209. Si Jesus sa Bahay ni Eliza Nagsasalita Tungkol sa Kapighatian na Namumunga.

Hulyo 5, 1945.

Ang balita na si Eliza ay nakumbinsi na na kailangang kalimutan na niya ang kanyang matrahedyang  kalungkutan ay maaaring kumalat na sa nayon, upang nang si Jesus sinusundan ng Kanyang mga apostol at mga disipulo ay pumupunta sa bahay, tinatawid ang nayon, maraming tao ang maingat na nagmamasid sa Kanya. Tinatanong din nila ang iba't ibang mga pastol ng iba't ibang tanong tungkol sa Kanya, bakit Siya pumunta, ang tungkol sa mga kasama Niya, ang tungkol sa bata, sa mga kababaihan, ang gamot na Kanyang ibinigay kay Eliza upang makawala siya sa kanyang madilim na pagkasira ng ulo nang napakabilis nang Siya ay dumating, ang tungkol sa kung ano ang Kanyang gagawin o sasabihin… At kung sinuman ang ibig na magtanong ay maaaring gawin ito…

Ang huling katanungan ay: «Kami ba ay hindi rin makakapunta?» kung saan ang mga pastol ay tumugon: «Iyan ay hindi namin alam. Kailangan na tanungin ninyo ang Guro. Lakad at tanungin Siya.»

«At kung kami ay Kanyang maltratuhin?»

«Kahit ang mga nagkakasala ay hindi Niya minamaltrato. Lakad. Matutuwa Siya.»

Ang isang grupo ng mga tao, karamihan maedad na mga kalalakihan at kababaihan, mga kasing edad ni Eliza, ay nagkukunsultahan sa isa’t isa at pagkatapos lumakad patungo kay Jesus Na nakikipagusap kina Pedro at Bartolomeo, at medyo nag-aalinlangan tinawag nila Siyang: «Guro…»

«Ano ang kailangan ninyo?» tanong ni Bartolomeo.

«Upang magsalita sa Guro, upang itanong…»

«Harinawang mapasainyo ang kapayapaan. Ano ang ibig ninyong itanong sa Akin?»

Nagkaroon sila ng lakas ng loob nakikita si Jesus na tumatawa at nagsabi: «Kaming lahat ay kaibigan ni Eliza at ng kanyang sambahayan. Napakinggan namin na siya ay napagaling. Ibig namin siyang makita at mapakinggan Kayo. Makakapunta ba kami?»

«Makakapunta kayong tiyak upang pakinggan Ako. Upang makita siya, hindi, Aking mahal na mga kaibigan. Pagpigilan ninyo ang inyong pakikipagkaibigan at ang inyo ring pag-uusisa. Sapagkat iyan ay pag-uusisa rin. Magkaroon ng respeto para sa matinding kapighatian na kailangan na huwag magambala.»

«Ngunit siya ba ay hindi nakapanumbalik?»

«Siya ay patungo sa Liwanag. Ngunit kapag natapos na ang gabi, katanghalian na ba kaagad? At kapag nagsisindi kayo ng apoy, ang apoy ba ay maningning na kaagad? Ganyan din ang kay Eliza. At kung ang isang biglang buga ng hangin ay umihip sa isang nagsisimulang maliit na apoy, hindi ba napapatay nito ito? Mag-ingat kung gayon. Ang babae ay isang malaking sugat. Ang pakikipagkaibigan ay maaaring makapagpalala rin sapagkat kailangan niya ng pahinga, katahimikan, at pag-iisa, hindi kasing matrahedya katulad ng kahapon, pag-iisang may pagtanggap upang matagpuang muli ang kanyang sarili…»

«Kung gayon, kailan namin siya pupuntahan?»

«Malapit na, kaysa sa naiisip ninyo. Sapagkat siya ay papagaling na ngayon. Ngunit kung nalalaman lang ninyo kung ano ang lumabas sa kadilimang iyon! Ito ay mas grabe pa kaysa sa kamatayan. At sinuman ang nakakalabas mula rito, pagkatapos ng lahat, ay ikinahihiya ang  pagkakapanggaling doon at iyan ay kailangan na malaman ng mundo.»

«Kayo ba ay isang doktor?»

«Ako ang Guro.»

