223. Si Jesus Nagsasalita sa mga Mandarambong.

Hulyo 19, 1945.

«Ako ay magsasalita sa lugar na ating pupuntahan» sabi ng Panginoon habang ang grupo ay papasok-nang-papasok sa mga lambak na sumasakop sa bundok sa pamamagitan ng matitigas na makikitid na mabatong mga daan, at tataas at bababa, mawawala ang tanawin sa mga kagiliran at kukunin muli ito. Panghuli, bumababa sa napakatarik na dalisdis, kung saan tanging ang kambing lamang ang nadadalian, katulad ng wika ni Pedro, narating nila ang malalim na lambak, kung saan sila makapagpapahinga at makakain nang kaunti malapit sa bukal, na napakayaman sa tubig.

Maraming iba pang mga tao ang nakakalat sa mga parang at mga palumpungan kumakain, katulad ni Jesus ang Kanyang mga apostol. Maaaring ito ay kilalang-kilala na pahingahang lugar na gusto ng mga manlalakbay, dahil protektado ito sa mga hangin at dito ay may malalambot na parang at maraming tubig. Sila ay mga peregrino na mga patungong Herusalem, mga manlalakbay na baka patungo sa Jordan, mga mangangalakal ng mga tupa na mga nakatalaga sa Templo, mga pastol kasama ang kanilang mga kawan. Ang ilan ay naglalakbay na nakakabayo, karamihan sa kanila naglalakad lamang.

May isang karabana rin ng kasalan na nasa kapistahang ayos, na kararating pa lamang. Mga gintong alahas ay nagniningning sa loob ng belo ng nobya, matanda lamang nang kaunti sa isang maliit na batang babae, na sinasamahan ng dalawang babae na katulad ng mga matrona nagkikislapan na may mga pulseras at kuwintas, at may kasamang isang lalaki, na baka siyang tulay, katabi ng dalawang katulong. Sila ay dumating nakasakay sa mga asno adornado ng mga ribon at mga kampanilya at sila ay tumabi sa isang sulok upang kumain, na tila natatakot na ang mga sulyap ng mga tao na naroroon ay malalapastangan ang bata-pang nobya. Ang tulay o kamag-anak, ano pa man ito, ay naglalagay ng mga bantay sa nananakot na aktitud habang ang mga kababaihan ay kumakain. Ang pag-usyuso ng mga tao ay labis na napukawan at sa katotohanan, sa pagdadahilan na makahiram ng kaunting asin, ng isang kutsilyo, ng isang patak ng suka, laging may isang tao na paparoo’t parito, upang malaman kung may nakakakilala sa nobya, saan ito papunta, at marami pang magagandang bagay katulad nito…

Sa katunayan may isang tao na naka-aalam kung tagasaan ang babae, saan siya papunta at na mas masayang sabihin niya ang lahat na kanyang nalalaman, at dahil din siya ay pinipilit ng isa pang lalaki na ginagawa siyang maging mas madaldal sa pagtatagay sa kanya ng kaunti ng napakasarap na alak. Sa loob ng kaunting mga sandali pati ang pinakalihim ng dalawang pamilya ay nalaman, na may impormasyon tungkol sa trusu, na dala-dala ng nobya sa mga kahon, at tungkol sa kayamanan na naghihintay para sa kanya sa bahay ng kanyang asawa at patuloy pa. Sa gayon nalaman nila na ang nobya ay ang anak ng isang mayaman na mangangalakal sa Joppa, at ikakasal sa anak ng isang mayaman na mangangalakal sa Herusalem, at na ang nobyo ay nauna na sa kanya upang pasinayahan ang bahay ng kasalan para sa kanyang nalalapit na pagdating at na ang lalaki na sumasama sa kanya ay isang kaibigan ng nobyo at isang anak ng isa rin na mangangalakal, ni Abraham, na nagnenegosyo ng mga brilyante at mga batong hiyas, samantalang ang nobyo ay isang platero ng ginto, at ang ama ng nobya ay mangangalakal ng mga delana at pranela na mga damit, mga alpombra, mga kurtina…

Dahil ang madaldal ay malapit sa grupo ng mga apostol, napakinggan siya ni Tomas at nagtanong: «Ang nobyo kaya ay si Natanael ni Levi?»

«Oo, siya nga. Kilala mo siya?»

«Kilalang-kilala ko ang ama, sapagkat nakikipag-negosyo ako sa kanya, hindi ko masyadong kilala si Natanael. Isang mayamang kasalan!»

