221. Leksiyon sa mga Apostol Papuntang Jabneel.

Hulyo 17, 1945.

«Pupunta ba tayo sa Ekron mula sa Jabneel?» tanong ng ilan sa mga apostol habang naglalakad sa napakatabang kabukiran, kung saan ang mga butil ay kinukuha ang panghuling tulog nito sa maningning na sikat ng araw na nagpahinog nito. Ang pinag-anihang mga bukid ay nakakatulad ang napakalaking malungkot na mga higaan ng mga namamatay, ngayon na ito ay pinagkaitan na ng mga tainga ng butil na may mga tambak ng inaning butil naghihintay na madala sa ibang lugar.

Ngunit kung ang mga bukid ay tuyot, ang mga lootan ay isang napakagandang tanawin, na ang mga bunga nahihinog na, nagbabago ang kulay mula sa berde ng maliliit na matitigas na bunga patungo sa malalambot na naninilaw-nilaw, nagrurosal-rosal, makinang na mala-kandila     na mga kulay ng mga mas hinog na. Ang mga igos ay ibinubukas ang kanilang napakatamis na lalagyan ng mga bulaklak na prutas, ibinubulwak ang kanilang lastikong mga balat upang ibunyag, sa pamamagitan ng maputing berde o biyoletang mga bitak, ang isang tila salamin na gulaman na tadtad ng munting mga butil, na mas maitim ang kulay kaysa ng kalamnan mismo.

Sa bawat munting ihip ng hangin ang punong mga olibo ay nauuga, gayon din ang oval na hitsurang prutas na nakabitin sa maselan na mga tangkay sa gitna ng platang-berdeng kadahunan. Ang maringal na mga puno ng nugales ay napananatili ang matatag na nasa dulo ng tangkay na mga prutas, na namimintog sa loob ng pelus ng balat nito, habang ang mga puno ng almendras ay pinahihinog ang mga bunga nito na makikita sa pamamagitan ng medyo pelus na habi at sa pagbabago ng kulay ng indibidwal na nuwes. Ang mga ubas sa pangkalahatan ay mga namamaga habang ang ilang mga buwig, na maganda ang pagkapuwesto, ay nagsisikap na maipakita ang topasyo o ang ruby ng pagiging hinog. Sa pagdaan ng araw ang mga kaktus sa kapatagan o sa mas kababaan ng panabi ng burol ay nagiging maningning na tanawin na may magandang pagkukulay sa mga pagkakaipon-ipon ng mga bunga na nasa loob at nakatingala sa kalawakan at nahihinog sa loob ng proteksiyon ng malakas na matinik na mga dahon.

Ang namumukod na mga puno ng palmera at ang makapal na mga puno ng carob ay nagpapaalaala sa isa tungkol sa nasa malapit na Aprika at habang ang una ay pinatutunog ang mga kastanyitas ng mga matitigas na hugis pamaypay na dahon nito, ang huli ay dinamitan ang kanilang mga sarili sa madilim na enamel at mga mapagmataas na nakatayong  tuwid sa kanilang magandang kadahunan.

Matatangkad at mabibilis na kambing, kapwa kulay puti at itim, lahat may nakakurbang mga sungay at mapupungay na mata, ay nanginginain sa mga kaktus at dinudumog ang malaman na mga agave, ang malalaking brotsa na iyon na may matigas na makapal na mga dahon na, katulad ng bukang mga artichoke, iniuusli mula sa gitna ng kanilang mga puso ang kanilang dambuhalang tangkay na may pitong sanga, nakakatulad ng isang kandelabra ng katedral, na may mabangong dilaw na pulang bulaklak nangangapoy sa tuktok.

