224. Ang Pagdating sa Bether.

Hulyo 20, 1945.

Ang hilera ng mga hayop na sumusunod sa apostoladong grupo ay nagkaroon ng pagbabago. Ang kambing ay wala na roon at sa lugar nito ay may isang tupa at dalawang kordero. Isang matabang tupa na may magang suso, dalawang  maliit na kordero kasing saya ng makukulit. Isang munting kawan na di masyadong mahika kaysa sa napakaitim na lalaking kambing, at nagagawa ang lahat na masaya.

«Sinabi Ko sa inyo na magkakaroon tayo ng maliit na kambing upang magawa si Marjiam na isang maliit na masayang pastol. Sa halip na maliit na kambing, dahil ayaw ninyong makarinig ng mga kambing, nagkaroon tayo ng mga tupa. At mapuputi pa, eksakto na ginusto ni Pedro.»

«Siyempre! Akala ko si Beelzebub ang aking hinihila sa likuran ko» sabi ni Pedro.

«Sa katunayan, mula nang mapapunta iyon sa atin, ilan na di magaganda ang nangyari. Iyon ay isang engkanto na sumusunod sa atin» patotoong galít ng Iskariote.

«Isang mabuting engkanto, kung gayon. Sapagkat anong masama ang dumating sa atin?» sabing kalmante ni Juan.

Lahat sila ay sinisigawan siya kinagagalitan siya sa kanyang kabulagan. «Hindi mo ba nakita kung papaano sila tinuya sa Modin?» «At sa iyo bang palagay ang pagkabagsak ng aking kapatid ay wala lang? Maaaring nasira siya. Kung nabalian siya sa kanyang mga paa o sa kanyang likod, papaano natin siya mabubuhat mula roon?» «At sa palagay mo ba ang nangyari kagabi ay maganda?»

«Nakita ko ang lahat. Inisip ko ang lahat at pinagpapalà ko ang Panginoon sapagkat walang masama ang nangyari sa atin. Ang kasamaan ay pumupunta sa atin, ngunit iyon ay lumayas, katulad ng dati, at pagkatapos ang nangyari ay nagsilbing mag-iwan ng mga binhi ng kabutihan kapwa sa Modin at sa mga nag-aalaga ng mga ubasan, na mga dumating na nakatitiyak na may makikita sila ng kahit isa man lang na tao ang nasugatan at dala ang pangungutya ng sarili na nagkulang sila sa karidad, at sa katunayan ibig nilang makagawa ng mga pagsusulit; at ganyan din ang nangyari sa mga magnanakaw kagabi. Wala silang nagawang masama at tayo, ibig sabihin si Pedro, ay nakuha ang mga tupa bilang kapalit ng kambing at bilang regalo para sa kanilang kaligtasan, at nagkaroon na ngayon ng malaking pera para sa mahihirap dahil ang mga mangangalakal at ang mga kababaihan ay nagbigay sa atin ng mga lukbutan ng pera at mga alay. At ang mas mahalaga pa, tinanggap nilang lahat ang salita ni Jesus.»

«Tama si Juan» sabi ng Zealot at ni Judas Tadeo. At ang huli ay naghinuha: «Ang lahat ay tila nangyayari sa pamamagitan ng maliwanag na pangitain tungkol sa hinaharap. Nakapagtataka na tayo ay naroroon, at tayo ay náhuli, dahil sa aking pagkabagsak, kasabay ang punó-ng-mga-alahas na mga kababaihan, ang mga pastol na may malalaking kawan, pati rin ang mga mangangalakal na nakayayamot gawa ng pera: na lahat sila ay magandang biktima para sa mga magnanakaw! Kapatid, sabihin Mo sa akin ang katotohanan. Nalaman Mo ba na ang lahat na iyon ay mangyayari?» si Tadeo ay tinatanong si Jesus.

«Sinabi Ko na sa inyo nang maraming beses na nababasa Ko ang mga puso ng tao, at kapag ang Ama ay hindi tinitingnan ang ibang pamamaraan, hindi Ko binabale-wala kung ano ang mangyayari.»

«Bueno, bakit kung minsan nakagagawa Kayo ng mga pagkakamali, katulad ng paglalapat sa mararahas na Pariseo, o sa mga bayan na ganap na mararahas?» tanong ng Iskariote.

