193. Mula sa Engannim Patungong Shechem sa Loob ng Dalawang Araw.

Hunyo 18, 1945.

Si Jesus ay ipinagpapatuloy ang Kanyang paglalakad patungong Herusalem sa mga daan na nagiging pasiksik-na-nang-pasiksik sa mga peregrino. Ang malakas na pag-ulan sa loob ng gabi ay nagawa ang daan na maging medyo maputik, ngunit, sa kabilang dako, naalis nito ang mga alikabok at nagawang mas malinis ang hangin. Ang mga bukid ay nagmumukhang mga hardin maasikasong inaalagaan ng magagaling na tao.

Lahat sila ay naglalakad nang mabilis sapagkat sila ay nakapagpahinga nang mabuti pagkaraan ng tulog sa gabi, at dahil din na ang bata, sa pamamagitan ng kanyang bagong mga sandalyas, ay hindi na naghihirap sa paglalakad; sa kabaligtaran, habang siya ay nagiging sanay na, siya ay nakikipag-kuwentuhan sa isang ito o sa isang iyon, at malihim na pinaalam si Juan na ang pangalan ng kanyang ama ay Juan din at ang sa kanyang ina Maria, at na sa kung gayon gustung-gusto rin niya si Juan. «Ngunit» sa kanyang paghihinuha, «mahal ko kayong lahat, at sa loob ng Templo ako ay magdadasal nang labis para sa inyo at para sa Panginoong Jesus.»

Nakaaantig ng damdamin na makita kung papaano ang grupong ito ng kalalakihang, na ang karamihan sa kanila ay walang mga anak, ay labis na makaama at puno ng atensiyon para sa pinakabata sa mga disipulo ni Jesus. Kahit na ang hitsura ng mamâ mula sa Endor ay lumalambot nang kanyang pinipilit ang maliit na isa na lunukin ang binating itlog, o nang siya ay umaakyat sa loob ng mga kakahuyan, na nagagawa ang mga burol pati na rin ang mas matataas na bundok na maging berde, upang mamulot ng mapapait na mga sanga ng mga palumpong o maamoy na mga tangkay ng layas na “fennel”, na kanyang dinadala sa bata upang mapawi ang kanyang pagkauhaw, na hindi pinabibigatan nang labis ang kanyang tiyan ng tubig. Dinadala rin niya ang atensiyon ng bata sa iba't ibang aspekto at mga tanawin ng kabukiran, na nahati rito ng malalaking lambak, sa ilalim nito kung saan ay naroroon ang mga pangunahing kalsada, upang maibaling ang kanyang isip mula sa haba ng paglalakbay.

Ang matandang tagapagturo ng Cintium, nasira ng kasamaan ng tao, ay nabubuhayan muli gawa ng batang ito, isang abang katulad niya mismo, at ang mga kulubot ng kamalasan at kapaitan ay kumikinis sa pagiging isang magiliw na ngiti. Si Jabez ay hindi na masyadong basahang tingnan, dahil sa kanyang bagong mga sandalyas, at ang kanyang mukha hindi na masyadong malungkot, sapagkat hindi ko malaman kung aling kamay ng isang apostol ang nakapagbura sa bawat bakas ng marahas na pamumuhay na dinanas ng bata sa loob ng maraming buwan, inaayos ang kanyang mga buhok na dati ay gusut-gusot at maalikabok at ngayon naging malambot at malinis sa pamamagitan ng mabuting paghuhugas. Ang mamâ mula sa Endor ay ibang-iba na rin. Siya ay medyo nalilito pa rin kung naririnig niya na may tatawag sa kanyang Juan, ngunit iiiling niya ang kanyang ulo at siya’y ngingiti kinaaawaan ang kanyang mahinang memorya. Sa araw-araw ang kanyang hitsura ay nawawalan ng kinasanayang katigasan at nagkakaroon ng isang kabigatan, na panatag na panatag. Siyempre ang dalawang abang taong ito na nabubuhayan muli sa pamamagitan ng kabaitan ni Jesus, ay napapalapit sa Guro sa kanilang pagmamahal. Ang kanilang mga kasama ay mahal sa kanila, ngunit si Jesus… Kapag Siya ay tinitingnan sila o nagsasalita sa kanila lamang, ang ekspresyon sa kanilang mga mukha ay isang pinakamasayang ekspresyon.

