192. Mula Esdraelon Hanggang Engannim Tumitigil sa Megiddo.

Hunyo 17, 1945.

«Iyan ba ang tuktok ng Mount Carmel, aking Panginoon?» tanong ng Kanyang pinsan na si Santiago.

«Oo, iyan, kapatid. Iyan ang kabit-kabit na mga bundok ng Carmel at ang pinakamataas na taluktok ay ang isa na nagbigay ng pangalan sa kabit-kabit na iyan.»

«Ang mundo ay maaaring maganda rin mula diyan. Nakarating Ka na ba minsan diyan?»

«Oo, minsan, Ako lamang, sa simula ng Aking misyon. At sa paanan nito pinagaling Ko ang unang ketongin. Ngunit pupunta tayo diyan magkasama, upang parangalan ang alaala ni Elijah…»

«Salamat sa iyo, Jesus. Naintindihan Mo ako katulad ng dati.»

«At katulad ng dati piniperpekto kita, Santiago.»

«Bakit?»

«At dahilan ay nakasulat sa Langit.»

«Hindi Mo ba sasabihin sa akin, kapatid, dahil nababasa Mo ang nakasulat sa Langit?»

Sina Jesus at  Santiago ay naglalakad na magkatabi at tanging ang maliit na si Jabez lamang,  na hawak ng kamay ni Jesus, ang nakaririnig sa malihim na paguusap ng dalawang magpinsan na mga ngumingiti nagkakatinginan ang kanilang mga mata.

Si Jesus ay niyayakap ang balikat ni Santiago ng Kanyang kamay upang mailapit siya nang mabuti sa Kanyang Sarili at nagtanong: «Talaga bang ibig mong malaman? Bueno, sasabihin Ko sa iyo sa pamamagitan ng isang bugtong, at kapag malaman mo ang kasagutan ikaw ay magiging marunong. Makinig: “Pagkatapos maipon ang mga huwad na propeta sa Mount Carmel, si Elijah ay pumunta sa harapan ng lahat na mga tao: ‘Gaano katagal’ sabi niya ‘kayo iika sa isang paa pagkatapos sa isa pa? Kung ang Panginoon ay Diyos, sundan siya; kung ito ay si Baal, sundan siya’. Ang mga tao ay hindi tumugon. Si Elijah pagkatapos ay nagsabi sa mga tao: ‘Ako, ako lamang, ang natitirang propeta ng Panginoon’ at ang tanging lakas ng nangungulilang propeta ay ang kanyang sigaw: ‘Tumugon Kayo sa akin, Panginoon, tumugon Kayo sa akin, upang sana ang mga taong ito ay malaman na Kayo ang Panginoong Diyos, at kinukuha Ninyong muli ang kanilang mga puso’. Pagkatapos ang apoy ng Panginoon ay bumagsak at sinunog nito ang holokausto”. Hulaan mo, Aking kapatid.»

Si Santiago ay nag-iisip na ang kanyang ulo nakatungo at si Jesus ay tinitingnan siya ngumingiti. Sila ay naglakad nang kaunting yarda, pagkatapos si Santiago ay nagtanong: «Ito ba ay tungkol kay Elijah o sa aking hinaharap?»

«Sa iyong hinaharap, siyempre…»

Si Santiago ay naging mapag-isip ulit at pagkatapos bumulong: «Ako kaya ay nakatalagang paanyayahan ang Israel na sundan nito ang isang pamamaraan nang may katapatan? Ako ba ay nakatalagang ang tanging matitira sa Israel? Kung gayon, ang ibig Mong sabihin na ang lahat na iba pa ay uusigin at ikakalat at na… Magdarasal ako sa iyo para sa kombersiyon ng sambayanan na ito… na tila ako ay isang pari… na tila ako ay… isang biktima… Ngunit kung ganito ito, Jesus, paapuyin Mo ako magmula pa ngayon…»

«Ikaw ay napaapoy na. Ngunit ikaw ay tatangaying palayo ng apoy, katulad ni Elijah. Iyan kung bakit ikaw at Ako ay lalakad, tayo lamang dalawa sa Mount Carmel upang pagusapan…»

«Kailan, pagkatapos ng Paskuwa?»

