215. Ang Lunatikong Dalaga ng Bethginna.

Hulyo 11, 1945.

Hindi ko nakita ang pagbabalik sa Bethzur o ang mga hardin ng rosas ng Bether, na aking kinasasabikan na makita. Ni si Marjiam ay wala rito, sa dahilan na siya ay dati iniwanan kasama ang Ating Ginang at ang mga babaeng disipulo. Ito ay napaka-bulubunduking lugar, ngunit mayamang-mayaman din sa mga tanim, na may kakahuyan ng mga konipero, o kung baga ng mga punungkahoy ng pino, at ang nakapagpapalakas na balsamong amoy ng resina ay kumakalat kahit saan. At si Jesus ay naglalakad sa berdeng mga bundok na iyon, kasama ang Kanyang mga disipulo, nakaharap nang pakanluran.

Napapakinggan ko silang pinag-uusapan ang tungkol kay Eliza na tila malaki na ang ipinagbago at tila nakumbinsi na sundan si Johanna sa kanyang pag-aaring lupa sa Bether, at nagsasalita rin sila tungkol sa kabaitan ni Johanna. Pinag-uusapan din nila ang pag-ikot na kanilang gagawin, patungo sa matabang lupa ng mga kapatagan bago ang dagat. At ang mga pangalan ng mga nakalipas na kaluwalhatian ay naungkat muli, nagdadala sa mga kuwento, mga katanungan, mga kapaliwanagan at mapagkaibigan ng mga pag-tatalo.

«Kapag marating natin ang tuktok ng bundok na ito, ipakikita Ko sa inyong lahat ang mga lugar na inyong pinagkaka-interesan. Baka magmungkahi ang mga iyon sa inyo ng mga kaisipan para sa inyong mga sermon sa mga pulutong.»

«Ngunit papaano namin gagawin iyan, Panginoon? Wala akong kakayahan» ungol ni Andres, at ni Pedro at si Santiago ay sumali. «Kami ang mga pinaka-walang-suwerteng tao.»

«O! Kung gayon lalo na ako. Kung iyan ay ginto o plata, makapagsasalita pa ako tungkol diyan, ngunit kung tungkol sa mga bagay na ito…» sabi ni Tomas.

«At ano ang tungkol sa akin? Ano ba ako dati?» tanong ni Mateo.

«Ngunit hindi ka natatakot sa publiko, may kakayahan ka na makipag-debate» tugon ni Andres.

«Oo, ngunit tungkol sa ibang mga bagay…» balik-sabi ni Mateo.

«Siyempre!... Ngunit… Bueno, nalalaman mo na kung ano ang sasabihin ko na, kung kaya’t isipin na lang na nasabi ko na sa iyo. Ang katotohanan ikaw ay mas mahalaga kaysa sa amin» sabi ni Pedro.

«Makinig, Aking mahal. Walang pangangailangan na maging dakila. Simpleng sabihin kung ano ang inyong palagay, kasama ang inyong matatag na paniniwala. Maniwala sa Akin, kapag ang isa ay kumbinsido siya ay laging makapagkukumbinsi ng iba» sabi ni Jesus.

Ngunit si Judas ay nakikiusap: «Bigyan Ninyo kami ng ilang mga pahiwatig. Ang isang idea na ipinakita nang maayos ay baka makatutulong sa maraming paraan. Sa palagay ko ang mga lugar na ito ay naiwanan na walang kahit isang salita tungkol sa Inyo. Sapagkat tila walang nakaaalam tungkol sa Inyo.»

«Ang dahilan ay may malakas na hangin pang umiihip mula sa Moriah… Nakapagpapabaog ito…» tugon ni Pedro.

«Ito ay dahil hindi pa iyon naitatanim. Ngunit magtatanim tayo» balik-sabi ng Iskariote, na nakatitiyak sa kanyang sarili at masaya pagkatapos ng kanyang unang tagumpay.

Narating nila ang tuktok ng bundok. Isang malawak na tanawin ang umuunat mula rito at magandang tingnan ito nakatayo sa lilim na makakapal na punungkahoy na kumokorona sa tuktok, napakaiba’t iba at maaraw: magkakapatong na kabit-kabit na mga bundok umuunat sa bawat direksiyon katulad ng pinatahimik na mga bugso ng alon ng isang karagatan na hinahampas ng magkakasalungat na hangin at pagkatapos, na tila nasa loob ng isang kalmanteng golpo, ang lahat ay tumatahimik sa isang walang katapusang kaningningan pinakikita ang isang malawak na kapatagan kung saan ang isang maliit na bundok ay tumataas, kasing nangungulila ng isang parola sa pamasukan ng isang daungan.

