208. Patungo sa Bahay ni Eliza ng Bethzur.

Hulyo 4, 1945.

«Tiyak na matatagpuan natin sila kung tayo ay babalik sa daan ng Hebron nang sandali. Pakiusap na maglakad nang dalawahan sa paghahanap sa kanila sa mga daanan ng bundok. Mula rito patungo sa Solomon’s Pool at pagkatapos patungong Bethzur. Susundan namin kayo. Ito ay ang kanilang pastulang lugar» sabi ng Panginoon sa Labindalawa at naintindihan ko na Siya ay nagsasalita tungkol sa mga pastol.

Ang mga apostol ay naghahanda na upang lumakad, ang bawat isa kasama ang paborito at tanging ang dalawang di-mapaghihiwalay ang hindi magkasama sapagkat kapwa sila pumunta sa Iskariote nagsasabing: «Ako ay sasama sa iyo» at si Judas ay tumugon: «Oo, halika, Andres. Mas mabuti na ito, Juan. Ikaw at ako ay kilala na ang mga pastol. Mas mabuti na kung sumama ka sa iba.»

«Halika rito sa akin, kung gayon, bata» sabi ni Pedro iniiwan si Santiago ni Zebedeo, na, walang pagpoprotesta, sumama kay Tomas, habang ang Zealot ay sinamahan si Judas ni Tadeo, si Santiago ni Alfeo sinamahan si Mateo at ang dalawang di-mapaghihiwalay na sina Felipe at Bartolomeo ay nanatiling magkasama. Ang bata ay nananatiling kasama sina Jesus at ang mga Maria.

Ang daan ay malamig at komportable at tumatakbo sa ganap na berdeng mga bundok natatakpan ng mga kakahuyan at mga parang. Nakasalubong sila ng mga kawan patungo sa mga pastulan sa kalabuan ng liwanag ng pagsikat ng araw.

Sa tunog ng bawat kampanilya si Jesus ay tumitigil sa pagsasalita at tumitingin sa kapaligiran, pagkatapos Siya ay magtatanong kung si Elias, ang Bethlehemitang pastol, ay nasa lugar na iyon. Naintindihan ko na ngayon si Elias ay tinatawag na «ang Bethlehemita». Kahit na kung ang ibang mga pastol ay mula din sa Bethlehem, siya ay bilang karapatan o panunuya «ang Bethlehemita». Ngunit walang nakaaalam kung nasaan siya. Sumasagot sila na pinatitigil ang kanilang mga kawan at pinatitigil ang kanilang pagpatugtog ng kanilang pangkabukirang mga plawta.

Halos ang bawat isa sa mga nakababatang pastol ay mayroon ng makalumang parang kawayan na mga plawta, na nagagawa si Marjiam na lubos na masiyahan, hanggang sa ang isa sa mga mabubuting matanda ay ibinigay sa kanya ang plawta ng kanyang pamangkin nagsasabing: «Gagawa siya ulit ng isa pa» at si Marjiam ay lumakad nang masaya dala ang kanyang instrumento nakalaylay sa kanyang likod, kahit na kung wala siyang alam na patugtugin iyon, kung sa ngayon man lamang.

«Gustung-gusto Ko silang makita!» bulalas ni Maria.

«Tiyak na makikita Ninyo sila. Sa mga panahon na ito sila ay laging malapit sila Hebron.»

Ang bata ay interesado sa mga pastol na nakakita sa Sanggol na Jesus at tinatanong niya si Maria nang maraming katanungan at Kanya naman itong ipinaliliwanag nang may pasyensiya at kabaitan.

«Ngunit bakit nila sila pinarurusahan! Wala silang ginawa bagkus ang mabuti!» tanong nang bata matapos na mapakinggan ang tungkol sa kanilang naging kapalaran.

«Sapagkat ang tao ay madalas na nagkakamali, aakusahan ang mga inosente ng masasamang gawa na sa katunayan iba ang may kagagawan. Ngunit sa dahilan na ang mga pastol ay naging mabuti at nagpatawad, mahal-na-mahal sila ni Jesus. Kailangan na tayo ay laging nakapagpapatawad.»

«Ngunit ang lahat na mga batang pinatay, papaano nila mapatatawad si Herodes?»

«Sila ay munting mga martir, Marjiam, at ang mga martir ay mga santo. Hindi lamang nila pinatatawad ang mga pumatay sa kanila, minamahal pa nila sila, sapagkat binubuksan nila ang Langit para sa kanila.»

«Ngunit sila ba ay nasa Langit?»

«Hindi, hindi pa sa ngayon. Ngunit sila ay nasa Limbo kung saan sila ang lugod ng mga Patriyarka at ng mga makatarungan.»

«Bakit?»

«Sapagkat nang sila ay dumating na ang kanilang mga kaluluwa kulay purpura ng dugo, sinabi nila: “Naririto kami, kami ang mga tagapagbalita tungkol sa Kristo ang Tagapagligtas. Magbunyi, kayo na mga naghihintay, sapagkat Siya ay naroroon na sa lupa”. At ang lahat ay minamahal sila sapagkat sila ang mga tagapaghatid ng mabuting mga balitang ito.»

