197. Sa Loob ng Templo sa Oras ng Paghahandog.

Hunyo 22, 1945.

Si Pedro ay totoong maringal habang pinapasok ang bakuran ng Templo, umaaktong ama ni Jabez, na kanyang hawak-hawak sa kamay. Siya ay naglalakad nang tuwid-na-tuwid, upang siya ay nagmumukhang mas mataas kaysa sa siya nga.

Ang lahat na iba pa ay nasa likuran niya, sa iisang grupo. Si Jesus ay nasa hulihan at nakikipagusap kay Juan ng Endor, na tila nahihiya na pumasok sa Templo.

Si Pedro ay tinanong ang kanyang alaga: «Napunta ka na ba rito kahit minsan?» at ang bata ay tumugon: «Nang ako ay ipinanganak, itay. Ngunit hindi ko maalaala» na nagawa si Pedro na tumawa nang husto. Ang iba rin, nang kanyang sinabi sa kanila, ay tumawa at nagsabing magiliw at nanunukso: «Baka ikaw ay natutulog kung kaya’t…» o «Kaming lahat ay katulad mo. Hindi namin maalaala nang kami ay pumunta rito nang kami ay ipinanganak.»

Si Jesus din ay tinanong si Juan ng Endor ng gayon ding tanong at nakakuha ng gayon ding tugon. Sa katunayan si Juan ng Endor ay nagsabi sa Kanya: «Kami ay mga proselito at ang aking ina ay kinarga ako patungo rito, sa Paskuwa lamang, sapagkat ako ay ipinanganak sa unang mga araw ng Adar at ang aking ina, na nagmula sa Judaea, ay lumakad kaagad nang nakapaglalakad na siya, upang ihandog ang kanyang anak sa Panginoon sa tamang panahon. Baka napaaga sapagkat siya ay nagkasakit at hindi na nakapanumbalik. Ako ay wala pang dalawang taon nang mawala sa akin ang aking ina. Ang aking unang kamalasan sa buhay ko. Ako ay ang kanyang panganay, ako ay naging kaisa-isang anak niya dahil sa kanyang pagkakasakit, at ipinagmamalaki niya nang husto na mamatay siyang nakatupad sa Batas. Madalas sabihin sa akin ng aking ama: “Namatay siyang masaya sapagkat naihandog ka niya sa Templo”… kaawa-awang ina! Ano ang iyong inihandog? Isang mamamatay-tao pagdating ng araw…»

«Juan, huwag mong sabihin iyan. Ikaw ay si Felix noon, ngayon ikaw ay si Juan. Laging isaisip ang dakilang grasyang ipinagkaloob sa iyo ng Diyos, laging alalahanin iyan. Kalimutan mo ang iyong nakaraang kapahamakan… Hindi ka na ba bumalik ulit sa Templo?»

«O! Bumalik ako. Nang ako ay labing dalawang taon at lagi pagkatapos niyan, habang… nagagawa ko. Pagkaraan, nang makakapunta sana ako, hindi ako pumunta, sapagkat sinabi ko na sa Inyo na iisang bagay lamang ang aking sinasamba: Kapootan… At iyan ang dahilan kung bakit ayaw ko nang lumampas pa mula rito. Pakiramdam ko ako ay isang estranghero sa loob ng Bahay ng Ama… Inabandona ko ito nang napakatagal na…»

«Ikaw ay bumabalik dito dinadala sa kamay sa pamamagitan Ko Na siyang Anak ng Ama. Kung ikaw ay Aking dinadala sa itaas ng altar, ibig sabihin nito na nalalaman Ko na ang lahat ay napatawad na.»

Si Juan ng Endor ay napahikbi nang malalim at nagsabi: «Salamat sa Inyo, aking Diyos.»

