ay ang aking asawa… at ang Diyos ay pinahintulutan siya na maging taksil sa akin at sirain ako. Ako ay malaya at iginagalang, at ang Diyos ay pinahintulutan ako na maging isang bilanggo sa habang buhay. Ang Diyos ay inabandona ako, ang mga tao ay hindi makatarungan. Kapwa Siya at sila ay sinira ako. Wala nang naiwan dito…» at kanyang hinampas ang kanyang noo at ang kanyang dibdib. «Kung baga, dito, sa aking ulo, ay nariyan ang aking mga naiisip, aking nalalaman. Dito ay wala» at siya ay dumurang may panunuya.

«Nagkakamali ka. May dalawang bagay ka pa diyan.»

«Alin?»

«Ala-ala at kapootan. Tanggalin mo sila. Maging tunay na wala… at bibigyan kita ng isang bagay na bago na mailalagay diyan.»

«Ano?»

«Pagmamahal.»

«Ah! Ah! Pinatatawa Mo ako. Hindi ako tumawa sa loob ng tatlumpu’t limang taon, mamâ.  Mula nang magkaroon ako ng katibayan na ang babae ay naging taksil sa akin kasama ang Romanong mangangalakal ng alak. Pagmamahal! Pagmamahal sa akin! Iyan ay katulad sa akin na nagtatapon ng mga hiyas na bato sa aking mga manok! Mamamatay sila ng pagka-di-natutunawan, maliban kung mailalabas nila ito kasama ang kanilang mga ipot. Ganyan din ang mangyayari sa akin. Ang Inyong pagmamahal ay magiging pabigat para sa akin, kung hindi ko iyan matutunaw…»

«Hindi, mamâ! Huwag mong sabihin iyan!» Si Jesus ay ipinatong ang Kanyang kamay sa balikat ng mamâ,  Siya ay taos at hayag na naghihirap.

Ang mamâ ay tinitingnan Siya sa pamamagitan ng kanyang nag-iisang mata at kung ano ang kanyang nakikita sa pinakamatamis at magandang mukhang iyon ay nagawa siyang di-makapagsalita at magbago ang kanyang ekspresyon. Mula sa pagiging nanunuya siya ay naging seryosong-seryoso at pagkatapos tunay na malungkot. Ibinaba niya ang kanyang ulo at sa pamamagitan ng nabagong tinig siya ay nagtanong: «Sino Kayo?»

«Si Jesus ng Nazareth. Ang Mesiyas.»

«Kayo!!!»

«Ako. Hindi ka ba nakaalam ng tungkol sa Akin, dahil nagbabasa ka nang labis?»

«Nalaman ko… Ngunit hindi ko nalaman na Kayo ay buhay at… higit sa lahat, hindi ko nalaman ito. Hindi ko nalaman na Kayo ay mabuti sa lahat… nang ganyan… sa mga mamamatay-tao rin… Patawarin Ninyo ako sa aking sinabi… tungkol sa Diyos at sa pagmamahal… Ngayon naintindihan ko na kung bakit ibig Ninyo akong bigyan ng pagmamahal… Sapagkat kung walang pagmamahal ang mundo ay isang impiyerno, at Kayo, ang Mesiyas ay ibig na magawa ito na isang paraiso.»

«Isang paraiso sa bawat puso. Ibigay mo sa Akin ang alaala at ang kapootan na nakagagawa sa iyo na magkasakit at hayaan mong maglagay Ako ng pagmamahal sa iyong puso.!»

«O! Sana nakilala ko Kayo noon pa!... pagkatapos… Nang ako’y pumatay, Kayo ay tiyak na hindi pa ipinanganganak… Ngunit pagkaraan… nang ako ay malaya na, kasing malaya katulad ng isang ahas sa isang kakahuyan, ako ay nabuhay upang lasunin ang mga tao sa pamamagitan ng aking poot.»

«Ngunit nakagawa ka rin naman ng ilang kabutihan. Hindi ba’t sinabi mo na nakapagpagaling ka ng mga tao sa pamamagitan ng mga yerba?»

«Oo, upang pagpasyensiyahan. Ngunit ilang beses na kinailangan kong makibaka laban sa aking mithiin na makapanlason ng mga tao sa pamamagitan ng mga tinimplang mga gamot!... Kita Ninyo? Dito ako nagtago sapagkat… ito ay ang lugar kung saan ang mundo ay pinababayaan at kung saan ang mundo ay nagpapabaya. Isang isinumpang lugar. Sa ibang mga lugar ako ay napoot at ako ay kinapopootan at natatakot ako na ako ay makilala… Ngunit ako ay masama.»