«Ang aking ama ay nagsabi sa akin na ang Salita din ni Jesus ay mabuting balita. Kung gayon kapag ang aking ama ay pumunta sa Limbo matapos na ulitin ito sa lupa, at ako ay pumunta na rin, kami rin ba ay mamahalin?»

«Ikaw ay hindi na pupunta sa Limbo, Aking mahal na maliit na bata.»

«Bakit?»

«Sapagkat si Jesus sa panahon na iyan ay nakabalik na sa Langit at nabuksan na Niya ito at ang lahat na mabubuting tao ay tuluyang pupunta sa Langit kapag sila ay mamatay.»

«Magpapakabuti ako, pinapangako ko. At si Simon ni Jonah? Siya rin, ba? Sapagkat ayaw ko nang maging ulila nang ikalawang beses.»

«Siya ay mapupunta rin doon, makatitiyak ka, Ngunit walang mga ulila sa Langit. Naroroon ang Diyos. At ang Diyos ay lahat. Dito tayo ay hindi rin mga ulila. Sapagkat ang Ama ay laging kasama natin.»

«Ngunit si Jesus sa magandang panalangin na iyon, na itinuturo Ninyo sa akin sa araw at aking ina sa gabi, ay nagsasabi: “Ama namin Na nasa Langit”. Tayo ay wala pa sa Langit. Kung gayon, papaano natin Siya nakakasama?»

«Sapagkat ang Diyos ay nasa lahat na lugar, anak. Nakabantay Siya sa sanggol na ipinanganganak at sa matandang tao na namamatay.  Ang bata na ipinanganganak sa sandaling ito, sa pinakamalayong lugar sa mundo, ay nasa kanya ang pagmamahal at pagtingin ng Diyos at nasa kanya ang mga ito hanggang sa siya ay mamatay.»

«Kahit na kung siya ay kasing sama ni Doras?»

«Oo.»

«Ngunit magagawa ba ng Diyos, Na napakabuti, na mahalin si Doras na napakasama at ginagawa ang aking matandang ama na lumuha?»

«Tinitingnan Niya siya nang may pagkamuhi at pamimighati. Ngunit kung siya ay magsisisi, sasabihin Niya sa kanya kung ano ang sinabi ng ama sa parabula sa kanyang nagsisising anak. Kailangan na magdasal ka na sana siya ay magsisi at…»

«O! hindi, Inay! Magdadasal ako na sana siya ay mamatay!!!» sabi ng bata na galit bagama't ang kanyang tugon ay hindi napaka… anghelikal, ang kanyang kapusukan ay napakasinsiro upang walang sinuman ang makapagpigil na tumawa.

Si Maria pagkatapos ay ipinagpatuloy ang magiliw na kabigatan ng isang Tagapagturo: «Hindi, mahal Ko. Hindi mo kailangang gawin iyan sa isang nagkakasala.  Ang Diyos ay hindi makikinig sa iyo at titingnan ka Niya nang mahigpit din. Kailangan na mithiin natin para sa ating kapwa ang pinakamagandang kabutihan, kahit na kung ang ating kapwa ay napakasama. Ang buhay ay isang mabuting bahay sapagkat nabibigyan nito ang tao ng posibilidad na makakuha ng mga merito sa mga mata ng Diyos.»

«Ngunit kung ang isa ay masama, ang nakukuha niya ay mga kasalanan.»

«Magdarasal tayo na sana siya ay maging mabuti.»

Ang bata ay naging nag-iisip… ngunit ayaw niya ang mataas na turo na ito at siya ay naghinuha: «Si Doras ay hindi magiging mabuti kahit na kung ako ay magdasal para sa kanya. Napakasama niya. Kahit na kung ang lahat na sanggol na mga martir ay magdasal para sa kanya, hindi siya magiging mabuti. Hindi Ninyo nalalaman…  Hindi Ninyo nalalaman na isang araw hinampas niya ang aking matandang ama ng isang pamalong bakal, sapagkat nakita niya siya na nakaupo habang nasa oras ng pagtatrabaho? Hindi siya makatayo sapagkat masama ang kanyang pakiramdam… at kanya siyang pinalo at iniwanan na halos patay na, at pagkatapos sinipa niya siya sa mukha… Nakita ko siya sapagkat ako ay nakatago sa likuran ng isang palupo… Ako ay napunta roon sapagkat walang sinuman ang nagdala sa akin ng tinapay sa loob ng dalawang araw at ako ay nagugutom… Kinailangan kong umalis na tumatakbo upang hindi niya ako mapakinggan, sapagkat ako ay umiiyak nakikita ang aking matandang ama na ganyan, may dugo sa kanyang balbas, nakahiga sa lupa, na tila siya ay patay na… Ako ay lumuluha nang ako ay lumakad upang manghingi ng kaunting tinapay… ngunit ang tinapay na iyon ay naririto pa… at nagkakalasa ito ng dugo at mga luha ng aking ama at ng akin, at ng lahat na mga pinahirapan at mga hindi makapagmamahal sa mga taong nagpapahirap sa kanila. Ibig kong hampasin si Doras upang maramdaman sana niya kung ano ang sakit ng isang hampas, at ibig ko siyang iwanan nang wala ng kahit na anong tinapay, upang sana malaman niya kung ano ang magutom, at gagawin ko siyang magtrabaho sa ilalim ng init ng araw, sa loob ng putik, sa ilalim ng pananakot ng tagapangasiwa, walang pagkain, upang sana malaman niya kung ano ang kanyang ibinibigay sa mga mahihirap… hindi ko siya maaaring mahalin sapagkat… sapagkat pinapatay niya ang aking banal na ama, at ako… kung hindi ko kayo nakilala, kanino ako mapupunta?»

