218. Pagdating sa Ashkelon.

Hulyo 14, 1945.

Ang sariwang hininga ng bukanliwayway ay ginigising ang natutulog na mga apostol. Sila ay bumangon mula sa kanilang buhangin na higaan, kung saan sila natulog malapit sa isang bunton ng buhangin kinalatan ng maliliit na lamuymoy ng tuyong mga damo, at umakyat sila sa tuktok. Isang malapad na baybayin ang lumitaw sa harapan nila, samantalang sa mas malayu-layo nang kaunti pa ay may magagandang maayos na binukid na mga lupa. Ang mapuputing bato ng isang tuyong ilog ay kitang-kita sa ginintuang buhangin at ang kaputian nito – kaputian ng tuyong mga buto – ay umaabot hanggang sa dagat, na ang ibabaw ay kumikislap sa malayo, nakukusot ng mga alon sa umaga at ng isang magaang hanging-hilaga. Naglalakad sila sa gilid ng bunton ng buhangin hanggang sa layo ng tuyong ilog, na kanilang tinatawid, at nagpatuloy sila tinatawid ang mga bunton ng buhangin, na gumuguho sa ilalim ng kanilang mga paa at labis na umaalun-alon na tila ang mga ito ay solidong karugtong ng dagat.

Narating nila ang baybayin, kung saan makapaglalakad sila nang mas mabilis, at habang si Juan ay nahihipnotismo ng walang-hangganang karagatan na nagsisimula nang magningning sa ilalim ng tumataas na araw, at siya tila umiinom sa kagandahan nito habang ang kanyang mga mata ay pa-asul nang pa-asul ang kulay, si Pedro na mas praktikal, inalis ang kanyang mga sandalyas, hinubad ang kanyang tunika at nagtampisaw sa mababaw na tubig naghahanap ng mga talangka o susô na masisipsip. Ang isang magandang bayan sa may dagat ay mga dalawang milya ang layo, nakalatag sa tabi ng baybayin sa itaas ng pakurbadang hárang na punó ng mga bato, sa kabila nito kung saan ay may mga buhangin na naitambak ng mga bagyo at ng iba’t ibang hangin. At ang mga bato ng harang, ngayon na ang tubig ay mababa, ay lumalabas din dito, napipilitan kung gayon ang mga apostol na maglakad sa tuyong buhangin upang hindi masugatan ng matatalas na bato ang kanilang mga paang walang saplot.

«Nasaan ang pasukan sa bayan, aking Panginoon? Nakakakita lamang ako ng isang solidong pader mula rito. Hindi posibleng pumasok sa pamamagitan ng dagat. Ang bayan ay nasa pinakapasók na lugar ng golpo» sabi ni Felipe.

«Halikayo. Alam Ko kung nasaan ang pasukan.»

«Napapunta na ba Kayo rito?»

«Minsan, nang Ako ay bata pa, ngunit hindi Ko na maalaala. Ngunit alam Ko kung saan pupunta.»

«Gaano kakaiba! Napuna ko ito nang makailang beses na… Hindi Ninyo kailanman kinuha ang maling daan. Kung minsan nagagawa namin Kayong magkamali. Iisipin ng isa na Kayo ay nakarating na sa mga lugar na pinupuntahan natin» wika ni Santiago ni Zebedeo.

Si Jesus ay ngumingiti ngunit hindi tumugon. Naglalakad Siya na may kompiyansa hanggang sa layo ng isang maliit na rural na arabal kung saan ang mga hardinero ng mga pampalengkeng tanim ay nag-aalaga ng mga gulayin para sa bayan. Ang mga bukid at mga tanim ay maayos at mabuting inaalagaan at mga kalalakihan at kababaihan ang gumagawa nito, nagbubuhos ng tubig sa mga daang-araro, pagkatapos na maigib ito nang napakahirap sa pamamagitan ng kamay mula sa mga bubon, o sa pamamagitan ng lumang maingay na paraan sa pamamagitan ng mga baldeng hinihilang pataas ng isang kaawa-awang  asno na may takip ang mga mata naglalakad nang paikot sa bubon. Ngunit hindi sila nagsasalita ng kahit ano. Si Jesus ay binati sila. «Kapayapaan sa inyo.» Ngunit kung sila ay hindi marahas, sila ay tiyak na walang pakialam.

«Aking Panginoon, namimilegro tayo na mamatay sa gutom dito. Hindi nila naiintindihan ang Inyong pagbati. Susubukan ko na ngayon» sabi ni Tomas. At siya ay nagsimula ng pakikipagusap sa pinaka-unang hardinero na kanyang nakita: «Mahal ba ang inyong mga gulayin?»

«Hindi mas mahal kaysa sa produkto ng ibang mga hardinero. Mahal o hindi mahal, ayon sa kung gaano kakapal ang isang lukbutan.»

«Maayos na pagkasabi. Ngunit, ayon sa nakikita mo, hindi ako namamatay sa gutom. Ako ay mataba at malarosas din kahit wala ang iyong mga gulayin. Na ang ibig sabihin ang aking lukbutan ay maraming naipon. Makinig: Kami ay labintatlo at kami ay may pera na gagastahin. Ano ang maipagbibili mo sa amin?»

