213. Sa Kerioth, si Jesus Nagsasalita sa loob ng Sinagoga.

Hulyo 9, 1945.

Ang loob ng sinagoga ng Kerioth, ang pinakalugar kung saan nila inihiga si Saul, na namatay pagkatapos makita ang kaluwalhatian sa hinaharap ng Kristo. Sa lugar na ito, sa isang pulutong ng mga tao mula kung saan sina Jesus at Judas ay lumitaw – sila ang pinakamataas at kapwa ang kanilang mga mukha ay nagniningning, and isa dala ng pagmamahal, ang isa pa dahil sa lugod na nakikita ang kanyang bayan na laging matapat sa Panginoon at ibinubukod ang sarili nito sa pagbibigay ng solemneng mga karangalan sa Guro – ay naririyan ang mga kilalang-kilala ng Kerioth at malayong nang kaunti kay Jesus ang mga mamamayan, nagsisiksikan katulad ng mga butil sa isang sako. Ang sinagoga ay punung-puno na mahirap huminga rito, bagama't ang mga pintuan ay bukas. At upang makapagparangal sa Guro at makapagpakinig sa Kanya, natatapos sila sa paggawa ng mga kalituhan at labis na ingay upang imposibleng makarinig ng kahit na ano.

Si Jesus ay nakikisama sa sitwasyon at tahimik. Ngunit ang iba ay nawalan ng pasensya, sila ay kumaway-kaway at sumigaw: «Katahimikan!» Ngunit ang kanilang mga tinig ay nawala sa ugong ng ingay, katulad ng isang sigaw sa isang binabagyong dalampasigan.

Si Judas ay hindi nag-aksaya ng panahon. Umakyat siya sa ibabaw ng mataas na bangko at hinampas ang mga lampara, na mga nakabitin nang sama-sama. Ang hungkag na metal ay tumunog at ang mga kadena ay kumalansing katulad ng isang instrumentong musikal. Ang mga tao ay nanahimik at sa wakas posible nang marinig si Jesus.

Sinabi Niya sa pangulo ng sinagoga: «Ibigay mo sa Akin ang kasampu ng mga rolyong sa patungang iyon.» At nang nahawakan Niya ito, binuksan Niya ito at ibinalik sa pangulo nagsasabing: «Basahin ang ikaapat na yugto ng kuwento, ang ikalawang Aklat ng mga Macabeo.»

Ang pangulo ng sinagoga ay sumunod at nagsimulang magbasa. At ang mga paghihirap sa buhay ni Onias, ang mga pagkakamali ni Jason at mga pagtataksil at mga pagnanakaw ni Menelaus ay iniharap sa mga naroroon. Ang yugto ay tapos na. Ang pangulo ng sinagoga ay tinitingnan si Jesus Na maasikasong nakikinig.

Si Jesus ay tumango na iyon ay sapat na at pagkatapos hinarap ang mga tao: «Sa bayan ng Aking pinakamamahal na disipulo hindi Ko babanggitin ang karaniwang mga salita upang magturo sa inyo. Kami ay mananatili rito nang mga ilang araw at ibig Ko na bigkasin niya iyan sa inyo, sapagkat mula rito na ibig Kong magkaroon ng tuwirang kontakto sa pagitan ng mga apostol at mga tao. Iyan ay ang napagkayarian sa mas mataas na Galilee kung saan nagkaroon iyan ng unang maningning na tagumpay. Ngunit ang kababaang-loob ng Aking mga disipulo ay nagawa silang magtago sa likuran, sapagkat natatakot sila na sila ay walang kakayahan at maaagaw nila ang Aking lugar. Hindi. Kailangan na gawin nila iyan at maayos ang magagawa nila at matutulungan nila ang kanilang Guro. Ang tunay na apostoladong pagtuturo ay kung gayon magsisimula rito, pinagkakabit sa iisang pagmamahal lamang ang Galilean Phoenician na mga hangganan sa mga lupain ng Judah, ang mga nasa timog na mga lupain, na may hangganan sa mga bayan ng araw at mga buhangin. Sapagkat ang Guro ay hindi na sapat para sa mga pangangailangan ng mga pulutong. At dahil din na tama na ang mga maliliit na agila ay kailangan na iwanan ang kanilang mga pugad at gawin ang kanilang unang mga paglipad habang ang Araw ay nakakasama pa nila at ang Kanyang malakas na hangin ay makapagsusuporta sa kanila.