«Oo, pagkatapos ng Paskuwa. At pagkatapos sasabihin Ko sa iyo ang maraming bagay…»

Ang isang magandang maliit na ilog na umaagos patungo sa dagat at nasa pagbaha dahil sa mga pag-ulan sa tagsibol at sa pagkatunaw ng niyebe, ay napigilan sila sa kanilang pagpapatuloy.

Si Pedro ay tumakbong pumunta sa kanila at nagsabi: « Ang tulay ay nasa itaas pa, kung saan ang daan mula sa Ptolomais hanggang sa Engannim ay dumaraan.»

Si Jesus ay bumalik nang masunurin at tinatawid ang maliit na ilog sa pamamagitan ng isang matibay na batong tulay.  Kaagad pagkatawid natagpuan nila ang ilang maliliit na mga bundok at mga burol, ngunit ito ay walang masyadong importansiya .

«Makakarating ba tayo sa Engannim nang gabi? Tanong ni Felipe.

«Tiyak ‘yan… Ngunit… kasama na natin ang bata ngayon. Pagod ka na ba, Jabez?» tanong ni Jesus nang may kagiliwan. «Maging prangko katulad ng isang anghel.»

«Kaunti, Panginoon. Ngunit gagawin ko ang lahat na makakayanan ko upang makapaglakad.

«Ang batang ito ay mahinang-hina» sabi ng mamâ mula sa Endor sa kanyang paos na tinig.

«Hindi kataka-taka!» bulalas ni Pedro. «Kung titingnan ang pamumuhay na kanyang dinanas sa loob ng maraming buwan! Halika rito, kakargahin kita.»

«O! Hindi, ginoo. Huwag ninyong pagurin ang inyong sarili. Makapaglalakad pa ako.»

«Halika, halika rito. Tiyak na hindi ka mabigat. Kamukha mo ang isang di-napakakain nang husto na maliit na ibon» at inilagay siya ni Pedro nang pasaklang sa kanyang mga balikat, hinahawakan ang kanyang mga paa.

Sila ay naglalakad sapagkat ang araw ngayon ay malakas na at napipilitan sila nito na pumunta sa malilim na mga burol.

Sila ay tumigil sa isang nayon, na ang pangalan nito na aking narinig ay Mageddo, upang makakain nang kaunti at makapagpahinga malapit sa isang napakalamig na pontanya, na maingay din dahil sa kasaganaan ng tubig na bumubulwak patungo sa isang maitim na batong bagsakan. Ngunit wala sa mga taga-nayon ang nagkaka-interes sa mga manlalakbay, mga di-kilala kasama ng iba pang mga peregrino mayaman man o hindi, mga naglalakad lamang o mga nakasakay sa mga asno patungo sa Herusalem para sa Paskuwa.  Ang kasayahan tungkol sa pagdiriwang ng Paskuwa ay laganap na at may mga bata nang kasama sa mga manlalakbay na masayang-masaya na tungkol sa seremonya para sa kanilang pagdating sa tamang edad.

May dalawang batang lalaki, na mga anak ng may-kayang mga pamilya, ang napunta upang maglaro malapit sa pontanya na kinaroroonan ni Jabez at ni Pedro – na laging isinasama ang bata saan man siya pumunta ipinakikita sa bata ang sanlibong maliliit na mga bagay – ang nagtanong kay Jabez: «Ikaw ba ay pupunta rin, upang maging anak ng Batas?»

Si Jabez ay sumagot na nahihiya: «Oo» halos itago ang kanyang sarili sa likuran ni Pedro.

«Ang mamâ bang ito ay ang iyong ama? Mahirap ba kayo?»

