216. Sa Loob ng Kapatagan Patungong Ashkelon.

Hulyo 12, 1945.

Ang araw ay sumisikat nang napakainit sa kabukiran at tinutuyo ang hinog na mga butil nakagagawa ng amoy mula rito, na nakapagpapaalaala tungkol sa amoy ng tinapay. May di-mauring amoy sa hangin, ang amoy ng init ng araw, ng mga nilabhan, ng mga bunga, ng tag-init.

Sapagkat ang bawat panahon, masasabi kong bawat buwan, at kahit bawat oras ng araw ay may sariling amoy, katulad na ang bawat lugar ay may kanyang amoy, kung ang isa ay may matalas na pangamoy, at isang matalas na espiritu ng pagmasid. Ang amoy ng isang araw ng taglamig na may nanunuot na lamig ay ibang-iba sa lunot na amoy ng isang maulap na araw ng taglamig, o ng isang ma-niyebeng araw.  At gaano kaiba ang amoy ng tagsibol na dumarating at ibinabalita ang sarili sa pamamagitan ng isang amoy, na hindi naman amoy, at ibang-iba sa amoy ng taglamig. Ang isa ay gigising sa umaga at ang hangin ay may ibang amoy: ang unang hininga ng tagsibol. At iba't iba pa para sa amoy ng mga lootan na nasa pamumulaklak, amoy ng mga hardin, ng mga butil, hanggang sa mainit na amoy ng alak sa panahon ng pigaan at pagkatapos, bilang isang intermisyon, ang amoy ng lupa pagkatapos ng bagyo…

At ano ang tungkol sa mga oras? Isang kahangalan na sabihin na ang amoy ng bukang-liwayway ay katulad ng sa katanghalian, o na ang huli ay katulad ng sa dapit hapon o sa gabi. Ang una ay sariwa at pambirhen, ang ikalawa ay kaaya-aya at masaya, ang ikatlo ay pagod at tigmak ng lahat ng amoy na inihinga ng lahat sa loob ng isang araw; ang huling isa, ang sa gabi, ay kalmante at komportable, na tila ang Lupa ay isang malaking kuna kinukuha ang mga maliliit na anak nito upang makapagpahinga.

At ano ang tungkol sa mga lugar? O! ang amoy ng isang seahorse ay ibang iba sa bukang-liwayway at sa dapit-hapon, sa katanghalian at sa gabi, kapag masalimuot o kalmante ang dagat, kung mabato o mabuhangin ang dalampasigan! At ang amoy ng seaweed, na lumalabas pagkaraan ng mga pagtaas at pagbaba ng tubig, at ang dagat na tila binuksan ang mga bituka nito upang malanghap natin ang masamang amoy ng mga kalaliman nito. Ang amoy na iyan ay ibang iba sa amoy ng loobang mga kapatagan, na nag-iiba sa amoy ng maburol na mga lugar, na iba rin sa amoy ng mataas na mga bundok.