«Tingnan. Ang nayon na iyon na nakalatag sa tabi ng tuktok, na tila ibig nitong kasiyahan ang lahat na sikat ng araw, at kung saan tayo ay titigil, ay katulad ng gitna ng isang korona ng makasaysayang mga lugar. Halikayo rito. Nariyan (patungong hilaga) ang Jarmuth. Naaalaala ba ninyo si Joshua? Ang pagkatalo ng mga hari na ibig na umatake sa kampo ng Israel, na napalakas ng pakikipag-alyansa sa mga Gibeonite. At malapit diyan ang Bethshemesh, ang saserdotal na bayan sa Judah kung saan ang Arko ay ibinalik ng mga Pilisteo kasama ang mga gintong alay sa pagtupad sa pangako na ipinanuto ng mga manghuhula at mga pari sa mga tao upang makalaya sa mga kalamidad na humampas sa nagkasalang mga Pilisteo. At sa banda roon ay ang Zorah, ganap na nakalatag sa ilalim ng araw, ang amangbayan ni Samson, at papuntang kaunti sa silangan ang Timnath kung saan siya nagpakasal at kung saan marami siyang ginawang katapangan at maraming katangahang bagay. At naririyan ang Azekah at Shochoh, dating mga kampo ng mga Pilisteo. Sa bandang ibaba pa ay ang Zanoah, isa sa mga bayan sa Judah. Ngayon tumalikod, naririto ang Lambak ng Terebinth, kung saan nilabanan ni David si Goliath. AT sa banda roon ay ang Makkedah, kung saan tinalo ni Joshua ang mga Amorite. Tumalikod muli. Nakikita ba ninyo ang nag-iisang bundok na iyon sa gitna ng kapatagan, na dati pag-aari ng mga Pilisteo? Ang Gath ay naririyan, ang amangbayan ni Goliath at ang lugar kung saan si David ay nanilungan kasama si Achish upang matakasan ang galit ni Saul, at kung saan ang marunong na hari ay nagkunwaring siya ay nababaliw sapagkat ang mundo ay ipinagsasanggalang ang mga hangal kaysa ang marurunong na tao. Kung saan ang kagiliran ay nagbubukas, naririyan ang mga kapatagan ng napakatabang lupain ng mga Pilisteo. Tayo ay dadaan diyan, hanggang sa layo ng Ramlé. At ngayon pasukin na natin ang Bethginna. Ikaw, ikaw nga, Felipe, na nakatingin sa Akin nang nangungusap, ay iikot sa nayon, kasama si Andres. Habang palakad-lakad kayo sa paligid, tayo ay titigil malapit sa pontanya o sa liwasan ng nayon.»

«O! Panginoon! Huwag ninyo kaming ipadala na nag-iisa. Pakiusap. Sumama Kayo sa amin!» nakikiusap sila.

«Lakad, sinabi Ko. Ang pagsunod ay mas malaking tulong sa inyo kaysa ng Aking piping presensya.»

… At kung gayon sina Felipe at Andres ay lumakad, na walang plano, dumaraan sa nayon, hangga’t nakakita sila ng isang maliit na otel, isang bahay-panuluyan, bukod sa isang otel, at sa loob ay may ilang mga  mamimili nakikipagtawaran para tungkol sa mga tupa sa ilang mga pastol. Sila ay pumasok at tumigil nang di-mapakali sa gitna ng bakuran, na napaliligiran ng napakapangkabukiran na mga beranda.

Ang tagapamahala ng otel ay nagmadali patungo sa kanila: «Ano ang kailangan ninyo? Matutuluyan?»

Nagkukunsultahan ang dalawa, at sila ay lumalabas na lubos na nadidismaya. Baka hindi nila maalaala kahit isang salita ng kailangan nilang sabihin. Si Andres ang una nakapanumbalik sa kanyang sarili at siya ay tumugon: «Oo, matutuluyan para sa amin at sa Rabbi ng Israel.»

«Aling rabbi? Marami sila! Ngunit sila ay mayayamang maginoo. Hindi sila pumupunta sa mga nayon ng mahihirap na tao upang dalhin ang kanilang karunungan sa mahihirap. Ang mahihirap ay kailangan na pumunta sa kanila at masuwerte kami kung papayagan kaming makalapit sa kanila!»

