222. Pagawing Modin.

Hulyo 18, 1945.

Ang mga burol pagkatapos ng Jabneel, mula kanluran patungong silangan kung titingnan mula sa polong tala, ay tumataas ang sukat at sa likuran nila mas marami pang makikita na pataas pa nang pataas. Ang berde at biyoletang mga taluktok ng mga bundok ng Judea ay namumukod sa malayo, sa agaw liwanag. Ang araw ay mabilis na nagtapos, katulad na ito ay kadalasan sa mga rehiyon sa timog. Mula sa maningning na pula na paglubog ng araw, wala pang isang oras ito ay naging ang unang pagkisap ng mga bituin at ito ay tila imposible na ang umaapoy na araw ay bigla na lamang nawala, inaalis ang dugong-kapulahan na kalangitan na may pakapal-nang-pakapal na belo ng pulang amatista, na pagkaraan ay naging malbas at unti-unting nagbabago ang kulay nagiging mas nasisinag, nagpapakita ng di-tunay na kalangitan, hindi na asul, bagkus maputlang berde, na dumidilim sa pagiging abuhing asul ng sariwang abena, pinahihiwatig ang indigo na siyang maghahari sa loob ng gabi, may tampok na mga brilyante katulad ng isang makaharing manta. At ang unang mga bituin ay nagngingitian na sa silangan kasama ang munting karit ng buwan na nasa unang kaapat. Ang lupa ay lalu’t lalo pang ginagawang tila paraiso sa liwanag ng mga bituin at sa katahimikan ng mga tao. Ngayon ang hindi nagkakasala ay umaawit: mga ruwinsensor, tubig na lumalagukgok, mga dahon na lumalagaslas, humuhuning mga kuliglig, at mga palaka na sa akompanyamyento ng mga oboe ay umaawit sa hamog. Baka pati ang mga bituin sa itaas doon ay umaawit din… sa dahilan na sila ay mas malapit sa mga anghel kaysa tayo. Ang init ay humihina sa hangin ng gabi, basa sa hamog na napakaganda para sa mga yerba, mga tao at mga hayop!

Si Jesus Na naghintay sa paanan ng isang burol para sa mga apostol na manggagaling sa Jabneel kung saan si Juan ay nagpunta upang sunduin sila, ay ngayon nakikipagusap na sa Iskariote, kung kanino Siya ay nag-aabot ng ilang lukbutan ng pera na may tagubilin kung papaano iyon ipamimigay. Sa likuran Niya ay naroroon si Juan, hawak ang lalaking kambing. Siya tahimik, sa pagitan ng Zealot at ni Bartolomeo, na nagsasalita tungkol sa Jabneel kung saan sina Andres at Felipe ay umasal nang napakabuti. Sa bandang likuran pa, naroon ang lahat sa iisang grupo; nagsasalita nang malalakas at sinusuma ang kanilang pakikipagsapalaran sa rehiyon ng mga Pilisteo at bukas na binabanggit ang kanilang lugod para sa kanilang pagbabalik sa Judea para sa Pentekostes sa pinakamaagang hinaharap.

«Totoo bang pupunta tayo roon malapit na?» tanong ni Felipe, na pagod-na-pagod sa paglalakad sa maiinit na buhangin.

«Iyan ang sinabi ng Guro. Napakinggan mo Siya» tugon ni Santiago ni Alfeo.

«Ang aking kapatid ay tiyak na alam. Ngunit Siya ay tila nawawala sa pagsasalamisim. Kung ano ang kanilang ginawa sa loob ng limang araw na ito ay isang misteryo» sabi ni Santiago ni Zebedeo.

«Oo nga. Gustung-gusto ko nang makaalam. Iyan man lang bilang kapalit para sa… pampurgang iyon sa Jabneel. Limang araw na sa loob nito kinailangan natin na bantayan ang bawat salita, bawat hakbang at kung saan titingin, upang maiwasan na mapasabak sa problema» sabi ni Pedro.

«Gayunpaman, tayo ay nagtagumpay. Nagsisimula na tayong matuto» sabing masaya ni Mateo.

«Upang sabihin ko sa iyo ang katotohanan… nanginginig ako sa takot dalawa o tatlong beses. Ang pinagpalang batang iyon na Judas ni Simon!... Hindi na ba siya kailanman matututo na pigilan ang kanyang sarili?» sabi ni Felipe.

«Matututo siya, kapag siya ay matanda na. At sa kabila nito, maaari nating sabihin na ginagawa niya iyon para sa mabuting pakay. Narinig mo ba Siya? Ang Guro din ay nagsabi. Ginagawa niya iyon dala ng pagsusumikap…» wika ni Andres upang mapangatwiranan siya.

«Tigilan mo nga iyan! Sinabi iyan ng Guro sapagkat Siya ay Kabutihan at Kahinahunan. Ngunit hindi sa palagay ko sumasang-ayon Siya» tugon ni Pedro.

«Siya ay hindi nagsisinungaling» balik-sabi ni Tadeo.

