220. Si Jesus sa Magdalgad Sinunog ang Isang Paganong Diyus-diyusan.

Hulyo 16, 1945.

Ang Ashkelon at ang mga pampalengkeng mga hardin nito ay bagkus isang alaala na lamang. Sa malalamig na oras ng isang magandang umaga, si Jesus at ang Kanyang mga disipulo, tinatalikuran ang dagat, ay patungo ang mga hakbang sa isang mababa ngunit magandang berdeng mga burol na tumataas mula sa matabang kapatagan. Ang Kanyang mga apostol, na maayos na nakapagpahinga at kontento, ay lahat nasa mabuting pakiramdam at nagsasalita tungkol kay Ananiah, tungkol sa kanyang mga alipin, tungkol sa Ashkelon, tungkol sa kaguluhan sa bayan nang sila ay bumalik upang dalhin ang pera kay Dinah.

«Iyon ay aking kapalaran na ako ay kailangan na mapapunta sa masamang sitwasyon dahil sa mga Pilisteo. Matapos man ang lahat, ang poot at pagmamahal ay may parehong mga manipestasyon. At ako, na hindi pa kailanman naghirap sa mga kamay ng kapootan ng mga Pilisteo, ay halos nasugatan ng kanilang pagmamahal. Nasa punto na sila na mahawakan tayo upang mapilitan tayo na sabihin sa kanila kung nasaan ang Guro, masayang-masaya sila dahil sa himala. At gaano sila sumisigaw! Hindi ba, Juan? Ang bayan ay kumukulo katulad ng isang kaldero. Ang mga nabalisa ay hindi makinig sa rason at hinahanap nila ang mga Hudyo upang hampasin sila, ang mga nakinabang, o ang kanilang mga kaibigan, ay nagsisikap na makumbinsi ang una na ang isang diyos ay dumaan. Anong kaguluhan! Mapag-uusapan nila iyon sa maraming buwan. Ang problema nagsasalita sila na may mga pamalo sa halip ng kanilang mga dila. Bueno… nasa sa kanila na iyon. Magagawa nila ang gusto nila» sabi ni Tomas.

«Ngunit… sila ay hindi masama…» wika ni Juan.

«Hindi. Sila lamang ay nabubulagan ng napakaraming mga bagay» tugon ng Zealot.

Si Jesus ay hindi nagsasalita sa loob ng malayu-layong distansiya ng daan. Pagkatapos Kanyang sinabi: «Dito, pupunta na Ako sa itaas sa nayon na iyon sa bundok, habang patungo kayo sa Ashdod. Mag-ingat. Maging magiliw, mabait at mapasyensiya.  Kahit na kung sila ay tawanan kayo, batahin ito sa kapayapaan, katulad ng ginawa ni Mateo kahapon, ang Diyos ay tutulungan kayo. Paglubog ng araw iwanan ang bayan at pumunta sa sanaw malapit sa Ashdod. Magkikita tayo roon.»

«Ngunit, aking Panginoon, hindi ko Kayo pababayaan na maglakad nang nag-iisa!» bulalas ng Iskariote. «Ang mga taong ito ay mararahas… Hindi ito mabuti.»

«Huwag kang matakot para sa Akin. Lakad, Judas, at maging mahinahon mismo. Paalam.  Kapayapaan sa inyo.»

Ang Labindalawa ay umalis ngunit hindi sila napakasaya. Si Jesus ay tinitingnan silang umaalis at kinuha Niya ang malamig na malilim na daan pataas sa burol. Ang burol ay natatakpan ng mga punong olibo, nugales at igos at may maayos na binukid na mga ubasan na mga nagpapakita na ng mabuting ani. Sa mga kapatagan ay may maliliit na bukid ng mga butil, habang mapuputing kambing ay nanginginain sa berdeng madamong mga dalisdis.