«At isang masayang nobya! Siya ay natatakpan ng ginto. Si Abraham, isang kamag-anak ng ina  ng nobya at ama ng kaibigan ng nobyo, ay nagpapasikat at gayon din ang nobyo at ang kanyang ama. Sinasabi nila na ang laman ng mga kahon na iyon ay katumbas ang maraming gintong mga talent.»

«Mabuting Panginoon!» bulalas ni Pedro at sumisipol ng isang himig. Pagkatapos sinabi niya: «Titingnan ko nang mabuti kung ang pangunahing kargamento ay umaayon sa iba pa» at siya ay tumayo, kasama si Tomas, at sila ay namasyal sa paligid ng grupo ng may kakasalin. Pinagmamasdan nila nang mabuti ang tatlong babae, tatlong bunton ng mga tela at belo, mula kung saan ang may mga alahas na mga kamay at mga pupulsuhan ay lumalabas, at nakikita nila mga tainga at mga leeg na nagkikislapan sa mga batong hiyas. Napagmamasdan din nila ang tulay, na labis na naglalakad nang may kayabangan, na tila magpapaalis siya ng mga pirata na umaatake sa maliit na birhen. Tumitingin din siya nang matalas sa dalawang apostol. Ngunit si Tomas ay pinakiusapan siya na kumustahin si Natanael ni Levi sa ngalan ni Tomas, tinatawag na Didymus. At sa gayon ang kapayapaan ay nagawa, labis-labis upang habang siya ay nagsasalita, ang nobya ay napangyari niya na siya ay hangaan, dahil tumayo siya sa pamamaraan na ang kanyang manta at belo ay nalaglag at siya ay lumitaw sa lahat na kayumihan ng kanyang katawan at mga damit naipakikita ang kanyang kayamanan karapat-dapat ng isang diyus-diyusan.

Maaaring siya ay labinlimang taong gulang, pinakamatanda na, at ang kanyang mga mata ay atertung-alerto! Siya ay palakad-lakad nang maarte sa kabila ng di-pagsang-ayon ng dalawang matrona sa kanyang sinasadyang pamamaraan: tinatanggalan niya ng mga pang-ipit ang kanyang mga tinirintas na buhok at ibabalik ulit ito sa pamamagitan ng mamahalin na pang-ipit: hinihigpitan ang kanyang sinturon na may mga tampok ng mga hiyas na bato: nag-aalis siya ng laso, huhubarin at isusuot ulit ang kanyang may istilong mga sandalyas, tinatalian ito ng may gintong mga hibilya, at kasabay na naipakikita ang kanyang magandang maitim na buhok, ang kanyang magagandang kamay at malalambot na braso, isang balingkinitang baywang, maayos na napormang dibdib at mga balakang, ang kanyang perpektong mga paa at ang lahat na kanyang mga alahas na kakalansing at kikislap sa liwanag ng agaw-liwanag o sa liwanag ng mga apoy ng unang mga siga.

Sina Pedro at Tomas ay bumalik. Si Tomas ay nagsabi: «Siya ay isang magandang bata.»

«Siya ay isang perpektong kiri. Baka ganyan… ngunit ang iyong kaibigan na Natanael ay malalaman pagdating ng araw na may ibang nagpapanatiling mainit ng kanyang higaan para sa kanya, habang nagpapainit siya ng ginto upang paluin ito. At ang kanyang kaibigan ay isang perpektong tanga. Inilalagay niya ang kanyang nobya sa tamang mga kamay!» paghinuha ni Pedro nauupo sa tabi ng kanyang kasama.

«Hindi ko gusto ang lalaking iyon na nagpapasalita sa isang tangang iyon doon. Nang mapakinggan niya ang lahat na gusto niyang malaman, umalis siya pataas sa bundok… Ito ay masamang lugar. At ang panahon ay tamang-tama para sa mga mandarambong. May-buwan na mga gabi. Nakahahapo na init. Mga punungkahoy lahat natatakpan ng mga dahon. H’m! Ayaw ko ang lugar na ito.» bulong ni Bartolomeo. Mas mabuti pang magpatuloy.»

«At ang kulang-kulang na iyon na nagbabanggit ng lahat na kayamanan! At ang isang iyon na nagpapakitang siya ang bayani at ang bantay ng mga anino na hindi makakita ng tunay ng mga katawan!... Bueno, magbabantay ako malapit sa siga. Sino ang sasama sa akin?» tanong ni Pedro.