«Itlog, gulay, maagang almendras, mga mansanas na lumuyloy sa tagal, mga olibo… Anuman ang gusto ninyo.»

«Bigyan mo ako ng ilang itlog, mansanas at tinapay para sa lahat.»

«Wala akong tinapay. Makukuha ninyo iyan sa bayan.»

«Ako ay gutom na ngayon, hindi sa loob ng isang oras. Ako ay hindi naniniwala na ikaw ay walang tinapay.»

«Wala ako kahit ano. Ang mga kababaihan ay ginagawa ito. Nakikita mo ba ang matandang lalaking iyon doon? Siya ay laging marami, sapagkat mas malapit siya sa kalsada, ang mga peregrino ay madalas naghahanap nito. Pumunta ka kay Ananiah at tanungin siya. Dadalhin ko na ngayon ang mga itlog. Ngunit, tandaan mo, isang sentimos ang isang pares.»

«Anong magnanakaw ka! Ang mga manok mo kaya ay nangingitlog ng ginto?»

«Hindi. Ngunit hindi maganda ang mapunta sa gitna ng dumi ng manukan, at hindi iyan ginagawa ng isa para sa wala. Magkagayunpaman, kayo ay mga Hudyo, hindi ba? Kung gayon magbayad!»

«sa iyo na lang ang mga itlog mo. At iyan kung ano ikaw bayad na!» at si Tomas ay tumalikod sa kanya .

«Eh! Mamâ! Halika. Ibibigay ko ang mga itlog sa mas mababa. Tatlo sa isang sentimos.»

«Hindi kahit na apat. Makakain mo sila mismo at sana mabulunan ka nila.»

«Halika. Makinig. Magkano ang handa kang ibayad sa akin?» Ang hardinero ay hinahabol si Tomas.

«Wala. Ayaw ko na sila. Ibig kong magkaroon ng meryenda bago pumunta sa bayan. Ngunit mas mabuti na ito. Hindi ko mawawala ang aking boses o ang aking gana bago awitin ang mga kuwento ng hari at magkakaroon ako ng magandang pagkain sa otel.»

«Ibibigay ko sa iyo sila para sa isang didrachma isang pares.»

«Ugh! Mas malala ka pa kaysa sa isang niknik. Ibigay mo sa akin ang mga itlog, At tiyakin na sila ay mga bagong itlog. Kung hindi isasauli ko sila at gagawin ko ang iyong nguso na maging mas madilaw pa kaysa ngayon.» At si Tomas ay umalis na may dalawang dosenang itlog sa tiklop ng kanyang manta. «Kita ninyo? Mula ngayon ako ang mamimili sa lupain ng mga magnanakaw na ito. Alam ko kung papaano makipagusap sa kanila. Sila ay mahina tungkol sa pera kapag sila ay namimili ng ating kalakal para sa kanilang mga babae at ang ating mga pulseras ay hindi kailanman sapat na mabigat at sila ay nakikipagtawaran sa loob ng maraming araw. Ipaghihiganti ko ang aking sarili. Ngayon tayo na at tingnan ang iba pang di-magandang trabahong iyon. Halika, Pedro. Ito, Juan, kunin ang mga itlog.»

Pinuntahan nila ang matandang lalaki na ang kanyang pampalengkeng hardin ay malapit sa pangunahing daan, na mula sa hilaga ay patungong bayan tumatakbong malapit sa mga kabahayan ng arabal. Ito ay isang magandang maayos na sinementong daan, tiyak na gawang Romano. Ang silangang geyt ng bayan ay malapit na malapit na ngayon at sa kabila nito makikita na ang daan ay nagpapatuloy nang tuwid at nagiging tunay na maarte, na may malilim na beranda sa tigkabilang tabi, suportado ng mga haliging marmol, sa loob ng malamig na lilim nito ang mga tao ay naglalakad pinababayaan ang gitna ng daan sa mga asno, mga kamelyo, mga aso at mga kabayo.

«Pagbati! Mapagbibilhan mo ba kami ng ilang tinapay?» tanong ni Tomas.

Ang matandang lalaki ay hindi makarinig o ayaw makinig. Sa katunayan ang paglangitngit ng umiikot na gulong sa igiban ng tubig ay gayon na ito ay nakagagawa ng kalituhan.

Si Pedro ay nawalan ng pagpipigil at sumigaw: «Patigilin mo ang iyong Samson! Ito man lang ay makapagpapahinga nang kaunti at hindi mamamatay sa harapan ko. At makinig sa amin!»

Ang mamâ ay pinatigil ang asno at sinulyapan nang patagilid ang nagsasalita sa kanya, ngunit si Pedro ay dinis-armahan siya nagsasabing: «Eh! Hindi ba tama na ibigay ang pangalang Samson sa isang asno? Kung ikaw ay isang Pilisteo, kailangan na gustuhin mo iyan sapagkat iyan ay isang insulto kay Samson. Kung sa halip ikaw ay nanggaling sa Israel, kailangan na gustuhin mo iyan sapagkat nagpapaalaala iyan sa iyo tungkol sa pagkatalo ng mga Pilisteo. Kung kaya’t makikita mo…»

«Ako ay isang Pilisteo at ipinagmamalaki ko ito.»