«Ikinalulungkot mo na nasaktan mo ang bantay sa kulungan. Hindi mo ba nakikita na may ilang kabutihan pa ang nasa sa iyo? Ikaw ay hindi masama… Ang tanging problema mo lamang ay mayroon kang isang malaking bukas na sugat, na walang sinuman ang nanggagamot… Ang iyong kabutihan ay diyan dumadaloy palabas katulad ng dugo mula sa sugat. Ngunit kung may magpapagaling sa iyong sugat at gumaling ito, Aking mahal na kapatid, ang kabutihan ay lalaki sa loob mo, sapagkat hindi na ito mababawasan habang napoporma ito…»

Ang mamâ ay lumuluha na nakatungo ang ulo nagsisikap na itago ang kanyang mga luha. Tanging si Jesus lamang Na naglalakad sa tabi niya ang nakakapuna rito. Napupuna Niya ngunit hindi na Siya nagsasalita ng iba pa.

Nakarating sila sa isang yungib na gawa sa mga durog na bato at mga kuwebang bundok. Ang mamâ ay nagsisikap na patatagin ang kanyang tinig at nagsabi: «Naririto ito. Makakapasok Kayo.»

«Salamat sa iyo, Aking kaibigan. Maging mabuti.»

Ang mamâ ay hindi nagsasalita ng ano pa man at nananatili sa kanyang kinaroroonan, habang si Jesus kasama ang Kanyang mga apostol, humahakbang sa malalaking bato na maaaring bahagi dati ng napakalakas na mga pader, nabubulabog ang berdeng mga butiki at iba pang pangit na mga insekto, ay pinapasok nila ang isang malaking mausok na gruta, na sa mga pader nito ay may mga krukis pa ng mga simbolo ng sodyako at katulad na mga bagay. Sa isang sulok na napaitim ng usok ay may isang nitso at sa ilalim nito ay may butas na nagmumukhang isang labasan ng tubig. Ang mga paniki na mga nakapandidiring nakabiting kumpul-kumpol ay ang dekorasyon ng kisame at ang isang kuwago, nabalisa ng liwanag mula sa isang sanga na sinindihan ni Santiago upang makatiyak sila na hindi sila makakaapak ng mga alakdan o alupihan, ay umalmang ikinakawag ang mga pakpak nito at isinasara ang mga pangit nitong mata na hindi makatagal sa liwanag. Ito ay nakadapo sa nitso, at ang mabahong amoy mula sa mga patay na daga, weasel at mga ibon na nabubulok sa paanan nito ay humahalo sa amoy ng tae at ng basang lupa.

«Ito nga ay tunay na magandang lugar!» sabi ni Pedro. «Ang iyong Tabor at ang iyong karagatan ay malayong mas mabuti, aking bata!» At pagkatapos kinakausap si Jesus: «Guro, pagbigyan na Ninyo kaagad si Judas sapagkat hindi ito… ang makaharing bulwagan ni Antipas!»

«Siyempre. Ano itong ibig mong malaman?» tinatanong Niya si Judas Iskariote.

«Bueno… Ibig kong malaman kung at bakit nagkasala si Saul sa pagpunta rito… Ibig kong malaman kung posible para sa isang babae na panawagan ang patay. Ibig kong malaman kung… O! Mas mabuti na kung Kayo ang magsasalita. Magtatanong ako sa Inyo ng mga katanungan.»

«Ito ay isang mahabang kuwento. Tayo man lamang ay lumabas doon, sa loob ng sikat ng araw, sa ibabaw ng mga bato… Makalalayo tayo sa kabasaan at sa amoy» pakiusap ni Pedro.

At si Jesus ay pumayag. Naupo sila hangga’t maayos sa mga tira ng mga pader.

