219. Pagtuturo sa Ashkelon.

Hulyo 13, 1945.

Ang mga apostol ay dumating sa geyt ng bayan nang magkakasunod sa maliliit na grupo, ayon sa mga tagubilin ni Jesus. Ang Guro ay wala pa roon. Ngunit Siya ay dumating pagkaraan nang kaunti, lumilitaw mula sa isang maliit na kalsada na naka-agapay sa mga pader.

«Ang Guro ay maaaring nagkaroon ng magandang suwerte» sabi ni Mateo. «Tingnan kung papaano Siya ngumingiti.

Sila ay nagtagpo at lahat sila lumabas sa geyt at kinuha muli ang pangunahing daan, isang daan na may talay-talay na arabal na pampalengkeng mga hardin.

Si Jesus ay tinanong sila: «Bueno? Ano ang nangyari sa inyo? Papaano kayo nagpatuloy?»

«Napakasamâ» ang Iskariote at si Bartolomeo ay sumagot nang sabay.

«Bakit? Ano ang nangyari?»

«Halos batuhin nila kami. Kinailangan namin na tumakbo. Umalis na tayo sa lugar na ito ng mga barbaro. Bumalik na tayo kung saan ang mga tao ay minamahal tayo. Hindi muli ako magsasalita rito. Sa katunayan ako ay walang intensiyon na magsalita. Pagkatapos pinabayaan ko ang aking sarili na makumbinsi at hindi Ninyo ako pinigilan. Subalit sa kabila nito nalalaman Ninyo kung ano ang mga bagay-bagay…» Ang Iskariote ay galit.

«Ngunit ano ang nangyari sa inyo?»

