195. Mula Beeroth Hanggang Herusalem.

Hunyo 20, 1945.

Ngayon ay umuulan at si Pedro ay tila ang kabaligtaran ni Aeneas, sapagkat sa halip na dala niya ang kanyang ama, ang maliit na Jabez ang nasa kanyang mga balikat, ganap na natatakpan ng malapad na manta ni Pedro. Ang maliit na ulo ng bata ay lumalabas sa ibabaw ng ubaning ulo ni Pedro, na, na ang mga kamay ng bata nakaakap sa leeg niya, ay nagtatampisaw sa mga sanaw, tumatawa nang husto.

«Baka naiwasan natin ang lahat na ito» bulong ng Iskariote, na naiinis dahil sa tubig na bumubuhos mula sa kalawakan at natitilamsikan ng putik ang kanyang mga damit.

«Eh! Maraming bagay ang maiiwasan!» tugon ni Juan ng Endor, tinititigan ang magandang lalaking si Judas sa pamamagitan ng kanyang nag-iisang mabuting mata, na sa palagay ko nakakakita nang mabuti katulad ng dalawa.

«Ano ang ibig mong sabihin?»

«Ang ibig kong sabihin ay walang kabuluhan na asahan ang mga elemento na bigyan tayo ng konsiderasyon, kung tayo ay wala nito para sa ating kapwa, at kung titingnan ang mga bagay-bagay na mas malayong mas mahalaga kaysa sa ilang mga patak ng tubig o isang tilamsik ng putik.»

«Totoo iyan. Ngunit ibig kong maging maayos at malinis pagpunta ko sa bayan. Ako ay maraming kaibigan doon, at matataas.»

«Kung gayon tingnan na hindi ka bumagsak.»

«Tinutukso mo ba ako?»

«Hindiiii! Ngunit ako ay isang matandang tagapagturo at… isang matandang mag-aaral. Ako’y laging nag-aaral mula pa nang ako ay ipinanganak. Una natuto ako ng paista-istambay lamang, pagkatapos napagmasdan ko ang buhay, pagkatapos nalaman ko ang kapaitan ng buhay, nagsabuhay ako ng walang kabuluhang hustisya, ang hustisya ng “taong nag-iisa” laban sa Diyos at sa lipunan. Ang Diyos ay pinarusahan ako sa pamamagitan ng pangungutya sa sarili, ng lipunan nang may mga tanikala, kung kaya’t, pagkatapos ng lahat, ako ang biktima ng hustisya. Sa wakas, ngayon, natuto na ako, natututo ako ngayon kung papaano “mabuhay”.  Ngayon, dahil ako ay isang tagapagturo at isang mag-aaral, mababatid mo na natural para sa akin na ulitin ang mga leksiyon.»

«Ngunit ako ay isang apostol…»

«At ako ay isang kaawa-awang miserableng tao, alam ko, at hindi ko kailanman dapat pangahasan na turuan ka. Ngunit, tingnan mo, hindi natin malalaman kailanman kung ano ang kalalabasan ng isa. Akala ko noon ako ay mamamatay bilang isang matapat at iginagalang na tagapagturo sa Cyprus at ako ay naging mamamatay-tao at isang preso nang habang-buhay. Ngunit nang aking itinaas ang isang panaksak upang makapaghiganti, at habang hinihila ko ang mga tanikala kinapopootan ang sansinukuban, kung may nagsabi sa akin na ako ay magiging isang disipulo ng Banal Na Isa, baka pinagdudahan ko kung siya nga ay may matinong kaisipan. Ngunit subalit… Naririto ako ngayon! Kung gayon, baka makapagbibigay din ako ng isang mabuting leksiyon sa iyo, isang apostol. Dahil sa aking karanasan. Hindi dahil sa aking kabanalan, hindi ko ito iisipin man lang.»

«Ang Romanong iyon ay tama na tinatawag ka niyang Diogenes.»