Si Jesus ay narating ang unang mga kabahayan ng nayon. Siya ay papasok na sana nang masalubong Niya ang isang kakaibang prusisyon. May mga kababaihang nagsisigawan, mga kalalakihang umuungol nang palit-palitan at gumagawa sila ng isang klase ng sayaw sa paligid ng isang may takip ang mga mata na lalaking kambing, na kanilang hinahampas habang nagpapatuloy. Ang mga tuhod ng hayop ay dumudugo na pagkatapos na matatapilok at matutumba sa mga bato sa daan. Isang grupo pa ng mga tao, na mga nagsisigawan din at nag-uungulan, ang kumikilos paikot sa isang inukit na larawan, na tunay ngang napakapangit at nagtataas sila ng mga bandeha na puno ng mga baga, na pinananatili nilang buhay sa pagtatapon ng mga resina at asin sa ibabaw, iyon man lamang sa palagay ko ang nangyayari, dahil ang una ay nag-aamoy turpentina at ang huli ay pumuputok-putok katulad ng asin. Isang grupo pa ang nakapaikot sa isang mangkukulam, sa harapan niya kung saan sila ay walang tigil sa pagyuko, sumisigaw:

«Sa pamamagitan ng iyong lakas!» (mga lalaki)

«Kayo lamang ang makagagawa!» (mga babae)

«Panawagan ang diyos!» (mga lalaki)

«Alisin ang panggagaway!» (mga babae)

«Utusan ang matris!»

»Iligtas ang babae!»

At pagkatapos magkakasabay, na may mala-impiyernong atungal, sisigaw:

«Kamatayan sa manggagaway!»

At sila ay magsisimula ulit, na may kaunting pagkakaiba:

«Sa pamamagitan ng iyong lakas!» (mga lalaki)

«Kayo lamang ang makagagawa!» (mga babae)

«Utusan ang Diyos!»

«Na makita natin!»

«Utusan ang lalaking kambing!»

«Na ipakita sa atin ang manggagaway!»

At sa pamamagitan ng isa pang mala-impiyernong sigaw:

«Na napopoot sa sambahayan ni Phara!»

 Si Jesus ay pinatigil ang isang lalaki ng huling grupo, at may-kabaitan na tinanong siya: «Ano ang nangyayari? Ako ay isang banyaga…»

Ang prusisyon ay tumigil nang isang sandali upang hampasin ang kambing, nagkalat ng resina sa mga baga at nagpahinga, at ang lalaki ay nagpapaliwanag: «Ang asawa ni Phara, ang dakilang tao ng Magdalgad ay namamatay sa panganganak. May kung sino na napopoot sa kanyang asawa ang nangkukulam sa kanya. Ang kanyang matris ay binarahan at ang bata ay hindi makalabas patungo sa mundo. Hinahanap namin ang manggagaway upang patayin. Tanging sa paraan lamang na iyan maililigtas ang asawa ni Phara, at kung hindi namin makita ang manggagaway isasakripisyo namin ang lalaking kambing upang mapakiusapan ang kataastaasang awa mula sa diyosang si Matrix (Ngayon ko naunawaan na ang nakakatakot na papet ay isang diyosa)…»

«Tigil. Mapagagaling Ko ang babae at maililigtas ang kanyang anak. Sabihan ang pari» sabi ni Jesus sa lalaki at sa dalawa pang lumapit sa Kanya.

«Ikaw ba ay isang doktor?»

«Mahigit pa sa isang doktor.»

Ang tatlong lalaki ay ipinilit ang kanilang daan sa pulutong at pumunta sa idolatrang pari. Sila ay nakikipagusap sa kanya. Ang prusisyon na nakapagsimula na ulit, ay tumigil.

Ang pari, makapangibabaw sa kanya maraming kulay na mga basahan, ay tumatango kay Jesus at nag-utos: «Binata, halika rito!» At nang malapit na si Jesus sa kanya: «Ang Iyo bang sinasabi ay totoo? Tandaan, kung ang sinasabi Mo ay hindi mangyari, pangangahulugan namin na ang espiritu ng manggagaway ay nasa Iyo at papatayin Ka namin sa lugar niya.»

