203. Ang «Ama Namin».

Hunyo 28 1945.

Si Jesus ay lumabas kasama ang Kanyang mga apostol mula sa isang bahay malapit sa mga pader at sa palagay ko sila ay nasa distrito pa ng Bezetha, sapagkat upang makalabas sa mga pader, ang isa ay kailangan na dumaan muli sa bahay ni Jose, malapit sa Gate, na sa napakinggan ko tinatawag ng mga tao na Herod’s Gate. Ang bayan ay medyo walang mga tao sa matahimik na naliliwanagan ng buwan na gabi. Naintindihan ko na ipinagdiwang nila ang Paskuwa sa isa sa mga bahay ni Lazarus, na, bagama't, ay hindi ang isang bahay ng Huling Hapunan, Ang mga ito sa katunayan ay magkalayo. Ang isa nasa hilaga, ang isa pa nasa timog ng Herusalem.

Sa pamasukan si Jesus ay nagpapaalam, sa pamamagitan ng Kanyang karaniwang kabaitan, kay Juan ng Endor, na siyang mag-aalaga sa mga kababaihan at na Kanyang pinasasalamatan sa pagtanggap ng katungkulan. Hinahalikan Niya si Marjiam, na pumunta rin sa pintuan at pagkatapos lumabas upang magpatungo sa Herod’s Gate.

«Saan tayo pupunta, Panginoon?»

«Sumama sa Akin. Dadalhin Ko kayo upang koronahan ang Paskuwa sa pamamagitan ng matagal nang hinahanap na perlas. Iyan kung bakit ibig Kong mag-isang kasama kayo. Aking mga apostol! Salamat sa inyo, Aking mga kaibigan, para sa inyong dakilang pagmamahal pata sa Akin. Kung nakikita lamang ninyo kung papaano Ako nito napagiginhawahan, mamamangha kayo.

Kita ninyo: Ako ay nagpapatuloy sa gitna ng patuloy na mga sagabal at mga kabiguan. Mga kabiguan para sa inyo. Kailangan na kumbinsihin ninyo ang inyong sarili na Ako ay hindi kailanman nakararamdam ng kabiguan, sapagkat Ako ay hindi pinagkalooban ng regalo ng di-pagpansin… Iyan ay isa pang rason kung bakit pinapayo Ko sa inyo na pumayag kayo na magabayan Ko kayo. Kung pinahihintulutan Ko ang bagay na ito o iyon, huwag hadlangan ito. Kung Ako ay hindi nakikialam na tapusin ang isang bagay, huwag magsikap na gawin ninyo ito mismo. Ang bawat bagay ay kailangan na gawin sa tamang sandali. Pagtiwalaan Ako, sa lahat ng bagay.»

Sila ay nasa hilagang-silangan sulok ng paikot ng mga pader; inikutan nila ito at nagpatuloy sa tabi ng burol ng Moriah hanggang sa isang punto kung saan matatawid nila ang Kidron sa pamamagitan ng isang maliit na tulay.

«Tayo ba ay magpapatungo sa Gethsemane?» tanong ni Santiago ni Alfeo.

«Hindi. Mas malayo pa. Sa Mount of Olives

«O! Magiging maganda ito!» sabi ni Juan.

«Pati rin ang bata ay sana nagustuhan ito» bulong ni Pedro.

«O! Magkakaroon ng mas marami pang pagkakataon para sa kanya na makapunta rito! Siya ay pagod na. Siya ay isa pa lamang bata. Ibig Ko kayong bigyang ng dakilang bagay sapagkat ang tamang sandali ay dumating na para mapasainyo ito.»

Sila ay umaakyat sa gitna ng mga punong olibo, iniiwan ang Gethsemane sa kanan, hanggang narating nila ang tuktok ng bundok, kung saan ang mga dahon ng mga punong olibo ay nagkakaluskusan sa hangin.