«Ang kasalanan ni Saul ay isa lamang sa kanyang mga kasalanan. Ito ay napangunahan at nasundan ng marami pa. Lahat na mga ito ay grabe. Dobleng kawalang-pasasalamat kay Samuel na siyang nagpahid ng langis sa kanyang ulo upang siya ay ang maging ang hari at na umalis pagkatapos upang hindi siya magkaroon ng bahagi ng paghanga sa hari ng mga tao. Siya ay makailang-ulit na walang-pasasalamat kay David na siyang nagligtas sa kanya kay Goliath at sa hindi pagpatay sa kanya sa loob ng mga kuweba sa Engedi at Hachilah. Marami siyang pagkakasala ng pagsuway at sa kanyang pag-iiskandalo sa kanyang sambayanan. Nagkasala siya sa pagpapamighati sa kanyang tagapagpalà na si Samuel sa pamamagitan ng pagkukulang sa karidad. Siya ay nagkasala ng paninibugho, ng pagtatangka sa buhay ni David, kay David na isa pang kanyang tagapagpalà, at panghuli, ng krimen na kanyang nagawa rito.»

«Laban kanino? Wala siyang pinatay na sinuman dito.»

«Pinatay niya ang kanyang kaluluwa sa loob dito, tinapos niya ang pagpatay nito. Bakit mo itinutungo ang iyong ulo?»

«Iniisip ko, Guro.»

«Nag-iisip ka. Nakikita Ko iyan. Ano ang iyong iniisip? Bakit ginusto mong pumunta? Kailangan na tanggapin mo na ito ay hindi dala ng pag-uusisa lamang ng isang mag-aaral.»

«Lagi tayong nakaririnig ng kung sinuman na nagsasalita tungkol sa mga salamangkero,  mga nigromante, na mga nanawagan sa mga espiritu… Ibig kong makita kung may matutuklasan ako na kahit anuman… Ibig kong malaman kung papaano ito ginagawa… Iniisip ko na dahil kami ay nakatalaga na makapanggulat sa mga tao upang makuha ang kanilang atensiyon, kami ay kailangan na maging, kahit papaano, mga nigromante, rin. Kayo ay kayo at ginagawa Ninyo ang Inyong mga bagay-bagay sa pamamagitan ng Inyong kapangyarihan. Ngunit kailangan namin na makahingi ng kapangyarihan, ng tulong upang magawa ang mga pambihirang gawain, na mga kinakailangan…»

«Nasisiraan ka ba! Ano ang iyong sinasabi?» sigaw ng marami.

«Manahimik. Pabayaan siyang magsalita. Siya ay hindi sira.»

«Oo, inisip ko na sa pagpunta rito ang kaunti ng mahika ng mga nakaraang araw ay makapaghahari sa akin at magagawa akong mas magaling. Sa Inyong interes, maniwala sa akin.»