«Ang sinabi Ko ay totoo. Dalhin ninyo Ako sa babae kaagad at pansamantala ibigay sa Akin ang kambing. Kailangan Ko iyan. Tanggalin ang bendahe sa kanyang ulo at dalhin siya rito.»

Ginawa nila iyon. Ang kaawa-awang pasuray-suray na dumurugong hayop ay dinala kay Jesus Na hinahaplos ang makapal na itim na balahibo.

«Ngayon kailangan na sundin ninyo Ako sa lahat na bagay. Gagawin ba ninyo iyan?»

«Oo!» sigaw ng pulutong.

«Tayo na. Huwag nang sumigaw pa ulit at tigilan ang pagsunog ng resina. Iyan ay isang utos.»

Pinasok nila ang nayon at sa tabi ng pangunahing daan sila ay pumunta sa isang bahay sa gitna ng lootan. Ang mga sigawan at iyakan ay maririnig sa pamamagitan ng maluwang na nakabukas na mga pintuan, at higit sa lahat, ang malungkot na nakakatakot na mga lamentasyon ng babae na hindi makapagluwal sa kanyang anak.

Sila ay tumakbo upang sabihan si Phara, na nagmumukhang maputla at gusot ang mga buhok lumapit may kasamang dalawang umiiyak na babae at ilang walang-silbing mga mangkukulam na mga nagsusunog ng insenso at mga dahon sa ibabaw ng isang tansong mga bandeha.

«Iligtas ang aking asawa!»

«Iligtas ang aking anak!»

«Iligtas siya, iligtas siya!» sigawan ng asawa, ng matandang babae at ng pulutong.

«Ililigtas Ko siya at ang kanyang anak na lalaki din, sapagkat iyan ay isang lalaki, isang napakalusog na bata, na may dalawang mapungay na mata ang kulay ng isang hinog na olibo at maitim na buhok sa kanyang ulo katulad ng balahibong ito.»

«Papaano Mo nalalaman? Ano? Nakakakita Ka rin sa loob ng isang sinapupunan?»

«Nakakakita Ako at nakalalagos kahit saan. Alam Ko ang lahat at nagagawa Ko ang lahat. Ako ay Diyos.»

Kung Siya ay nagtapon ng kidlat, ang epekto ay maaaring hindi pareho. Silang lahat ay itinapon ang sarili sa lupa, na tila sila ay patay.

«Tumayo. Makinig. Ako ang makapangyarihang Diyos at hindi Ko matatanggap ang ibang mga diyos sa harapan Ko. Magpadikit ng apoy at itapon ang estatuwang iyan sa apoy.»

Ang mga pulutong ay nagrerebelde. Nagsimula silang pagdudahan ang misteryosong «diyos» na nag-uutos na sunugin ang diyosa. Ang pari ang pinakagalit.

Ngunit si Phara at ang kanyang biyanang babae, na interesado sa buhay ng babae, ay sinasalungat ang marahas na pulutong at sa dahilan na si Phara ay ang dakilang tao sa nayon, ang pulutong ay pinigilan ang galit nito. Ngunit ang mamâ ay tinanong Siya: «Papaano ako makapaniniwala na Ikaw ay isang diyos? Bigyan mo ako ng tanda at uutusan ko sila na gawin ang gusto mo.»

«Tumingin. Nakikita mo ba ang mga sugat na ito ng lalaking kambing? Iyan ay mga nakabuka, hindi ba? Iyan ay mga dumudugo, hindi ba? At ang hayop ay halos patay na. Bueno, ayaw Ko niyan… Ngayon, tumingin.»

Ang lalaki ay yumuko, tumingin… at sumigaw: «Walang mga sugat!» at itinapon ang kanyang sarili sa lupa nangungusap: «Ang aking asawa! Ang aking asawa!»

Ngunit ang pari ng prusisyon ay nagbabanta: «Mag-ingat, Phara! Hindi natin alam kung sino Siya! Katakutan ang paghihiganti ng mga diyos!»