«Ito ay hindi tungkol sa pagsisinungaling. Ngunit nalalaman Niya kung papaano tumugon nang pinakamahinahon, at hindi natin alam kung papaano gawin iyan, at nagsasalita Siya ng katotohanan na walang puso ng sinuman ang masasaktan, walang magagalit na sinuman at walang kinagagalitang sinuman. Siyempre, Siya ay Siya!» sabi ni Pedro na may pagbuntung-hininga.

Sila ay naging tahimik habang naglalakad sa palinaw-nang-palinaw na sinag ng araw. Pagkatapos si Pedro ay nagsalita kay Santiago ni Zebedeo: «Subukan at tawagin si Juan. Hindi ko alam kung bakit iniiwasan niya tayo.»

«Masasabi ko sa iyo kaagad: sapagkat nalalaman niya na mapahihirapan natin siya na makaalam tayo» tugon ni Tomas.

«Siyempre! At siya ay nananatiling kasama ng dalawang pinakamahinahon at marurunong» patotoo ni Felipe.

«Bueno, subukan pa rin, Santiago, maging mabuti» pagpilit ni Pedro.

At si Santiago, wala nang magawa, tinawag si Juan nang tatlong beses: ang huli ay hindi makarinig, o nagkukunwaring hindi makarinig. Si Bartolomeo sa halip ang lumingon at si Santiago ay nagsabi sa kanya: «Sabihin mo sa aking kapatid na pumunta rito» at pagkatapos kay Pedro: «Ngunit hindi niya sa palagay ko sasabihin sa atin.»

Si John ay masunuring lumapit kaagad at nagtanong: «Ano ang kailangan ninyo?»

«Ibig naming malaman kung tayo ay tuwiran na pupunta sa Judea mula rito?» tugon ng kanyang kapatid.

«Iyan ang sinabi ng Guro. Siya ay halos nasa punto na na hindi na bumalik mula sa Ekron at ipadadala na Niya ako upang sunduin kayo. Pagkatapos ginusto Niya na pumunta sa kasing layo ng mga huling dalisdis na ito… Sapagkat makakapunta rin ang isa sa Judea mula rito.»

«Sa pamamagitan ng Modin?»

«Sa pamamagitan ng Modin.»

«Iyan ay hindi ligtas na daan. Ang mga bandido ay naghihintay para sa mga karabana sa tabi ng daan at aatake nang biglaan» pagtutol ni Tomas.

«O!... kasama Siya!... Walang makakaharap sa Kanya!...» tugon ni Juan tinitingnan ang kalangitan lubos na nasisiyahan sa kung sino ang naka-aalam na mga alaala at ngumingiti.

Lahat sila ay pinagmamasdan siya at si Pedro ay nagsabi: «Sabihin mo sa akin: ikaw kaya ay nagbabasa ng magandang kuwento sa mabituin na kalangitan, sa pamamagitan ng tingin na iyan sa iyong mukha?»

«Ako? Hindi…»

«Tigilan mo iyan! Pati ang mga bato ay nakikita na ikaw ay milya-milya ang layo sa mundo. Sabihin mo sa akin: ano ang nangyari sa inyo sa Ekron?»

«Wala, Simon. Matitiyak ko sa iyo. Hindi ako magiging masaya kung may masamang nangyari.»

«Hindi masama. Sa kabaligtaran!... Sige na! Magsalita!»

«Ngunit wala akong masasabi bukod sa nasabi na Niya sa inyo. Sila ay mababait katulad ng mga tao na humanga sa mga himala. Iyon lang. Eksakto ng Kanyang sinabi.»

«Hindi» at si Pedro ay iniiling ang kanyang ulo. «Hindi. Hindi ka magaling sa pagsisinungaling. Ikaw ay kasing linaw ng tubig tagsibol. Hindi. Nagbago ang kulay mo. Kilala na kita mula pa nang bata ka. Hindi ka kailanman makapagsisinungaling. Hindi mo magagawa dahil sa iyong puso, sa iyong kaisipan, sa iyong dila, sa iyong pinakabalat na nagbabago ang kulay. Iyan kung bakit mahal na mahal kita at lagi kitang minahal. Makinig, halika rito, sa iyong matandang Simon ni Jonah, iyong matandang kaibigan. Naaalaala mo nang ikaw ay isa pang maliit na bata at ako ay isa nang lalaki? Gaano kita haplusin. Gusto mo ang mga kuwento at kortso na mga bangka-bangkaan “na hindi kailanman lumulubog”, madalas mong sabihin at na siyang kailangan mo upang makapunta sa malayo… Ngayon din ikaw ay pumupunta sa malayo at iniiwan mo ang kaawa-awang Simon sa baybayin. At ang iyong maliit na bangka ay hindi kailanman malulubog. Iyan ay naglalayag na puno ng mga bulaklak katulad ng mga bangka na madalas mong palayagin, nang bata ka pa, sa Bethsaida, sa ilog, upang ang ilog ay matatangay sila sa lawa at sila ay maglalayag at maglalayag… Naaalaala mo ba? Minamahal kita, Juan. Kaming lahat ay minamahal ka. Ikaw ay ang aming layag. Ikaw ay ang aming bangka na hindi malulubog. Naglalayag kami sa loob ng iyong alimbukay. Bakit hindi mo sa amin sabihin ang himala sa Ekron?»

