206. Ang Parabula Tungkol sa Sampung Birhen at ang Parabula Tungkol sa Maharlikang Kasalan.

Hulyo 1, 1945.

Si Jesus ay nagsasalita sa presensya ng mga magbubukid ni Johanan, sa presensya ni Isaac at ng maraming disipulo, sa presensya ng mga kababaihan kung saan kasama ang Banal na Birheng Maria at si Martha, at sa presensya ng maraming tao mula sa Bethany. Ang lahat na apostol ay naroroon. Ang bata, nakaupo sa harapan ni Jesus, ay walang pinalalampas kahit isang salita. Sa palagay ko si Jesus ay kasisimula pa lamang magsalita sapagkat ang mga tao ay patuloy pa sa pagdating…

Sinasabi ni Jesus: «… ito ay dahil sa takot na nadama Ko na napakatindi, na ngayon ibig Kong ikuwento sa inyo ang isang matamis na parabula. Matamis para sa mga tao na may mabubuting kalooban, mapait para sa iba. Hayaan silang maging mga tao na may mabubuting kalooban, at ang paninisi, na binubuhay ng parabula sa kanilang mga konsiyensya, ay mawawala.

Ang Kaharian ng Langit ay ang bahay ng kasalan ng Diyos sa mga kaluluwa. Ang sandali ng pagpasok ng isang kaluluwa rito, ay ang araw ng kasalan.

Ngayon makinig. Kaugalian natin na ang nobyo ay sinasabayan ng mga birhen kapag siya ay dumating, upang dalhin siya na may mga ilaw at mga awit sa bahay-kasalan kasabay ang kanyang nobya. Kapag ang prusisyon ay umalis sa bahay ng nobya, na nakasuot ng belo at lubos na naaantig ang damdamin lalakad patungo kung saan siya ay magiging ang reyna, ibig sabihin, sa bahay na hindi kanya, ngunit magiging kanya kapag siya ay iisa nang katawan kasama ang kanyang asawa, ang prusisyon ng mga birhen, na sa pangkalahatan ay mga kaibigan ng nobya, sila ay tatakbo upang salubungin ang mag-asawa, pumoporma ng isang pabilog na mga ilaw sa paligid nila.

Ngayon ay nangyari na sa isang bayan ay magkakaroon ng kasalan. Habang ang nobya at ang nobyo ay nagsasaya kasama ang mga kamag-anak at mga kaibigan sa loob ng bahay ng nobya, sampung birhen ang pumunta sa kanilang lugar, ibig sabihin, sa bulwagan ng bahay ng nobyo, upang maging handa na lumabas at salubungin ang nobyo kapag ang tunog ng mga pompiyang at mga awit ay masabihan sila na ang batang magkapareha ay nakaalis na sa bahay ng nobya upang pumunta sa bahay ng nobyo. Ngunit ang kasayahan sa bahay ng kasalan ay tumagal at ang gabi ay dumating. Katulad sa nalalaman ninyo, ang mga birhen ay pinananatili nilang may sindi ang kanilang mga lampara upang hindi na sila magsayang ng oras sa tamang sandali. Ngayon, sa sampung birhen na ito, ang lima ay marunong at ang lima pa ay tanga, at ang lahat ng kanilang lampara ay may sindi at nagniningning. Ang marurunong, napupuno ng karunungan, ay naglaan para sa kanilang sariling ng maliliit na presko ng langis, upang malagyan ang kanilang lampara ng langis kung sakaling tumagal ang kanilang paghihintay, samantalang ang mga tanga pinuno lamang ang kanilang maliliit na lampara.

Ang oras ay dumaan pagkatapos ng isa pa. Masasayang usapan, kuwentuhan at mga biruan ay nagawang masaya ang kanilang paghihintay. Ngunit pagkaraan hindi na nila malaman ang kanilang sasabihin o gagawin, at hapo at pagod na, ang sampung dalaga ay naupong komportable at unti-unting nakatulog na ang kanilang mga lampara may sindi malapit sa kanila. Pagdating ng hatinggabi ang isang sigaw ay narinig: “Ang nobyo ay parating na, lumabas at salubungin siya!”. Ang sampung dalaga ay tumayo nang marinig ang utos, kinuha ang kanilang mga belo at mga girnalda, inayos ang kanilang sarili at tumakbo sa patungan kung saan naroroon ang kanilang mga lampara. Ang ilaw ng lima sa kanila ay papatay na. Ang mitsa, na hindi na nasusustentuhan ng langis, na naubos na, ay naging mausok, ang apoy papaliit nang papaliit, at ito ay mamamatay sa pinakamahinang ihip ng hangin, samantalang ang apoy ng lampara ng lima pang ibang dalaga, na nalagyan nila ng langis bago matulog, ay maningning pa at naging lalo pang maningning nang dinagdagan pang muli ng langis ang mga lampara.

“O!” pakiusap ng limang hangal na dalaga “ bigyan ninyo kami ng kaunti ng inyong langis, kung hindi mamamatay na ang aming mga lampara habang ginagalaw namin ito. Ngunit ang sa inyo ay napakaganda…”. Ngunit ang limang marurunong na birhen ay tumugon: “Ang hangin ay malakas ang ihip sa labas at bumabagsak ang malalaking patak ng hamog. Walang sapat na langis ang makapagpapalakas sa apoy upang matagalan ang hangin at ang hamog. Kung bibigyan namin kayo ng kaunti, pati ang aming lampara ay hihina. At ang prusisyon ng mga birhen ay totoong magiging malungkot kung wala ang mga kumikislap na apoy ng mga lampara! Tumakbo kayo sa pinakamalapit na tindahan, makiusap, kumatok, gisingin siya na mabigyan kayo ng kaunting langis”. At ang hangal na mga dalaga, humahangos, nakukusot ang kanilang mga belo, namamantsahan ang kanilang mga damit, nawawaglit ang kanilang mga girnalda habang nagtutulakan at tumatakbo, ay sinunod ang payo ng kanilang mga kasama.