Ang Aprika at Europa ay nagkasama upang takpan ang lupa ng pinakamagandang mga tanim, at nang kaagad ang apostoladong grupo ay naiwanan ang kapatagan upang kunin ang isang daan na umaakyat sa burol na totoong natatakpan ng mga ubasan sa panabing ito nakaharap sa dagat – isang mabatong kalkaryo na dalisdis kung saan ang mga ubas ay maaaring may mataas na halaga kapag ang kanilang mga katas ay nagbabago sa pagiging julep – ang dagat ay lumitaw, ang aking dagat, ang dagat ni Juan, ang dagat ng Diyos. Ito ay lumitaw sa asul na sedang kurtina nito at ito ay nagsasalita ng tungkol sa distansiya, sa kawalang-hangganan, sa kapangyarihan, habang umaawit ito kasama ang kalangitan at ang araw ang trio ng naglilikhang mga kaluwalhatian. At ang kapatagan ay umuunat sa ganap na umaalun-alon na kagandahan nito na may paggaya sa mga burol, mga ilang talampakan lamang ang taas, tumatabi sa mga patag na lugar, na may ginintuang mga tambak ng buhangin na umaabot hanggang sa layo ng mga bayan at mga nayon sa dagat, mga puting tuldok sa asul na dagat.

«Gaano kaganda! Gaano kaganda!» bulong ni Juan na nasisiyahang lubos.

«Aking Panginoon! Ang dagat ay ang buhay ng batang iyan. Kailangan na italaga Ninyo siya sa dagat. Tila nakikita niya ang kanyang nobya kapag nakikita niya ang dagat!» sabi ni Pedro na hindi binibigyan ng labis na kaibahan ang dagat at ang lawa. At siya ay ngumingiti nang may kagiliwan.

«Siya ay nakatalaga na, Simon. Kayong lahat ay nakatalaga na.»

«O! Mabuti! At saan Ninyo ako ipadadala?»

«O! Ikaw!...»

«Sabihin Ninyo sa akin, maging mabuti!»

«Sa isang lugar na mas dakila kaysa sa iyong bayan at Akin at sa Magdala at Tiberias pinagsama-sama.»

«Mawawala ako.»

«Huwag kang matakot. Magmumukha kang isang langgam sa isang malaking kalansay. Ngunit lumalakad nang pauli-uli nang walang kapaguran madadala mo ulit sa buhay ang kalansay.»

«Hindi ko man lang iyan maintindihan… Magsalita pa Kayo sa akin nang mas maliwanag.»

«Maiintindihan mo, tiyak na maiintindihan mo…» at si Jesus ay ngumingiti.

«At ano ang tungkol sa akin?»

«At ako?» Lahat sila ay gustong makaalam.

«Ganito ang Aking gagawin.» At si Jesus ay yumuko – sila ay nasa mabatong pampang ng isang agos ng tubig na sa gitnang bahagi nito ang tubig ay malalim-lalim pa – at Siya ay kumuha ng sandakot ng pinung-pinong mga graba. Itinapon Niya iyon sa hangin at ito ay bumagsak kumakalat sa lahat na direksiyon. «Ganyan. Tanging ang isang munting bato na ito ang naiwan sa Aking buhok. Kayo ay ikakalat nang ganyan.»

«At Ikaw, kapatid, ay nangangatawan sa Palestina, hindi ba? Tanong ni Santiago ni Alfeo nang seryoso.

«Oo, Ako.»

«Ibig kong malaman kung sino ang maiiwan sa Palestina» tanong ulit ni Santiago.

«Kunin mo ang munting batong ito. Bilang isang ala-ala» At si Jesus ay ibinigay ang munting piraso ng graba, na nanatiling nasa buhok Niya, sa Kanyang pinsan na si Santiago at Siya’y ngumingiti.

«Hindi mo ba ako maiiwanan sa Palestina. Ako ang pinaka-angkop, sapagkat ako ang pinakamagaspang, ngunit makapananatili pa rin ako sa bahay. Samantalang sa labas ng bansa!...» sabi ni Pedro.

«Sa kabaligtaran, ikaw ang pinaka-di-angkop na manatili rito.

