211. Ang Pasalubong na Pagtanggap sa Hebron.

Hulyo 7, 1945.

Lahat sila ay nakaupo nang paikot sa loob ng isang palumpungan malapit sa Hebron at sila’y kumakain habang nagsasalita sa isa’t isa. Si Judas, na ngayon ay mas nakasisiguro na na si Maria ay pupunta sa bahay ng kanyang ina, ay masayang masaya at nagsisikap na makalimutan ang alaala tungkol sa kanyang masamang asal sa kanyang mga kasamahan at sa mga babae, sa pagpapa-ulan ng kanyang atensiyon sa kanila. Maaaring galing siya sa nayon upang mamili at nagsasabi siya na nakakita siya ng malaking kaibahan dito mula nang nakaraang taon. «Ang balita tungkol sa pagtuturo at mga himala ni Jesus ay nakarating sa lugar na ito. At ang mga tao ay nagsimulang mag-isip tungkol sa maraming mga bagay. Alam ba Ninyo, Guro, na si Doras ay may ari-arian sa bahaging ito ng kabukiran? Ang asawa rin ni Chuza ay may ilang lupa sa mga bundok na ito at isang sarili niyang palasyo, bilang isang kasunduan sa kasal. Walang duda na ang lupa ay inihanda kapwa ng mga magbubukid niya at ni Doras, sapagkat ang ilan na mga tauhan ni Doras ay maaaring naririto. Siya… si Doras ay sinabihan sila na manahimik. Ngunit sila!... Hindi sa palagay ko sila mananahimik kahit na kung pahirapan niya sila. Ang pagkamatay ng matandang Pariseo ay nakapagpagulat nang labis sa lahat, alam ba Ninyo? At ang napakagandang kalusugan ni Johanna, na pumunta rito bago ang Paskuwa. Ah! Ang mangingibig din ni Aglae ay nakapaglingkod sa Inyo. Alam Ninyo na si Aglae ay tumakas kamakailan pagkatapos na tayo ay dumating dito. At gumawa siya ng malaking perhuwisyo sa maraming inosente upang maipaghiganti ang kanyang sarili. Kung kaya’t ang mga tao ay naghinuha sa pag-iisip tungkol sa Inyo bilang ang tagapaghiganti ng mga sinisiil at ngayon Kayo ay kanilang hinihintay. Ibig kong sabihin ang mas mabubuti…»

«Tagapaghiganti ng mga sinisiil! Totoo ngang Ako. Ngunit sa sobrenatural na pamamaraan. Wala sa mga nakakakita sa Akin na may setro at palakol sa Aking mga kamay bilang hari at tagapagligpit ayon sa espiritu ng mundo, ang tama. Tiyak na pumunta Ako rito upang palayain ang mga tao sa paniniil. Sa paniniil ng kasalanan, na siyang pinakamalala, sa mga sakit, sa mga kalungkutan; sa kamangmangan at pagkamakasarili. Marami ang matututo na hindi tama ang maniil ng mga tao, sa simpleng dahilan lamang na ang isa ay nailagay ng tadhana sa isang mataas na pusisyon, at iyan, sa kabaligtaran, ay kailangang gamitin upang maitaas ang mga nasa ilalim.»

«Si Lazarus ay ginagawa iyan, si Johanna rin. Ngunit sila ay dalawa lamang laban sa daan-daan…» sabi ni Felipe na pinanghihinaan ng loob.

«Ang mga ilog ay hindi kasing lapad sa mga pinagmumulan nito katulad na ito ay malalapad sa mga bunganga nito. Ilang mga patak, isang tulo ng tubig, ngunit pagkaraan… May mga ilog na nagmumukhang mga karagatan sa kanilang mga bunganga.»

«Ang Nilo, eh? Ang Inyong Ina ay sinabi sa akin ang panahon nang Kayo ay pumunta sa Ehipto. Lagi Niyang sinasabi sa akin: “Isang dagat, maniwala sa Akin, isang berdeng asul na dagat. Ang makita ito sa baha ay isang panaginip!” at ikinuwento Niya sa akin ang tungkol sa mga halaman na tila sumisibol mula sa tubig at ang tungkol sa lahat na kaberdehan na tila naiiwan ng umaatras na tubig…» sabi ni Maria ni Alfeo.

