210. Patungong Hebron. Ang mga Katwiran ng Mundo at ng Diyos.

Hulyo 6, 1945.

«Hindi ako magpapalagay na ibig Ninyong gumawa ng isang  paglalakbay sa lahat na kilalang mga lugar sa Israel» sabi ng Iskariote nang pabalintuna. Siya ay nagsasalita sa loob ng isang grupo kung saan naroroon sina Maria ni Alfeo at si Salome kasama sina Andres at Tomas.

«Bakit hindi? Sino ang nagbabawal sa atin?» tanong ni Maria ni Clopas.

«Ako. Matagal nang naghihintay sa akin ang aking ina…»

«Bueno pumunta ka sa iyong ina. Saka ka na namin aabutan» sabi ni Salome at tila idinadagdag niya sa isip: «Walang malulungkot sa iyo.»

«Siguradong wala! Ako ay pupunta kasama ko ang Guro. Kontra sa kung ano ang napagkayarian, si Maria ay hindi sasama. At hindi iyan kailangan na ginawa sa akin, sapagkat ako ay napangakuan na Siya ay sasama.»

«Siya ay tumigil sa Bethzur para sa isang mabuting dahilan. Ang babaeng iyon ay totoong hindi masaya.»

«Pinagaling sana siya ni Jesus kaagad, na hindi siya pinagpanumbalik  nang unti-unti. Hindi ko maintindihan  kung bakit ayaw na Niyang gumawa ng kagila-gilalas na mga himala.»

«Maaaring may banal na dahilan Siya para sa Kanyang  ginawa» sabing kalmante ni Andres.

«Siyempre! At kung gayon nawawalan Siya ng mga proselito. Ang ating pagtigil sa Herusalem, anong kabiguan iyon! Kung saan mas may pangangailangan para sa mga kagila-gilalas na mga bagay, mas lalo Siyang nagyuyumukyok sa kadiliman. Gustung-gusto kong makakita,  makilaban…»

«Mawalang galang na sa aking tanong,,, Ngunit ano ang ibig mong makita at kanino mo ibig na makipaglaban?» tanong ni Tomas.

«Ano? Sino? Ngunit ibig kong makita ang Kanyang mga himala at pagkatapos makabangga ang mga nagsasabing Siya ay isang huwad na Propeta o inalihan ng dimonyo. Sapagkat iyan ang kanilang sinasabi, kita n’yo? Sinasabi nila na kung hindi Siya tinutulungan ni Beelzebub, kaawa-awa Siya. At sa dahilan na ang kapritsosong kahiligan ni Beelzebub ay kilalang-kilala at nalalaman natin na kinasisiyahan niya ang manira at pagkatapos iwanan ang sinira, katulad ng ginagawa ng isang tigre sa biktima nito, at ang kaisipan na ito ay napatutunayan ng mga pangyayari, ako ay nawawalan ng pasyensiya kung wala Siyang ginagawa. Nagpapakita tayo ng napakaganda hitsura! Ang mga apostol ng isang Guro… Na walang ginagawa bagkus magturo… iyan ay hindi mapasisinungalingan, ngunit wala nang iba.» Ang biglang pagtigil ni Judas pagkatapos ng salitang «Guro» ay nagawa ang iba na mag-isip na may sasabihin pa siyang ibang hindi maganda.

Ang mga kababaihan ay nahihintakutan at si Maria ni Alfeo bilang isang kamag-anak ni Jesus, ay prangkong nagsabi: «Hindi ako nagtataka tungkol diyan, ngunit nagtataka ako na pinagtitiyagaan ka Niya, bata!»