Kayong lahat ay may maling akala tungkol sa lahat na iba pang lugar sa mundo at sa palagay ninyo mas madaling mag-ebanghelyo sa isang bansa ng mga naniniwala kaysa sa isang bansa ng mga idolatra o mga Hentil. Ito sa halip ay ang pinaka-kabaligtaran. Kung titingnan ninyo kung ano ang ibinibigay sa atin ng totoong Palestina sa mas matataas na grupo nito at, bagama't sa mas maliit na antas, sa sambayanan nito, at kung tatandaan ninyo na rito, sa isang lugar kung saan ang pangalan ng Palestina ay kinapopootan at ang pangalan ng Diyos, sa totoong ibig sabihin nito, ay di-kilala, tayo ay totoong hindi tinanggap nang mas malala pa kaysa ng sa Judea, sa Galilee at sa Decapolis, ang inyong maling akala ay maglalaho at mababatid ninyo na Ako ay tama kapag sinasabi Ko na mas madaling kumbinsihin ang mga mangmang na sambayanan ng Totoong Diyos, kaysa ang Sambayanan ng Diyos, na tusong nagkakasalang mga idolatra, at mapagmalaking naniniwala na sila ay perpekto at ibig na manatiling kung ano sila.

Ilan na mga batong hiyas, ilan na mga perlas ang nakikita Ko kung saan nakakakita lamang kayo ng lupa at dagat lamang! Ang lupain ng mga multitud na hindi Palestina. Ang karagatan ng Sangkatauhan na hindi Palestina at na, bilang karagatan, minimithi lamang na tanggapin ang mga naghahanap upang ibigay sa kanila ang mga perlas na iyon, at bilang lupain, ito ay hanapin upang payagan ang mga batong hiyas na iyon na makuha. May mga tagong kayamanan kahit saan. Ngunit iyon kailangan na hanapin. Ang bawat sandakot na lupa ay maaaring nagtatago ng isang kayamanan at nagpapakain ng isang buto, ang bawat kalaliman ng lupa ay maaaring nagtatago ng isang perlas. Ano? Umaasa ba kayo na ang dagat ay gumawa ng karahasan sa mga kalaliman nito sa pamamagitan ng malakas na mga bagyo upang matanggal ang mga perlas-talaba mula sa mga kinalalagyan nito at mabuksan ang mga ito sa pamamagitan ng lakas ng mga alon at sa gayon maibigay ito sa baybayin sa mga tamad na tao na ayaw na magtrabaho, sa mga duwag na ayaw na makipagsapalaran? Aasa ba kayo na ang lupa ay gumawa ng mga punungkahoy mula sa mga butil ng buhangin at mabigyan kayo ng prutas na walang anumang buto? Hindi, Aking mga kaibigan. Pagod, trabaho, lakas ng loob ang kinakailangan. At higit sa lahat, walang mga prehuwisyo.

Kayo, alam Ko, ay hindi sumasang-ayon, ang ilan lalo na, ang ilan hindi masyado, tungkol sa paglalakbay na ito sa pagitan ng mga Pilisteo. Ni hindi ang mga kaluwalhatian, na naipapaalaala sa atin ng lupain na ito, ang mga kaluwalhatian ng Israel na nagsasalita mula sa mga bukid na ito, binuhusan ng dugong Hebreo, pinadaloy upang maging dakila ang Israel, at ang mga kaluwalhatian mula sa mga bayan na inagaw isa-isa mula sa mga kamay na nagmamay-ari ng mga ito, upang makoronahan ang Judah at gawin itong isang makapangyarihang bansa, ang may kakayahan na magawa kayong mahalin ang perigrinasyon na ito. At hindi Ko sasabihin sa inyo: ni hindi ang idea na ihanda ang lupa na tanggapin ang Ebanghelyo at ang pag-asa na makapagligtas ng mga kaluluwa ang makapagkukumbinsi sa inyo. Hindi Ko sasabihin iyan sa inyo, kasama ng mga rason na Aking ipinipresenta sa inyong mga kaisipan upang sana makita ninyo ang katarungan ng paglalakbay na ito. Ang kaisipang iyan ay napakataas pa rin sa inyo. Darating kayo diyan isang araw. At pagkatapos sasabihin ninyo: “Akala natin iyon ay kapritso, isang dahilan lang, akala natin ang Guro ay nagkukulang ng pagmamahal sa atin sa pagpapasunod sa atin sa napakalayo, sa isang malayo at masakit na paglalakbay, nakikipagsapalaran sa di-magagandang sitwasyon. Sa halip iyon ay pagmamahal, iyon ay pagtanaw sa malayo, iyon ay upang mapakinis ang ating daan, ngayon na hindi na natin Siya nakakasama, at ang pakiramdam natin tayo ay mas lalong nawawala. Sapagkat noon tayo ay katulad ng mga usbong ng baging na tumutubo sa lahat na direksiyon, ngunit nalalaman ng mga ito na ang baging ay pakakainin sila at na sa malapit ay nariyan ang isang malakas na tikin na magsusuporta sa kanila, ngayon sa halip tayo ay mga usbong na kailangan gumawa ng balag mismo, bilang pinakakain pa ng tuod ng baging, subalit walang katawan kung saan makasasandal”. Iyan ang inyong sasabihin at pasasalamatan ninyo Ako.

