217. Si Jesus ay ang Panginoon din ng Sabbath.

Hulyo 13, 1945.

Kami ay nasa gayon pa ring lugar, ngunit ang lumulubog na araw ay mas natitiis na.

«Kailangan na umalis na tayo at marating ang bahay na iyon» sabi ni Jesus.

Sila ay umalis at narating ito. Sila ay humingi ng tinapay at pampalamig. Ngunit ang magbubukid ay pinalayas sila nang magaspang.

«Lahi ng mga Pilisteo! Mga ahas! Sila ay laging gayon din! Sila ay galing sa semilyang iyan at may nakalalasong mga bunga» bulong ng pagod at gutom na mga disipulo. «Gantihan sana kayo ng kung ano ang inyong binigay.»

«Bakit nagkukulang kayo ng karidad? Ang panahon ng batas ng pagganti ay tapos na. Magpatuloy sa paglalakad. Hindi pa gabi at hindi kayo namamatay sa gutom. Ialay ang maliit na sakripisyong ito upang ang mga kaluluwang ito ay sana maging gutom para sa Akin» sabi ni Jesus ginaganyak sila.

Ngunit ang mga disipulo ay pumunta sa isang bukid at nagsimulang mamitas ng mga tainga ng butil, kinukuskos ito sa kanilang mga palad at kinakain ito. Sa palagay ko mas ginagawa nila ito dala ng sama ng loob kaysa mapagbigyan ang kanilang pagkagutom.

«Masarap ang mga ito, Guro» sigaw ni Pedro. «Hindi ba Kayo kukuha ng kahit ilan? At may dobleng lasa ang mga ito… Ibig kong kainin ang buong bukid.»

«Tama ka! Kung gayon magsisisi sila sa hindi nila pagbigay sa atin ng kahit anong tinapay» sabi ng iba habang naglalakad sa mga tanim at kumakain nang may gana.

Si Jesus ay naglalakad na mag-isa sa maalikabok na daan. Ang Zealot at si Bartolomeo ay mga lima o anim na yarda sa likuran Niya, naguusap.

May isa pang sangandaan, kung saan ang sekundaryong daan ay tinatagpo ang pangunahing daan, at ang isang grupo ng mainit-ang-ulo na mga Pariseo ay nakatayo roon. Maaaring sila ay pabalik galing sa pagdiriwang ng Sabbath sa nayon na makikita sa dulo ng sekundaryong daan, isang malapad na patag na bayan, na nagmumukhang katulad ng isang dambuhalang hayop nakahiga sa loob ng kanyang kulungan.

Si Jesus ay nakikita ang mga Pariseo, tinitingnan sila at ngumingiti nang may kabaitan binati Niya sila: «Ang kapayapaan ay sumainyo .»

Sa halip na tumugon sa Kanyang pagbati, ang isa sa kanila ay nagtanong nang arogante: «Sino Ka?»

«Si Jesus ng Nazareth.»

«Kita n’yo, sinabi ko sa inyo na Siya iyon» sabi ng isa pa.

Pansamantala sina Natanael at Simon ay nakalapit na sa Guro, samantalang ang iba ay parating patungo sa daan, naglalakad sa tabi ng mga daang-araro. Ngumunguya pa sila at may ilang mga butil sa kanilang mga kamay.

Ang Pariseo na siyang nagsalitang una, baka dahil siya ang pinaka-importante, ay nagpapatuloy sa pagsasalita kay Jesus, Na tumigil naghihintay na marinig kung ano ang kanilang sasabihin: «Ah! Kung gayon Ikaw ang sikat na Jesus ng Nazareth? Bakit Ka pumunta ng napakalayo?»

«Sapagkat dito rin ay may mga kaluluwa na kailangang mailigtas.»

«Kami ay sapat nang ganap para diyan. Alam namin kung papaano mailigtas ang aming mga kaluluwa at ang mga kaluluwa ng aming nasasakupan.»