At habang sila ay nasa kanilang pagbili ng kaunting langis, ang nobya at ang nobyo ay lumitaw sa dulo ng kalsada. Ang limang birhen na ang mga lampara ay may sindi ay tumakbo upang salubungin sila at ang batang magkatipan ay pumasok sa bahay sa gitna ng mga dalaga para sa panghuling seremonya, kung kailan ang mga birhen ay sasamahan ang nobya patungo sa silid pang-kasalan sa katapusan. Ang pinto ay isinara nang sila ay makapasok at ang mga nasa labas ay nasaraduhan. At ito ang nangyari sa limang tangang dalaga, na sa wakas ay nakarating na may dalang mga langis, ngunit natagpuan ang pintuan na sarado at kumakatok nang walang mangyari, sinasaktan ang kanilang mga kamay umuungol: “Panginoon, panginoon, buksan ang pintuan para sa amin! Kami ay kasama sa prusisyon ng kasalan. Kami ang mga birhen na abay, pinili upang maghatid ng dangal at suwerte sa inyong kasal”. Ngunit ang nobyo, na iniiwan nang sandali ang mga panauhin at habang pumapasok ang nobya sa pangkasalang silid, ay nagsabi mula sa balkonahe ng bahay: “Sasabihin ko sa inyo na hindi ko kayo nakikilala. Hindi ko alam kung sino kayo. Hindi ko kayo nakita na nagbubunyi sa paligid ng aking mahal na nobya. Kayo ay mga nangangamkam. Kayo kung gayon ay sinaraduhan na hindi makapasok sa bahay ng kasalan”. At ang limang tangang dalaga, umiiyak, ay umalis naglalakad sa madilim na mga kalsada, dala ang kanilang walang silbing mga lampara, ang kanilang gusot na mga damit at punit na mga belo, habang ang kanilang mga girnalda ay sira-sira o nawala nang tuluyan.

At ngayon makinig sa ibig sabihin ng parabula. Sinabi Ko sa inyo sa simula na ang Kaharian ng Langit ay ang bahay ng kasalan ng Diyos sa mga kaluluwa. Ang lahat na matapat ay tinatawagan sa selestiyal na kasalan sapagkat mahal ng Diyos ang lahat na mga anak Niya. Pagdating ng araw ang lahat ay darating sa sandali ng kasalan at malaking suwerte ang makarating doon.

Ngunit makinig pa. Nalalaman ninyo kung papaano tinitingnan ng mga dalaga ang karangalan at suwerte na maanyayahan bilang mga abay ng nobya. Tingnan natin kung anu-ano ang pinangangatawanan ng iba't ibang tao at mas maiintindihan ninyo ito. Ang nobyo ay ang Diyos. Ang nobya ay ang kaluluwa ng isang matapat na tao na, pagkatapos ng panahon ng pakikipagtipan sa bahay ng Ama, ibig sabihin sa ilalim ng proteksiyon at sa pagsunod sa doktrina ng Diyos, namumuhay ayon sa hustisya, ay dinadala sa bahay ng Nobyo para sa kasalan. Ang mga birheng abay ay ang mga kaluluwa ng matatapat na, sinusunod ang mga halimbawang pinakita ng nobya – ang katotohanan na siya ang pinili ng Nobyo dahil sa kanyang mga birtud ang ibig sabihin siya ang isang buhay na halimbawa ng kabanalan -  mga nagsisikap na marating ang gayon ding karangalan sa pamamagitan ng pagpapabanal sa kanilang sarili. Sila ay mga nakasuot ng puti, malinis, bagong damit, na may puting mga belo, may korona ng mga bulaklak. May hawak sila sa kanilang kamay ng mga lampara. Ang mga lampara ay malinis na malinis, at ang mga mitsa ay sinusustentuhan ng pinakapurong langis upang hindi sana ang mga ito maging mabaho ang amoy.

Nakasuot ng puting damit. Ang katarungan na laging isinasabuhay ay nakapagbibigay ng puting damit at ang araw ay darating kung kailan ito ay magiging puting-puti, ni wala kahit na anong pinakamalayong ala-ala ng batik, ito ay magiging sobrenatural, anghelikal na kaputian.

Nakasuot ng malinis na damit. Ang isa ay kailangan na mapanatiling malinis lagi ang damit sa pamamagitan ng kababaang-loob. Napakadaling palabuin ang kadalisayan ng puso. At ang mga tao na ang mga puso ay hindi puro ay hindi makakakita sa Diyos. Ang kababaang-loob ay katulad ng tubig na nakapaghuhugas. Ang isang may kababaang-loob ay nakapupuna kaagad kung napaitim niya ang kanyang sariling kapa, sapagkat may mga mata siya na hindi napalabo ng usok ng pagmamataas at kung gayon tatakbo siya sa Panginoon at magsasabi: “Napalabo ko ang kadalisayan ng aking puso. Ako ay umiiyak sa Inyong paanan upang malinisan. O! aking Araw, padalisayin ang aking puso sa pamamagitan ng Inyong mapagkaloob na pagpapatawad at ng Inyong maka-amang pagmamahal!”

Nakasuot ng bagong damit. O! ang pagiging bago lagi ng isang puso! Ang mga bata ay mayroon nito sa pamamagitan ng kaloob ng Diyos. Ang makatarungan ay mayroon nito sa pamamagitan ng kaloob ng Diyos at sa pamamagitan ng kanilang sariling kalooban. Ang mga santo ay mayroon nito sa pamamagitan ng kaloob ng Diyos at sa pamamagitan ng kanilang sariling kalooban na naitaas sa kabayanihan. Ngunit ang isa bang makasalanan, na ang puso ay punit, sunog, nalason at napahiya, ay hindi na kailanman magkakaroon ng isang bagong kapa? O! siyempre magkakaroon siya. Magsisimula siyang magkaroon nito sa sandali na tinitingnan niya ang kanyang sarili na may pagkasuklam. Nadadagdagan niya ang pagiging bago nito kapag nagpasya siya na baguhin ang kanyang pamumuhay. Nadadala niya ito sa perpeksiyon kapag sa pamamagitan ng pagsisisi ito ay kanyang hinuhugasan, inaalisan ng lason, pinagagaling at binubuong muli ang kanyang kaawa-awang kaluluwa. At sa tulong ng Diyos, Na hindi kailanman nagkakait ng tulong sa sinuman na humihingi sa Kanya ng banal na tulong, at sa pamamagitan ng kanyang sariling kalooban na naitaas sa lubus-lubusang kabayanihan – sapagkat hindi kinakailangan para sa kanya na protektahan kung ano ang mayroon siya, bagkus itayong muli kung ano ang kanyang nasira at kung gayon kailangan niyang magtrabaho nang doble, tatlong beses, pitong beses – at sa pamamagitan ng walang pagkapagod na pagtitika, walang tigil laban sa kanyang makasalanang kaakuhan, madadala niyang muli ang kanyang kaluluwa sa kabaguhan ng kaluluwa ng isang bata. Isang bagong kabaguhan, nagawang mamahalin sa pamamagitan ng karanasan na dahil dito siya ay naging panginoon ng iba pang mga tao na minsan ay katulad niya, ibig sabihin, mga makasalanan.