«Bueno, sasabihin ko sa iyo na, habang ang Nilo sa pinagmumulan nito ay isang tulo ng tubig at pagkatapos nagiging isang higanteng ito ngayon, gayon din ang munting tulo ng dakilang mga tao na sa pansamantala ay yumuyuko na may pagmamahal at dala ng pagmamahal sa mga pinakamaliliit na kanilang mga kapatid, ay magiging isang multitud pagkaraan. Sa pansamantala bilang Johanna, Lazarus, Martha, ngunit ilan pagkatapos!» si Jesus ay tila nakikita ang mga magiging maawain sa kanilang mga kapatid at Siya ay ngumingiti, labis na nasisiyahan sa Kanyang bisyon.

Si Judas ay ipinagtatapat na ang pangulo ng sinagoga ay ibig na sumama sa kanya, ngunit ayaw niyang maglakas loob na magpasya sa sarili niya: «Naaalaala mo ba, Juan, kung papaano tayo pinalayas nang nakaraang taon?»

«Naaalaala ko… Ngunit tanungin natin ang Guro.»

At nang si Jesus ay tinanong sinabi Niya na sila ay pupunta sa Hebron. Kung sila ay gusto ng mga tao, tatawagin Niya sila at sila ay titigil; kung hindi sila ay daraan na hindi tumitigil.

«Kung gayon makikita rin natin ang bahay ni Juan Bautista. Sino na ang nag-aari nito ngayon?»

«Ang sinuman na may gusto, sa palagay ko. Si Shammai ay umalis at hindi na bumalik. Dinala niya ang mga katulong at mga muwebles. Ang mga mamamayan upang maipaghiganti ang kanilang sarili sa kanyang pag-aabuso ng kapangyarihan, ay pinabagsak ang bakod, at ang bahay ngayon ay pag-aari na ng kahit sino. Ang hardin man lamang. Sila ay nag-iipun-ipon doon upang pagpitaganan ang kanilang Juan Bautista. Sinasabi nila na si Shammai ay pinatay. Hindi ko alam kung bakit… baka dahil sa mga babae…»

«Siguradong isang maruming plano sa korte!...» bulong ni Natanael sa kanyang balbas.

Sila ay tumayo at naglakad patungong Hebron, patungo sa bahay ni Juan Bautista. Nang sila ay halos naroroon na, nakakita sila ng isang nagsisiksikan na grupo ng mga mamamayan papalapit na medyo nag-aalangan. Sila ay tila mausyuso at napapahiya. Ngunit binati sila ni Jesus na ngumingiti. Lumakas ang kanilang loob, bumukas ang kanilang hanay at ang mahigpit na taong iyon, ang pangulo ng sinagoga, na kanilang nakatagpo nang nakaraang taon, ay lumabas mula sa grupo.

«Kapayapaan sa iyo!» bati kaagad ni Jesus. «Pahihintulutan mo ba kami na tumigil sa inyong bayan? Ako ay naririto kasama ang lahat ng Aking mga disipulo at ilan sa kanilang mga ina.»

«Guro, ngunit wala ba Kayong sama ng loob sa amin, o sa akin?»

«Sama ng loob? Hindi Ko alam kung ano iyan, o ni hindi ko alam kung bakit Ako magkakaroon niyan.»

«Nang nakaraang taon sinaktan ko Kayo…»

«Sinaktan mo ang Di-Kilalang tao, iniisip na karapatan mo na gawin iyon. Pagkaraan naintindihan mo at ikaw ay nalulungkot na ginawa mo iyon. Ngunit iyan ay nakaraan na. At sa dahilan na ang pagsisisi ay nagkakansela ng kasalanan, kung gayon ang kasalukuyan ay inaalis nito ang nakaraan. Ngayon Ako ay hindi na Di-Kilala sa iyo. Kung gayon ano ang iyong mga damdamin sa Akin?»

«Ng paggalang. Panginoon. Ng… pagnanais…»

«Pagnanais? Ano ang ibig mo mula sa Akin?»

«Ang mas makilala Kayo kaysa ng pagkakakilala ko sa Inyo sa kasalukuyan.»

«Papaano? Sa anong paraan?»

