191. Ang Sabbath sa Esdraelon. Ang Maliit na si Jabez. Ang Parabula Tungkol sa Mayamang si Dives.

Hunyo 16 1945.

«Bigyan si Micah ng sapat na salapi upang bukas mabayaran niya ang kanyang hiniram ngayon para sa mga magbubukid ng lugar na ito» sabi ni Jesus sa Iskariote, na siyang pangkaraniwang humahawak sa… panlahatan na mga pag-aari. Pagkatapos tinawag ni Jesus sina Andres at Juan at ipinadadala sila sa dalawang lugar mula kung saan posibleng makita ang daan o mga daan na nagmumula sa Jezreel. Tinatawag din Niya sina Pedro at Simon at ipinadadala sila upang salubungin ang mga tauhan ni Doras nang may mga tagubilin na patigilin sila sa hangganan ng dalawang ari-arian. Pagkatapos sinabi Niya kina Santiago at Judas: «Kunin ang mga pagkain at sumama sa Akin.»

Ang mga magbubukid ni Johanan, mga kababaihan, mga kalalakihan at mga kabataan ay sinusundan sila. Ang mga lalaki ay dala-dala ang dalawang maliit na amphora, na, bagama't, ay hindi napakaliit, at maaaring puno ng alak. Ito ay mga banga kaysa mga amphora at naglalaman ng mga sampung litro ang bawat isa. (Pakiusap na huwag kunin ang aking tantsa bilang isang artikulo ng pananampalataya). Sila ay patungo sa isang makapal na ubasan, na lahat natatakpan na ng mga bagong dahon, sa dulo ng pag-aari ni Johanan. Sa kabila nito ay may malaking kanal na pinananatiling puno ng tubig sa pamamagitan ng, iniisip ko, kung gaanong pagtatrabaho.

«Kita Ninyo? Si Johanan ay nakipag-away kay Doras tungkol sa kanal na iyan. Sinabi ni Johanan:  “Iyon ay kasalanan ng iyong ama kung ang lahat ay nasira. Kung ayaw niyang sambahin Siya, dapat natakot sana siya sa halip na galitin Siya”. At si Doras ay sumigaw katulad ng isang dimonyo: “Ang kanal na ito ang nagligtas sa iyo. Ang mga insekto ay hindi iyan natawid…”. At si Johanan ay tumugon: “Bakit kung gayon ang lahat ng iyong ari-arian ay nasira, kung dati ang iyong mga bukid ang pinakamaganda sa Esdraelon? Iyon ay kaparusahan ng Diyos, maniwala sa akin. Lumampas ka sa limitasyon. Ang tubig na ito?... Iyan ay lagi nang naririyan at hindi iyan ang nagligtas sa akin”. At si Doras ay sumigaw ulit: “Na nagpapatunay na si Jesus ay isang dimonyo”.  “Siya ay isang makatarungang tao” balik sigaw ni Johanan. At sila ay nagpatuloy nang matagal-tagal, habang may hininga pa sila. Pagkaraan si Johanan ay gumasta nang malaking pera upang baguhin ang daan ng agos, upang maghanap ng iba pang panggagalingan ng tubig mula sa ilalim ng lupa, at upang maghukay ng mas marami pang mga kanal sa hangganang-guhit sa pagitan niya at ng kanyang kamag-anak, at ginawa niya itong malalim pa nang mas malalim at sinabi niya ang sinabi na namin sa Inyo kahapon… Pagkatapos ng lahat, siya ay masaya na iyon ay nangyari. Siya ay inggit-na-inggit kay Doras… Umaasa na siya ngayon na mabibili na niya ang lahat, sapagkat si Doras ay magtatapos sa pagbebenta ng lahat sa mababang presyo.»

Si Jesus ay may-kabaitan na nakikinig sa lahat na lihim na mga impormasyon, habang naghihintay para sa mga kaawa-awang  magbubukid ni Doras, na mga dumating na walang pagka-antala at ipinatirapa ang mga sarili sa lupa nang kaagad makita nila si Jesus sa lilim ng isang punungkahoy.