«Eh! Sinamahan ko sina Mateo, Santiago at Andres. Pumunta kami sa Judgment Square, sapagkat iyon ang tagpuan na mga pinong tao na may maraming panahon na makinig sa mga magsasalita. Nagpasya kami na si Mateo ang kailangan na magsalita, bilang siyang pinaka-angkop na makipagusap sa mga publikano at sa kanilang mga suki. At siya ay nagsimula sa pamamagitan ng pakikipagusap sa dalawang tao na nag-aaway tungkol sa pag-aari ng isang bukid na kasama sa isang komplikadong pamana: “Huwag kayong magkagalit tungkol sa isang bagay na maglalaho at hindi ninyo madadala sa susunod na buhay. Bagkus magmahalan kayo sa isa’t isa upang sana kalugdan ninyo ang eternal na kabutihan na makakamit ninyo sa pagpipigil sa inyong mga masasamang damdamin, nang walang anumang pakikibaka, at sa gayon mapanalunan at ariin ang Kabutihan”. Iyan ang iyong sinasabi, tama ba iyon? At nang dalawa o tatlong tao ang lumapit sa amin, siya ay nagpatuloy: “Makinig sa Katotohanan na nagtuturo sa mundo, upang sana ang mundo ay magkaroon ng kapayapaan. Nakikita ninyo na ang mundo ay naghihirap sapagkat tinatanggap nito ang kalabisang pagkakakabit sa mga bagay na naglalaho. Ang lupa ay hindi ang lahat. Naririyan din ang Langit, at sa Langit ay nariyan ang Diyos, katulad na sa lupa ay naririyan na ngayon ang Kanyang Mesiyas, Na siyang nagpadala sa amin upang ipaalam sa inyo na ang panahon ng Awa ay dumating na at na walang nagkakasala ang makapagsasabi: ‘Ako ay hindi mapakikinggan’, sapagkat siya na totoong nagsisisi ay pinatatawad, pinakikinggan, minamahal at inaanyayahan sa Kaharian ng Diyos”. Maraming mga tao na ang nag-ipun-ipon at ang ilan ay nakikinig nang magalang, habang ang iba ay nagpapaabot ng mga katanungan, sa gayon nagagambala si Mateo. Hindi ako kailanman tumugon sa kaninuman, upang maiwasan na maputol ang talumpati. Ako ay nagsalita at pagkatapos tumutugon ako sa kahit anong tanong sa katapusan. Hayaan silang matandaan kung ano ang ibig nating masabi sa kanila at maging tahimik. Ngunit si Mateo ay ibig na tumugon kaagad!... At sila ay nagtatanong din sa amin Ngunit may ilan na nanunuya nagsasabing: “Mayroon pang isang baliw! Siya ay tiyak na nanggaling sa lunggang iyon sa Israel. Sila ay katulad ng mga dawag ang mga Judiong iyon, sila ay kumakalat kahit saan! Sila ay nagsasalita ng tungkol sa walang katapusang kalokohan! Mayroon silang Diyos bilang kanilang kasama. Makinig sa kanila! Ang Diyos ay nasa dulo ng gilid ng kanilang espada at nasa kanilang matalas na mga dila. Makinig, makinig. Ngayon sila ay nagtatawag sa pagsusuri sa Kanyang Mesiyas. Ilang mga naghihingalong baliw na magpapahirap sa atin katulad ng laging nangyayari nang nakaraan. Mangyaring dapuan Siya ng salot at ang Kanyang lahi!”. Pagkatapos uminit ang aking ulo. Hinila ko si Mateo, dahil patuloy siya sa pagsasalita, ngumingiti na tila sila ay nagbibigay ng pagpipitagan sa kanya, at nagsimula akong magsalita, ginagamit si Jeremiah bilang panimulang punto: “Tingnan kung papaano ang mga tubig tumaas mula sa Norte at naging isang umaapaw na ilog…” “Nang marinig ang ingay ng tubig, mawawala sa inyo ang inyong lakas; inyong pagmamalaki, inyong mga puso, inyong mga bisig, inyong mga pakiramdam, ang lahat ay guguho. Sapagkat ang kaparusahan ng Diyos para sa inyo, mapaglarong lahi, ay magkakaroon ng atungal ng isang talon, samantalang ito ay isang makalupang sandatahang lakas at makalangit na mga mandirigma upang parusahan ang katigasan ng ulo ninyo, aatakihin kayo sa utos ng mga Pangulo ng Sambayanan ng Diyos. At kayo, ang mga tira ng isla ng kasalanan at pintuan ng Impiyerno, ay lilipulin! Kayo ay naging arogante sapagkat itinayong muli ni Herodes ang inyong mga tahanan? Ngunit kayo ay aahitan hanggang sa kayo ay maging wala-nang-pag-asang mga kalbo at kayo ay hahampasin ng lahat ng klase ng kaparusahan sa inyong mga bayan at mga nayon, sa inyong mga lambak at mga kapatagan. Ang hula ay hindi pa patay…” at ibig kong magpatuloy, ngunit kami ay kanilang dinumog at tanging dahil lamang sa hulog-ng-langit na karabana na dumaraan sa mga kalsada, kami nakakuha ng matatagpuan, habang ang mga bato ay nagliliparan na. Pinatatamaan nila ang mga kamelyo at ang mga drayber ng mga ito; nagkaroon ng sigawan at kami ay nakaalis. Pagkaraan kami ay nanatiling tahimik sa loob ng isang maliit na bakuran ng arabal. Ah! Hindi na ako ulit babalik dito…»