At pagkatapos ng lahat!... Hindi ba’t maganda ang lumakad nang ganito, naglalaglag ng mga kislap ng liwanag, ng mga nota ng makalangit na himig, ng pangkalangitang mga korola, mga pabango ng katotohanan, pinaglilingkuran at pinupuri ang Diyos, sa mga lupain na nababalot sa kadiliman, sa mga piping puso, sa mga kaluluwa na kasing baog ng mga disyerto, upang mapanaigan ang baho ng Kasinungalingan, at gawin ang lahat na iyan, nang ganyan, kayo at Ako, ang Guro at ang Kanyang mga apostol, na may iisang puso lang, iisang mithiin lang, iisang kalooban lamang? Upang ang Diyos ay sana makilala at mamahal. Upang ang Diyos sana ay maipon Niya ang lahat na mga tao sa ilalim ng Kanyang tolda at ang lahat ay sana mapunta kung nasaan Siya. Iyan ang inaasahan, ang minimithi, ang kagutuman ng Diyos! At iyan ang inaasahan, ang mithiin, ang kagutuman ng mga kaluluwa, na hindi ng ibang mga lahi, bagkus nasa iisang lahi lamang: ang isang nilikha ng Diyos. At sa dahilan na silang lahat ay ang mga anak ng Iisang Diyos, sila ay may parehong mithiin, parehong mga inaasahan, parehong mga kagutuman para sa Langit, para sa Katotohanan, para sa tunay na Pagmamahal.

Ang siglu-siglo na mga pagkakamali ay tila nabago ang kalikasan ng mga kaluluwa. Ngunit hindi iyan ganyan. Ang mga pagkakamali ay binabalot ang mga kaisipan. Sapagkat ang kaisipan ay kahalo ng laman at nararamdaman ang mga epekto ng lason na inilagay ni Satanas sa hayop na tao. At kung gayon ang mga pagkakamali ay nababalot nito ang mga puso sapagkat ito ay inihugpong din sa laman, at mararamdaman ang epekto ng lason. Ang tripleng pagkakiling sa kasalanan ay nakakagat nito ang mga pándamá, mga damdamin at mga kaisipan. Ngunit ang espiritu ay hindi inihugpong sa laman. Ito ay maaaring magulat ng mga dagok na pinadadala ni Satanas at ng pagkakiling sa kasalanan. Maaari din itong halos mabulagan ng mga panggaganyak ng laman at ng mga wisik ng kumukulong dugo ng hayop na tao, kung kanino ito ay inihalo. Ngunit hindi nito nabago ang pagmimithi nito para sa Langit, para sa Diyos. Hindi ito maaaring magbago. Nakikita ba ninyo ang malinaw na tubig ng agos na ito? Iyan ay bumaba galing sa kalawakan at babalik iyan sa kalawakan sa pamamagitan ng ebaporasyon ng tubig na ginagawa ng mga hangin at ng araw. Iyan ay bababa at tataas muli. Ang mga elemento ay hindi nauubos, sila ay bumabalik sa kanilang pinanggalingan.