«Tama ka. Maipagmamalaki kita kung bibigyan mo kami ng ilang tinapay.»

«Ngunit hindi ba’t ikaw ay isang Judaean?»

«Ako ay isang Kristiyano.»

«Anong lugar iyan?»

«Iyan ay hindi isang lugar. Iyan ay isang tao. Ako ay pag-aari ng taong iyan.»

«Ikaw ba ay Kanyang alipin?»

«Ako ay mas malaya kaysa sa sino pa mang tao sapagkat sinuman ang napapapunta sa taong iyon ay hindi sumasandal kaninuman, maliban sa Diyos.»

«Ikaw ba ay nagsasalita ng katotohanan? Ni hindi kahit sa Caesar?»

«Phew! Ano ang Caesar kompara sa Kanya Na aking sinusundan, at kung Kanino ako ay napapailalim, at sa kung Kaninong pangalan ako ay humihingi ng ilang tinapay?»

«Ngunit nasaan ang makapangyarihang tao na iyan?»

«Ang lalaki sa banda roon, ang isang nakatingin dito at ngumingiti. Siya ay ang Kristo, ang Mesiyas. Ikaw ba ay hindi kahit kailan nakapakinig tungkol sa Kanya?»

«Oo, ang hari ng Israel. Matatalo ba Niya ang Roma?»

«Ang Roma? Ang buong mundo, pati Impiyerno.»

«At kayo ang Kanyang mga heneral? Nakadamit nang ganyan? Baka upang maiwasan ang pang-uusig ng masasamang Hudyo.»

«Bueno… iyan nga, at hindi iyan. Ngunit bigyan mo ako ng ilang tinapay at habang kumakain ipaliliwanag ko ang sitwasyon sa iyo.»

«Tinapay? Ngunit bibigyan din kita ng tubig, at alak, at mga upuan sa lilim, para sa iyo at para sa mga kasama mo at para sa iyon Mesiyas. Tawagin Siya.»

At si Pedro ay nagmadali patungo kay Jesus. «Halikayo, halikayo. Ibibigay niya sa atin ang gusto natin… ang matandang Pilisteo na iyon. Ngunit sa palagay ko tatambakan Kayo niya ng mga tanong… Sinabi ko sa kanyang kung sino Kayo… humigit-kumulang sinabi ko sa kanya… Ngunit maganda ang dating niya.»

Lahat sila ay pumunta sa pampalengkeng hardin kung saan ang mamâ ay nakapaghanda ng mga upuan sa palibot ng isang magaspang na mesa sa ilalim ng isang makapal na balag ng baging.

«Kapayapaan sa iyo, Ananiah. Harinawang ang iyong lupa ay maging mataba dahil sa iyong karidad at harinawang magbigay ito sa iyo ng mayamang bunga.»

«Salamat sa Inyo. Kapayapaan sa Inyo. Maupo. Anibe! Nubi! Magdala ng tinapay, alak at tubig kaagad» Ang matanda ay inuutusan ang dalawang babae na tiyak na mga Aprikano, sapagkat ang isa ay ganap na maitim na may makapal na labì at kulot na buhok at ang isa ay maitim na maitim ngunit mas tipong European. Ang matanda ay nagpapaliwanag: «Sila ay mga anak ng mga alipin ng aking asawa. Siya ay patay na at ang mga alipin na sumama sa kanya ay patay na rin. Ngunit ang mga anak ay naririto. Sila ay nanggaling mula sa Mataas at Mababang Nilo. Ang aking asawa ay doon nanggaling. Iyan ay ipinagbabawal, eh? Ngunit wala akong pakialam. Ako ay hindi isang Israelita at ang mga babae ng mas mababang lahi ay mababa ang loob.»

«Hindi ka ba mula sa Israel?»

«Mula ako sa Israel nang puwersahan, sapagkat ang Israel ay sinisiil kami katulad ng isang pamatok. Ngunit… Kayo ay isang Israelita at Kayo ay makararamdam ng ininsulto ng kung ano ang aking sinabi…»

«Hindi. Hindi Ako nasasaktan. Ibig Ko lamang sa iyo na makinig sa tinig ng Diyos.»

«Iyan ay hindi nagsasalita sa amin.»

«Iyan ang iyong sinasabi. Ako ay nagsasalita sa iyo, at iyan ang Kanyang tinig.»

«Ngunit Kayo ang Hari ng Israel.»

Ang mga babae na parating dala ang tinapay, tubig at alak nang mapakinggan nila «hari» na binabanggit, ay tumigil napatigagal tinitingnan ang ngumingiting marangal na bata-pang lalaki, na, tinatawag ng kanilang panginoon «hari», at sila ay papaalis na, halos gumagapang sa paggalang.

«Salamat sa inyo, mga babae. Kapayapaan din sa inyo.» Pagkatapos, kinakausap ang matanda: «Sila ay mga bata pa… Makapagpapatuloy na kayo sa inyong gawain.»