«Mawalang galang na, ngunit sinaktan mo sila! Iyon ay kasalanan mo! Ngayon naintindihan na namin kung bakit napakamarahas nila nang sila ay dumating upang palayasin tayo!» bulalas ni Natanael. At siya ay nagpapatuloy: «Makinig, Guro. Kami, ibig sabihin si Simon ni Jonah, si Felipe at ako ay nagpunta patungo sa tore mula kung saan makikita ang dagat. May ilang mga mandaragat at nagmamay-ari ng mga barko roon, nagkakarga ng mga kalakal para sa Cyprus, Gresya at sa iba pang malayong mga lugar. At sinusumpa nila ang araw, ang alikabok at ang kanilang mahirap na trabaho, ang kanilang Palestinang destinasyon na nagpapahiwatig na sila ay mga alipin ng dominanteng mga tao, samantalang sila ay naging mga hari sana. At kanilang sinusumpa ang mga Propeta, ang Templo at lahat kami. Ibig kong umalis, ngunit si Simon ay hindi sumang-ayon nagsasabing: “Hindi, sa kabaligtaran, kailangan na lapitan natin ang mga nagkakasalang ito. Ang Guro ay iyan ang gagawin, at iyan din ang dapat nating gawin”. “Kung gayon, makapagsasalita ka sa kanila” sabi ni Felipe at ako. “At kung hindi ko alam ang aking sasabihin?” sabi ni Simon. “Kung ganoon tutulungan ka namin” tugon namin. Si Simon kung gayon, ngumingiti, ay pinuntahan ang dalawang lalaki na naupo nang pinagpapawisan sa ibabaw ng isang malaking bulto na hindi na nila mabuhat patungo sa bangka, at sinabi niya: “Mabigat iyan, hindi ba?”. “Hindi labis ang bigat nito, katulad sa katotohanan na kami ay pagod na. At kailangan namin na tapusin ang pagkakarga, sapagkat iyan ang gusto ng may-ari. Ibig niyang maglayag kapag ang dagat ay kalmante na, sapagkat sa gabing ito ang dagat ay magiging maalon at kailangan na lampas na kami sa mga bato upang mawala na sa piligro”. “Mga bato sa dagat?”. “Oo, sa banda roon, kung saan bumubula ang tubig, nakakainis na lugar”. “Mga agos, eh? Siyempre! Ang hanging timog ay umiihip sa paligid ng nakausling lugar at nasasalubong ang agos doon…”. “Ikaw ba ay isang mandaragat?”. “Isang mangingisda, isang mangingisdang tabang. Ngunit ang tubig ay laging tubig at ang hangin ay laging hangin. Ako’y natapos sa loob ng tubig mahigit pang minsan at ang aking huli napunta ulit sa lawa. Ang ating hanapbuhay ay isang mabuting hanapbuhay ngunit maaari din maging di-maganda. Walang lugar na ganap na masama at walang lahi na ganap na malupit. Sa pamamagitan ng kaunting mabuting kalooban laging posible na magtapos sa ilang pagkakasunduan at makikita ng isa na laging may mabubuting tao kahit saan. Halikayo! Ibig ko kayong tulungan” at si Simon ay tinawag si Felipe nagsasabing: “Halikayo, sasambutin ninyo ang karga roon, sasambutin ko ito rito at ang mabubuting taong ito ay pasusundin tayo sa banda roon, sa bangka, at bababa sa mga kargahan”. Ang mga Pilisteo ay kung baga ayaw pumayag, ngunit pagkaraan pinahintulutan nila sila na tumulong. Pagkatapos na mailagay ang mga bulto sa lugar nito, at iba pa, na mga nasa tulayan din, si Simon ay nagsimulang papurihan ang bangka, ayon sa nalalaman niya lamang kung papaano, at pinuri niya ang dagat, ang bayan na napakaganda katulad sa nakikita ito malayo sa baybayin at nagkaroon siya ng interes sa nabigasyon at sa banyagang mga bayan. At lahat sila ay nasa paligid niya, pinasasalamatan siya at pinupuri siya… Hanggang ang isa ay nagtanong: “Ngunit tagasaan kayo? Mula sa lugar ng Nilo?”. “Hindi, mula sa karagatan ng Galilee. Ngunit ayon sa nakikita mo hindi ako isang tigre”. “Totoo iyan. Naghahanap ka ba ng trabaho?”. “Oo”. “Kukunin kita, kung ibig mo. Nakikita ko na ikaw ay isang magaling ng mandaragat” sabi ng may-ari. “Ako sa halip ang kukuha sa iyo”. “Ako? Ngunit hindi ba’t sinabi mo na gusto mo ng trabaho?”. “Totoo iyan. Ang aking trabaho ay ang dalhin ang mga tao sa Mesiyas ng Diyos. Ikaw ay isang tao. Kung gayon ikaw ay isang trabaho para sa akin”. “Ngunit ako ay isang Pilisteo!”. “At ano ang ibig sabihin niyan?”. “Ibig sabihin niyan kinapopootan ninyo kami, na inuusig ninyo kami mula pa nang napakatagal na panahon. Ang inyong mga hepe ay laging sinasabi ang ganyan…”. “Ang mga Propeta, eh? Ngunit ngayon ang mga Propeta ay mga tinig na hindi na sumisigaw. Ngayon ay naririyan na lamang ang dakilang banal na Jesus, hindi Siya sumisigaw, bagkus tinatawag ang mga tao sa pamamagitan ng mapagkaibigang tinig. Hindi Siya nanunumpa, nagpapalà Siya. Hindi Siya naghahatid ng kamalasan, bagkus nag-aalis nito. Hindi Siya napopoot at ayaw Niya ang sinuman na mapoot. Sa kabaligtaran minamahal Niya ang lahat at ibig Niya na mahalin din namin ang aming mga kaaway. Sa Kanyang Kaharian ay hindi na magkakaroon ng mga panalunan at mga talunan, malayang mga tao at mga alipin, mga kaibigan at mga kaaway. Hindi na magkakaroon ng mga distension na iyan na nakapananakit, na siyang resulta ng pantaong kasamaan; bagkus magkakaroon lamang ng Kanyang mga tagasunod, ibig sabihin mga tao na namumuhay sa pagmamahal, sa kalayaan, sa tagumpay sa lahat na nakapagpapabigat at nakapamimighati. Sinasamo ko kayo. Pakiusap na paniwalaan ang aking mga salita at mithiin Siya. Ang mga hula ay isinulat. Ngunit Siya ay mas dakila pa kaysa sa mga Propeta at ang mga hula ay binubura para sa mga nagmamahal sa Kanya. Kita ninyo ang magandang bayan ninyong ito? Matatagpuan ninyo itong mas maganda sa Langit, kung lalapit kayo hanggang sa layo na mahalin ninyo ang aming Panginoong Jesus, ang Kristo ng Diyos”. Iyan ang sinasabi ni Simon at siya ay simple at inspirado rin at ang lahat ay nakikinig sa kanya nang maayos at may-galang. Oo, may-galang. Pagkatapos ilang mga mamamayan ang lumabas mula sa isang kalsada sumisigaw, at sila ay armado ng mga pamukpok at mga bato at nakita nila kami at nalaman nila mula sa aming mga suot na kami ay mga banyaga, at ngayon naintindihan ko na, nabatid nila na kami ay kasama sa lahi mo, Judas, at akala nila kami ay katulad mo. Kung ang mga taga-bangka ay hindi kami ipinagsanggalang nagkaroon sana kami ng problema! Nagbaba sila ng panagip na bangka at inilayo nila kami sa pamamagitan ng dagat at ibinaba kami sa baybayin malapit sa hardin kung saan kami napunta nang katanghalian at mula roon nagpunta kami rito kasama ang mga tao na nag-aalaga ng mga bulaklak para sa mayayaman ng bansa. Ngunit, Judas, nasira mo ang lahat! Iyan ba ang paraan na maabuso ang mga tao?»

