200. Si Aglae Nakatagpo ang Guro.

Hunyo 25, 1945.

Si Jesus ay bumalik sa bahay ng Zealot nag-iisa. Dumidilim na at ang gabi ay tahimik at mapanatag pagkatapos ng labis na sikat ng araw. Si Jesus ay sumilip sa pintuan ng kusina, bumati ng pangungumusta at pagkatapos umakyat sa taas, upang magnilay-nilay sa mas mataas na silid, na naihanda na para sa hapunan. Hindi Siya nagmumukhang napakasaya. Madalas Siyang nagbubuntung-hininga at palakad-lakad nang pauli-uli sa loob ng malaking silid, patingin-tingin paminsan-minsan sa pamamagitan ng maraming pintuan ng malaking silid na ito, kinorteng katulad ng isang kubiko sa itaas ng unang palapag. Siya ay lumalabas din at maglalakad sa terasa tinitingnan ang bahay at Siya ay titigil sa likurang tabi tinitingnan si Juan ng Endor na may-kabaitan na nag-iigib ng tubig mula sa isang bubon at iniaabot ito kay Salome. Siya ay titingin, iiiling ang Kanyang ulo at magbubuntung-hininga.

Ang kapangyarihan ng Kanyang sulyap ay nakuha ang atensiyon ni Juan, na tumingala at nagtanong: «Guro, kailangan ba Ninyo ako?»

«Hindi, tinitingnan lamang Kita.»

«Si Juan ay mabait. Tinutulungan niya ako» sabi ni Salome.

«At ang Diyos ay gagantimpalaan siya sa pagtulong din na iyan.»

Pagkatapos ng mga salitang ito si Jesus ay bumalik sa silid at naupo. Siya ay nakalubog sa pag-iisip upang hindi Niya napuna ang maingay na palitan ng maraming mga tinig at ang mga pagkaluskos ng maraming paa sa pamasukang koridor at pagkatapos ang dalawang magagaang yapak umaakyat sa nasa labas na hagdanan at lumalapit sa malaking silid. Tanging nang Siya’y tinawagan lamang ni Maria Siya’y tumingala.

«Anak, si Susanna ay dumating na sa Herusalem kasama ang kanyang pamilya at kanyang dinala si Aglae rito kaagad. Ibig Mo bang pakinggan siya habang tayo ay nag-iisa?»

«Oo, Inay. Kaagad. At huwag Kayong magpaakyat ng sinuman hanggang ang lahat ay tapos na. Ibig Kong makausap siya bago bumalik ang iba. Ngunit pakiusap na magbantay na walang di-matinong pag-uusyuso… sa isa… at lalo na ang tungkol kay Judas ni Simon.»

«Ako ay magbabantay nang mabuti…»

Si Maria ay lumabas at pagkaraan nang kaunti bumalik hawak sa kamay si Aglae, na hindi na nakabalot sa kanyang malapad na kulay-abong manta na ang belo nakatakip sa kanyang mukha at hindi na nakasuot ng mataas na takong na mga sandalyas na may mga komplikadong mga hibilya at mga sintas, na kanyang sinusuot noon. Siya ngayon ay nakadamit katulad ng isang Hudyo, na may mababang pantay na napakalisong mga sandalyas, katulad ng kay Maria, isang madilim na asul na damit sa ibabaw kung saan ang kanyang manta ay nakatakip, at isang maputing belo na kanyang suut-suot sa estilo ng pangkaraniwang Judiong babae, ibig sabihin, simpleng tinatakpan ang kanyang ulo sa pamamagitan ng isang gilid na bumabagsak sa kanyang mga balikat upang ang kanya lamang  mukha ang medyo natatakpan. Ang kanyang lisong damit, nakakamukha ng isinusuot ng karamihang babae at ang katunayan na kasama siya ng ibang mga Galilean ay naiiwasan siyang makilala.

Siya ay pumasok na ang kanyang ulo nakatungo, namumula sa bawat hakbang, at sa aking palagay siya ay lumuhod sana sa pamasukan, kung hindi siya hinilang may-kabaitan ni Maria patungo kay Jesus.

«Naririto, Anak, ang babaeng matagal nang naghahanap sa iyo. Makinig sa kanya» sabi ni Maria nang Siya ay malapit na kay Jesus at pagkatapos umalis, hinihila ang kurtina sa maluwang na nakabukas na mga pinto at isinasara ang isa na malapit sa hagdanan.