«Kapayapaan sa inyo, Aking mga kaibigan. Halikayo rito. Ang sinagoga ay naririto ngayon at Ako ang pangulo nito ngayon. Ngunit bago ang lahat ibig Kong maging ang ama ng inyong pamilya. Maupo kayo sa paligid Ko, upang sana mabigyan Ko kayo ng ilang pagkain. Ang Nobyo ay kasama ninyo ngayon, at magkakaroon tayo ng isang pangkasalan na piging.»

At si Jesus ay inalisan ng takip ang isang basket, mula kung saan kumukuha Siya ng ilang tinapay iniaabot ito sa mga nagtatakang mga magbubukid ni Doras. Mula sa isa pang basket kinukuha Niya ang mga pagkain na nagawa Niyang makita: keso, nilutong mga gulay, at isang maliit na kambing o tupa, nilutong buo, na Kanyang hinahati-hati sa di-masasayang mga tauhan. Pagkatapos nagbubuhos Siya ng ilang alak at iniaabot paikot sa isang magaspang na kopa upang ang lahat ay sana makainom.

«Bakit ang lahat na ito? At papaano sila?» tanong ng mga tauhan ni Doras itinuturo ang mga tauhan ni Johanan.

«Mayroon na sila ng kanilang bahagi.»

«Ang lahat na gastos na ito! Papaano Ninyo nagagawa iyan?»

«Mayroon pang mabubuting tao sa Israel» tugon ni Jesus ngumingiti.

«Ngunit ngayon ay Sabbath…»

«Pasalamatan ninyo ang taong ito» sabi ni Jesus itinuturo ang mamâ na galing sa Endor.  Siya ang kumuha ng tupa. Madali nang kunin ang iba pa.»

Ang mahihirap na tao ay dinumog – iyan ang tamang salita – ang pagkain, na ang katulad nito ay hindi na nila natitikman sa loob ng matagal na panahon.

Ang isa kanila, isang medyo maedad-edad ng lalaki, ay idinidikit sa kanyang tabi ang isang batang lalaki mga sampung taong gulang; siya ay kumakain at lumuluha.

«Ano ang problema, tatay?...» tanong ni Jesus.

«Ito ay dahil ang Inyong kabutihan ay napakalaki…»

Ang mamâ mula sa Endor sa kanyang paos na tinig: «Totoo iyan… at nagagawa ka nitong máluha. Ngunit ang mga luha ay hindi mapapait na luha…»

«Sila ay hindi mapait. Totoo iyan. At pagkatapos… mayroon akong isang gustong bagay. Ang aking mga luha ay nagsasaad din ng isang mithiin.

«Ano ang gusto mo, tatay?»

«Tingnan Ninyo ang batang ito. Siya ay aking apo. Siya ay iniwan sa akin pagkatapos ng pagguho ng nakaraang taglamig. Ni hindi nalalaman ni Doras na siya ay sumama sa akin, sapagkat kinailangan kong gawin siyang mamuhay katulad ng isang mabangis na hayop sa kakahuyan at nakikita ko lamang siya tuwing Sabbath. Kung ito ay malaman niya siya ay kanyang palalayasin o pipilitin na magtrabaho… at ang murang apo kong ito ay tatratuhin nang malala pa kaysa sa isang pantrabahong hayop. Sa Paskuwa ipadadala ko siya sa Herusalem kay Micah, upang maging isang anak ng Batas… at pagkatapos?... Siya ay ang anak ng aking anak na babae…»

«Ibibigay mo ba siya sa Akin, sa halip? Huwag kang lumuha. Ako ay maraming mga kaibigan na mga matatapat, banal at walang mga anak. Mapalalaki nila siya sa isang banal na pamamaraan, sa Aking Daan…»

«O! Panginoon! Iyan ang aking matagal nang hinihiling mula nang mapakinggan ko ang tungkol sa Inyo. At ako ay nananalangin sa banal na taong si Jonah na iligtas ang aking apo sa kamatayan na ito, sapagkat nalalaman niya kung ano ang ibig sabihin na maging pag-aari ng panginoon na ito..»