Si Jesus ay tumigil at nagsabi: «Tumigil tayo… Aking mga disipulo na siyang magpapatuloy ng Aking gawain sa hinaharap, lumapit sa Akin. Maraming beses na nag nagsabi kayo  sa Akin: “Turuan Ninyo kami na magdasal katulad ng Inyong pagdarasal. Turuan kami, katulad na tinuruan ni Juan ang kanyang mga disipulo, upang kami ay sana makapagdasal sa pamamagitan ng parehong mga salita ng aming Guro”. At Ako’y laging tumutugon sa inyo: “Gagawin Ko iyan kapag nakita Ko na sa inyo ang pinakamaliit na sapat na preparasyon upang ang panalangin ay hindi maging isang walang-katuturang pormularyo ng pantaong mga salita, bagkus isang tunay na pakikipagusap sa Ama”. Ang sandaling iyan ay dumating. Nasa inyo na ang kinakailangan upang malaman ang mga salitang karapat-dapat na bigkasin sa Diyos. At ibig Kong ituro ang mga ito sa inyo ngayong gabi, sa kapayapaan at sa ating nagkakaparehong pagmamahalan, sa kapayapaan at pagmamahal ng Diyos at kasama ang Diyos, sapagkat bilang mga totoong Israelita nasunod natin ang alituntunin ng Paskuwa at nasunod natin ang ipinag-uutos ng Diyos tungkol sa pagmamahal para sa Diyos at sa ating kapwa. Ang isa sa inyo ay naghirap nang labis sa mga nakaraang mga araw. Naghirap siya nang hindi nararapat, at dahil din sa kanyang pagsisikap na mapigilan ang kanyang galit gawa ng di-karapat-dapat na gawa. Oo, Simon ni Jonah, halika rito. Wala ni isang tibok ng iyong puso ang naitago sa Akin, ni wala kahit isang paghihirap na hindi Ko ipinaghirap na kasama mo. Kapwa Ako at ang iyong mga kasamahan…»

«Ngunit Kayo, aking Panginoon, ay mas lalong nasaktan kaysa sa akin. At iyan para sa akin ang mas masakit… hindi… isang mas sensitibo… hindi, hindi iyan… isang mas…. Mas. Bueno: na si Judas ay kailangan na umiwas na makapunta sa aking kapistahan, ay nakasakit sa akin bilang isang tao. Ngunit ang makita Kayong naghihirap at sinasaktan ay nakasakit sa akin sa ibang pamamaraan at naghirap ako nang mas doble… Ako.. Ako ay ayaw kong magyabang at magpakita sa paggamit ng Inyong mga salita… Ngunit kailangan kong sabihin, at kung ito ay dahil sa pagmamataas ng sarili ko, sabihin sa akin, kailangan kong sabihin na naghirap ako sa pamamagitan ng aking kaluluwa… at mas nakakasakit ito.»

«Iyan ay hindi pagmamataas, Simon. Ikaw ay naghirap sa espiritu, sapagkat si Simon ni Jonah, isang mangingisda sa Galilee, ay nagbabago na sa pagiging ang Pedro ni Jesus, ang Guro ng mga espiritu, kung kaya naman pati ang lahat Niyang disipulo ay nagiging aktibo at marunong sa espiritu. Ito ay para sa iniunlad na ito ninyong lahat, na ibig Kong ituro sa inyo ang panalangin ngayong gabi. Gaano kayo nagbago pagkatapos ng pagsosolo na pagreretiro!»

«Lahat, Panginoon?» tanong ni Bartolomeo na ang tunog ay kung baga di makapaniwala.

«Naiintindihan Ko ang ibig mong sabihin… Ngunit Ako ay nagsasalita sa inyong labing-isa. Hindi sa kung sino pang iba…»

«Ngunit ano ang nangyayari kay Judas ni Simon, Panginoon? Hindi na namin siya maintindihan pa… Tila nagbago siya nang labis, ngunit ngayon, mula nang umalis tayo sa lawa…» sabi ni Andres na pinanghihinaan ng loob.

