189. Ang Anak na lalaki ng Balo ng Nain.

Hunyo 14, 1945.

Ang Nain ay maaaring isang nayon na may ilang importansiya sa mga araw ni Jesus. Ito ay hindi isang malaking bayan, ngunit mas maayos na naitayo, napaliligiran ng mga pader, nakalatag sa isang mababang magandang burol, isang nakakatulad ng Little Hermon, nasa harapan nito ang isang napakatabang kapatagan na umuunat patungong hilagang silangan.

Ang isa ay mararating ito mula sa Endor, pagkatapos na matawid ang isang maliit na ilog, na dumadaloy patungo sa Jordan. Ngunit ni ang Jordan o ang lambak nito ay hindi na makita, sapagkat natatakpan na ito ng mga burol na pumoporma ng isang arkong hugis katulad ng tandang pananong sa silangan.

Si Jesus ay sinusundan ang isang pangunahing daan na siyang nag-uugnay sa lawang rehiyon sa Hermon at sa mga nayon nito. Maraming mga taga-Endor ang naglalakad sa likuran Niya mga naguusap-usap nang pakaway-kaway.

Maikling distansiya na lamang ang layo ng grupo ng mga apostol sa mga pader: mga dalawang daang yarda na lamang, pinakamalayo na. At sa dahilan na ang pangunahing daan ay tuwirang umaabot sa isa sa mga geyt ng bayan, na nakabukas nang maluwang sapagkat ngayon ay katanghalian, posibleng makita kung ano ang nangyayari sa loobang tabi ng mga pader. Kung kaya’t si Jesus, Na nakikipagusap sa mga apostol at sa bagong nagbalik-loob sa Diyos, ay nakikita ang isang prusisyon ng paglilibing na papalapit, may malaking kaingayan ng bayaran na mga tagapag-iyak at may pagpapakita ng mga kaugalian sa silangan.

«Kailangan ba natin na pumunta at tingnan, Guro?» tanong ng marami.  At maraming taga-Endor ang nagmadaling umalis upang manood.

«Oo, tayo na» sabi ni Jesus Na pumayag na lang.

«O! Maaaring ito ay isang batang lalaki. Tingnan ninyo kung gaano karaming bulaklak at mga ribon sa ataul» sabi ni Judas Iskariote.

«O ito ay maaaring isang birhen» tugon ni Juan.

«Hindi, ito ay tiyak na isang bata-pang lalaki, dahil sa mga kulay na ginamit nila. At ni wala rin dito ng mitro…» sabi ni Bartolomeo.

Ang prusisyon ay lumabas patungo sa kabilang tabi ng mga pader. Hindi posibleng makita kung ano ang naroon sa ibabaw ng patungan, na dala kasing taas ng balikat ng mga tagapagbuhat. Maiintindihan ng isa na may patay, nakabalot sa mga bendahe at natatakpan ng isang tela, dahil lamang sa nakabakat na pigura at na ito ay isang katawan ng isang ganap nang malaking tao, dahil ito ay kasing haba ng patungan.

May isang babaeng nakabelo na naglalakad sa tabi nito, umiiyak, suportado ng mga kamag-anak o mga kaibigan. Ang tanging sinsirong mga luha sa lahat ng pagpapakitang iyon ng mga tagapagluksa. At kapag ang isang tagapagbuhat ay matitisod sa isang bato o sa isang nakaumbok sa lupa o madadapa at magagawa ang patungan na mauga, ang ina ay uungol: «O! huwag! Mag-ingat! Naghirap na nang labis ang aking anak.» at kanyang itataas ang kanyang nanginginig na kamay upang haplusin ang gilid ng patungan. At sa dahilan na wala na siyang magagawa pang iba, hinahalikan niya ang mga belo at ang mga ribon, na nahihipan nang kaunti ng hangin nadidikitan nito ang walang galaw na labí .

