226. Si Maria Nagpasugo Para kay Martha sa Magdala.

Hulyo 22, 1945.

Si Jesus kasama ang Zealot ay dumating sa hardin ni Lazarus sa isang magandang tag-init na umaga. Ngayon ay bukanliwayway pa at sa gayon ang lahat ay malamig at ngumingiti.

Ang hardinero, na pumunta upang tanggapin ang Guro, ay itinuturo sa Kanya ang laylayan ng isang puting tunika na nawawala sa likuran ng halamang bakod at nagsabi: «Si Lazarus ay patungo sa balag ng hasmin at nagdala ng ilan ng mga rolyo upang mabasa. Tatawagin ko siya.»

«Hindi, Ako ay pupunta, Mismo.»

Si Jesus ay naglalakad nang mabilis sa tabi ng isang lakaran napapanabihan ng halamang harang na nasa pamumulaklak. Ang damo na malapit sa halamang harang ay pinatatahimik ang Kanyang mga hakbang at si Jesus ay nagsisikap na makalakad dito, upang marating si Lazarus nang hindi inaasahan.

Siya sa katunayan ay narating siya, habang nakatayo, pagkatapos na mailapag ang mga rolyo sa ibabaw ng isang marmol na mesa, siya ay nananalangin sa malakas na tinig: «Huwag Ninyo akong biguin, aking Panginoon. Samahan ang sinag ng pag-asa na nagsimulang magningning sa aking puso. Ipagkaloob Ninyo sa akin ang aking hinihingi sa Inyo nang makailang libong ulit na sa pamamagitan ng aking mga luha, ang aking hinihingi sa pamamagitan ng aking mga kilos, sa pamamagitan ng pagpapatawad, sa pamamagitan ng aking buong sarili. Ibigay Ninyo iyan sa akin kapalit ng aking buhay. Ipagkaloob Ninyo iyan sa akin sa ngalan ng Inyong Jesus, Na nangako sa akin ng kapayapaang iyan. Siya ba ay posibleng makapagsisinungaling? Kailangan ko bang isipin na ang Kanyang pangako ay wala bagkus walang-kabuluhang mga salita? Na ang Kanyang kapangyarihan ay inferior sa makasalanang kalaliman na siyang ang aking kapatid na babae? Sabihin Ninyo sa akin, aking Panginoon, upang sana matanggap ko ito alang-alang sa Inyo…»

«Oo, sasabihin Ko sa iyo!» sabi ni Jesus.

Si Lazarus ay napatalon nang paikot at sumigaw: «O! aking Panginoon. Kailan Kayo dumating?» at siya ay yumuyuko upang halikan ang tunika ni Jesus.

«Nang mga ilang minuto pa lamang.»

«Nag-iisa?»

«Kasama si Simon. Ngunit nagpunta Ako rito nang mag-isa. Alam Ko na may dakilang bagay ka na sasabihin sa Akin. Kung gayon sabihin mo sa Akin.»

«Hindi. Sagutin muna ang mga katanungan na itinanong ko sa Diyos. Ayon sa Inyong tugon, sasabihin ko sa Inyo.»

«Sabihin mo sa Akin, gawing sabihin mo sa Akin, ang iyong dakilang bagay. Masasabi mo sa Akin…» at si Jesus ay ngumingiti inuunat ang Kanyang mga kamay nang nag-aanyaya.

«Kataastaasang Diyos! Totoo ba? Kung gayon nalalaman Ninyo na iyon ay totoo?!» at si Lazarus ay pumunta sa mga bisig ni Jesus upang ipagtapat ang kanyang dakilang bagay.