Ngunit si Andres, ang kailanman mababa ang loob na Andres, ay uminit ang ulo at namumula, katulad na katulad ng kanyang kapatid sa pagkakataon lamang na ito, ay galit na nagsabi: «Lumayas ka! At hindi sasamà ang hitsura mo dahil sa Guro! At sino ang nangusap sa iyo na sumama? Tinawag Niya tayo. Hindi ikaw. Namilit ka nang ilang beses upang tanggapin. Ipinilit mo ang iyong sarili. Hindi ko malaman kung sino ang nagpipigil sa akin na ibunyag ang lahat sa iba…»

«Ang isa ay hindi kailanman makikiusap sa iyo. Tama sila kapag sinasabi nila na ikaw ay palaaway at ang mga mangmang na tao…»

«Bueno, upang sabihin ko sa iyo ang totoo, ni hindi ko rin maintindihan kung papaano mo nasasabi na ang Guro ay nagkamali. Ni may nalalaman ako tungkol sa kapritsosong kahiligan ng Dimonyo. kaawa-awang bagay! Maaaring siya nga ay kakaiba. Kung siya ay naging matalino hindi sana siya nagrebelde laban sa Diyos. Ngunit tatandaan ko iyan.» panunukso ni Tomas upang maiwasan ang parating na bagyo.

«Huwag kang magpatawa, sapagkat seryoso ako. Masasabi kaya ninyo na siya ay nakakuha ng atensiyon sa Herusalem? Si Lazarus din ay sinabi ito…»

Si Tomas ay napatawa nang husto. Pagkatapos, tumatawa pa, at ang kanyang pagtatawa ay napasama na ang pakiramdam ni Judas, siya ay nagsabi: «Wala Siyang ginawa kahit na ano? Lumakad at tanungin ang mga ketongin sa Siloam at Hinnom. Ibig sabihin: wala kang matatagpuan kahit na sino sa Hinnom, sapagkat silang lahat ay napagaling. Kung ikaw ay wala roon, sapagkat ikaw ay nagmamadaling pumunta sa… iyong mga kaibigan, at dahil diyan wala kang nalalaman, iyan ay hindi nakapagpipigil sa mga lambak ng Herusalem at sa marami pang ibang lugar na umugong sa mga hosana ng mga ketongin na pinagaling» seryosong paghinuha ni Tomas. At nagpatuloy siyang matigas: « Naghihirap ka sa mapait na problema, aking kaibigan. At kung gayon mapait ang nalalasahan mo at berde ang nakikita mo kahit saan. Maaaring  sakit na pauli-uli iyan sa iyo. At maniwala ka sa akin, hindi maganda na magsinungaling na kasama ka. Kailangan na magbago ka, hindi ako magsasalita sa iba ng kahit na ano, at kung ang mabubuting babaeng ito ay makikinig sa akin, sila ay mananahimik din, at gayon din si Andres. Ngunit kailangan na magbago ka. Hindi ka kailangang mag-isip na nabigo ka sapagkat walang kabiguan. Ni ikaw ay kailangan sapagkat alam ng Guro mismo ang Kanyang gagawin. Huwag subukan na maging ang guro ng Guro. At kung para sa kaawa-awang babaeng iyon na si Eliza Siya ay kumilos nang gayon, ibig sabihin nito na iyon ang tamang bagay na gawin. Hayaan ang mga ahas na sumirit at dumura ayon sa ibig nila. Huwag kang mag-abalang maging ang tagapamagitan nila at Siya at higit sa lahat huwag mong isipin na pinabababa mo ang iyong sarili sa pakikisama sa Kanya. Kahit na kung hindi Siya magpagaling kahit ng sipon sa hinaharap, Siya ay laging makapangyarihan. Ang Kanyang salita ay isang patuloy na himala. At ipahinga mo ang iyong isip. Walang mga may-pana sa ating likuran! Huwag kang mag-alala, magtatagumpay tayo na makumbinsi ang mundo na si Jesus ay Jesus. At manahimik, kung ipinangako ni Maria na Siya ay pupunta sa iyong ina, Siya ay pupunta. Pansamantala tayo ay iikot sa magandang bahaging ito ng kabukiran, iyan ay trabaho natin! At bakit hindi? Gawin nating masaya ang mga babae sa pagbisita sa  libingan ni Abraham, sa kanyang punungkahoy at sa libingan ni Jesse at… ano pa ang iyong sinabi?»