«Sa pamamagitan ng Inyong salita at Inyong mga gawa. Nakatanggap kami ng balita tungkol sa Inyo, sa Inyong doktrina, sa Inyong Kapangyarihan, at sinabihan kami na sangkot Kayo sa pagpapalaya kay Juan Bautista. Kung gayon hindi Ninyo siya kinapopootan, hindi Ninyo ginawang mawala siya!... Siya mismo ang umako na iyon ay sa pamamagitan Ninyo na nakita niyang muli ang lambak ng banal na Jordan. Kami ay pumunta sa kanya at nagsalita sa kanya tungkol sa Inyo at sinabi niya sa amin: “Hindi ninyo nalalaman kung ano ang inyong tinanggihan. Kailangan ko kayong isumpa, ngunit pinatatawad ko kayo, sapagkat tinuruan Niya akong magpatawad at maging mababa ang loob. Ngunit kung ayaw ninyong maisumpa ng Panginoon at maisumpa ko, mahalin ninyo ang Mesiyas. At huwag magkaroon ng mga pagdududa. Ito ang Kanyang katibayan: espiritu ng kapayapaan, perpektong pagmamahal, pinakamagandang karunungan, makalangit na doktrina, walang-hangganang kababaang-loob, anghelikal na kabasalan. Hindi kayo maaaring magkamali kapag nalalanghap ninyo ang kapayapaan malapit sa isang tao na nagsasabi na
Siya ang Mesiyas, kapag naiinom ninyo ang pagmamahal na nagmumula sa Kanya, kapag dumaraan kayo mula sa inyong kadiliman patungo sa Liwanag, kapag nakikita ninyo ang mga makasalanan na natutubos at ang laman pinagagaling, kung gayon sabihin: ‘Ito nga ang totoong Kordero ng Diyos!’”.  Alam namin na ang Inyong mga gawa ay ang mga binanggit ni Juan. Kung gayon patawarin Ninyo kami, mahalin Ninyo kami, ibigay sa amin kung ano ang hinihintay ng mundo mula sa Inyo.»

«Iyan ang dahilan kung bakit Ako naririto. Ako ay nanggaling sa malayo upang ibigay din sa bayan ni Juan kung ano ang Aking ibinibigay sa bawat lugar na tumatanggap sa Akin. Sabihin kung ano ang ibig ninyo mula sa Akin.»

«Kami ay mayroon ding mga maysakit, at kami ay mangmang. Kami ay mangmang lalo na tungkol sa kung ano ang pagmamahal at kabutihan. Si Juan, sa kanyang total na pagmamahal para sa Diyos, ay may kamay na bakal at isang maapoy na salita at ibig niyang payukuin ang lahat katulad ng pagpapayuko ng isang higante sa isang uhay ng damo. Marami ang bumibigay sa kalungkutan, sapagkat ang tao ay mas makasalanan kaysa banal. Mahirap na maging mga santo!... Kayo… sinasabi nila na Kayo ay nagtataas, hindi Kayo nagpapayuko, hindi Kayo nanununog, gumagamit Kayo ng mga balsamo, hindi Kayo nandudurog, nanghahaplos Kayo. Nalalaman namin na Kayo ay maka-ama sa mga nagkakasala at Kayo ay makapangyarihan laban sa mga sakit, ano pa man ito, at higit sa lahat sa mga sakit din ng mga puso. Ang aming mga rabbi ay hindi na nagagawa iyan.»

«Dalhin ninyo sa Akin ang inyong mga maysakit at pagkatapos mag-ipun-ipon sa loob ng hardin na ito, na inabandona na at nilapastangan ng kasalanan pagkatapos na ito ay ginawang isang templo para sa Grasya na namuhay dito.»

Ang sambayanan ng Hebron ay kumalat sa lahat na direksiyon na kasing bilis ng mga langaylangayan. Tanging ang pangulo lamang ng sinagoga ang nananatili at kasama si Jesus at ang mga disipulo siya ay pumasok lampas sa bakuran ng hardin, patungo sa lilim ng isang balag kung saan ang sabid-sabid na mga tanim ng rosas at mga baging ay naging magulo. Ang sambayanan pagkaraan ay nakabalik. Kasama nila ay isang paralitiko na nasa isang kamelya, isang bulag na bata-pang babae, isang piping batang lalaki at dalawang maysakit, na ang problema ay hindi ko alam. Ang dalawang huli ay naglalakad suportado ng dalawang tao.