Ang mamâ ay napanghawakan ng dobleng takot: ang mga diyos, ang kanyang asawa… Siya ay nagtanong: «Sino Kayo?»

«Ako Siya na Ako nga, sa Langit, sa lupa. Ang lahat na kapangyarihan ay nakapailalim sa Akin, ang bawat kaisipan ay alam Ko. Ang mga naninirahan sa Langit ay sumasamba sa Akin, ang mga nasa Impiyerno ay kinatatakutan Ako. At ang mga naniniwala sa Akin ay makikita nila ang lahat na kababalaghan na pinangyayari.»

«Naniniwala ako! Naniniwala ako!... Ang Inyong Pangalan!»

«Jesucristo, ang Nagkatawang-tao Na Panginoon. Sunugin ang diyus-diyusang iyan! Hindi Ko matatanggap ang mga diyus-diyusan sa harapan ng Aking presensya. Alisin ang mga insensaryo na iyan. Ang Aking Apoy lamang ang makapangyarihan at handa. Sumunod, o Aking susunugin ang walang-silbing diyus-diyusan na iyan, at aalis Ako na walang ililigtas na sinuman.»

Si Jesus ay nakakagulat sa Kanyang linen na kapa, mula sa mga balikat nito kung saan nakabitin ang Kanyang asul na manta sa likuran Niya, ang Kanyang mga kamay nakataas sa isang pusisyon ng pag-utos, ang Kanyang mukha sumisinag… Sila ay takot sa Kanya, walang nagsasalita… Sa loob ng katahimikan, ang makabagbag damdamin na nakakapagod na sigaw ng naghihirap na babae ay malinaw na naririnig. Ngunit nag-aalinlangan pa rin silang sumunod. Ang mukha ni Jesus ay nagiging lalung-lalo pang nakakagulat sa pantaong mga mata. Ito ay tunay ngang apoy sinusunog ang materyal at mga kaluluwa. At ang tansong mga bandeha ay ang mga unang napahirapan. Ang mga kalalakihan na humahawak ng mga ito ay napilitan na itapon iyon dahil hindi na nila matagalan ang init ng mga iyon. Samantalang ang uling ay tila patay na… Pagkatapos ang mga tagahawak ng estatuwa ay napilitang ibaba sa lupa ang kamelya na pinagtutulungan sa kasing taas ng mga balikat dahil ang mga hawakan ay nagiging abo na, na tila ang isang mahiwagang apoy ay sinusunog ang mga ito, at nang kaagad lumapat ang kamelya sa lupa, ang estatuwa ay umapoy.

Ang mga pulutong ay nahintakutan at nagtakbuhan paalis…

Si Jesus ay binalingan si Phara: «Talaga bang makapaniniwala ka sa Aking kapangyarihan?»

«Naniniwala ako. Kayo ay Diyos. Ang Diyos Jesus.»

«Hindi. Ako ang Salita ng Ama, ni Jehovah ng Israel, at Ako ay naparito sa Laman, Dugo, Kaluluwa at Dibinidad upang tubusin ang mundo at mabigyan ang mga tao ng pananampalataya sa Totoong Diyos, ang Iisa, sang-tatlo na Diyos Na nasa Kataastaasang mga Langit. Ako ay naparito upang magbigay ng tulong at awa sa mga tao, upang sana iabandona nila ang Pagkakamali at lumapit sa Katotohanan, na siyang ang Tanging Diyos ni Moses at ng mga Propeta. Makapaniniwala ka pa ba?»

«Oo, makapaniniwala pa ako.»

«Ako ay naparito upang dalhin ang Daan, Katotohanan at Buhay sa mga tao, upang alisin ang mga diyus-diyusan, upang ituro ang karunungan. Sa pamamagitan Ko ang mundo ay maililigtas, sapagkat mamamatay Ako para sa pagmamahal sa mundo at para sa eternal na kaligtasan ng mga tao. Makapaniniwala ka pa?»

