194. Mula Shechem hanggang Beeroth.

Hunyo 19, 1945.

Dahil sa ang isang ilog ay lumalaki kapag may bagong mga sangang-agos ang pumapasok dito, gayon din ang daan mula sa Shechem patungong Herusalem ay unti-unting nagiging mas nagsisiksikan, dahil ang mga naniniwala patungo sa Banal na Siyudad ay bumubuhos dito sa pamamagitan ng mga sekundaryong mga daan mula sa mga nayon. Ito’y isang sitwasyon na malaking tulong kay Pedro sa pagliligaw sa atensiyon ng bata na ngayon ay dumaraan na malapit sa mga burol kung saan siya ipinanganak at kung saan ang kanyang mga magulang ay nailibing nang buhay gawa ng pagguho. Ang bata ay hindi nag-aalam nito.

Pagkatapos ng mahabang paglalakad na napatigil – pagkalampas ng Shiloh, sa matarik na burol nito – upang makapagpahinga at makakain nang kaunti sa isang berdeng lambak na may ugong ng purong kasing linaw-ng-kristal na tubig, ang mga peregrino ay lumakad na muli at tinatawid ang isang maliit na kalkaryong bundok, na kung baga ay walang mga tanim, patungo kung saan ang araw ay walang-awang sumisinag nang malakas. Pagkatapos sila ay nagsimulang bumaba patungo sa isang kalawakan ng pinakamagagandang mga ubasan, na sa pamamagitan ng mga bitin ng mga ito naaadornohan nito ang mga nakausling bato ng mga kalkaryong bundok. Ang lugar ay maaraw na maaraw.

Si Pedro ay ngumingiti nang makahulugan at gumagawa ng senyas kay Jesus, Na ngumingiti na rin. Ang bata ay walang napupunang anuman, abalang katulad niya sa pakikinig kay Juan ng Endor na nagkukuwento ng tungkol sa ibang mga lupain na kanyang napuntahan kung saan ang pinakamatatamis na ubas ay tumutubo na, bagama't, hindi labis ginagamit sa paggawa ng alak, ginagamit sa halip sa paggawa ng mga keyk, na mas masasarap pa kaysa mga keyk gawa sa pulot.

Inaakyat na nila ngayon ang isang napakatarik na burol, sapagkat iniwan nila ang maalikabok na nagsisiksikan-sa-tao na pangunahing daan at kinuha ang mas maikling daan sa mga kakahuyan. At nang kanilang marating ang tuktok, nakikita nilang malinaw sa malayo ang isang napakalaking liwanag na nagniningning sa itaas na isang masa, baka, kalipunan ng mga puting bahay.

«Jabez» tawag ni Jesus «halika rito. Nakikita mo ba ang ginintuan na lugar na iyon? Iyan ang Bahay ng Panginoon. Diyan ikaw ay manunumpa na susundin mo ang Batas. Ngunit alam mo ba ito nang mabuti?»

«Ang aking ina ay madalas magsalita sa akin tungkol diyan at ang aking ama itinuturo sa akin ang mga alituntunin. Nakapagbabasa ako… at… at sa palagay ko alam ko ang itinuro “nila” sa akin bago sila namatay…» Ang bata, na pumunta na ngumingiti nang tinawag ni Jesus, ay ngayon umiiyak ang kanyang ulo nakatungo at ang kanyang nanginginig na kamay nasa kamay ni Jesus.

«Huwag kang umiyak. Makinig. Nalalaman mo ba kung nasaan tayo? Ito ang Bethel. Ang banal na si Jacob ay dito napanaginipan ang tungkol sa mga anghel. Alam ko? Naaalaala mo?»

«Oo, Panginoon. Nakakita siya ng isang hagdanan na mula sa lupa ay umaabot hanggang sa itaas sa Langit at ang mga anghel ay paparoo’t parito, at ang aking ina ay madalas sabihin na kapag ang isa ay mamamatay, kung ang isa ay laging naging mabuti, makikita niya ang ganyan din at aakyat sa hagdanan na iyon patungo sa Bahay ng Diyos. Ang aking ina ay madalas na magsabi sa akin tungkol sa maraming bagay… Ngunit ngayon wala na siyang sinasabi sa akin… ang lahat ay naririto na at iyan na lamang ang mayroon ako tungkol sa kanya…» Mga luha ang bumababa sa kanyang maliit na malungkot na mukha.