Si Pedro, naaawa, ang kanyang mabuting matalas na mga mata may lumalabas na mga luha ay bumulong: «Siya ay ang ina.» Ngunit hindi lamang siya ang nag-iisa na ang mga mata ay nagniningning gawa ng mga luha sa nakikita. Ang Zealot din, sina Andres, Juan, at pati ang kahit kailan masayahing Tomas ay may mga luha sa mga mata. Lahat sila ay taos na naaantig ang damdamin. Si Judas Iskariote ay bumulong: «Kung ako iyan! O! kaawa-awang ina ko…»

Si Jesus, Na ang kabaitan ng Kanyang mga mata ay napakalalim upang hindi ito matitiis, ay ibaling ang Kanyang mga hakbang patungo sa patungan.

Ang ina, na ngayon ay umiiyak nang mas malakas dahil ang prusisyon ay malapit nang lumiko patungo sa bukas na sepulkro, ay itinulak Siyang may katatagan sa tabi, nang kanyang makita na si Jesus ay ibig na hipuin ang patungan. Ano kaya ang ikinatatakot niya sa kanyang pamimighati. Siya ay sumigaw: «Siya ay akin!» at tiningnan niya si Jesus na may nakatitig na mga mata.

«Alam Ko, ina. Siya ay sa iyo.»

«Siya ay ang aking nag-iisang anak! Bakit siya kailangan na mamatay, siya ay isang mabuti at mahal, siya ay ang aking lugod, at ako ay isang balo. Bakit?» Ang pulutong ng mga tagapagluksa ay nagluluksa nang mas maingay, gumagawa ng isang koro kasama ang ina na nagpapatuloy: «Bakit siya, at hindi ako? Hindi ito makatarungan na siya na nanganak ng isang anak, ay kailangan na makita ang kanyang iniluwal na mamatay. Ang iniluwal ay kailangan na mabuhay, kung hindi bakit pinunit ang aking sinapupunan upang ipanganak ng isang tao?» at kanyang hinahampas ang kanyang tiyan nang marahas at may pagkadismaya.

«Huwag mong gawin iyan! Huwag tumangis, ina.» Si Jesus ay kinuha ang kanyang kamay hinahawakan ito nang mahigpit sa Kanyang kaliwang kamay, habang ang Kanyang kanan ay hinihipo ang patungan nagsasabi sa mga tagapagbuhat: «Tigil at ibaba ang patungan.»

Ang mga tagapagbuhat ay sumunod at ibinaba ang maliit na higaan na nasa apat na paa nito.

Si Jesus ay kinuha ang tela na nagtatakip sa patay na bata at hinila itong pabalik naaalisan ng takip ang bangkay.

Ang ina ay isinigaw ang kanyang pagsasakit at ang pangalan ng kanyang anak na lalaki, sa palagay ko: «Daniel!»

Si Jesus hawak-hawak pa ang mga kamay ng ina sa Kanyang kamay, ay tumayo, ang Kanyang mga mata maningning na nakapangingibabaw, ang kapangyarihan ng himala nagniningning nang mahestuwoso sa Kanyang mukha, ibinababa ang Kanyang kanang kamay, ay nag-utos sa buong lakas ng Kanyang tinig: «Binata! Sinasabi Ko sa iyo: bumangon!»

 Ang patay na binata, nakabalot sa mga bendahe katulad niya ngayon, ay naupo sa kinalalagyan at tumawag: «Inay!» Tinatawag niya siya sa pautal-utal na takót na tinig ng isang nahihintakutang bata.

«Siya ay sa iyo, babae. Ibinibigay Ko siya sa iyo sa ngalan ng Diyos. Tulungan siya na makalaya sa sudarium. At maging masaya.

At si Jesus ay kumikilos upang makaalis. Imposible! Ang mga pulutong ay naidikit Siya sa patungan ng patay, kung saan ang ina ay itinapon na ang kanyang sarili kinakapa ang mga bendahe, nagsisikap na mapabilis, habang ang pambatang pananawagang ungol ay paulit-ulit: «Inay! Inay!»

Ang sudarium at ang bendahe ay naalis na at ang ina at anak ay makapagyayakapan na, at ito ang kanilang ginagawa na hindi pinapansin ang malagkit na mga balsamo, na inaalis ng ina mula sa mukha ng kanyang minamahal at sa mga kamay, ginagamit din ang dating mga bendahe. Sa dahilan na wala siyang mga damit na maibibihis sa anak, inalis niya ang kanyang manta at ibinalot ang binata rito, hinahaplos siyang lagi.