Ang bata, sa atake ng kirot, ay sumisigaw at umiiyak, nanginginig, nasisiraan ng ulo, sinusuntok ang hangin, dahil hindi niya masuntok ang nang-aalipin na Doras. Ang mga babae ay nagtataka at naaantig ang damdamin at nagsisikap na mapakalma bata. Ngunit siya ay talagang nasa pag-atake ng kapighatian at hindi makarinig. Siya ay sumisigaw: «Hindi ko magagawa, hindi ko mamamahal at mapapatawad siya. Kinapopootan ko siya, kinapopootan ko siya sa katauhan ng lahat, kinapopootan ko siya, kinapopootan ko siya!...» Siya ay nasa kaawa-awa at nakakatakot na kalagayan. Ito ay ang reaksiyon ng isang nilikha na labis na naghirap.

At sinabi ito mismo ni Jesus: «Iyan ang pinakagrabeng kasamaan na nagawa ni Doras: ang itulak ang inosente na mapoot…»

Pagkatapos kinarga Niya ang bata at nagsalita sa kanya: «Makinig. Marjiam. Ibig mo ba na isang araw makasama mo ang iyong inay, ang iyong itay, ang iyong maliit na kapatid na lalaki at ang matandang ama mo?»

«Oo…»

«Kung gayon kailangan na huwag kang mapoot kaninuman. Ang sinuman na napopoot ay hindi nakakapasok sa Langit. Hindi ka makapagdarasal para kay Doras ngayon? Bueno, huwag magdasal, ngunit huwag mapoot. Alam mo ba kung ano ang kailangan mong gawin? Kailangan na huwag kang lumingon kailanman upang isipin ang nakaraan…»

«Ngunit ang aking ama na naghihirap ay hindi nakaraan…»

«Totoo iyan. Ngunit tingnan, Marjiam, subukan at magdasal nang ganito: “Ama namin Na nasa Langit, pakiusap na tingnan ang aking hinihiling…» Makikita mo na ang Ama ay pakikinggan ka sa pinakamagandang paraan. Kahit na kung mapatay mo si Doras, ano ang gagawin mo? Mawawala sa iyo ang pagmamahal ng Diyos, ng Langit, ang pakikisama ng iyong ama’t ina at hindi mo mapagagaanan ang paghihirap ng matandang ama na iyong minamahal. Napakaliit mo pa na gawin iyon. Ngunit magagawa ito ng Diyos. Sabihin sa Kanya. Sabihin sa Kanya: “Nalalaman Ninyo kung gaano ko minamahal ang aking matandang ama at kung gaano ko minamahal ang mga di-masasaya. Maaari bang tingnan Ninyo ang bagay na ito, sapagkat nagagawa Ninyo ang lahat”. Ano? Ayaw mo bang ipahayag ang Ebanghelyo? Ngunit ang Ebanghelyo ay nagtuturo ng pagmamahal at kapatawaran! Papaano mo sasabihin sa isa: “Huwag mapoot. Magpatawad” kung hindi ka makapagmahal at makapagpatawad? Iwanan ang mga bagay sa Diyos at makikita mo kung gaano Niya kahusay aayusin ang lahat. Gagawin mo ba iyan?»

«Oo, gagawin ko, sapagkat minamahal ko Kayo.»

Si Jesus ay hinahalikan ang bata at ibinaba Niya siya.

Ang pangyayari ay tapos na at gayon din ang paglalakbay. May tatlong malalaking lunas na inuka sa batuhan na bundok, isang tunay na malaking gawa, at ang ibabaw ng pinakamalinaw na tubig ay kumikislap pati rin ang talon na mula sa unang lunas ay bumabagsak sa ikalawa at pagkatapos sa ikatlo, na tunay na isang maliit na lawa. Sa pamamagitan ng mga linya ng tubo ang tubig ay dinadala sa mga bayan. Ang buong bundok, mula sa bukal hanggang sa mga lunas at mula sa mga lunas hanggang sa lupa ay napakaganda at napakataba, salamat sa kabasaan ng lupa sa lugar na ito, at ang mga bulaklak na mas kompuwesto kaysa sa mga ligaw, kasama ang mga bihirang may-amoy na mga yerba, ay nagagawa ang mga berdeng panabi ng bundok na maging isang napakaganda at maningning na tanawin. Iisipin ng isa na ang tao ay nagtanim dito ng isang hardin ng mga bulaklak kasama ang maamoy na yerba, na, sa init ng araw, ay naikakalat ang aroma ng cinnamon, campor, clove at lavender at iba pang kaaya-ayang maanghang, matapang, malakas, matamis na amoy, sa magandang pagkakahalu-halo ng mga amoy sapagkat ito ay tunay na isang tula ng mga yerba at ng mga bulaklak sa mga kulay at amoy.

