20. Mula sa Herusalem Hanggang sa Bahay ni Zachariah.

Marso 28, 1944.

Kami ay nasa Herusalem. Alam-na-alam ko na ang bayan, ang mga kalsada at mga geyt.

Ang unang-unang ginawa nina Maria at Jose ay ang tumungo sa Templo. Natatandaan ko pa ang kuwadra kung saan iniwan ni Jose ang asno noong araw ng preparasyon kay Jesus sa Templo. Ngayon din, iniiwan niya ang dalawang asno roon, pagkatapos na mapakain ito, at pagkatapos siya ay pumunta kasama si Maria upang sambahin ang Panginoon.

Nang sila ay makalabas, pinasok nila ang isang bahay na maaaring pag-aari ng mga taong kilala nila. Uminom sila ng kaunting pampalamig doon at si Maria ay nagpapahinga hanggang sa makabalik si Jose na may kasamang isang maliit na matandang lalaki. «Ang mamang ito ay patungo rin sa dadaanan Mo. Hindi Ka maglalakbay nang mahaba na nag-iisa upang makarating sa Iyong mga kamag-anak. Mapagkakatiwalaan Mo siya sapagkat kilala ko siya.»

Sila ay sumakay muli sa kanilang mga asno at si Jose ay sumabay kay Maria hanggang sa Gate (hindi ito ang geyt na kanilang pinasukan dati) at sila ay naghiwalay doon. Si Maria ay nagpapatuloy kasama ang maliit na mamâ na kasing daldal katulad na si Jose ay napakatahimik at nagkaka-interes sa maraming mga bagay. Si Maria ay sumasagot sa kanya nang mapasyensiya. Sa harapan ng Kanyang siya ay doon na nakalagay ngayon ang Kanyang maliit na baul na dala dati ng asno ni Jose at hindi na Niya suot ang malaking manta. Ni hindi na rin Niya suot ang alampay, na nakalupi na sa baul, at Siya ay tunay ngang maganda sa Kanyang madilim na asul na damit at puting talukbong na nagpoprotekta sa Kanya sa sinag ng araw. Gaano Siya kaganda!

Ang matandang mamâ ay medyo yata bingi, sapagkat si Maria, na ibig na magsalita sa napakababang tinig, ay kinakailangan na magsalita nang malakas upang Siya ay marinig. At ngayon ang matanda ay pagod na. Nakatapos na siya sa lahat ng kanyang mga katanungan at mga balita at natutulog na sa siya, dala-dala ng asno na alam na ang daan.

Si Maria ay sinasamantala ang katahimikang ito upang balikan ang Kanyang mga naiisip at upang makapagdasal. Maaaring ito ay isang panalangin na Kanyang inaawit sa mababang tinig, tinitingnan ang asul na kalawakan, na ang Kanyang mga kamay nakakrus sa Kanyang dibdib, habang ang Kanyang mukha ay nagniningning at masaya dahil (sa ilang sa loob) na emosyon.

Wala na akong nakikitang iba.

At kahit na ngayon na ang bisyon ay naputol, katulad ng nangyari kahapon, ako ay naiwan na ang Ina malapit sa akin, nakikita ng aking panloob na paningin nang napakalinaw upang aking maisasalarawan para sa inyo ang banayad na rosas na kulay ng Kanyang mga pisngi, hindi napakabilugan bagkus malumanay na malambot, ang matingkad na pula ng Kanyang maliliit na labì at ang Kanyang malinaw na asul na mga mata magiliw na nagniningning sa pagitan ng Kanyang madilim na olandesang mga pilikmata.

Masasabi ko sa inyo kung papaano ang Kanyang buhok, nahahati sa dalawa sa korona ng Kanyang ulo, bumabagsak nang malambot na may tatlong alon sa bawat tabi, hanggang sa layo na natatakpan nito ang kalahati ng Kanyang maliliit na malarosas na tainga, at pagkatapos mawawala na may malabnaw na maningning na ginto sa likuran ng talukbong na nagtatakip sa Kanyang ulo (sapagkat nakikita ko Siya na ang Kanyang manta nasa ibabaw ng Kanyang ulo, nakasuot ng damit na mala-paraisong seda at isang madilim na manta, na kasing nipis ng isang belo, na kaparehong tela ng damit).

Masasabi ko sa inyo na ang Kanyang damit ay makipot sa paligid ng Kanyang leeg sa pamamagitan ng isang butas na may isang kordon na ang tigkabilang dulo ay nakabuhol sa ibaba ng Kanyang leeg. Gayon din naman ang Kanyang damit ay nahihigpitan sa Kanyang baywang sa pamamagitan ng mas makapal na kordon, na gawa rin sa puting seda, nakalawit sa Kanyang tabi na may dalawang palawit.