«Oo, naniniwala ako.»

Ako ay naparito upang sabihan ang mga tao, na kung sila ay maniniwala sa Totoong Diyos, magkakaroon sila ng eternal na buhay sa Langit, malapit sa Kataastaasan, Na siyang ang Tagapaglikha ng bawat tao, hayop, tanim at planeta. Makapaniniwala ka pa?»

«Oo, naniniwala ako.»

Si Jesus ay ni hindi pinapasok ang bahay. Kanya lamang iniuunat ang Kanyang mga kamay patungo sa silid ng kaawa-awang babae, na ang Kanyang mga kamay nakabuka katulad sa pagkabuhay muli ni Lazarus, at Siya ay sumigaw: «Lumabas ka sa liwanag upang makilala ang Dibinong Liwanag at sa pamamagitan ng utos ng Liwanag na siyang ang Diyos!» Isang kumukulog na utos, sinagot pagkaraan ng isang sandali, ng isang sigaw ng pananagumpay na may tunog ng iyak at lugod, at pagkatapos ng isang mahinang pag-iyak ng isang bagong panganak na sanggol, mahina ngunit maliwanag at palakas na nang palakas.

«Ang iyong anak na lalaki ay umiiyak upang batiin ang lupa. Puntahan siya at sabihin sa kanya, ngayon at pagkatapos, na hindi ang lupa, bagkus ang Langit ang kanyang amangbayan. Palakihin siya para sa Langit, at iyan ay para din sa iyo. Iyan ang Katotohanan nagsasalita sa iyo. Ang mga iyon (at itinuturo Niya ang tansong mga bandeha, nakalukot sa lupa katulad ng mga tuyong dahon, at ngayon ganap na walang pakinabang, at ang mga abo tinatandaan ang lugar ng kamelya ng diyus-diyusan) ay Kasinungalingan at iyan ay hindi nakatutulong o nakapagliligtas. Paalam.» At papaalis na sana Siya.

Ngunit ang isang babae ay nagmadaling lumabas dala ang isang buhay-na-buhay na sanggol na lalaki nakabalot sa linen na mga lampin at siya ay sumisigaw: «Ito ay lalaki, Phara. Siya ay maganda at malakas. Ang kanyang mga mata ay kasing itim ng isang hinog na olibo at ang kanyang buhok ay mas maitim at mas manipis kaysa sa buhok ng isang maliit na sagradong kambing. At ang iyong asawa ay nagpapahingang masayang-masaya. Hindi na siya naghihirap pa, na tila walang nangyari. Iyon ay bigla na lamang, nang siya ay namamatay na… at pagkatapos ng mga salitang iyon…»

Si Jesus ay ngumingiti at habang ipinipresenta ng mamâ ang sanggol sa Kanya, hinipo Niya ang ulo nito sa pamamagitan ng dulo ng Kanyang mga daliri. Ang mga tao – maliban sa mga pari na umalis na galit nang makita nila ang pagsapi sa kabila ni Phara – ay nag-umpukan sa paligid nila tinitingnan ang sanggol at tinitingnan si Jesus.

Si Phara ay ibig niya Siyang bigyan ng mga regalo at pera para sa himala. Ngunit si Jesus ay may-kabaitan ngunit may-katatagang nagsabi: «Wala. Ang isang himala ay mababayaran lamang sa pamamagitan ng katapatan sa Diyos Na nagkaloob nito. Pananatilihin Ko ang lalaking kambing na ito bilang isang alaala ng iyong bayan.» At Siya ay umalis kasama ang kambing, na tumutrote sa tabi Niya, na tila si Jesus ay ang nagmamay-ari sa kanya, at ngayon na ito ay magaling na, nagmumukha itong masaya at humuhuni para sa lugod ng pagiging kasama ang isa na hindi sa kanya humahampas…

Bumababa sila sa dalisdis ng burol at kinuha ang pangunahing daan na magdadala sa Ashdod…

Nang sa gabi, malapit sa malilim na sanaw, nakita ni Jesus na dumadating ang mga apostol, ang kanilang pagtataka ay magkapareho, dahil nakita nila si Jesus na may kambing at nakita ni Jesus sila na may mga mukhang bigo ng mga hindi nakagawa ng kahit anong gawain.