«Iisang Rabbi lamang ang nasa Israel. At Siya ay pumunta upang ihatid ang Ebanghelyo sa mahihirap, at habang mas nagiging mahirap at mas makasalanan sila, mas lalo Niya silang hinahanap at nilalapitan» tugon ni Andres nang may kabaitan.

«Sa gayong kaso hindi Siya makagagawa ng labis na pera!»

«Hindi Siya naghahanap ng kayamanan. Siya ay mahirap at mabuti. Kapag nakapagliligtas Siya ng kaluluwa iyan ay isang ganap na araw para sa Kanya» tugon muli ni Andres.

«O! Ito ang unang pagkakataon na mapakinggan ko na ang isang rabbi ay mabuti at mahirap. Si Juan Bautista ay mahirap ngunit mahigpit. Ang lahat na iba pa ay mahigpit at mayaman, kasing sakim katulad ng mga linta. Kayo sa banda riyan, napakinggan ba ninyo? Halikayo rito, kayo na naglalakbay sa buong mundo. Ang mga taong ito ay nagsasabi na mayroong isang mahirap ngunit mabuting Guro Na pumunta hinahanap ang mga mahihirap at mga nagkakasala.»

«Ah! Iyan ay maaaring ang isa na nakasuot ng puting kapa katulad ng isang Essene. Nakita ko Siya nang kamakailan sa Jericho» sabi ng isa na mga mamimili.

«Hindi. Ang isang iyon ay nag-iisa. Maaaring iyon ay ang isa na sinabi sa atin ni Tomas, sapagkat nagkataon na siya ay nagsalita tungkol sa kanya kasama ang ilang mga pastol sa Lebanon» tugon ng isang mataas na maskuladong pastol.

«Oo nga! At makapupunta siya nang kasing layo hanggang dito, kung siya ay nasa Lebanon! Alang-alang sa iyong mga mata ng isang pusa!» bulalas ng isa pa.

Habang nagsasalita ang tagapamahala at nakikinig sa kanyang mga suki, ang dalawang apostol ay nanatiling nakatayo sa gitna ng bakuran katulad ng dalawang poste.

Sa wakas ang isa sa mga kalalakihan ay nagsalita sa kanila: «Ehi! Ikaw! Halika rito! Sino Siya? Taga saan ang tao na iyong sinasabi?»

«Siya ay si Jesus ni Joseph, mula sa Nazareth» sabi ni Felipe nang matindi at kamukha niya ang isa na umaasang siya ay pagtatawanan.

Ngunit si Andres ay nagdagdag: «Siya ang Mesiyas na inihula. Nakikiusap ako sa inyo, para sa inyong kabutihan, makinig sa Kanya. Nabanggit ninyo si Juan Bautista. Bueno, ako ay nakasama niya, at itinuro niya sa amin si Jesus Na nagdaraan at nagsabi: “Naririyan ang Kordero ng Diyos, Na nag-aalis sa mga kasalanan ng mundo”.  Nang si Jesus ay bumaba sa ilog Jordan upang mabinyagan, ang Kalangitan ay nagbukas at ang isang Tinig ay sumigaw: “Ito ay ang Aking pinakamamahal na Anak, Siya ay Aking lubos na kinalulugdan” at ang pagmamahal ng Diyos ay bumaba katulad ng isang kalapati, sumisinag sa ibabaw ng Kanyang ulo.»

«Kita ninyo? Iyon ay ang Nazareno! Ngunit sabihin ninyo sa akin, sa dahilan na sinasabi ninyo na kayo ay Kanyang mga kaibigan…»

«Hindi, hindi Kanyang mga kaibigan: kami ay Kanyang mga apostol, Kanyang mga disipulo at kami ay ipinadala upang ibalita na Siya ay darating, upang ang mga nangangailangan ng kaligtasan ay makapupunta sa Kanya» paglilinaw ni Andres.