Ang espiritu ay bumabalik sa pinanggalingan nito. Kung ang tubig na ito rito, kasama ng mga batong ito, ay makapagsasalita, sasabihin nito sa inyo na ibig nitong bumalik sa kalawakan, upang mahipan ng mga hangin sa mga bukid ng papawirin, bilang isang malambot na puting ulap, o isang medyo rosal na ulap sa bukanliwayway, o maningning na tanso sa paglubog ng araw, o katulad ng isang biyoletang bulaklak sa agaw-liwanag kapag ang mga bituin ay nagsisimula nang sumilip. Sasabihin nito sa inyo na ibig nitong tumayo bilang isang panala para sa mga bituin na sumisilip sa pamamagitan ng mga puwang sa ulap upang mapaalalahanan ang mga tao tungkol sa Langit, o bilang isang belo para sa buwan, upang sana hindi nito makita ang kapangitan ng mga gawa sa lupa sa gabi, kaysa mapunta rito, nakakulong sa pagitan ng mga pampang, sa ilalim ng banta na maging putik, napipilitan na makita ang mga pag-uugnayan ng mga tubig-ahas at mga palaka, habang sanay na ito ng tanging kalayaan ng atmospera. Ang mga espiritu rin, kung sila ay mangangahas na magsalita, ay sasabihin ang gayon din: “Ibigay sa amin ang Diyos! Ibigay sa amin ang Katotohanan!”. Ngunit hindi nila sinasabi iyan, sapagkat nalalaman nila na ang tao ay walang alam, hindi naiintindihan, o tinutuya nito, ang mga pakiusap ng “dakilang mga pulubi”, ng mga espiritu na naghahanap sa Diyos upang mapaginhawahan ang kanilang teribleng pagkauhaw: ang kanilang pagkagutom para sa Katotohanan.

Ang mga idolatra, ang mga Romano, ang mga ateo, ang mga di-masaya na ating natatagpuan sa daan, at lagi ninyong matatagpuan, ang mga kinasusuklaman sa kanilang pagmimithi para sa Diyos, sa pamamagitan man ng mga pulitika o pagkamakasarili ng pamilya, o sa pamamagitan ng mga erehiya na nanggaling sa karumihan ng mga puso at ikinalat sa buong mga nasyon: silang lahat ay gutom! Sila ay gutom!  At Ako ay naaawa sa kanila. At kailangan bang Ako ay walang awa sa kanila, bilang Siya Na Ako nga? Kung dala ng awa naglalaan Ako ng pagkain para sa mga tao at mga ibong pipit, bakit kailangan na hindi Ako magkaroon ng awa sa mga espiritu, na napipigilan na makasama ang Totoong Diyos, at ng mga iniuunat ang mga kamay ng kanilang mga espiritu sumisigaw: “Kami ay gutom!”? Sa palagay ba ninyo sila ay masama, o mababangis, o walang kakayahan na makarating hanggang sa  pagmamahal sa Relihiyon ng Diyos at sa Diyos Mismo? Mali kayo. Sila ay mga espiritu naghihintay sa pagmamahal at liwanag.

Ngayong umaga tayo ay nagising ng nagbabantang paghuni ng lalaking kambing na ibig na palayasin ang isang malaking aso na lumapit upang amuyin Ako. At kayo ay tumawa nakikita kung papaano ang kambing nagbabantang iniuumang ang kanyang mga sungay, pagkatapos na maputol ang maliit na tali na nagtatali sa kanya sa punungkahoy, sa ilalim nito kung saan siya natulog, at sa pamamagitan ng isang talon inilagay niya ang kanyang sarili sa pagitan Ko at ng aso, na hindi tinitingnan na maaari siyang dumugin at lapain ng asong Molossian sa di-patas na labanan upang maipagsanggalang Ako. gayon din naman, ang mga tao na tila mga mabangis na kambing sa inyo, ay aabot hanggang sa may-katapangang ipagsasanggalang ang Pananampalataya ng Kristo, kapag malaman na nila na ang Kristo ay Pagmamahal nag-aanyaya sa kanila na sundan Siya. Inaanyayahan Niya sila. Nag-aanyaya Siya. At kailangan na tulungan ninyo sila na lumapit.

Makinig sa isang parabula.