Pagkatapos na matawid ang malaking lambak at pagkatapos ang isang magandang berdeng burol, makikita pa rin ng isa nang may-kalabuan ang kapatagan ng Esdraelon. Ang bata ay nagagawa nitong magbuntung-hininga: «Ano kaya ang ginagawa ng aking matandang ama?» at sa pamamagitan ng napakalungkot na buntung-hininga at mga luha sa kanyang kulay kapeng mga mata siya ay bumulalas: «O! hindi siya napakasaya katulad ko… at napakabuti niya!» at ang lamentasyon ng bata ay naglagay ng isang malungkot na belo sa lahat. Nagsisimula silang babain ang napakatabang lambak, ganap na natatakpan ng alagang mga bukid at mga lootan ng olibo. Ang isang magaang ihip ng hangin ay nagagawa ang munting mga bulaklak ng mga baging at ng mas maaagang mga punong olibo na bumagsak katulad ng niyebe. Ang kapatagan ng Esdraelon ay nawala sa paningin mabuti na lang.

Sila ay tumigil para kumain at pagkatapos ipinagpatuloy ang paglalakbay patungong Herusalem. Ngunit maaaring umulan nang malakas o ang lupa ay mayaman sa tubig na nasa ilalim ng lupa, sapagkat ang mga parang ay nagmumukhang katulad ng isang latian gawa ng tubig na kumikislap sa makapal na damuhan at tumataas sumasampal sa may-harang na panabi ng daan, na, bagama't, ay napakaputik pa rin. Ang mga adulto ay itinaas ang kanilang mga tunika upang hindi ito marumihan ng putik, at si Judas Tadeo ay inilagay ang bata sa kanyang mga balikat upang siya ay makapagpahinga at upang makatawid nang mas mabilis sa baha at baka marumi na lugar.

Ang liwanag ay nagsisimula nang maglaho nang, pagkatapos na maglakad sa gilid ng ibang mga burol at matawid ang isang tuyong mabatong lambak, pinasok nila ang isang nayon na nasa itaas ng isang mabatong binundok. Ipinilit nila ang kanilang daan sa gitna ng mga peregrino at naghanap ng matutuluyan sa isang napakarural na klaseng otel: isang malaking panilungan sa ilalim kung saan ay may nakakalat na maraming dayami at wala nang iba pa. Ang maliliit na lampara na may sindi rito at doon ay ang nagliliwanag sa hapunan ng mga pami-pamilyang mga peregrino, mahihirap na mga pamilya, katulad ng apostoladong isa, sapagkat ang karamihan sa mga mayayaman ay naglagay ng mga tolda sa labas ng nayon, kinasusuklaman ang mapadikit sa mga tagarito o sa mahihirap na mga peregrino.

Ang gabi at ang katahimikan ay bumaba…Ang unang nakatulog ay ang bata, na, pagod katulad niya, iniyuko ang kanyang ulo sa lapi ni Pedro, na humiga sa dayami at tinakpan niyang maingat ang bata.

Si Jesus ay inipon ang mga adulto para sa pagdarasal at pagkatapos itinapon ang kanilang mga sarili sa dayami upang makapagpahinga pagkatapos ng mahabang paglalakbay.                                                                            --------------------------------------

Ang araw pagkatapos: ang apostoladong grupo na umalis nang umaga ay papasok na sa Shechem nang gabi, bilang nakadaan na sa Samaria, isang magandang bayan, napalilibutan ng mga pader, adornado ng magagandang mapangibabaw na mga gusali, sa kapaligiran nito kung saan ay naiipon ang ilang magagandang malilinis na mga bahay. Sa aking pagka-unawa ang bayan, katulad ng Tiberias, ay katátayong muli pa lamang na may mga sistemang hiram mula sa Roma. Sa labas ng mga pader, sa paligid ng bayan, ang lupa ay mabungang-mabunga at maayos na inaalagaan. Ang daan mula sa Samaria patungong Shechem ay paikut-ikot mula sa isang terasa patungo sa isa pa, sa isang serye ng mga pader sumusuporta sa lupa, na nakapagpapaalaala sa akin tungkol sa mga burol sa Fiesoli. May isang magandang tanawin ng berdeng mga bundok sa timog at ng isang magandang kapatagan pagawing kanluran.