May puting mga belo. Kababaang-loob! Sinabi Ko: “Kapag nananalangin kayo o nagtitika, huwag ipakita sa mundo”. Sa Mga Aklat ng Karunungan ay nakasulat: “Tama na ilihim ang lihim ng Hari”. Ang kababaang-loob ay ang matapat na belong suot upang ipagsanggalang ang mabuti na ating ginagawa at ang mabuti na ipinagkakaloob sa atin ng Diyos. Hindi tayo kailangan na maging mapagmalaki tungkol sa pribilehiyo na ipinagkaloob sa atin ng Diyos, o maghanap ng katangahang pantaong kaluwalhatian. Ang kaloob ay aalisin Niya kaagad. Bagkus mula sa kaibuturan ng ating mga puso kailangan na umawit tayo sa ating Diyos: “Ang aking kaluluwa ay ipinahahayag ang Inyong kadakilaan, o Panginoon… sapagkat Kayo’y tumingin sa Inyong abang katulong”.»

Si Jesus ay gumawa ng maikling pagtigil at sinulyapan ang Kanyang Ina, Na namula sa ilalim ng Kanyang belo at yumuko nang paharap na tila ibig Niyang ayusin ang buhok ng bata na nakaupo sa Kanyang paanan, ngunit sa katunayan ibig Niyang maitago ang Kanyang lubos na nararamdamang ala-ala…

Nakokoronahan ng mga bulaklak. Ang isang kaluluwa ay kailangan na habihin niya ang kanyang pang-araw-araw na girnalda ng mabirtud na mga gawa, sapagkat walang tuyo o di-maayos tingnan na girnalda ang kailangan na magpakita sa presensya ng Kataastaasan. Sinabi Ko pang-araw-araw. Sapagkat ang isang kaluluwa ay hindi niya nalalaman kung kailan ang Diyos-Nobyo magpapakita at magsasabi: “Halika”. Kung gayon hindi kayo kailangan na mapagod sa pag-aayos sa girnalda. Huwag matakot. Ang mga bulaklak ay natutuyo. Ngunit ang mga bulaklak ng mabirtud na mga girnalda ay hindi natutuyo. Ang anghel ng Diyos, na mayroon ang bawat tao sa tabi niya, ay pinupulot ang pang-araw-araw na mga girnaldang ito at dinadala ito sa Langit. At ito ay ang magiging trono roon ng bagong pinagpalang kaluluwa kapag pinasok nito ang bahay-kasalan bilang nobya.

Sila ay may mga may-sinding lampara. Mayroon sila nito upang parangalan ang Nobyo at upang makita ang daan. Gaano kaningning ang pananampalataya, at anong klaseng kaibigan ito! Ito ay nagbibigay ng apoy na kasing ningning ng isang bituin, isang apoy na ngumingiti sapagkat nakatitiyak ito sa katiyakan nito, isang apoy na nagpapatingkad din ang instrumentong sumusuporta rito. Ang laman din ng tao na pinakakain ng pananampalataya ay tila nagiging mas maningning din at mas espirituwal, kahit na sa mundong ito, malaya sa maagang pagkatuyo. Sapagkat siya na naniniwala ay humahawak sa mga salita at mga utos ng Diyos upang kamtin ang Diyos, ang kanyang pinaka-tinatangka, at kung gayon naiiwasan niya ang pagkabulok. Hindi siya nababalisa o natatakot, walang nararamdamang pangungutya ng konsiyensya, hindi napipilitan na gumawa ng paraan na maalaala ang mga kasinungalingan o maitago ang masasamang gawa at nananatili siyang bata at maganda sa pamamagitan ng magandang walang-pagkabulok ng mga santo: ang laman at dugo, ang isip at puso malaya sa kahalayan upang mahawakan ang langis ng pananampalataya, upang makapagbigay ng liwanag na walang usok. Isang namamalaging kalooban upang matustusan ang liwanag na iyan magpakailanman. Ang pang-araw-araw na pamumuhay, kasama ang mga kabiguan, mga pagtantsa, mga pakikihalubilo, mga tukso, mga di-pagkakaunawaan, ay nakapagpapawala sa pananampalataya. Hindi! Hindi ito kailangan na mangyari. Pumunta araw-araw sa pinanggagalingan ng matamis, may-karunungang langis ng Diyos. Ang isang lampara na may kakaunting langis ay mamamatayan ng apoy sa pamamagitan ng pinakamahinang ihip ng hangin o ng mabigat na hamog sa gabi. Sa gabi… ang oras ng kadiliman, ng kasalanan, ng tukso ay dumarating sa lahat. Iyan ay gabi para sa kaluluwa. Ngunit kung ang kaluluwa ay puno hanggang sa labì ng lalagyan ng pananampalataya, ang apoy nito ay hindi mapapatay ng hangin ng mundo o ng ulap ng kahalayan.

At ang panghuli pagbabantay, pagbabantay, pagbabantay. Siya na walang-ingat na mapagtiwala at nagsasabi: “O! Ang Diyos ay darating sa inaasahang oras, habang ang lampara ko ay may apoy pa”, at nagpasyang matulog sa halip na manatiling gising, at natulog na walang inihandang pasiguro upang makatayo at handa sa unang tawag, at siya na naghihintay hanggang sa huling sandali upang makakuha ng langis ng pananampalataya o ng malakas na mitsa ng mabuting kalooban, ay namimiligro na maiwanan kapag ang Nobyo ay dumating. Maging mapagbantay, kung gayon na may katalinuhan, pagpupursige, kadalisayan, kompiyansa, upang kayo ay sana laging nakahanda para sa tawag ng Diyos, sapagkat totoong hindi ninyo malalaman kung kailan Siya darating.