Narating na nila ang bahay. Si Jesus ay nagsasalita sa mga pastol: «Pumunta kayo sa bakuran. Ang sinuman na ibig sumama sa inyo ay makakasama. Ngunit walang sinuman ang kailangan na gumawa ng kahit na anong ingay o lumampas sa bakuran. Kayo ba ay makakapagbantay din» sabi Niya sa mga apostol, «upang makasunod ang lahat.  At kayo (Siya ay nagsasalita kina Salome at Maria ni Alfeo) ay bantayan na ang bata ay hindi gagawa ng kahit na anong ingay. Paalam.» At kumakatok Siya sa pinto habang ang iba ay iniikutan ang sulok sa tabi ng makitid na kalsada at pumunta kung saan sila sinabihan na pumunta.

Ang babaeng katulong ay binuksan ang pinto. Si Jesus ay pumapasok habang ang katulong ay paulit-ulit na yumuyuko sa Kanya.

«Nasaan ang iyong sinyora?»

«Kasama ng Inyong Ina… at, isipin na lang! siya ay pumunta sa hardin! Napakaganda! Napakaganda! At kagabi siya ay pumunta sa silid kainan… Siya ay lumuluha, ngunit siya ay pumunta. Ibig ko sana na kumain siya ng kaunting pagkain, sa halip ng pangkaraniwang patak ng gatas, ngunit hindi ako nagtagumpay!»

«Kakain siya. Huwag mamilit. Maging mapasyensiya rin sa iyong pagmamahal para sa iyong sinyora.»

«Opo, aking Tagapagligtas, gagawin ko ang lahat na sasabihin Ninyo sa akin.»

Sa palagay ko, sa katunayan, kung si Jesus ay nagsabi sa kanya na gawin ang pinaka-kakaibang mga bagay, gagawin niya ang mga ito na wala nang tanung-tanong pa, sapagkat kumbinsidung-kumbinsido siya na si Jesus ay Jesus at na ang lahat na Kanyang ginagawa ay tama. Pansamantala dinadala niya Siya patungo sa isang malaking pangkusinang-hardin, puno ng namumungang mga punungkahoy at ng mga bulaklak. Ngunit kung ang mga namumungang-punungkahoy ay nagkusang magkaroon ng mga dahon at mamulaklak, upang  maihanda ang bunga at mapalaki  ang mga ito, ang abang bulaklak na mga tanim, napabayaan nang mahigit isang taon, ay naging isang munting kakahuyan, na labis na nagkabuhul-buhol upang ang mas mahihina at mabababang mga halaman ay hindi na makahinga sa ilalim ng bigat ng mas malalakas na tanim. Ang mga hilera ng taniman ng mga bulaklak at ang mga daanan ay nawala na dahil ang mga ito ay naging isang magulong pagkakabuhul-buhol. May isang kaayusan sa dulo ng hardin lamang kung saan ang katulong na babae ay nakapagtanim ng mga gulay at mga legume para sa kanyang pansariling gamit.

Si Maria ay kasama si Eliza sa ilalim ng gulung-gulong balag, ang mga usbong at mga bitin nito ay umaabot sa lupa. Si Jesus ay tumigil upang tingnan ang Kanyang  bata-pang Ina, Na sa pamamagitan ng pinong kagalingan ginigising at inaalalayan ang isip ni Eliza patungo sa mga bagay na ganap na iba sa kung ano kahapon ay mga kaisipan ng may sakit na babae.

Ang babaeng katulong ay nilalapitan ang kanyang sinyora at nagsabi: «Ang Tagapagligtas ay dumating na.»

Ang dalawang babae ay tumalikod at lumakad patungo sa Kanya, ang isa may matamis na ngiti, ang isa nagmumukhang pagod at lito.

«Kapayapaan sa inyo. Ang hardin na ito ay maganda.

«Maganda ito noon…» sabi ni Eliza.

«At ang lupa ay mataba. Tingnan kung gaano kaganda ang bunga na mahihinog! At gaano karaming bulaklak ang nasa tanim na mga rosas! At sa banda roon? Iyon ba ay mga liryo?»

«Oo, sa paligid ng pontanya kung saan ang aking mga anak ay labis na naglalaro. Ngunit noon iyan ay malinis… Ngayon ang lahat ay sira na rito. At ito ay tila hindi na ang hardin ng aking mga anak.»

«Sa loob lamang ng ilang araw iyan ay magiging katulad ng dati. Tutulungan kita. Tama ba iyon, Jesus? Iiwanan Mo Ako rito kay Eliza nang mga ilang araw . Marami kaming dapat gawin…» sabi ni Maria.

«Kung ano ang ibig Ninyo, gusto Ko.»

Si Eliza ay tinitingnan Siya at bumulong: «Salamat sa Inyo.»

Si Jesus ay hinahaplos ang kanyang ubaning buhok at umalis upang pumunta sa mga pastol.

