19. Sina Maria at Jose Naglalakbay Patungong Herusalem.

Marso 27, 1944.

¹Nakikita ko ang kanilang pag-alis patungo sa bahay ni Elizabeth.

Si Jose ay dumating na may dalang dalawang asno upang sunduin si Maria: isa para sa kanyang sarili, ang isa pa para kay Maria: ang isa sa dalawang hayop ay may pangkaraniwan na siyá na may nakakabit na kakaibang gamit. Pagkaraan naintindihan ko na ito ay isang klaseng patungan sa ibabaw kung saan si Jose ay nagtali ng isang maliit na kahon na kahoy, isang maliit na matatawag natin ngayon na baul, na kanyang dinala para sa mga damit ni Maria, upang maiwasan ito na mabasa.

Napapakinggan ko na buong-pusong pinasasalamatan ni Maria si Jose para sa mapag-ubayang regalo, sa loob kung saan Kanyang inaayos ang kung ano ang Kanyang inaalis sa isang maliit na balutan na Kanyang naisaayos na, bago pa ngayon.

Isinara nila ang pinto ng bahay at sila ay nagsimulang lumakad. Ngayon ay pagsikat ng araw, dahil nakikita ko ang malarosas na bukang-liwayway sa silangan. Ang Nazareth ay natutulog pa. Ang dalawang maagang manlalakbay ay nasasalubong lamang ang isang pastol na itinataboy paabante ang kanyang maliit na kawan ng mga tupa, na naglalakad sa tabi, magkakatabing nagsisiksikan. Lahat ito ay nag-iingay. Ang maliliit na tupa sa kanilang matinis na tinig ang mas maingay kaysa sa iba, at ibig ang utong ng kanilang ina kahit na gumagalaw ito. Subalit ang mga ina ay nagmamadali patungo sa pastulan at sa pamamagitan ng kanilang mas malakas na tinig pinipilit nila ang mga maliliit na sumunod sa kanila.

Si Maria ay tumitingin at ngumingiti at sa dahilan na Siya ay tumigil upang makaraan ang maliit na kawan, Siya ay yumuko sa siyá at hinahaplos ang maamong maliit na hayop na dumaraan malapit sa Kanyang asno. Nang ang pastol ay dumating dala-dala ang isang kapapanganak pa lamang na kordero at tumigil upang makipagusap kay Maria, Siya ay ngumiti at hinahaplos ang malarosas na maliit na mukha ng kordero, na labis na nag-iingay at Siya ay bumulalas: «Naghahanap ito ng kanyang ina. Naririto ang iyong ina. Hindi ka niya iniiwan, siyempre hindi, maliit na kordero.» Sa katunayan ang ina ay ikinukuskos ang kanyang sarili sa pastol, pagkatapos ito ay tumayo sa hulihang mga paa nito at dinidilaan ang mukha ng kanyang maliit na anak.

Ang kawan ay lumalampas nagagawa ang ingay katulad ng mga patak ng tubig na bumabagsak sa mga dahon. Sa likuran nito ay naroroon ang alikabok na nabulabog ng mga paa ng mga tupa at ang mga bakas nito sa maalikabok na daan.

Si Jose at Maria ay pumunta muli sa daan. Si Jose ay suut-suot ang kanyang malaking manta, si Maria ang isang may raya-rayang alampay, sapagkat ngayon ay napakalamig na umaga.

Sila ngayon ay nasa kabukiran na at sila ay nagpapatuloy nang magkatabi. Sila ay bihirang magsalita. Si Jose ay iniisip ang kanyang gawain, si Maria ay sinusundan ang Kanyang sariling naiisip at sa Kanyang pagkakalubog sa Kanyang iniisip Siya ay ngumingiti sa mga ito. Kung minsan Siya ay titingin sa kapaligiran at ngingiti sa mga bagay na Kanyang nakikita. Paminsan-minsan titingnan Niya si Jose at pagkatapos ang isang pagpapahiwatig ng mabigat na kalungkutan ay mapadidilim ang Kanyang mukha; pagkaraan Siya ay ngingiting muli, nakatingin pa rin sa Kanyang mapag-ubayang esposo na kakaunti kung magsalita at kapag siya ay magsalita ito ay upang tanungin lamang Siya kung Siya ay komportable at kung Siya ay may kailangan.

Sa ngayon ay marami nang tao sa daan, lalo na sa malapit at sa loob ng nayon. Ngunit sina Maria at Jose ay hindi nila binibigyan ng labis na pansin ang mga taong kanilang nasasalubong. Sila ay nagpapatuloy sa kanilang tumutroteng mga asno, sa gitna ng ingay ng mga nakakabit na mga kampanilya sa guwarnasyon ng mga asno, at sila ay tumitigil lamang kapag sila ay nasa lilim ng isang makapal na palumpungan, upang kumain ng ilang tinapay at mga olibo at upang makainom sa isang balon na ang tubig nito ay galing sa dumadaloy mula sa isang gruta. Sila ay tumigil pagkaraan upang manilungan gawa ng biglang malakas na ulan galing sa isang napakaitim na ulap.

Sila ay nanilungan sa ilalim ng bundok, sa tabi ng nakausling bato na nakapagpoprotekta sa kanila sa karamihan ng malakas na buhos ng ulan. Si Jose ay ibig na isuot ni Maria ang kanyang malaking manta, na panlaban sa tubig-ulan at siya ay labis na namimilit upang si Maria ay hindi na makatanggi sa Kanyang esposo, na upang matiyak sa Kanya na siya ay hindi nababasa ng ulan, tinatakpan niya ang kanyang ulo at mga balikat ng isang kulay-abong blanket na nasa siyá ng kabayo. Ito ay maaaring ang blanket ng asno. Ngayon si Maria ay nagmumukhang isang maliit na monghe, na ang Kanyang mukha nakokorte ng panaklob sa ulo at ng manta na nakasarang paikot sa Kanyang leeg at natatakpan ang lahat ng Kanyang katawan.

Ang ulan ay humupa at naging isang nakakainip na ambon. Sina Maria at Jose ay nagsimula ulit sa isang maputik na daan. Ngunit ngayon ay tagsibol at pagkaraan nang kaunting sandali ang araw ay nagawa nitong komportable ang paglalakbay. Ang dalawang asno rin ay mas masayang tumutrote sa daan.

Wala na akong makita pang iba sapagkat ang bisyon ay dito nagtatapos.

(90) 100610/022813/032813

Sunod na kabanata.