«Oo, ako ay mahirap.»

Ang dalawang batang lalaki, maaaring mga anak ng mga Pariseo, ay may panunuya at pag-uusisang tinitingnan siya at pagkatapos nagsabi: «Nakikita ito.»

Nakikita nga ito… Ang kanyang tunika ay tunay ngang basahan! Baka ang bata ay lumaki, at bagama't tinastas na ang laylayan ng tunika, ang damit, isang kulay-kapeng pinakupas ng masamang panahon, ay halos hindi umabot sa kanyang payat na mga binti. Ang kanyang maliliit na paa ay masamang natatakpan ng mga nawala-na-sa-korteng mga sandalyas nahahawakan ng mga tali na maaaring nagpapahirap sa kanyang mga paa.

Ang dalawang batang lalaki, na may walang-awang pagkamakasarili na tipikal sa maraming mga bata at may kalupitan ng masasamang ugali ng mga makukulit, ay nagsabi: «O! Kung gayon hindi ka magkakaroon ng bagong pares ng mga damit para sa iyong kapistahan! Kami sa halip!... Tama ba iyon Joaquin? Ang akin ay pulos pula na may kabagay na manta. Ang kanya, sa halip, ay asul-kalawakan at magkakaroon kami ng mga sandalyas na may mga hibilyang plata, isang mamahaling sinturon at isang ‘talet’ hawak ng isang malabnaw na gintong dahon at…»

«… at isang batong puso, sasabihin ko!» siklab ni Pedro, na nakatapos nang palamigan ang kanyang mga paa at kumuha ng tubig upang mapuno ang lahat na prasko. Kayo ay masasamang bata. Ang seremonya at ang inyong mga damit ay walang halaga kahit isang igos kung ang inyong mga puso ay hindi mabuti. Mas gusto ko ang aking bata. Umalis kayo, kayong mga pilyong mapagmalaki! Sumama kayo sa mga mayayaman ngunit irespeto ninyo ang mahihirap at ang matatapat. Halika, Jabez! Ang tubig na ito ay makakabuti para sa iyong pagod na mga paa. Halika rito at mahugasan ko ang mga paa mo. Makapaglalakad ka nang mas mabuti pagkatapos. Tingnan mo kung gaano ka nasasaktan ng mga taling ito! Kailangan na huwag ka nang maglakad pa. Kakargahin kita hanggang makarating tayo sa Engannim. Ihahanap kita ng sapatero roon at ibibili kita ng bagong pares na mga sandalyas.» At si Pedro ay hinuhugasan at pinupunasan ang maliliit na paa na matagal nang hindi nakatatanggap ng mga haplos.

Ang bata ay tinitingnan siya, nag-aalangan, pagkatapos yumuko sa taong nagtatali ng kanyang mga sandalyas at niyakap niya siya sa pamamagitan ng kanyang nangayayat na mga braso nagsasabing: «Napakabuti ninyo!» at hinalikan niya ang kanyang ubaning mga buhok.

Si Pedro ay naantig. Siya ay naupo sa basang lupa, katulad niya, kinuha ang bata sa kanyang lapi at nagsabi sa kanya: «Tawagin mo akong “ama” kung gayon.»

Ang dalawa ay naging isang magiliw na grupo. Si Jesus at ang iba ay nilapitan sila.

Ngunit bago magkita ang dalawang partido, ang dalawang maliit na bata na binanggit na kanina na mga nanatili roon nang mapag-usisa, ay nagtanong: «Ngunit siya ba ay iyong ama?»

«Siya ay ama at ina sa akin» tugon ni Jabez na walang pag-aalangan.

«Oo, mahal ko! Tama ka: ama at ina. At kayo, aking mahal na maliliit na ginoo, matitiyak ko sa inyo na siya ay maayos na mararamtan para sa seremonya. Siya rin ay magkakaroon ng damit bagay para sa isang hari, kasing pula ng apoy at isang sinturon na kasing berde ng damo, at ang kanyang talet ay magiging kasing puti ng niyebe.»