«O sige. Ngunit sabihin mo sa akin. Siya ba ay totoong ang kung ano ang sinasabi ng iba, ibig sabihin, isang banal na tao, mas banal pa kaysa kay Juan Bautista, o Siya kaya ay isang dimonyo katulad ng pagsasalarawan tungkol sa Kanya ng iba? Kayo ay laging kasama Niya, sapagkat kung kayo ay Kanyang mga disipulo, kailangan na kasama kayo Niya, sabihin ninyo sa amin nang prangko. Totoo ba na Siya ay mahalay at isang matakaw uminom? Na mahal Niya ang mga puta at mga publikano. Na Siya ay isang nigromante at pinananawagan Niya ang mga espiritu sa gabi upang malaman ang mga lihim ng mga puso.»

«Bakit tinatanong ninyo ang mga taong ito ng ganyang mga tanong? Tanungin sila sa halip kung totoo na Siya ay mabuti. Mamasamain nila iyan at aalis sila at sasabihin sa Guro ang ating masamang pangangatwiran at tayo ay maisusumpa. Hindi natin ito masasabi kailanman!... Kung Siya man ay Diyos o isang dimonyo, mas mabuti na na tratuhin Siya nang mabuti.»

Si Felipe na ngayon ang nagsasalita: «Makasasagot kami sa inyo nang prangkung-prangko sapagkat walang masama na kailangan na itago. Siya, ang aming Guro, ay ang Santo ng lahat na mga santo. Ginugugol Niya ang Kanyang mga araw nagtuturo. Siya ay walang-kapaguran na palipat-lipat sa mga lugar hinahanap ang mga puso ng mga tao. Ginugugol Niya ang gabi nagdarasal para sa atin. Hindi Niya hinahamak ang kasiyahan sa mesa at sa pakikipagkaibigan, ngunit hindi para sa Kanyang sariling kalamangan, bagkus upang malapitan lamang ang hindi malalapitan sa ibang paraan. Hindi Niya pinandidirihan ang mga publikano at mga puta bagkus ibig lang Niyang matubos sila. Ang Kanyang daan ay masusundan sa pamamagitan ng mga himala ng panunubos at mga himala sa mga sakit. Ang mga hangin at mga karagatan ay sinusunod Siya. Ngunit hindi Siya nangangailangan ng sinuman upang magawa ang Kanyang mga kababalaghan, ni hindi Niya kailangan na manawagan sa mga espiritu upang makilala ang mga puso.»

«Papaano Niya nagagawa?... Sinabi mo na ang mga hangin at mga karagatan ay sinusunod Siya… Ngunit ang mga ito ay hindi pinagkalooban ng pangangatwiran. Papaano Niya binibigyan ng utos ang mga ito?» tanong ng tagapamahala.

«Sabihin mo sa akin, lalaki: ayon ba sa iyo mas mahirap na bigyan ng utos ang hangin o ang karagatan o ang kamatayan?»

«O Jehovah! Hindi mo mauutusan ang kamatayan! Makapagtatapon ka ng langis sa dagat, makapagtataas ka ng mga layag sa ibabaw nito, o, mas mabuti pa, makakaiwas kang pumunta sa dagat. Maisasara mo ang mga pintuan laban sa hangin. Ngunit hindi mo mauutusan ang kamatayan. Walang langis na may kakayahan na mapakalma iyan. Walang layag na, itinaas sa isang maliit na bangka, mapatatakbo ito nang napakabilis upang maiwanan sa likuran ang kamatayan. At walang mga pansara diyan. Pumapasok ito kung gusto nito, kahit na kung ang mga pintuan ay isinara. O! walang nagbibigay ng mga utos sa reynang iyan!»

«Ngunit sa kabila nito ang aming Guro ay nauutusan ito. Hindi lamang kung ito ay nasa malapit. Bagkus pagkatapos din na makarating na ito. Ang isang binata ng Naim ay ilalagay na sana sa nakakatakot na bunganga ng kanyang sepulkro, at sinabi Niya sa kanya: “Sinasabi Ko sa iyo: bangon!” At ang binata ay nabuhay muli.  Ang Nain ay hindi ang bansa ng mga Hyperborean. Makalalakad ka at tingnan.»

«Ganyan lang? Sa presensya ng lahat?»

«Sa daan. Sa presensya ng buong Nain.»

Ang tagapamahala at ang kanyang mga suki sa nagkakatinginan sa katahimikan.  Pagkatapos ang tagapamahala ay nagsabi: «Ngunit gagawin lang Niya iyan sa Kanyang mga kaibigan.»