«Kung iyan ay ganyan, ginagawa ninyo ang tamang bagay. Ngunit Ako ay ipinadala upang mag-ebanghelyo at magligtas.»

«Pinadala! Pinadala! Sino ang makapagpapatunay niyan sa amin? Hindi ang Iyong mga gawa siyempre!»

«Bakit mo sinasabi iyan? Hindi ka ba interesado sa iyong Buhay?»

«Siyempre! Ikaw ang isa na nagbibigay kamatayan sa mga hindi sa iyo sumasamba. Kung gayon ibig Mong patayin ang buong grupo ng mga saserdote at mga Pariseo, at ang grupo ng mga eskriba at marami pa, sapagkat hindi nila Ikaw sinasamba at hindi Ka nila sasambahin kailanpaman. Hindi kailanman, naiintindihan Mo ba? Kami, ang mga pinili ng Israel, ay hindi kailanman sasamba sa iyo. Ni hindi Ka namin mamahalin.»

«Hindi Ko kayo pinipilit na mahalin Ako at sinasabi Ko sa inyo: “Sambahin ang Diyos” sapagkat…»

«Ibig sabihin, Ikaw, sapagkat Ikaw ay Diyos, hindi ba? Ngunit kami ay hindi ang nakayayamot na mga tao ng Galilee o ang mga hangal na tao ng Judah na sumusunod sa iyo kinalilimutan ang aming mga rabbi…»

«Huwag kang mabalisa, mamâ. Hindi Ako nanghihingi ng kahit anuman. Tinutupad Ko ang Aking misyon, nagtuturo Ako sa mga tao na mahalin ang Diyos at inuulit Ko ang Dekalogo sa kanila, sapagkat ito ay nakalimutan na, at ano ang pinakagrabe, ito ay masamang-masamang naisasabuhay. Ibig Kong magbigay ng Buhay. Eternal na Buhay. Hindi Ko minimithi ang pangkatawang kamatayan sa kaninuman at lalo na ang espirituwal na kamatayan. Ang Buhay na Aking tinatanong sa iyo kung ikaw ay interesado ay ang buhay ng iyong kaluluwa, sapagkat minamahal Ko ang iyong kaluluwa, kahit na kung ang iyong kaluluwa ay hindi Ako minamahal. At napamimighati Ako nito na makita na pinapatay mo ito sa pananakit sa Panginoon at panghahamak sa Kanyang Mesiyas.»

Ang Pariseo ay pinang-initan nang husto na tila siya ay nagkaroon ng kombulsiyon: ginulo niya ang kanyang mga kasuutan, pinupunit ang kanyang mga palawit, inalis ang kanyang saklob sa ulo, kinusot ang kanyang mga buhok at sumigaw: «Makinig! Makinig! Pakinggan ang sinasabi Niya sa akin, kay Jonathan ni Uziel, ang tuwirang inapu ni Simon ang Makatarungan. Na sinasaktan ko ang Panginoon! Hindi ko alam kung sino ang nagpipigil sa akin na isumpa Ka, ngunit…»

«Takot ang nagpipigil sa iyo. Ngunit maaari mo itong gawin. Hindi ka masusunog sa pagiging mga abo gayunpaman. Ngunit masusunog ka pagdating ng panahon, at pagkatapos pananawagan mo Ako. Ngunit sa pagitan natin dalawa, magkakaroon pagdating niyan ng isang mapulang agos: ng Aking Dugo.»

«O sige. Ngunit pansamantala, sa dahilan na sinasabi Mo na ikaw ay isang santo, bakit pinahihintulutan Mo ang ilang mga bagay? Sa dahilan na sinasabi Mo na Ikaw ay isang Guro, bakit hindi Mo tinuturuan ang Iyong mga apostol bago ang sino pa man? Tingnan Mo sila, sa likuran Mo!... Nasa kanilang mga kamay pa ang instrumento ng kanilang kasalanan! Nakikita Mo ba sila? Namulot sila ng mga butil at ngayon ay ang Sabbath. Namitas sila ng mga tainga ng butil, na hindi nila pag-aari. Nalabag nila ang Sabbath at sila ay nangnakaw.»