«Manahimik, kapatid. Nasa akin ang susi sa misteryo! Ang kaunti ni Beelzebub ay nanatili sa kanya. Pumunta siya upang hanapin ito sa kuweba ng Endor upang magulat tayo… at siya ay pinagbigyan ayon sa nararapat sa kanya! Ang Guro ay sinabi ito nang araw na iyon… Sa Gamala ang mga dimonyo ay nagtakbuhan patungo sa mga baboy. Sa Endor ang dimonyo ay lumabas sa kaawa-awang kapus-palad na si Juan at pumunta sa kanya… Alam natin iyan… alam natin… Hayaan Ninyong sabihin ko sa kanila, Guro! Nasa akin iyan dito, sa loob ng aking lalamunan, at kung hindi ko ito sasabihin, ito ay hindi lalabas at lalasunin ako nito…»

«Maging mabuti, Simon!»

«Oo, Guro… At titiyakin ko sa Inyo na hindi ako magiging malupit sa kanya. Ngunit sasabihin ko at sa palagay ko sa dahilan na si Judas ay isang mabisyong lalaki – at nalalaman natin lahat iyan – siya ay kahit papaano nakakahawig sa isang baboy – at hindi kataka-taka na ang mga dimonyo ay gustung-gustong piliin ang mga baboy kapag… nagbabago sila ng mga tirahang-lugar. Ayan na iyan: nasabi ko na.»

«Sa palagay mo ba ganyan iyan?» tanong ni Santiago ni Zebedeo.

«Ano pang iba! Walang ibang rason kung bakit labis siyang di-mapaamo. Mas malala na siya ngayon kaysa nang sa Clear Water! At doon maaaring isipin ng isa na ang nagpapakaba sa kanya nang labis ay ang lugar at ang panahon. Ngunit ngayon…»

«May isa pang rason, Simon…»

«Sabihin Ninyo sa amin, Guro. Magiging masaya ako na baguhin ko ang aking isip tungkol sa aking kasama.»

«Si Judas ay naninibugho. Hindi siya mapakali sapagkat naninibugho siya.»

«Naninibugho? Kanino? Siya ay walang asawa, at kahit na kung mayroon, at sumasama sa mga babae, sa palagay ko wala sa amin ang magiging malupit sa kapwa disipulo.»

«Naninibugho siya sa Akin. Isipin na lang: si Judas ay nagbago pagkatapos ng Endor at pagkatapos ng Esdraelon. Ibig sabihin, nang makita niya na inaalagaan Ko si Juan at si Jabez. Ngunit ngayon na si Juan, higit sa lahat si Juan, ay aalis na, dahil iiwanan niya Ako at mananatiling kasama ni Isaac, makikita mo na si Judas ay magiging masaya at mabuti muli…»

«Bueno!... Ngunit hindi Ninyo sasabihin sa akin na hindi siya naalihan ng isang maliit na dimonyo. Higit sa lahat… Hindi; sasabihin ko ito! At higit sa lahat hindi Ninyo sasabihin sa akin na siya ay umunlad sa loob ng mga huling buwan na ito.  Ako ay nanibugho rin, nang nakaraang taon… Ayaw ko ng sinuman maliban sa anim sa amin, ang unang anim, naaalaala ba Ninyo? Ngayon, ngayon… Hayaan Ninyo ngayon lamang na panawagan ko ang Diyos bilang saksi sa kung ano ang sasabihin. Ngayon sasabihin ko na habang mas dumadami ang bilang ng mga disipulo sa paligid Ninyo, mas lalo akong nagiging masaya. O! Ibig kong dalhin ang lahat na tao sa Inyo at ibig ko rin na magkaroon ng lahat na pamamaraan  upang matulungan ang mga nasa pangangailangan, upang ang kahirapan ay hindi mahadlangan ang sinuman na makarating sa Inyo. Nakikita ng Diyos kung ako ay nagsasalita ng katotohanan. Ngunit bakit ako ganyan ngayon? Sapagkat pinababayaan ko Kayo na baguhin Ninyo ako. Siya… ay hindi nagbago. Sa kabaligtaran… Oo, Guro… Ang isang maliit na dimonyo ay nahawakan siya…»