«Hindi, mamâ. Para sa lahat na naniniwala sa Kanya at hindi lamang para sa kanila. Siya ay Awa sa lupa, maniwala sa akin. Walang lumalapit sa Kanya na walang nangyayari. Makinig. Mayroon ba sa inyo na naghihirap o umiiyak dahil sa mga sakit sa pamilya, mga pagdududa, mga problema, mga tukso, kamangmangan? Pumunta kay Jesus, ang Mesiyas ng Ebanghelyo. Siya ay naririto ngayon. Mapupunta Siya sa ibang mga lugar bukas. Ang Grasya ng Diyos na dumaraan ay hindi kailangan na palampasin na walang mangyari» sabi ni Felipe na naging lalu’t lalo pang nakasisiguro sa sarili.

Ang tagapamahala ay kinukusot ang kanyang buhok, binubuka at isinasara ang kanyang bunganga, pinipisil ang mga palawit ng kanyang sinturon… sa wakas siya ay bumulalas: «Susubukan ko! May anak akong babae. Hanggang nang nakaraang tag-init siya ay mabuti. Pagkatapos nasira ang kanyang ulo. Nananatili siyang katulad ng isang piping hayop sa isang sulok, hindi siya kailanman umaalis dito at tanging sa may-kahirapan lamang siya nabibihisan at napapakain ng kanyang ina. Ang mga doktor ay nagsabi na ang kanyang utak ay nasunog ng labis na sikat ng araw, ang iba ay nagsasabi na iyon ay dala ng kamalasan na pag-ibig. Ang mga tao ay nagsasabi na siya ay naalihan ng dimonyo. Papaano mangyayari ito, dahil hindi siya kailanman napalayo rito?! Saan naman niya makukuha ang dimonyong iyon? Ano ang sinasabi ng inyong Guro? Na ang isang dimonyo ay nakukuha rin nito ang isang inosenteng tao?»

Si Felipe ay sumagot nang walang pag-aalinlangan: «Oo, upang pahirapan ang mga kamag-anak at maitulak sila sa kawalang pag-asa.»

«At… Nakapaggagamot ba Siya ng mga lunatiko? Kailangan ko bang umasa?»

«Kailangan na maniwala ka» sabi agad ni Andres. At sinasabi niya sa kanila ang himala sa mga Gerasenes at naghinuha siya: «Kung ang mga iyon na lehiyon sa mga puso ng nagkakasala ay napa-aalis nang gayon, bakit hindi aalis ang isa na ipinilit ang kanyang daan patungo sa puso ng isang bata-pang tao? Sasabihin ko sa iyo, mamâ: sa mga umaasa sa Kanya ang kung ano ang imposible ay nagiging madali katulad ng paghinga. Nakita ko ang mga gawa ng aking Panginoon at ako ay isang saksi ng Kanyang kapangyarihan.»

«O! Kung gayon sino sa inyo ang pupunta upang tawagin Siya?»

«Ako mismo ang pupunta, mamâ. Babalik kaagad ako.»

At si Andres ay tumakbong umalis habang si Felipe ay nananatili nagsasalita sa kanila.

Nang makita ni Andres si Jesus na nakatayo sa loob ng isang bulwagan dahil sa napakainit na sikat ng araw sa bawat bahagi ng liwasan, siya ay tumakbo patungo sa Kanya nagsasabing: «Halikayo, Guro. Ang anak na babae ng tagapamahala ay lunatiko. Ang kanyang ama ay nakikiusap sa Inyo na pagalingin siya.»

«Kilala ba niya ako?»

«Hindi, Guro. Nagsikap kami na makilala niya Kayo…»

«At kayo ay nagtagumpay. Kapag ang isa ay narating na ang punto ng paniniwala na makagagamot Ako ng di-nagagamot na sakit, ang isa ay abanteng-abante na sa pananampalataya. At kayo ay natatakot na hindi ninyo alam kung papaano ito gawin. Ano ang sinabi ninyo sa kanya?»

«Sa palagay ko hindi ko masasabi sa Inyo. Sinabi namin kung ano ang naiisip namin tungkol sa Inyo at tungkol sa Inyong mga gawa. Higit sa lahat sinabi namin sa kanya na Kayo ay Pag-ibig at Awa. Ang mundo ay mayroon gayong maling kaalaman tungkol sa Inyo!!!»

«At kilalang-kilala ninyo Ako. At iyan ay sapat na.»

Nakarating sila sa maliit na bahay-panuluyan. Ang lahat na suki ay nakatayo sa may pintuan, puno ng pag-uusyoso, at sa gitna ay naroroon si Felipe kasama ang tagapamahala na laging nagsasalita sa kanyang sarili.