Kung gayon, sa loob ng mga araw na ito, Ako ay magiging inyong kaibigan at inyong kaginhawahan. Sila ang magiging ang salita at magkakalat sa butil na ibinigay Ko sa kanila. Kung gayon hindi Ko tuturuan ang publiko, bagkus bibigyan Ko kayo ng pribilehiyong bagay: isang hula. Hinihingi Ko sa inyo na tandaan ito para sa hinaharap kapag ang pinaka-nakakikilabot na pangyayari sa Sangkatauhan ay padidilimin ang araw at sa kadiliman ang inyong mga puso ay baka madala sa maling paghuhusga. Ayaw Ko kayong madala sa pagkakamali, sapagkat mula pa sa unang sandali kayo ay naging mabuti sa Akin. Ayaw Ko na ang mundo ay mapasa-pusisyon na magsabi: “Ang Kerioth ay ang kaaway ng Kristo”. Ako ay makatarungan. Hindi Ko mapahihintulutan ang mga pagpuna, maging mapanuya sa Akin o mapagmahal sa Akin, na maaakusahan kayo ng mga pagkakamali laban sa Akin, binuyo ng mga pakiramdam nito. Dahil hindi kayo makakaasa na pare-pareho ang kabanalan ng mga anak sa isang malaking pamilya, hindi rin posible na umasa nito sa isang malaking bayan. Ngunit higit na laban sa karidad ang sabihin: “Ang buong pamilya o ang buong bayan ay anatema” dahil sa isang masamang anak o isang masamang mamamayan.

Makinig kung gayon, pagkatapos tandaan, maging laging matapat, at dahil minamahal Ko kayo nang labis hanggang sa hilingin na ipagsanggalang kayo sa di-tamang akusasyon, gayon din naman dapat ninyong mahalin ang mga inosente. Lagi. Maging sino pa man sila. ano pa man ang kanilang relasyon sa mga nagkasala.

Ngayon makinig. Ang panahon ay darating kung kailan sa Israel ay magkakaroon ng mga tagapag-ulat tungkol sa kaban at tungkol sa bansa, na sa pag-asa na makagawa ng pakikipagkaibigan sa mga banyaga, ay magsasalita ng masama tungkol sa totoong Mataas Na Pari, inaakusahan siya ng pakikipag-alyansa sa mga kaaway ng Israel at ng masasamang gawa laban sa mga anak ng Diyos. At upang marating ang kanilang tinatangka may kakayahan silang gumawa ng mga krimen, pagbibintangan ang Inosenteng Isa. At ang panahon ay darating, sa Israel pa rin, mas mahigit pa kaysa sa mga panahon ni Onias, kung kailan ang isang nakakahiyang tao, nang-iintriga upang maging Pontipise, pupunta sa malalakas ng Israel at parurumihin sila sa pamamagitan ng ginto ng mga huwad na salita, na mas lalo pang nakakahiya, at pipilipitin ang katotohanan ng mga pangyayari, at hindi siya magsasalita laban sa mga krimen, sa kabaligtaran, ipinagpapatuloy ang kanyang nakakahiyang tangkain, gagawin niya ang kanyang magagawa upang maparumi ang mga kaugalian upang magkaroon ng mas malakas na hawak sa mga kaluluwa na napagkaitan ng pakikipagkaibigan ng Diyos: lahat upang marating ang kanyang tinatangka. At siya ay magtatagumpay. Siyempre! Dahil kung sa pinaka-luklukan sa Mount Moriah ay walang mga himnasyo ng nakakahiyang Jason, sa katunayan ang mga ito ay nasa mga puso ng mga naninirahan sa bundok, na para lamang mapaliban ay papayag na maibenta kung ano ang mas may halaga kaysa sa isang piraso ng lupa, ibig sabihin, ang kanilang mga pinaka-konsiyensya. Ang mga bunga ng dating pagkakamali ay makikita pa rin, at siya na may mga mata upang makakita, ay makikita kung ano ang nangyayari roon, kung saan kailangan na mayroong karidad, kadalisayan, hustisya, kabutihan at malalim na banal na relihiyon. Ngunit kung ang mga bungang iyon ay ang dahilan na ng lindol, ang mga bunga ng kanilang mga binhi ay gagawa hindi lamang lindol, bagkus maldisyon ng Diyos.

At narito ang totoong hula, sasabihin Ko sa inyong totoo na siya ng may kagulangan na makakuha ng pusisyon at masasandalan, sa pamamagitan ng mahabang patagong mga panloloko, ay ibibigay sa mga kamay ng Kanyang mga kaaway, kapalit ng pera ang Mataas Na Pari, ang Totoong Mataas Na Pari. Niloko ng mga pagpapakita ng pagmamahal at itinuro sa Kanyang mga tagapagpatay sa pamamagitan ng isang pagkilos ng pagmamahal, Siya, ang Totoong Mataas Na Pari, ay papatayin nang walang pagtingin sa katarungan. Ano ang mga bintang na gagawin laban sa Kristo, sapagkat Ako ay nagsasalita ng tungkol sa Aking Sarili, upang mapangatwiranan ang karapatan na mapatay Siya? Anong kapalaran ang itatalaga sa mga gumagawa ng ganyan? Isang kapalaran ng dagliang nakapangingilabot na hustisya. Hindi pang-indibidwal na kapalaran, bagkus isang panlahatan para sa mga kasabuwat ng traydor. Isang mas malayo at mas nakapangingilabot pa na kapalaran kaysa sa kapalaran ng tao na gawa ng pangungutya ng konsiyensya ay mapipilitan na koronahan ang kanyang inalihan-ng-dimonyo na kaluluwa sa pamamagitan ng paggawa ng panghuling krimen laban sa kanyang sarili. Sapagkat ang isang iyan ay matatapos sa loob ng isang sandali. Ang huling kaparusahang ito ay magiging matagal at nakakatakot. Makikita ninyo ito sa pangungusap: “… at ang Kanyang galit ay napukaw at iniutos niya na si Andronicus ay hubaran ng purpura at ipapatay sa pinakalugar kung saan niya inilapat ang kanyang lapastangang mga kamay kay Onias”. Oo, ang saserdotal na lahi ay hahampasin sa mga anak nito at sa mga tagapagpatay. At mababasa ninyo ang kapalaran ng masama na nagkasama-samang mga tao sa mga sumusunod na mga salita: “Ang tinig ng dugong ito ay sumisigaw sa Akin mula sa lupa. Kung gayon kayo ay maisusumpa…”. At ito ay masasabi ng Diyos sa buong sambayanan na hindi nagbantay sa regalo ng Diyos. Sapagkat kung totoo na Ako ay nagpunta upang makapanubos, kapahamakan sa mga magiging mamamatay-tao, at hindi matutubos, na kasama sa sambayanang ito na ang kanilang unang katubusan ay ang Aking Salita.

