201. Ang Iksaminasyon kay Marjiam.

Hunyo 26, 1945.

Maaaring Miyerkules ng umaga sapagkat ang grupo ng mga apostol at mga kababaihan, pinangungunahan nina Jesus at Maria kasama ang bata sa pagitan nila, ay papalapit sa Gate of the Fish. Si Jose ng Arimathea na dumating upang salubungin sila katulad ng kanyang ipinangako, ay naroroon din. Si Jesus ay hinahanap si Alexander, ang sundalo, ngunit hindi Niya siya makita.

«Siya ay wala rin dito ngayon… Bakit kaya…»

Ang pulutong ay napakalaki upang imposibleng-imposible na magtanong tungkol sa mga sundalo, at magkagayunpaman hindi maganda na gawin ito, dahil ang mga Hudyo ay mas walang  pasyensiya higit pa kailanman bago ang mga kapistahan; sila ay balisa din dahil sa pagkakadakip kay Juan Bautista at kanilang inaakusahan si Pilato at ang kanyang mga alipores bilang mga kasabuwat. Nabatid ko na ang sitwasyon ay ganoon dahil ang mga pangalang ginamit sa pagsasagutan sa loob ng pagkakagulo sa pagitan ng mga sundalo at mga mamamayan sa Gate, ay masasagwa… ang mararahas na mga insulto ay sumasabog sa bawat sandali katulad ng mga paputok.

Ang mga babae mula sa Galilee ay naiiskandalo at binabalot nila ang kanilang sarili sa kanilang mga manta at mga belo nang mas mahigpit. Si Maria ay namumula, ngunit nagpapatuloy na walang pag-aalinlangan, kasing tuwid ng isang puno ng palmera, tinitingnan ang Kanyang Anak, Na ni hindi gumagawa ng pagtatangka na magawa ang labis na nag-iinit na mga Hudyo na makita ang rason o himukin ang mga sundalo na maging maawain sa mga Israelita. At sa dahilan na ilan na kung baga di-magandang mga tawag ang ginagamit sa grupo ng mga Galilean, si Jose ng Arimathea ay kumilos papalapit kay Jesus at nakilala ng pulutong na naging tahimik dala ng pagrespeto para sa kanya.

Sa wakas ang Gate of the Fish ay nasa likuran na nila, at ang malaking pulutong ng mga tao, bumubuhos patungo sa bayan nang alun-alon, ay nagmadali sa mga kalsada, kasabay ang mga asno at mga kawan…

«Guro, kami ay naririto!» sigaw ni Tomas, na nasa kabilang dako ng Gate kasama si Felipe at si Bartolomeo.

«Si Judas ba ay wala rito?», «Bakit kayo naririto?» tanong ng marami.

«Hindi. Pumunta kami rito sa pagsikat ng araw, dahil natatakot kami na baka Kayo dumating nang maaga. Ngunit hindi namin siya nakita. Natagpuan ko siya kahapon, kasama niya si Sadoc, ang eskriba, kilala N’yo, si Jose? Ang matanda, payat na payat na lalaki, na may kulugo sa ilalim ng mata. At may mga ibang tao pang kasama niya… mga bata pa. Sinigawan ko siya: “Kumusta, Judas”. Ngunit hindi siya sumagot, nagkukunwaring hindi niya ako kilala. Sinabi ko: “Ngunit ano ang nangyayari sa kanya?” at sinundan ko siya nang mga ilang yarda. Iniwanan niya si Sadoc, na kapag kasama niya ito siya ay nagmumukhang isang Levita, at sinamahan niya ang ibang mga lalaki na mga kaedad niya…  na tiyak na hindi mga Levita… At ngayon siya ay wala na rito… at nalalaman niya na tayo ay nagpasya na pumunta rito!»

Si Felipe ay hindi nagsasalita ng kahit ano. Si Bartolomeo ay hinihigpitan ang kanyang mga labì labis na labis upang ito ay halos hindi na makita, sa pamimilit na mapigilan ang kanyang opinyon, na tumataas mula sa kanyang puso.