«Hindi. Ang lupa ay basa at makapaghihintay. Magsalita Kayo sa amin nang kaunti. Anibe, kalagan ang asno at dalhin iyan sa establero. At ikaw, Nubi, ibuhos mo ang huling mga balde ng tubig at pagkatapos… Kayo ba ay titigil dito, Panginoon?»

«Huwag ka nang masyado pang mag-abala. Ibig Ko lamang kumain ng ilang pagkain at pagkatapos pupunta Ako sa Ashkelon.»

«Wala iyang problema. Pumunta Kayo sa bayan, ngunit bumalik dito sa gabi. Pagsasaluhan natin ang aming tinapay at asin. Kayong dalawa, bilisan ninyo. Asikasuhin ang tinapay, ikaw, tawagin si Jetheo, sabihin mo sa kanya na magpatay ng batang kambing at ihanda iyan para sa gabing ito. Lakad.» At ang dalawang babae ay umalis na hindi nagsasalita.

«Kung gayon Kayo ay isang hari. Ngunit ang Inyong sandatahang lakas? Si Herodes ay malupit sa bawat posibleng pamamaraan. Itinayo niyang muli ang Ashkelon. Ngunit para sa kanyang sariling kaluwalhatian. At ngayon!... Ngunit nalalaman Ninyo ang kahiya-hiyang mga bagay ng Israel nang mas mabuti pa kaysa sa akin… Ano ang gagawin Ninyo?»

«Mayroon lamang Ako bagkus ng sandata na nanggagaling sa Diyos.»  

«Ang espada ni David?»

«Ang espada ng Aking salita.»

«O! May ilan kang inaasahan! Iyan ay pupurol laban sa tansong mga puso.»

«Sa palagay mo? Hindi Ko tinatangka ang isang kaharian sa mundong ito. Ang tinatangka Ko ay ang Kaharian ng Langit alang-alang sa inyong lahat.»

«Sa aming lahat? Ako, rin, isang Pilisteo? At sa aking mga alipin?»

«Para sa lahat. Ikaw at sila. At para sa pinaka-di-sibilisadong tao sa gitna ng mga kakahuyan ng Aprika.»

«Ibig Ninyong magtayo ng ganyang kalawak na kaharian? Bakit tinatawag Ninyo iyan na mula sa Langit?  Kailangan na tawagin ninyo ito: Kaharian ng Lupa.»

«Hindi, huwag mo Akong mapagkamalan. Ang Aking kaharian ay ang Kaharian ng Totoong Diyos. Ang Diyos ay nasa Langit. Kung gayon iyan ay ang Kaharian ng Langit. Ang bawat tao ay isang kaluluwa nararamtan ng isang katawan at ang isang kaluluwa ay makapamumuhay lamang bagkus sa Langit. Ibig Kong gamutin ang inyong mga kaluluwa, alisin ang kanilang mga pagkakamali at poot at pasundin sila patungo sa Diyos sa pamamagitan ng kabutihan at pagmamahal.»

«Gustung-gusto ko iyan. Ako ay hindi pumupunta sa Herusalem, ngunit nalalaman ko na wala sa Israel ang nakapagsalita ng ganyan napakatagal na. Kung gayon hindi Ninyo kami kinapopootan?»

«Wala Akong kinapopootang sinuman.»

Ang matanda ay nag-iisip… pagkatapos nagtanong: «At ang dalawa bang alipin ay may kaluluwa na katulad ng mayroon ang sambayanan ng Israel?»

«Siyempre mayroon sila. Sila ay hindi mga bihag na mabangis na hayop. Sila ay di-masasayang nilikha. Karapat-dapat sila ng pagmamahal. Minamahal mo ba sila?»

«Hindi ko sila minamaltrato. Ibig ko sila na sumunod, ngunit hindi ako kailanman gumamit ng latigo at pinakakain ko sila nang mabuti. Sinasabi nila na ang di-pinapakain nang mabuti na hayop ay hindi magtatrabaho. Ngunit ang di-pinapakain nang mabuti na tao ay masamang negosyo din. At sila ay ipinanganak sa bahay. Nakita ko sila nang sila ay mga sanggol. Sila lamang ang tanging mga maiiwanan. Sapagkat ako ay matandang-matanda na, alam N’yo? Halos walumpu. Sila at si Jetheo ay ang natitira sa aking lumang sambahayan. Gustung-gusto ko sila katulad na gusto ko ang aking ari-arian. Sila ang magsasara ng aking mga mata…»

«At pagkatapos?»