Si Jesus ay binabati ang bawat maysakit nagsasabing: «Kapayapaan sa iyo.» Pagkatapos itinatanong ang magiliw na tanong: «Ano ang ibig ninyong gawin Ko sa inyo?» sinusundan ng koro ng mga lamentasyon, dahil ang bawat isa ay ibig na sabihin ang kanya-kanyang kuwento.

Si Jesus, Na nakaupo, ay tumayo at pumunta sa piping bata na ang bibig binabasa Niya ng Kanyang laway at binigkas ang dakilang salita: «Buksan.» At inuulit Niya ito binabasa ang mga talukap-mata ng babae sa pamamagitan ng Kanyang daliri na basa ng Kanyang laway. Pagkatapos Kanyang iniunat ang Kanyang kamay sa paralitiko at nagsabi sa kanya: «Tumayo!», at panghuli Kanyang ipinatong ang Kanyang mga kamay sa dalawang may sakit na lalaki nagsasabing: «Gumaling, sa ngalan ng Panginoon!» At ang batang lalaki na dati pautal-utal, ay nagsabi nang malinaw: «Inay!», habang ang bata-pang babae ay kumurap sa liwanag gawa ng kanyang walang takip na mga talukap, at sa pamamagitan ng kanyang mga daliri tinabingan ang kanyang mga mata sa di-kilalang araw, umiiyak at tumatawa, at tumingin muli, nang may medyo nakabukas na mga mata, bilang hindi sanay sa liwanag, sa mga dahon, sa lupa, sa mga tao at lalong lalo na kay Jesus. Ang paralitiko ay nangahas na lumapit mula sa estretser at ang kanyang mahabaging mga tagapagbuhat ay kinuha ito, walang laman katulad nito ngayon, upang ipahiwatig sa mga tao na nasa malayo na ang grasya ay naipagkaloob, habang ang dalawang maysakit ay umiiyak sa tuwa at lumuluhod upang pagpitaganan ang kanilang Tagapagligtas.

Ang mga pulutong ay balisang-balisa sa pagsisigawan ng hosana, si Tomas, na malapit kay Judas, ay tinitingnan siya nang matindi at may gayong malinaw na ibig sabihin, upang si Judas ay nagsabi sa kanya: «Ako ay tanga, patawarin mo ako.»

Nang ang sigawan ay humina, si Jesus ay nagsimulang magsalita.

«Ang Panginoon ay nagsalita kay Joshua nagsasabing: «Magsalita sa mga anak ng Israel at sabihin sa kanila: Piliin ang mga siyudad na takbuhan na Aking sinabi sa inyo sa pamamagitan ni Moses, kung saan ang isang tao na nakapatay nang di-sinasadya, walang nalalaman, ay sana makatagpo ng paninirahan at kung gayon maiwasan sana ang galit ng kamag-anak, ang tagapaghiganti ng dugo”. At ang Hebron ay isa sa mga bayang ito. Nakasulat din: “At ang mga nakatatanda ng bayan ay hindi ibibigay ang inosenteng tao sa kanya na ibig pumatay sa kanya, bagkus kanila siyang tatanggapin at magtatalaga sila para sa kanya ng isang lugar upang makapamuhay at mananatili siya roon hanggang humarap siya sa paghuhukom at hanggang sa kamatayan ng mataas na pari na noon ay nanunungkulan; tanging sa panahon lamang na iyan siya maaaring bumalik sa kanyang bayan at sa kanyang bahay”.

Ang batas ay iniisip at pinanunúto na ang mahabaging pagmamahal tungo sa ating kapwa. Ang Diyos ay isinagawa ang batas na iyan sapagkat hindi legal na isumpa na walang pagsisiyasat ang akusado, ni hindi legal na pumatay sa init ng galit. Gayon din ang maaaring sabihin tungkol sa mga krimeng moral at mga akusasyon. Hindi legal na mag-akusa maliban kung nalalaman ng isa, ni hindi rin makapanghuhusga na walang pagsisiyasat sa akusado. Ngunit sa mga araw ngayon isang bagong serye ng mga sentensiya at mga akusasyon ang naidagdag sa mga naririyan na tungkol sa pangkaraniwang mga pagkakasala o sinasabing mga pagkakasala: ang mga ipinararatang laban sa mga dumarating sa ngalan ng Diyos. Nang mga nakaraan ang mga ito ay ipinararatang sa mga Propeta, ngayon ito ay inuulit laban sa Prekursor ng Kristo at laban sa Kristo.