«Sila ay nagugutom. Sa nayon kung saan kami dumating kagabi, kami ay nanghingi ng tinapay at matutulugan. Pinalayas nila kami. Tanging isang matandang babae ang nagbigay sa amin ng kaunti ng kanyang tinapay at isang dakot na mga olibo. Harinawang bigyan siya ng Diyos ng sandaang ibayo, sapagkat binigay niya sa amin ang lahat na mayroon siya, at nanghingi lamang siya ng isang pagpapalalâ. Naglakad kami nang isang milya at pagkatapos kami ay tumigil, sinusunod ang batas, at ininom namin ang tubig ng isang agos.. Pagkatapos, sa paglubog ng araw, pumunta kami sa bahay na iyon… Tinanggihan nila kami.  Nakikita mo na payag kaming sundin ang Batas.»

«Ngunit hindi ninyo sinunod. Hindi legal na gumawa ng pagtatrabaho ng kamay sa Sabbath at hindi kailanman legal na kumuha ng pag-aari ng ibang tao. Ang aking mga kaibigan at ako ay naiskandalo.

«Ngunit Ako ay hindi. Hindi mo ba nabasa kung papaano ni David sa Nob kinuha ang konsagradong tinapay ng Proposisyon para sa kanyang sarili at sa kanyang mga kasama? Ang sagradong tinapay ay pag-aari ng Diyos, sa loob ng Kanyang bahay, at sa pamamagitan ng perpetwong utos ay kailangan na maitago para sa mga pari. Ito ay nakasulat: “Magiging pag-aari ang mga ito ni Aaron at kanyang mga anak, na kakainin ito sa loob ng isang banal na lugar, sapagkat ang  mga iyon ay ang pinakabanal na mga bagay”. Subalit sa kabila nito kinuha ni David ang mga ito para sa kanyang sarili at sa kanyang mga kasama, sapagkat siya ay nagugutom. Kung gayon, kung ang banal na hari ay pinasok ang bahay ng Diyos at kinain ang tinapay ng Proposisyon sa isang araw ng Sabbath, bagama't hindi legal para sa kanya na kainin iyon, ngunit sa kabila nito iyon ay hindi sa kanya ibinintang bilang isang kasalanan, sapagkat pagkatapos din ng pangyayaring iyon ang Diyos ay patuloy siyang minahal, papaano mo masasabi na kami ay nagkasala kung namulot kami mula sa lupa ng Diyos ng mga tainga ng butil na tumubo at nahinog sa pamamagitan ng Kanyang kalooban, ang mga tainga na pag-aari din ng mga ibon, at iyong itinatangi na ang mga tao, at iyong tinatanggi na ang mga tao, ang mga anak ng Ama, ay maaari itong kainin?»

«Hiningi nila David ang mga tinapay na iyon, hindi nila iyon kinuha na hindi nanghihingi. At iyan ang kaibahan. Magkagayunpaman hindi totoo na ang Diyos ay hindi ibinintang ang kasalanang iyon kay David. Siya ay hinampas nang grabe ng Diyos!»

«Hindi dahil diyan. Iyon ay dahil sa kanyang kahalayan, sa senso, hindi dahil…»

«O! Tama na iyan. Hindi iyan legal, at iyan lang. Wala kayong karapatan na gawin iyan at hindi ninyo gagawin iyan. Lumayas kayo. Hindi namin kayo kailangan sa aming lupa. Hindi namin kayo kailangan. Hindi namin alam kung ano ang gagawin sa inyo.»

«Kami ay aalis.»

«At magpakailanman, tandaan iyan. Gawing hindi na muli kayo matagpuan sa presensya ni Jonathan ni Uziel. Layas!»