«At pagkatapos… Sino ang naka-aalam? Hindi ko alam. Sila ay aalis at magtatrabaho bilang mga katulong at ang bahay ay mawawasak. Nalulungkot ako. Ginawa ko itong maunlad sa aking pagtatrabaho. Ang lupang ito ay matatakpan ng buhangin muli at magiging baog… Ang ubasan na ito… Ang aking asawa at ako ang nagtanim nito. At ang taniman ng mga rosas na iyan… Iyan ay Ehipsiyong mga rosas, Panginoon. Naaamoy ko ang pabango ng aking asawa diyan… Iyan ay tila aking anak… ang aking tanging anak na lalaki ay nakalibing sa ilalim niyan at ngayon alikabok na… Mga kapighatian… Mas mabuting mamatay na bata pa at hindi makita ang lahat na iyan at ang kamatayan na lumalapit…»

«Ang iyong anak ay hindi patay, ni ang iyong asawa, ang kanilang kaluluwa ay nabubuhay. Ang kanilang laman ay patay. Ang kamatayan ay hindi kailangan na matakot ka nito. Ang kamatayan ay búhay para sa mga umaasa sa Panginoon at namumuhay nang matuwid. Mag-isip tungkol diyan… Ako ay pupunta sa bayan. Ako ay babalik sa gabing ito at hihingin Ko sa iyo na pahintulutan mo Ako na makatulog sa ilalim ng berandang iyon kasama ang Aking mga disipulo.»

«Hindi, aking Panginoon. Marami akong walang-laman na mga silid. Inaalok ko iyan sa Inyo.» Si Judas ay naglagay ng ilang sentimos sa ibabaw ng mesa.

«Hindi. Ayaw ko niyan. Iyan ay galing sa bayang ito na mapagpoot sa inyo. Ngunit baka mas mabuti iyan kaysa sa mga naghahari sa amin. Paalam, aking Panginoon.»

«Kapayapaan sa iyo, Ananiah.»

Ang dalawang alipin kasama si Jetheo, isang maskuladong may-edad na magbubukid, ay dumating upang tingnan ang Kanyang pag-alis. «Kapayapaan din sa iyo. Maging mabuti. Paalam» at si Jesus ay hinipo nang magaan ang kulot na buhok ni Nubi at ang maningning na tuwid na buhok ni Anibe, nginitian ang lalaki at umalis.

Pagkaraan nang kaunti pinasok nila ang Ashkelon sa pamamagitan ng daan ng dobleng beranda, na patungong tuwiran sa sentro ng bayan. Ang bayan ay isang paggaya sa Roma, may mga pontanya at mga lunas, mga liwasan sa istilo ng “Forum”, mga tore sa tabi ng pader at ang pangalan ni Herodes kahit saang lugar, na halatang inilagay niya upang papurihan ang kanyang sarili sa dahilan na ang populasyon ng Ashkelon ay hindi siya pinapalakpakan. Ang bayan ay abala at naging mas abala pa habang ang oras ay dumaraan at ang isa ay lumalapit sa sentro, na maluwag at maaliwalas, na ang dagat bilang maningning na kaligiran katulad ng isang turkesa na nakapaloob sa isang rosal na mga dilang kurales ng mga bahay nakakalat sa malalim na arko ng baybayin. Sa halip na isang golpo ito ay tunay ngang isang totoong arko, isang bahagi ng isang pabilog ginawang napakamalabnaw na rosal sa pamamagitan ng sikat ng araw.

«Maghiwalay tayo sa apat na grupo. Lalakad Ako, hindi, palalakarin Ko kayo. Pagkatapos gagawin Ko ang pagpili Ko. Lakad. Pagkaraan ng ikasiyam na oras magkikita tayo sa geyt kung saan tayo pumasok. Maging marunong at mapasyensiya.»

At si Jesus ay tinitingnan sila lumalayo at nananatiling nag-iisa kasama si Judas Iskariote na nagsabi na wala siyang ibibigay sa mga tao rito sapagkat sila ay mas malala pa kaysa sa mga hentil. Ngunit nang mapakinggan niya na si Jesus ay gustong mamasyal nang tahimik, nagbago ang kanyang isip at nagsabi: «Wala bang anuman sa Inyo na mag-isa? Lalakad akong kasama sina Mateo, Santiago at Andres sa dahilan na sila ang pinaka-walang kakayahang mga disipulo…»

«Makakalakad ka. Paalam.»

At si Jesus nag-iisa, ay namasyal nang malayo at malawak sa bayan, nagmimistulang walang halaga sa gitna ng abalang mga tao na hindi nagbibigay pansin sa Kanya. Tanging dalawa o tatlong mga bata lamang ang tumingin sa Kanya nang may pag-uusyuso at ang isang babaeng nakadamit nang nakapanunukso ang lumalapit sa Kanya nang disidido ngumingiting nanrarahuyo. Ngunit si Jesus ay tiningnan siya nang napakahigpit upang siya ay namula, ibinaba ang mga mata at lumayo. Sa kanto siya ay lumingon muli, at sa dahilan na ang isang lalaki na nakakita sa eksena ay tinutuya siya nang husto, tumatawa sa kanyang pagkatalo, ibinalot niya ang kanyang sarili sa kanyang manta at tumakbong paalis.

Ang mga bata, sa halip, ay naglalakad paikot kay Jesus, tumitingin sa Kanya at ngumingiti bilang tugon sa Kanyang mga ngiti. Ang isa na mas malakas ang loob kaysa sa iba ay nagtanong: «Sino Ka?»

«Si Jesus» tumugon Siya hinahaplos siya.