«Anak, sasama ka ba sa Akin?»

«Oo, aking Panginoon. At hindi ko Kayo bibigyan ng kapighatian.»

«Iyan ay tapos na.»

«Ngunit… kanino Ninyo siya ibibigay» tanong ni Pedro hinahatak ang manggas ni Jesus. «Ang isa rin bang ito kay Lazarus?»

«Hindi, Simon. Ngunit napakarami ang wala ni isang mga anak…»

«At ako ay isa sa kanila…» ang pagmimithi ni Pedro ay nagagawang mas manipis tingnan ang kanyang mukha.

«Simon, nasabi Ko na sa iyo. Ikaw ang magiging “ama” ng lahat na mga anak na ipamamana Ko sa iyo. Ngunit hindi ka kailangan na matali sa sinumang anak na sarili mo mismo. Huwag kang mabalisa. Ikaw ay labis na hindi kailangan na mawala sa iyong Guro, Na hindi Niya maihihiwalay sa Kanyang Sarili dahil sa isang damdamin. Ako ay mapaghanap, Simon. Ako ay mas pang mapaghanap kaysa sa isang napakaselosong asawa. Minamahal Kitang lubos na may pagkiling at ibig Ko na ikaw ay lahat sa Akin lang.»

«O sige, aking Panginoon… sige… mangyari ang ibig Ninyo.» Ang kaawa-awang Pedro ay halos tunay na makabayani sa pananatili sa kalooban ni Jesus.

«Siya ay magiging ang anak ng Aking sisikat na Simbahan. Tama ba? Siya ay magiging pag-aari ng lahat at ni hindi ninuman. Siya ay magiging “ating” anak. Susundan niya tayo kung saan ang distansiya ay pahihintulutan siya, o siya ay pupunta sa atin at ang mga pastol ay ang kanyang magiging mga tagapag-alaga, katulad na sa bawat anak minamahal nila ang “kanilang” Sanggol na si Jesus. Halika rito, Aking anak, ano ang iyong pangalan?»

«Jabez ni Juan at ako ay mula sa Juda» sabi ng bata na walang pag-aalinlangan.

«Oo. Kami ay mga Judaean» patotoo ng matanda. «Madalas akong magtrabaho sa mga lupa ni Doras sa Judea, at ang aking anak na babae ay nag-asawa ng isang mula sa lugar na iyon. Nagtatrabaho siya sa mga kakahuyan malapit sa Arimathea at nang nakaraang taglamig…»

«Nakita Ko ang sakuna.»

«Ang bata ay nakaligtas sapagkat nang gabing iyon siya ay malayo kasama ang isang kamag-anak… Sa katunayan ang bata ay tamang-tamang pinangalanang Jabez. Sinabi ko kaagad sa aking anak na babae: “Bakit? Hindi mo na nalalaman ang lumang tradisyon?” Ngunit ang kanyang asawa ay ipinilit na ibigay sa kanya ang pangalan na iyan, kung kaya’t siya ay Jabez¹

«Ang bata ay tatawag sa Panginoon at ang Panginoon ay pagpapalain siya at dudugtungan ang kanyang mga lupain, at ang kamay ng Panginoon ay makakasama niya at ilalayo sa kanya ang kapinsalaan”. Iyan ang ipagkakaloob sa kanya ng Panginoon upang mapaginhawahan ka, tatay, at ang mga kaluluwa ng mga namatay, at upang maaliw ang ulila.

At ngayon na atin nang naihiwalay ang mga pangangailangan ng katawan sa mga pangangailangan ng kaluluwa, sa pamamagitan ng pagkilos ng pagmamahal para sa bata, makinig sa isang parabula na Aking naisip para sa inyo.