«Huwag kang lumuha nang ganyan! Makinig, Jabez. Ako ay may isang Ina rin at ang Kanyang pangalan ay Maria at Siya ay banal at mabait at makapagkukuwento ng maraming bagay. Siya ay mas marunong pa kaysa sa isang tagapagturo at mas magiliw at maganda kaysa sa isang anghel. Pupunta na tayo upang makita Siya ngayon. Mamahalin ka Niya nang labis. At magkukuwento Siya sa iyo ng maraming mga bagay. At pagkatapos ang ina ni Juan ay kasama niya at napakabuti rin niya, at ang kanyang pangalan ay Maria. At naririyan ang ina ng Aking kapatid na si Judas, at siya ay kasing tamis ng isang pulot na keyk at ang kanyang pangalan ay Maria din. Mamahalin ka nila nang labis. Sapagkat ikaw ay isang magaling na bata at dahil sa Akin, sapagkat minamahal Kita nang labis. At ikaw ay lálaki kasama sila at kapag malaki ka na, ikaw ay magiging isang banal na tao ng Diyos, katulad ng isang doktor ipapahayag mo si Jesus Na nagbigay sa iyo ng bagong isang ina rito at Siya na siyang magbubukas sa mga tarangkahan ng Langit para sa iyong patay na ina at sa iyon ama, at magbubukas din sa mga ito para sa iyo kapag ang oras mo ay dumating na. Ni hindi mo na kailangan na akyatin pa ang mahabang hagdanan ng Langit kapag mamatay ka. Naakyat mo na ito sa loob ng iyong pamumuhay, bilang isang mabuting disipulo, at matatagpuan mo ang iyong sarili sa itaas doon, sa geyt ng Paraiso, at Ako ay naroroon at sasabihin Ko sa iyo: “Halika, Aking kaibigan at anak ni Maria” at tayo ay mágkakasáma.» Ang maningning na ngiti ni Jesus, habang naglalakad na medyo nakayuko upang mapalapit sa nakatingalang mukha ng bata na naglalakad sa tabi hawak sa kamay ni Jesus, at ang magandang kuwento ay napawi nito ang kanyang mga luha at nagawa siyang ngumiti.

Ang bata, na malayong pinanlalabuan ng pananalita bagkus napatitigil lamang ng kapighatian at ng mga kahirapan na kanyang dinanas, ay interesado sa kuwento at nagtanong: «Sinabi Ninyo na bubuksan Ninyo ang mga tarangkahan ng Langit. Hindi ba’t sila ay nakasara dahil sa malaking Pagkakasala? Madalas sabihin sa akin ng aking ina na walang sinuman ang makakapasok hanggang dumating ang kapatawaran at ang mga makatarungan ay naghihintay para rito sa Limbo.»

«Ganyan ‘yan. Ngunit ipinapahayag ang salita ng Diyos pupunta Ako sa Ama at… nakakuha na ng kapatawaran para sa inyo, pupunta Ako sa Kanya: “Ama, nasunod Ko na ang Inyong kalooban. Ngayon kailangan Ko na ang Aking gantimpala para sa sakripisyo Ko. Hayaan ang makatarungan, na mga naghihintay, na makapunta sa Inyong Kaharian”. Pagkatapos Ako ay bababa at tatawagin Ko ang lahat na makatarungan, at sa tunog ng Aking tinig ang Limbo ay bubuksan nito ang mga tarangkahan nito at ang banal na mga Patriyarka, ang maningning na mga Propeta, ang pinagpalang mga babae ng Israel ay lalabas na nagbubunyi. At nalalaman mo ba kung gaano karaming mga bata? Naririyan ang lahat na mga bata ng iba't ibang mga edad, kasing dami ng mga bulaklak sa isang mabulaklak na parang! At kanila Akong susundan umaawit at Ako ay tataas sa magandang Paraiso.»