«Ako, Simon» tugon ng Zealot. «Makapagbabantay ako na walang tulog.»

Marami sa mga tao, lalo na ang mga nag-iisang naglalakbay, ay tumayo at umalis paunti-unti. Ang mga natira ay ang mga pastol kasama ang kanilang mga kawan, ang grupo ng may ikakasal, ang apostoladong grupo at ang tatlong mangangalakal ng mga tupa, na mga natutulog na. Ang nobya rin ay tulog na kasama ang mga matrona sa loob ng isang tolda na itinayo ng mga katulong. Ang mga apostol ay naghahanap ng lugar na matutulugan, habang si Jesus ay umalis upang magdasal. Ang mga pastol ay nagsindi ng siga sa gitna ng mahawang lugar kung nasaan ang kanilang mga kawang. Sina Pedro at Simon ay nagsindi pa ng isa malapit sa daan ng bangin kung saan ang lalaki kanina ay nawala, ang isa na napagdududahan ni Bartolomeo.

Ang oras ay dumaraan at ang mga hindi naghihilik ay tumatango. Si Jesus ay nagdarasal. May malalim na katahimikan. Ang bukal na nagniningning sa liwanag ng buwan ay tila tahimik din. Ang buwan ay ngayon mataas na sa kalangitan at ang mahawang lugar ay maningning na naliliwanagan, samantalang ang mga gilid ay nadidiliman ng makapal na mga kadahunan.

Ang isang malaking aso ng mga tupa ay umaangil. Ang isang pastol ay itinaas ang kanyang ulo. Ang aso ay tumayo itinataas ang mga balahibo nito sa likuran at nakaumang na alerto. Nanginginig pa nga ito sa pagkabalisa habang ang pag-angil ay palakas pa nang palakas. Si Simon din ay itinaas ang ulo at inuuga si Pedro na natutulog. Isang munting kaluskos ang maririnig sa kakahuyan. «Puntahan natin ang Guro. Isasama natin Siya» sabi ng dalawang apostol. Pansamantala ang pastol ay ginigising ang kanyang mga kasama. Silang lahat ay nakikinig na walang ingay. Si Jesus din ay gumising na, bago pa Siya tinawag at patungo sa dalawang apostol.  Sila ay nag-ipun-ipon malapit sa kanilang mga kasamahan, ibig sabihin, malapit sa mga pastol, na ang kanilang aso ay naging mas balisa.

«Tawagin ang mga natutulog. Ang lahat. Sabihin sa kanila na pumarito, na hindi gumagawa ng ingay, lalo na ang mga kababaihan at ang mga katulong na may dala ng mga kahon. Sabihin sa kanila na baka may mga mandarambong sa paligid. Ngunit huwag sabihan ang mga babae, ang mga lalaki lang.» Ang mga apostol ay kumalat sinusunod ang Guro Na nagsasabi sa mga pastol: «Maglagay ng maraming kahoy sa apoy upang  magbigay iyan ng magandang liwanag.» Ang mga pastol ay sumunod, at sa dahilan na sila ay nag-aalala, sinabi ni Jesus sa kanila: «Huwag matakot. Ni isang lamuymoy ng lana ay hindi makukuha sa inyo.»

Ang mga mangangalakal ay dumating at bumulong: «O! Ang aming kita!» at nagdadagdag sila ng sunud-sunod na mga pang-aabuso sa Roma at Judiong mga gobernador na hindi nito inaalisan ang mundo ng mga magnanakaw.

«Huwag matakot. Walang sinuman ang gagalaw sa inyo. Ni hindi nila kayo titingnan» sabi ni Jesus upang paginhawahan sila at Kanyang dinala ang mga babae sa gitna ng maliit na grupo ng mga kalalakihan at natatakot na mga hayop.

Ang mga asno ay nag-iingay, ang aso ay tumatahol, ang mga tupa ay nag-memee, ang mga babae ay humihikbi at ang mga kalalakihan ay nagmumura o mas hinihimatay pa kaysa sa mga kababaihan, isang tunay na linggal na nagawa ng takot.

Si Jesus ay kalmante, na tila walang nangyari. Ang pagkaluskos sa kakahuyan ay hindi na naririnig dahil sa ingay. Ngunit ang presensya ng papalapit na mga magnanakaw sa kakahuyan ay pinatutunayan ng ingay ng nababaling mga sanga at gumugulong na mga bato. «Katahimikan!» utos ni Jesus. At iniutos Niya iyon sa gayong paraan na ang lahat ay nanahimik.