Si Aglae ay ibinaba ang maliit na bag na kanyang dala-dala sa kanyang balikat, pagkatapos siya ay lumuhod sa paanan ni Jesus at napaiyak. Nagpatirapa siya sa sahig, ang kanyang ulo nakapatong sa kanyang mga braso naka-krus sa sahig.

«Huwag kang umiyak nang ganyan. Hindi ito ang panahon ng mga luha. Nagpakabasa ka sana sa luha nang ikaw ay mapagpoot sa Diyos. Hindi ngayon na minamahal mo Siya at minamahal ka Niya.»

Ngunit si Aglae ay nagpapatuloy sa pag-iyak…

«Hindi ka ba naniniwala na ganito ito?»

Nakapagsalita siya nang kahit papaano sa pamamagitan ng kanyang mga paghikbi: «Minamahal ko Siya, totoo iyan, hangga’t sa magagawa ko… Ngunit bagama't nalalaman ko at pinaniniwalaan ko na ang Diyos ay kagandahang-loob hindi ako posibleng maka-aasa na ako ay minamahal Niya. Labis akong nagkasala… Baka sa isang araw ako ay mamahalin… Ngunit kailangan ko pang lumuha nang labis… Sa pansamantala ako ay nag-iisa sa aking pagmamahal. Nag-iisa… Hindi ito ang desperadong pangungulila ng mga nakaraang taon. Ito ay ang pangungulila puno ng pananabik para sa Diyos, kung kaya’t hindi na ito walang pag-asa… subalit ito ay malungkot…»

«Aglae, gaano pa rin kaliit ang nalalaman mo tungkol sa Diyos! Ang pananabik na iyan sa Kanya ay ang katibayan na ang Diyos ay tumutugon sa iyong pagmamahal, na Siya ay kaibigan mo, na tumatawag sa iyo, nag-aanyaya sa iyo at nangangailangan sa iyo. Ang Diyos ay walang kakayahan na manatiling walang pakiramdam sa mithiin ng isang nilikha, sapagkat Siya, ang Panginoon at Tagapaglikha ng lahat na nilikha, ay pinupukaw Niya ang pananabik sa pusong iyan. Pinupukaw Niya iyan sapagkat minamahal Niya nang may pribilehiyong pagmamahal ang kaluluwa na ngayon ay nananabik para sa Kanya. Ang mithiin ng Diyos ay laging nauuna sa mithiin ng nilikha, sapagkat Siya ay Pinakaperpekto at kung gayon ang Kanyang pagmamahal ay malayong mas nananabik at mas maalab kaysa sa pagmamahal ng nilikha.»

«Ngunit papaano mamamahal ng Diyos ang aking dumi?»

«Huwag pagsikapan na makaintindi sa pamamagitan ng iyong katalinuhan. Siya ay isang kalaliman ng awa, na hindi maiintindihan ng katalinuhan ng tao. Ngunit kung ano ang hindi maintindihan ng katalinuhan ng tao, ang katalinuhan ng pagmamahal, ang pagmamahal ng espiritu ay nakaiintindi. Nakaiintindi ito at makumpiyansang nilalagos nito ang misteryo, na siyang ang Diyos, at ang misteryo ng relasyon ng kaluluwa sa Diyos. Pumasok ka, sinasabi Ko sa iyo. Pumasok ka, sapagkat gusto iyan ng Diyos.»

«O! Aking Tagapagligtas! Kung gayon ako ay totoong napatawad na? Ako ay totoong minamahal? Kailangan ko bang paniwalaan iyan?»

«Ako ba ay nagsinungaling sa iyo kahit kailan?»

«O! hindi, Panginoon! Ang lahat na sinabi Ninyo sa akin s Hebron ay nagkatotoo. Nailigtas Ninyo ako sapagkat ang Inyong Pangalan ay kaligtasan. Hinanap Ninyo ako, isang kaawa-awang kaluluwa. Binigyan Ninyo ako ng buhay ng kaluluwang ito, na aking dala-dalang patay sa loob ko. Sinabi Ninyo sa akin na kung hahanapin ko Kayo matatagpuan ko Kayo. At iyon ay totoo. Sinabi Ninyo sa akin na Kayo ay nasa kung saan man ang tao ay nangangailangan ng isang doktor at gamot. At iyon ay totoo. Lahat, ang lahat na sinabi Ninyo sa kaawa-awang Aglae, mula sa mga salita ng umagang iyon noong Hunyo, hanggang sa ibang mga salita sa Clear Water…»

«Kung gayon kailangan na paniwalaan mo rin ang mga ito.»

«Oo, naniniwala ako, ako ay naniniwala! Ngunit sabihin Ninyo sa akin: “Pinatatawad Kita”!»