«Ano ang Iyong ginagawa?»

«Ako ay naghihintay para sa ilang mga kaibigan.»

«Mula sa Ashkelon?»

«Hindi, mula sa Aking bayan at mula sa Judea.»

«Ikaw ba ay mayaman? Ako mayaman. Ang aking ama ay may magandang bahay at gumagawa siya ng mga alpombra roon. Halika at tingnan. Hindi ito malayo.»

At si Jesus ay sumama sa bata at pinasok nila ang mahabang daan na may arko, na isang uri ng may takip na daanan. Sa kabilang dulo nasulyapan nila ang dagat, na napakaningning sa sikat ng araw at nagmumukhang mas buháy sa malabong liwanag ng daang may arko.

Nakasalubong sila ng isang hapong maliit na batang babae na umiiyak. «Iyan ay si Dinah. Siya ay mahirap, alam Mo? Ang aking ina ay binibigyan siya ng pagkain. Ang kanyang ina ay hindi nakapagtatrabaho. Ang kanyang ama ay namatay, sa dagat. Sa loob ng isang bagyo habang patungo mula Gaza sa daungan ng Great River upang dalhin ang mga kalakal pag-aari ng aking ama at ang ama ni Dinah ay isa sa aming mga mandaragat, ang aking ina ang nag-aasikaso sa kanila ngayon. Ngunit napakarami ang naiwang walang ama na ganyan… Ano ang sinasabi Mo? Maaaring nakapangingilabot ang maging mga ulila at mahirap. Naririto ang aking bahay. Huwag Mong sabihin sa aking ina na ako ay nasa kalsada. Dapat nasa paaralan ako. Ngunit ako ay pinalayas sapagkat ginagawa ko ang aking mga kasamahan na tumawa sa pamamagitan nito…» at kanyang inilabas mula sa kanyang bulsa ang isang papet na inukit sa kahoy, nakapatong sa isang manipis na tabla, na tunay ngang katawa-tawa, gawa ng mukhang tsinelas na baba at ng napaka-kakatwang ilong.

Ang mga labì ni Jesus ay nanginginig na tila Siya ay nasa punto na ngumiti, ngunit pinigilan Niya ang Kanyang Sarili at nagsabi: «Hindi iyan ang iyong tagapagturo, hindi ba? O isang kamag-anak? Hindi iyan tama.»

«Hindi. Ito ay ang pangulo ng sinagoga ng mga Hudyo. Siya ay matanda na at pangit at lagi namin siyang pinagtatawanan.»

«Iyan ay hindi rin tama. Siya ay tiyak na malayong mas matanda kaysa sa iyo at…»

«O! Siya ay matandang-matanda na, halos kuba na siya at bulag, ngunit pangit na pangit siyang tingnan!... Hindi ko kasalanan, kung siya ay pangit!»

«Hindi. Ngunit mali ka na pagtawanan mo ang isang matandang tao. Magiging pangit ka rin, kapag matanda ka na, sapagkat mababaluktot ka ng edad; makakalbo ka, halos bulag, mangangailangan ka ng tungkod upang makapaglakad, ang mukha mo ay magiging katulad niyan. Kung gayon? Magiging masaya ka ba kung ang isang walang-ugaling bata ay pagtatawanan ka? At bakit bigyan ng problema ang iyong guro at gambalain ang iyong mga kasama? Iyan ay hindi tama. Kung malaman ng iyong ama, parurusahan ka niya at ang iyong ina ay mababalisa. Wala Akong sasabihin sa kanila na kahit ano. Ngunit bibigyan mo Ako ng dalawang bagay kaagad: ang iyong pangako na hindi mo na gagawin ang mga ganyang pananakit at ang papet na iyan. Sino ang gumawa niyan?»

«Ako, Panginoon…» sabi ng napahiyang bata, na alam na niya ang kabigatan ng kanyang… maling mga gawa… At siya ay nagpapatuloy: «Gustung-gusto ko ang mag-ukit sa kahoy! Kung minsan nag-uukit ako ng mga bulaklak o mga hayop na nasa mga alpombra. Alam Ninyo?... mga dragon, mga leon at iba pang mga hayop….»

«Maaari mong gawin iyan. Napakarami ng magagandang bagay sa lupa! Kung gayon mangangako ka ba at ibibigay mo sa Akin ang papet na iyan? Kung hindi, hindi na tayo magkaibigan Itatago Ko iyan bilang isang alaala at magdarasal Ako para sa iyo. Ano ang pangalan mo?»

«Alexander. At ano ang ibibigay mo sa akin?»

Si Jesus ay napahiya. Lagi Siyang may napakakaunti! Ngunit naalaala Niya na Siya ay may isang magandang hibilya sa kuwelyo ng isa sa Kanyang mga tunika. Hinahanap Niya ito sa Kanyang bag, nakuha ito, inilabas ito at ibinigay ito sa bata. «At ngayon tayo na. Ngunit, tandaan mo, kahit na kung Ako ay umalis, malalaman Ko pa rin ang lahat. At kung malaman Ko na ikaw ay isang masamang bata, babalik Ako rito at sasabihin Ko ang lahat sa iyong ina» Ang kasunduan ay nagawa na.