Aking mahal na mga disipulo, ayaw Kong kayo ay maging takot sa Diyos, sa kabaligtaran ibig Kong kayo ay magkaroon ng pananampalataya sa kabutihan ng Diyos.  Kapwa kayo na mananatili rito, at kayo na aalis, ay kailangan na isipin na, kung gagawin ninyo ang ginawa ng marurunong na birhen, kayo ay aanyayahan hindi lamang upang maging abay ng Nobyo, bagkus katulad ng birhen na si Esther, na naging reyna sa puwesto ni Vashti, kayo ay pipiliin at gagawing mga nobya, dahil ang Nobyo “ay natagpuan kayong mas kaayun-ayon at mas ka-pabor-pabor kaysa sa sino pa man”. pinagpapalà Ko kayo, kayo na mga aalis na. Dalhin ang Aking mga salita para sa inyong mga sarili at para sa inyong mga kasama. Harinawang ang kapayapaan ng Panginoon ay mapasainyo.»

Si Jesus ay lumapit sa mga magbubukid upang magpaalam muli, ngunit si Juan ng Endor ay bumulong sa Kanya: «Guro, si Judas ay naririto na…»

«Hindi na bale. Dalhin sila sa bagon at gawin ang sinabi Ko sa iyo.»

Ang mga tao sa pagpupulong ay unti-unting umalis. Marami ang nakikipagusap kay Lazarus… At si Lazarus ay bumaling patungo kay Jesus, Na pagkatapos na maiwanan ang mga magbubukid ay patungo na kay Lazarus, at nagsabi: «Guro, bago Kayo umalis, magsalita muli sa amin… Ito ang mithiin ng mga puso ng sambayanan ng Bethany.»

«Ang gabi ay dumarating na. Ngunit mapayapa at matahimik. Kung gusto ninyong mag-ipun-ipon sa tambak ng dayami, magsasalita Ako sa inyo bago iwanan ang mapagkaibigang lugar na ito. O maaari tayong magkita-kita bukas, sa umaga. Sapagkat ang oras ng pagpapaalaman ay dumating na.»

«Mamaya! Ngayong gabi!» lahat sila sumisigaw.

«Ayon sa ibig ninyo. Lumakad na. Magsasalita Ako sa inyo sa kalahatian ng unang pagbabantay»…

… sa katunayan, nang walang kapaguran, si Jesus ay patungo na sa gitna ng parang na pinagputulan pa lamang ng mga dayami, kung saan ang natutuyong dayami ay napoporma nito ang malambot na alpombra na may masarap na amoy, habang ang araw ay lumulubog at ang lagablab nito ay nawawala at ang mga kuliglig ay sinisimulan na nito ang maagang namumukod na walang-katiyakang mga huni. Siya ay sinusundan ng Kanyang mga apostol, ng mga Maria, nina Martha at Lazarus at ng kanilang sambahayan, ni Isaac at kanyang mga disipulo, at sasabihin ko ng lahat na tao sa Bethany. Kasama sa mga katulong ay naririyan din ang matandang lalaki at ang babae, ang dalawa sa Mount of Beatitude na nakatagpo ng kaginhawahan para sa natitirang mga araw ng kanilang buhay.

Si Jesus ay tumigil upang halikan ang patriyarka, na hinahalikan ang Kanyang kamay lumuluha, at hinahaplos ang bata na naglalakad sa tabi ni Jesus at nagsabi sa kanya: «Ikaw ay masaya na nasusundan mo Siya sa lahat ng oras! Maging mabuti, maging maingat, anak. Masuwerteng-masuwerte ka! Masuwerteng-masuwerteng talaga! Ang isang korona ay nakabitin sa itaas ng iyong ulo… Ikaw ay pinagpalà!»

Nang lahat sila ay nakaayos na, si Jesus ay nagsimulang magsalita.

«Pagkaraan ng pag-alis ng ating mahal na mga kaibigan, na mga kinakailangan na mapaniwala sa pag-asa, kung baga, sa katiyakan na kaunting kaalaman ang kinakailangan upang matanggap sa Kaharian, na tanging isang pinakamaliit na katotohanan lamang ay sapat na kung saan ang mabuting kalooban ng isa ay makapagtrabaho, Ako ngayon ay magsasalita sa inyo, na mga mas masasaya kaysa sa kanila, sapagkat tumatamasa kayo ng mas maraming materyal na kaginhawahan at mayroon kayo ng mas malaking tulong mula sa Salita. Tanging sa pamamagitan lamang ng isip maipaaabot Ko sa kanila ang Aking pagmamahal. Dito, ang Aking pagmamahal ay nararating din kayo sa pamamagitan ng Aking salita. Kung gayon, kayo ay dapat na tratuhin dito sa lupa at sa Langit nang mas malakas , sapagkat mas malaki ang hihingin sa kung kanino malaki ang ibinigay. Sila, ang dukhang mga kaibigan na bumabalik sa kanilang mga kulungan, ay may pinakamaliit na kaginhawahan, at, sa kabaligtaran, may pinakamalaking kapighatian. Kung gayon, naririyan lamang ang mga pangako ng kabutihang-loob para sa kanila, sapagkat ang ano pa mang iba ay magiging kalabisan. Sasabihin Ko sa inyong totoo na ang kanilang pamumuhay ay pagpepenitensiya at kabanalan, at wala nang iba pa ang kailangan na ipataw sa kanila. At sasabihin Ko rin sa inyong totoo, na katulad ng marurunong na birhen, hindi nila pababayaan ang kanilang mga lampara na mamatayan ng apoy hanggang sa oras na sila ay tawagin. Mamatayan ng apoy? Hindi. Ang apoy ng kanilang lampara ay ang tanging mabuti na mayroon sila. Hindi nila ito mapababayaan na mamatay.

Sasabihin Ko sa inyong totoo na katulad na Ako ay nasa Ama, gayon din ang mahihirap ay nasa Diyos. Iyan ang dahilan kung bakit Ako, ang Salita ng Ama, ay ginustong ipanganak na mahirap at manatiling mahirap. Sapagkat kung kasama ang mahihirap ang Aking pakiramdam Ako ay mas malapit sa Diyos Na nagmamahal sa pinakamaliit na mga tao at minamahal nila sa pamamagitan ng kanilang buong lakas. Ang mayayaman ay mayroon ng maraming mga bagay. Ang mahihirap ay Diyos lamang ang mayroon sila. Ang mayayaman ay may mga kaibigan. Ang mahihirap ay nag-iisa. Ang mayayaman ay maraming pinagkukunan ng kaginhawahan. Ang mahihirap ay wala. Ang mayayaman ay maraming kinaaabalahan. Ang mahihirap ay ang kanilang trabaho lamang ang mayroon sila. Ang pera ay nagagawa ang lahat na maging madali para sa mga mayayaman. Ang mahihirap ay naririyan lamang ang krus na kailangang katakutan nila ang mga sakit at taggutom, sapagkat pagkagutom at kamatayan ang ibig sabihin ng mga ito sa kanila. Ngunit ang mahihirap ay nasa kanila ang Diyos. Ang kanilang Kaibigan. Kanilang Tagapagbigay Kaginhawahan. Siya Na gumagawang makalimutan nila ang kanilang masakit na kasalukuyan sa pamamagitan ng makalangit na pag-asa. Siya, na Kung Kanino masasabi ng tao – at nalalaman nila kung papaano ito sabihin,  sapagkat sila ay mahirap, mabababa ang kalooban, at mga nag-iisa - : Ama, suportahan Ninyo kami sa pamamagitan ng Inyong ama”.