«Sinasabi nila na ito ang lugar kung saan namuhay si Adan at kung saan si Abel ay pinatay…»

«Ang pangkaraniwang walang kuwentang mga kuwento!» bulong ni Judas.

«Sa loob ng sandaang taon sasabihin nila na pati ang Gruta ng Bethlehem at maraming iba pang mga bagay ay mga kuwento lamang! Ngunit mawalang galang na! Ginusto mong pumunta sa nangangamoy na kuwebang iyon sa Endor, na kailangan mong sumang-ayon na hindi iyon kasama sa isang banal na ikot; hindi ba sa palagay mo? At sila ay pumunta rito kung saan sinasabi nila na may dugo at mga abo ng mga santo. Ang Endor ay naghatid sa atin kay Juan at sino ang nakaaalam…»

«Anong gandang huli si Juan!» panunuya ni Judas.

«Ang kanyang mukha ay hindi, hindi nga. Ngunit sa kanyang kaluluwa baka siya ay mas mabuti pa kaysa sa atin.»

«Ano? Sa kanyang nakaraan!»

«Manahimik. Ang sabi ng Guro kailangan na huwag natin itong alalahin.»

«Ang ganda! Kung nakagawa ako ng kahit anong mga bagay katulad niyan, hindi ko alam kung hindi ninyo ito aalalahin!»

«Paalam, Judas. Mas mabuti pa kung mag-isa ka sa sarili mo. Salungat na salungat ka. Sana alam ko kung ano ang nangyayari sa iyo!»

«Ano ang problema ko, Tomas? Ang problema ay nakikita ko na tayo ay kinalilimutan para sa ikabubuti ng isang kakaibang bagong dating. At nakikita ko na ang lahat ay mas  ginugusto pa kaysa sa akin. At napuna ko rin na Siya ay naghihintay na málayo ako upang turuan kayo kung papaano magdasal. At inaasahan ba ninyo na ako ay maging masaya sa sitwasyong iyan?»

«Hindi. Ngunit maaari ko bang sabihin na kung ikaw ay sumama sa amin para sa Paskuwang Hapunan napasama ka rin sana sa amin sa Mount of Olives, nang ang Guro ay itinuro ang dasal. Hindi ko nakikita kung papaano tayo kinalilimutan dahil sa kung sinumang bagong dating. Ang tinutukoy mo ba ay ang inosenteng batang lalaki? O dahil kasama natin ang di-masayang si Juan?»

«Dahil sa kanilang dalawa. Si Jesus ay halos hindi na tayo kinakausap ngayon. Tingnan ninyo Siya kahit na ngayon… Siya ay palakad-lakad sa banda roon, salita nang salita sa bata. Kailangan Siyang maghintay nang matagal na panahon bago Niya mailagay siya kasama ng mga disipulo! At ang isa ay hindi kailanman magiging disipulo. Siya ay napakamapagmalaki, napakamarunong, napakatigas, na may masasamang kiling. Ngunit sa kabila nito: “Juan dito, Juan doon”…»

«Amang Abraham, tulungan ninyo ako na mapagpasensyahan ko ito!!! At sa ano sa palagay  mo mas ginugusto ng Guro ang iba kaysa sa iyo?»

«Hindi mo ba ito nakikita kahit na ngayon? Nang panahon nang umalis sa Bethzur, pagkatapos na tumigil upang maturuan ang tatlong pastol na mas naturuan sana nang mabuti ni Isaac, sino ang Kanyang iniwan na manatili na kasama ang Kanyang Ina? Ako? ikaw? Hindi. Iniwan Niya si Simon. Ang matandang lalaki na halos hindi makapagsalita!...»

«Ngunit ang kaunting kanyang nasasabi ay laging nasasabing tama» balik-sabi ni Tomas, na ngayon ay nag-iisa na lang sapagkat ang mga kababaihan at si Andres ay umalis na at mga naglalakad nang mabilis sa harapan nila na tila ibig nilang makalampas sa bahagi ng daan kung saan ang sikat ng araw ay napakainit.