Pinasok nila ang bahay. Sa kabila ng bulwagan ay may malaking bakuran, sa tatlong tabi nito ay may malalaking silid na may mga habihan.

Ang babaeng katulong na nagbukas ng pinto ay nagtaka nakikita ang bata may kasamang isang di-kilalang tao at binigyang alam ang may-aring babae, isang matangkad na mabait tingnan na babae na dumating kaagad nagtatanong: «Ngunit masama ba ang pakiramdam ng aking anak?»

«Hindi, babae. dinala niya Ako rito upang tingnan ang iyong mga habihan. Ako ay isang di-kilala.»

«Ibig ba Ninyong bumili ng ilan?»

«Hindi. Ako ay walang pera. Ngunit may mga kaibigan Ako na gusto ang magagandang bagay at may pera.»

Ang babae ay tinitingnan ang lalaki na matapat na inamin na siya ay mahirap at nagsabi siya: «Akala ko Kayo ay mayaman. Ang Inyong ugali at tindig ay ng isang panginoon.»

«Sa halip Ako ay isa lamang Galilean na rabbi: si Jesus, ang Nazareno.»

«Kami ay nasa pagnenegosyo at kami ay walang-kinikilingan. Halikayo at tumingin.»

At kinuha niya Siya upang tingnan ang kanyang mga habihan kung saan ang mga dalaga ay nagtatrabaho sa ilalim ng kanyang paggabay. Ang mga alpombra ay totoong mamahalin kapwa gawa ng disenyo at kulay: ang mga ito ay malalim, malambot at nagmumukhang mga taniman ng mga bulaklak na nasa pamumulaklak o mga kaleydoskopo ng mga batong hiyas. Sa iba ay may mga pigura na may mga ibig sabihin, katulad ng mga “hyppogryphs”, mga sirena, mga dragon o mga gryphon katulad ng atin, kahalo ng mga bulaklak.

Si Jesus ay hinahangaan ang mga ito. «Napakagaling mo. Natutuwa Ako na nakita Ko ang lahat na ito. At natutuwa Ako na ikaw ay mabuting babae.»

«Papaano Ninyo nalalaman?»

«Ito ay nakasulat sa iyong mukha at ang bata ay sinabi sa Akin ang tungkol kay Dinah. Harinawang gantimpalaan ka ng Diyos para rito. Kahit na kung hindi mo paniwalaan ito, ikaw ay napakalapit sa Katotohanan, sapagkat may karidad sa loob mo.»

«Aling katotohanan?»

«Ang Kataastaasang Panginoon. Siya na nagmamahal sa kanyang kapwa at nagsasabuhay ng karidad kapwa sa kanyang pamilya at sa kanyang nasasakupan, at pinaaabot ito sa di-masayang mga tao, ay may Relihiyon na sa kanyang sarili. Iyan ay si Dinah, hindi ba?»

«Oo, ang kanyang ina ay namamatay na. Pagdating ng araw, kukunin ko siya, ngunit hindi para sa habihan. Napakabata pa niya at napakaselan. Dinah, lumapit ka sa maginoong ito.»

Ang maliit na batang babae, na may malungkot na tingin ng di-masasayang bata, ay mahiyaing lumalapit kay Jesus.

Si Jesus ay hinahaplos siya at nagsabi: «Madadala mo ba Ako sa iyong ina? Ibig mo ba siyang gumaling, gusto mo? Bueno, kung gayon, dalhin mo Ako sa kanya. Paalam, babae. At paalam, Alexander. At maging mabait.»

Lumabas Siya hawak ang kamay ng batang babae. «Nag-iisa ka ba?» tanong Niya sa kanya.

«Mayroon akong tatlong maliliit na kapatid na lalaki. Ang huli ay hindi kailanman nakilala ang kanyang ama.»

«Huwag kang umiyak. Makapaniniwala ka ba na ang Diyos ay mapagagaling ang iyong ina? Alam mo, hindi ba, na may iisang Diyos lamang Na nagmamahal sa mga taong Kanyang nilikha at lalo na mabubuting bata? At na nagagawa Niya ang lahat?»

«Oo, alam ko, Panginoon. Ang aking kapatid na si Tolmé ay madalas pumapasok sa paaralan at sa paaralan siya ay ihinahalo sa mga batang Hudyo. Iyan kung bakit marami siyang nalalamang mga bagay. Alam ko na ang Diyos ay naririyan at ang Kanyang pangalan ay Jehovah at na kami ay Kanyang pinarurusahan sapagkat ang mga Pilisteo ay masama sa Kanya. Ang mga Judiong bata ay laging ikinagagalit iyan sa amin. Ngunit wala pa naman ako noon, ni ang aking ina o ang aking ama. Kung gayon bakit…» ang mga luha ay sinasakal ang kanyang mga salita.

«Huwag umiyak. Ang Diyos ay minamahal ka rin, at dinala Niya Ako rito, para sa iyo at para sa iyong ina. Nalalaman mo ba na ang mga Israelita ay hinihintay ang Mesiyas Na darating upang itayo ang Kaharian ng Diyos? Ang Kaharian ni Jesus, ang Tagapagtubos at Tagapagligtas ng mundo?»