«Iyon ang katotohanan.»

«Ngunit iyan ay kailangan na gamitin nang maingat. Si Pedro ay hindi nagsinungaling, ngunit alam niya kung ano ang sasabihin» balik-sabi ni Natanael.

«O! ako! Sinikap kong ilagay ang aking sarili sa lugar ng Guro, at akala ko: “Magiging napakabait Niya. At ako rin…”» sabing simple ni Pedro.

«Gusto ko ang malalakas na aktitud. Sila ay mas makahari.»

«Ang dati mong mga idea! Nagkakamali ka, Judas. Ang Guro ay nagsisikap na maiwasto ang idea mong iyan santaon na. Ngunit ayaw mong bumigay sa mga pagwawasto. Kasing tigas ang ulo mo sa iyong pagkakamali katulad ng mga Pilisteo na iyon nilusob» sabi ni Simon Zealot na may paninisi.

«Kailan ba Niya ako itinama kahit kailan para diyan? Magkagayunpaman ang lahat ay may kanya-kanyang pamamaraan at ginagamit ang mga ito.»

«Ang Zealot ay nagulat sa mga salitang ito at tinitingnan si Jesus, Na nananahimik at Na tumugon sa pamamagitan ng magaang ngiti ng pag-unawa sa mapagpaalaalang sulyap ni Simon.

«Iyan ay hindi mabuting rason» sabing kalmante ni Santiago ni Alfeo at nagpatuloy: «Tayo ay naririto upang itama ang ating mga sarili bago itama ang iba. Ang Guro ay naging una ating Guro. At hindi sana Siya naging ating Guro kung hindi Niya ginustong mabago natin ang ating mga ugali at mga kaisipan.»

«Siya noon ay Guro sa karunungan…»

«Siya noon? Siya ay Guro» sabing seryoso ni Tadeo.

«Gaanong paghahanap ng diperensiya! O sige, Siya ay Guro.»