Si Jesus ay iniiwan ang Kanyang lugar at nagpapatungo sa kakahuyan, sa gilid ng kahawanan. Tinalikuran Niya ang kakahuyan at nagsimulang magsalita.

«Ang masamang pagtatakaw sa ginto ay nadadala ang mga tao sa mabababang pakiramdam. Ang tao ay nagagawa siyang makilala dahil sa kanyang kagutuman para sa ginto nang higit pa kaysa sa ano pa man na bagay. Tingnan kung gaanong kasamaan ang nagagawa ng metal na ito sa pamamagitan ng nanrarahuyo ngunit walang silbing kaningningan nito. Sa Aking palagay ang hangin sa Impiyerno ay kapareho ang kulay, napakamala-impiyerno ang kalikasan nito mula ng ang tao ay naging makasalanan. Ang Tagapaglikha ay iniwanan ito sa mga bituka ng dambuhalang “lapislazuli” na iyan na siyang ang lupa, nilikha ng Kanyang kalooban, upang sana ito ay maging kapaki-pakinabang sa tao kasama ang mga asin nito at isang palamuti sa mga templo. Ngunit si Satanas, hinahalikan ang mga mata ni Eba, at kinakagat ang kaakuhan ng tao, binigyan ng lasa ng panggagaway ang inosenteng metal na iyan. At mula niyan ang tao ay pumapatay at nagkakasala para sa ginto. Ang babae para diyan ay nagiging isang kiri at nakakiling sa pagkakasala sa laman. Ang tao para diyan ay nagiging magnanakaw, kamkamero, mamamatay tao, marahas laban sa kanyang kapwa at sa kanyang sariling kaluluwa, na kanyang napagkakaitan ng tunay na pamana nito, upang sundan ang mga lumilipas ng mga bagay, at napagkakaitan din niya ito ng eternal na kayamanan para sa iilan ng nagniningning na mga kaliskis, na kailangan niyang iwanan sa kanyang kamatayan.

Kayo, na para sa ginto, ay nagkakasala nang kaunti, o nagkakasala nang grabe, at habang nakagagawa kayo ng kasalanan, mas lalo ninyong tinatawanan ang mga itinuro sa inyo ng inyong mga ina at mga tagapagturo sa paaralan, katulad ng, na mayroon gantimpala o kaparusahan para sa mga ginawa sa loob ng inyong pamumuhay, hindi ba ninyo titingnan na dahil sa kasalanang iyan nawawala ninyo ang proteksiyon ng Diyos, ang eternal na buhay at lugod, at magkakaroon kayo sa inyong puso ng kabalisahan at maldisyon, habang ang takot ay inyong magiging kasama-sama, takot sa pantaong kaparusahan, na wala kung ikukumpara sa takot, na kailangan na mayroon kayo ngunit wala kayo, takot sa dibinong kaparusahan? Hindi ba ninyo titingnan na maaari kayong magkaroon ng nakakatakot na katapusan dahil sa inyong mga maling ginagawa, kung kayo ay umabot sa pagiging mga kriminal; at baka mas nakakatakot pang katapusan, dahil ito ay magiging isang walang-hangganang katapusan, na kung dahil sa ginto, ang inyong mga maling ginagawa ay hindi umabot sa pagpapadanak ng dugo, ngunit nabale-wala ninyo ang batas ng pagmamahal at ng paggalang sa inyong kapwa, sa pagkakait ng tulong sa mga nagugutom sa pamamagitan ng inyong katakawan sa pera, o pagnanakaw ng pusisyon o pera o pandaraya sa pamamagitan ng huwad na mga timbangan, dahil sa inyong kasakiman? Hindi. Hindi ninyo tinitingnan ang lahat na iyan. Sinasabi ninyo: “Iyan ay mga kuwentu-kuwento lamang! At nasira ko ang mga kuwentu-kuwentong iyan sa dami ng aking ginto. At ang mga iyan ay wala na”.