Ang Aking sinasabi rito sa lupain ni Lazarus, isang kaibigan Ko at kaibigan ng Diyos bagama't napakayaman niya, ay baka nagmumukhang kakaiba. Subalit si Lazarus ay ang eksepsiyon sa mga mayayaman. Si Lazarus ay naging matagumpay sa pagkamit ng pinakamahirap na birtud na matatagpuan dito sa lupa, at mas lalo pang mahirap na isabuhay kapag ito ay iminumungkahi ng ibang tao. Ang birtud ng kalayaan sa kayamanan. Si Lazarus ay makatarungan. Hindi niya nararamdaman na siya ay sinasaktan. Hindi siya maaaring masaktan sapagkat nalalaman niya na siya ay ang mayaman na mahirap na tao, at kung gayon ang Aking nakatagong paninisi ay hindi siya naaapektuhan. Si Lazarus ay makatarungan. At nalalaman niya na ang daigdig ng dakilang mga tao ay katulad sa Aking sinasabi. Ako kung gayon ay magsasalita at sasabihin: sasabihin Ko sa inyong totoo na mas madali pa para sa isang mahirap na tao na maging mapasa Diyos kaysa ito ay para sa isang mayaman na tao; at sa Langit ng Aking Ama at ninyo, maraming upuan ang mauukupahan ng mga na sa lupa ay kinasusuklaman sapagkat sila ay ang pinakamaliit sa mga tao, katulad ng mga tinatapakang alikabok.

Ang mahihirap ay itinatago nila sa kanilang mga puso ang mga perlas ng mga salita ng Diyos. Ang mga ito sa kanila ay ang tanging kanilang kayamanan. Ang taong may iisang mamahaling bagay lamang, ay ito ang kanyang binabantayan. Ang taong may marami, ay naiinip at nawawala sa kaisipan, mapagmataas at makalaman. Iyan ang dahilan kung bakit hindi niya hinahangaan nang may kababaang nagmamahal na mga mata ang kayamanang ibinibigay ng Diyos, at ikinalilito ito na katulad ng iba pang mga kayamanan, medyo mamahalin lamang, kayamanang mga kayamanan ng lupa at iniisip niya: “Dala ng kabaitan lamang na tinatanggap ko ang mga salita ng isang katulad ko sa laman!” at sa pamamagitan ng malalakas na lasa ng sensuwalidad napahihina niya ang kanyang kakayahan na malasahan kung ano ang sobrenatural. Malalakas na lasa!... Oo, napakatapang sa pabango upang mapagtakpan ang mabaho at masamang lasa…

Ngunit makinig at mas maiintindihan ninyo nang mabuti kung papaano ang mga makamundong pangangalaga, kayamanan at mga pagpapakasasa nakapagpipigil sa isa na makapasok sa Kaharian ng Langit.

Minsan ang isang hari ay ipinagdiwang ang kasal ng kanyang anak. Mailalarawan ninyo ang kapistahan sa palasyo. Siya ay ang nag-iisang anak, at bilang narating na niya ang perpektong edad siya ay pakakasal na sa kanyang minamahal na nobya. Ang ama at hari ay ibig na ang lugod ng kanyang anak ay mapaligiran ng lugod, dahil siya sa wakas ay magpapakasal na sa kanyang kasintahan. Kasama sa maraming mga selebrasyon nagbigay siya ng isang masarap na kainan. At iyon ay kanyang inihanda sa tamang panahon, binabantayan ang bawat detalye,  upang matiyak na iyon ay maganda at karapat-dapat sa kasal ng isang anak ng hari.

Maaga siyang nagpadala ng mga katulong upang masabihan ang mga kaibigan at mga kaalyado, pati rin ang mga dakilang tao sa kanyang kaharian, na ang kasal ay gagawin sa isang gabi at na sila ay inaanyayahan, at na sila ay kailangan na dumating upang maporma ang isang karapat-dapat na grupo ng mga abay sa anak ng hari. Ngunit ang mga kaibigan, mga kaalyado at ang mga dakila sa kaharian ay hindi tinanggap ang paanyaya.

Ang hari kung gayon, pinagdududahan na baka hindi nakapagsalita nang maliwanag ang unang mga katulong, ay nagpadala ng iba pa, na mga kailangan ipilit ng mga ito nagsasabing: “Pakiusap na pumunta! Ang lahat ay naihanda na. Ang mga mesa ay naiayos na sa bulwagan, ang pambihirang mga alak ay nadala na mula sa kung saan-saang lugar, ang mga hayop at pinatabang mga baka ay nasa kusina na upang lutuin, ang mga babaeng katulong ay nagmamasa na ng harina upang gawin ang mga keyk at nagdudurog ng mga almendras sa mga dikdikin upang magawa ang pinakamasarap na kakanin na palalasahan ng pambihirang mga rekado. Ang magagaling na mananayaw at mga manunugtog ay nakontrata na para sa kapistahan. Pumunta, kung gayon, kung hindi ang lahat na paghahanda ay masasayang!”