«Alam ko, aking Panginoon. At tinatakot nila kami nagsasabing: “Pagkatapos magkakaroon kayo ng problema”.»

«At nalalaman mo ba kung ano ang gagawin ng Mesiyas?»

«Gagawin Niya ang Israel na dakilang bansa at tatratuhin kami nang napakasamâ.»

«Hindi. Tutubusin Niya ang mundo, aalisin Niya ang kasalanan, tuturuan Niya ang mga tao na huwag magkasala, mamahalin Niya ang mahihirap, ang may sakit, ang nahihirapan, pupuntahan Niya sila, at Kanyang tuturuan ang mayayaman, ang malulusog, ang masasaya na mahalin sila at sasabihan Niya ang lahat na maging mabait upang marating ang malugod na eternal na pamumuhay sa Langit. Iyan ang Kanyang gagawin. At hindi Niya sisiilin ang sinuman.»

«At papaano Siya makikilala ng mga tao?»

«Sapagkat mamahalin Niya ang lahat at pagagalingin Niya ang mga maysakit na naniniwala sa Kanya, tutubusin Niya ang mga nagkakasala at tuturuan ng pagmamahal.»

«O! Sana dumating Siya bago mamatay ang aking ina! Gaano ako maniniwala sa Kanya! Gaano ako magdarasal sa Kanya! Lalakad ako at hahanapin Siya hanggang matagpuan ko Siya at sasabihin ko sa Kanya: “Ako ay isang mahirap na bata walang ama at ang aking ina ay namamatay, ako ay umaasa sa Inyo” at natitiyak ko na, bagama't ako ay isang Pilisteo, pakikinggan Niya ako.» Ang kanyang tinig ay pumipintig ng simpleng malalim na pananampalataya.

Si Jesus ay ngumingiti tinitingnan ang kaawa-awang batang naglalakad sa tabi Niya. Hindi niya makita ang Kanyang maningning na ngiti dahil nakatingin siya sa unahan, patungo sa bahay na ngayon ay malapit na…

Nakarating sila sa dukhang maliit na bahay, sa dulo ng di-makitang kalyehon. «Naririto na ito, aking Panginoon. Pasok Kayo…» Isang miserableng maliit na silid, isang higaang dayami na may gastadong katawan sa ibabaw nito, tatlong maliliit na bata sa pagitan ng tatlo at sampung taon gulang, nakaupo malapit sa higaan. Ang kahirapan at kagutuman ay makikita kahit saan.

«Kapayapaan sa iyo, babae. Huwag kang mabigla. Huwag mong abalahin ang iyong sarili. Natagpuan Ko ang iyong anak. Alam Ko na may sakit ka. Ako ay naparito. Ibig mo bang gumaling?»

Sa maliit na tinig ang babae ay tumugon: «O! Aking Panginoon!... Ito na ang katapusan ko!...» at siya’y umiyak.

«Ang iyong anak ay naniniwala na ang Mesiyas ay mapapagaling ka. At ano ang sa iyo?»

«O! naniniwala rin ako diyan. Ngunit nasaan ang Mesiyas!»

«Ako ‘yun, Na nagsasalita sa iyo.» At si Jesus, Na yumuyuko sa higaan binubulong ang Kanyang salita sa kaawa-awang babae, ay tumayo at sumigaw: «Gusto Ko ito. Gumaling.»

Ang mga bata ay halos natatakot sa Kanyang mahestad, at ang tatlong nagtatakang mukha ay nananatili sa paligid ng higaan ng kanilang ina. Si Dinah ay idinidiin ang kanyang mga kamay sa kanyang maliit na dibdib. Isang liwanag ng pag-asa, ng pagpapalà ay nagniningning sa kanyang mukha. Siya ay antig na antig ang damdamin, na halos siya ay humihingal. Ang kanyang bunganga ay nakabuka upang magbigkas ng salita na ibinubulong na ng kanyang puso at nang kanyang makita na ang kanyang ina, magpahanggang ngayon maputla at hapo, na umupo, na tila siya ay inaalalayan ng isang lakas na inilagay sa kanya, at pagkatapos tumayo, na ang kanyang mga mata nakatitig lagi sa Tagapagligtas, si Dinah ay napasigaw sa tuwa: «Inay!» Ang salita na pumupuno sa kanyang puso ay nasabi na!... At pagkatapos isa pa: «Jesus!» At niyayakap ang kanyang ina pinilit niya ang kanyang ina na lumuhod nagsasabing: «Sambahin ninyo Siya, sambahin ninyo Siya! Siya ito, ang hinulaan na Tagapagligtas Na binabanggit ng tagapagturo ni Tolmé.»

«Sambahin ang totoong Diyos, maging mabuti, alalahanin Ako. Paalam.» At Siya ay tahimik na lumabas nang mabilis habang ang dalawang masayang babae ay nakapatirapa pa rin sa sahig…

 280211

 



Sunod na kabanata