«Nalalaman Ko na ang iyong kasalukuyang mithiin ay isang sinsirong mithiin. Ngunit tutugon Ako sa iyo sa pamamagitan ng mga eternal na salita, sapagkat ang mga ito ay mga salita ng Bibliya at ang Bibliya ay mananatili hanggang sa ang tao ay nananatili. Pinaniniwalaan o tinutuya, ginagamit para maipagsanggalang ang katotohanan o ito’y nililibak, ito ay laging mananatili. Ito ay naisulat: “At si Eba, nakikita na ang bunga ng punungkahoy ay masarap kainin at kaaya-aya sa mata, kinuha ito at kinain at ibinigay ang ilan sa kanyang asawa… At pagkatapos ang kanilang mga mata ay nabuksan at napuna nila na sila ay hubad at gumawa sila para sa kanilang sarili ng mga saplot na damit… At sinabi ng Diyos: ‘Papaano ninyo napuna na kayo ay hubad? Dahil lamang na kumain kayo ng ipinagbabawal na bunga’. At Kanya silang pinalayas sa hardin ng mga kasisiyahan”. At sa aklat ni Saul, ito ay nakasulat: “Si Samuel nagpapakita ay nagsabi: ‘Bakit mo ako ginambala, pinananawagan ako? Bakit mo ako nilalapitan sa kabila ng inabandona ka na ng Diyos? Ang Panginoon ay haharapin ka katulad ng sinabi ko na sa iyo… sapagkat hindi mo sinunod ang tinig ng Panginoon’”. Anak, huwag mong iunat ang iyong kamay sa ipinagbabawal na bunga. Ni hindi mabuti ang kahit lumapit dito. Huwag maging mausisa na malaman ang mga bagay na higit pa sa ating mga limitasyon, at baka ang maladimonyong lason nito ay mapangibabawan ka. Iwasan ang mahiwaga at kung ano ang hindi maipaliliwanag. Isa lamang ang kailangan na tanggapin nang may banal na pananampalataya: ang Diyos. Ngunit iwasan kung ano ang hindi Diyos at hindi maipaliliwanag ng pangangatwiran ng tao o hindi magagawa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng tao, upang ang pinanggagalingan ng kasamaan ay sana hindi mabuksan para sa inyo at baka malaman ninyo na kayo ay “hubad”. Hubad: kinasusuklaman sa inyong pagiging tao hinaluan ng satanismo. Bakit ibig mong mamangha ng mga tao sa pamamagitan ng madilim na mga kababalaghan? Gawin mo silang mamangha sa pamamagitan ng iyong kabanalan, na kailangan na maging kasing ningning bilang mga bagay na nanggagaling sa Diyos. Huwag manabik na mabutasan ang mga belo na naghihiwalay sa mga buháy sa mga patay. Huwag gambalain ang mga namatay. Makinig sa kanila, kung sila ay marunong, habang sila ay nasa lupa, ipagbunyi sila sa pagsunod sa kanila pagkatapos din ng kanilang kamatayan. Subalit huwag balisahin ang kanilang ikalawang pamumuhay. Ang sinuman na hindi sumusunod sa tinig ng Panginoon, mawawala sa kanya ang Panginoon. At ang Panginoon ay ipinagbawal ang paniniwala sa nakatagong mga kababalaghan, nigromansiya, satanismo sa lahat na uri nito. Ano pa ang gusto mong malaman kaysa sa sinabi na sa iyo ng Salita? Ano pa ang ibig mong magawa kaysa sa iyong kabutihan at sa ipinahintulot sa iyo ng Aking kapangyarihan na gawin mo? Huwag magnasa para sa kasalanan, bagkus para sa kabanalan, anak. Huwag mong isipin na ikaw ay napahiya. Nalulugod Ako na ibinunyag mo ang iyong pagiging tao. Maraming tao, napakarami, ang gusto ang ginugusto mo. Ngunit ang pakay ng iyong pagmimithi: “na maging makapangyarihan upang makuha ang atensiyon ng mga tao patungo sa Akin” ay tinatanggal ang mabigat na pabigat sa pagiging tao na iyan at naglalagay ng mga pakpak diyan. Ngunit iyan ay mga pakpak ng isang ibong-gabi. Hindi, Aking Judas. Maglagay ng mga pakpak na kasing ningning ng araw, mga pakpak ng isang anghel sa iyong espiritu. Sa pamamagitan ng simpleng ihip ng hangin na magagawa ng pagwawagayway ng mga ito makakakuha ka ng atensiyon ng mga puso at madadala mo sila sa iyong daan patungo sa Diyos. Makaaalis na ba tayo?»

«Oo, Guro! Nagkamali ako…»

«Hindi. Ikaw ay naging isang nagtatanong… Ang mundo ay laging mapupuno nila. Halika. Lumayo tayo sa amoy ng lugar na ito. Lumakad tayo patungo sa araw! Sa kaunting araw na lamang ay Paskuwa na, at pagkatapos tayo ay pupunta sa bahay ng iyong ina. Pinanawagan Ko siya para sa iyo: ang iyong matapat na tahanan, ang iyong banal na ina. Gaano ito kapayapa!»

Katulad ng dati, ang alaala tungkol sa kanyang ina at ang pagpuri sa kanya ng Guro, ay nagpapasigla kay Judas.

Sila ay lumabas sa mga labí  at nagsisimula na silang bumaba sa daanang nilakaran nila pagtaas kanina. Ang mamâ na bulag ang isang mata ay naroroon pa rin.

«Naririto ka pa ba?» nagtatanong si Jesus nagkukunwari na hindi Niya napupuna na ang mukha ay namumula dahil sa maraming mga luha na iniluha.

«Oo, naririto pa rin ako. Susundan ko Kayo kung pahihintulutan Ninyo ako. Mayroon akong ibig sabihin sa Inyo…»

«Sumama ka sa Akin, kung gayon. Ano ang ibig mong sabihin sa Akin?»