Ang dalawang babae ay nananatili sa hardin, ngunit pagkaraan nang kaunti, nang ang tinig ni Jesus binabati ang mga tao ay narinig sa kalmanteng hangin, si Eliza, na tila siya ay naaakit ng isang di-matatagalang puwersa, ay pumunta nang unti-unti sa isang napakataas na palupo sa kabila nito kung saan ay naroroon ang bakuran.

Si Jesus sa una ay nagsasalita sa tatlong pastol. Siya ay malapit sa palupo, at sa Kanyang harapan ay naroroon ang mga apostol at ang mga mamamayan ng Bethzur na sumunod sa Kanya. Ang mga Maria kasama ang bata ay nakaupo sa isang sulok. Sinasabi ni Jesus: «Ngunit kayo ba ay napipigilan ng isang kontrata o mapalalaya ninyo ang inyong mga sarili sa inyong mga pananagutan anumang oras?»

«Bueno, kami ay totoong malalayang katulong. Ngunit hindi tama sa palagay namin na iwanan siya kaagad ngayon na ang kawan ay labis na nangangailangan ng atensiyon at mahirap maghanap ngayon ng mga pastol.»

«Hindi, hindi iyan tama. Ngunit hindi kinakailangan na gawin iyan kaagad. Sasabihin Ko sa inyo na gawin iyan sa tamang panahon, upang kayo ay makapaglingkod nang patas sa lahat. Ibig Ko kayong maging malaya. Upang samahan ang mga disipulo at matulungan Ako…»

«O! Guro!...» Ang tatlong lalaki ay lubos na nasisiyahan sa galak. «Ngunit makakatulong ba kami?» tanong nila.

«Wala Akong duda tungkol diyan. Kung gayon iyan ay tapos na. Kaagad kapag magawa ninyo iyan, sasamahan ninyo si Isaac.»

«Oo, Guro.»

«Makakasama kayo sa iba pa. Magsasalita Ako nang kaunti sa mga tao.»

At iniiwan ang mga pastol Siya ay nagsasalita sa pulutong.

«Ang kapayapaan ay sumainyo.  Kahapon napakinggan Ko ang dalawang walang suwerteng tao na nagsalita. Ang isa nasa pagsikat ng buhay; ang isa nasa paglubog nito: dalawang kaluluwa iniiiyak ang kanilang paghihirap. At Ako ay umiyak sa Aking puso kasama sila, nakikita kung gaanong kapighatian ang nasa lupa, at kung gaano tanging ang Diyos lamang ang makapagpapagaan nito. Diyos! Ang eksaktong kaalaman tungkol sa Diyos, tungkol sa Kanyang dakilang  walang-hangganang kagandahang-loob, tungkol sa Kanyang namamalaging presensya, tungkol sa Kanyang mga pangako. Nakita Ko kung papaano ang isa napahihirapan ng isa pa at kung papaano ang kamatayan nadadala siya sa pag-iisa, kung saan si Satanas ay nagtatrabaho upang mapalaki ang kanyang paghihirap at madala siya sa kasiraan. Kung kaya’t sinabi Ko sa Aking Sarili: «Ang mga anak ng Diyos ay hindi kailangan na maghirap ng mga pagpapahirap na ito.  Ipagkaloob natin ang kaalaman tungkol sa Diyos sa mga hindi pumapansin dito, ibigay natin ito kaagad sa mga nakalimot tungkol dito sa loob ng bagyo ng kapighatian”, Ngunit nakita Ko rin na Ako ay hindi na sapat sa pamamagitan Ko lamang para sa walang-hangganang pangangailangan ng Aking mga kapatid… At nagpasya Ako na tawagin ang marami, sa palaki-nang-palaking bilang, upang ang lahat na nangangailangan ng kaginhawahan sa kaalaman tungkol sa Diyos ay sana magkaroon nito.