Ang isang lalaki ay nagpakasal at ang kanyang asawa ay nabigyan siya ng maraming anak na lalaki. Ngunit ang isa sa kanila ay ipinanganak na may kapansanan sa kanyang katawan at tila nanggaling sa ibang lahi. Ang lalaki ay tiningnan siya na isang kahihiyan at hindi niya siya minahal, bagama't ang bata ay inosente. Ang bata ay pinalaking kasama ang pinakamababang mga katulong at ganap na pinabayaan at sa gayon tiningnan na mas mababang tao ng kanyang mga kapatid din. Ang kanyang ina ay namatay sa pagluluwal sa kanya at dahil dito walang ina na makapagpapahupa sa kagaspangan ng ama sa kanya, o mapatigil ang kanyang mga kapatid sa panunuya sa kanya, o itama ang mga maling idea na nasa murang isip ng anak, isang maliit na mabangis na hayop na pinagbibigyan na lang sa bahay ng mga minamahal na anak.

At ganyan naging ganap na lalaki ang bata. Ang kanyang pangangatwiran ay nahuling umunlad ngunit narating ang kagulangan at naintindihan niya na hindi tama na ang isang anak ay palakihin sa loob ng isang establero, na pakainin sa pamamagitan ng isang piraso ng tinapay at damtan ng mga basahan, na hindi kailanman nakatatanggap ng isang halik, o kinakausap o inaanyayahan sa loob ng bahay ng kanyang ama. At siya ay naghirap nang napakapait at naghihinagpis sa loob ng kanyang lungga: “Ama! Ama!”. Kinakain niya ang kanyang tinapay, ngunit may malaking kagutuman pa rin sa kanyang puso. Tinatakpan niya ang kanyang sarili sa pamamagitan ng kanyang mga damit, ngunit nakararamdam siya ng matinding ginaw sa loob ng kanyang puso. Ilang mga hayop at ilang maawain mga tao ng nayon ay mapagkaibigan sa kanya. Ngunit ang kanyang puso ay puno ng pangungulila. “Ama! Ama!”… Ang mga katulong, ang kanyang mga kapatid, ang kanyang kapwa mamamayan ay naririnig siyang umuungol nang ganyan lagi, na tila siya ay baliw. At siya ay tinawag na “baliw”.

Sa wakas ang isa sa mga katulong ay naglakas-loob na pumunta sa kanya, nang siya ay halos maging isa nang hayop, at nagsabi sa kanya: “Bakit hindi ka lumuhod sa paanan ng iyong ama?”.  “Natatakot ako”. “Ngunit ibig mo ba?”. “Siyempre gusto ko! Sapagkat iyan ang ikinagugutom ko, ikinagiginaw ko, at pakiramdam ko ako ay nasa isang disyerto. Ngunit hindi ko alam kung papaano mamuhay sa loob ng bahay ng aking ama”. Ang mabuting katulong kung gayon ay nagsimulang turuan siya, na magmukhang mas desente, na mabawasan ang kanyang takot nang pagiging di-maganda sa kanyang ama, nagsasabing: “Ang iyong ama ay gusto ka, ngunit hindi niya alam kung minamahal mo siya. Lagi mo siyang iniiwasan… Pagaanan mo ang iyong ama sa pagsisisi niya sa pagiging napakahigpit niya sa iyo at sa pamimighati na ikaw ay nangungulila. Halika. Ang iyong mga kapatid din ay hindi ka na pagtatawanan sapagkat sinabi ko sa kanila ang tungkol sa iyong pamimighati”.

At ang kaawa-awang anak isang gabi ay ginabayan ng mabuting katulong patungo sa bahay ng kanyang ama at siya ay sumigaw: “Ama, minamahal ko kayo, payagan akong makapasok!...”. At ang kanyang ama, na ngayon ay matanda na at malungkot na iniisip ang kanyang nakaraan at ang kanyang eternal na hinaharap, ay nagulat sa tinig na iyon at nagsabi: “Ang aking pamimighati ay naglalaho sa wakas sapagkat sa tinig ng aking may kapansanang anak napakinggan ko ang aking sariling tinig, at ang kanyang pagmamahal ay ang katibayan na siya ay dugo ng aking dugo at laman ng aking laman. Kung gayon papasukin siya at kunin niya ang kanyang lugar kasama ang kanyang mga kapatid at pagpalain ang mabuting katulong sa paghusto sa aking pamilya sa pamamagitan ng pagdala sa tinanggihang anak na makasama ang lahat na anak ng kanyang ama”.