« Pinatatawad Kita sa ngalan ng Diyos at ni Jesus.»

aglae«Salamat sa Inyo… Ngunit ngayon… Ano ang kailangan kong gawin? Sabihin Ninyo sa akin, aking Tagapagligtas, kung ano ang kailangan kong gawin upang magkaroon ng Eternal na Buhay. Ang tao ay nagiging makasalanan sa pagtingin lamang sa akin… Hindi ako makapamumuhay sa walang katapusang takot na matuklasan at mahuli… Sa loob ng paglalakbay na ito nanginginig ako sa tuwing titingnan ako ng isang lalaki… Ayaw ko nang magkasalang muli ni ayaw kong magkasala ang ibang tao. Sabihin Ninyo sa akin ang daan na kailangan kong sundan. Susundan ko ito maging ano pa man ito. Nakikita Ninyo na ako ay malakas din sa mga kadahupan… At kahit na kung ako ay kailangan na mamatay dahil sa napakaraming kadahupan, hindi ako natatakot. Tatawagin ko ang kamatayan na “aking kaibigan”, sapagkat ang kamatayan ay aalisin nito sa akin ang mga piligro ng mundo, at sa magpakailanman. Magsalita, akin Tagapagligtas.»

«Pumunta ka sa ilang na lugar.»

«Saan, aking Panginoon?»

«Saan man ang ibig mo. Kung saan ka dadalhin ng iyong espiritu.»

«Ang akin bang espiritu, na kapoporma pa lamang, ay may kakayahan ng labis?»

«Oo, sapagkat ang Diyos ay pinangungunahan ka.»

«At sino ang magsasalita sa akin tungkol sa Diyos muli?»

«Ang iyong nakabangon na kaluluwa, pansamantala…»

«Makikita ko ba Kayong muli?»

«Hindi na muli sa mundong ito. Ngunit bago magtagal matutubos na Kita nang lubusan at pagkatapos Ako ay pupunta sa iyong espiritu upang ihanda ka sa pagtaas sa Diyos.»

«Papaano mangyayari ang aking lubusang katubusan kung hindi ko na Kayo makikita muli? Papaano Ninyo ito ibibigay sa akin?»

«Sa pagpapakamatay para sa lahat na mga nagkakasala.»

«O! hindi! Kailangan na huwag Kayong mamatay»

«Upang maibigay sa mga tao ang Buhay kailangan na ibigay Ko ang Aking sarili sa kamatayan. Iyan kung bakit Ako naparito bilang isang tao. Huwag umiyak…  Sasamahan mo Ako kaagad kung saan Ako mapupunta pagkatapos ng Aking sakripisyo at ng iyo.»

«Aking Panginoon! Mamamatay din ba ako para sa Inyo?»

«Oo, ngunit sa ibang pamamaraan. Ang iyong laman ay mamamatay sa oras-oras at dahil gusto iyan ng iyong kalooban. Namamatay na iyan sa halos isang taon na. Kapag iyan ay ganap nang patay, tatawagin Kita.»

«Magkakaroon ba ako ng lakas na sirain ko ang aking may kasalanang laman?»

«Sa iyong pangungulila kung saan aatakihin ka ni Satanas sa pamamagitan ng nagngangalit na karahasan habang mas lalo kang nagiging karapat-dapat ng Langit, makakatagpo ka ng isang apostol Ko, na minsan isang makasalanan at pagkatapos nailigtas.»

«Hindi ang banal na apostol na nagsalita sa akin tungkol sa Inyo? Hindi siya maaaring naging isang makasalanan sapagkat napakamatapat niya.»

«Hindi ang isang iyon. Isa pa. Maaabutan ka niya sa tamang sandali. Sasabihin niya sa iyo kung ano ang hindi mo malalaman sa ngayon lang. Humayo sa kapayapaan. Ang pagpapalà ng Diyos ay mapasaiyo.»

Si Aglae, na laging nakaluhod sa lahat ng oras, ay yumuko upang halikan ang mga paa ng Panginoon. Hindi na siya nangahas ng labis pa. Pagkatapos kanyang pinulot ang kanyang sako at binaliktad ito. Ilang lisong mga damit, isang maliit na kumakalansing na lukbutan at isang amphora ng pinong rosal na alabastro ang nalaglag.