Ganyan ang kawalang-hangganan ng Tagapaglikha Na naglagay ng isang tanda ng liwanag, o kulay, o amoy, o tunog, o korte, o taas sa bawat walang-hangganang bilang ng mga bagay na Kanyang nilikha. O! walang-hangganang kagandahan ng Sansinukuban, nakikita ko lamang ikaw sa pamamagitan ng mga bisyon at alaala ng kung ano ang aking nakita, mapagmahal na Diyos at nananalangin sa Kanya sa pamamagitan ng Kanyang mga gawa at ang lugod na aking nararamdaman pinagmamasdan sila, gaano kalawak, kadakila, walang-pagkaubos at sariwa magpakailanman kayo. Hindi kayo kailanman napapagod at hindi pinapagod ang sinuman. Hindi, ang tao ay napapanibago pinagmamasdan kayo, o Sansinukuban ng aking Panginoon, siya ay nagiging mas maayos at mas dalisay, siya ay itinataas at siya’y nakakalimot… O! sana lagi ko kayong napagninilay-nilayan at makalimutan ang mas mababang bahagi ng mga tao, minamahal sila at para sa kanilang mga kaluluwa at dinadala sila sa Diyos! At kung gayon, sinusundan si Jesus, Na naglalakad kasama ang Kanyang mga apostol patawid sa kapatagang ito puno ng mga bunga, napalayo akong muli pinababayaan ang aking sarili na matangay ng lugod ng pagsasalita tungkol sa aking Diyos sa pamamagitan ng Kanyang magandang mga gawa. Iyan ay pag-ibig din sapagkat pinupuri ng isa kung ano ang minamahal niya sa isang tao o simple na pinupuri ang tao na kanyang minamahal. Ganyan din sa nilikha at Tagapaglikha. Ang sinuman na nagmamahal sa Kanya ay pinupuri Siya para sa Kanyang Sarili at para sa Kanyang mga gawa. Ngunit uutusan ko na ngayon ang aking puso na manahimik at susundan ko na si Jesus, hindi bilang isang tagapagsamba, bagkus isang matapat na tagapag-ulat.

Si Jesus ay naglalakad sa mga bukid. Ngayon ay isang mainit na araw. Ang lugar ay disyerto. Wala ni isang kaluluwa sa mga bukid. May mga hinog na tainga lamang ng trigo at ilan-ilan na mga punungkahoy dito at doon. Sikat ng araw, butil, mga ibon, mga butiki, berdeng lamuymoy ng mga damo, na nasa kalmanteng hangin pa rin, ay ang tanging mga bagay na makikita sa kapaligiran ni Jesus. Sa isang tabi ng pangunahing daan na nilalakaran ni Jesus – maalikabok na nakasisilaw na ribon sa pagitan ng mga bukid na umaalun-alon sa mga butil – ay may isang maliit na nayon, sa kabilang tabi ng isang sakahan. Wala nang iba pa.

Ang lahat ay naiinitan at nagpapatuloy sa katahimikan. Nahubad na nila ang kanilang mga manta at sa dahilan na nakasuot sila ng mga delanang tunika, kahit gaano pa kagaan ang mga ito, naiinitan pa rin sila. Tanging si Jesus lamang, ang Kanyang dalawang pinsan at ang Iskariote ang nakasuot ng linen o damit gawa sa kanyamo. Ang damit nina Jesus at Iskariote ay puting linen, samantalang ang sa mga anak ni Alfeo ay nagmumukhang mas makapal at mas mabigat kaysa linen at ito ay kinulayan din ng mas madilim na ivory, eksaktong katulad ng di-kinulayang kanyamo.

Ang iba ay suot ang kanilang pangkaraniwang mga kapa at pinupunas ang kanilang mga pawis sa pamamagitan ng linen na tela na nagtatakip sa kanilang mga ulo.

Narating nila ang isang palumpong ng mga punungkahoy at isang sangandaan. Tumigil sila sa magandang lilim at umiinom nang may katakawan sa kani-kanilang mga prasko.

«Ito ay kasing init na tila ito ay napunta sa apoy» bulong ni Pedro.

«Sana may isang maliit na agos ng tubig dito! Ngunit walang kahit ano rito!» buntung-hininga ni Bartolomeo.  «Mauubusan na ako bago magtagal.»

«Sa palagay ko sasabihin ko na mas mabuti pang maglakad sa mga bundok» ungol ni Santiago ni Zebedeo, na namumula sa init.

«Ang bangka ay ang pinakamaganda sa lahat. Ito ay malamig, maginhawa, malinis, ah!» ang puso ni Pedro ay lumilipad pabalik sa kanyang lawa at sa kanyang bangka.

«Tama ka. Ngunit may mga nagkakasala sa mga bundok pati rin sa mga kapatagan. Kung tayo ay hindi nila pinalayas sa Clear Water at  hindi inusig nang napakabigat, napunta sana Ako rito sa pagitan ng Tebeth at Shebat. Ngunit malapit na tayong makarating sa dalampasigan. Ang hangin doon ay napalalamig ng hangin ng dagat.» sabi ni Jesus pinagiginhawahan sila.