Ang labindalawang ito ay ang una. Bilang Aking mga kinatawan makapagdadala sila patungo sa Akin, at kung gayon upang makapagpaginhawa, sa lahat na mga namamaluktot sa ilalim ng napakabigat na dalahin na kapighatian. Sasabihin Ko sa inyong totoo: Lumapit sa Akin, lahat kayo na namimighati, nauuyam, biyak ang puso, pagod, at sasamahan Ko kayo sa inyong kapighatian at bibigyan kayo ng kapayapaan. Halikayo, sa pamamagitan ng Aking mga apostol, mga disipulo at mga babaeng disipulo, na lumalaki ang bilang araw-araw sa pamamagitan ng bagong mga tao na puno ng mabuting kalooban. Magkakaroon kayo ng kaginhawahan sa inyong kapighatian, magkakaroon kayo ng kasama sa inyong pag-iisa, pagmamahal ng inyong mga kapatid upang makalimutan ninyo ang kapootan ng mundo, matatagpuan ninyo, higit sa lahat, ang kataastaasang tagapagpaginhawa, ang perpektong kasa-kasama, ang pagmamahal ng Diyos. Hindi na ninyo ulit pagdududahan ang kahit na ano. Hindi na ninyo ulit sasabihin: “Ang lahat ay natapos na para sa akin!”.  Bagkus sasabihin ninyo: “Ang lahat ay nagsisimula para sa akin sa isang sobrenatural na mundo, na inaalis ang mga distansiya at kinakansela ang mga pagkakahiwalayan”, upang ang mga ulila ay makakasámang muli ang kanilang mga magulang na mga tumaas na sa sinapupunan ni Abraham, at ang mga ama at ina, mga asawa at mga balo ay matatagpuan ang kanilang nawalang mga anak at mga asawa.

Sa lupang ito ng Judea, malapit pa sa Bethlehem ni Naomi, paaalalahanan Ko kayo na ang pagmamahal ay nakapagpapagaan sa kirot at nakapagbibigay ng lugod.  Isipin, kayo na umiiyak, ang pangungulila ni Naomi nang ang kanyang sambahayan ay naiwan na walang mga lalaki. Pakinggan ang mga salita ng kanyang pinanghihinaan-ng-loob na pagpapaalis kina Orpah at Ruth: “Bumalik kayo, ang bawat isa sa inyo, sa kanya-kanyang bahay ng inyong ina. Maging mabait sana ang Panginoon sa inyo katulad na kayo ay naging mabait sa mga namatay at sa akin…” Pakinggan ang kanyang nalulungkot na pamimilit. Siya na minsan ay naging ang magandang Naomi at ngayon ang matrahedyang Naomi, dinurog ng kapighatian, ay hindi umasa ng kahit na ano pa man sa buhay. Ibig lamang niyang humayo at mamatay sa lugar kung saan siya naging masaya noon sa mga araw ng kanyang kabataan kasama ang pagmamahal ng kanyang asawa at ang mga halik ng kanyang mga anak. Sinabi niya: “Lakad, lakad. Walang saysay ang sumama sa akin… Katulad ko ang isang patay… Ang aking buhay ay wala na rito, bagkus doon, sa susunod na mundo, kung saan sila naroroon. Huwag na ninyong isakripisyo ang inyong mga buhay sa tabi ng isang namamatay na bagay… Sapagkat ako ay tunay ngang ‘isang bagay’. Wala na akong pakialam sa lahat. Ang Diyos ay kinuha na ang lahat sa akin… Ako ay mapait at kapighatian. At mapamimighati ko kayo… at magiging masakit iyan para sa aking puso. At ang Panginoon ay tatanungin ako tungkol diyan, Siya Na humampas na sa akin nang napakatindi, sapagkat isang pagkamakasarili ang panatilihin kayo, mga buhay, malapit sa akin, na patay. Pumunta kayo sa inyong mga ina…” Ngunit si Ruth ay nanatili upang suportahan ang namimighating matandang babae.

Si Ruth ay naintindihan na mayroong mga kapighatian na laging mas malaki kaysa sa sariling kapighatian at na ang kanyang kapighatian ng isang bata-pang balo ay mas magaan kaysa ng sa matanda na nawalan ng asawa at dalawang anak na lalaki; katulad na ang kapighatian ng isang ulilang batang lalaki, na napilitan na mamuhay na manghingi ng limos, walang mga haplos, walang mabuting mga payo, ay sa ganito mas grabe pa kaysa sa matinding kapighatian ng isang ina na pinagkaitan sa kanyang mga anak; katulad din na ang matinding kalungkutan ng isang tao na, dahil sa ilang mga dahilan, ay umaabot hanggang sa kapootan niya ang sangkatauhan at makita sa bawat tao ang isang kaaway na dapat niyang katakutan at laban kung kanino kailangan na ipagsanggalang niya ang kanyang sarili, ay mas lalo pang grabe kaysa sa iba pang mga kapighatian, sapagkat hindi lamang laman, dugo at kaisipan ang sangkot, bagkus ang kaluluwa kasama ang sobrenatural na mga katungkulan at mga karapatan nito at naitutulak ito sa impiyerno. Ilang mga walang-inang mga bata na naririyan sa mundo para sa mga walang-anak na mga ina! Ilang mga walang-anak na balo ang naririyan na maaaring maging maawain sa mga nag-iisang matatandang tao! Ilan ang naririyan, na, bilang mga pinagkaitan ng bawat pagmamahal upang sana mailaan ang lahat ng kanilang mga sarili sa di-masasaya, ang makalalaban sa kapootan sa pamamagitan ng kanilang pangangailangan na makapagmahal at kung gayon makapagbigay ng pagmamahal sa di-masayang Sangkatauhan, na lalu’t lalo pang naghihirap sapagkat lalu’t lalo pa itong napopoot!