At bagama't ang mga kulay ay hindi masyadong magkakatugma, nagulat nito ang dalawang mayabang na bata at napalayas sila nito.

«Ano ang iyong ginagawa, Simon, nakaupo sa basang lupa?» tanong ni Jesus ngumingiti.

«Basa? Ah! oo. Ngayon ko lang ito napupuna. Ano ang ginagawa ko? Ako ay nagiging isang kordero muli nagkakaroon ng inosensiya sa aking puso. Ah! Guro. Bueno, tayo na. Ngunit kailangan na iwanan Ninyo ang batang ito sa pangangalaga ko. Pagkatapos isasauli ko siya. Ngunit siya ay akin hanggang sa siya ay maging isang tunay na Israelita.»

«O, sige! At ikaw ang kanyang magiging tagapagtanggol, katulad ng isang matandang ama. Tama ba iyon? Tayo na, upang tayo ay makarating sa Engannim bago gumabi, na hindi napalalakad nang husto ang bata.»

«Kakargahin ko siya. Ang aking mga lambat ay mas mabigat pa. Hindi siya makapaglalakad sa pamamagitan ng mga sirang suwelas na ito. Halika rito.» At na ang kanyang inaanak nakasaklang sa kanyang mga balikat si Pedro ay masayang kinuha muli ang daan. Ang daan ngayon ay mas malilim, sa pamamagitan ng iba't ibang klase ng mga punungkahoy, binabagtas ang malumanay na tumataas na mga burol, mula kung saan ang mga mata ng isa ay gagala sa matabang kapatagan ng Esdraelon.

Sila ay malapit na sa Engannim – na maaaring isang magandang maliit na bayan na natutustusan ng tubig galing sa mga burol sa pamamagitan ng nakataas na akwadukto, baka gawa ng mga Romano – nang ang ingay ng parating na pangkat ng mga sundalo ay nagawa silang manilungan sa gilid ng daan. Ang mga sapatos ng mga kabayo ay umuugong sa daan, na rito, malapit sa bayan, ay nagpapakita ng tanda ng isang sementadong daanan na lumilitaw sa mga alikabok na napatambak dito na may eskombro. Ang daanan ay halatang hindi kailanman nawawalisan.

«Pagbati, Guro! Papaano nangyari na naririto Kayo?» sigaw ni Publius Quintilianus bumababa mula sa kanyang kabayo, at patungo kay Jesus na may malaking ngiti, hawak sa mga renda ang kabayo. Ang kanyang mga sundalo ay binagalan nila ang kanilang pagmartsa upang masabayan ang kanilang superior.

«Ako ay patungo sa Herusalem para sa Paskuwa.»

«Ako ay patungo rin. Palalakasin namin ang guwardiya para sa kapistahan, at dahil din si Poncio Pilato ay darating sa bayan, at si Claudia ay naririyan. Kami ang mga taga-takbo ni Claudia. Ang mga daan ay hindi masyadong ligtas! Ang mga agila ay pinalalayas ang mga ayena» sabi ng sundalo tumatawa at tinitingnan si Jesus. Pagkatapos nagpatuloy siya sa mababang tinig: «Dobleng pagmamanman sa taon na ito, upang maprotektahan ang likuran ng maruming Antipas. May labis na sama ng loob dahil sa pagkakahuli sa Propeta. Masamang pakiramdam sa Israel… at dahil dito di-pagkakontento sa pagitan namin. Ngunit… tiniyak na namin na ang Mataas na Pari at ang kanyang mga tuta ay… maayos na napangaralan…» at nagtapos siya sa mababang tinig: «Lumakad Kayo nang walang anuman na dapat ikatakot. Ang lahat na pangalmot ay pinaurong na sa mga kamao. O! Natatakot sila sa amin. Kung amin lamang nililinis ang aming mga lalamunan, akala nila ito ay atungal. Magsasalita ba Kayo sa Herusalem? Pumunta Kayo malapit sa Praetorium.  Si Claudia ay nagsasalita tungkol sa Inyo bilang isang dakilang Pilosopo. Iyan ay mabuting bagay sapagkat si Claudia ay ang prokonsul.» Siya ay tumingin sa paligid at nakita si Pedro na namumula, pinagpapawisan sa kanyang dala. «At ang batang iyon?»