Iyan ang parabula. Ngunit sa paggamit nito, kailangan na tandaan ninyo na ang Ama ng mga anak na may kapansanang espirituwal, ibig sabihin ang Diyos – sapagkat ang mga schismatic¹, mga erehe, mga napahiwalay, ay mga may-kapansanang espirituwal – ay mga napilitan na maging mahigpit sa pamamagitan ng buluntad na mga kapansanan na ginusto ng Kanyang mga anak. Ngunit ang Kanyang pagmamahal ay hindi kailanman bumigay. Siya ay naghihintay para sa kanila. Dalhin sila sa Kanya. Iyan ay inyong katungkulan.

Tinuruan Ko kayo na sabihin: “Ama namin, bigyan Ninyo kami ngayon ng aming tinapay”. Ngunit nababatid ba ninyo kung ano ang ibig sabihin ng “amin”? Hindi ibig sabihin nito inyo, kayong labindalawa. Hindi inyo bilang mga disipulo ng Kristo. Bagkus inyo bilang mga tao. Para sa lahat na mga tao. Para sa kasalukuyan at para sa mga darating. Para sa nakakakilala sa Diyos at para sa hindi nakakakilala sa Kanya. Para sa mga nagmamahal sa Diyos at sa Kanyang Kristo at para sa mga hindi nagmamahal sa Kanya o nagmamahal nang masama.

Inilagay Ko sa inyong mga labì ang isang panalangin para sa lahat. Iyan ang inyong ministeryo.  Kayo, na nakakikilala sa Diyos at sa Kanyang Kristo at nagmamahal sa Kanila, ay kailangan na magdasal para sa lahat. Sinabi Ko sa inyo na ang Aking panalangin ay unibersal na panalangin. At tatagal katulad ng mundo. At kailangan na kayo ay magdasal nang pang-unibersal, pinagsasama-sama ang inyong mga tinig at inyong mga puso ng mga apostol at mga disipulo ng Simbahan ni Jesus sa mga tao na mga taga ibang Simbahan, na maaaring mga kristiyano ngunit hindi ng apostolado. At kailangan na kayo ay mamilit, sapagkat kayo ay mga magkakapatid, kayo na nasa bahay ng Ama, sila na nasa labas ng pangkalahatang Ama, na may kanilang kagutuman, kanilang galimgim, hanggang sa sila rin, katulad sa inyo,  ay mabigyan ng totoong “tinapay” na siyang ang Kristo ng Panginoon, na ipamimigay sa apostoladong mga mesa, hindi sa kung saan pang iba kung saan ito ay inihahalo sa di-dalisay na mga pagkain. Kayo ay kailangan na mamilit hanggang sabihin ng Ama sa mga may-kapansanang mga kapatid: “Ang Aking kapighatian ay naglalaho, sapagkat napakinggan Ko ang tinig at ang mga salita ng Aking Bugtong Na Panganay na Anak sa kanilang mga tinig. Pagpalain ang mga katulong na nagdala sa inyo sa Bahay ng inyong Ama upang mabuo ang Aking Pamilya”. Mga lingkod ng isang Walang-hangganang Diyos, kailangan na lagyan ninyo ng kawalang-hangganan ang bawat intensiyon ninyo. Naintindihan ba ninyo?

Nariyan ang Jabneel. Minsan ang Arko ay dumaan dito sa pagpunta nito sa Ekron, na hindi nagawa ng lugar na ito na mapanatili ang Arko at ibinalik Ito sa Beth-Shemesh. Ang Arko ay papuntang Ekron sa muli. Juan, sumama ka sa Akin. Ang lahat na iba pa ay mananatili sa Jabneel. Magnilay at mag-ingat kung papaano magsalita. Kapayapaan sa inyo.»

Ai Jesus ay umalis kasama si Juan at ang kambing na, humuhuni, sinusundan Siya katulad ng isang aso.

090311 

¹ Ang gumagawa ng pagkakahati-hati.



Sunod na kabanata