«Mabuti! Umalis na tayo gayunpaman! Ako ay tiyak na hindi iiyak dahil sa kanyang ausensiya» sabi ni Pedro.

«Maghintay tayo nang kaunting sandali. Baka naaantala lamang siya» sabing mahigpit ni Jesus.

Sila ay sumandal sa pader, sa malilim na tabi nito, ang mga babae sa iisang grupo, ang mga lalaki sa isa pa.

Suot nilang lahat ang kani-kanilang pinakamagandang mga damit. Si Pedro, lalo na, ay totoong maganda. Pinakikita niya ang isang kasing puti ng niyebe na pampatong sa ulo, adornado ng isang ribon na binurdahan sa pula at ginto. Suot niya ang kanyang pinakamagandang tunika, isang napakadilim na garnet na pula, adornado ng isang bagong sinturon na katulad ang estilo ng dekorasyon ng kanyang pampatong sa ulo. Ang isang kutsilyo, katulad ng isang balaraw, na may ukit na puluhan at isang may butas na tansong kaluban, mula sa butas nito kung saan ang kutsilyo ay nagniningning, ay nakabitin mula sa kanyang sinturon. Ang iba ay armado rin kahit na papaano sa gayon ding hitsura. Tanging si Jesus lamang ang walang armas. Suot Niya ang isang purong puting linen na tunika at isang fleur-de-lis na asul na manta, na tiyak na hinabi ni Maria para sa Kanya sa loob ng mga buwan ng taglamig. Ang damit ni Marjiam ay maputlang pula na may isang gayak sa isang mas madilim na kulay sa paligid ng leeg, mga pupulsuhan at sa laylayan. Isang ribon na katulad nito ang ibinurda sa paikot ng baywang at laylayan ng manta, na dala ng bata sa kanyang kamay at hinahaplos nang masaya. Paminsan-minsan siya ay titingala at ang kanyang maliit na mukha ay nagmumukhang medyo ngumingiti at medyo nag-aalala… Si Pedro din ay may dalang maliit na parsela sa kanyang kamay at hinahawakan niya itong ingat-na-ingat.

Ilang mga sandali ang dumaan… ngunit walang tanda tungkol kay Judas.

«Hindi siya nagpakabába…» bulong ni Pedro, at baka may nasabi pa siyang iba, ngunit si Juan, ang apostol ay nagsabi: «Baka naghihintay siya sa atin sa Golden Gate…»

Sila ay pumunta sa Templo. Ngunit si Judas ay wala roon.

Si Jose ni Arimathea ay nawalan ng pasyensiya . Sinabi niya: «Tayo na.»

Si Marjiam ay naging kung baga maputla at hinahalikan si Maria nagsasabing: «Magdasal… ipagdasal Ninyo ako!»

«Oo, Aking mahal. Huwag kang matakot.  Napakagaling mo…»

Si Marjiam pagkatapos ay kumapit kay Pedro, pinipisil niyang ninenerbiyos ang kamay ni Pedro at sa dahilan na pakiramdam niya hindi pa siya ligtas, ibig niyang kunin ang kamay ni Jesus.

«Hindi Ako sasama, Marjiam. Ako ay magdarasal para sa iyo. Magkikita tayo saka na.»

«Hindi Kayo sasama? Bakit, Guro?» tanong ni Pedro na lubos na nagtataka.

«Sapagkat mas mabuti na ang ganyan…» si Jesus ay seryosong-seryoso, sasabihin ko na nagmumukha Siyang malungkot. At naghinuha Siya: «Jose, sinuman ang makatarungan, ay bagkus sasang-ayon sa Aking pasya.»

 Sa katunayan si Jose ay hindi nagbibigkas ng kahit na anong salita at ang kanyang pananahimik, na may malinaw na ibig sabihin, ay pinatutunayan ang kanyang pagsang-ayon.

«Bueno, kung gayon… tayo na…» si Pedro ay medyo nalulungkot.

Si Marjiam pagkatapos ay kumapit kay Juan. At sila ay umalis, pinangungunahan ni Jose kung kanino ang mga tao ay yumuyuko nang malalim pinakikita ang kanilang paggalang. Si Simon at si Tomas din ay sumama sa kanila. Ang iba ay nananatiling kasama ni Jesus.