«Isang disgrasya, Guro! Hindi nila kami hinampas, ngunit pinalayas nila kami sa bayan. Pagala-gala kami kanina pa sa kabukiran at nakakuha kami ng ilang pagkain ngunit kinailangan namin na magbayad nang mahal. Samantalang kami ay nagpakabait…» sabi nila nalulungkot.

«Hindi na bale. Tayo ay pinalayas din sa Hebron nang nakaraang taon, ngunit ngayon pinarangalan tayo. Hindi kayo kailangan mawalan ng lakas loob.»

«At ano ang tungkol sa Inyo, Guro? At ang kambing na iyan?»

«Pumunta Ako sa Magdalgad. Pinaapoy Ko ang isang diyus-diyusan at ang mga insensaryo nito, ginawa Kong makalas sa mundo ang isang sanggol na bata, ipinahayag Ko ang Totoong Diyos sa pamamagitan ng mga himala at kinuha Ko ang kambing na ito, nakatalaga sa isang idolatrang ritwal, bilang Aking gantimpala. kaawa-awang hayop, ito ay natatakpang ng mga sugat.»

«Ngunit ngayon iyan ay mabuti na! Iyan ay isang magandang hayop.»

«Iyan ay isang sagradong hayop, nakatalaga sa diyus-diyusan… Oo, magaling na iyan. Ang unang himala na ginawa Ko upang makumbinsi sila na Ako ang Makapangyarihang Isa, at hindi ang kanilang kapirasong kahoy.»

»At ano ang Inyong gagawin diyan?»

«Dadalhin Ko ito kay Marjiam. Isang papet kahapon, isang kambing ngayon. Magagawa siya nito na masaya.»

«Dadalhin ba Ninyo iyan hanggang sa Bether?»

«Siyempre. Wala Akong nakikita na nakakatakot tungkol diyan. Kung Ako ay ang Pastol, tiyak na maaari Akong magkaroon ng isang kambing. Ibibigay natin ito sa mga babae. At pupunta sila sa Galilee kasama ito. Makakakita tayo ng isang maliit na babaeng kambing. Simon, ikaw ang magiging pastol ng maliliit na kambing. Mas mabuti kung ang mga ito ay mga tupa… Ngunit mas marami ang mga kambing kaysa sa mga kordero sa mundo… Iyan ay isang simbolo, mahal Kong Pedro. Tandaan iyan… Sa pamamagitan ng iyong sakripisyo makagagawa ka ng maraming kordero sa mga kambing na lalaki. Halikayo. Pumunta tayo sa nayon na iyon sa pagitan ng mga lootan. Makakakita tayo ng matutulugan sa mga kabahayan o sa mga tungkos na mga nakatali na sa mga bukid. At bukas pupunta tayo sa Jabneel.»

Ang mga apostol ay nasorpresa, namimighati, nawawalan ng lakas-loob. Sila ay nasorpresa tungkol sa mga himala, namimighati dahil wala sila roon, nawawalan ng lakas-loob dahil sa kanilang kawalang-kakayahan, samantalang si Jesus ay nagagawa ang lahat.

Siya, sa halip, ay masayang-masaya!... At Siya ay matagumpay sa pagkumbinsi sa kanila: «Wala ng walang-silbi. Kahit na ang pagkatalo, sapagkat nagsisilbi itong magawa kayong mababa ang kalooban, samantalang ang talumpati ay nagsisilbi na magawa ang isang pangalan, ang Akin, na umalingawngaw at mag-iwan ng isang alaala sa mga puso.» At napakagaling Niyang mangumbinsi at nagniningning sa lugod upang sila rin ay naging masaya.

280211



Sunod na kabanata