Ang lahat na mga apostol ay nakaupo sa ilalim ng lilim ng isang  punungkahoy na natatakpan ng malalaking maputing mga bulaklak, na ang pangalan nito ay hindi ko alam,  Ang mga ito ay napakamalalaking pabitin na korteng kampanilyang mga bulaklak, ng puting enamel na kulay, na tumatayon sa pinakamahinang ihip ng hangin, ikinakalat ang kanilang amoy sa bawat pagtayon. Hindi ko alam ang pangalan ng punungkahoy na ito. Ang mga bulaklak nito ay nagpapa-alaala sa akin tungkol sa isang tanim na tumutubo sa Calabria, na ang mga tagaroon ang tawag nila ay «bottaro», ngunit ang katawan ng puno ay iba, dahil ito ay isang mataas na puno, na may malakas na katawan, at hindi isang tanim. Si Jesus ay tinawag sila at sila’y nagmadali patungo sa Kanya.

«Nakita rin namin kaagad si Jose, siya ay pabalik mula sa palengke. Silang lahat ay pupunta sa Bethzur sa gabing ito. Nagka-ipun-ipon kami, sa pagsisigawan sa isa’t isa, at nanatili kami sa malamig na lilim nito» paliwanag ni Pedro.

«Anong gandang lugar nito! Ito ay kamukha ng isang hardin! Pinag-uusapan namin kung ito ay natural o hindi, at ipinipilit ng iba na ito ay natural, ang iba sabi hindi» sabi ni Tomas.

«Ang lupain ng Judea ay may ganitong mga kababalaghan» wika ng Iskariote, na laging nakakiling na maging mapagmalaki sa pamamagitan ng lahat, ng mga bulaklak at mga yerba rin.

«Oo… ngunit… sa palagay ko kung ang hardin ni Johanna sa Tiberias ay iabandona at ito ay naging ligaw, ang Galilee din ay magkakaroon ng kababalaghan ng magagandang rosas sa mga labí» balik-sabi ni Santiago ni Zebedeo.

«Hindi ka nagkakamali. Ito ang lugar kung nasaan dati ang mga hardin ni Solomon, at ang mga ito ay sikat, katulad ng kanyang mga palasyo, sa buong mundo ng mga araw na iyon. Baka rito sa lugar na ito napanaginipan niya ang Awit ng mga Awit, at kanyang iniugnay  sa Banal na Siyudad ang lahat na magagandang bulaklak na kanyang pinatubo rito» sabi ni Jesus.

«Kung gayon tama ako!» bulalas ni Tadeo.

«Oo, tama ka. Alam ba Ninyo, Guro? Binabanggit niya ang Ecclesiastes, iniuugnay ang idea tungkol sa mga hardin sa idea tungkol sa mga lunas at naghinuha siya nagsasabing: “Ngunit kanyang nabatid na ang lahat ay banidad at walang nagtatagal sa ilalim ng araw, maliban sa Salita ng aking Jesus”» sabi ni Santiago, yung kapatid.

«Pinasasalamatan Kita. Ngunit pasalamatan din natin si Solomon, maging kanya man ang orihinal na mga bulaklak o hindi. Ang mga lunas na nagpapatubig sa mga yerba at mga tao ay tiyak na kanya. Pagpalain nawa siya para sa mga ito. Ngayon tayo na sa gusot na malaking palumpong ng layas na rosas na iyon, na nakaporma ng isang mabulaklak na tunel mula sa isang puno hanggang sa kasunod. Tayo ay titigil doon. Tayo ay halos kalahati na sa daan…»

… At nagpatuloy sila sa paglalakad nang mga ikasiyam na oras na, nang ang mga puno ay may mahahaba nang mga anino sa lugar na ito, na maayos-na-maayos ang mga pagkakabukid sa bawat bahagi. Ang isa ay mag-aakala na siya ay naglalakad sa loob ng isang botanikal na hardin sapagkat ang bawat klase ng punungkahoy ay naririto: mga punong pangkakahuyan, mga namumunga at pampasinayang mga punungkahoy. May mga tao na nagtatrabaho sa mga lupa kahit saan ngunit hindi sila nagpapakita ng interes sa nagdaraang grupo. Sa kabilang dako, hindi lamang ito ang nag-iisang grupo.  May ibang mga grupo ng mga Israelita na nagdaraan galing sa pagdiriwang ng Paskuwa. Ang daan ay maganda bagama't ito ay ginawa sa tabi ng mga bundok, at ang patuloy na nagbabagong tanawin ay nakapagpapaalis sa pagkainip sa mga manlalakbay. Ang mga ilog at malalakas na agos ng tubig ay pumoporma ng malaplatang tubig na mga kuwit at sumusulat ng mga salita na pagkatapos ay kanilang inaawit sa kanilang napakaraming salubungan sa paggala-gala, na dumaraan sa mga kakahuyan o nagtatago sa ilalim ng mga yungib mula kung saan sila ay lalabas nang mas magaganda. Sila ay tila nakikipaglaro sa mga halaman at mga bato katulad ng masasayang mga bata.