Ang daan ay nakakiling na bumaba patungo sa lambak, ngunit ito ay paakyat-akyat karaka-raka upang matawid ang iba pang mga burol mula sa tuktok nito kung saan ang isa ay makikita ang lupain ng Samaria kasama ang magagandang mga taniman nito ng mga olibo, mga bukid ng trigo, mga ubasan, natatanawan ng mga kakahuyan ng terebinto sa tuktok ng burol at ng mga kakahuyan sa iba pang mga burol, na nakapagpoprotekta rito laban sa mga hangin na umiihip sa pamamagitan ng mga bangin ay maaaring makagawa ng mga ipu-ipo na makasisira sa mga taniman. Ang lugar na ito ay nakapagpapaalaala sa akin nang labis tungkol sa ilang mga lugar sa aming Apennines, sa paligid ng Mount Amiata, mula kung saan mapagninilay-nilayang kasabay ng isa ang mga  patag na taniman ng mga seryal sa Maremma at ang maniningning na mga burol at mahestuwosong mga bundok na tumataas nang mas mataas paloob sa kalupaan. Hindi ko alam kung ano na ang katulad ng Samaria ngayon. Napakaganda nito nang mga araw na iyon.

Ngayon, sa pagitan ng dalawang bundok, ang pinakamataas sa lugar, magagawa ng isa na makakita nang tuwiran sa pamamagitan ng isang lambak, sa gitna nito kung saan ay may napakatabang maayos na napatutubigan na lupa ng Shechem. Ito ang lugar kung saan si Jesus ay inabutan ng masayang karabana ng korte ng Konsul, sa paglalakbay nito patungong Herusalem para sa kapistahan. May mga alipin na mga naglalakad lamang at mga alipin mga nakasakay sa mga bagon nagbabantay sa mga bagahe… Diyos ko, gaano karaming bagay ang kanilang dala-dala nang mga araw na iyon!!! At kasama ng mga alipin ay mga bagon na siksik ng lahat na klase ng mga kargamento, may kumpletong mga kamelya pa at mga karwahe: ang may apat na gulong na mga karwahe ay napakalapad, maayos na nilagyan ng mga muwelye, may kiling, kung saan dito mga nakasakay ang mga binibini. At pagkatapos marami pang mga kariton at mga alipin…

Ang isang kurtina ay hinawi, ng isang puno-ng-mga-alahas na kamay ng isang binibini at ang mahigpit na hitsura ni Plautina ay lumitaw: siya ay tumangong nakangiti ngunit hindi nagsasalita ng kahit na ano. Si Valeria, na ang kanyang maliit na anak na babae sa kanyang mga tuhod ay tumitili at ngumingiti, ay binabati ang mga tao sa gayon ding pamamaraan. Ang iba pang karwahe, na mas lalo pang maringal, ay dumaan ngunit walang kurtina ang hinawi. Ngunit nang ito ay makalampas, ang malarosas na mukha ni Lydia ay dumungaw mula sa likuran, sa pamamagitan ng mga nakasarang kurtina at siya ay tumango din. Ang karabana ay nagpatuloy sa paglayo…

«Sila ay naglalakbay sa kaginhawahan!» sabi ni Pedro na pagod na at basa na ng pawis. «Ngunit, kung tutulungan tayo ng Diyos, sa araw pagkatapos ng gabi bukas tayo ay nasa Herusalem na.»

«Hindi, Simon. Kailangan Kong dumaan sa ibang madadaanan at pumuntang pagawing Jordan.»

«Ngunit bakit, aking Panginoon?»

«Dahil sa bata. Siya ay malungkot-na-malungkot, at napakalungkot nito para sa kanya na makita ang bundok ng  sakuna.»

«Ngunit hindi na ito makikita! O kung baga, makikita natin ang kabilang tabi… ako na ang bahala na ibaling ang kanyang atensiyon. Si Juan at ako… Ang kanyang atensiyon ay madaling maibaling, kaawa-awang isang maliit na kalapati na walang pugad. Ang pumunta patungong Jordan! Bueno, mas mabuti ang daan na ito. Isang tuwid na daan. Mas maikli. Mas ligtas. Hindi. Hindi. Ang isang ito, ang isang ito. Kita Ninyo? Ang mga binibining Romano rin ay kinukuha ito. Sa tabi ng dagat at ng ilog ay may piligro ng lagnat sa loob ng unang mga pag-ulan ng tag-init. Mas mabuti rito. Maging ano pa man… Kailan tayo makakarating kung hahabaan natin ang daan? Tingnan kung gaano kabalisa ang Inyong Ina pagkatapos ng di-magandang pangyayari kay Juan Bautista!...» si Pedro ang nanalo at si Jesus ay pumayag.