«Oo, pasalamatan mo ang Kataastaasan. Hindi mo ba nakikita na ang iyong ina, isang tunay na Israelita, ay may propetikong espiritu? Ikaw ay ang anak na sagrado sa Panginoon at hindi kailanman tinubos. Ikaw ay Akin, ikaw ay pag-aari ng Diyos, ikaw ay isang disipulo at kung ganyan isang pari ng iyong Panginoon sa bagong panahon at sa bagong relihiyon, na tatawagin ayon sa Akin. Inaabsulbihan Kita sa lahat, Juan. Magpatuloy nang may-pagtitiwala patungo sa Banal. Sasabihin Ko sa iyong totoo na sa mga naninirahan sa loob ng bakuran na ito mas marami pang mas makasalanan at mas di karapat-dapat kaysa sa iyo na makalapit sa altar…»

Si Pedro pansamantala ay abala sa pagpapakita sa bata ng pinaka-kailangan na malaman na mga bagay sa Templo, ngunit tinatanong niya ang mas may nalalaman, lalo na si Bartolomeo at si Simon, upang matulungan siya, sapagkat sa pagtupad ng kanyang katungkulan bilang isang ama mas magaan ang kanyang pakiramdam kung tatanungin niya ang mas nakatatanda sa kanya.

Sila ay malapit na sa tanggapan ng tesorero upang gawin ang kanilang handog nang si Jose ni Arimathea ay tinawag sila. «Kayo ay naririto? Kailangan kayo dumating?» tanong niya pagkatapos na mabati sila.

«Kagabi.»

«At ang Guro?»

«Siya ay nasa banda roon, kasama ang isang bagong disipulo. Siya ay darating.»

Si Jose ay tinitingnan ang bata at tinanong si Pedro: «Isa sa mga apo mo?»

«Hindi… oo… bueno: hindi sa dugo, malaking bahagi sa pamamagitan ng pananampalataya, ang lahat sa pamamagitan ng pagmamahal.»

«Hindi ko maintindihan…»

«Siya ay isang maliit na ulila… kung kaya’t wala ng dugo. Isang disipulo, kung gayon malaking bahagi sa pamamagitan ng pananampalataya. Isang anak… kung kaya’t ang lahat sa pamamagitan ng pagmamahal. Siya ay dinala ng Guro… at inaaruga ko siya. Siya magkaka-edad na sa susunod na kaunting mga araw…»

«Labing dalawang taon na? At napakaliit?»

«Eh!... Sasabihin sa inyo ng Guro… Jose, ikaw ay mabuti… isa sa kakaunting mabubuting tao rito… Sabihin mo sa akin… maaari mo ba akong tulungan tungkol sa bagay na ito? Alam mo na… Ipipresenta ko siya na tila siya ay aking anak. Ngunit ako ay isang Galilean at ako ay isang nakasusuklam na ketongin…»

«Isang ketongin?! Bulalas ni Jose na may pagtatanong lumalayo sa takot.

«Huwag kang matakot! Ako ay isang ketongin sapagkat pag-aari ako ni Jesus! Ang pinaka-nakasusuklam na porma ng ketong para sa mga taga-Templo, maliban sa kakaunting ilan.»

«Hindi! Huwag mong sabihin iyan!»

«Iyan ang katotohanan at kailangan natin itong tanggapin… Kung kaya’t natatakot ako na sila ay magiging malupit sa bata dahil sa akin at dahil kay Jesus. Magkagayunpaman hindi ko alam kung gaano ang kanyang nalalaman tungkol sa Batas, tungkol sa Halascia, sa Haggadha at tungkol sa Midrasciots. Sinasabi ni Jesus na malaki ang nalalaman niya…»

«Bueno, kung iyan ang sinasabi ni Jesus! Huwag kang matakot!»

«Upang mabigyan lang nila ang ako ng problema gagawin nilang…»

«Mahal-na-mahal mo ang maliit na batang ito! Lagi mo ba siyang isinasama?»

«Hindi maaari!... Ako ay paikut-ikot… Ang bata ay napakabata pa at maselan…»

«Ngunit papayag akong makasama sa inyo…» sabi ni Jabez na napalakas na ang loob sa pamamagitan ng haplos ni Jose.

Si Pedro ay nagniningning sa lugod… Ngunit sinabi niya: «Ang Guro ay sinasabi na hindi namin dapat gawin iyan at hindi natin iyan gagawin… Ngunit lagi pa rin tayong magkikita-kita… Jose… tutulungan mo ba ako?»

«Siyempre, tutulungan kita! Sasama ako sa iyo. Hindi nila siya gagawan ng pang-aapi sa harapan ko. Kailan? O! Guro! Ibigay Ninyo sa akin ang Inyong pagpapalà!»