«Huwag mong sabihin iyan. Huwag mong isipin iyan. Magdasal na sana siya ay gumaling. Ang paninibugho ay isang sakit…»

«Mula kung saan ang isa ay maaaring mapagaling, bukod sa Inyo, kung gugustuhin ng isa. Ah! titiisin ko siya, alang-alang sa Inyo… Ngunit, gaano ito kahirap!...»

«Binigyan Kita ng gantimpala para diyan: ang bata. At ngayon tuturuan Ko na kayo kung papaano magdasal…»

«O! oo, Kapatid. Iyan ang ating pagusapan… at alalahanin ang kapareho kong pangalan bilang isa na nangangailangan lamang ng panalangin. Sa palagay ko nagkaroon na siya ng kanyang kaparusahan. Siya ay hindi natin kasama ngayon lang!» sabi ni Judas Tadeo.

«Makinig. Kapag kayo ay nagdarasal, magdasal nang ganito: “Ama namin, Na nasa Langit, panghawakan sanang banal ang Inyong pangalan, ang Inyong Kaharian ay sana pumunta sa lupa katulad na ito ay nasa Langit, at sana masunod ang Inyong kalooban sa lupa katulad na ito ay nasusunod sa Langit. Bigyan Ninyo kami ngayon ng aming pang-araw-araw na tinapay, patawarin Ninyo ang aming mga pagkakautang katulad na pinatatawad namin ang mga nagkakautang sa amin, at huwag Ninyo kaming ilagay sa pagsubok, bagkus iligtas Ninyo kami sa Kasamaang Isa”.»

Si Jesus ay tumayo upang bigkasin ang panalangin at ang lahat ay ginaya Siya, maasikaso at naaantig ang damdamin.

«Wala nang iba pa ang kinakailangan, Aking mga kaibigan. Ang lahat na kailangan ng tao para sa kanyang espiritu at sa kanyang laman at dugo ay nasa mga salitang ito katulad ng nasa isang ginintuang singsing. Sa pamamagitan ng dasal na ito hihingi kayo para sa kung ano ang may pakinabang para sa una at sa dalawang huli. At kung ginagawa ninyo kung ano ang hinihingi ninyo, mapupunta sa inyo ang eternal na buhay. Ito ay perpektong-perpekto na isang panalangin na ni ang mga bagyo ng mga erehiya o ang pagtakbo ng mga panahon ay mapapawalang-bisa ito. Ang Kristiyanismo ay mahahati ng kagat ni Satanas at maraming bahagi ng Aking mistikal na katawan ang mapupunit mula rito at maihihiwalay, pumoporma ng mga independiyenteng mga grupo sa walang kabuluhang mithiin na makaporma ng isang katawan na kasing perpekto ng kalalabasan ng mistikal na Katawan ni Kristo, na siyang mabubuo ng lahat na mga matatapat ng mga naniniwala kaisa ng apostoladong Simbahan, ang tanging totoong Simbahan, habang naririyan ang lupa, ngunit ang mga napahiwalay na maliliit na grupo, nagkukulang ng mga regalo, na Aking iiwanan sa Inang Simbahan upang mapakain ang Aking mga anak, ay mananatiling laging may pangalang Kristiyano, dahil sa kanilang pagsamba sa Kristo. Bueno, sila ay mananalangin sa pamamagitan ng unibersal na panalangin din na ito. Tandaan ito nang mabuti. Pagnilay-nilayan ito lagi. Isabuhay ito sa inyong mga kilos. Wala na kayong pangangailangan pang iba upang mapabanal ang inyong mga sarili. Kung ang isa ay nag-iisa, sa paganong lugar, walang mga simbahan, walang mga aklat, nasa kanya na ang lahat upang mapagnilay-nilayan ito sa panalanging ito at isang simbahan sa kanyang puso para sa panalanging ito. Ang isa ay magkakaroon ng isang ligtas na panuntunan ng pagpapakabanal.