Nagkaroon minsan ng isang napakayaman na lalaki. Nagsusuot siya ng pinaka-magagandang mga kasuutan, at sa kanyang purpura at byssus na mga damit madalas siyang maglakad-lakad sa mga liwasan at sa bahay, iginagalang ng kanyang mga mamamayan bilang ang pinakamakapangyarihang tao sa bansa, at ng kanyang mga kaibigan, na pinupuno nila ang kanyang pagmamalaki upang makakuha ng mga benepisyo gawa nito. Sila ay nagpipiyesta araw-araw sa kanyang mga bulwagan, kung saan ang multitud na mga panauhin, lahat mayayaman at kung gayon walang kinakapos, ay nagsisiksikan pinupuri si Dives. Ang kanyang mga bangkete ay bantog sa karangyaan sa pagkain at sa piling mga alak.

Sa bayan din na iyon ay may naninirahan na isang pulubi, isang dakilang pulubi. Siya ay dakila sa kanyang kahirapan katulad na ang isa ay dakila sa kanyang kayamanan. Ngunit sa ilalim ng pangibabaw ng pantaong kahirapan ni Lazarus, ang pulubi, ay may nakatagong kayamanan, na mas lalo pang dakila kaysa sa kahirapan ni Lazarus at sa kayamanan ni Dives. At iyon ay ang tunay na kabanalan ni Lazarus. Hindi niya kailanman nilabag ang Batas, ni kahit tinutulak ng pangangailangan, at higit sa lahat nasunod niya ang lahat na alituntunin ng pagmamahal sa Diyos at sa kanyang kapwa. Siya, katulad sa kadalasan na ginagawa ng mahihirap na tao, ay madalas pumupunta malapit sa mga pintuan ng mayayamang tao upang manghingi ng limos, upang siya ay hindi mamatay sa gutom. At tuwing gabi siya pumupunta sa bahay ni Dives, umaasa na makatanggap kahit man lamang mga mumo ng marangyang mga bangkete na nagaganap sa magagandang bulwagan. Siya ay hihiga sa kalsada, malapit sa pintuan, at matiyagang maghihintay.

Ngunit kung siya ay mapuna ni Dives, gagawin niya na siya ay mapalayas sapagkat ang nakukulangan sa pagkain na katawan na iyon, natatakpan ng mga sugat at ng mga damit na basahan, ay napakalungkot na tanawin para sa kanyang mga panauhin. Iyan ang laging sinasabi ni Dives. Sa katunayan, ito ay dahil ang nakikitang labis na kahirapan at kabutihan ay isang patuloy na paninisi sa kanya. Ang kanyang mabuting napakakain na mga aso, adornado ng mamahaling mga kuwelyo, ay mas maawain pa kaysa sa kanya at madalas itong pumupunta malapit sa kaawa-awang Lazarus at dinidilaan nito ang kanyang mga sugat, pinakikita ang kanilang malaking lugod sa paghahaplos niya sa kanila. Dinadala pa nga ng mga ito sa kanya ang mga tira sa masaganang mga mesa, kung kaya’t nalampasan niya ang malnutrisyon salamat sa mga hayop. Kung siya ay umasa lamang sa tao namatay na sana siya, sapagkat ang tao ay ni hindi siya pinapayagan na makapasok sa mga bulwagan, pagkatapos ng bangkete, upang mapulot niya ang mga mumo na nalaglag mula sa mga mesa.

Isang araw si Lazarus ay namatay. Walang sinuman sa lupa ang nakapuna nito, walang nagluksa para sa kanya. Hindi, si Dives ay nagbunyi sa hindi pagkakita sa araw na iyon o pagkatapos sa kahirapan na iyon na kanyang tinatawag na isang “disgrasya” malapit sa kanyang pintuan. Ngunit ang mga anghel ay napuna ito sa Langit. At nang malapit na siyang maputulan ng hininga sa loob ng kanyang walang-laman na kuweba, ang selestiyal na samahán ay naroroon at sa loob ng nakasisilaw na liwanag kinuha nila ang kanyang kaluluwa at umaawit ng mga hosana dinala nila ito sa sinapupunan ni Abraham.