Si Marjiam din, na ngayon masaya nang muli, ay naglalaro at nagsusubok na makapagpatugtog sa pamamagitan ng kanyang instrumento upang magaya ang mga ibon. Ngunit ang tunog na kanyang nagagawa ay hindi musika, bagkus di-nagkakasundong mga lamentasyon, na lumalabas na di-kaibig-ibig sa mas mahihirap na miyembro ng grupo, ibig sabihin kay Bartolomeo, dahil sa kanyang edad, at kay Judas Iskariote, dahil sa maraming dahilan. Ngunit walang sinuman ang hayagan na nagrereklamo at ang bata ay sumisipol palaru-laro sa paligid. Tanging dalawang beses lamang siya napaturo sa isang nayon na nasa gitna ng mga kakahuyan at magtatanong: «Iyon ba ay ang amin?» at mamumutla. Ngunit si Simon, na pinananatili niya siya na malapit sa kanya, ay magsasabi: «Ang inyong nayon ay napakalayo mula rito. Halika tingnan natin kung makukuha natin ang magandang bulaklak na iyon at dalhin kay Maria» at kung gayon mailayo ang kanyang isip sa kanyang mga inaalaala.

6Ang araw ay nagsisimula nang lumubog nang ang Bethzur ay nagpakita sa ibabaw ng burol nito at halos kasabay nilang nakita sa daan na kanilang kinuha ang mga kawan ng mga pastol at ang mga pastol ay nagtakbuhan upang salubungin sila. Nang makita ni Elias na si Maria ay naroroon din, naitaas niya ang kanyang mga kamay sa pagkasorpresa at nanatiling ganoon, hindi makapaniwala sa kanyang nakikita.

«Kapayapaan sa iyo, Elias. Ako ito. Nangako Kami sa iyo, ngunit hindi posible na magkita sa Herusalem… Hindi na bale. Nagkikita na tayo ngayon» sabing may-kabaitan ni Maria.

«O! Ina, Ina!...» Hindi malaman ni Elias ay kanyang sasabihin.  Sa wakas nakatagpo siya ng mga salita: «Bueno nagdiriwang ko ang Paskuwa ngayon. Gayon din ito, o mas mabuti pa siguro.»

«Siyempre, Elias. Nakapagbenta tayo nang maganda. Makapagkakatay tayo ng maliit na tupa. O! Pakiusap na maging mga panauhin ng aming abang hapag kainan» nakikiusap sina Levi at Jose.

«Kami ay pagod ngayong gabi. Makinig. May kilala ba kayong Eliza, ang asawa ni Abraham ni Samuel?»

«Oo. Naninirahan siya sa kanyang bahay sa Bethzur. Ngunit si Abraham ay patay na at ang kanyang anak ay namatay nang nakaraang taon. Ang una ay namatay gawa ng sakit sa loob ng kaunting oras, at walang nakaaalam kung ano ang kanyang ikinamatay. Ang isa ay namatay nang unti-unti at walang nakapagpigil sa pagbaba ng kanyang kalusugan. Binigyan namin si Eliza ng gatas ng bata-pang kambing, sapagkat sabi ng doktor makakabuti iyon sa kanyang anak. Marami ang kanyang ininom nito, dahil lahat na mga pastol ay nagdadala sa kanya nito, sapagkat ang kaawa-awang ina ay nagpahatid ng mga tao sa kung sinuman ang may batang kambing na maggagatas sa unang pagkakataon sa kanilang mga kawan. Ngunit wala ring mangyari. Nang bumalik kami sa kapatagan ang binata ay ayaw nang kumain ng kahit na ano. Nang bumalik kami sa Adar, dalawang buwan na siyang patay.»

«Ang kaawa-awa Kong kaibigan! Mahal-na-mahal niya Ako sa Templo… at kahit na papaano nakakamag-anak Ko siya sa pamamagitan ng aming mga ninuno,,, Siya ay mabait… Siya ay umalis upang pakasalan si Abraham, kung kanino siya ay naipangako mula nang siya ay maliit pa, dalawang taon bago Ako umalis at naaalaala Ko nang siya ay dumating upang ialay ang kanyang panganay na anak sa Panginoon. Siya ay nagpahatid sa Akin ng salita, hindi lamang para sa Akin, ngunit pagkaraan ibig niya Akong makasama nang nag-iisa kami nang ilang panahon… At ngayon siya ay nag-iisa… O! Kailangan na magmadali Ako upang mapaginhawahan siya! Kayo ay manatili rito. Sasama Ako kay Elias at papasok Akong mag-isa. Ang kapighatian ay nangangailangan ng respeto…»

«Ni Ako hindi, Inay?»

«Siyempre, lagi. Ngunit ang iba… Ni ikaw ay hindi, Aking munting mahal. Magiging masakit ito para sa iyo. Halika, Jesus!»

