202. Sa Templo sa Bispiras ng Paskuwa.

Hunyo 27, 1945.

Bispiras ngayon ng Paskuwa. Si Jesus ay nag-iisa kasama ang Kanyang mga apostol, sapagkat ang mga kababaihan ay hindi sumali sa grupo, at naghihintay Siya para kay Pedro, na nagdala sa tupa ng Paskuwa na isasakripisyo. Habang sila ay naghihintay at nagsasalita kay Marjiam tungkol kay Solomon, si Judas ay tinatawid ang bakuran. Kasama niya ang isang grupo ng mga bata-pang mga kalalakihan mapagpasikat na pakaway-kaway at umaasta ng isang ganadong tao. Lagi niyang ipinapagpag ang kanyang manta, pagkatapos ibabalot ito sa kanyang sarili may kagalingan na tumitigil nang panandalian. Hindi sa palagay ko si Cicero nagmukhang napakadakila nang nagbibigay ng kanyang mga talumpati…

«Tingnan ninyo, si Judas ay nasa banda roon!» sabi ni Tadeo.

«Kasama siya sa isang grupo ng saforim» wika ni Felipe.

At si Tomas ay nagsabi: «Pakikinggan ko kung ano ang kanyang sinasabi» at siya ay tumakbo bago si Jesus makapagsabi ng isang inaasahang «Huwag».

O! Ang hitsura ni Jesus! Isang hitsura ng paghihirap at ng mahigpit na pagpapasya. Si Marjiam na tumitingin sa Kanya habang Siya ay nagsasalita nang may kabaitan at medyo malungkot tungkol sa dakilang hari ng Israel, ay napuna ang biglang pagbabago, at halos mahintakutan nito at inuuga ang kamay ni Jesus upang mabalik Siya sa Kanyang ulirat bumubulalas: «Huwag tumingin! Huwag tumingin! Tingnan ako, dahil minamahal ko Kayo.»

Si Tomas ay nagtagumpay na makalapit kay Judas na hindi siya nakikita niya at sinundan siya nang mga ilang hakbang. Hindi ko alam kung ano ang kanyang napapakinggan, ngunit alam ko na napabulalas siya nang bigla upang nagawa ang maraming tao na lumingon, at lalo na si Judas, na nangitim sa galit: «Ilang mga rabbi ang nasa Israel! Binabati kita, bagong liwanag ng karunungan!»

«Ako ay hindi isang pangkiskis na bato. Ako ay isang espongha. At ako ay sumisipsip. At kapag ang mithiin ng mga nagugutom para sa karunungan ay hinihingi ito, pinipiga ko  ang lahat ng aking katas ng buhay upang ibigay sa kanila…» si Judas ay arogante at mapanuya.

«Ang tunog mo ay katulad ng perpektong alingawngaw. Ngunit mayroon lamang alingawngaw, kung ito ay malapit sa Tinig. Kung hindi ito ay naglalaho, aking kaibigan. Ikaw ay tila papalayo rito. Siya ay nasa banda roon. Hindi ka ba sasama?»

Si Judas ay nagbago ang kulay, na may mapaghinanakit na nakasusuklam na hitsura ng kanyang pinakamasamang mga sandali. Ngunit pinipigilan niya ang kanyang sarili. Sinabi niya: «Paalam, aking mga kaibigan. Naririto ako kasama mo, Tomas, aking minamahal na kaibigan. Tayo kaagad sa Guro. Hindi ko nalalaman na Siya ay naririto sa Templo. Kung nalaman ko lamang, hinanap ko sana Siya» at kanyang niyakap ang mga balikat ni Tomas ng kanyang braso, na tila giliw-na-giliw siya sa kanya.

Ngunit si Tomas na matahimik ngunit hindi tanga, ay hindi nagpapaloko sa ganyang mga pambobola… at nagtanong kung baga matuso: «Ano? Hindi mo ba alam na ngayon ay Paskuwa? At iniisip mo ba na ang Guro ay hindi matapat sa Batas?»

«O! Hindi kailanman sa buhay mo! Ngunit nang nakaraang taon siya ay paikut-ikot, at nagsalita… Naaalaala ko ang pinaka-araw na ito. Nabighani Niya ako sa pamamagitan ng Kanyang makaharing kapangyarihan… Ngayon… tinitingnan Niya ako katulad ng isang nawalan ng sigla. Hindi ba sa palagay mo?»

«Hindi, hindi sa palagay ko. Sa palagay Siya ay nagmumukhang katulad ng isa na nawalan ng paggalang.»

«Oo, sa Kanyang misyon, tamang-tama ka.»

«Hindi. Hindi mo ako naintindihan. Nawalan ng paggalang sa Kanya ang mga tao. At ikaw ay ang isa na may kagagawan nito. Nakakahiya ka!» Si Tomas ay hindi na ngumingiti. Siya ay seryoso at ang kanyang mga salita ay tinatamaan si Judas katulad ng isang latigo.