«Si Maria ay pinakiusapan si Martha na pumunta sa Magdala. At si Martha ay umalis puno ng pag-aalala dahil kinatatakutan niya ang ilang di magandang pangyayari… At ako ay naiwan dito, nang may gayon ding takot. Ngunit sa pamamagitan ng katulong na sumama sa kanya roon, si Martha ay nagpadala sa akin ng isang sulat, na nagpuno sa akin ng pag-asa. Tingnan Ninyo, naririto ito sa akin, sa aking puso. Pinananatili ko ito rito, sapagkat mas mahalaga ito sa akin kaysa sa isang kayamanan. Ito ay napakaikli, tanging iilan na mga salita lamang, ngunit paulit-ulit ko itong binabasa, upang matiyak na iyon ay totoong naisulat. Tingnan…» at si Lazarus ay kinuha mula sa ilalim ng kanyang tunika ang isang rolyo na natatalian ng isang biyoletang ribon at iniladlad ito. «Kita N’yo? Basahin Ninyo, basahin Ninyo. Sa malakas na tinig. Kung babasahin Ninyo, tutunog iyan nang mas tiyak sa akin.»

«”Lazarus, aking kapatid. Kapayapaan at pagpapalà sa iyo. Nakarating ako sa maikling panahon ligtas at malusog. At ang aking puso ay hindi na pumipintig sa takot sa bagong mga kamalasan, sapagkat nakita ko na si Maria, ang ating Maria, ay maayos at… sasabihin ko ba sa iyo? Siya ay nagmumukhang mas di-balisa kaysa nang dati. Siya ay umiyak sa ibabaw ng aking dibdib. Umiyak siya nang napakapait… At pagkatapos, sa gabi, sa loob ng silid kung saan niya ako dinala, nagtanong siya sa akin ng napakaraming bagay tungkol sa Guro. Iyan lamang pansamantala. Ngunit sa dahilan na nakita ko ang mukha ni Maria at napakinggan ko ang kanyang mga salita, masasabi ko na ang pag-asa ay tumaas sa aking puso. Magdasal, aking kapatid, at umasa. O! Kung sana ito ay totoo! Mananatili pa ako rito nang matagal-tagal sapagkat pakiramdam ko na kailangan niya ako sa malapit niya, na tila ibig niya na maipagsanggalang sa mga panunukso. At na ibig niyang matuto… Ano? Kung ano ang nalalaman na natin. Ang walang-hangganang kagandahang-loob ni Jesus. Sinabi ko sa kanya ang tungkol sa babaeng iyon na pumunta sa Bethany… Nakita ko na siya ay nag-iisip, nag-iisip nga na nag-iisip… Si Jesus ay kailangan na naririto. Magdasal at umasa. Ang Panginoon ay sumaiyo”.» Si Jesus ay nilupi ang rolyo at iniabot ito ulit.

«Guro…»

«Pupunta Ako. Posible ba para sa iyo na sabihan si Martha na pumunta at tagpuin Ako sa Capernaum sa loob ng dalawang linggo, pinakamatagal na?»

«Oo, magagawa ko iyan. At papaano ako?»

«Mananatili ka rito. Ipadadala Ko rin dito sa Martha.»

«Bakit?»

«Sapagkat ang mga panunubos ay lubos na mahiyain. At walang mas nakapanghihiya nang labis kaysa sa mata ng isang magulang o ng isang kapatid. Sasabihin Ko rin sa iyo: “Magdasal, magdasal, magdasal”.»

Si Lazarus ay umiiyak sa dibdib ni Jesus… Pagkatapos, nang nakapanumbalik na siya, nagsalita siya ng tungkol sa kanyang pangangamba, sa kanyang kalungkutan…» «Sa loob ng halos santaon ako ay umaasa… at nawawalan ng pag-asa… Gaano katagal ang kinakailangan ng resureksiyon!...» bulalas niya.

Si Jesus ay pinababayaan siya na magsalita… hanggang sa mabatid ni Lazarus na nagkukulang siya sa kanyang tungkulin ng isang maybisita at siya ay tumayo upang dalhin si Jesus sa loob ng bahay. Upang magawa ito sila ay dumaan malapit sa isang makapal na halamang bakod ng hasmin na nasa ganap na pamumulaklak, na sa korteng tala na mga korola nito, ginintuang mga pukyutan ang humuhugong.