Nalalaman ninyo ito. Napalantad ng panloloko para mapalabas sa lupain ng Shechem, si Juan Bautista ngayon ay naghihintay ng kamatayan sa loob ng kulungan ni Herodes, sapagkat hindi siya kailanman papayag sa kasinungalingan o kompromiso, at ang kanyang buhay ay maaaring durugin at ang kanyang ulo pigtasin, ngunit hindi nila kailanman maaaring durugin ang kanyang katapatan o pigtasin ang kanyang kaluluwa sa Katotohanan, na kanyang pinaglingkuran nang may katapatan sa lahat na dibino, sobrenatural at moral na mga porma. At gayon din ang Kristo ay inuusig ng may doble at sampung beses na galit, sapagkat hindi Niya pinananatili ang Kanyang Sarili sa pagsasabing: “Hindi iyan legal” kay Herodes, bagkus isinisigaw din Niya ang gayon ding “Hindi iyan legal” saan man Siya makakita ng kasalanan o makaalam na iyan ay kasalanan, na walang ipinipuwera na kahit na anong grupo, sa ngalan ng Diyos at para sa karangalan ng Diyos.

Papaano nangyayari iyan? Wala na bang mga lingkod ng Diyos sa Israel? Oo, mayroon. Ngunit sila ay mga “estatuwa”.

Sa sulat ni Jeremiah sa mga napatapon, ang sumusunod ay isinulat kasama ng iba pa. At inaanyayahan Ko ang inyong pansin dito sapagkat ang bawat salita ng Aklat ay isa nang aral na, sa dahilan na ang Espiritu ay ginawa itong maisulat para sa nangyayari sa kasalukuyan, pinatutungkulan nito ang isang pangyayari na magaganap sa hinahanap. Kung kaya’t isinulat: “…Kapag papasok kayo sa Babylon makakakita kayo ng mga diyus-diyusan gawa sa ginto, plata, bato, kahoy… Bantayan ang sarili, huwag gayahin ang mga banyaga, huwag kailanman matakot sa kanilang mga diyus-diyusan… Sabihin sa inyong puso: ‘Panginoon, Kayo lamang itong aming dapat sambahin’”. At ang sulat ay isinasalarawan ang mga detalye ng mga diyus-diyusan na iyon na ang mga dila ay ginawa ng mga manlililok at hindi nila ginagamit ang mga ito upang pagalitan ang kanilang huwad na mga pari, na nanghuhubad sa kanila ng kanilang mga ginto upang maramtan ang mga puta ng mga ito at pagkatapos inaalis nila ang dating mga ginto, nalapastangan ng pawis ng mga puta, upang idamit ulit sa diyus-diyusan;  diyus-diyusan na kinakalawang at naaagnas ng mga uod at malinis at maayos lamang kung hinuhugasan ng tao ang kanilang mga mukha at binibihisan, samantalang wala silang nagagawa sa pamamagitan ng sarili nila mismo, bagama't may setro at palakol sila sa kanilang mga kamay. At ang Propeta ay naghinuha: “Kung gayon huwag kayong matakot sa kanila”. At siya ay nagpapatuloy: “At ang mga  diyus-diyusang iyon ay kasing mga walang silbi katulad ng mga basag na banga. Ang kanilang mga mata ay puno ng mga alikabok na nasipa ng mga paa ng mga pumapasok sa templo, at kanila silang sinasaraduhan nang husto, katulad sa isang puntod o katulad ng isang tao na nakapanakit sa hari, sapagkat kahit na sino ay makapagnanakaw ng kanilang mamahaling mga kapa. Hindi nila nakikita ang liwanag ng mga lampara, kung gayon sila ay katulad ng mga biga ng templo, at ang lampara ay nagpapaitim lamang sa kanila gawa ng usok nito, habang ang mga kuwago, mga langaylangayan at iba pang mga ibon ay lumilipad sa itaas nila at iniiputan sila, at ang mga pusa ay naninirahan sa loob ng kanilang mga damit at pinupunit ang mga ito. Kung kaya’t hindi kayo kailangan na matakot sa kanila, sila ay mga patay na bagay. Ni ang kanilang ginto ay walang silbi sa kanila, iyan ay isang pasinaya lamang, at kung iyan ay hindi pinakikintab, ang mga diyus-diyusan ay hindi kikinang, dahil wala silang nararamdamang kahit na ano nang sila ay ginagawa. Ang apoy ay hindi sila nagigising. Sila ay binili nang mahal. Sila ay dinadala saan man  gusto ng tao na dalhin sila sapagkat sila ay kahiya-hiyang walang kapangyarihan… Kung gayon bakit sila tinatawag na mga diyos? Sapagkat sila ay sinasamba na may mga handog at pagpapakita ng huwad na mga seremonya, na hindi nararamdaman ng mga nakakakita nito. Kung sila man ay natatratong masama o mabuti, wala silang kakayahan na magsukli sa kahit anong pagtrato, dahil sila ay walang kakayahan na maglagay o mag-alis ng isang hari, ni hindi sila makapagbigay ng kayamanan o kasamaan, hindi sila makapagliligtas sa isang tao sa kamatayan o makaalis sa ang isang tao sa saklaw ng isang malupit. Wala silang nararamdamang habag sa mga balo at sa mga ulila. Katulad nila ang mga bato sa mga bundok”…  Ang sulat ay humigit-kumulang ganyang ang sinasabi.