«Bantayan kung papaano ka magsalita!» pananakot ng Iskariote.

«Bantayan kung papaano ka umaasal. Tayo ay dalawang Hudyo rito, na walang mga saksi. At iyan ang dahilan kung bakit ako nagsasalita sa iyo. At sasabihin kong muli: “Nakakahiya ka!”. At ngayon manahimik. Huwag kang magkunwaring trahedya at huwag kang magsimulang umungol, kung hindi magsasalita ako sa harapan ng lahat. Naroroon ang Guro at ang iyong mga kasamahan. Pigilan mo ang iyong sarili.»

«Kapayapaan sa Inyo, Guro…»

«Kapayapaan sa iyo, Judas ni Simon.»

«Isang malaking kaginhawahan para sa akin na makita Kayo rito… Ibig kong makipagusap sa Inyo…»

«Gawin mo.»

«Alam N’yo… ibig kong sabihin sa Inyo… Hindi ba Kayo puwedeng makinig sa akin sa tabi?»

«Nasa pagitan ka ng mga kasamahan mo.»

«Ngunit Kayo lamang ang ibig ko.»

«Sa Bethany Ako ay nag-iisa kasama ang mga nangangailangan o naghahanap para sa Akin, ngunit ikaw ay hindi naghahanap para sa Akin. Iniiwasan mo Ako…»

«Hindi, Guro. Hindi Ninyo masasabi iyan.»

«Bakit mo sinaktan si Simon at Ako kahapon, at si Jose ng Arimathea, ang iyong mga kasamahan at ang Aking Ina at ang iba pang mga babae rin?»

«Nasaktan ko? Ngunit hindi ko kayo nakita!»

«Ayaw mo kaming makita. Bakit hindi ka pumunta, katulad ng napagkasunduan, upang pagpalain ang Panginoon dahil sa isang inosenteng bata na tinatanggap ng Batas? Sabihin mo sa Akin! Ni hindi mo naramdaman ang pangangailangan na pasabihan kami na ikaw ay hindi darating.»

«Naroroon ang aking ama!» sigaw ni Marjiam na nakakita kay Pedro na bumabalik dala ang kanyang tupa, na pinatay, tinanggalan ng laman-loob at isinara ulit ang tiyan. «O! Si Micah at ang iba pa ay kasama niya! Pupunta ako, makakapunta ba ako at salubungin sila at makapakinig ng balita tungkol sa aking matandang ama?»

«Oo, anak, lakad» sabi ni Jesus hinahaplos ang bata. At hinihipo si Juan ng Endor sa balikat, sinabi Niya sa kanya: «Pakiusap na sumama sa kanya at… panatilihin sila roon nang kaunting sandali.» At kinakausap Niya si Judas muli: «Sabihin mo sa Akin! Hinihintay Ko ang tugon mo.»

«Guro… isang biglaang tungkulin… isang di mapahihindian… nalulungkot ako nang labis… ngunit…»

«Ngunit wala ba ni isang tao sa Herusalem na makapagbibigay sa iyo ng katwiran, halimbawang mayroon kang ikakatwiran? At kahit na iyan ay isa ring pagkukulang. Paaalalahanan Kita na kamakailan lamang ang isang lalaki ay hindi naglibing ng kanyang ama upang sundan Ako, at ang mga kapatid Kong ito ay iniwan ang bahay ng kanilang ama sa gitna ng mga panunumpa, upang sundan Ako, at sina Simon at Tomas, at si Andres, si Santiago, Juan, Felipe at si Natanael kasama sila, ay iniwan ang kanilang mga pamilya at si Simon na Kananeo iniwan ang kanyang kayamanan upang ibigay ito sa Akin at si Mateo ang kanyang kasalanan upang sundan Ako. At makapagbabanggit pa Ako ng sandaan pang mga pangalan. Ito ang mga tao na iniwan ang kanilang mga pamumuhay, ang kanilang pinakabuhay, upang sundan Ako sa Kaharian ng Langit. Ngunit sa dahilan na ikaw ay napakamakasarili, maging mapag-alang-alang man lamang. Ikaw ay walang karidad, maging pino man lamang. Sa dahilan na gusto mo sila, gayahin ang mga huwad na Pariseo na nagtataksil sa Akin, na nagtataksil sa amin katulad ng mga may-pinag-aralang mga tao. Katungkulan mo na maging libre upang makasama namin kahapon, upang hindi masaktan si Pedro, na para kung kanino Ako ay humihingi ng respeto mula sa lahat. Ngunit kung ikaw man lamang ay nagpahatid na abiso…»

«Nagkamali ako. Ngunit ngayon ako pumupunta sa Inyo nang sadya, upang sabihin sa Inyo na para sa gayon ding dahilan hindi ako makakasama bukas. Alam N’yo… kasama ko ang mga kaibigan ng aking ama at…»

«Tama na iyan. Sumama ka sa kanila. Paalam.»