Mga ilang panahon ang dumaan at si Dives ay namatay. O! Anong engrandeng paglalamayan Ang buong bayan, nakaalam na ng tungkol sa kanyang aguniya, ay nagsiksikan sa liwasan, kung saan naroroon ang kanyang tirahan, ang ilan upang makilala bilang mga kaibigan ng dakilang tao, ang ilan dala ng pag-uusisa, ang ilan upang makakuha ng pabor sa mga eredero, at lahat sila ay sumama sa pagluluksa, at ang kanilang mga iyak ay tumataas sa kalawakan at kasama ng kanilang mga iyakan ay ang mga huwad na mga papuri sa “dakila, makatarungang tagapagpalà” na namatay.

Ang salita ba ng tao ay mapapalitan nito ang pasya ng Diyos? Ang pantao bang pagpapaumanhin ay makapagkakansela ng kung ano ang naisulat na sa aklat ng Buhay? Hindi, hindi nito makakansela. Kung ano ang napagpasyahan na ay napagpasyahan na at kung ano ang naisulat na ay naisulat na. At sa kabila ng engrandeng paglalamayan, ang kaluluwa ni Dives ay inilibing sa impiyerno.

Pagkatapos, sa nakasusuklam na kulungang iyon, kumakain at umiinom ng apoy at kadiliman, nakakakita ng kapootan at pagpapahirap kahit saan at sa bawat sandali ng eternidad, itinaas niya ang kanyang mga mata sa Langit. Itinaas niya ang kanyang mga mata sa Langit na kanyang nakita sa kaliwanagan ng pagkidlat, sa loob ng kapiraso ng isang segundo, at ang di-maisasalarawang kagandahan ng Langit ay nanatili sa kanyang isipan at kinukutya siya nito sa gitna ng nakasusuklam na mga pagpapahirap. At nakita niya sa itaas doon si Abraham. Malayo, ngunit maningning, masaya… at sa ibabaw ng kanyang lapi, maningning at masaya ay naroon si Lazarus, ang mahirap na si Lazarus, minsan miserable, pinandidirihan, nakapagpapasuka… at ngayon? Siya ay magandang lalaki sa liwanag ng Diyos at sa kanyang kabanalan, puno ng pagmamahal ng Diyos, hinahangaan hindi ng mga tao bagkus ng mga anghel ng Diyos.

Si Dives umiiyak ay sumigaw: “Amang Abraham, maawa sa akin! Ipadala ninyo si Lazarus, dahil hindi ako posibleng umasa na gagawin ninyo ito mismo, ipadala si Lazarus upang ilubog ang dulo ng kanyang daliri sa tubig at hipuin nito ang aking dila, upang palamigan ito, dahil ako ay nasa aguniya sa loob ng mga lagablab ng mga apoy na walang tigil na dumidila at sumusunog sa akin!”

Si Abraham ay tumugon: “Alalahanin, anak, na nasa iyo ang lahat na magagandang bagay sa loob ng iyong pamumuhay, samantalang si Lazarus ay nasa kanya ang lahat na masasamang bagay. Ngunit nagawa niyang baguhin ang masama na maging mabuti, samantalang ikaw ay walang ginawa bagkus kasamaan sa lahat na mabubuting bagay. Makatarungan lamang kung gayon na ngayon siya ay kailangan na mapaginhawahan dito at ikaw mapahirapan. Magkagayunpaman hindi posibleng gawin iyan. Ang banal na mga tao ay nakakalat sa lupa upang ang mga tao ay sana samantalahin ang kanilang presensya. Ngunit kung sa kabila ng lahat na oportunidad, ang isang tao ay nanatili kung ano siya dati – sa kaso mo: isang dimonyo – walang silbi ang tumakbo sa mga santo. Ngayon tayo ay magkahiwalay. Ang mga yerba ay pinaghahalu-halo kapag sila ay nasa bukid. Ngunit kapag sila ay pinutol na, ang mabubuti ay inihihiwalay sa mga masasama. Iyan ang nangyari sa iyo at sa amin. Tayo ay magkakasama sa lupa at tinanggihan at pinahirapan mo kami sa lahat na posibleng pamamaraan, kinalimutan mo kami, kumikilos laban sa batas ng karidad. Tayo ngayon ay nahati na. May isang kalaliman sa pagitan mo at namin, at ang mga ibig na makatawid dito at makapunta sa iyo, ay hindi ito magagawa, ni kayo, mula kung nasaan kayo, makatatawid sa nakakatakot na kalaliman at makapunta sa amin”.