Si Jesus ay tinititigan siya at pagkatapos kalmante at dahan-dahan na nagsalita: «Iyon ay hindi mga pagkakamali. Iyon ay mga kinakailangan para sa Aking misyon. Ang maysakit ay kailangan ang doktor at ang mangmang ang isang guro. Kapwa ang una at ang huli kung minsan ay tinatanggihan ang doktor o ang guro. Ngunit kung sila ay mabuting mga doktor at mabuting mga guro, sila ay magpapatuloy sa pagpunta sa mga tumatanggi sa kanila sapagkat iyon ay kanilang katungkulan na pumunta. At Ako ay pumupunta. Ibig mo na ang lahat na pagtanggi ay mawala kahit saan Ako magpunta. Magagawa Ko iyan. Ngunit hindi Ako gumagamit ng pamumuwersa laban sa kaninuman. Kumukumbinsi Ako ng mga tao. Ang pamimilit ay gagamitin lamang sa napakapambihirang mga kaso at kapag kung ang isang espiritu lamang na pinuspos ng Diyos ay naiintindihan na iyon ay baka magsilbing makapagkumbinsi na ang Diyos ay naririyan, at siyang ang pinakamalakas, o kung maraming tao ang kailangan na mailigtas.»

«Katulad kagabi, eh?» tanong ni Pedro.

«Kagabi ang mga magnanakaw na iyon ay natatakot sapagkat nakita nila na tayo ay gising-na-gising at naghihintay sa kanila» sabi ng Iskariote na may kitang-kitang panghahamak.

«Hindi. Sila ay nakumbinsi ng mga salita.» sabi ni Tomas.

«Hindi. Hindi nila pananaginipan iyan! Sila nga ay totoong malalambot na kaluluwa na makukumbinsi ng ilan na mga salita, kahit na kung binigkas ni Jesus! Alam ko kung ano ang katulad nila nang ako ay kanilang inatake kasama ang aking pamilya at maraming tao ng Bethsaida sa bangin ng Adummim» tugon ni Felipe.

«Guro, sabihin Ninyo sa akin. Mula pa kahapon na ibig ko Kayong tanungin. Iyon ba ay Inyong mga salita o ang Inyong kalooban na mapigilan ang kahit na ano na mangyari?» tanong ni Santiago ni Zebedeo.

Si Jesus ay ngumingiti at nananahimik.

Si Mateo ay tumugon: «Sa palagay ko iyon ay ang Kanyang kalooban upang mapanaigan ang katigasan ng mga pusong iyon, na Kanyang halos naparalisa upang Siya ay makapagsalita at mailigtas sila..»

«Sasabihin ko rin iyan. Iyan kung bakit nanatili Siya roon na mag-isa, tinitingnan ang kakahuyan. Napatigil Niya sila sa pamamagitan ng Kanyang tingin, sa pamamagitan ng Kanyang walang-depensa na pagkakalmante at sa pamamagitan ng pagtitiwala sa kanila. Ni wala Siyang pamalo sa Kanyang mga kamay!...» sabi ni Andres.

«O Sige. Iyan ang sinasabi natin. Iyan ang iniisip natin. Ngunit ibig kong mapakinggan iyan mula sa Guro» sabi ni Pedro.

Nagkaroon ng masayang paguusap-usap, kung saan si Jesus ay hindi nakikialam.  Ang iba ay nagsasabi na dahil sinabi ni Jesus na hindi Siya namimilit ng sinuman, hindi rin Niya ginamit ang pamimilit sa kaso ng mga magnanakaw na iyon. Iyan ang sinasabi ni Bartolomeo. Ang Iskariote sa halip, na medyo sinusuportahan ni Tomas, ay sinasabi na hindi siya makapaniniwala na ang isang tingin ng isang tao ay makagagawa ng labis. Si Mateo ay sumagot: «Magagawa niyan iyan at mahigit pa. Ako ay nagbalik-loob sa Diyos sa pamamagitan ng Kanyang tingin bago Siya nagsalita sa akin.» Ang kasalungat na opinyon ay nakagawa ng isang masayang pagtatalu-talo, dahil ang bawat isa ay ipinipilit ang kanya. Si Juan, katulad ni Jesus, ay tahimik at siya ay ngumingiti ibinababa ang kanyang ulo upang maitago ang kanyang ngiti. Si Pedro ay binuhay muli ang pagtatalu-talo dahil wala sa mga argumento ng kanyang mga kasama ang nagpapakumbinsi sa kanya. Sa palagay niya at sinasabi niya na ang tingin ni Jesus ay iba sa tingin ng ordinaryong tao, at ibig niyang malaman kung ito ay dahil Siya ay si Jesus, ang Mesiyas, o dahil Siya ay laging Diyos.