«At Siya ay ang ating Guro sa lahat na iba pa, hindi lamang sa karunungan. Ang Kanyang itinuturo ay para sa lahat na mayroon tayo sa loob natin. Siya ay perpekto, tayo ay di-perpekto. Pagsikapan natin kung gayon na maging perpekto» pagpapayo na may kabaitan ni Santiago ni Alfeo.

«Hindi sa palagay ko nakagawa ako ng mali. Ang kamalian ay nasa isinumpang lahi na iyon. Lahat sila ay masama.»

«Hindi. Hindi mo masasabi iyan» sigaw ni Tomas. «Si Juan ay nakisama sa pinakamababang grupo: sa mga mangingisda na dinadala ang kanilang huli sa palengke. At tingnan ang basang sakong ito. Iyan ay puno ng piling isda. Kinalimutan nila ang kanilang kita upang ibigay ito sa atin. Kinakabahan sila na ang huli sa umaga ay baka hindi na sariwa sa gabi, kung kaya’t bumalik sila sa dagat at ibig nila na sumama tayo sa kanila. Kami ay tila nasa lawa ng Galilee at masisiguro ko sa iyo na kung ang lugar ay nakapagpaalaala sa amin tungkol diyan, kung pati ang mga bangka na puno ng matatalas na mukha ay nakapagpaalaala sa amin, si Juan ay mas nakapagpaalaala sa amin. Siya ay tila isa pang Jesus. Ang mga salita ay dumaloy mula sa kanyang ngumingiting mga labì kasing tamis ng pulot at ang kanyang mukha ay suminag katulad ng isa pang araw. Gaano siya nakakamukha Ninyo, Guro! Ako’y naantig ang damdamin. Kami ay nasa laot tatlong oras, naghihintay sa mga lambat, na nakaunat sa pagitan ng dalawang palutang, upang maging puno ng isda at ito ay naging tatlong oras ng sukdulang kaligayahan. Pagkatapos ibig nilang makita Kayo. Ngunit si Juan ay nagsabi: «Tayo ay magkikita sa Capernaum” na tila sinasabi niya: “Magkikita tayo sa liwasan ng inyong nayon”. At sa kabila nito nangako sila na pupunta at ito ay kanilang tinandaan. At kinailangan namin na makipagtalo na huwag silang magdala ng labis na isda. Ibinigay nila sa amin ang pinakamaganda mga isda. Tayo na at lutuin natin ang mga ito. Magkakaroon tayo ng pagpipista ngayong gabi, upang mapunuan ang pag-aayuno kahapon.»

«Ngunit ano ang iyong sinabi sa kanila» tanong ng Iskariote na wala sa gana.

«Walang espesyal. Nagsalita ako tungkol kay Jesus» tugon ni Juan.

«Ngunit ang paraan na ikaw ay nakapagsasalita tungkol sa Kanya! Si Juan din ay binanggit ang mga Propeta. Ngunit ito ay kanyang binaliktad» paliwanag ni Tomas.

«Binaliktad?» tanong ni Judas lito.

«Oo. Bumunot ka ng kagaspangan mula sa mga Propeta, bumunot siya ng katamisan. Sapagkat, matapos man ang lahat, ang kanilang kahigpitan ay pagmamahal, esklusibong marahas na pagmamahal, kung gugustuhin mo, ngunit iyon ay pagmamahal pa rin para sa mga kaluluwa na ibig nilang maging matapat sa Panginoon. Hindi ko alam kung kailanman naisip mo ito, dahil ikaw ay naturuan kasama ng mga eskriba. Naisip ko ito, bagama't ako ay isang platero ng ginto. Ang ginto rin ay pinupukpok at tinutunaw sa isang túnawán, upang gawin itong mas maganda. Hindi dala ng kapootan: bagkus para sa pagmamahal. Ganyan kung papaano harapin ng mga Propeta ang mga kaluluwa. Naiintindihan ko ito, baka dahil ako ay isang platero ng ginto. Binanggit niya ang hula ni Zachariah tungkol sa Hadrach at Damascus at nang dumating siya sa pangungusap: “Nakikita ito ang Ashkelon ay mahihintakutan, at ang Gaza ay maninigas na may panginginig, gayon din ang Ekron, sa ikasisira ng kanyang mga tinatangka. Ang hari ay mawawala mula sa Gaza”, nagsimula siyang magpaliwanag kung papaano ang lahat na iyon ay nangyari dahil sa ang tao ay iniwan ang Diyos, at nagsasalita tungkol sa pagdating ng Mesiyas, Na siyang nagmamahal na kapatawaran, nangako siya na mula sa isang kaawa-awang kaharian, katulad na ginugusto ng mga anak ng lupa para sa kanilang mga bansa, ang mga tao na sumusunod sa Doktrina ng Mesiyas ay magtatagumpay na maabot ang isang eternal na walang hangganang kaharian sa Langit. Ang sabihin ito, ay wala, ngunit ang mapakinggan ito! Akala ko ako ay nakikinig sa isang himig at na ako ay dinadala palayo ng mga anghel. At sa gayon ang mga Propeta, na nagbigay sa iyo ng isang pagpupukpok, ay nagbigay sa amin ng masarap na isda.