Masasabi ko pa nga sa inyo na ang Kanyang damit, makipot katulad nito sa Kanyang leeg at baywang, ay nakagagawa ng pitong bilugan na malambot na mga tiklop sa Kanyang dibdib, ang tanging dekorasyon ng Kanyang napakasimpleng kasuutan.

Masasabi ko sa inyo ang tungkol sa pagkabasal na nagmumula sa lahat ng Kanyang anyo, mula sa Kanyang napakaselan at may-armonyang mga porma na nagagawa Siyang ganyan ka-anghelikal na babae.

At habang mas tinitingnan ko Siya mas lalo akong naghihirap iniisip kung gaano nila Siya ginawang maghirap at ako’y nagtataka kung papaano hindi sila nagkakaroon ng awa sa Kanya, napakamababa ang loob at napakabait, napakaselan din sa Kanyang pisikal na hitsura. Tinitingnan ko Siya at naririnig kong muli ang lahat na mga sigawan sa Kalbaryo, laban din sa Kanya, ang lahat na panunuya at pag-iinsulto, lahat na maldisyon na isinisigaw sa Kanya dahil Siya ang Ina ng Nahatulan. Ngayon nakikita ko Siya na maganda at mapayapa. Subalit ang Kanyang kasalukuyang hitsura ay hindi naaalis ang ala-ala ng Kanyang nakapanlulumong mukha sa loob ng mga oras na iyon ng aguniya, o kaya ng Kanyang nangungulilang mukha sa bahay sa Herusalem, pagkatapos ng kamatayan ni Jesus. At sana mahaplos at mahalikan ko ang Kanyang pisngi, napakaselan na malarosas at malambot, upang maalis ng aking halik ang ala-ala ng namimighating mga luha, na tiyak na Kanyang naaalaala katulad ko.

Hindi kayo makapaniniwala kung gaanong kapayapaan ang naibibigay nito sa akin kapag Siya ay malapit sa akin. Sa aking palagay ang mamatay na nakikita Siya ay maaaring kasing tamis at baka mas matamis pa kaysa sa pinakamatamis na oras ng isang pamumuhay ng isang tao. Sa loob ng mga panahon na hindi ko Siya nakikita nang ganito, na lahat para sa akin lang, ang Kanyang ausensiya ay isang malaking kapighatian sa akin, katulad-na-katulad ng ausensiya ng isang ina. Nararamdaman ko nang muli ngayon ang di-maalis-alis na lugod na siyang aking kasa-kasama noong Disyembre at nang mga unang linggo ng Enero. At ako ay masaya, bagama't ang tanawing iyon ng pagpapahirap sa Pasyon ay naghahagis ng isang talukbong ng kapighatian sa lahat ng aking kasayahan.

Mahirap ipaliwanag at magawa kayong makaintindi kung ano ang nararamdaman ko at kung ano ang nangyayari mula pa nang ika-labing-isa ng Pebrero, nang sa gabi nakita ko si Jesus na naghihirap sa Kanyang Pasyon. Ang tanawing iyon ay nabago ako nang ganap. Kung ako man ay mamatay ngayon o sa ika-sandaang taon, ang bisyon na iyon ay mananatiling gayon pa rin sa katindihan at mga konsekwensiya. Dati madalas kong isipin ang mga kapighatian ng Kristo, ngayon nararanasan ko ito, sapagkat isang salita, o kaya isang sulyap sa isang larawan ay sapat nang ipaghirap kong muli ang ipinaghirap ko noong gabing iyon at mahintakutan ng mga pagpapahirap na iyon; at namimighati ako sa mapanglaw na  mga paghihirap Niya, at kahit na kung walang magpapaalaala sa akin ng tungkol sa mga ito, ang alaala ng mga ito ay winawasak ang aking puso.

Si Maria ay nagsisimula nang magsalita at ako ay mananahimik.