Nang makita niya si Jesus, tumakbo siya upang salubungin Siya: «Guro, Panginoon, Jesus… Ako… Ako ay naniniwala nang mabuti na Kayo ay Kayo, na nalalaman Ninyo ang lahat, nakikita Ninyo ang lahat, nagagawa Ninyo ang lahat, pinaniniwalaan ko ito nang matatag na sasabihin ko sa Inyo: Maawa sa aking anak na babae bagama't napakarami ang kasalanan sa loob ng aking puso. Huwag Ninyong parusahan ang aking anak dahil ako ay naging di-matapat sa aking negosyo. Hindi na muli ako magiging matakaw, sinusumpa ko. Nakikita Ninyo ang aking puso tungkol sa nakaraan nito at sa kasalukuyang kaisipan. Magpatawad at maawa sa amin. Guro, at ako ay magsasalita tungkol sa Inyo sa lahat na pupunta rito, sa aking bahay…» Ang mamâ ay nasa kanyang mga tuhod.

Si Jesus ay nagsabi sa kanya: «Tumayo ka at magpursige sa iyong kasalukuyang mga nararamdaman. Dalhin mo Ako sa iyong anak.»

«Siya ay nasa isang establero, aking Panginoon. Ang maalinsangang panahon ay napalalala siya. At hindi siya lalabas.»

«Hindi na bale. Pupunta Ako sa kanya. Ito ay hindi ang maalinsangang panahon. Ito ay ang dimonyo na nadama ang Aking pagdating.»

Pumunta sila sa bakuran at pagkatapos sa isang madilim na establero, sinusundan ng lahat.

Ang batang babae, hindi nakaayos at payat, ay nabalisa sa pinakamadilim na sulok at nang kaagad makita niya si Jesus, siya ay sumigaw: «Balik, bumalik! Huwag mo akong gambalain. Ikaw ang Kristo ng Panginoon, ako ang isang hinampas Mo. Hayaan Mo ako. Bakit lagi Mo akong sinusundan?»

«Lumabas ka sa batang ito. Labas. Gusto Ko ‘yan. Isauli mo ang iyong bihag sa Diyos at manahimik!»

Nagkaroon ng nakaka-antig na sigaw, isang pag-igkas, ang kanyang katawan ay naging luyloy at bumagsak sa dayami… pagkatapos kalmante, malungkot siyang nagtanong ng mga katanungan sinasaad ang kanyang pagtataka: «Nasaan ako? Bakit ako naririto? Sino sila?» at siya ay nanawagan: «Inay». Ang batang babae ay nahiya nang mapuna niya na siya ay walang belo at may punít na damit sa harapan ng maraming di-kilalang mga tao.

«O! Eternal na Panginoon! Ngunit siya ay napagaling na…» at kakaibang makita ang tagapamahala na umiiyak katulad ng isang bata at ang mga luha ay dumadaloy sa kanyang namumulang mga pisngi… Siya ay masaya at siya ay umiiyak at hindi malaman ang gagawin, maliban na halikan ang mga kamay ni Jesus, habang ang ina ng bata ay umiiyak din, napaliligiran ng kanyang nagtatakang maliliit na anak, at hinahalikan ang kanyang panganay malaya na ngayon sa dimonyo.

Ang lahat na mga tao na naroroon ay sumisigaw sa pagtataka at marami pa ang dumating upang makita ang himala. ang bakuran ay puno.

«Manatili Kayong kasama namin, Panginoon. Dumidilim na. Magpahinga sa ilalim ng aking bubungan.»

«Mamâ, kami ay labintatlo.»

«Kahit na kung kayo ay tatlong daan walang anuman ito. Alam ko ang ibig Ninyong sabihin. Ngunit ang sakim na di-matapat na Samuel ay patay na, Panginoon. Ang akin ding dimonyo ay lumayas na. Ngayon ay naririyan ang bagong Samuel. At siya pa rin ang tagapamahala ng bahay-panuluyan. Subalit isang banal na tagapamahala. Halikayo, sumama sa akin, upang sana mapagpitaganan ko Kayo bilang isang hari, isang diyos. Ganyan katulad Ninyo. O! Pagpalain ang araw na nagdala sa Inyo rito ngayon…»

200211

 



Sunod na kabanata