Pinasok nila ang bulwagan na pinasok din ni Jesus minsan. Ang isang bata-pang lalaki, na nakaupo sa isang sulok, ay napatayo nang makita si Jose at yumuko siyang malalim hanggang sa halos maabot ang sahig.

«Ang Diyos ay mapasaiyo, Zachariah. Pakiusap na tawagin kaagad sina Asrael at Jacob.»

Ang lalaki ay umalis at bumalik halos kaagad kasama ang dalawang lalaki na mga rabbi, o mga miyembro ng sinagoga, o mga eskriba, hindi ko alam. Dalawang yamot-tingnan na personahe na ang kayabangan ay nawawala lamang sa presensya ni Jose. Walong iba pa na hindi masyadong mapangibabaw na mga lalaki ang sumusunod sa kanila. Sila ay naupo iniiwan ang mga postulante, si Jose ng Arimathea kasama, na nakatayo.

«Ano ang gusto mo, Jose?» tanong ng mas nakatataas na tagapag-iksamen.

«Ibig kong ipresenta sa inyong karunungan ang anak na ito ni Abraham na narating ang edad na ipinanuto upang magpailalim sa Batas at sumunod dito sa pamamagitan ng kanyang sarili mismo.»

«Siya ba ay isang kamag-anak mo?» at sila ay nagkakatinginan na namamangha.

«Tayo ay lahat magkakamag-anak sa Diyos. Ngunit ang bata ito ay isang ulila, at ang lalaking ito, na ang kaninong katapatan ay ginagarantiyahan ko, ay kinupkop siya sa dahilan na ayaw niya na siya ay maging walang mga inapo.»

«Sino ang lalaki? Hayaan na siya mismo ang tumugon.»

«Simon ni Jonas, mula sa Bethsaida sa Galilee, may-asawa walang anak, isang mangingisda para sa mundo, isang anak ng Batas para sa Kataastaasan.»

«At ikaw, isang Galilean, ay kinukuha ang pagiging-amang ito para sa sarili mo? Bakit?»

«Nakasulat sa Batas na kailangan nating alagaan ang mga ulila at mga balo. Iyan ang aking ginagawa.»

«Posible bang malaman niyang mabuti ang Batas upang marapatin na… Ngunit, bata, sabihin mo sa akin. Sino ka?»

«Si Jabez Marjiam ni Juan, mula sa kabukiran malapit sa Emmaus, ako ay ipinanganak labindalawang taon na ang nakararaan.»

«Kung gayon ikaw ay isang Judaean. Nasa batas ba para sa isang Galilean na alagaan siya? Tingnan natin ang mga Batas.»

«Ngunit ano ba ako? Isang ketongin o ako’y isinumpa?» si Pedro ay nagsisimula nang kumulo sa galit.

«Maging tahimik, Simon, ako ang magsasalita para sa kanya. Sinabi ko na sa inyo na ako ay tumatayong garantiya para sa lalaking ito. Kilala ko siya na tila siya ay kasama ko sa bahay. Si Jose na Nakatatanda ay hindi kailanman magmumungkahi ng anuman na laban sa Batas o sa mga batas. Pakiusap na iksaminin ang bata  na may katarungan at bilis. ang bakuran ay puno ng mga bata na mga naghihintay para maiksamen. Pakiusap na magmadali, alang-alang sa lahat.»

«Ngunit sino ang makapagpapatunay na ang bata ay labindalawang taon na at siya’y natubos mula sa Templo?»

«Mapatutunayan ninyo ito sa pagsasaliksik sa mga dokumento. Ito ay isang naka-iinip na pagsasaliksik, ngunit magagawa. Bata, hindi ba’t sinabi mo sa akin na ikaw ay ang panganay?»

«Oo, ginoo. Makikita ninyo ito, sapagkat ako ay ikinunsagra sa Panginoon at tinubos sa pamamagitan ng ipinanutong mga alay.»

«Tingnan natin ang mga detalyeng ito kung gayon…» sabi ni Jose.