 

                                                                                                ---

mary

Sinasabi ni Maria:

«Hindi Ako magsasalita nang labis, sapagkat ikaw ay pagod-na-pagod na, Aking nakakaawang anak. Ibig Ko lamang kunin ang iyong pansin at ang pansin ng mga nagbabasa tungkol sa laging gawain namin ni Jose na bigyan ng prayoridad ang pananalangin. Ang pagkapagod, pagmamadali, mga alalahanin, mga kinaaabalahan ay hindi kailanman hadlang sa aming pananalangin, sa kabaligtaran nakakatulong ang mga ito. Ito ay laging ang reyna ng aming mga kinaaabalahan, aming tighaw, aming liwanag, aming pag-asa. Kung sa malulungkot na sandali ito ang aming konsolasyon, sa masasayang sandali ito ay isang awit. Ngunit ito ay laging ang kaibigan ng aming mga kaluluwa. Naihihiwalay kami nito sa lupa, sa aming pagkakapatapon, at itinataas kami patungo sa Langit, ating Amangbayan.

Hindi lamang Ako, na ngayon nasa Akin ang Diyos at ang tanging gagawin Ko na lamang ay ang tingnan ang Aking sinapupunan upang sambahin ang Banal ng mga Banal, bagkus si Jose rin ang pakiramdam ay kaisa niya ang Diyos kapag siya ay nagdarasal, sapagkat ang aming pagdarasal ay isang tunay na adorasyon ng aming buong pagkatao, na natutunaw kasama ang Diyos sa pagsamba sa Kanya at sa yakap Niya.

At pakiusap na tandaan na ni Ako, bagama't nasa loob Ko ang Eternal na Diyos, hindi Ako nakaramdam na Ako ay hindi kasali sa magalang na pagbibigay-pitagan sa Templo. Ang pinakamalalim na kabanalan ay hindi ipinipuwera ang sinuman na makaramdam na siya ay isang wala lang hinggil sa Diyos at ang gawin ang ganyang kawalan na maging isang walang-katapusang hosana sa kaluwalhatian ng Diyos, dahil pinahihintulutan Niya tayo na gawin iyan.

Kayo ba ay mahina, mahirap, may pagkukulang? Panawagan ang kabanalan ng Panginoon: “Banal, Banal, Banal!” Panawagan ang Pinagpalang Banal na Isa na tulungan kayo sa inyong paghihirap. Siya ay darating at ilalagay ang Kanyang kabanalan sa inyo. Kayo ba ay banal at mayaman sa mga merito sa mga mata ng Diyos? Panawagan pa rin ang kabanalan ng Panginoon. Ito ay walang-hanggan at pararamihin ang inyong kabanalan. Ang mga anghel, na superyor sa mga kahinaan ng sangkatauhan, ay hindi tumitigil ng pag-awit ng “Sanctus” ni isang sandali, at ang kanilang sobrenatural na kagandahan ay lumalago sa bawat panawagan sa kabanalan sa ating Diyos. Gayahin ang mga anghel.

Huwag kailanman alisan ang inyong sarili ng proteksiyon ng panalangin, na siyang sumasangga laban sa mga armas ni Satanas, sa malisya ng mundo, sa mga panggaganyak ng laman at sa kaisipang pagmamalaki. Huwag kailanman ibaba ang armas na ito, na nagagawa ang Langit na magbukas at magbuhos ng mga grasya at mga pagpapalà.

Ang mundo ay nangangailangan ng ulan ng mga dasal upang maging dalisay muli ito mula sa mga pagkakasala na siyang humihila ng mga kaparusahan mula sa Diyos. At sa dahilan na kakaunting tao lamang ang nagdarasal, ang kakaunting iyan ay kailangan na magdasal na tila sila ay marami. Kailangan na paramihin nila ang kanilang buháy na mga dasal upang mapunuan ang kinakailangang bilang para makakuha ng grasya. Ang mga dasal ay buháy kung ito ay napalalasahan ng tunay na pagmamahal at sakripisyo.

Aking minamahal na anak, isang mabuting bagay, kaaya-aya sa Diyos at mahalaga, na ikaw ay maghirap dahil sa mga paghihirap ng Aking Jesus at paghihirap Ko, bilang karagdagan sa iyong sariling paghihirap. Ang iyong nakikiramay na pagmamahal ay napakamahal sa Akin. Ngunit ibig mo bang halikan Ako? Halikan mo ang mga sugat ng Aking Anak. Balutan mo ito ng balsamo ng iyong pagmamahal. Ipinaghirap Kong espirituwal ang mga kirot ng paghahagupit, ng mga tinik at ng pagpapasakit ng mga pako at ng Krus. At gayon din naman nararamdaman Kong espirituwal ang lahat na mga haplos na ibinibigay sa Aking Jesus, katulad ng kasing daming halik na ibinibigay sa Akin. At pagkatapos halika. Ako ang Reyna ng Langit. Ngunit Ako ay ang laging ang Ina…»

At ako ay masaya.

100610

 


 

Top of Form

Bottom of Form

 

 



Sunod na kabanata