Si Jesus ay nagsalita: «Sasabihin Ko sa inyong totoo na hindi lamang Ako, bagkus kahit sino na kaisa ng Diyos sa pamamagitan ng walang pagkakasalang kabanalan, kadalisayan at pananampalataya ay makagagawa nang ganyan at mahigit pa. Ang tingin ng isang bata, kung ang kanyang espiritu ay kaisa ng Diyos, ay magagawa ang walang saysay na templo na magiba, na hindi na inuuga ito katulad nang ginawa ni Samson, mauutusan nito ang mababangis na hayop at mga taong hayop na maging mababa ang loob, malalabanan nito ang kamatayan at matalo ang mga sakit ng espiritu, at ang salita ng isang bata, kaisa ng Diyos at isang instrumento ng Diyos ay makapagpapagaling din ng mga sakit, gawing di nakamamatay ang mga lason ng mga ahas, makagagawa ng lahat na klase ng mga himala. Sapagkat ang Diyos ang gumagawa sa loob Niya.»

«Ah! Naintindihan ko!» sabi ni Pedro. At tinititigan niya si Juan. At pagkatapos ng panloob na pakikipagusap sa kanyang sarili, naghinuha siya sa malakas na tinig: «Oo! Kayo, Guro, ay magagawa iyon, sapagkat Kayo ay Diyos, at dahil Kayo ay Tao kaisa ng Diyos. At ganyan din ang nangyayari sa mga nakarating nang ganyan kalayo, o nakarating hanggang sa makaisa ang Diyos. Naintindihan ko! Talagang naintindihan ko!»

«Ngunit hindi ka ba nagtatanong tungkol sa susi sa pagkakaisang iyan, o tungkol sa lihim ng kapangyarihang iyan? Hindi lahat ng tao ang nagtatagumpay na makarating hanggan diyan, bagama't lahat sila ay may parehong pamamaraan na magtagumpay.»

«Tamang tama! Nasaan ang susing iyan na nakakaisa ng tao ang Diyos at mapangibabawan ang materyal? Isang panalangin o lihim na mga salita…»

«Kani-kanina lamang si Judas ni Sion ay pinagbibintangan ang kambing para sa lahat na di magandang mga pangyayari na nangyari sa atin. Walang mga engkanto ang nakakabit sa mga hayop. Kalimutan ang mga pamahiin, na isang porma rin ng idolatriya at makagagawa ng mga kamalasan. At sa dahilan na walang pormularyo upang makagawa ng panggagaway, wala rin mga lihim na salita upang makagawa ng mga himala. Naririyan lamang ang pagmamahal. At katulad ng sinabi Ko kahapon, ang pagmamahal ay napakakalma ang marahas at binubusog ang matakaw. Pagmamahal: Diyos. Kasama ang Diyos, ganap na nasa kanya sa pamamagitan ng perpektong pagmamahal, ang inyong mata ay magiging isang apoy na makasusunog ng bawat diyus-diyusan at makatutumba ng kanilang mga imahen, at ang inyong salita ay magiging kapangyarihan.  At ang inyong mata ay magiging armas na nakapagdidis-arma. Hindi ninyo malalabanan ang Diyos, hindi ninyo malalabanan ang Pagmamahal. Ang dimonyo lamang ang nakalalaban dito, sapagkat siya ay perpektong Kapootan, at ang kanyang mga anak ay nakalalaban kasama siya. Ang iba, ang mahihinang tao na napanghawakan ng masisimbuyong damdamin, ngunit hindi nila naipagbili nang buluntad ang kanilang sarili sa dimonyo, ay hindi makalalaban. ano pa man ang kanilang relihiyon, ang kanilang kawalang-pakialam sa kahit na anong pananampalataya, ano pa man ang lebel ng kababaan ng kanilang espiritu, sila ay nahahampas ng Pagmamahal, ang dakilang Panalunan. Magsikap na makarating diyan kaagad, at magagawa ninyo ang nagagawa na mga anak ng Diyos at ng mga nagtataglay sa Diyos.»

Si Pedro ay hindi inaalis ang kanyang mga mata kay Juan; ang mga anak din ni Alfeo, sina Santiago at Andres ay masigla at mapagmasid.

«Bueno, kung gayon, aking Panginoon» sabi ni Santiago ni Zebedeo, «ano ang nangyari sa aking kapatid? Kayo ay nagsasalita tungkol sa kanya. Siya ay ang bata na gumagawa ng mga himala! Iyon ba iyon? Ganyan nga?»