«Guro… galit ba Kayo sa akin? Sinabi Ninyo sa akin na tatayo Kayo bilang aking ama… Ako ay isang pabayang anak, ngunit ang isang ama ay nagpapatawad…»

«Pinatatawad Kita. Ngunit umalis ka na. Huwag mong papaghintayin ang mga kaibigan ng iyong ama, katulad na hindi Ko pinaghihintay ang mga kaibigan ng banal na si Jonah.»

«Kailan Kayo aalis sa Bethany?»

«Sa katapusan ng Kapistahan ng Walang Lebadurang Tinapay. Paalam.»

Si Jesus ay tumalikod at nagpatungo sa mga magbubukid na mga nasa labis na pananabik tungkol kay Marjiam na labis na nagbago na. Gumagawa Siya ng ilang mga hakbang at pagkatapos tumigil dahil sa winika ni Tomas: «O! Jehovah! Ibig niyang makita sa Inyo ang kapangyarihan ng isang Hari! Nakuha niya ang ginusto niya!...»

«Nakikiusap Ako sa inyong lahat na kalimutan ang nangyari, katulad na nagsisikap Ako na kalimutan ito. Inuutos Ko sa inyo na huwag magbabanggit ng tungkol diyan kay Simon ni Jonah, Juan ng Endor at sa maliit na bata. Para sa mga dahilan na madali ninyong maintindihan, mas mabuti nang huwag papaghirapin o iskandaluhin ang tatlong iyon. At wala kahit na anong salita tungkol diyan sa Bethany, kasama ang mga kababaihan. Ang Aking Ina ay naroroon, huwag kalimutan iyan.»

«Huwag mag-alala. Guro.»

«Gagawin namin ang lahat na magagawa namin upang makagawa ng pagbabago.»

«At mapaginhawahan Kayo» sabi nilang lahat.

«Salamat sa inyo… O! Kapayapaan sa inyong lahat. Natagpuan kayo ni Isaac. Natutuwa Ako. Kasiyahan ninyo ang inyong Paskuwa sa Kapayapaan. Ang Aking mga pastol ay magiging kasing daming mabubuting kapatid sa inyo. Isaac, bago sila umalis, dalhin mo sila sa Akin. Ibig Ko silang pagpalain muli. Nakita na ba ninyo ang bata»

«O! Guro! Gaano siya kalusog! Siya ay malusog-na-malusog na! Sasabihan namin ang matanda. Magiging masayang-masaya siya. Ang makatarungang taong ito ay sinabi sa amin na si Jabez ay kanya nang anak… Ito ay isang kaloob ng Probidensiya! Sasabihin namin sa kanya ang lahat.»

«Pati rin na ako ay isa nang anak ng Batas. At na ako ay masaya. At lagi ko siyang naaalaala. At kailangan na huwag siyang umiyak para sa akin o para sa aking ina. Siya ay malapit sa akin at siya ay malapit sa kanya katulad ng isang anghel at lagi siyang mapapasakanya, pati rin sa oras ng kamatayan, at kung nabuksan ni Jesus ang mga tarangkahan ng Langit, bueno, diyan darating ang aking inay upang salubungin ang matandang ama at ang aking ina ay magiging mas maganda kaysa sa isang anghel at dadalhin niya ang matandang ama kay Jesus. Sinabi sa akin ni Jesus. Sasabihin ba ninyo sa kanya? Masasabi ba ninyo nang maayos sa kanya?»

«Sigurado, Jabez.»

«Hindi. Ngayon ako ay si Marjiam. Ang Ina ng Panginoon ay ibinigay sa akin ang pangalan na iyan. Ito ay tila sinabi mo ang Kanyang pangalan. Minamahal Niya ako nang labis. Pinatutulog Niya ako sa gabi at pinapagdasal Niya ako ng dasal na ginawa Niya para dasalin ng Kanyang Sanggol. At ginigising Niya ako sa pamamagitan ng halik, binibihisan Niya ako at tinuturuan ako ng maraming mga bagay. Si Jesus din. Ngunit tinuturuan nila ako nang napakagiliw upang natututo nang walang kahirapan. Aking Guro!!!» Ang bata ay dumidikit kay Jesus nang may pagsamba at pagmamahal na totoong nakakaantig ng damdamin.

«Oo, sabihin ninyo sa kanya ang lahat, pati rin ang huwag mawalan ng pag-asa. Ang anghel na ito ay nagdarasal para sa kanya at pinagpapalà Ko siya. pinagpapalà Ko rin kayo. Humayo. Ang kapayapaan ay sumainyo.»

Ang dalawang grupo ay naghiwalay, ang bawat isa sa sariling daan nito.

250111

 

 



Sunod na kabanata