“Ama namin”.

Tinatawag Ko Siyang: “Ama”. Ama ng Salita, Ama ng Nagkatawang-Tao. Ganyan ibig Kong tawagin ninyo Siya sapagkat kayong lahat ay iisa kasama Ko, kung kayo ay mananatili sa Akin. Minsan ang tao ay kinailangan na ipatirapa ang sarili na ang kanyang mukha nasa lupa upang ibulong, nanginginig na may takot: “Diyos!” Siya na hindi naniniwala sa Akin at sa Aking salita ay nasa ganyang nakapararalisang takot pa rin… Tingnan ang looban ng Templo. Hindi ang Diyos, bagkus ang pinaka-alaala ng Diyos ang natatakpan mula sa mga mata ng naniniwala sa pamamagitan ng tripleng belo. Siya na nagdarasal ay nakahiwalay sa pamamagitan ng kalayuan at mga belo, ang lahat ay sinadyang ginawa upang sabihin sa kanya: “Ikaw ay putik. Siya ay Liwanag. Ikaw ay kasuklam-suklam. Siya ay banal. Ikaw ay isang alipin. Siya ay Hari”.

Ngunit ngayon!... Tumayo! Lumapit sa Akin! Ako ang Eternal Na Pari. Maaakay Ko kayo sa kamay at masasabi Ko: “Halika”. Mahahawakan Ko ang mga belo at hawiin ito, at kung gayon mabubuksan Ko ang lugar na nakasarado magpahanggang ngayon. Sarado? Bakit? Naisara ng Kasalanan, oo. Ngunit mas lalo pang nakasarado gawa ng panghihina ng loob ng kaisipan ng tao. Bakit nakasarado kung ang Diyos ay Pagmamahal, kung ang Diyos ay Ama? Magagawa Ko, kailangan Kong gawin, ibig Kong madala kayo hindi patungo sa alikabok, bagkus patungo sa asul; hindi malayo, bagkus malapit; hindi bilang mga alipin, bagkus bilang mga anak patungo sa puso ng Diyos.

Sabihin: “Ama! Ama!”. At huwag kailanman mapagod na sabihin ang salitang ito. Hindi ba ninyo nalalaman na sa tuwing babanggitin ninyo ito, ang Langit ay nagniningning dahil sa lugod ng Diyos? Kung sasabihin ninyo na may totoong pagmamahal ang nag-iisang salitang ito lamang, kayo ay nakapagdarasal na ng isang dasal na kaaya-aya sa Panginoon. “Ama! Ama!” ang maliliit na anak ay nagsasabi sa kanilang mga ama. Iyan ang unang salita na sinasabi nila: “Ina, Ama”. Kayo ang maliliit na anak ng Diyos. Naging mga anak Ko kayo galing sa lumang mga tao na dating kayo at na aking sinira sa pamamagitan ng Aking pagmamahal upang maipanganak ang bagong tao, ang Kristiyano. Tawagan, kung gayon, ang Kabanalbanalang Ama Na nasa Langit, sa pamamagitan ng unang salita na natutuhan ng maliliit na bata.

“Panghawakan sanang banal ang Inyong Pangalan”.

O! Pangalan, na mas banal at mas matamis pa kaysa sa alin pang ibang pangalan at na ang takot ng nagkasala ay naturuan kayo na itago ito sa ilalim ng ibang pangalan. Hindi, hindi na Adonai. Siya ay Diyos. Siya ay ang Diyos na sa kalabisan ng pagmamahal ay nilikha ang Sangkatauhan. Ang Sangkatauhan, mula ngayon, sa pamamagitan ng mga labì na nalinis ng pagpapadalisay na Aking inihahanda, ay kailangang tawagin Siya sa pamamagitan ng Kanyang Pangalan, hinihintay na ganap na maintindihan ang totoong ibig sabihin ng Di-Kailanman-Mahaharok Na Isa, ang pagdating ng araw kung saan ang pinakamabubuti sa mga anak ng Sangkatauhan, kaisa Niya, ay tataas patungo sa Kaharian na Aking ipinunta rito upang itayo.