«Hindi na iyan kinakailangan» tugon nang malamig ng dalawang mausisang tagapag-iksamen. «Halika rito, bata. Sabihin mo ang Dekalogo» at ang bata ay tumugon nang walang pag-aalinlangan. «Ibigay mo sa akin ang rolyong iyan, Jacob. Basahin, kung mababasa mo.»

«Saan, rabbi?»

«Saan man ang gusto mo. Anuman ang unang makita ng iyong mga mata» sabi ni Asrael.

«Hindi. Halika. Ibigay mo iyan sa akin» sabi ni Jacob. Pagkatapos kanyang biniklad ang rolyo at nagsabi: «Dito.»

«“Sinabi Niyang lihim sa kanila pagkatapos: ‘Pagpalain ang Panginoon ng Langit, bigkasin ang Kanyang kapurihan sa harapan ng lahat na nabubuhay, sapagkat Siya ay naging maawain sa inyo. Tama na ilihim ang lihim ng isang hari, ngunit tama rin na ibunyag…’”.»

«Sapat na iyan, sapat-na-sapat na iyan! Ano ang mga ito?» tanong ni Jacob, ipinakikita ang mga palawit ng kanyang manta.

«Ang sagradong mga palawit, ginoo: isinusuot natin iyan upang maalaala na tin ang mga alituntunin ng Kataastaasang Panginoon.»

«Nasa batas ba para sa mga Israelita na kumain ng kahit na anong karne?...» tanong ni Asrael.

«Hindi, ginoo. Tanging ang mga karne lamang na inihayag na malinis.»

«Sabihin mo sa akin ang mga alituntunin…»

At ang masunuring bata ay sinimulan ang kabit-kabit na: «Hindi mo…»

«Sapat na iyan! Bilang isang Galilean, labis pa ang kanyang nalalaman. lalaki, nasa sa iyo na ngayon na panumpaan na ang bata ay nasa edad na.»

Si Pedro, sa pamamagitan ng pinakamagandang yumi na magagawa pa niya pagkatapos ng labis na kagaspangan, ay binigkas ang kanyang paternal na talumpati: «Ayon sa inyong natuklasan, ang aking anak, sa ipinanutong edad, ay nalalaman kung papaano niya dadalhin ang kanyang sarili, dahil alam niya ang Batas, ang mga alituntunin, ang mga kinaugalian, ang mga tradisyon, ang mga seremonya, ang mga pagpapalà, ang mga panalangin. Kung gayon, ayon sa inyong napatotohanan, kapwa siya at ako ay mahihiling sa inyo na ideklara siyang nasa edad. Sa katunayan, nasabi ko sana iyan sa inyo bago pa man; ngunit ang kaugalian ay nalabag dito, at hindi naming mga Galilean, at ang bata ay tinanong bago ang ama. Ngunit sasabihin ko ito sa inyo: sa dahilan na nahusgahan ninyo siyang may kakayahan, mula sa sandaling ito hindi na ako mananagot para sa kanyang mga kilos, ni sa mga mata ng Diyos o ng mga tao.»

«Pumunta sa sinagoga.»

Ang maliit na prusisyon ay pumunta sa sinagoga, sinusundan ng yamot na mga tingin ng mga rabbi na inilagay ni Pedro sa kanila. Habang nakatayo si Marjiam sa harapan ng mga atril at mga lampara, pinuputulan nila ang kanyang buhok, iniklian ito upang matakpan nito ang kanyang tainga, samantalang bago nito ito ay umaabot sa kanyang mga balikat. Si Pedro pagkatapos ay kinuha ang kanyang maliit na parsela at inilalabas dito ang isang magandang pulang delanang sinturon binurdahan sa kulay ginto at itinatali ito sa baywang ng bata, at habang ang mga pari ay nagtatali ng maliliit ng mga balat na laso sa kanyang noo at braso, si Pedro ay abala sa pag-aayos sa mga sagradong palawit sa kanyang manta na inabot ni Marjiam sa kanya. At si Pedro ay labis na naaantig ang damdamin nang kanyang isinasaawit ang himno pinupuri ang Panginoon!...