«Isang ulila na isinama Ko.»

«Ngunit ang tao Ninyong iyon ay nagpapakahirap! Bata , natatakot ka ba na sumakay sa kabayo kasama ko para sa ilang mga yarda? Pananatilihin kita sa ilalim ng aking balabal at magpapatakbo ako nang mabagal. Ibabalik kita sa kanya kapag nasa geyt na tayo.»

Ang bata ay hindi tumututol, siya ay kasing tahimik ng isang tupa, at si Publius ay binuhat siya patungo sa siya.

At habang inuutusan niya ang kanyang mga sundalo na lumakad nang mabagal nakita rin niya ang mamâ na galing Endor. Tinititigan niya siya at nagsabi: «Ano! Ikaw naririto?»

«Ako ay naririto. Tumigil na ako sa pagbebenta ng mga itlog sa mga Romano. Ngunit ang manok ay naroroon pa rin. Kasama na ako ngayon ng Guro…»

«Mabuti para sa iyo! Magkakaroon ka ng mas malaking kaginhawahan. Paalam. Pagbati, Guro. Maghihintay ako sa Inyo sa grupong iyon ng mga punungkahoy.» At kanyang pinalakad ang kanyang kabayo.

«Nakikilala mo ba siya? At ikaw ba ay kilala niya?» marami ang nagtatanong kay Juan ng Endor.

«Oo, bilang kanyang tagatustos ng manok. Hindi niya ako kilala noon, ngunit minsan ako ay pinatawag sa mga himpilan sa Nain upang ibigay ang mga presyo, at siya ay naroroon. Mula noon lagi siyang nakikipagusap sa akin kapag ako ay pumupunta sa Caesarea upang bumili ng mga aklat at mga kagamitan. Tinatawag niya akong Cyclops o Diogenes. Siya ay hindi masamang tao, at bagama't hindi ko matagalan ang mga Romano hindi ko siya kailanman nasaktan sapagkat baka mapakikinabangan ko siya.»

«Napakinggan ba ninyo iyon, Guro? Ang aking talumpati sa senturyon sa Capernaum ay isang mabuting bagay. Mas maluwag na ngayon ang aking pakiramdam» sabi ni Pedro.

Narating na nila ang palumpungan sa lilim nito kung saan ang patrulya ay bumaba sa mga kabayo.

«Ibinabalik ko na sa Inyo ang bata. May mga ipag-uutos ba Kayo, Guro?»

«Wala, Publius. Nawang ipakita ng Diyos ang Kanyang Sarili Mismo sa iyo.»

«Pagbati», sumakay siya sa kanyang kabayo at pinatakbo ito, sinusundan ng kanyang mga tauhan nang may malakas na mga tunog ng mga sapatos ng mga kabayo at ng mga armor sa katawan.

Pinasok nila ang bayan at si Pedro kasama ang kanyang maliit na kaibigan ay lumakad upang bumili ng mga sandalyas.

«Ang mamâ ay namamatay na magkaroon ng isang anak na lalaki» sabi ng Zealot, at naghinuha siya: «Tama siya.»

«Bibigyan Ko kayo ng libu-libo. Ngayon lumakad na tayo at maghanap ng isang lugar na mapagpapahingahan, upang bukas makapagsisimula tayo sa pagsikat ng araw.

 040111/012913

 

 



Sunod na kabanata