“Ang Inyong Kaharian ay sana pumunta sa lupa katulad na ito ay nasa Langit”.

Mithiin ang pagdating nito sa pamamagitan ng lahat ng inyong lakas. Kung ito ay dumating, ito ang magiging lugod ng lupa. Ang Kaharian ng Diyos sa mga puso, sa mga pamilya, sa pagitan ng mga mamamayan at mga nasyon. Maghirap, magtrabaho, isakripisyo ang inyong mga sarili para sa Kaharian na ito. Gawin ang lupa na maging isang salamin sinasalamin ang buhay ng Langit sa bawat indibidwal. Ito ay mangyayari. Ang lahat na ito ay mangyayari isang araw. Mga siglo ng mga luha at dugo, ng mga pagkakamali, ng mga pang-uusig, ng kadiliman napagagaanan sa pamamagitan ng mga kislap ng liwanag na sumisinag mula sa mistikal na Liwanag ng Aking Simbahan ay pangungunahan ang sandali kung saan ang lupa ay tataglayin nito ang Kaharian ng Diyos. O! Ang Aking Simbahan: bagama't isang bangka, ito ay hindi kailanman mapalulubog, katulad na ito ay isa ring bangin na di-mauuga ng mga maninibag at hahawakan nitong mataas ang Liwanag, ang Aking Liwanag, ang Liwanag ng Diyos. At pagkatapos ito ay magiging katulad ng matinding liyab ng isang bituin na, bilang narating na nito ang perpeksiyon ng pamumuhay nito, ay sasabog, magiging isang di-masusukat na bulaklak ng ethereal na mga hardin, upang langhapin ang pagkabuhay nito at ang pagmamahal sa paanan ng Tagapaglikha nito, sa isang nagniningning na pintig. Ngunit ito ay tiyak-na-tiyak na darating, pinagpalang eternal na Kaharian ng Langit.

“At sana ang Inyong kalooban ay mangyari sa lupa katulad na ito ang nangyayari sa Langit”.

Ang pagpapasailalim ng kalooban ng isa sa kalooban ng isa pang tao ay mapangyayari lamang kapag narating na ng isa ang perpektong pagmamahal para sa nilikhang iyan. Ang pagpapasailalim ng kalooban ng isa sa kalooban ng Diyos ay makakamtan lamang kapag nakamtan na ng isa ang pag-aari ng teolohikal na mga birtud sa isang makabayaning antas. Sa Langit, kung saan ang lahat ay walang pagkakamali, ang kalooban ng Diyos ay nangyayari. Kayo, mga anak ng Langit, ay kailangan na matutunan na gawin kung ano ang ginagawa sa Langit.

“Bigyan kami ngayon ng aming pang-araw-araw na tinapay”.