Hindi iyan kuwentu-kuwento lamang. Iyan ang katotohanan. Huwag sabihin: “Bueno, kung ako ay patay na, iyan na ang katapusan ng lahat”. Hindi. Iyan ang simula. Ang susunod na buhay ay hindi isang kalaliman na walang kaisipan at walang alaala tungkol sa nakaraan na inyong ipinamuhay o walang paghahanap para sa Diyos, katulad na ganyan ang inyong iniisip tungkol sa panahon ng paghihintay sa pagpapalaya ng Tagapagtubos. Ang susunod na buhay ay isang masayang paghihintay para sa mga makatarungan, isang may-tiyaga na paghihintay para sa mga nagbabayad-kasalanan, isang nakakatakot na paghihintay para sa mga naisumpa. Para sa una sa Limbo, para sa ikalawa sa Purgatoryo, para sa pangatlo sa Impiyerno. At habang ang paghihintay ay matatapos para sa una kapag pinasok nila ang Langit pagkatapos ng Tagapagtubos, ito ay mapagiginhawahan para sa ikalawa ng isang mas malaking pag-asa pagkatapos ng oras na iyan, habang ang katiyakan ng nakakatakot na eternal na maldisyon ay mapatótotohanan para sa ikatlo.

Isipin ang tungkol diyan, kayong mga nagkakasala. Hindi kailanman huli na na magsisisi. Baguhin ang hatol na isinusulat sa Langit laban sa inyo, sa pamamagitan ng tunay na pagsisisi. Huwag ninyong gawin ang Sheol na isang impiyerno para sa inyo, bagkus isang nagbabayad-kasalanan na paghihintay, iyan man lang, sa pamamagitan ng inyong sariling kalooban. Huwag ninyong gawin iyan na kadiliman, bagkus bukanliwayway, hindi pagpaparusa, bagkus galimgim, hindi kawalang-pag-asa, bagkus pag-asa. Lakad. Huwag sikapin na lumaban sa Diyos. Siya ay ang Malakas at Mabuting Isa. Huwag insultuhin ang mga pangalan ng inyong mga kamag-anak. Pakinggan ang tangis ng pontanyang iyan, katulad niyan ang tangis na bumibiyak sa mga puso ng inyong mga ina nalalaman na kayo ay mga mamamatay-tao. Pakinggan ang atungal ng hangin sa bangin na iyon. Tila iyan ay nananakot at nanunumpa. Katulad ng panunumpa ng inyong mga ama para sa buhay na inyong ipinamumuhay. Pakinggan ang may-kabalisahan na pag-iyak ng inyong mga puso. Bakit ibig ninyong maghirap samantalang maaari kayong mapayapang makontento ng may kakaunti sa lupa at may lahat sa Langit? Pagkalooban ninyo ng kapayapaan ang inyong mga espiritu? Bigyan ng kapayapaan ang mga tao na natatakot, na kailangan matakot sa inyo na tila kayo ay kasing dami ng mababangis na hayop! Pagkalooban ninyo ng kapayapaan ang inyong mga sarili, kaawa-awang mga aba! Itaas ninyo ang inyong mga mata sa Langit, itikal ninyo ang inyong mga bunganga sa nakalalason na pagkain, padalisayin ninyo ang inyong mga kamay na may mga tumutulo ng dugo ng inyong mga kapatid, padalisayin ang inyong mga puso.

May paniniwala Ako sa inyo. Iyan kung bakit nagsasalita Ako sa inyo. Sapagkat kung ang buong mundo ay kinapopootan at kinatatakutan kayo, hindi Ko kayo kinapopootan at kinatatakutan. Bagkus inuunat Ko sa inyo ang Aking kamay upang sabihin sa inyo: “Bumangon. Lumapit. Maging mabababa-ang-loob sa pagitan ng mga tao, mga tao sa pagitan ng mga tao”. Ako ay hindi natatakot sa inyo na ngayon ay sasabihin Ko sa lahat na naririto: “Bumalik kayo at magpahinga. Huwag kayong magtanim ng masamang loob sa inyong kaawa-awang mga kapatid, bagkus magdasal para sa kanila. Ako ay mananatili rito tinitingnan sila na may nagmamahal na mga mata, at isinusumpa Ko na walang mangyayari. Sapagkat ang pagmamahal ay nakapagdidis-arma sa karahasan at pinupuno nito ang matakaw. Pagpalain ang Pagmamahal, ang totoong lakas ng mundo, ang di-kilala ngunit makapangyarihang lakas, ang lakas na siyang ang Diyos”.»

At kinakausap ang lahat si Jesus ay nagsabi: «Makaaalis na kayo. Huwag matakot. Wala nang mga gumagawa ng masama sa banda roon, bagkus mga dismayadong mga lalaki na lumuluha. Siya na lumuluha ay hindi nakapananakit. Hinihiling Ko sa Diyos na sila ay manatili katulad nila ngayon. Iyan ang kanilang katubusan.»

090311

 



Sunod na kabanata