Ang dalawang apostol ay labis na nanggigigil upang hindi nila napapakinggan si Jesus na parating, sapagka’t ang  ingay ng Kanyang mga hakbang ay ganap na napahihina ng alikabok ng daan. Ngunit kung wala Siyang nagagawang ingay, ang dalawang apostol ay nagsisigawan nang kasing lakas ng sampung tao at napapakinggan ito ni Jesus. Sa likuran Niya ay naroroon sina Pedro, Mateo, ang dalawang pinsan ng Panginoon, sina Felipe at Bartolomeo at ang dalawang anak ni Zebedeo kasama si Marjiam sa pagitan nila.

Si Jesus ay nagsabi: «Tama ka, Tomas. Si Simon ay kaunti kung magsalita, ngunit ang kaunting kanyang nasasabi ay laging tama. Ang kanyang isipan ay mapanatag at ang kanyang puso matapat. At higit sa lahat may dakila siyang mabuting kalooban. Kung kaya’t iniwan Ko sa kanya ang Aking Ina. Siya ay isang totoong maaasahang lalaki at marunong pa siyang mamuhay, siya ay naghirap at matanda na. Kung kaya’t – sinasabi Ko ito sapagkat baka may isang nag-iisip na ang Aking pasya ay hindi tama – kung kaya’t siya ang mas bagay na maiwan. Judas, hindi Ko mapahihintulutan ang Aking Ina na maiwanang nag-iisa kasama ang isang kaawa-awang babae na may sakit pa. At tama na iwanan Ko Siya. Ang Aking Ina ay tatapusin ang gawa na Aking nasimulan. Ngunit hindi Ko Siya maiiwanan kasama ang Aking mga kapatid, o si Andres, si Santiago o si Juan, o sa iyo. Kung hindi mo naiintindihan ang rason, hindi Ko malaman kung ano ang Aking sasabihin…»

«Sapagkat Siya ay ang Inyong Ina, Siya ay bata pa, maganda, at ang mga tao…»

«Hindi! Ang mga tao ay laging may basura sa kanilang mga isipan, sa kanilang mga labì at mga kamay at lalo na sa kanilang mga puso, mga di-matapat na tao na nakikita ang kanilang mga nararamdaman sa lahat na iba pang  tao; ngunit hindi Ko iniisip ang putik na nasa sa kanila. Ito ay kusang nalalaglag mismo, kapag ito ay tuyo na. Ngunit mas ginusto Ko si Simon sapagkat siya ay matanda na at hindi niya mapa-aalalahanan nang labis ang nangungulilang babae tungkol sa kanyang namatay na mga anak na lalaki. Kayong mga bata pa ay mapababalik ang alaala tungkol sa kanyang mga bata-pang mga anak na lalaki… Si Simon ay marunong magmasid na hindi siya napupuna, hindi siya kailanman nanghihingi ng kahit na ano, nakaiintindi siya at nakapagpipigil sa sarili. Pinili Ko sana si Pedro, na mas mabuti pa kaysa sa kanya malapit sa Aking Ina? Ngunit siya ay napakamabiglain pa rin. Nalalaman mo  na sinasabihan Ko siya nang hayagan, at hindi niya ito tinitingnan nang masama. Si Pedro ay matapat, at mahal niya ang katapatan kahit hanggang sa kanyang ikasasama. Pinili Ko sana si Natanael. Ngunit hindi pa siya kailanman napunta sa Judea. Si Simon sa halip ay alam-na-alam ang kabukiran at wala siyang kapantay sa paghatid sa Aking Ina sa Kerioth, Nalalaman niya kung nasaan ang inyong bahay sa bukid at ang nasa bayan at hindi siya…»

«Ngunit.. Guro!... Ngunit talaga bang pupunta ang Inyong Ina sa amin?»

«Iyan ang sinabi natin. At kapag nagsasabi ka ng isang bagay, gagawin mo ito. Lalakad tayo nang unti-unti, tumitigil upang mag-ebanghelyo sa mga nayong ito. Ayaw mo bang maibigay Ko ang ebanghelyo sa iyong Judea?»