Kapag kayo ay nasa Langit, ang Diyos lamang ang inyong ikabubuhay. Ang beatitude ay ang inyong magiging pagkain. Ngunit dito, kayo ay mangangailangan pa ng tinapay at sa dahilan na kayo ay mga anak ng Diyos, tama lamang na sabihin: “Ama, bigyan Ninyo kami ng ilang tinapay”. Natatakot ba kayo na kayo ay hindi pakikinggan? O! huwag! Isipin na lang: Kung ang isa sa inyo ay may kaibigan at, kung malaman niya na siya ay walang tinapay na maibibigay sa isa pang kaibigan o kamag-anak, na dumating sa hatinggabi, siya ay pumunta sa kanyang kaibigan nagsasabing: “Pahiramin mo ako ng tatlong tinapay, sapagkat ang isang bisita ay dumating at wala akong maibibigay na makakain para sa kanya”, posible bang mapakinggan niya ang kanyang kaibigan na sumagot sa kanya mula sa loob ng bahay: “Huwag mo akong istorbuhin, naisara ko na ang pinto at ang aking mga anak ay natutulog na sa tabi ko. Hindi ako makakabangon at ibigay ang ibig mo”? Hindi. Kung siya ay nakiusap sa isang tunay na kaibigan at kung siya ay namimilit, tatanggapin niya ang kanyang hinihingi. Tatanggapin din niya ito kung siya ay nakiusap sa isang hindi masyadong mabuting kaibigan. Magiging sapat na para sa kanya ang pamimilit,  at bilang kanyang kaibigan, kung kanino hinihingi ang pabor, siya ay magmamadaling ibigay sa kanya ang gusto niya, upang hindi na sana niya siya aabalahin pa.

Ngunit kapag nananalangin kayo sa Ama, kayo ay hindi lumalapit sa isang kaibigan sa lupa, bagkus nakikiusap kayo sa Perpektong Kaibigan Na siyang Ama ng Langit. Iyan kung bakit sasabihin Ko sa inyo: “Humingi at iyan ay ibibigay sa inyo, maghanap, at makatatagpo kayo, kumatok at ang pintuan ay bubuksan sa inyo”. Dahil ang isa na nanghihingi ay tatanggap, ang naghahanap ay laging makatatagpo, ang kumakatok ay pagbubuksan ng pinto sa kanya. Aling ama sa inyo ang magbibigay sa kanyang anak ng isang bato kung siya ay nanghingi ng tinapay? O mag-abot sa kanya ng isang ahas sa halip na isang inihaw na isda? Ang isang ama na gumawa ng ganyan sa kanyang sariling mga anak ay magiging isang kriminal. Nasabi Ko na sa inyo at uulitin Ko ito upang makumbinsi kayo na maging mabuti at mapagtiwala. Sa dahilan na ang isang matino ang isip na tao ay hindi sa inyo magbibigay ng isang alakdan sa halip na isang itlog, sa pamamagitan ng kung anong kasaganaan ibibigay sa inyo ng Diyos kung ano ang inyong hinihingi! Sapagkat Siya ay mabuti, samantalang kayo ay humigit-kumulang masasama.  Makiusap, kung gayon, sa Ama para sa inyong tinapay na may mababang-loob na maka-amang pagmamahal.

“Patawarin Ninyo kami sa aming mga pagkakautang katulad na pinatatawad namin ang mga nagkakautang sa amin”.

May materyal na mga pagkakautang at mga espirituwal na pagkakautang. May mga moral na mga pagkakautang din. Ang pera o mga gamit na tinanggap ng isa bilang isang hiram at kailangan na bayaran, ay materyal na pagkakautang. Ang pagtingin na hiningi at hindi sinuklian at ang pagmamahal na ginusto at hindi ibinalik ay moral na pagkakautang. Ang sundin ang Diyos, mula kung Kanino ang isa ay humihingi nang labis sinusuklian Siya ng napakakaunti, at ang mahalin Siya ay espirituwal na pagkakautang. Minamahal Niya tayo at kailangan Siyang mahalin, katulad na ang isang ina, isang asawa, isang anak, mula kung kanino labis ang nakukuha, ay kailangan na mahalin. Ang isang makasariling tao ay ibig na tumanggap, ngunit hindi nagbibigay. Ngunit ang taong maka-ako malayung-malayo sa Langit. Tayo ay nagkakautang sa lahat. Mula sa Diyos hanggang sa isang kamag-anak, mula sa isang kamag-anak hanggang sa isang kaibigan, mula sa isang kaibigan hanggang sa ating kapwa, hanggang sa isang katulong, hanggang sa isang alipin, sapagkat silang lahat ay mga nilikha katulad ng ating sarili. Kapahamakan sa kanya na hindi nagpapatawad! Siya ay hindi mapatatawad. Ang Diyos, dala ng katarungan, ay hindi mapatatawad ang pagkakautang ng isang tao na may pagkakautang sa Kanya, ang Kabanalbanalang Isa, kung ang tao ay hindi nagpapatawad sa kanyang kapwa tao.