«Siyempre. Ngunit si Diogenes ay naghahanap ng isang tao at hindi makatagpo ng kahit isa. Ako, mas masuwerte kaysa sa kanya, ay nakatagpo ng isang ahas kung saan akala ko ito ay isang babae, at isang nangangalunya kung saan akala ko nakakita ako ng mapagkaibigang tao, ngunit pagkatapos ng paglalagalag sa loob ng maraming taon, habang ako ay nasisiraan ng isip gawa ng gayong karanasan, natagpuan ko ang Tao, ang Banal Na Isa.»

«Wala akong nalalamang ibang karunungan bagkus ang karunungan ng Israel.»

«Kung iyan ay ganyan, nasa iyo nang lahat ang pamamaraan ng kaligtasan. Ngunit ngayon nasaiyo rin ang siyensiya, hindi ang karunungan ng Diyos.»

«Pareho din iyan.»

«O! Hindi! Iyan ay katulad ng isang mahamog na araw kompara sa isang maaraw na araw.»

«Bueno! Nananabik ka ba na turuan ako? Wala sa pakiramdam ko na gusto ko iyan.»

«Hayaan mo akong magsalita! Minsan, madalas akong magsalita sa mga bata: sila ay wala sa kanilang kaisipan. Pagkatapos nagsalita ako sa mga anino, isinumpa nila ako. Pagkatapos sa mga manok: mas mabuti sila, malayong mas mabuti kaysa sa unang dalawang grupo. Ngayon nagsasalita ako sa aking sarili sa dahilan na hindi pa ako makapagsasalita sa Diyos. Bakit ibig mo akong pigilan? Ako ay bagkus may iisang mata lamang, ang mga minahan ay sinira ang aking buhay, naghirap ako sa loob ng maraming taon ng problema sa puso. Gawin mo man lamang mabunga ang aking isip.»

«Si Jesus ay Diyos.»

«Nalalaman ko, at pinaniniwalaan ko ito. Mahigit pa sa paniniwala mo. Sapagkat ako ay nabuhayan sa pamamagitan ng Kanyang gawa, ikaw ay hindi. Kahit na gaano Siya kabuti, Siya pa rin ay Diyos, at ako, isang kaawa-awang miserableng tao ay hindi mangangahas na tratuhin Siya nang may kasanayan katulad ng ginagawa mo. Ang aking kaluluwa ay nagsasalita sa Kanya… ang aking mga labì ay hindi mangahas. Ang aking kaluluwa ay nangangahas, at sa palagay ko nadadama Niya na ito ay lumuluha dala ng pagpapasalamat at ng may-pagsisising pagmamahal.»

«Totoo iyan, Juan. Nadadama Ko ang iyong kaluluwa.» Si Jesus ay pumasok sa paguusap ng dalawa. Si Judas ay namumula sa kahihiyan, at mamâ mula sa Endor sa lugod. «Nadadama Ko ang iyong kaluluwa, totoo iyan. At nadadama Ko rin ang gawa ng iyong isip. Ang iyong sinabi ay tama. Kapag naporma ka sa Akin, ang iyong karanasan bilang isang tagapagturo at isang masugid na mag-aaral ay magiging isang malaking tulong sa iyo. Magsalita, magsalita ka, sa iyong sarili din.»

«Minsan, Guro, hindi pa matagal, sinabi Ninyo sa akin na hindi tama na magsalita sa sariling kaakuhan» wikang may kagaspangan ni Judas.

«Totoo iyan, sinabi Ko. Ngunit iyon ay sapagkat pabulung-bulong ka ng iyong kaakuhan. Ang taong ito ay hindi bumubulung-bulong, siya ay nagninilay-nilay, at para sa mabuting pakay. Wala siyang ginagawang anumang masama.»

«Sa madaling salita, ako ay mali!» Si Judas ay mapandahas.