Ang kapighatian ay isang krus, ngunit ito ay isang pakpak din. Ang pagluluksa ay nag-aalis upang maglagay muli. Bumangon, kayo na lumuluha! Buksan ang inyong mga mata, kalimutan ang masasamang panaginip, ang kadiliman, ang pagkamakasarili! Tumingin… Ang mundo ay ang tigang na lupa kung saan ang isa ay lumuluha at namamatay. At ang mundo ay sumisigaw: “saklolo” sa pamamagitan ng mga bunganga ng mga ulila, ng mga maysakit, ng malulungkot, ng mga nagdududang tao,  ng mga naging preso ng kapootan gawa ng kataksilan o kalupitan.  Pumunta sa mga sumisigaw.  Kalimutan ang inyong mga sarili kasama ng mga nakalimutan! Panumbalikin ang inyong kalusugan kasama ang mga maysakit! Maging maasahin kasama ang mga pinanghihinaan ng loob! Ang mundo ay bukas para sa mga ibig na maglingkod sa Diyos sa kanilang kapwa at mapunta sa Langit: upang makapiling ang Diyos at ang ating mga ipinagluluksa. Ang larangan ng palakasan ay naririto. Ang tagumpay ay doon. Halikayo. Gayahin si Ruth sa lahat ng inyong mga kapighatian. Sabihing kasama siya: “Makakasama mo ako hanggang sa ako ay mamatay”. At kahit na kung ang mga kamalasang iyon, na tila di kailanman malulunasan, ay magsabi sa inyo: “Huwag mo akong tawaging Naomi, tawagin mo akong Mara, dahil ang Diyos ay sinira ako nang husto” kailangan na kayo ay mamilit. At sasabihin Ko sa inyong totoo na ang mga kamalasang iyan isang araw, dahil sa inyong pamimilit, ay bubulalas: “Pagpalain nawa ang Panginoon Na nag-alis ng aking kapaitan, kalungkutan at pangungulila, sa pamamagitan ng isang nilikha na nakaaalam kung papaano gawin ang kanyang kapighatian na magkabunga. Pagpalain nawa siya ng Diyos sapagkat siya ay ang aking tagapagligtas”.

Alalahanin na ang kabaitan ni Ruth kay Naomi ay ang nagbigay sa Mesiyas sa mundo., sapagkat ang Mesiyas ay bumaba mula kay David, katulad na si David ay bumaba mula kay Jesses, si Jesse mula kay Obed, si Obed mula kay Boaz, si Boaz kay Salmon, si Salmon kay Nahshon, si Nahshon kay Amminadab, si Amminadab kay Ram, si Ram kay Hezron, si Hezron kay Perez, at kanilang pinunó ng tao ang Bethlehem inihahanda ang mga ninuno ng Panginoon. Ang bawat mabuting gawa ay ang pinanggagalingan ng dakilang mga bagay, na hindi man lamang ninyo maiimahina. At ang pagsisikap na ginagawa ng tao laban sa kanyang sariling pagkamakasarili ay nakapagsisimula ng dagsa ng pagmamahal, na may kakayahan na tumaas nang tumaas, sinusuportahan sa kalinawan nito siya na nagpasimula nito, hanggang sa siya ay buhatin nito sa paanan ng altar, sa puso n Diyos.

Pagkalooban sana kayo ng Diyos ng kapayapaan.»

At si Jesus, na hindi na bumabalik sa hardin sa pamamagitan ng maliit na pintuan na inilagay sa palupo, ay nagbabantay na walang sinuman ang makalapit sa palupo, mula sa kabila nito kung saan ay maririnig ang isang mahabang pag-iyak… Tanging nang ang lahat na tao ng Bethzur ay nakaalis na, Siya umalis kasama ang Kanyang mga apostol na hindi ginagambala ang may-pakinabang na mga luhang iyon…

150211

 



Sunod na kabanata