Ngunit ang mga kaibigan, mga kaalyado at ang mga dakila sa kaharian ay tumanggi o nagsabi: “May ibang mga bagay kami na kailangang gawin”, o nagkunwaring tanggapin ang paanyaya, at inasikaso ang ibang mga bagay, at ilan ang kanilang mga bukid, ang iba ang kanilang mga negosyo, ang iba ang mas di-mahalagang mga asikasuhin. At panghuli may ilan na, naiinis na sa labis na pamimilit, kinuha ang katulong ng hari at pinapatay upang siya ay manahimik, dahil namimilit ito nang nagsasabi: “Huwag ninyong tanggihan ang paanyaya ng hari kung hindi’y mamomroblema kayo”. Ang mga katulong ay bumalik sa hari at iniulat ang mga sitwasyon at ang hari ay nagalit at nagpadala ng kanyang mga sundalo upang parusahan ang mga pumatay sa kanyang mga katulong at mabigyan ng leksiyon ang mga nangutya sa kanyang paanyaya, habang kanyang pinangakuan ng gantimpala ang mga nangakong pupunta.

Ngunit sa itinakdang oras ng gabi ng kapistahan, walang pumunta. Ang hari ay galit na galit, tinawag niya ang kanyang mga katulong at sinabihan sila: “Hindi maaaring mangyari na ang aking anak ay mawalan ng mga tao na magbibigay sa kanya ng masayang pagsalubong sa gabi ng kanyang kasal. Ang bangkete ay nakahanda na, ngunit ang mga panauhin na ating inanyayahan ay hindi karapat-dapat nito. Ngunit ang bangketeng pangkasalan ng aking anak ay kailangang mangyari. Pumunta kung gayon sa mga liwasan, sa mga kalsada, tumayo sa mga sangandaan, patigilin ang mga nagdaraan, ipunin ang lahat na mga nakatayo roon, at dalhin silang lahat dito. Gawing mapuno ang bulwagan ng mapaglugod na mga tao”.

Ang mga katulong ay lumakad. Pumunta sa mga tabi ng mga kalsada, kumalat sa mga liwasan, tumayo sa mga sangandaan, kumuha sila ng kasing dami ng tao na nakita nila, mabuti at masama, mayaman at mahirap, at dinala nila sila sa palasyo ng hari, at binigyan nila ang bawat isa ng pamamaraan upang maging karapat-dapat na makapasok sa bulwagan ng bangketeng pangkasalan. Sa huli pinasunod sila patungo sa bulwagan, na puno ng mga nagkakasayahang mga tao, ayon sa minimithi ng hari.

Ngunit nang ang hari ay pumunta sa bulwagan upang tingnan kung ang bangkete ay makapagsisimula na, nakakita siya ng isang lalaki na, sa kabila ng tulong na ibinigay sa kanyang ng mga katulong, hindi nakasuot ng pangkasalang damit. Tinanong niya siya: “Papaano ka nakapasok dito na wala pangkasalang damit?”. At ang lalaki ay hindi malaman kung ano ang kanyang sasabihin, sapagkat siya ay walang maidadahilan. Ang hari pagkatapos ay tinawag ang kanyang mga katulong at nagsabi sa kanila: “Kunin ang lalaking ito, itali ang kanyang mga kamay at paa at itapon siya sa labas ng aking palasyo, sa madilim at malayelong putik. Mananatili siya roon na umiiyak at gumigiling ng kanyang ngipin ayon sa dapat sa kanya gawa ng kanyang kawalang pasasalamat at dahil sa pananakit niya sa akin at lalo na sa aking anak, sa pagpasok sa bulwagan ng bangkete na marumi ang damit, samantalang walang dapat na pumasok dito bagkus ang karapat-dapat dito at sa aking anak”.

Ayon sa nakikita ninyo, ang makamundong mga pangangalaga, katakawan sa pera, kahiligan sa mga kalugurang pangkatawan, kalupitan ay nagpapababa sa galit ng hari sa sambayanan at nagagawa ang mga anak ng ganyang mga pangangalaga na hindi na makapasok muli sa palasyo ng hari. At nakikita rin ninyo kung papaano na sa mga naanyayahan, alang-alang sa kanyang anak, ang iba ay pinarusahan.

Ilan na sa mga araw na ito sa lupaing ito, ang pinadalhan ng Diyos ng Kanyang Salita! Ang Diyos ay totoong ngang inanyayahan ang mga kaalyado, mga kaibigan, mga dakila sa Kanyang sambayanan, sa pamamagitan ng Kanyang mga katulong, at mag-aanyaya pa Siyang muli, at mas madalian, dahil ang oras ng Aking Kasalan ay lumalapit.

Ngunit hindi nila tatanggapin ang Kanyang paanyaya, sapagkat sila ay huwad na mga kaalyado, huwad na mga kaibigan at dakila lamang sila sa pangalan, sapagkat sila ay mabababa. (Ang tinig ni Jesus ay palakas nang palakas at ang Kanyang mga mata ay kumikislap katulad ng dalawang hiyas na bato, sa liwanag ng apoy na sinindihan sa pagitan Niya at ng Kanyang mga tagapakinig, upang magbigay liwanag sa walang-buwan na gabi; ang buwan sa katotohanan ay papaliit na at lilitaw mamaya pa). Oo, sila ay mabababa. At dahil sa kanilang kababaan, hindi nila naiintindihan na katungkulan nila at karangalan para sa kanila na tanggapin ang paanyaya ng Hari. Ang pagmamataas, karahasan, kahalayan ay tumatayong katulad ng isang pader sa kanilang mga puso. At – masasamang katulad nila! – kinapopootan nila Ako at kung gayong ayaw nilang dumalo sa Aking kasal. Tumatanggi silang dumalo. Mas gusto pa nila na nakakabit sa kanilang maruruming patakaran, kahit sa mas marumi pang pera at sa pinakamaruming kahiligan sa kalugurang pangkatawan, kaysa sa dumalo sa Aking kasal. Mas ibig nila ang mga tusong kalkulasyon, pagsasabwatan, patagong pagsasabwatan, patibong, krimen.

Isinusumpa Ko ang lahat na iyan sa ngalan ng Diyos. Dahil dito ang tinig na nagsasalita at ang mga kapistahan kung saan sila inaanyayahan, ay kanilang kinapopootan. Ang mga pumapatay sa mga lingkod ng Diyos ay kailangan na tingnan sa sambayanang ito: ang mga Propeta na naging mga lingkod magpahanggang ngayon; ang Aking mga disipulo na siyang mga lingkod magmula ngayon. Ang mga manloloko sa Diyos na nagsasabi: “Oo, dadalo kami”, samantalang sa loob nila iniisip nila: “Hindi kailanman sa buhay mo!” ay kailangan na piliin sa sambayanang ito. Ang lahat na iyan ay nasa Israel.