Ngayon, tayo ay may mga diyus-diyusan din, wala nang mga santo, sa mga ranggo ng Panginoon. Iyan kung bakit ang Kasamaan ay nakapag-aalsa laban sa Kabutihan. Ang kasamaan na nakapandudumi sa mga kaisipan at mga puso ng mga hindi na mga santo, at namumungad sa huwad na mga kapa ng kabutihan.

Hindi na sila makapagsalita ng mga salita ng Diyos. Siyempre! Ang kanilang mga dila ay ginawa ng tao at nagsasalita sila ng mga salita ng tao, kapag hindi sila nagsasalita ng mga salita ni Satanas. At may katangahan lamang na napagagalitan nila ang inosente at ang mahirap, ngunit sila ay tahimik kapag nakikita nila ang kabulukan ng malalakas na tao. Sapagkat kapwa sila bulok at hindi nila maaakusahan ang bawat isa ng gayon ding mga krimen. Sila ay matakaw, hindi para sa Panginoon, bagkus para kay Mammon, at nagtatrabaho sila na tinatanggap ang ginto ng kasibaan at krimen, pinagbibili ito, ninanakaw ito, napangingibabawan ng kalabisang pagnanasa na lumalampas sa bawat limitasyon at imahinasyon. Sila ay natatakpan ng mga alikabok, na nabubulok sa kanila at kung  nagpapakita sila ng malinis na mga mukha, nakikita ng Diyos ang kanilang maruming mga puso. Sila ay naagnas ng kalawang ng kapootan at ng uod ng kasalanan at hindi sila makakilos upang iligtas ang kanilang mga sarili. Nagwawagayway sila ng mga  maldisyon na tila ito ay mga setro at mga palakol, ngunit hindi nila nalalaman na sila isinumpa. Nangungulila sa kanilang mga kaisipan at sa kanilang kapootan, katulad ng mga bangkay sa loob ng isang puntod o mga preso sa loob ng kulungan, sila ay nananatili roon, nakakapit sa mga rehas kung hindi’y baka may umagaw sa kanila mula roon, sapagkat ang mga patay na taong iyon ay mga bagay pa rin: mga momya, walang iba bagkus mga momya nagmumukhang mga tao, habang ang kanilang mga katawan ay naging mga tuyong kahoy, at sa labas sila ay magiging makalumang mga bagay sa isang mundo na naghahanap sa Buhay, nangangailangan ng Buhay katulad ng isang bata na nangangailangan ng suso ng isang ina, isang mundo na nangangailangan ng isa na makapagbibigay dito ng Buhay at hindi baho ng kamatayan.