«Eh! Kailangan natin iyan! Katulad natin ang mga namamatay na pasak dito. Ngunit papaano ang mga butil naging napakaganda kung dito ay walang tubig?» tanong ni Pedro.

«May hamog na nasa ilalim ng lupa na nagpapanatili sa lupa nang medyo basa» paliwanag ni Jesus.

«Mas mabuti na sana kung iyan ay nasa ibabaw ng lupa kaysa sa ilalim. Ano ang aking gagawin diyan kung iyan ay nasa ilalim doon? Ako ay walang mga ugat!» sabi ni Pedro nang biglaan at lahat sila napatawa.

Si Judas Tadeo ay naging seryoso at nagsabi: «Ang lupa ay kasing makasarili katulad ng ilang mga kaluluwa, at iyan ay kasing tigang din. Kung tayo ay pinahintulutan nila na makatigil sa nayong iyon at pinalampas ang Sabbath doon, nagkaroon sana tayo ng lilim, tubig at pahinga. Ngunit pinalayas nila tayo…»

«At nagkaroon sana tayo pati pagkain. Ngayon ni iyan ay wala tayo. At ako ay nagugutom. Sana may ilan man lang mga prutas! Ang mga namumungang punungkahoy ay lahat malapit sa mga bahay. At sino ang pipitas nito? Kung ang mga tao rito ay nasa gana katulad ng mga nasa banda roon…» sabi ni Tomas, tinuturo ang nayon na kanilang iniwanan, patungong silangan.

«Kunin mo ang Akin bahagi ng pagkain, ako ay hindi masyadong nagugutom» sabi ng Zealot.

«Maaari mo rin kunin ang Akin» sabi ni Jesus. «Ang mga mas nagugutom, ay kailangang kumain.»

Ngunit nang ang mga bahagi nina Jesus, ng Zealot at ni Natanael ay pinagsama sama, ito ay mukhang napakakaunti, katulad na ito ang masasabi ng isa mula sa dismayadong tingin ni Tomas at ng mga mas nakababata. Ngunit nginangatngat nilang may katahimikan ang kanilang kakaunting mga bahagi.

Ang mapasyensiyang Zealot ay lumakad patungo sa isang lugar kung saan ang isang hilera ng berdeng mga tanim sa tigang na lupa ay nagpapahiwatig ng presensya ng hamog. Sa katunayan ay may pagpatak ng tubig, na malapit nang mawala bago magtagal. Sinigawan niya ang kanyang pinakamalapit na mga kasama na pumunta roon at magpalamig, at lahat sila nagpunta roon, at sinusundan ang panaka-nakang lilim ng isang hilera ng mga tanim sa pampang ng halos tuyo nang sapa, napalamigan nila ang kanilang maalikabok na mga paa, at nahilamusan ang kanilang pinagpapawisang mga mukha. Ngunit una sa lahat pinuno nila ang kanilang walang-laman na mga prasko at iniwan ang mga ito sa tubig, sa loob ng lilim, upang mapanatili ang mga ito na malamig. Naupo sila sa paanan ng isang punungkahoy at dahil mga pagod sila ay napaidlip.

Si Jesus ay tinitingnan sila nang may pagmamahal at pagkaawa at iniling ang Kanyang ulo. Ang Zealot, na nagpunta upang uminom muli, ay napuna ang Kanyang kilos at nagtanong sa Kanya: «Ano ang nangyayari, Guro?»

Si Jesus ay tumayo, pumunta sa Zealot at hinahawakan siya sa pamamagitan ng isang kamay pinasunod Niya siya patungo sa isa pang punungkahoy nagsasabing: «Ano ang nangyayari? Namimighati Ako tungkol sa inyong pagkapagod. Kung Ako ay hindi nakasisiguro sa Aking ginagawa sa inyo, hindi Ko kailanman mapatatahimik ang Aking isip habang nagagawan Ko kayo ng labis na problema.»