Si Dives umiiyak nang mas malakas ay sumigaw: “Banal na ama, pakiusap na kahit man lamang ipadala ninyo si Lazarus sa bahay ng aking ama. Ako ay may limang kapatid na lalaki. Hindi ko kailanman naintindihan kung ano ang pagmamahal, ni hindi sa aking mga kamag-anak. Ngunit ngayon naintindihan ko na kung gaano ka-teribleng bagay ito na hindi magmahal. At sa dahilan na sa aking kinaroroonan ay may kapootan, sa loob ng kapirasong segundo, nang makita ko ang Diyos, naintindihan ko kung ano nga ang pagmamahal. Ayaw kong danasin ng aking mga kapatid ang mga kirot na aking ipinaghihirap. Ako ay nahihintakutan sapagkat ang kanilang pamumuhay ay kagaya ng aking ginawa. O! Ipadala si Lazarus upang sabihin sa kanila kung nasaan ako ngayon, at kung bakit ako naririto, at sabihin sa kanila na ang impiyerno ay totoo, at ito ay nakakatakot, at na ang mga hindi nagmamahal sa Diyos at sa kanilang kapwa ay pumupunta sa impiyerno. Ipadala siya! Upang sila ay kumilos sa tamang panahon, at sana hindi mapunta rito, sa lugar na ito ng eternal na pagpapahirap”.

Ngunit si Abraham ay tumugon: “Ang inyong mga kapatid ay mayroon silang Moses at ang mga Propeta. Kailangan na makinig sila sa kanila”.

At na may malalim na ungol ng isang napahihirapang kaluluwa si Dives ay tumugon: “O! Amang Abraham! Mas makukumbinsi sila ng isang namatay na tao… Makinig sa akin! Maawa!”

Ngunit sinabi ni Abraham: “Kung sila ay hindi nakinig kay Moses at sa mga Propeta, hindi rin nila paniniwalaan ang isang nabuhay muli nang isang oras na magsasalita sa kanila tungkol sa Katotohanan. Magkagayunpaman hindi tama na ang isang pinagpalang kaluluwa ay umalis sa aking sinapupunan upang pumunta at insultuhin ng mga anak ng Kaaway. Ang panahon ng mga pag-iinsulto ay tapos na para sa mga kaluluwa na ganyan. Sila ay nasa kapayapaan na ngayon sa utos ng Diyos Na nakakakita na walang kabuluhan na pagsikapan na ikumberte ang mga ni hindi man lamang naniniwala sa salita ng Diyos at hindi nila isinasabuhay ito.”

Iyan ang parabula at ang ibig sabihin niyan ay napakalinaw upang wala nang paglilinaw ang kakailanganin pa.

Ang Aking Jonah ay namuhay dito at totoong nakamtan ang kabanalan ni Lazarus, na ang maluwalhating katayuan malapit sa Diyos ay nagagawang maliwanag sa pamamagitan ng proteksiyon na Kanyang ipinagkakaloob sa mga umaasa sa Kanya. Si Jonah ay nakapupunta sa inyo, bilang isang kaibigan at protektor, at siya ay pupunta kung kayo ay laging magiging mabuti.