«At ang akin bang ina ay naroroon?»

«Tiyak na tiyak iyan.»

«Hindi Ninyo sinabi sa akin na makakasama Ninyo siya sa geyt ng Langit kapag ako ay patay na rin…»

«Hindi na kailangan para sa kanya at sa iyong ama na mapunta sa geyt. Katulad ng maningning na mga anghel sila ay patuloy na lilipad mula sa Langit pababa sa lupa, mula kay Jesus patungo sa kanilang maliit na Jabez, at kapag mamamatay ka na, gagawin nila kung ano ang ginagawa ng dalawang maliliit na ibon na iyon sa banda roon, sa pimpin na iyon. Nakikita mo ba sila?» At kinarga ni Jesus ang bata upang siya ay makakita nang mas mabuti. «Tingnan mo kung papaano sila nakaupo sa kanilang maliit na mga itlog. Naghihintay sila para sa kanila na mapisa, pagkatapos ibubuka nila ang kanilang mga pakpak sa ibabaw ng kanilang mga sisiw upang maprotektahan sila sa lahat na masasama, at pagkatapos, kapag sila ay malalaki na at nakahanda nang lumipad, susupurtahan nila sila sa pamamagitan ng kanilang malalakas na pakpak at dadalhin nila sila sa itaas, sa itaas, sa itaas… patungo sa araw. Ang iyong mga magulang ay ganyan din ang gagawin sa iyo.»

«Iyan ba ay magiging ganyan lamang?»

«Eksaktong ganyan.»

«Ngunit maaari ba Ninyong sabihin sa kanila na huwag kalimutan na pumunta?»

«Hindi na iyan kinakailangan, sapagkat minamahal ka nila, at sasabihin Ko sa kanila.»

«O! Gaano ko Kayo kamahal!» Ang bata, na karga pa ni Jesus, ay idinikit ang kanyang sarili sa Kanyang leeg at hinahalikan niya Siya sa gayong kalugod na pagbuhos ng paggiliw na totoong nakakaantig ng damdamin.

Si Jesus ay hinahalikan din Niya siya, at ibinaba siya.

«Bueno! Tayo’y magpatuloy. Patungo sa Banal na Siyudad, Kailangan na makarating tayo roon bukas, pag maggagabi na. Bakit may pagmamadaling ganyan? Masasabi mo ba sa Akin? Hindi ba’t pareho rin kung makarating tayo roon sa araw pagkatapos ng bukas?»

«Hindi. Hindi ito pareho. Sapagkat bukas ay Parasceve at pagkatapos ng paglubog ng araw ang isa ay makapaglalakad lamang ng anim na stadia. Hindi ka pahihintulutan na makalayo pa sapagkat ang Sabbath at ang pagpapahinga sa araw na iyan ay nagsimula na.»

«Kung gayon ang isa ay mag-iistambay lamang sa Sabbath.»

«Hindi. Ikaw ay magdarasal sa Kataastaasang Panginoon.»

«Ano ang Kanyang pangalan?»

«Adonai. Ngunit ang mga santo ay mabibigkas ang Kanyang pangalan.»

«Ang mabubuting bata rin. Sabihin mo sa Akin kung alam mo.»

«Jaavè» (ang bata ay binibigkas ito nang ganyan: isang napakalambot na G, na halos isang J, at napakahabang ‘a’).

«At bakit ang isa kailangan na magdasal sa Kataastaasang Panginoon sa Sabbath?»

«Sapagkat sinabi Niya kay Moses, nang ibinigay Niya sa kanya ang mga tabla ng Batas.»

«O! Ibinigay ba Niya? At ano ang Kanyang sinabi?»

«Sinabi Niya na kailangan na panatilihin natin ito na banal. “Sa loob ng anim na araw kayo ay magtatrabaho, ngunit sa ikapitong araw kayo ay magpapahinga at gawin ang iba na makapagpahinga, sapagkat ganyan din ang Aking ginawa, pagkatapos ng paglilikha”.»