«Kung gayon tayo ay titigil nang maaga at magkaroon ng mabuting pahinga at bukas aalis tayo pagsikat ng araw upang mapunta ng Gethsemane sa gabi ng araw pagkatapos bukas. Sa araw pagkatapos ng Biyernes tayo ay pupunta sa Bethany upang makita ang Aking Ina at doon natin iiwanan ang mga aklat ni Juan, sa dahilan na ito ay naging mabigat na dalahin ninyo, at matatagpuan natin si Isaac doon at ipagkakatiwala natin sa kanya ang kaawa-awang kapatid natin na ito…»

«At ang bata? Ibibigay na ba Ninyo siya kaagad?»

Si Jesus ay ngumingiti. «Hindi. Ibibigay Ko siya sa Aking Ina, na siyang maghahanda sa kanya para sa “kanyang” kapistahan. At pagkatapos isasama natin siya para sa Paskuwa. Ngunit pagkatapos kailangan na iwanan na natin siya… Huwag kang masyadong mapakabit sa kanya! O kung baga: mahalin mo siya na tila siya ay ang sarili mong anak, ngunit na may isang sobrenatural na espiritu. Katulad sa nakikita mo siya ay mahina at napapagod. Ako, rin, ay ibig Ko sana na turuan Ko siya Mismo at palakihin siya na napakain sa Karunungan sa pamamagitan Ko. Ngunit Ako ang Walang-kapagurang Isa at si Jabez ay napakabata pa at napakahina upang gawin ang ginagawa natin. Tayo ay dadaan sa Judaea at babalik sa Herusalem para sa Pentekostes, at pagkatapos tayo ay lalakad… nag-eebanghelyo… Matatagpuan natin siya ulit sa ating amangbayan sa tag-init. Dito tayo ay nasa geyt na ng Shechem. Umuna kasama ang iyong kapatid at kasama si Judas ni Simon at maghanap ng matutuluyan. Ako ay pupunta sa liwasan ng palengke at maghihintay para sa inyo.»

Sila ay naghiwalay at si Pedro ay umalis naghahanap ng matutuluyan, habang ang iba ay naglalakad nang may kahirapan sa mga kalyeng nagsisiksikan sa mga taong nagsisigawan at mga pakaway-kaway, may mga kasamang asno, mga bagon, lahat patungong Herusalem para sa parating na Paskuwa. Ang mga sigawan, tawagan at pagmumurahan ng mga tao, idinadagdag sa mga ingay ng mga asno ay gumagawa ng ingay na umuugong nang malakas sa ilalim ng mga arko, na siyang nagdudugtong sa isang bahay sa isa pa, isang ingay na nakakatulad ang isang ugong ng ilang mga kabibi kapag inilalagay malapit sa tainga ng isa. Ang alingawngaw ay palipat-lipat sa mga arko kung saan ang mga lilim ay nagiging mas madilim at ang mga pulutong, katulad ng nagmamadaling agos ng tubig, ay dumadagsa sa mga kalye, ipinahihiwatig ang kanilang mga sarili kahit saan, naghahanap ng isang bubungan, isang liwasan, isang parang kung saan makapagpapalipas ng gabi…

Si Jesus, hawak ang bata sa kamay, nakasandal sa isang punungkahoy, ay naghihintay kay Pedro sa liwasan, na, para sa okasyon, ay laging puno ng mga nagtitinda.

«Umasa tayo na walang makakakita sa atin at makakakilala sa atin!» sabi ng Iskariote.

«Papaano mo makikilala ang isang butil ng buhangin sa mga buhangin?» tugon ni Tomas. «Hindi mo ba nakikita ang mga pulutong?»

Si Pedro ay nakabalik: «Sa labas ng bayan ay may panilungan na may ilang mga dayami. Wala akong makitang iba pa.»

«Ni hindi na tayo maghahanap ng iba pa. Sobra na nga iyan para sa Anak ng tao.»

070111

 



Sunod na kabanata