«Ano ang kanyang ginawa? Binuklat niya ang isang pahina ng aklat ng Buhay, at siya ay nagbabasa at natutuhan ang ibang mga misteryo. Wala nang iba. Nauuna siya sa inyo, sapagkat hindi siya tumitigil na tingnan ang bawat sagabal, na timbangin ang bawat kahirapan, na pagtrabahuhan ang bawat kita. Hindi na niya nakikita ang lupa. Nakikita niya ang Liwanag, at pumupunta roon. Na hindi tumitigil. Ngunit pabayaan siya na mag-isa. Ang mga kaluluwa na lumiliyab sa mas malalakas na apoy ay hindi kailangan na gambalain sa kanilang alab na nalulugod at nasusunog. Kailangan na pabayaan ninyo sila na masunog. Iyan ay sukdulang lugod at sukdulang pagtatrabaho. Ang Diyos ay pinagkakalooban sila ng mga sandali ng kadiliman sapagkat nalalaman Niya na ang matinding init ay pumapatay ng mga maselan na kaluluwa, kapag sila ay nakabilad sa walang-tigil na sikat ng araw. Ang Diyos ay nagkakaloob ng katahimikan at sobrenatural na hamog sa ganyang maseselan na kaluluwa, katulad na ipinagkakaloob Niya ito sa mga layas na bulaklak. Hayaan ang atleta ng pagmamahal na makapagpahinga, kapag pinahihintulutan siya ng Diyos na makapagpahinga. Gayahin ang mga tagasanay na nagkakaloob ng pahinga sa kanilang mga atleta… Kapag kayo ay dumating kung saan siya nakarating, at lampas pa, sapagkat kapwa kayo at siya ay lalampas sa puntong iyan, mababatid ninyo ang pangangailangan ng respeto, katahimikan at malabong ilaw na nararamdaman ng mga kaluluwa kapag sila ay naging biktima ng Pagmamahal at instrumento nito. Huwag isipin: “Malulugod ako na makilala, at si Juan ay isang tanga, sapagkat ang mga kaluluwa ng ating kapwa, katulad ng mga kaluluwa ng mga bata, ay ibig na makuha ang pansin nila ng mga kababalaghan”. Hindi, kapag kayo ay naroon na, magkakaroon kayo ng ganyan din na mithiin para sa katahimikan at malabong liwanag katulad na mayroon na si Juan ngayon. At kapag Ako ay hindi na ninyo nakakasama, tandaan na kung kayo ay kailangan na magbigkas ng hatol sa isang kombersiyon o tungkol sa posibleng kabanalan, kailangan na lagi ninyong gamitin ang kababaang-loob bilang ang inyong sukatan. Kung ang isang tao ay mapagmalaki pa rin, kahit na kung siya ay masasabing isang “santo”, maaari kayong makatiyak na siya ay hindi isang santo. Maaari siyang may-pandaraya at may-pagkukunwaring magpakita na isang santo at magkunwaring nakagagawa ng mga himala. Ngunit siya ay hindi santo. Ang kanyang hitsura ay pagkukunwari, ang kanyang kababalaghan ay satanismo. Naintindihan ba ninyo?»

«Oo, Guro.»… Lahat sila ay tahimik at nag-iisip. Ngunit kung ang kanilang mga labì ay sarado, posibleng mahulaan ang kanilang iniisip sa pamamagitan ng kanilang hitsura. Ang isang malalim na mithiin na makaalam ay nanginginig katulad ng ether sa paligid nila, lumalabas mula sa kanila…