«Hindi, ang iyong puso ay mainipin. Ngunit ang panahon ay hindi maaaring laging maganda. Ang mga magbubukid ang gusto ay ulan. Isang karidad ang manalangin na sana umulan. At ito rin ay karidad. Ngunit tingnan, mayroon isang bahaghari na pumoporma ng isang arko mula sa Ataroth hanggang Ramah. Tayo ay lampas na sa Ataroth, nalampasan na natin ang malaking malungkot na lambak, at dito ang kabukiran ay binubukid at kaaya-aya sa ilalim ng araw, na lumulusot sa mga ulap. Kapag tayo ay nasa Ramah na tayo ay magiging tatlumpu’t anim na stadia na mula sa Herusalem. Makikita na nating muli ang Banal na Siyudad pagkatapos ng burol na iyon, na siyang ang lugar ng kasindak-sindak na mahalay na krimen na ginawa ng mga kalalakihan ng Gibeah. Gaano ka-teribleng bagay ang kiling sa pagkakasala ng laman, Judas…»

Si Judas ay hindi tumutugon, sa halip nag-aantala siya nagtatampisaw nang galit sa mga sanaw.

«Ano ang nangyayari sa kanya, ngayon?» tanong ni Bartolomeo.

«Manahimik, kung hindi baka marinig ka ni Simon ni Jonah. Iwasan natin ang lahat na pagtatalu-talo… at huwag natin balisahin si Simon. Siya ay masayang-masaya sa kanyang bata!»

«Oo, Guro. Ngunit hindi iyon tama. Sasabihan ko siya.»

«Siya ay bata pa, Natanael. Naging bata ka rin…»

«Oo… ngunit… hindi siya dapat na nagkukulang ng paggalang sa Inyo!» Naitaas niya ang kanyang tinig na hindi niya ginugusto.

Si Pedro ay nagmadali patungo sa kanila: «Ano ang nangyayari? Sino ang nagkukulang ng paggalang? Ang bagong disipulo?» at kanyang tinitingnan si Juan ng Endor, na kanina pa hindi nagpahalatang umalis nang kanyang maintindihan na si Jesus ay itinutuwid ang apostol at ngayon nakikipagusap na kay Santiago ni Alfeo at kay Simon Zealot.

«Ni hindi kahit kaunti. Siya ay kasing magalang katulad ng isang batang babae.»

«O! Mabuti! Kung hindi… ang kanyang nag-iisang mata ay mamimiligro. Bueno… ito ay maaaring si Judas!...»

«Makinig, Simon, hindi mo ba maaabala ang iyong sarili sa iyong maliit na kaibigan? Kinuha mo siya sa Akin, at ngayon ibig mong makialam sa isang mapagkaibigang paguusap namin ni Natanael. Hindi kaya ibig mong gawin ang napakaraming bagay?»

Si Jesus ay ngumingiting napakamagiliw upang si Pedro ay naging di-nakatitiyak tungkol sa kanyang sariling mga naiisip. Tinitingnan niya si Bartolomeo… na, subalit, naitaas na ang kanyang agilenyong mukha at sinusuri na nito ang kalawakan… ang pagsuspetsa ni Pedro ay naglalaho.