Ang seremonya ay tapos. Mabilis silang lumabas at si Pedro ay nagsabi: «Salamat kabutihan! Hindi ko na iyon matagalan! Ano sa palagay mo, Jose? Ni hindi nila isinagawa ang ritwal. Hindi na bale. Ikaw, aking anak, ay may Isa Na magkokonsagra sa iyo… Tayo na at kunin natin ang tupa para sa sakripisyo ng pagpupuri sa Panginoon. Isang maliit na tupa, kasing mahal katulad mo. At salamat sa iyo, Jose! Magsalita ka ng “pasasalamat” sa dakilang kaibigan na ito. Kung ikaw ay wala roon, baka kami ay labis na inabuso nila.»

«Simon, natutuwa ako na ako ay naging may-pakinabang sa isang makatarungang tao katulad mo, at hinihingi ko sa iyo na pumunta sa aking bahay sa Bezetha para sa hapunan. Siyempre, isasama mo ang lahat na iba pa.»

«Tayo na at sabihin sa Guro. Para sa akin…. ito ay labis-na-labis na isang karangalan!» sabing may kababaang-loob ni Pedro, ngunit siya ay masayang-masaya.

Dinaraanan nilang muli ang mga bakuran at mga bulwagan patungo sa bakuran ng mga kababaihan, kung saan ang mga kaibigan ni Marjiam ay binabati siya. Ang mga kalalakihan pagkatapos ay pumunta sa bulwagan ng mga Israelita kung naroroon si Jesus kasama ang Kanyang mga disipulo. Lahat sila ay nagsama-sama sa iisang marangal na masayang pagtitipon, at habang si Pedro ay umalis upang isakripisyo ang tupa, lahat sila ay nagpatuloy sa paglalakad sa mga beranda at mga bakuran patungo sa unang bakuran.

Gaano kasaya si Pedro kasama ang kanyang bata, na isa nang perpektong Israelita ngayon! Napakasaya niya nang labis upang hindi niya napupuna ang kulubot na lumalalim sa noo ni Jesus. Napakasaya na hindi niya napupuna ang kung baga mapaniil na katahimikan ng kanyang mga kasamahan. Tanging sa bulwagan lamang ng bahay ni Jose – nang ang bata, nang tinanong ng panritwal na tanong na kung ano ang kanyang gustong gawin sa hinaharap, ay tumugon: «Ako ay magiging isang mangingisda katulad ng aking ama» - na si Pedro, lumuluha, ay nakaalaala at nakaintindi.

«Ngunit… si Judas ay sinira ang ating kapistahan sa pamamagitan ng isang patak ng lason… At Kayo ay balisa, Guro… at iyan kung bakit ang iba ay malungkot. Patawarin Ninyo ako kung hindi iyan napuna kanina… Ah! Judas!...»

Sa palagay ko ang puso ng lahat ay nagbubuntung-hininga katulad ng kay Pedro. Ngunit si Jesus, upang maalis ang lason, ay nagsisikap na ngumiti at nagsabi: «Huwag kang mag-alala, Simon. Nalulungkot lamang kami dahil sa iyong asawa… Iniisip Ko rin ang tungkol sa kanya; napakabuti niya at siya lagi ang naisasakripisyo. Ngunit malapit nang magkaroon siya ng kanyang lugod, hindi inaasahan ngunit kalulugdan. Isipin natin ang kabutihan na nasa mundo. Halika. Kung gayon nasagutan nang tama ni Marjiam ang lahat na tanong? Alam Kong masasagot niya…»

Si Jose ay bumalik sa bulwagan pagkatapos na mabigyan ng mga tagubilin ang mga katulong. «Pinasasalamatan ko kayong lahat» sabi niya «sa paggawa sa akin na maramdaman na bata akong muli sa pamamagitan ng seremonyang iyon at para sa karangalan na mapunta sa aking bahay ang Guro, ang Kanyang Ina, ang Kanyang mga kamag-anak at kayong lahat, aking minamahal na mga kapwa disipulo. Halikayo sa aking hardin. Malamig doon at ang mga bulaklak…» at ang lahat ay natapos.

 240111

 



Sunod na kabanata