«Jesus… natuklasan ko na upang magkaroon ng lakas na makapagsalita at maisagawa ang banal na mahika na mabago ang sarili, ang mapanawagan ang aking patay na kaluluwa katulad na ang nigromante ay pinanawagan si Samuel para kay Saul, kailangan kong bigkasin ang Inyong Pangalan, na kasing tamis ng Inyong mga mata, at kasing banal ng Inyong tinig. Nabigyan Ninyo ako ng bagong buhay, ngunit nagkukulang ito ng porma at enerhiya, katulad ng buhay ng isang bagong panganak na sanggol pagkatapos ng mahirap na panganganak. Nakikibaka pa ito sa pagkakahawak ng masamang mga dating kaugalian. Tulungan Ninyo akong makalabas sa aking kamatayan.»

«Oo, Aking kaibigan.»

«Na… nabatid ko na may kaunti pang pagiging tao sa aking puso. Ako ay hindi ganap na isang hayop, at makapagmamahal pa rin ako at mamahalin, makapagpapatawad at mapatawad. Ang Inyong pagmamahal, na pagpapatawad, ay naturuan ako. Hindi ba’t ganyan iyan?»

«Oo, Aking kaibigan.»

«Kung gayon… Isama Ninyo ako. Ako ay si Felix noon. Anong ironiya! Ngunit bigyan Ninyo ako ng bagong pangalan. Upang ang aking nakaraan ay sana patay na nga. Susundan ko Kayo katulad ng isang naliligaw na aso, na sa wakas nakatagpo ng isang panginoon. Ako ang magiging Inyong alipin, kung ibig Ninyo. Ngunit huwag Ninyo akong iwanan na nag-iisa…»

«Oo, Aking kaibigan.»

«Anong pangalan ang Inyong ibibigay sa akin?»

«Isang pangalan na mahal sa Akin: Juan. Sapagkat ikaw ay grasya na ipinagkaloob ng Diyos.»

«Isasama ba Ninyo ako?»

«Oo, pansamantala. Pagdating ng araw susundan mo Ako kasama ang Aking mga disipulo. Ngunit papaano ang iyong bahay?»

«Wala na akong bahay. Iiwanan ko anuman ang mayroon ako sa mahihirap. Bigyan lang Ninyo ako ng pagmamahal at tinapay.»

«Halika.» Si Jesus ay tumalikod at tinatawag ang Kanyang mga apostol. «Pinasasalamatan Ko kayo Aking mga kaibigan, at ikaw lalo na, Judas. Sa pamamagitan mo, Judas, sa pamamagitan ninyong lahat, ang isang kaluluwa ay patungo sa Diyos. Naririto ang bagong disipulo. Siya ay sasama sa atin hanggang maipagkakatiwala na natin siya sa ating kapatid na mga disipulo. Maging masaya sapagkat nakatagpo kayo ng isang puso at pagpalain ng Diyos kasama Ko.»

Ngunit ang Labindalawa ay hindi tunay na nagmumukhang napakamasaya. Ngunit dala ng pagsunod at kabaitan tinanggap nila siya.

«Kung walang anuman sa Inyo uuna na ako. Matatagpuan Ninyo ako sa pintuan ng aking bahay.»

«Oo, lakad.»

Ang mamâ ay tumakbong umalis. Siya ay tila isang bagong tao.

«At ngayon na tayo ay tayu-tayo na lamang inuutusan Ko kayo, at ito ay isang utos, maging mabait sa kanya at huwag babanggitin ang kanyang nakaraan sa kahit sino pa man.  Aking kaagad tatanggihan ang sinuman na magsasalita o magiging walang pagkakawanggawa sa ating natubos na kapatid. Malinaw ba iyan? At tingnan kung gaano kabuti ang Panginoon! Tayo ay pumunta rito para sa isang pantaong pakay at pinahihintulutan tayo Niya na makaalis pagkatapos na makagawa ng isang sobrenatural na gawain. O! Nagbubunyi Ako dahil sa lugod ngayon sa Langit para sa isang bagong nagbalik-loob sa Diyos.»

Narating nila ang bahay. Ang mamâ ay naroroon, sa pamasukan, nakasuot ng bagong madilim na tunika at isang manta na katugma nito, isang pares ng bagong mga sandalyas at may dala-dalang malaking bag sa ibabaw ng kanyang balikat. Isinasara niya ang pinto at pagkatapos, ano ang kakaiba sa isang tao na maaaring tingnan na may matigas na puso, kinuha niya ang isang maputing inahing manok, baka kanyang paborito, na nakaupong maamo sa kanyang mga kamay, hinahalikan niya itong umiiyak at ibinaba ito.