At ang Hari ng Langit ay magpapadala ng mga tao sa mga sangandaan upang mag-ipon ng mga hindi kaibigan, hindi mga dakila, hindi mga kaalyado, bagkus mga nagdaraang mga tao lamang, upang ang Kanyang Anak ay sana magkaroon ng isang karapat-dapat na pagdiriwang ng kasal. At sa pamamagitan Ko, sa pamamagitan Ko ang Anak at ang lingkod ng Diyos, ang pag-iipon ay nakapagsimula na. Sila ay darating, sinuman sila… At sila ay dumating na. At tinutulungan Ko sila na maging malinis at maayos na nakabihis para sa kapistahan ng kasal. Ngunit magkakaroon ng isa, na para sa kanyang kamalasan, ay hindi rin niya gagamitin nang tama ang labis na pagbibigay ng Diyos, na nagbibigay sa kanya ng pabango at mga maringal na damit upang lumabas siya na kung ano ang hindi naman siya, ibig sabihin, isang mayaman at karapat-dapat na tao, at pagsasamantalahan niya nang kasuklam-suklam ang ganyang kabutihan upang  makapanukso at kumita… Isang indibidwal na may masamang kaluluwa, napupuluputan ng nakasusukang pugita ng lahat na bisyo…  at lulustayin niya ang mga pabango at mga damit upang kumita na may pandaraya, dahil hindi niya gagamitin ang mga ito para sa kasalan ng Anak, bagkus para sa kanyang sariling kasal kay Satanas.

Ang lahat na iyan ay mangyayari. Sapagkat marami ang tinawag ngunit kakaunti ang pinili: sila na nalalaman kung papaano nila mapananatili ang kanilang sarili sa bokasyon. Ngunit mangyayari din na ang mga ayena na iyon, na mas ginugusto pa ang maruming pagkain kaysa sa buháy na pagkain, ay parurusahan sa pagpapatapon sa kanila sa labas ng bulwagan ng Bangkete patungo sa kadiliman at putik ng eternal na sanaw, kung saan si Satanas ay nagngingitngit nang matindi sa bawat nakukuhang kaluluwa sa kanya at kung saan may eternal na tunog ng desperadong pag-iyak ng baliw na mga tao na mga sumunod  sa Krimen sa halip na ang sinundan sana nila ay ang Kagandahang-loob Na tumawag sa kanila.

Tumayo at lumakad na tayo at magpahinga. pinagpapalà Ko kayo, mga mamamayan ng Bethany. pinagpapalà Ko kayong lahat at ibinibigay Ko sa inyo ang Aking kapayapaan. At pinagpapalà Kitang higit, Lazarus, Aking kaibigan, at ikaw, Martha. pinagpapalà Ko ang dati at bagong mga disipulo, na Aking mga ipadadala sa mundo upang anyayahan ang mga tao sa kasalan ng Hari. Lumuhod upang sana mapagpala Ko kayong lahat. Pedro, bigkasin mo ang panalangin na Aking itinuro sa inyo, at bigkasin iyan dito, nakatayo sa tabi Ko, sapagkat ganyan iyan kailangan na bigkasin ng mga itinalaga ng Diyos para sa gawaing iyan.»

Lahat sila ay lumuhod sa dayami, tanging si Jesus at si Pedro lamang ang nananatiling nakatayo. Si Jesus, matangkad na katulad Niya, ay napakaganda sa Kanyang linen na kapa, at si Pedro, sa kanyang madilim na kulay kapeng tunika, labis na naaantig ang damdamin, ay binibigkas ang panalangin, halos nanginginig, sa isang tinig na bagama't di-maganda ay lalaking-lalaki, bumibigkas nang napakabagal sa takot na baka siya magkamali: «Ama namin…» Ang paghikbi ng mga lalaki at babae ay maririnig…                                    

Si Marjiam, nakaluhod sa harapan ni Maria Na humahawak sa kanyang mga kamay na magkadaop, ay tinitingnan si Jesus nang may anghelikal na ngiti at nagsabi sa mababang tinig: «Tingnan Ninyo, Inay, kung gaano Siya kaganda! At kung gaano din kaganda ang aking ama! Tila ako nasa Langit…  Naririto rin ba ang aking ina, nanonood?»

At si Maria, sa pabulong na nagtatapos sa isang halik, ay tumugon: «Oo, Aking anak. Siya ay naririto. At natututunan niya ang dasal.»

«At papaano ako? Matututunan ko ba ito?»

«Ibubulong niya iyan sa iyong kaluluwa habang natutulog ka, at uulitin Ko iyan sa iyo sa araw.»

Ang bata ay isinandal ang kanyang ulo sa dibdib ni Maria, at nananatiling ganyan habang si Jesus ay nagbebendisyon sa pamamagitan ng masolemneng bendisyon nang panahon ni Moses.

Pagkatapos silang lahat ay tumayo at umuwi sa kani-kanilang mga tahanan: tanging si Lazarus lamang ang sumusunod kay Jesus, pinapasok ang bahay ni Simon, kasama Siya, upang makapanatili pa nang kaunting sandali na magkasama. Ang lahat na iba pa ay pumasok na rin. Ang Iskariote ay itinatago ang sarili sa medyo madilim-dilim na sulok napapahiya. Hindi siya maglakas loob na lumapit kay Jesus katulad ng iba…

Si Lazarus ay pinararangalan si Jesus. Sinasabi niya: “O! Ako ay nalulungkot na makita Kayo na aalis. Ngunit mas masaya na ako ngayon kaysa kung nakita ko Kayong umalis nang makalawa!»

«Bakit, Lazarus?»

«Sapagkat nagmumukha Kayong pagod-na-pagod at malungkot noon… Kayo ay hindi nagsalita, at halos hindi Kayo ngumingiti… Kahapon at ngayon Kayo ay naging ang aking mabait na banal na Guro ulit, at iyan ay nagpapasaya sa akin.»

«Ako ay masaya kahit na kung Ako ay tahimik…»

«Ganyan nga. Ngunit Kayo ay kapanatagan at salita. Iyan ang ibig namin mula sa Inyo. Umiinom kami ng lakas mula sa mga pinanggagalingan nito. At ngayon ang mga pinanggagalingang iyan ay tila naubusan. Ang aming pagkauhaw ay masakit… Kita Ninyo na pati ang mga Hentil ay namamangha, at sila ay pumupunta hinahanap ang mga ito…»

Ang Iskariote, na nilapitan ni Juan ni Zebedeo, ay naglakas-loob na magsalita: «Siyempre, nagtatanong din sila tungkol sa akin… Sapagkat madalas ako sa Antonia, umaasang makita Kayo.»