Ang Zealot ay nagsisikap na maibaling ang kanilang atensiyon at kung gayon nagkaroon ng pagkakataon ng makausap sila nang hiwalayan at pinayuhan sila na maging tahimik. Sa palagay ang Zealot ay nagkusang gampanan ang tungkuling ito sa loob ng apostoladong grupo. Siya ay ang tagapamagitan, ang tagapayo, tagapamayapa ng kanyang mga kasamahan, bukod sa pagiging ang isa na nakaiintindi nang mabuti sa Guro. Sinabi niya: «Tayo ay nasa lupain na ni Johanna. Ang nayon na iyon sa maliit na lambak ay ang Bether. Ang malaking gusali sa tuktok na iyon ay ang kastilyo kung saan siya ipinanganak. Naaamoy ba ninyo ang pabangong ito sa hangin? Iyan ay nanggagaling sa taniman ng mga rosas na nagsisimulang sumingaw ang amoy sa sikat ng araw sa umaga. Sa gabi iyan ay napakalakas na amoy. Ngunit napakagandang tingnan ito sa malamig na umaga, natatakpan ng mga hamog, katulad ng milyun-milyon na mga brilyante itinapon sa milyun-milyon na nagbubukang mga korola. Kapag nakalubog na ang araw pinipitas nila ang mga rosas na ganap nang bukas. Halikayo. Ibig kong ipakita sa inyo mula sa isang maliit na burol ang tanawin ng taniman na umaawas mula sa tuktok, katulad ng isang talon, hanggang sa ibaba ng mga bangin sa kabila. Isang lagaslasan ng mga bulaklak, na umaakyat muli pabalik, katulad ng isang alon, sa dalawang iba pang mga burol. Iyan ay isang ampiteatro, isang lawa ng mga bulaklak. Iyon ay totoong napakaganda. Ang daan ay mas matarik. Ngunit sulit na umakyat doon, sapagkat mula sa lugar na iyan makikita ng isa ang lahat ng paraiso. At malapit na tayong makarating sa kastilyo. Si Johanna ay namumuhay doon sa perpektong kalayaan, sa pagitan ng kanyang mga magbubukid, na siyang ang tanging mga bantay ng labis na kayamanan. Ngunit giliw-na-giliw sila sa kanilang sinyora, na ginawa niya ang mga lambak na ito na maging isang paraiso ng kagandahan at ng kapayapaan, na sila ay mas mahalaga pa kaysa sa lahat ng mga guwardiya ni Herodes. Narito, tingnan, Guro. Tingnan ninyo, aking mga kaibigan» at kanyang itinuturo ang kalahating pabilog ng mga burol sinakop ng mga rosas.

Saan man mapunta ang mga mata ng isa, makakakita siya ng mga rosas, sa ilalim na napakataas na mga punungkahoy, upang maprotektahan sila sa mga hangin, sa labis na init ng araw at ulan na yelo. May sikat ng araw at hangin din sa ilalim ng bubungang ito sa liwanag, na katulad ng isang belo na hindi nakapaniniil, at angkop na kinukontrulan ng mga hardinero, at ang pinakamagandang mga rosas ay doon tumutubo. May libu-libong mga tanim ng rosas ng lahat na klase. May mga mumunti, mababa, mataas, napakataas na tanim. Sila ay tumutubo nang magkakakumpol, katulad ng mga kutson tinampukan ng mga bulaklak, sa paanan ng mga punungkahoy, sa napakaberdeng mga parang, bilang bakod sa mga daanan, sa mga pampang ng mga agos ng tubig, sa pabilog sa paligid ng mga tangke ng irigasyon, nakakalat sa buong parke na nagbubuo sa mga burol, o nakapaikot sa katawan ng mga punungkahoy, o mula sa isang punungkahoy patungo sa isa pa pinoporma ang mga bitin at mga girnalda. Ito ay totoong isang panaginip. Ang lahat na laki at kulay ay naririto nagkakahalu-halo nang napakaganda, na ang kulay garing ng mga tea-rose malapit sa kapulahan-na-dugo ng iba pang mga korola. Ang mga tunay na rosas, na katulad ng pisngi ng isang bata, kumukulay sa mga kontorno sa pagiging puti na may rosal, ay naghahari bilang mga reyna, dahil din sa kanilang bilang.

Lahat sila ay napapahanga gawa ng labis na kagandahan.

«Ngunit ano ang kanyang ginagawa sa lahat na ito?» tanong ni Felipe.

«Kinalulugdan niya ito» tugon ni Tomas.

«Hindi. Kinukuha niya ang esensiya at sa gayon nabibigyan niya ng trabaho ang daan-daan ng mga katulong at mga hardinero na mga nagtatrabaho sa mga pisaan. Ang mga Romano ay ginagamit iyan nang husto. Si Jonathan ay sinasabi sa akin nang pinakita niya sa akin ang mga talà ng huling ani. Ngunit nariyan si Maria ni Alfeo kasama ang bata. Nakita nila tayo at kanilang tinatawag ang iba…»

Sa katunayan nariyan si Johanna at ang dalawang Maria, na pinangungunahan ni Marjiam, na tumatakbong pababa patungo kina Jesus at Pedro, na ang kanyang kamay nakabuka nakahanda para sa isang yakap. Ang mga babae ay nakarating na rin at sila ay nagpatirapa sa harapan ni Jesus.