»Hintayin n’yo kami sa liwasan ng nayon. Maghanap kayo ng matutuluyan para sa gabi. Paalam» utos ni Jesus.

At kasama lamang si Elias, sina Jesus at Maria ay lumakad hanggang sa layo ng isang malaking bahay, na ganap na nakasarado at tahimik. Ang pastol ay kumatok sa pinto sa pamamagitan ng kanyang tungkod. Ang isang katulong na babae ay dumungaw sa maliit na bintana nagtatanong kung sino iyon. Si Maria ay lumapit nagsasabing: «Si Maria ni Joaquin at ang Kanyang Anak, mula sa Nazareth. Sabihin mo sa iyong sinyora.»

«Walang kabuluhan. Ayaw niyang makipagkita sa kaninuman. Iniiiyak niya ang laman ng kanyang puso.»

«Subukan,»

«Hindi. Alam ko kung papaano niya ako palayasin kung sinusubukan ko na makalimutan niya ang kanyang mga alalahanin. Ayaw niya ang sinuman, hindi siya makikipagkita sa kaninuman. Nakikipagusap lamang siya sa alaala ng kanyang mga anak na lalaki.»

«Lakad, babae. Inuutusan kita na lumakad. Sabihin mo sa kanya: “Ang maliit na si Maria ay naririto, ang isa na anak ninyo sa Templo…”. Makikita mo na makikipagusap niya Ako.»

Ang babae ay umalis iniiling ang ulo. Si Maria ay nagpapaliwanag sa Kanyang Anak at sa pastol: «Si Eliza ay labis na mas matanda kaysa sa Akin. Siya ay naghihintay sa Templo para sa kanyang katipan na makabalik mula sa Ehipto kung saan pumunta ang katipan para sa mga bagay tungkol sa mana, kung kaya’t si Eliza ay nanatili sa Templo nang matagal-tagal hanggang sa siya’y nagka-edad nang husto. Halos sampung taon ang tanda niya sa Akin. Ang mga tagapagturo ay madalas na ipinagkakatiwala ang maliliit na bata sa mga adultong mag-aaral… at siya ang Aking kasa-kasamang tagapagturo. Siya ay mabuti at… Naririto na ang babae.»

Sa katunayan ang katulong takang-takang nagmadali upang buksan ang pinto: «Pasok, pasok!» sabi niya.  At pagkatapos sa mababang tinig: «Harinawang pagpalain Kayo sa pagpalabas Ninyo sa kanya sa silid.»

Si Elias ay umalis at si Maria ay pumasok kasama ang Kanyang Anak.

«Ngunit ang lalaking ito, totoo nga… Sa ngalan ng awa! Kasing edad Niya si Levi…»

«Papasukin Siya. Siya ay Aking Anak at mapagiginhawahan Niya siya nang higit pa kaysa sa magagawa Ko.»

Ang babae ay ikinibit ang kanyang mga balikat at nagpatuloy sa paglalakad sa mahabang bulwagan ng maganda subalit malungkot na bahay. Ang lahat ay malinis, ngunit ang lahat ay tila patay.

«Eliza! Mahal! Ako si Maria!» sabi ni Maria tumatakbo papalapit sa kanya at niyayakap siya.

«Maria? Ikaw… Akala ko patay Ka na, rin. Ako’y sinabihan… kailan iyon? Hindi ko alam… Ang aking ulo ay walang laman… Ako’y sinabihan na namatay Kang kasama ang iba pang mga babae pagkatapos ng pagdating ng mga Mago. Ngunit sino ba ang nagsabi sa akin na Ikaw ang Ina ng Tagapagligtas?»

«Baka ang mga pastol…»

«O! ang mga pastol!» Ang babae ay napaiyak nang mapait. «Huwag banggitin ang pangalan na iyan. Nagpapaalaala sa akin iyan tungkol sa huling pag-asa para sa buhay ni Levi… Subalit… oo… isang pastol ang nagsalita sa akin tungkol sa Mesiyas at napatay ko ang aking anak dinadala siya sa lugar kung saan sabi nila naroroon ang Mesiyas, malapit sa Jordan. Ngunit walang sinuman na tao roon�� at ang aking anak ay nakabalik sa oras upang mamatay… Pagod, lamig… pinatay ko siya… Ngunit wala akong intensiyon na maging mamamatay tao. Ako’y sinabihan na Siya, ang Mesiyas, ay nagpapagaling ng mga sakit… at iyan kung bakit ko iyon ginawa… Ngayon ang aking anak ay inaakusahan ako sa pagpatay sa kanya…»

«Hindi, Eliza. Ikaw ang nag-iisip nang ganyan. Makinig. Ako sa halip ay naiisip Ko na Ako ay inakay ng iyong anak nagsasabing: “Halika sa aking mahal na ina. Dalhin Ninyo ang Tagapagligtas sa kanya. Mas masaya ako rito kaysa kung ako ay nasa lupa. Ngunit nakikinig lamang siya sa kanya pag-iyak, at hindi niya mapakinggan ang mga salita na ibinubulong ko sa kanya na may kasamang mga halik, kaawa-awang ina, katulad niya ang isang babae na inalihan ng dimonyo na ibig niya siyang mapasuko sa kawalang-pag-asa, sapagkat ibig niya kaming magkahiwalay. Kung sa halip tatanggapin niya at maniniwala siya sa Diyos na ginagawa ng Diyos ang lahat para sa mabuting pakay, kami ay magkakasama nang mabuti, kasama ang aking ama at kapatid na lalaki. Magagawa ito ni Jesus”. At Ako ay pumarito… kasama Siya… Ayaw mo bang makita mo Siya?...» Si Maria ay nagsalita na yakap lagi ang kaawa-awang ina, hinahalikan nang may lubos na kabaitan ang kanyang ubaning buhok.