«Ano? Ang Panginoon ba ay nagpahinga? Napagod ba Siya sa paglilikha? At Siya ba ang naglikha? Papaano mo nalalaman? Ang alam Ko ang Diyos ay hindi kailanman napapagod.»

«Siya ay hindi napagod, sapagkat ang Diyos ay hindi naglalakad at hindi Niya ginagalaw ang Kanyang mga kamay. Ngunit ginawa Niya ito, upang maturuan si Adan at tayo, at upang magkaroon ng isang araw kung saan iisipin natin Siya. At nilikha Niya ang lahat, tiyak iyan. Ang Aklat ng Panginoon ay sinasabi sa atin.»

«Ngunit ang Aklat ba ay isinulat Niya?»

«Hindi. Ngunit iyan ay ang katotohanan. At kailangan iyan na paniwalaan ng isa maliban kung ang isa ay ibig na pumunta kay Lucifer.»

«Sinabi mo na ang Diyos ay hindi naglalakad at hindi Niya iginagalaw ang Kanyang mga kamay. Papaano Siya kung gayon naglikha? Ano ang katulad Niya? Isang estatuwa?»

«Siya ay hindi isang diyus-diyusan: Siya ay ang Diyos. At ang Diyos ay… ang Diyos ay… hayaan Ninyong isipin ko at alalahin kung ano ang sinabi ng aking ina, at kahit mas maganda pa kaysa sa sinabi niya, ang mamang iyon na sa ngalan Ninyo ay pumupunta upang madalaw ang mahihirap na tao sa Esdraelon… Madalas sabihin sa akin ng aking ina, upang maintindihan ko ang Diyos: “Ang Diyos ay katulad ng pagmamahal ko sa iyo. Ito ay walang katawan, ngunit iyan ay naririyan”. At ang maliit na mamang iyon, ngunit na may isang magiliw na ngiti, ay sasabihin: “Ang Diyos ay isang Eternal Na Espiritu, Isa at sang-tatlo, at ang Ikalawang Persona ay naging laman alang-alang sa atin, mga kaawa-awang mga tao, at ang Kanyang pangalan ay… “ O! Aking Panginoon! Ngayon na iniisip ko na ito… Kayo Ito!» Ang bata, natutulala, nagpatirapa sa lupa sumasamba.

Lahat sila ay tumakbo iniisip na siya ay bumagsak, ngunit si Jesus na ang Kanyang daliri nasa Kanyang mga labì ay sinenyasan sila na manahimik at pagkatapos nagsabi: «Tumayo ka, Jabez. Ang mga bata ay hindi kailangan na matakot sa Akin!»

Ang bata ay tumingalang mapaggalang at tinitingnan si Jesus na may bagong ekspresyon, halos ng takot.

Ngunit si Jesus ay ngumiti at iniunat ang Kanyang kamay nagsasabing: «Ikaw ay isang marunong na maliit na Israelita. Ipagpatuloy natin ang iksaminasyon. Ngayon na nakilala mo na Ako, nalalaman mo ba kung ang Aklat ay binabanggit Ako?»

«O! Oo, Panginoon. Mula sa simula hanggang ngayon. Ang lahat ay nagsasalita tungkol sa Inyo. Kayo ang ipinangakong Tagapagligtas. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit bubuksan Ninyo ang mga geyt ng Limbo. O! Panginoon! Panginoon! At ako ba ay minamahal Ninyo nang labis?»

«Oo, Jabez.»

«Hindi, hindi na Jabez. Bigyan Ninyo ako ng bagong pangalan na ang ibig sabihin minahal Ninyo at iniligtas Ninyo ako…»

«Pipili Ako ng pangalan kasama ang Aking Ina. Payag ka?»

«Ngunit isang pangalan na ang ibig sabihin ay iyan lang. At iyan ang aking magiging pangalan mula sa araw na Ako ay maging isang anak ng Batas.»

«Iyan ang magiging pangalan mo mula sa araw na iyan.»