Nasabi Ko na sa inyo. Tandaan iyan. At kapag napakinggan ninyo sila na nagsasabi na Ako ay tagagawa ng masama, sabihin: “Hindi. Binalaan Niya kami. At ito ang tanda, na nagkakatotoo at Siya ang Biktima pinatay para sa mga kasalanan ng mundo”.»

Ang mga tao ay lumalabas sa sinagoga at pakaway-kaway silang lahat nagsasalita tungkol sa hula at tungkol sa pagpapahalaga na binibigay ni Jesus kay Judas. Ang sambayanan ng Kerioth ay nasisiyahan sa parangal na ibinigay sa kanila ng Mesiyas sa pagpili sa bayan ng isang apostol, at lalo na ng apostol ng Kerioth upang pasimulan ang apostoladong pagtuturo pati na rin ang tungkol sa regalo ng paghula. bagama't iyon ay isang malungkot na paghula, iyon ay isang malaking karangalan na tanggapin ito na may mapagmahal na mga salita na nauna rito…

Si Jesus at ang grupo ng mga apostol ay ang tanging mga naiwan sa sinagoga; sila pagkatapos ay pumunta sa maliit na hardin sa pagitan ng sinagoga at ng bahay ng pangulo ng sinagoga. Si Judas ay naupo at umiiyak.

«Bakit ka umiiyak? Wala akong makitang dahilan…» sabi ng isa pang Judas.

«Bueno. Halos nararamdaman ko na gawin din iyan mismo. Napakinggan ba ninyo Siya? Tayo ay magsasalita na ngayon…» sabi ni Pedro.

«Nagawa na natin ang kaunti niyan sa itaas ng bundok. At tayo ay gagaling sa lahat ng oras. Ikaw at si Juan ay nagawa itong matagumpay kaagad» sabi ni Santiago ni Zebedeo upang mapasigla sila.

«Ako ang pinakamasama… ngunit tutulungan ako ng Diyos.  Tama ba iyon, Guro?» tanong ni Andres.

Si Jesus, Na nakatingin sa ilang mga rolyo ng pergamino na dinala Niya, ay tumalikod at nagsabi: «Ano ang sinasabi mo?»

«Na ang Diyos ay tutulungan ako kapag kailangan kong magsalita. Susubukan ko at uulitin ko ang Inyong mga salita hangga’t sa magagawa ko. Ang aking kapatid ay natatakot at si Judas ay umiiyak.»

«Umiiyak ka ba? Bakit?» tanong ni Jesus.

«Sapagkat ako ay totoong nagkasala. Sina Andres at Tomas ay makapagsasabi sa Inyo. Lagi ko Kayong binibigyan ng problema at pinagpapakinabang Ninyo ako tinatawag akong “pinakamamahal na disipulo” at sinasabihan ako na magturo rito… Gaanong pagmamahal!...»

«Ngunit hindi mo ba alam na minamahal Kita?»

«Oo. Ngunit… Salamat sa Inyo, Guro. Hindi na ulit ako bubulung-bulong; ako ay totoong kadiliman at Kayo ang Liwanag.»

Ang pangulo ng sinagoga ay bumalik at iniimbeta sila sa kanyang bahay, at habang patungo roon sinabi niya: «Iniisip ko ang Inyong mga salita, kung Kayo ay aking naintindihan nang maayos, katulad na sa Kerioth nakatagpo Kayo ng isang disipulo, ang aming Judas ni Simon, Kayo kung gayon ay naghuhula na makatatagpo ng isang di-karapat-dapat na isa. Ako ay nalulungkot para diyan. Mabuti na lang ang aming Judas ay makapupuno sa pagkukulang ng isa…»

«Sa pamamagitan ng aking buong pagkatao» sabi ni Judas, na nakapanumbalik na mula sa kanyang kalagayan.

Si Jesus ay hindi nagsasalita, ngunit tinitingnan Niya ang Kanyang mga kausap at kumilos iniuunat ang Kanyang mga kamay na tila ibig Niyang sabihin: «Ganyan iyan.»

150211

 



Sunod na kabanata