Ang atensiyon ni Pedro ay ganap na nakuha ng paglitaw ng Banal na Siyudad, na ngayon ay malapit na, at nakikita sa lahat na kagandahan nito sa mga kaburulan nito, mga taniman ng mga olibo, mga kabahayan, at higit sa lahat sa Templo nito, isang tanawin na maaaring laging isang pinanggagalingan ng emosyon at pagmamalaki para sa mga Israelita. Ang mainit na araw ng Abril ay natuyo na kaagad nito ang mga kudradong tipak ng mga bato ng daanang konsular. Ang mga tubog ng tubig ay nawalang ganap. Ang mga apostol ay inaayos ang kanilang mga sarili sa tabi ng daan, ibinababa ang mga tunika na kanilang ikinaluskos pataas, hinuhugasan ang kanilang maputik na mga paa sa isang malinaw na agos ng tubig, inaayos ang kanilang mga buhok at inilaladlad ang kanilang mga manta. Si Jesus ay iyan din ang ginagawa. Nakikita ko silang lahat na ito ang ginagawa. Ang ipresenta ang sarili sa mga pader ng Herusalem sa mga kapistahang araw na ito ay katulad ng ipinipresenta ang sarili sa harapan ng isang soberano. Ang Banal na Siyudad ay ang “tunay” na reyna ng mga Israelita. Nabatid ko ito sa taon na ito, sapagkat napupuna ko ang mga pulutong at ang kanilang ikinikilos sa konsular na daan. Ang mga prusisyon ng iba't ibang mga pamilya mula rito, ang mga kababaihan sa isang grupo, ang mga kalalakihan sa isa pa, ang mga bata sa kahit saan sa isa sa mga ito, ngunit ang lahat ay seryosong-seryoso at matahimik din. Ang iba ay tinutupi ang kanilang mga manta at kumukuha ng isang bago mula sa kanilang panlakbay na mga bag, o nagpapalit ng mga sandalyas. Ang kanilang hitsura kung gayon ay nagiging masolemne, ito ay mala-pari na. Sa bawat grupo ay may isang soloista na nagbibigay ng tono, at ang mga himno, ang maluwalhating lumang mga himno ni David, ay aawitin. At ang mga tao ay magtitinginan sa isa’t isa nang mas may-pagmamahalan, na tila sila ay pinagkasundo ng tanawin ng Bahay ng Panginoon at kanilang titingnan ang Banal na Bahay, isang napakalaking kubiko ng marmol pinatungan ng ginintuang mga simboryo, inilagay katulad ng isang perlas sa gitna ng nakapangingibabaw na bakuran ng Templo.

Ang apostoladong grupo ay napoporma ayon sa sumusunod: Si Jesus at si Pedro sa harapan, na ang bata nasa pagitan nila; sa likuran nila si Simon, ang Iskariote at si Juan; pagkatapos si Andres, na ipinilit na si Juan ng Endor ay manatili sa pagitan niya at ni Santiago ni Zebedeo; sa pang-apat na hanay ang dalawang pinsan ng Panginoon at si Mateo; sa huli si Tomas, Felipe at si Bartolomeo.  Itong si Jesus ang nagsasatono sa Kanyang magandang malakas na tinig na isang magaang baritono, isang malamig na tinig na may pinong tenor na mga panginginig, at si Judas Iskariote, isang purong tenor, ang sumasagot kasama si Juan, sa kanyang malinaw na tinig tipikal sa bata-pang mga tao, ang dalawang baritonong tinig ng mga pinsan ni Jesus at ang halos baho na tinig ni Tomas, na ang kaninong baritonong tinig ay napakalalim na mahirap uriin na ito na gayon. Ang iba, na hindi napagkalooban ng magagandang tinig na gayon, ay sinusundan ang koro ng magagaling umaawit sa mababang mga tinig. (Ang mga salmo ay ang mga kilalang salmo, tinatawag na gradwal na mga salmo). Ang maliit na Jabez, ang tinig ng isang anghel na kasama sa malalakas na tinig ng mga kalalakihan, ay umaawit nang napakabuti, ito ay dahil siguro nalalaman niya ang Salmo CXXI nang mas maigi kaysa sa iba: «Gaano ako nagbubunyi nang sinabi nila sa akin: “Tayo ay magtutungo sa bahay ng Panginoon”.» At ang kanyang maliit na mukha, na nang mga nakaraang kaunting araw pa lamang ay napakamalungkot, ay ngayon maningning sa lugod.

Ang mga pader ay ngayon malapit na. Naririto na ang Gate of the Fish. At ang mga nagsisiksikan na mga kalye.

Sila ay tumuloy nang tuwiran sa Templo upang dasalin ang unang panalangin. At pagkatapos kapayapaan sa kapayapaan ng Gethsemane, pagkatapos hapunan at ang pagpapahinga. Ang paglalakbay patungong Herusalem ay tapos na.

070111

 



Sunod na kabanata