«Tayo na… at patawarin Ninyo ako. Ngunit ang aking manok ay lagi akong minamahal…  Madalas akong magsalita sa kanila at… naiintindihan nila ako…»

«Naiintindihan din Kita… at minamahal Kita. Labis. Ibibigay Ko sa iyo ang lahat na pagmamahal na ipinagkait sa iyo ng mundo sa loob ng tatlumpu’t limang taon…»

«O! Nalalaman ko! Nararamdaman ko ito! Iyan kung bakit ako sumasama. Ngunit maging mapagpasensya sa isang tao na… nagmamahal sa mga hayop na naging mas matatapat sa kanya kaysa ang mga tao…»

«Oo… Kalimutan mo ang iyong nakaraan. Marami kang dapat gawin! At, may karanasang katulad mo, magagawa mo itong mabuti. Simon, halika rito at ikaw din, Mateo. Kita mo? Ang taong ito ay higit pa sa isang preso, siya ay isang ketongin. At ang isang ito… isang makasalanan. At sila ay mahal na mahal sa Akin, sapagkat nalalaman nila kung papaano makaunawa ng mga kaawa-awang puso… Tama ba iyon?»

«Salamat sa Inyong kabutihan, aking Panginoon. Ngunit makatitiyak ka, aking kaibigan, na ang lahat ay kanselado sa paglilingkod sa Kanya. Tanging kapayapaan lamang ang nananatili» sabi ng Zealot.

«Oo. Kapayapaan at ang bagong kabataan ang pumapalit sa lumang mga bisyo at kapootan. Ako ay isang tagakolekta ng buwis. Ngayon ako ay isa nang apostol. Ang mundo ay nasa harapan namin, at nalalaman namin ang lahat tungkol dito. Kami ay hindi mga walang-kaisipang mga anak na dumaraan sa nakapipinsalang bunga at yumuyukong tanim at hindi nakikita ang mga nangyayari. Alam namin. Naiiwasan namin ang kasamaan at natuturuan ang ibang mga tao kung papaano ito maiiwasan. At naitutuwid namin ang mga yumuyuko. Sapagkat nalalaman namin kung gaano kaginhawa ito na masuportahan. At alam namin kung Sino ang nagsusuporta: Siya» sabi ni Mateo.

«Totoo iyan! Totoo nga! Matutulungan ninyo ako. Salamat sa inyo. Pakiramdam ko lumalabas ako sa isang madilim na amoy-manok na lugar patungo sa isang mabulaklak na parang… Naramdaman ko rin ang parang ganito, pagkaraan ng dalawampung taon ng pagkakabilanggo at mahirap na pagtatrabaho sa mga minahan sa Anatolia at natagpuan ko ang aking sarili – nakatakas ako isang mabagyong gabi – sa tuktok ng isang mabangis na bundok, ngunit nasa bukas na lugar, sa isang lugar na puno ng sikat ng araw nang bukanliwayway, at puno ng nangangamoy na mga kakahuyan… Kalayaan! Ngunit mas maganda ngayon! Ang lahat ay mas noble! Hindi na ako nakakadenahan sa loob ng labinlimang taon. Ngunit ang kapootan, takot at pangungulila ay katulad pa rin ng mga tanikala sa akin… Ngunit ngayon ito ay natanggal na!... Naririto na tayo ngayon sa bahay ng matandang lalaki na nagdala sa Inyo sa akin. Ehi! Mamâ!»

Ang matandang lalaki ay nagmadali patungo sa kanila at natulala nakikita ang taong bulag ang isang mata, nakasuot ng bagong mga damit at ngumingiti.

«Narito, kunin mo ito. Iyan ang susi sa aking bahay. Ako ay aalis na, para sa kabutihan. Ako ay nagpapasalamat sa iyo sapagkat ikaw ang aking tagapagpalà. Nabigyan mo ako ng isang pamilya. Gawin mo ang ibig mo sa aking pag-aari… at alagaan mo ang aking manok. Tratuhin silang mabuti. May isang Romano na laging pumupunta tuwing Sabbath at bumibili ng mga itlog… Kikita ka… Alagaan ang aking maliliit na inahin… at sana gantimpalaan ka ng Diyos para diyan.»

Ang matandang lalaki ay nabigla… Kinuha niya ang susi at tumayong nakabuka ang bunganga.

Si Jesus ay nagsabi: «Oo, gawin ang sinabi niya sa iyo at magpapasalamat din Ako sa iyo. pinagpapalà Kita sa ngalan ni Jesus.»