Ibig Ko, at sasabihin Ko na sa inyo kung ano ang Aking sinabi sa kanya nang nakaraang tagsibol, ibig Kong magawang matulungan Ko kayong lahat, sa materyal na paraan din, ngunit hindi Ko magagawa, at Ako ay nalulungkot gawa niyan. ‘Maituturo’ Ko lamang sa inyo bagkus ang Langit. Maituturo Ko lamang sa inyo ang dakilang karunungan ng pagpapasa-Diyos na lamang at ipangako ang sa hinaharap na Kaharian sa inyo. Huwag mapoot, huwag kailanman, kahit sa ano pa man na dahilan man lamang. Ang kapootan ay malakas sa mundo. Ngunit ito ay laging may limitasyon. Ang Pagmamahal ay walang limitasyon sa kapangyarihan at sa oras. Magmahal kung gayon, upang kamtin ang pagmamahal, bilang isang depensa at kaginhawahan sa lupa, at bilang isang gantimpala sa Langit. Mas mabuti nang maging Lazarus kaysa Dives, maniwala sa Akin. Paniwalaan ito at kayo ay pagpapalain.

Sa pangungulila sa loob ng mga bukid na ito wala kayong mapapakinggan kahit isang salita ng kapootan, kahit na kung ang mga katotohanan ay pangangatwiranan ito. Huwag mapagkamalan ang himala. Ako ay Pag-ibig at hindi sana Ako humampas. Ngunit nakikita na ang Pagmamahal ay hindi Nito mapayuko ang malupit na Dives, inabandona Ko siya sa Hustisya na ipinaghiganti Nito ang martir na si Jonah at ang kanyang mga kapatid. Ito ang itinuturo sa inyo ng himala. Na ang Hustisya ay laging nagbabantay, kahit na kung Ito ay tila wala at na sa dahilan na ang Diyos ay ang Panginoon ng sangnilikha, sa pagtataguyod ng Hustisya, magagamit din Niya ang pinakamaliliit na mga nilikha, katulad ng mga higad at mga langgam, upang maparusahan ang mga puso ng malulupit at mga sakim na tao pinababayaan silang mamatay na nabubulunan sa pagsusuka ng kanilang sariling lason.

pinagpapalà Ko na kayo ngayon. At Ako ay mananalangin para sa inyo tuwing pagsikat ng araw. At kayo, tatay, huwag kayong mag-alala tungkol sa maliit na tupa na inyong ipinagkakatiwala sa Akin. Dadalhin Ko siya rito paminsan-minsan, upang kayo ay magsaya nakikita siyang lumalaki sa karunungan at sa kabutihan sa daan ng Panginoon. Siya ang inyong magiging tupa sa abang Paskuwa ninyong ito ngayon, ang pinaka-nakalulugod sa lahat na mga tupa na inialay sa altar ni Jehovah. Jabez, magpaalam ka na sa matandang ama at pagkatapos sumama sa iyong Tagapagligtas, sa iyong Mabuting Pastol. Ang kapayapaan ay sumainyo!»

O! Guro! Mabuting Guro! Gaano ito kasakit na iwanan Kayo!»

«Oo, masakit ito. Ngunit mas mabuti na kung ang tagapamahala ay hindi kayo matagpuan dito. Ako ay sadyang pumunta rito, upang maiwasan ang mga kaparusahan para sa inyo. Pakiusap na sumunod alang-alang sa Pagmamahal Na nagpapayo sa inyo.»

Ang di-masasayang mga tao ay tumayo na may mga luha sa kanilang mga puso, bumalik sa kanilang mga krus. Si Jesus ay pinagpapalà silang muli at pagkatapos, hinahawakan ang bata sa kamay at kasama ang mamang galing sa Endor sa kabilang tabi, Siya ay bumalik sa bahay ni Micah sa pamamagitan ng daan na Kanyang kinuha pagpunta rito.

Sina Andres at Juan ay sinamahan Siya at ang mga disipulo pagkatapos ng kanilang pagbabantay.

040111

 

 

¹Ang Jabez ay hindi tinitingnan na masuwerteng pangalan. Tingnan Kronika 1, 4, 9-10.

 



Sunod na kabanata