Si Jesus ay tinitingnan siya… tinitingnan Niya ang nagmamahal na grupo, magkakasama sa gilid ng maliit na kama, hindi na isang patungan ng patay, at Siya ay lumuha.

Si Judas Iskariote ay nakita ang Kanyang mga luha at nagtanong: «Bakit Kayo lumuluha, aking Panginoon?»

Si Jesus ay ibinaling ang Kanyang mukha sa kanya at nagsabi: «Iniisip Ko ang Aking Ina…»

Ang maikling paguusap ay nakuha ang atensiyon ng ina na harapin ang kanyang Tagapagpalà. Kinuha niya ang kanyang anak sa kamay, sinusuportahan niya siya dahil ang mga galamay ng anak ay medyo manhid pa, at lumuluhod sinabi niya: «Ikaw, din, aking anak. Pagpalain mo ang Banal Na taong ito Na siyang nagbalik sa iyo sa buhay at sa iyong ina» at siya ay yumuyuko upang halikan ang tunika ni Jesus habang ang pulutong ay umaawit ng mga hosana sa Diyos at sa Kanyang Mesiyas, Na sa ngayon ay kilalang-kilala na kung ano Siya, sapagkat ang mga apostol at ang mga mamamayan ng Endor ay ginawa nila mismo ang pagsasabi kung sino Siya na gumawa ng himala.

At ang mga pulutong ay sumigaw: «Pagpalain nawa ang Diyos ng Israel. Pagpalain nawa ang Mesiyas, Kanyang Mensahero! Pagpalain si Jesus, Anak ni David! Ang isang dakilang Propeta ay lumitaw sa pagitan natin! Ang Diyos ay tunay ngang dinalaw ang Kanyang sambayanan! Aleluya! Aleluya!»

Sa wakas si Jesus ay makakatakas na at mapasok ang bayan. Ang pulutong ay sumusunod at hinahabol Siya, nagbubunyi sa kanilang pagmamahal.

May isang lalaki na nagmadali patungo sa Kanya at yumukong malalim sa Kanya. «Pakiusap na sumama Kayo at manatili sa ilalim ng aking bubungan.»

«Hindi Ko magagawa. Ang Paskuwa ay napipigilan Ako na gumawa ng anumang pagtigil maliban sa nakatalaga na.»

«Sa loob ng kaunting oras ay paglubog na ng araw at ngayon ay Biyernes…»

«Eksakto, iyan ang dahilan kung bakit kailangan Kong marating ang lugar na Aking titigilan bago lumubog ang araw. Pinasasalamatan pa rin Kita. Huwag mo Akong pigilan.»

«Ako ang pangulo ng sinagoga.»

«Kung gayon ang ibig mong sabihin may karapatan ka na makuha mo Ako. Mamâ, kung Ako ay nakarating dito ng isang oras na huli, ang babaeng iyon ay hindi sana nakabalik sa kanya ang kanyang anak. Ako ay papunta kung saan ang iba pang di-masayang mga tao ang naghihintay sa Akin. Huwag maging napakamakasarili na antalahin ang kanilang lugod. Ako ay tiyak na darating muli at Ako ay makakasama mo sa Nain para sa ilang mga araw. Ngayon ay hayaan Akong makaalis.

Ang mamâ ay hindi na namilit. Sinabi lamang niya: «Ayon sa sinabi Ninyo. Ako ay maghihintay sa Inyo.»

«Oo, Kapayapaan sa iyo at sa mga mamamayan ng Nain. At sa inyo rin, mga mamamayan ng Endor, kapayapaan at mga pagpapalà. Bumalik na kayo sa inyong mga tahanan. Ang Diyos ay nagsalita sa inyo sa pamamagitan ng himala. Magsikap, sa pamamagitan ng kapangyarihan ng pag-ibig, na maibalik ang lahat ng inyong mga puso sa Kabutihan.»

Isang huling koro ng mga hosana. Pagkatapos ang mga pulutong ay pinabayaan si Jesus na makaalis at Kanyang tinatawid ang bayan nang pahiris at lumabas patungo sa kabukiran, patungong Esdraelon.

 020111

 

 



Sunod na kabanata