«Problema? Hindi, Guro! Ito ay lugod para sa amin. Ang lahat ay naglalaho sinusundan Kayo. Kaming lahat ay masaya, maniwala sa akin. Walang pagsisisi, walang…»

«Manahimik, Simon. Ang pagiging tao ay nagrereklamo rin sa loob ng mabubuting tao. At sa pantaong pananaw, hindi ka nagkakamali sa pagrereklamo. Inilayo Ko kayo sa inyong mga tahanan, sa inyong mga pamilya, sa inyong mga negosyo at kayo ay sumama iniisip na magiging ibang iba ang sumunod sa Akin… Ngunit ang inyong kasalukuyang pagrereklamo, ang inyong nasa-loob na pagprotesta ay kakalma isang araw, at mababatid ninyo pagdating niyan na iyon ay mabuti na dumaan sa ulap at putik, sa alikabok at maiinit na araw, inuusig, nauuhaw, walang pagkain, sinusundan ang inuusig, kinapopootan, sinisiraan na Guro… at mas malala pa. Ang lahat ay magiging tila maganda sa inyo pagdating niyan. Sapagkat ang inyong isip ay magiging iba, at makikita ninyo ang lahat sa ibang liwanag. At pagpapalain ninyo Ako sa pagdala sa inyo sa Aking mahirap na daan…»

«Kayo ay malungkot, Guro. At ang mundo ay ang dahilan ng Inyong kalungkutan, ngunit wala kaming bahagi nito. Kaming lahat ay masaya…»

«Lahat? Nakatitiyak ka?»

«Iba ba ang Inyong opinyon?»

«Oo, Simon, iba. Ikaw ay laging masaya. Naintindihan mo. Maraming iba pa ang hindi. Nakikita mo ba ang mga natutulog na iyon? Nalalaman mo ba kung ilan na mga kaisipan ang kanilang binabaligtad sa kanilang isip habang natutulog din? At ang lahat na iyon sa mga disipulo? Sa palagay mo ba sila ay magiging matapat hanggang sa ang lahat ay mangyari na? Tingnan: Laruin natin ang lumang larong ito na tiyak na nilaro mo nang ikaw ay maliit pa (at si Jesus ay pinitas ang isang bilog na ganap nang hinog na dandelion na tumutubo sa mga bato. Itinaas Niya itong dahan-dahan sa Kanyang bibig, umihip at ang dandelion ay naglaho sa pagiging maliliit na payong, na naglalagalag sa hangin na ang kanilang maliliit na lamuymoy nasa itaas ng munting mga hawakan). Kita mo? Tingnan… Ilan ang bumagsak sa lapi Ko na tila nagmamahal sa Akin? Bilangin mo… Sila ay dalawampu’t tatlo. Sila ay kasing dami man lamang ng tatlong beses. At ang iba? Tingnan. Ang ilan ay naglalagalag pa, ang ilan ay bumagsak dahil sa kanilang bigat, ang ilan, na ipinagmamalaki ang kanilang mala-platang balahibo, ay mapagyabang na tumataas pa nang pataas, ang ilan ay bumabagsak patungo sa putik na nagawa ng ating mga prasko. Tanging… Tingnan, tingnan… sa dalawampu’t tatlo na nasa Aking lapi, pito pa ang nawala. Ang putakteng lumilipad na iyon ay sapat nang mahipan sila!... Ano ang kanilang ikinatatakot? O ano ang nakapangrahuyo sa kanila? Natatakot ba sila ng panusok niyon? O sila ba ay narahuyo ng magandang itim at gintong kulay niyon, o ng mayuming hitsura, ng nagbabalangaw na mga pakpak niyon?... Sila ay nawala… Sinusundan ang nakapanlolokong kagandahan, Simon, ganyan din ang mangyayari sa Aking mga disipulo. Ang ilan ay aalis dahil sa kanilang kabalisahan, ang iba dahil sa kanilang pagkapabagu-bago, kanilang pagmamalaki, kanilang kapurulan, kanilang kahangalan, kanilang katakawan para sa marumi, ang ilan sa takot, ang ilan dahil sa kanilang kalokohan. Sa palagay mo ba na sa pinakamahirap na oras ng Aking misyon makakasama Ko ang lahat na ngayon nagsasabi sa Akin: “Sasama ako Sa Inyo”? Ang munting mga lamuymoy ng dandelion, na nilikha ng Aking Ama, ay mahigit pa sa pitumpu… at ngayon pito na lamang ang naiiwan sa Aking lapi, sapagkat ilan pa ang nailipad ng buga ng hanging ito na nagawa ang mas maninipis na matangay… Iyan ay magiging ganyan. At iniisip Ko kung gaano ka nagpakahirap upang maging tapat sa Akin… Halika, Simon. Tayo na at tingnan natin ang mga tutubi na nagsasayaw sa ibabaw ng tubig. Maliban kung ibig mong makapagpahinga.»