«Oo, kami ay lalayas. Ngunit magkikita pa ulit tayo. At pagkatapos iyan ay si Jonathan na magkakagustong makita Ako upang ulitin ang kanyang hatol,  at mawala Ako sa mundo magpakailanman. Ngunit pagdating niyan ito ay ang Langit na magsasabi sa iyo:  “Hindi legal para sa iyo na gawin iyan”, at ang “hindi legal” na iyan ay uugong sa iyong puso katulad ng tunog ng isang trumpeta sa buong buhay mo at sa kabila pa. Katulad na sa mga araw ng Sabbath ang mga pari ng Templo ay nalalabag ang kapahingahan ng Sabbath ngunit hindi nakagagawa ng kasalanan, kung gayon kami, mga lingkod ng Panginoon, ay makakukuha ng pagmamahal at tulong mula sa Kataastaasang Ama, na hindi nang ganyan nakagagawa ng kasalanan, sa dahilan na kami ay pinagkaitan ng pagmamahal ng tao. Mayroong Isa rito Na magpahanggang ngayon ay mas dakila pa kaysa sa Templo at makakakuha ang kahit na ano ang gustuhin Niya na naririyan sa sangnilikha, sapagkat ginawa ng Diyos ang lahat bilang tuntungan para sa Salita. At Ako ay kumukuha at nagbibigay. At iyan ay ganyan din kapwa sa mga tainga ng butil ng Ama, inilatag sa napakalaking mesa ng Lupa, at sa Salita. Ako ay kumukuha at nagbibigay. Kapwa sa mabuti at sa masama. Sapagkat Ako ay Awa. Ngunit hindi mo nalalaman kung ano ang Awa. Kung nalalaman mo kung ano ang ibig sabihin ng pagiging Awa, malalaman mo din na wala Akong ibang gusto bagkus awa. Kung nalalaman mo kung ano ang ibig sabihin ng Awa, hindi mo sana isinumpa ang mga inosenteng tao. Ngunit hindi mo nalalaman. Hindi mo nalalaman na hindi Kita sinusumpa, hindi mo nalalaman na patatawarin Kita, hindi, hihingin Ko sa Ama na patawarin ka. Sapagkat gusto Ko ang Awa at hindi kaparusahan. Ngunit hindi mo nalalaman. Ayaw mong makaalam. At iyan ay ang mas malaking pagkakasala kaysa sa isang ibinibintang mo sa Akin, mas malaki iyan kaysa sa pagkakasala na sinasabi mo na nagawa ng mga inosenteng taong ito. Kailangan mong malaman na ang Sabbath ay ginawa para sa tao at hindi ang tao para sa Sabbath at na ang Anak ng tao ay panginoon din ng Sabbath. Paalam…»

Binalingan Niya ang Kanyang mga disipulo: «Halikayo. Tayo na at maghanap ng isang lugar na mahihigaan sa mga buhangin na malapit na rito. Ang mga bituin ay sasamahan tayo at ang hamog ay pasasariwain tayo. Ang Diyos, Na nagpadala ng manna sa Israel, ay maglalaan din ng pagkain para sa atin, Kanyang matatapat na lingkod.» At si Jesus ay iniiwan ang masamaing-loob na grupo at umalis kasama ang Kanyang mga, habang ang gabi ay dumarating kasama ang unang mga biyoletang mga anino…

Nakakita sila sa wakas ng isang palupo ng igos Indian, na sa tuktok na mga kadahunan, nangangalisag na may mga tinik, ay ilang prutas, na nagsisimula nang mahinog. Kahit na ano ay mabuti kapag ang isa ay gutom. At natutusok ang kanilang mga sarili, pumipitas sila ng pinakahinog sa lahat at nagpapatuloy nang ganyan, hanggang sa ang mga bukid ay naging mabuhanging mga bunton. Ang ingay ng dagat ay maririnig mula sa malayo.

«Tayo’y magpahinga rito. Ang buhangin ay malambot at mainit. Bukas tayo ay pupunta sa Ashkelon» sabi ni Jesus at mga pagod katulad nila, lahat sila humiga sa paanan ng isang mataas na bunton ng buhangin.

200211

 



Sunod na kabanata