«Kapayapaan sa inyong lahat. Nasaan ang Aking Ina?»

«Sa pagitan ng mga rosas, Guro, kasama si Eliza. O! Siya ay ganap nang magaling! Mahaharap na niya ang mundo at sundan Kayo. Salamat sa paggamit sa akin para sa pakay na iyon.»

«Salamat sa iyo, Johanna. Nakikita mo na may pakinabang ang pumunta sa Judea. Marjiam: naririto ang iyong mga pasalubong. Ang magandang papet na ito at ang magagandang tupa na ito. Gusto mo ba sila?»

Ang bata ay di-makahinga sa tuwa. Sumandal siya kay Jesus Na yumuko upang ibigay sa kanya ang papet at nanatiling nakayuko nang gayon upang tingnan siya sa mukha, at kanyang niyakap ang Kanyang leeg, hinahalikan Siya nang napakainit.

«At sa gayon magiging kasing mababa ang iyong loob katulad ng mga tupa at pagkatapos magiging isang mabuting pastol ka para sa mga naniniwala kay Jesus. Tama ba iyon?»

Si Marjiam ay tumugon: «Oo» sa nabubulunang tinig, habang ang kanyang mga mata ay nagniningning sa tuwa.

«Ngayon lumakad at tingnan si Pedro, sapagkat pupunta Ako upang tingnan ang Aking Ina. Nakikita Ko ang isang bahagi ng Kanyang belo gumagalaw sa isang hilera ng mga rosas.

At Siya ay tumakbo kay Maria niyayakap Siya sa Kanyang puso sa isang sulok ng daan. Pagkatapos ng isang halik, si Maria, humahangos pa, ay nagpapaliwanag: «Si Elisa ay parating sa likuran Ko… Ako ay tumakbo upang halikan Ka, sapagkat hindi posible para sa Akin na hindi Ka halikan… ngunit ayaw Kong halikan Ka sa harapan niya. Napakalaki ang pagbabago niya… Ngunit ang kanyang puso ay kumikirot pa rin sa harapan ng lugod ng ibang mga tao, ngayon ipinagkait na sa kanya magpakailanpaman. Naririto na siya dumarating.»

Si Eliza ay nilakad ang ilan na nahuhuling mga yarda nang mabilis at lumuhod upang halikan ang tunika ni Jesus. Hindi na siya ang dati na matrahedyang babae ng Bether. Siya ay isang matandang mahigpit na binibini, minarkahan ng kapighatian na nag-iwan ng malalim na  bakas sa kanyang hitsura.

«Pagpalain nawa Kayo, aking Guro, ngayon at magpakailanman, sa pagbigay sa akin  muli ng nawala na sa akin.»

«Harinawang mapasaiyo ang mas dakilang kapayapaan, Eliza. Masaya Akong nakikita ka rito. Tumayo ka.»

«Masaya din ako. Napakaraming bagay ang ibig kong masabi sa Inyo at itatanong sa Inyo, aking Panginoon.»

«Marami tayong oras sapagkat mananatili Ako rito nang ilang mga araw. Halika, upang sana maipakilala ko sa iyo ang Aking mga disipulo.»

«O! naintindihan na Ninyo kung ano ang ibig kong masabi sa Inyo!! Na ibig kong magsimula ng bagong buhay: ang Inyo; at magkaroon ng bagong pamilya: ang Inyo; at mga anak: ang Inyo; katulad ng sinabi Ninyo sa akin nagsasalita tungkol kay Naomi, sa loob ng aking bahay, sa Bether. Ako ang bagong Naomi sa pamamagitan ng Inyong grasya, aking Panginoon. Pagpalain nawa Kayo para rito. Hindi na ako nalulungkot at tigang. Ako ay magiging isang ina pa rin. At kong pahihintulutan ako ni Maria, ako ay magiging isang ina rin para sa Inyo, bukod sa pagiging isang ina sa mga anak ng Inyong doktrina.»

«Oo. Magiging isang ina ka. Si Maria ay hindi maninibugho at mamahalin Kita nang kasing labis na hindi mo pagsisisihan na sumama ka sa amin. Tayo na sa mga ibig magsabi sa iyo na minamahal ka nila bilang kapatid.» At si Jesus ay inakay siya at dinala siya patungo sa kanyang bagong pamilya.

Ang paglalakbay na ginawa habang naghihintay para sa Pentekostes ay tapos na.

160311

 



Sunod na kabanata