«Ah! Nakakalimutan kong sabihin sa Inyo… Ang matandang patriyarka na ipinadala Ninyo sa akin, ay bumalik na sa sinapupunan ni Abraham. Si Maximinus ay natagpuan siya rito, na ang kanyang ulo nakasandal sa harang na ito, na tila siya ay nakatulog malapit sa bahay-pukyutan na kanyang inaasikaso na tila ang mga iyon ay mga bahay puno ng mga ginintuang mga anak. Ganyan kung papaano niya tawagin ang mga pukyutan. Tila naiintindihan niya sila at siya’y naiintindihan nila. At sa ibabaw ng patriyarkang natutulog sa kapayapaan ng isang malinis na konsiyensya, nang matagpuan siya ni Maximinus, ay may magandang belo ng maliliit na ginintuang mga katawan. Ang mga pukyutan ay nakatigil sa ibabaw ng kanilang kaibigan. Napakabuti niya na siya ay baka nagkakalasa ng pulot… At napakamatapat niya na baka siya ay katulad ng isang hindi kontaminado na korola para sa mga pukyutan… Pinamimighati ako niyan. Gusto ko sana na mas matagal pa siya sa aking bahay. Siya ay isang mabuting tao…»

«Huwag mong ipagluksa ang kanyang kamatayan. Siya ay nasa kapayapaan, at mula sa kanyang kapayapaan siya ay nananalangin para sa iyo, na siyang nagpasaya sa kanyang mga huling araw. Saan siya inilibing?»

«Sa dulo ng lootan. Malapit pa rin sa kanyang mga bahay-pukyutan. Halikayo at ipakikita ko sa Inyo….»

At dumaan sila sa isang taniman ng mga laurel patungo sa buhay na humuhugong na mga bahay –pukyutan.

                                                                                -----------------

Hulyo 23, noong 8:00

Ito ay isang napakaputlang Judas na bumababa mula sa karwahe kasama ang Ating Ginang at ang mga babaeng disipulo, ibig sabihin, ang mga Maria, sina Johanna at Eliza.

… at salamat sa kalituhan na nagkaroon ako sa loob ng bahay ngayong umaga hindi ako nakapagsulat habang nakakakita ako, kung gayon, sa dahilan na ngayon ay 6:00 n.g. masasabi ko lamang na naintindihan at narinig ko na si Judas, na nagpapalakas na, ay babalik na kay Jesus, Na nasa Gethsemane kasama si Maria, Na nagpagaling sa kanya at si Johanna, na namimilit na ang mga kababaihan at ang nagpapalakas ay kailangan na bumalik sa Galilee nakasakay sa karwahe. At si Jesus ay sumang-ayon at ginagawa ang bata na sumakay dito kasama sila. Si Johanna sa halip ay mananatili sa loob ng kaunting araw sa Herusalem kasama si Eliza, pagkatapos si Eliza ay pupunta sa Bethzur at si Johanna sa Bether. Naaalaala ko na sinabi ni Eliza: «May lakas-na-loob na ako ngayon na bumalik doon, sapagkat ang aking buhay ay hindi walang-direksiyon. Gagawin ko ang aking mga kaibigan na mahalin Kayo.» At naaalaala ko na si Johanna ay nagdagdag: «At gagawin ko iyan sa aking lupain, habang iniiwan ako ni Chuza rito. Iyan ay paglilingkod sa Inyo, bagama't mas gustong sundan Kayo.» At naaalaala ko rin na sinabi ni Judas hindi niya naramdaman at mithiin para sa kanyang ina, ni hindi sa loob ng pinakamalalang oras ng kanyang sakit, sapagkat «ang Inyong Ina ay tunay na ina sa akin, Siya ay mabait at mapagmahal at hindi ko iyon makakalimutan» sabi niya. Ang iba pa sa mga salita ay lito, kung kaya’t hindi ko na iyon uulitin, sapagkat magiging aking mga salita iyon at hindi na ng mga taong nagsasalita sa bisyon.

 

 



Sunod na kabanata