«Alam mo kung nasaan Ako» tugon ni Jesus nang maikli.

«Oo. Ngunit umaasa ako na hindi Ninyo bibiguin ang mga naghihintay sa Inyo. Pati ang mga Romano ay nadidismaya. Hindi ko malaman kung bakit ganyan ang ginagawa Ninyo…»

«At Ako ay tinatanong mo? Hindi mo ba nalalaman ang mga sabi-sabi ng Sanhedrin, ng mga Pariseo at ng iba pa, tungkol sa Akin?»

«Ano? Natakot Kayo?»

«Ako ay nainis. Noong nakaraang taon, noong Ako ay nag-iisa – Ako lamang mag-isa laban sa buong mundo, na ni hindi pa man lamang nag-aalam kung Ako ay isang propeta – may katibayan Ako na Ako ay hindi natakot. At ikaw ay ang isang nakuha ng katapangan Ko na iyon. Ako ay nagsalita nang lantaran laban sa buong mundo sa malalakas na tinig; ginawa Kong marinig ang tinig ng Diyos ng isang sambayanan na nakalimot na tungkol dito; nilinis Ko ang Bahay ng Diyos ng materyal na dumi na nasa loob nito, na wala kahit na anong pag-asa na mapadalisay mula sa mas malalang moral na dumi na namumungad doon, sapagkat hindi kaila sa Akin ang kinabukasan ng mga tao. Ngunit kailangan Kong gawin ang Aking tungkulin, dahil sa init ng Aking pagmamahal para sa Bahay ng Eternal na Panginoon, na ginawa nilang isang lugar kung saan ang mga manloloko, ang mga usurya at mga magnanakaw ay nag-aaway-away, at ginawa Ko iyon upang gisingin ang mga nakatulog dala ng mga siglo ng kawalang-bahala ng mga pari. Iyon ay isang sigaw upang maipon ang Aking sambayanan at dalhin sila sa Diyos… Sa taon na ito Ako ay bumalik… At nakita Ko na ang Templo ay gayon pa rin… mas malala pa nga ngayon. Hindi na ito isang lungga ng mga magnanakaw, bagkus isang lugar ng pagsasabwatan, sa susunod ito ay magiging ang sentro ng Krimen, pagkatapos bahay-aliwan at sa huli ito ay sisirain sa pamamagitan ng isang kapangyarihan na mas mahigit pa ng kay Samson, pinababagsak ang isang lipì na di-karapat-dapat na matawag na banal. Walang kabuluhan ang magsalita sa lugar na iyon, kung saan, ibig Kitang paalalahanan, Ako ay pinagbawalan na magsalita. Mga tao na walang pananampalataya, na ang nalasong mga namumuno nito ay nangahas na pagbawalan ang Salita ng Diyos na magsalita sa Kanyang Bahay! Ako ay pinagbawalan. Ako ay nananahimik alang-alang sa mga maliliit. Hindi pa oras upang patayin Ako. Napakarami pang tao ang nangangailangan sa Akin, at ang Aking mga apostol ay hindi pa sapat na malakas upang pangalagaan nila ang Aking mga anak: ang Mundo. Huwag Kayong umiyak, Inay, patawarin, mabuting Ina, ang pangangailangan ng Inyong Anak na masabihan ang mga ibig o baka ibig na linlangin ang kanilang mga sarili, tungkol sa katotohanan na Aking nalalaman… Ako ay mananahimik… Ngunit kapahamakan sa gumagawa sa Diyos na maging tahimik!... Inay, Marjiam, huwag umiyak!... Pakiusap. Walang sinuman ang dapat na umiyak.»

Ngunit sa katotohanan silang lahat ay umiiyak nang medyo may kapaitan kahit na papaano.

Si Judas, kasing puti ng kamatayan sa kanyang may raya-rayang pula at dilaw na kapa, ay naglalakas-loob pa rin na magsalita: «Maniwala Kayo, Guro, na ako ay nagtataka at namimighati… Hindi ko alam kung ano ang ibig Ninyong sabihin… Wala akong nalalaman kahit na ano… Totoo na wala akong nakakatagpo kahit sino pa man sa Templo.  Nakipagkalas na ako sa lahat… Ngunit kung iyan ang Inyong sinasabi, maaaring totoo nga iyan…»

«Judas!... Ni si Sadoc ay hindi mo nakita?»

Si Judas ay iniyuko ang ulo bumubulung-bulong: «Siya ay isang kaibigan. Nakipagkita ako sa kanya bilang ganyan, hindi bilang isa sa mga taga-Templo…»

Si Jesus ay hindi tumugon sa kanya. Hinarap Niya sina Isaac at Juan ng Endor kung kanino Siya ay may ibinibigay pang ibang mga tagubilin tungkol sa kanilang gagawin.

Pansamantala pinagiginhawahan ng mga kababaihan si Maria Na umiiyak at ang bata na umiiyak din nakikita si Maria na umiiyak.

Si Lazarus at ang mga apostol din ay nalulungkot. Ngunit si Jesus ay lumapit sa kanila. Siya ay ngumingiti ulit nang may kabaitan, at habang niyayakap ang Kanyang Ina at hinahaplos ang bata, sinabi Niya: «At ngayon Ako ay magpapaalam na sa inyo na mga mananatili. Sapagkat kami ay aalis bukas pag sikat ng araw. Paalam, Lazarus. Paalam, Maximinus. Jose, pinasasalamatan Kita sa iyong kabaitan sa Aking Ina at sa mga babaeng disipulo, habang naghihintay sa Akin. Salamat para sa lahat. Lazarus, pagpalain mong muli si Martha sa ngalan Ko. Ako ay babalik agad. Halika, Inay, upang magpahinga. At kayo rin, Maria at Salome, kung ibig ninyong sumama.»

«Siyempre kami ay sasama!» sabi ng dalawang Maria.

«Bueno… sa higaan. Kapayapaan sa lahat. Ang Diyos ay mapasainyo.» Siya ay gumagawa ng pagpapalà ng kamay at lumabas hawak ang bata sa kamay at niyayakap ang Kanyang Ina.

Ang pananatili sa Bethany ay tapos na.

 100211                                              

 



Sunod na kabanata