«Siyempre, Guro!... Ngunit ang paniwala ko… akala ko…»

«Higit sa lahat gumagawa ng maraming problema sa sarili mo sa pamamagitan ng iyong sariling mga imahinasyon. Pagdating ng ikalawang pase ng buwan ng Sivan naroroon na tayong lahat sa bahay ng iyong ina. Tayo, ibig sabihin kasama rin ang Aking Ina at si Simon. Pansamantala ini-ebanghelyo Niya ang Bethzur, isang bayan ng mga Judaean, katulad na ini-ebanghelyo ni Johanna ang Herusalem sa tulong ng isang batang babae at isang pari na dati ay isang ketongin, katulad na si Lazarus at si Martha at ang matandang Ishmael ay ini-ebanghelyo ang Bethany, katulad na ang Jutah ay ini-ebanghelyo ni Sarah at natitiyak Ko na ang iyong ina ay nagsasalita tungkol sa Mesiyas sa Kerioth, tiyak na hindi ka makapagsasabi na iniwan Ko ang Judea na walang mga tinig, ang mga tinig ng mga kababaihan, bukod sa tinig ni Isaac, isang banal na tao, at ni Lazarus, isang kaibigan Ko. Ang isang babae ay marunong na gumamit ng mga salita sa pamamagitan ng magaling na pamamaraan ng isang babae, isang ginang sa pagpapasunod sa mga kaluluwa patungo kung saan niya sila gustong dalhin. Hindi ka na ba nagsasalita? Bakit halos umiiyak ka na, ikaw na sumpunging bata? May mga rason ka pa ba upang mabalisa? Sabihin mo sa Akin! Magsalita…»

«Ako ay masama… at napakabuti Ninyo. Ang Inyong kabutihan ay lagi akong nahahampas, sapagkat ito’y laging napakasariwa at napakabago… hindi ko… hindi ko kailanman masasabi kung kailangan ko iyan matatagpuan sa aking daan.»

«Tama ka. Hindi posible para sa iyo na malaman iyan. Sapagkat iyan ay hindi sariwa o bago. Iyan ay eternal, Judas. Iyan ay omnipresente, Judas… O! Malapit na tayo sa Hebron at si Maria, si Salome at si Andres ay kumakaway ang mga kamay sa atin. Tayo na. May kinakausap silang ilang mga kalalakihan. Maaaring nagtatanong sila kung nasaan ang mga makasaysayang lugar. Ang iyong ina ay nagiging bata uli sa pag-aalaalang ito, Aking mahal na kapatid!»

Si Judas Tadeo ay ngumingiti sa kanyang Pinsan at si Jesus ay ngumingiti sa kanya.

«Tayong lahat ay nagiging bata!» sabi ni Pedro. «Ako ay tila nasa paaralang muli. Ngunit ito ay isang magandang paaralan! Labis na maganda kaysa ng kay Elisha, ang bulong nang bulong. Naaalaala mo ba siya, Felipe? Ano ang hindi natin sa kanya ginawa! Naaalaala mo ba ang kuwento tungkol sa mga tribu? “Sabihin ang mga bayan ng tribu!”; “Hindi ninyo ito sinabi nang sabay-sabay… Ulitin ang mga ito…”; “Simon, nagmumukha kang isang natutulog na palaka. Naiiwanan ka. Magsimula sa simula ulit”. O mahal! Ang aking ulo ay puno ng mga pangalan ng mga bayan at mga nayon ng nakalipas nang mga araw, at wala na akong alam na iba pa. Sa halip dito, ang isa ay totoong natututo! Alam mo ba, Marjiam? Isa sa mga araw na ito ang iyong itay ay uupo para sa kanyang iksaminasyon, ngayon na siya ay natuto…»

Lahat sila ay tumawa habang patungo sila kina Andres at sa mga kababaihan.

120211 

 



Sunod na kabanata