“Huwag Ninyo kaming ilagay sa pagsubok, bagkus iligtas kami mula sa Kasamaang Isa”.

Ang lalaki na hindi nakaramdam ng pangangailangan na sumalo sa ating Paskuwang hapunan, ay tinanong Ako, wala pang santaon ngayon: “Ano? Nanghihingi Kayo na huwag matukso at upang matulungan laban sa panunukso?”. Dadalawa lamang kami noon… at Ako ay tumugon:  Pagkaraan apat kami, sa isang malungkot na lugar, at Ako ay tumugon muli. Ngunit wala pa ring mangyari, sapagkat kung ang kinakausap mo ay isang di-bumibigay na espiritu hindi na kinakailangan na magbukas ng mapapasukan sa paggiba sa muog ng kasamaan ng kanyang katigasang-ulo. At gagawin Ko, kung gayon, na ulitin itong minsan, sampung beses, sandaang beses hanggang ang lahat ay matapos.

Ngunit sa dahilan na kayo ay hindi napatigas ng kakaibang doktrina o ng mas kakaiba pang mga masisimbuyong damdamin, nakikiusap Ako sa inyo na magdasal nang ganyan. Manalangin na may kababaang-loob na sana mapigilan ng Diyos ang mga panunukso sa inyo. O! kababaang-loob! Upang malaman ang sarili sa kung ano nga ang isa! Na hindi nawawalan ng lakas ng loob, bagkus upang makilala ang sarili! Sabihin: “Baka ako bumigay, kahit na kung hindi ko iniisip na magagawa ko ito, sapagkat ako ay bagkus isang di-perpektong hukom ng aking sarili. Kung kaya’t, Ama, kung posible, ilayo Ninyo ako sa mga tukso sa pamamagitan ng pagpapanatili sa akin nang napakalapit sa Inyo na hindi mapahihintulutan ang Kasamaang Isa na makasakit sa akin”. Sapagkat, alalahanin, hindi ang Diyos ang nanunukso sa inyo patungo sa masasamang mga bagay, bagkus ito ay ang Kasamaang Isa na nanunukso sa inyo. Magdasal sa Ama na sana masuportahan Niya ang inyong kahinaan upang hindi sana ito madala sa panunukso ng Kasamaang Isa.

Nasabi Ko na sa inyo ang lahat, Aking mga minamahal. Ito ay ang Aking ikalawang Paskuwa sa pagitan ninyo. Nang nakaraang tao pinagsaluhan lamang natin ang ating tinapay at ang tupa. Ngayong taon binigay Ko sa inyo ang Aking panalangin. Mayroon pa Akong ibang regalo para sa Aking mga Paskuwa sa hinaharap sa pagitan ninyo, upang, kapag Ako ay naroroon na sa kung saan Ako kailangan ng Aking Ama, sana magkaroon kayo ng alaala tungkol sa Akin, ang Kordero, sa bawat kapistahan ng Mosaic na kordero.

Tumayo at lumakad na tayo. Babalik tayo sa bayan sa pagsikat ng araw. Hindi: bukas, ikaw, Simon, at ikaw, Aking kapatid (at Kanyang tinuturo sa Judas), ay lalakad upang sunduin ang babae at ang bata. Ikaw, Simon ni Jonah, at kayong lahat, ay mananatiling kasama Ko hanggang sa sila ay makabalik. Pagkatapos tayong lahat ay pupunta sa Bethany nang magkakasama.»

At sila ay bumaba patungong Gethsemane, kung saan pinasok nila ang bahay upang magpahinga.

 300111

 

 



Sunod na kabanata