«O! kung iyan ay totoo! Ngunit, kung gayon bakit hindi si Daniel pumunta sa iyo, upang sabihin sa iyo na pumunta kaagad?... Ngunit sino ba ang nagsabi sa akin kamakailan na Ikaw ay patay na? Hindi ko maalaala… Hindi ko maalaala… Baka iyan ang isa pang dahilan kung bakit naghintay ako nang matagal na pumunta sa Mesiyas. Ngunit sinabi nila na Siya, Ikaw, ang lahat ay namatay sa Bethlehem…»

«Hindi na bale kung sino man ang nagsabi. Halika rito, tingnan, ang Aking Anak ay naririto. Pumunta ka sa Kanya. Gawin mong masaya ang iyong mga anak at ang iyong Maria. Nalalaman mo ba na naghihirap kami ng nakikita kang ganyan?» At Kanya siyang inakay patungo kay Jesus Na nakatayo sa isang madilim na sulok at ngayon lamang lumalapit, sa ilalim ng liwanag ng isang lampara na inilagay ng katulong na babae sa ibabaw ng isang mataas na aparador.

Ang kaawa-awang ina ay itinaas ang kanyang ulo… at ngayon nakikita ko na siya si Eliza na naroroon din sa Kalbaryo kasama ang mga banal na babae. Si Jesus ay iniunat ang Kanyang kamay sa isang pagpapakita ng mapagmahal na paanyaya. Ang kaawa-awang babae ay nag-aalinlangan nang sandali, pagkatapos kanyang ipinagkatiwala ang kanyang sariling mga kamay sa mga kamay ni Jesus at sa wakas, bigla na lamang, itinapon ang kanyang sarili sa dibdib ni Jesus, umuungol: «Sabihin Ninyo, sabihin Ninyo sa akin na wala akong kagagawan sa kamatayan ni Levi! Sabihin Ninyo na sila ay hindi nawawala sa akin magpakailanman! Sabihin Ninyo na makakasama ko rin sila!...»

«Oo, sasabihin Ko. Makinig. Sila ngayon ay nagsasaya sapagkat nasa Akin kang mga kamay. Malapit na Akong pumunta sa kanila, at ano ang Aking sasabihin sa kanila? Na hindi mo ipinagkakatiwala ang iyong sarili sa Panginoon? Sasabihin Ko ba sa kanila iyan? Ang mga kababaihan ng Israel, ang mga kababaihan ni David, nakapalalakas, napakarurunong, ay mapasisinungalingan gawa mo? Hindi. Ikaw ay naghihirap, sapagkat naghirap nang nag-iisa. Ang iyong kapighatian at ikaw. Ikaw at ang iyong kapighatian. Hindi matatagalan ng isa ang ganyan. Hindi mo na ba naaalaala ang mga salita ng pag-asa para sa mga kinuha sa atin ng kamatayan? “Ibig kong ibangon kayo mula sa inyong mga libingan, Kapag inilagay ko sa inyo ang aking espiritu, kayo ay mabubuhay”. Ang lupa ng Israel, para sa mga makatarungan na natutulog sa Panginoon, ay ang Kaharian ng Diyos. Bubuksan Ko ito at ibibigay Ko ito sa mga naghihintay sa Akin.»

«Para din sa aking Daniel? At sa aking Levi?...  Nahintakutan siya nang labis sa kamatayan!... Hindi niya matagalan ang kaisipan na malayo siya sa kanyang ina. Iyan kung bakit ibig kong mamatay at mailibing sa tabi niya…»

«Ngunit wala sila roon na kasama ang kanilang nabubuhay na mga bahagi. Tanging ang mga patay na bagay lamang ang naroroon at hindi ka nila napapakinggan. Sila ay nasa lugar ng paghihintay…»

«Ngunit talaga bang naririyan iyan? O! Huwag Kayong maiskandalo tungkol sa akin. Ang aking mga alaala ay naging mga luha! Ang aking ulo ay puno ng ingay ng pag-iyak at paghihingalo ng aking mga anak. Ang paghihingalong iyon! Natunaw nito ang aking mga utak. Tanging ang paghihingalong iyan ang mayroon ako rito…»