Si Judas ay napahiya at nananatiling tahimik.

«At ano ang tungkol sa inyo?» ang Guro ay tinatanong ang Kanyang mga pinsan at ang Zealot.

«Kami ay nagpagawing baradero, kung saan ang mga tagatapal ay nagtatrabaho. Ginusto rin namin na makihalo sa mahihirap na tao. Ngunit mayroon din doon ng ilang mayayamang Pilisteo nanonood sa kanilang mga bangka na ginagawa. Hindi namin alam kung sino sa amin ang kailangang magsasalita kung kaya’t kami ay nagpalabunutan, katulad ng ginagawa ng mga bata. Si Judas ay nakagawa ng pitong daliri, si Simon dalawa at ako apat. Kung kaya’t iyon ay para kay Judas na magsalita. At nagsalita siya» paliwanag ni Santiago ni Alfeo.

«Anong sinabi mo» lahat sila ay nagtatanong.

«Ako ay hayagang ginawa kong makilala ako kung ano ako, nagsasabing hinihingi ko sa kanila sa kanilang ospitalidad na maging sapat na mabait na makinig sa salita ng isang peregrino na ang pagtanaw sa kanila ay mga kapatid, bilang may parehong pinanggalingan at parehong katapusan, at sa pag-asa, na bagama't hindi pangkaraniwan ay puno ng pagmamahal, na madala sila sa bahay ng Ama at tawagin silang “mga kapatid” magpakailanman, sa dakilang lugod ng Langit. Pagkatapos sinabi ko: “Si Zephaniah, ang aming Propeta ay nagsabi: “Ang rehiyon ng dagat ay magiging lugar para sa mga pastol… dadalhin nila ang mga kawan doon upang ipastol ang mga ito; kasama ang sambahayan ng Ashkelon sila ay magpapahinga sa gabi’” at nilinaw ko ang aking idea nagsasabing: “Ang Kataastaasang Pastol ay naging kasama ninyo. Siya ay hindi armado ng mga palaso, bagkus ng pagmamahal. Inuunat Niya ang Kanyang mga kamay patungo sa inyo at itinuturo ang Kanyang banal na mga pastulan. Inaalaala lamang Niya ang nakaraan upang kaawaan ang mga tao para sa malaking kapinsalaan na ginagawa nila at nagawa sa kanilang sarili sa pamamagitan ng poot, katulad ng mga hangal na bata, habang naalis sana nila ang labis na kapighatian sa pagmamahal sa isa’t isa, sa dahilan na sila ay magkakapatid. Ang lupaing ito” sinabi ko “ay ang lugar ng banal na mga pastol, ang mga lingkod ng Kataastaasang Pastol na nalalaman na nila na sila ay magkakaroon ng napakayamang pastulan dito at ng kanilang pinakamagandang mga kawan; at ang kanilang mga puso, sa kanilang mga taon ng katandaan, ay makapagpapahinga iniisip ang inyong mga puso at ang mga puso ng inyong mga anak, na mas magkakalapit kaysa mapagkaibigang mga bahay, sapagkat si Jesus Ating Panginoon, ay kanilang magiging Guro”. Naintindihan nila ako. Nagtanong sila sa akin ng mga katanungan, hindi, nagtanong sila sa aming lahat ng mga katanungan. At si Simon ay sinabi sa kanila ang kanyang paggaling, ang aking kapatid ay nagsalita sa kanila tungkol sa Inyong kabutihan sa mga mahihirap. At narito ang katibayan. Ang busog na lukbutang ito para sa mahihirap na ating matatagpuan sa ating daan. Ang mga Propeta ay hindi rin sa amin nakapinsalà…»

Si Judas ay hindi bumigkas ng kahit isang salita.