«Hindi, Guro. Ang Inyong mga salita ay napamighati ako. Ngunit umaasa ako na ang napagaling na ketongin, ang inusig na tao na Inyong napagpanibago, ang nag-iisa na Inyong pinagkalooban ng kasama, ang malungkuting tao na naghahanap ng pagmamahal kung kanino ibinukas Ninyo ang Langit at ang mundo, ay sana makatagpo at makapagbigay ng pagmamahal, umaasa ako na ang taong iyon ay hindi Kayo iiwanan… Guro… ano ang palagay Ninyo kay Judas? Nang nakaraang taon Kayo ay umiyak kasama ako dahil sa kanya. Pagkaraan… hindi ko alam… Guro, huwag na Ninyong intindihin ang dalawang tutubing iyon, tingnan Ninyo ako, makinig sa akin. Hindi ko sasabihin ito sa kaninuman. Hindi ko sasabihan ang aking mga kasama, aking mga kaibigan. Ngunit sasabihin ko sa Inyo. Hindi ako nagtagumpay sa pagmamahal kay Judas. Kailangan kong tanggapin ito. Tinatanggihan niya ang aking mithiin na mahalin siya. Hindi niya ako kinamumuhian, sa kabaligtaran napakamaginoo niya sa matandang Zealot na kanyang nababatid na mas magaling kaysa sa iba sa pagkilala sa ibang tao. Ngunit ganyan ang kanyang paraan ng pagkilos. Sa palagay ba Ninyo siya ay sinsiro? Sabihin Ninyo sa akin.»

Si Jesus tahimik nang mga ilang sandali na tila siya ay nararahuyo ng dalawang tutubi na nagpapahinga sa ibabaw ng tubig ay nakagagawa ng isang munting bahaghari sa pamamagitan ng kanilang nagbabalangaw na mga elytro, isang magandang bahaghari dahil nakakakuha ito ng pansin ng mausyusong lamok, na nilulon ng isa sa masisibang insekto, na, kaagad naman kinuha at kinain kasama ang lamok, ng isang palaka, na nakabantay. Si Jesus ay tumayo, dahil halos nakahiga na Siya upang makita ang maliit na mga trahedya ng kalikasan at nagsabi: «Iyan ay ganyan lang. Ang isang tutubi ay may malakas na mga panga upang manginain ng mga yerba at malalakas na pakpak upang makahuli ng mga niknik, at ang isang palaka ay may malaking bunganga upang malunok ang mga tutubi. Ang bawat isa ay may kanya-kanya at ginagamit ito. Tayo na, Simon. Ang iba ay nagigising na.»

«Ngunit hindi Kayo tumugon sa akin, Guro. Ayaw Ninyo.»

«Tumugon Ako! Aking matandang marunong na mamâ, magnilay at matatagpuan mo…» At si Jesus ay lumakad mula sa kanal patungo sa Kanyang mga disipulo na mga nagising na at naghahanap na sa Kanya.

200211

 



Sunod na kabanata