Nadaanan na nila ang Bethel at nagpahinga sa isang maliit na malamig na lambak, mayaman sa tubig, upang makakain ng kaunti. Si Jabez ay medyo na bigla tungkol sa pagbubunyag at kumakain sa katahimikan, tinatanggap nang may pagbubunyi ang bawat isang subong ibinibigay sa kanya ni Jesus. Ngunit unti-unti siyang nagkaroon ng lakas ng loob ulit, at pagkatapos na makapaglaro sa berdeng mga damo kasama si Juan habang ang iba ay nagpapahinga, siya ay bumalik kay Jesus kasama ang kanyang ngumingiting kaibigan na si Juan, at ang tatlo ay nag-usap-usap magkakasama.

«Hindi mo nasabi sa Akin kung sino ang nagsalita tungkol sa Akin sa Aklat.»

«Ang mga Propeta, Panginoon. At kahit bago pa man, ang Aklat ay nagsalita tungkol sa Inyo nang si Adan ay pinalayas, at… pagkatapos kay Jacob, Abraham at kay Moses… O!... Ang aking ama ay sinabi sa akin na siya ay pumunta kay Juan – hindi ang isang ito, ang isa pang Juan, ang isa na nasa Jordan – at siya, ang dakilang Propeta, ay tinawag Kayong ang Kordero… O! Ngayon naintindihan ko na ang tungkol sa kordero ni Moses… Kayo ang Paskuwa!»

Si Juan ay tinutukso siya: «Ngunit aling Propeta ang nagsalita ng tungkol sa Kanya nang pinakamaganda?»

«Sina Isaiah at Daniel. Ngunit mas gusto ko… mas gusto ko si Daniel, ngayon na minamahal ko Kayo bilang aking ama. Masasabi ko ba nang ganyan? Na minamahal ko Kayo katulad na minahal ko ang aking ama? Oo? Bueno, ngayon mas gusto ko si Daniel.»

«Bakit? Ang nagsasalita nang labis tungkol sa Kristo ay si Isaiah.»

«Oo, ngunit nagsasalita siya ng tungkol sa kapighatian ng Kristo. Si Daniel sa halip ay nagsasalita ng tungkol sa magandang anghel at ng tungkol sa Inyong pagdating. Totoo… sinasabi rin niya na ang Kristo ay isasakripisyo. Ngunit sa palagay ko ang Kordero ay isasakripisyo sa pamamagitan ng iisang dagok lamang. Hindi katulad ng sinasabi nina Isaiah at David. Lagi akong umiiyak kapag binabasa iyan ng aking ina at hindi na niya ulit iyon binabasa.» Siya ay halos umiiyak kahit na ngayon habang hinahaplos-haplos ang kamay ni Jesus.

«Kalimutan mo ang tungkol diyan pansamantala. Makinig. Nalalaman mo ba ang mga alituntunin?»

«Oo, aking Panginoon. Sa palagay ko alam ko ito. Madalas kong ulitin ito nang ako ay nasa kakahuyan, upang hindi ko ito makalimutan, at dahil din ibig kong mapakinggan ang mga salita ng aking ina at ng aking ama. Ngunit ngayon hindi na ako ulit iiyak (ngunit ang mga luha ay nagniningning sa kanyang mga mata) dahil nasa akin na Kayo.»

Si Juan ay ngumingiti at niyayakap niya si Jesus nagsasabing: «Kapareho ng aking mga salita! Ang lahat na mga bata sa kanilang mga puso ay nagsasalita ng iisang wika.»

«Oo, sapagkat ang kanilang mga salita ay nanggagaling sa iisang karunungan lamang. Ngunit ngayon kailangan na nating umalis, upang maagang-maaga tayong makarating sa Beeroth . Ang bilang ng mga tao ay lumalaki at ang panahon ay nagmumukhang nagbabanta. Magkakaroon ng pag-aagawan sa masisilungan. At ayaw Kong kayo ay magkasakit.»

Si Juan ay tinatawag ang kanyang mga kasama at sila ay nagsimula na ulit na maglakad patungong Beeroth, patawid ng isang kapatagan na hindi masyadong nabubukid, ngunit hindi naman walang-walang tanim katulad ng maliit na bundok na kanilang inakyat pagkatapos ng Shiloh.

070111

 



Sunod na kabanata