«Bueno» sabi ni Jesus nang nakapagpapaginhawa, «Si Judas ay makagagawa nang mas maganda sa susunod. Akala niya ginagawa niya ang tamang bagay sa paggawa ng kanyang ginawa. At sa dahilan na kumilos siya para sa matapat na pakay, wala siyang nagawang kasalanan. At Ako ay gayon din naman kontento rin sa kanya. Hindi madali na maging apostol. Ngunit ang isa ay natututo. Ikinalulungkot Ko ang isang bagay lamang. Na wala Ako ng perang ito noon at na hindi Ko kayo natagpuan. Kailangan Ko ito para sa isang miserableng pamilya.»

«Makababalik tayo. Maaga pa naman… Ngunit, mawalang galang na. Guro. Papaano Ninyo nataunan iyon. Ano ang Inyong ginawa? Wala lang? Hindi ba Kayo nag-ebanghelyo?»

«Ako? Naglakad Ako. Sa pamamagitan ng Aking pananahimik nagsabi Ako sa isang puta: “Iwanan mo ang iyong makasalanang pamumuhay”. Nakatagpo Ako ng isang batang lalaki, isang medyo pilyo, at tinuruan Ko siya at nagpalitan kami ng regalo. Ibinigay Ko sa kanya ang hibilya na inilagay ni Maria Salome sa Aking tunika sa Bethany, at ibinigay niya sa akin ang kanyang gawang ito» at si Jesus ay kinukuha mula sa Kanyang tunika at karikaturang papet. Tiningnan nilang lahat ito at tumawa. «Pagkatapos Ako ay lumakad upang tingnan ang ilang magagandang alpombra na ginagawa ng isang tao sa Ashkelon upang ipagbili sa Ehipto at sa ibang mga lugar pa…. at pinaginhawahan Ko ang isang ulila-sa-ama na batang babae at pinagaling Ko ang kanyang ina. At iyon lang.»

«At sa isip Ninyo iyon ay maliit?»

«Oo. Sapagkat naroon din ang pangangailangan ng pera, ngunit Ako ay wala.»

«Ngunit bumalik tayo… wala tayong nasaktang sinuman» sabi ni Tomas.

«At papaano ang inyong mga isda?» sabing pabiro ni Santiago ni Zebedeo.

«Ang mga isda? Bueno. Kayo na mga… isinumpa, pumunta sa matandang lalaki na nagbibigay sa atin ng ospitalidad at simulan ang paghahanda. Kami ay pupunta sa bayan.»

«Oo» sabi ni Jesus. «Ngunit ipakikita Ko sa inyo ang bahay mula sa malayo. Magkakaroon ng maraming tao. Ako ay hindi babalik, sapagkat pipigilan nila Ako. Ayaw Kong masaktan ang nagbibigay sa atin ng pag-aruga na naghihintay sa atin, sa pagtanggi sa kanyang paanyaya. Ang kagaspangan ay laging laban sa karidad.»

Ang Iskariote ay ibinababa nang lalo pa ang kanyang ulo at naging purpura, ganyan ang pagbabago ng kanyang kulay, naaalaala kung gaano nagagawa niya lagi ang pagkakamaling iyon.

Si Jesus ay nagpapatuloy: «Papasok kayo sa maliit na bahay at hanapin ang maliit na batang babae, siya lang ang tanging babae roon, kung kaya’t hindi kayo magkakamali. Ibibigay inyo sa kanya ang lukbutan na ito at sabihin sa kanya: “Ang Diyos ay ipinadadala sa iyo ito sapagkat naniwala ka. Iyan ay para sa iyo, sa iyong ina at sa inyong maliliit na kapatid na lalaki”. Wala nang iba. At bumalik kaagad. Tayo na.»

At ang grupo ay naghiwalay habang si Jesus ay papunta sa bayan kasama si Juan, si Tomas at ang Kanyang mga pinsan, samantalang ang iba ay patungo sa bahay ng Pilisteo na hardinero ng pampalengkeng mga tanim.

280211

 

 



Sunod na kabanata