«Kapayapaan sa iyo, Jose. Natutuwa Ako na makita ka at natutuwa Ako na ikaw ay nasa mabuting kalusugan.»

«Ako ay masaya rin, Guro, at ang Inyo ring mga kaibigan ay matutuwa na makita Kayo. Kayo ba ay nanunuluyan sa Gethsemane?»

«Ako ay naroroon kanina, ngunit pagkatapos ng panalangin patungo Ako sa Bethany.»

«Kay Lazarus?»

«Hindi, sa bahay ni Simon. Ang Aking Ina, ang ina ng Aking mga kapatid at ang ina ni Juan at Santiago ay naroroon din. Makakapunta ka ba upang magkita tayo?»

«Tinatanong ba Ninyo ako? Ako ay pupunta na masayang-masaya at ito ay isang malaking karangalan, na ipinagpapasalamat ko sa Inyo. Ako ay pupunta may kasamang ilang mga kaibigan…»

«Mag-ingat, Jose, kasama ang mga kaibigan!...» payo ni Simon Zealot.

«O! Kilala na ninyo sila. Ang kahinahunan ay nagtuturo: “Huwag paalamin ang hangin”. Ngunit kapag nakita na ninyo sila maiintindihan ninyo na sila ay mga kaibigan.»

«Bueno…»

«Guro, si Simon ni Jonah ay sinasabi sa akin ang tungkol sa seremonya para sa maliit na ito. Kayo ay dumating nang tinatanong ko kung kailan ninyo gustong gawin ito. Ibig kong naroroon din ako.»

«Sa Miyerkules bago ang Paskuwa. Ibig Kong ipagdiwang niya ang Paskuwa na siya ay isang anak ng Batas.»

«Mabuti. Iyan ay ayos na. Ako ay pupunta at sasamahan kayo sa Bethany. Ngunit ako ay pupunta kasama ang aking mga kaibigan sa Lunes.»

«Payag kami.»

«Guro, kailangan ko na kayong iwanan. Ang kapayapaan ay sumainyo. Oras na ngayon ng insenso.»

«Paalam, Jose. Ang kapayapaan ay mapasaiyo. Halika, Jabez. Ito ang pinakabanal na oras ng araw. May isa pa sa umaga. Tama na ang tao ay kailangan na pagpalain ang Panginoon upang mapagpala sa umaga, sa lahat ng kanyang gagawin. Ngunit sa gabi ito ay mas banal. Ang liwanag ay lumalaho, ang trabaho nagtatapos, ang gabi dumarating. Ang lumalahong liwanag ay nagpapaalaala sa atin ng pagbagsak sa kasalanan at sa katunayan ang makasalanang mga gawain ay sa pangkalahatan ginagawa sa gabi. Bakit? Sapagkat ang tao, hindi na abala sa kanyang trabaho, ay madali nang mabiktima ng Kasamaang Isa na magdadala sa kanya ng lahat na mga panrarahuyo at masasamang panaginip. Tama kung gayon, pagkatapos na mapasalamatan ang Diyos sa pagprotekta sa atin sa araw, na kailangan pakiusapan Siya na ilayo tayo sa mga pantasma at mga tukso sa gabi. Ang gabi, ang tulog… ay ang mga simbolo ng kamatayan. Pagpalain ang mga na pagkatapos na mamuhay kasama ang pagpapalà ng Panginoon ay matutulog sa isang maningning na pagsikat ng araw at hindi sa kadiliman. Ang pari na nag-aalay ng insenso, ay ginagawa ito para sa ating lahat. Siya ay nananalangin para sa lahat na tao, sa pakikipag-ugnayan sa Diyos, at ang Diyos ay ipinagkakatiwala sa kanya ang pagpapalà para sa buong sambayanan ng Kanyang mga anak. Nakikita mo kung gayon kung gaano kadakila ang ministeryo ng isang pari?»

«Ibig kong… mararamdaman ko na tila malapit ako sa aking inay…»

«Kung ikaw ay laging isang mabuting disipulo at isang mabuting anak kay Pedro, magiging isa kang pari. Tayo na. Ang mga trumpeta ay sumisigaw na ang oras ay dumating na. Tayo na at purihin natin si Yahweh nang may pagpipitagan.»

110111

 



Sunod na kabanata