Si Aglae ay inilagay ang mga damit sa sako, pinulot ang lukbutan at nagsabi: «Ito ay para sa mahihirap. Iyan ang natira ng aking mga alahas. Nagtatago lamang ako ng ilang mga barya para sa aking paglalakbay… sapagkat, kahit na kung hindi Ninyo sinabi sa akin, ginusto kong pumunta sa isang malayong lugar. At ito ay para sa Inyo. Ito ay hindi napakatamis katulad ng pabango ng Inyong kabanalan. Ngunit iyan ang pinakamaganda na maibibigay ng lupa. At ginamit ko iyan para sa pinakamasama… Narito. Sana ang Diyos ay pagkalooban ako na mangamoy ng kahit ganito man lamang, sa harapan ng Inyong presensya, sa Langit» at kanyang inaalis ang mamahaling takip ng amphora at ibinuhos ang laman nito sa sahig.

Dagsa-dagsa ng malakas na amoy ng mga rosas ang tumaas mula sa ladrilyong sahig, na natigmak ng mamahaling esensiya. Si Aglae ay nililigpit ang walang-laman na amphora nagsasabing: «Sa pag-alaala ng oras na ito» at yumuko siyang muli upang halikan ang mga paa ni Jesus. Pagkatapos siya ay tumayo, umalis nang patalikod, lumabas, isinara ang pinto…

Naririnig ko ang kanyang mga yapak na lumalayo patungo sa hagdanan, ang kanyang tinig nakikipagpalitan ng ilang mga salita kay Maria, pagkatapos ang ingay ng kanyang mga sandalyas bumababa sa mga baytang at pagkatapos wala nang iba pa. Wala nang natira tungkol kay Aglae maliban sa maliit na lukbutan sa paanan ni Jesus at ang napakalakas na amoy sa loob ng lahat na silid.

Si Jesus ay tumayo… pinupulot Niya ang lukbutan, inilalagay ito sa Kanyang dibdib, pumunta sa isang bintana na nakaharap sa kalsada at ngumingiti nakikita ang babae na lumalayo, nag-iisa, sa kanyang Judiong manta, patungong Bethlehem. Gumagawa Siya ng pagkilos ng pagbebendisyon at nagpatungo sa terasa at tumawag: «Inay.»

Si Maria ay umakyat nang mabilis: «Nagawa Mo siyang masaya, Aking Anak. Siya ay umalis na, na may lakas at kapayapaan.»

«Oo, Inay. Kapag si Andres ay pumasok, ipadala mo siya sa Akin bago ang sino pa man.»

Mga ilang sandali ang dumaan, pagkatapos napakinggan ko ang mga tinig ng mga apostol, na mga bumalik na… si Andres ay umakyat: «Guro, kailangan Ninyo ako?»

«Oo, halika. Walang makaaalam, ngunit tama lamang na kailangan Kong sabihin sa iyo. Andres, salamat sa iyo sa ngalan ng Diyos at ng isang kaluluwa.»

«Salamat? Para sa ano?»

«Hindi mo ba naaamoy ang pabangong ito? Iyan ay isang alaala ng Nakatalukbong na Babae. Siya ay pumunta rito. Siya ay ligtas na.»

Si Andres ay namula katulad ng isang cherry, siya ay bumagsak sa kanyang mga tuhod, at hindi makatagpo ng mga salita… Sa wakas siya ay nagsabi: «Ngayon ako ay masaya na. Pagpalain nawa ang Panginoon!»

«Oo, tumayo ka. Huwag mong sabihin sa iba na siya ay dumating.»

«Ako ay mananahimik, aking Panginoon.»

«Makakalakad ka na. Makinig: dumating na ba si Judas ni Simon?»

«Oo, ginusto niyang sumama sa amin, nagkukuwento sa amin… ng maraming kasinungalingan. Bakit ginagawa niya iyon, Panginoon?»

«Sapagkat siya ay isang pinalayaw na bata. Sabihin mo sa Akin ang katotohanan: nag-away ba kayo?»

«Hindi. Ang aking kapatid ay labis na masaya tungkol sa kanyang bata upang manabik na makipag-away, at ang iba, alam Ninyo… ay mas mahinahon. Totoo, lahat kami ay naiinis, sa loob ng aming mga puso. Ngunit pagkatapos ng hapunan siya ay aalis… Ibang mga kaibigan… sabi niya. O! at kanyang kinasusuklaman ang mga puta!...»

«Maging mabuti, Andres. Kailangan na maging masaya ka rin ngayong gabi…»

«Oo, Guro. Ako rin ay may matamis, bagama't di-nakikitang paternidad. Lalakad na ako.»