«At ilalagay Ko ang mga salita ng buhay diyan para sa iyo. Itatanim Ko ang Buhay, sapagkat Ako ang Buhay, kung saan nariyan ang ingay ng kamatayan. Alalahanin ang dakilang Judas Macabeo na ginusto ang pag-aalay ng isang sakripisyo pata sa mga patay, tamang iniisip na sila ay nakatalagang mabubuhay muli na kinakailangan na madaliin ang kanilang kapayapaan sa pamamagitan ng naaangkop na mga sakripisyo. Kung si Judas Macabeo ay hindi nakatitiyak ng kanilang pagkabuhay muli, nagdasal kaya siya at ginawa kaya niyang magdasal ang mga tao para sa mga patay? Katulad sa ito ay isinulat, inisip niya na may dakilang gantimpala ang nakalaan para sa mga namatay na banal, katulad na ginawang tiyak ng iyong mga anak… Kita mo, nagsasabi kang oo? Kung kaya’t huwag maging desperado. Bagkus magdasal nang lagi para sa iyong mga patay, na sana ang kanilang mga kasalanan ay mapagbayaran-sala bago Ako pumunta sa kanila. Pagkatapos, na wala nang paghihintay nang sandali, sila ay pupunta sa Langit kasama Ko. Sapagkat Ako ang Daan, ang Katotohanan at ang Buhay at Ako ay nagpapasunod, at nagsasalita Ako ng Katotohanan at nagbibigay Ako ng Buhay sa mga naniniwala sa Aking Katotohanan at sumusunod sa Akin. Sabihin mo sa Akin, ang iyo bang mga anak ay naniniwala sa pagdating ng Mesiyas?»

«Siyempre, aking Panginoon. Itinuro ko sa kanila na paniwalaan iyan.»

«At si Levi ba ay naniniwala na kung ginusto Ko mapagagaling Ko siya?»

«Oo, aking Panginoon. Umasa kami sa Inyo… ngunit walang nangyari nito… at siya ay namatay na nasiraan ng loob pagkatapos ng umasa nang labis...» Ang babae ay nagpatuloy muli sa pag-iyak mas kalmante ngunit mas matindi sa kanyang kakalmahan kaysa nang siya ay balisa.

«Huwag mong sabihin na iyon ay walang nangyari. Siya na naniniwala sa Akin, kahit na kung siya ay patay na, ay mabubuhay magpakailanman… Ang gabi ay dumarating na babae, sasamahan Ko na ang Aking mga apostol. Iniiwan Ko sa iyo ang Aking Ina…»

«O! Maaari bang manatili rin Kayo!... Natatakot ako na kung Kayo ay umalis, ang pagpapahirap sa akin ay magsisimula ulit… Ang bagyo ay nagsisimula pa lamang na kumalma sa tunog ng Inyong mga salita…»

«Huwag kang matakot! Kasama mo si Maria. Pupunta Ako ulit bukas. May sasabihin Ako sa mga pastol. Masasabihan Ko ba sila na lumapit sa iyong bahay?...»

«O! Oo. Madalas din silang pumunta  nang nakaraang taon para sa aking anak… Sa likuran ng bahay ay may isang lootan at isang pangkabukirang looban. Makapupunta sila roon katulad ng madalas nilang ginagawa noon, upang maipon ang mga kawan…»

«O sige, Ako ay pupunta. Maging mabuti. Alalahanin na si Maria sa Templo ay ipinagkatiwala sa iyo. Ipinagkakatiwala Ko rin Siya sa iyo ngayong gabi.»

«Oo, huwag mag-alala. Aalagaan ko Siya… Aasikasuhin ko ang Kanyang hapunan, ang Kanyang pagpapahinga… Sa kung anong tagal na na hindi ko naisip ang tungkol sa mga bagay na ito! Maria, maaari bang matulog Ka sa aking silid, katulad ng ginawa ni Levi nang siya ay may sakit? Ako sa higaan ng aking anak, Ikaw sa akin. At mararamdaman ko na tila maririnig kong humihingang muli ang kanyang liwanag… Madalas niya akong hinahawakan sa kamay…»

«Oo, Eliza. Ngunit bago iyan magsasalita tayo tungkol sa maraming mga bagay.»

«Hindi. Ikaw ay pagod. Kailangang matulog Ka.»

«Ikaw, din…»

«O! Ako! Hindi ako natulog sa loob ng maraming buwan… Ako’y umiiyak… at umiiyak… wala akong magawang iba…»

«Sa gabing ito, sa halip, tayo ay magdarasal, pagkatapos tayo ay matutulog… Tayo ay matutulog na magkahawak ang ating mga kamay. Makakalakad Ka na Anak, at magdasal para sa amin…»

«pinagpapalà Ko kayo. Kapayapaan sa iyo at sa bahay na ito!»

At si Jesus ay umalis kasama ang babaeng katulong na takang-taka na laging inuulit-ulit: «Anong himala, aking Panginoon! Anong himala! Pagkatapos ng maraming buwan siya ay nagsalita, siya ay nangatwiran… O! anong gandang bagay!.. Sinasabi nila na siya ay mamamatay na baliw… At ako ay nalulungkot, sapagkat siya ay mabait.»

«Oo, siya ay mabait at iyan kung bakit tutulungan siya ng Diyos. Paalam, babae. Kapayapaan din sa iyo.»

Si Jesus ay lumabas patungo sa halos madilim nang kalsada at ang lahat ay natapos.

100211

 



Sunod na kabanata