«Ang Nazarene! Kayo! Kaawaan! Ako ay nakipagusap sa Panginoon! Mga babae! Mga lalaki! Ang Mesiyas ay naririto!»

Siya ay sumisigaw katulad ng agila at ang mga tao ay nagpuntahan mula sa lahat ng lugar.

«Pagpalain Ninyo kami! Pagpalain Ninyo kami!» sigaw nila. Ang ilan ay sumisigaw: «Manatili rito!» at ang iba: «Saan Kayo papunta? Sabihin man lamang Ninyo kung saan Kayo pupunta.»

«Sa Nain. Hindi Ako makapananatili.»

«Susundan namin Kayo. Wala bang anuman sa Inyo?»

«Halikayo. Kapayapaan at pagpapalà sa mga mananatili rito.»

Nagpatungo sila sa pangunahing daan at kinuha ito.

Ang mamâ, na naglalakad malapit kay Jesus at halos hindi madala ang kanyang bag, ay nakuha ang pag-uusisa ni Pedro.

«Ano ang mayroon ka diyan na napakabigat?» nagtanong siya.

«Aking mga damit… at ilang mga aklat… Aking mga kaibigan pagkatapos at kasabay ng aking mga manok. Hindi ko sila maiwanan. Ngunit sila ay mabigat.»

«Eh! Ang siyensiya ay mabigat! Siyempre! At sino ang may gusto niyan, eh!»

«Napigilan nila akong maging baliw.»

«Eh! Maaaring mahal-na-mahal mo sila! Anong mga aklat iyan?»

«Pilosopiya, kasaysayan, Griyego at Romanong mga tula…»

«Maganda, tiyak na maganda. Ngunit… sa palagay mo ba madadala mo iyan?»

«Baka magagawa kong makahiwalay sa kanila. Ngunit hindi mo ito magagawa kaagad, magagawa ba Ninyo, Mesiyas?»

«Tawagin mo Akong Guro. Hindi, hindi mo magagawa. Ngunit bibigyan kita ng isang lugar kung saan magagawa mong maitago ang iyong mga kaibigan, ang iyong mga aklat. Baka makatulong iyan sa iyo sa pagsasalita tungkol sa Diyos sa mga hentil.»

«O! Gaano kalaya ang Inyong pag-iisip sa lahat na mga restriksiyon!»

Si Jesus ay ngumingiti at si Pedro ay bumulalas: «Hindi kataka-taka! Siya ay Karunungan!»

«At Kabutihan, maniwala sa akin. At ikaw ba ay may nalalaman?»

«Ako? O! Pinaka may-nalalaman. Masasabi ko ang allice sa isang karpa at ang aking katalinuhan ay diyan nagtatapos. Ako ay isang mangingisda, aking kaibigan!» at si Pedro ay may kababaang-loob at prangkong ngumingiti.

«Ikaw ay isang matapat na tao. Iyan ay isang siyensiya na natutuhan mo sa pamamagitan ng iyong sarili mismo. At isang napakahirap na matutunan. Gusto kita.»

«At gusto rin kita. Sapagkat ikaw ay sinsiro. At kapag inaakusahan mo rin ang iyong sarili. Pinatatawad ko ang lahat, tinutulungan ko ang lahat. Ngunit ako ay isang masamang kaaway ng mga huwad na tao. Ginagawa nila akong magkasakit.»

«Tama ka. Ang isang huwad na tao ay isang dilingkuwente. »

«Isang dilingkuwente. Tama ka. Ah, wala bang anuman sa iyo na ibigay mo sa akin ang iyong sako nang sandali? ano pa man ang kaso, makatitiyak ka na hindi ako tatakbo para sa mga aklat… sa palagay ko nahihirapan ka…»

«Dalawampung taon sa isang minahan ay babaliin ang iyong likod… Ngunit bakit ibig mong magpakahirap?»

«Sapagkat ang Guro ay naturuan kami na magmahalan sa isa’t isa katulad ng mga magkakapatid. Ibigay mo sa akin iyan. At kunin mo ang aking mga basahan. Ang aking bag ay hindi mabigat… Wala diyan kasaysayan, walang tulaan. Ang aking kasaysayan, aking tulaan at iba pang mga bagay na binanggit mo, ay Siya, ang aking Jesus, ang aming Jesus.»

 020111

 



Sunod na kabanata