Si Pedro ay nagsalita yapos ng isang kamay ang baywang ni Juan, na nagsisikap na iwasan ang tanong, nagsasabing: «Dahil ikaw ay ang aming hepe, bakit hindi ka magsalita sa mga pulutong na may ganyang lakas ng pangungumbinsi na ginagamit mo sa akin? Nangangailangan silang makumbinsi, hindi ako.»

«Sapagkat mas magaan ang aking pakiramdam sa iyo. Minamahal kita, ngunit hindi ko sila kilala» sabi ni Pedro ipinapasubali ang kanyang sarili.

«At hindi mo sila minamahal. Iyan ang iyong pagkakamali. Mahalin sila, kahit na kung hindi mo sila nakikilala. Sabihin sa iyong sarili: “Sila ay pag-aari ng aming Ama”. Parang sila ay kilala mo na kung gayon at mamamahal mo sila. Makikita mo sa kanila ang napakaraming Juan…»

«Iyan ay madaling sabihin! Tila ang mga ahas at mga baboyramo ay maipapalit sa iyo, aking eternal na bata.»

«O! hindi! Ako ay katulad ng lahat pang iba.»

«Hindi, kapatid. Hindi katulad ng lahat. Kami, maliban siguro kay Bartolomeo, Andres at sa Zealot, ay sasabihin sa lahat kung ano ang nangyari sa amin at nakapagpasaya sa amin. Ikaw ay tahimik. Ngunit kailangan na sabihin mo sa akin, iyong matandang kapatid. Ako ay katulad ng ama sa iyo» sabi ni Santiago ni Zebedeo.

«Ang Diyos ay ang aking Ama, si Jesus aking Kapatid, at si Maria aking Ina…»

«Kung gayon ang dugo ay walang anuman sa iyo?» sigaw na nag-aalala ni Santiago.

«Huwag mabalisa. pinagpapalà ko ang dugo at ang sinapupunan na bumuo sa akin: ang aking ama at ina; at pinagpapalà kita, aking kapatid ng parehong dugo: ang una sapagkat pinanganak nila ako at nagpalaki sa akin upang magawa kong masundan ang Guro; at ikaw sapagkat sinusundan mo Siya. Mula ng ang aking ina ay naging isang disipulo, minamahal ko siya nang dalawang paraan: sa pamamagitan ng aking laman at dugo bilang isang anak; sa pamamagitan ng aking kaluluwa bilang kanyang kapwa disipulo. O! anong lugod ang makaisa sa Kanyang pagmamahal!...»

Si Jesus ay bumalik pagkatapos na marinig ang nag-aalalang tinig ni Santiago at ang huling mga salita ay nalinaw ang sitwasyon sa Kanya. «Iwanang mag-isa si Juan. Walang-walang saysay ang pahirapan siya. Katulad-na-katulad niya ang Aking Ina. At siya ay hindi magsasalita.»

«Bueno, kung gayon, sabihin sa amin» lahat sila ay nangungusap.

«Bueno, iyon ay ganito. Isinama Ko si Juan sa Akin sapagkat siya ay ang pinaka-angkop para sa ibig Kong gawin. Ako ay natulungan at siya ay naging perpekto. Iyon lang.»

Sina Pedro, ang kapatid ni Juan, si Tomas, ang Iskariote ay nagkatinginan, mga napapangiwi, bigong katulad nila. At si Judas Iskariote, hindi kontento sa pagiging bigo, ay nagsabi ng ganito: «Bakit perpektuhin siya, na siya nang pinakamagaling?»

Si Jesus ay tumugon sa kanya: «Sinabi mo: “Ang lahat ay may kanya-kanyang pamamaraan at ginagamit ito”. Ako ay may Akin. Si Juan may kanya, na katulad-na-katulad ng Akin. Ang Akin ay hindi mapeperpekto. Ang kanya ay maaari. At ibig Ko iyan na ganyan, sapagkat iyan ang tama na iyan ay maging ganyan. At iyan kung bakit kinuha Ko siya. Sapagkat kailangan Ko ang isa na may ganyang paraan at ganyang kaluluwa.  Kung gayon huwag magkaroon ng ganyang masamang gana at walang pag-uusyuso. Tayo na sa Modin. Ang gabi ay mapayapa, malamig at malinaw. Maglalakad tayo hanggang may buwan, pagkatapos matutulog tayo hanggang pagsikat ng araw. Isasama Ko ang dalawang Judas upang pagpitaganan ang mga libing ng mga Macabeo, na ang maluwalhating pangalan dala nila.»

«Ang dalawa lamang sa amin ang kasama Ninyo?» bulalas nang masaya ng Iskariote.

«Hindi. Kasama ang lahat. Ngunit ang pagdalaw sa libing ng mga Macabeo ay para sa iyo. Upang sana magaya mo sila sa sobrenatural na pamamaraan, nakikipaglaban at nananalo sa ganap na espirituwal na larangan.»

090311

 

 



Sunod na kabanata