Sila ay nakatira sa Templo at ang usok ng mga lampara, ibig sabihin ng mga parangal, ay pinaiitim sila, ngunit walang liwanag ang bumababa sa kanila; at ang lahat na masisimbuyong damdamin ay namumungad sa kanila katulad ng mga ibon at mga pusa, habang ang apoy ng kanilang misyon ay hindi nagbibigay sa kanila ng makalangit na pasakit ng pagiging sinusunog ng apoy ng Diyos. Hindi sila matalaban ng Pagmamahal. Ang apoy ng Karidad ay hindi nagpapa-apoy sa kanila, dahil hindi sila dinaramtan ng Karidad ng ginintuang liwanag nito. Ang Karidad ng dobleng porma at ng dobleng pinanggagalingan: ang karidad ng Diyos at ng kapwa, ang porma; karidad mula sa Diyos at mula sa tao, ang pinanggagalingan. Dahil ang Diyos ay umaalis mula sa isang tao na hindi nagmamahal, at kung gayon ang unang pinanggagalingan ay tumitigil; at ang tao ay umaalis mula sa isang masamang tao, at ang huling pinanggagalingan ay tumitigil din.
Ang karidad ay pinagkakaitan nito ng lahat ang isang walang-pagmamahal na tao. Pinahihintulutan nila ang kanilang sarili na mabili sa isinumpang presyo, at madala kung saan may kikitain at may kapangyarihan.

Hindi. Hindi iyan tama! Walang pera ang makabibili ng isang konsiyensya. Lalo na ang konsiyensya ng isang pari o isang tagapagturo. Hindi tama na sumang-ayon sa malalaking bagay ng mundo kung ang mga ito ay manghihimok ng mga kilos na laban sa mga utos ng Diyos. Iyan ay isang espirituwal na pagkawalang kakayahan at ito ay isinulat: “Ang isang eunuko ay hindi kailangan na tanggapin sa kapulungan ng Panginoon”. Kung gayon, kung ang isang tao, na baog, ay hindi maaaring mapasama sa sambayanan ng Diyos, ang isa bang may espirituwal na walang-kakayahan na tao ay maaaring maging isang Kanyang ministro? Sapagkat sasabihin Ko sa inyong totoo na maraming mga pari at mga guro ang naghihirap sa espirituwal na walang kakayahan na gawa nila mismo, dahil nagkukulang sila ng kasiglahang espirituwal.

Magnilay. Magmasid. Maghambing. Makikita ninyo na tayo ay maraming mga diyus-diyusan, subalit kakaunting mga ministro ng Kabutihan, na siyang ang Diyos. Iyan ang dahilan kung bakit ang bayan na santuwaryo ay hindi na isang santuwaryo. Wala nang iginagalang ngayon sa Israel at ang mga santo ay namamatay sapagkat ang mga hindi santo ay napopoot sa kanila.

Ngunit inaanyayahan Ko kayo: “Halikayo!” Tinatawag Ko kayo sa ngalan ng inyong Juan na naghihirap sapagkat siya ay isang santo, na hinampas sapagkat pinangungunahan niya Ako at dahil nagsikap siya na maalis ang dumi sa mga daan ng Kordero. Halikayo upang paglingkuran ang Diyos. Ang panahon ay malapit na. Huwag maging di-handa para sa Panunubos. Gawing bumagsak ang ulan sa hinasikang lupa. Kung hindi babagsak ito na sayang. Kayong mga mamamayan ng Hebron ay kailangan na siyang ang mga namumuno! Kayo ay namuhay dito kasama sina Zachariah at Eliza: ang banal na mga tao na karapat-dapat kay Juan mula Langit; at si Juan ay ikinalat ang amoy ng Grasya sa pamamagitan ng kanyang totoong pambatang inosensiya at mula sa disyerto ipinadala niya sa inyo ang panlaban sa pagkabulok na insenso ng kanyang Grasya, na naging isang kababalaghan ng pagpepenitensiya. Huwag ninyong biguin ang inyong Juan. Itinaas niya ang pagmamahal para sa ating kapwa sa isang halos dibinong antas, na sa pamamagitan nito minamahal niya ang huling nananahan sa disyerto, katulad ng pagmamahal niya sa inyo, kanyang kapwa mamamayan, at tiyak na nagdarasal siya para sa inyong Kaligtasan. At ang Kaligtasan ang ibig sabihin ay ang sundan ang Tinig ng Panginoon at maniwala sa Kanyang Salita. At mula sa saserdoteng bayan na ito lumapit kayo na isang katawan sa paglilingkod sa Diyos. Ako ay dumaraan at tinatawag Ko kayo. Huwag maging mas mababa pa kaysa sa mga puta, kung kanino ang isang salita ng awa ay sapat na upang makumbinsi sila na iwanan ang kanilang dating pamumuhay at pumunta sa daan ng Kabutihan.