Pagkaraan ng mga ilang sandali ang mga apostol ay umakyat sa iisang grupo kasama ang bata at si Juan ng Endor. Ang mga babae ay sinusundan sila may dalang mga ulam at mga lampara. Ang huling makarating ay sina Lazarus at si Simon. Kaagad nang makapasok sila sa silid, sila ay bumulalas: «Ah! Iyon ay nanggagaling dito!!!» at kanilang inaamoy ang hanging na tigmak ng amoy ng rosas, bagama't ang mga pinto ay maluwang na mga nakabukas.

«Ngunit sino ang nagpabango sa silid nang ganito? Baka si Martha?» marami sa kanila ang nagtanong.

«Ang aking kapatid ay hindi man lang umalis ng bahay, ngayon, pagkatapos ng aming pagkain» tugon ni Lazarus.

«Sino kung gayon? Isang Assyrian na Satrap?» tanong ni Pedro na nagpapatawa.

«Ang pagmamahal ng isang natubos na babae» sabi ni Jesus nang mahigpit.

«Sana hindi niya ginawa ang walang kabuluhang pagpapakita ng katubusang ito at ibinigay na lang sa mahihirap ang kanyang ginasta. Napakarami nila, at alam nila na lagi tayong nagbibigay. Ni wala na nga ako kahit isang maliit na baryang natitira» sabi ng Iskariote na galit. «At kailangan natin na bumili ng tupa, umupa ng isang silid para sa Hapunan at…»

«Ngunit naghandog ako sa inyo ng lahat…» sabi ni Lazarus.

«Hindi iyan tama. Ang ritwal ay nawawalan ng ganda nito. Ang Batas ay nagsasabi: “Kukuha kayo ng isang tupa para sa inyo at sa inyong sambahayan”. Hindi nito sinasabi: “Tatanggap kayo ng isang tupa”.»

Si Bartolomeo ay tumalikod nang bigla, binubuksan niya ang kanyang bunganga, ngunit isinara niya ito kaagad. Si Pedro ay namula sa pagsisikap na maging tahimik. Ngunit ang Zealot, na nasa kanyang sariling pamamahay, ay naramdaman na siya ay makapagsasalita at nagsabi: «Iyan ay mga isu-iso ng mga rabbi… Maaari bang sabihin ko sa iyo na kalimutan ang tungkol diyan at magkaroon, sa halip, ng paggalang para sa aking kaibigan na si Lazarus.»

«Mabuti ang iyong ginawa, Simon.» Si Pedro ay sasabog kung hindi siya magsalita. Napakabuti! Sa palagay ko rin nakakalimot tayo nang labis na tanging ang Guro lamang ang may karapatan na magturo…» Si Pedro ay kinailangan na gumawa ng makabayaning pagsisikap upang sabihin: «tayo ay nakakalimot» sa halip na sabihin: «Si Judas ay nakakalimot.»

«Totoo iyan… ngunit… Ako ay ninenerbiyos… humihingi ako ng paumanhin, Guro.»

«Oo. At tutugon din Ako sa iyo. Ang pagpapasalamat ay isang dakilang birtud. Ako ay nagpapasalamat kay Lazarus. Katulad na ang natubos na babaeng iyon ay nagpapasalamat sa Akin. Ibinubuhos Ko kay Lazarus ang pabango ng Aking pagpapalà, sa katauhan din ng mga, sa pagitan ng mga apostol, na walang kakayahan na makagawa ng ganyan, Ako, ang ulo ninyong lahat. Ang babae ay ibinuhos sa paanan Ko ang pabango ng kanyang lugod sa pagkakaligtas. Kinilala niya ang Hari, siya ay pumunta sa Hari bago ang marami pa kung kanino ang Hari ay naggawad ng mas labis na pagmamahal kaysa sa kanya. Hayaan siyang gawin ang ayon sa kanyang gusto na hindi siya pinipintasan. Hindi niya magagawang mapunta sa Aking aklamasyon, o sa Aking unsiyon. Ang kanyang krus ay nasa kanya nang mga balikat. Pedro, nagtanong ka kung ang isang Assyrian na Satrap ay pumunta rito. Sasabihin ko sa inyong totoo na kahit na ang insenso ng mga Mago, napakapuro at mamahalin, ay hindi kasing tamis o mas mamahalin pa kaysa nito, Ang esensiya nito ay hinaluan ng mga luha at iyan ang dahilan kung bakit iyan ay napakatapang: ang kababaang-loob ay sumusuporta sa pagmamahal at nagagawa ito nitong perpekto. Tayo ay maupo para sa ating pagkain, Aking mga kaibigan…»

At kasabay ang pag-aalay ng pagkain, ang bisyon ay nagtatapos.

240111

 



Sunod na kabanata