Ako ay tinanong nang Ako ay dumating: “Ngunit wala ba Kayong sama ng loob sa amin?” Sama ng Loob? Wala, Ako ay may pagmamahal para sa inyo! At umaasa Ako na makita kayo sa multitud ng Aking sambayanan, na aking pinasusunod patungo sa Diyos, sa isang bagong exodo patungo sa tunay na Lupang Pangako: ang Kaharian ng Diyos, sa ibayo ng Red Sea ng pagkamakalaman at ng mga disyerto ng pagkakasala, malaya sa lahat na uri ng pagkaalipin, patungo sa eternal na Lupain, na umaapaw sa kasiyahan at tigmak ng kapayapaan… Halikayo! Ito ay pagmamahal na dumaraan. Ang sinuman na gusto ay makasusunod sa Akin, sapagkat tanging mabuting kalooban lamang ang kinakailangan upang tanggapin Niya.»

Si Jesus ay nakatapos at nagkaroon ng pagkamanghang-katahimikan. Tila tinitimbang ng lahat ang mga bagay, sinusubukan ito, kinalulugdan at kinukumpara ang mga salita na kanilang napakinggan.

At habang iyan ay nangyayari at si Jesus, Na pagod at naiinitan, ay nauupo at nakikipagusap kina Juan at Judas, isang malakas na ingay ang napakinggan na nagmumula sa kabila ng bakod ng hardin. Ang mga sigawan, sa una lito, ay naging mas malinaw: «Ang Mesiyas ba ay naririyan? Siya ba ay naririyan?» at nang tumanggap sila ng pagsang-ayong sagot, dinala nila sa harapan ang isang pilay na sirang-sira ang porma na ang kanyang hitsura ay ang korteng “S”.

«O! Iyan ay si Mashal!»

«Ngunit siya ay sirang-sira! Ano ang kanyang inaasahan?»

«Ayan ang kanyang ina, kaawa-awang babae!»

«Guro, ang kanyang asawa ay iniwan ang babae dahil sa kakatwa ng kalikasan na iyan, ang kanyang anak, at namumuhay siya rito sa panlilimos. Ngunit siya ay matanda na at hindi na tatagal ang kanyang buhay…»

Ang kakatwa ng kalikasan, siya nga ay totoong iyon, ay ngayon nasa harapan na ni Jesus. Hindi posibleng makita ang kanyang mukha dahil siya ay baluktot na baluktot at pilipit. Kamukha niya ang karikatura ng isang unggoy na tao o ng isang ginawang tao na kamelyo, Ang kanyang ina, isang kaawa-awang matandang aba, ay hindi nagsasalita, umuungol lamang siya: «Panginoon, Panginoon… naniniwala ako…»

Si Jesus ay ipinapatong ang Kanyang mga kamay sa liku-likong mga balikat ng lalaki, na halos hindi umabot sa Kanyang baywang, tumingin sa Langit at sumigaw: «Tumayo at maglakad sa mga daan ng Panginoon» at ang lalaki ay nagulat at pagkatapos tumayo na kasing tuwid ng pinakaperpektong tao. Ang kanyang pagkilos ay napakabilis upang iisipin ng isa na ang mga kuwerdas na pumipigil sa kanya ay bigla na lamang nalagot. Siya ngayon ay umaabot na sa mga balikat ni Jesus, tiningnan niya Siya, pagkatapos bumagsak sa kanyang mga tuhod, kasama ang kanyang ina, hinahalikan ang mga paa ng kanyang Tagapagligtas.

Kung ano ang nangyari sa mga pulutong ay hindi maisasalarawan… At laban sa Kanyang kalooban, si Jesus ay napilitan na manatili sa Hebron, sapagkat ang mga tao ay nakahanda nang gumawa ng mga harang sa mga geyt upang mapigilan Siyang makalabas.

Pagkaraan Kanyang pinasok ang bahay ng pangulo ng sinagoga, na labis na nagbago kompara nang nakaraang taon…

120211

 



Sunod na kabanata