227. Si Marjiam Ipinagkatiwala kay Porphirea.

Hulyo 24, 1945.

Si Jesus ay nasa lawa ng Galilee kasama ang Kanyang mga disipulo. Ang lahat na mga disipulo ay kasama Niya, kasama rin si Judas, na lubos na gumaling na at ang kanyang hitsura ay naging mas magiliw pagkatapos ng kanyang pagkakasakit at ang atensiyon na kanyang tinanggap. Si Marjiam ay naroroon din, na medyo natatakot dahil ito ang kanyang unang pagkakataon sa lawa. Ayaw niya na makita ang lawa, ngunit sa tuwing kikiling nang mas malakas ang bangka, hahawak ang kanyang isang kamay sa leeg ng tupa, na nagkakapareho niya ang pagkatakot nito humuhuni nang nakakaawa, at ang kanyang isang kamay hahawak sa kung ano ang kanyang mahahawakan, ang palo, isang upuan, isang sagwan, binti ni Pedro, o ni Andres, o ng mga katulong na umaatras at umaabante sa pagmamanyobra sa bangka, at isinasara niya ang kanyang mga mata, natatakot siguro na ang kanyang huling oras ay dumating na.

Pinipisil ang pisngi ng bata, si Pedro ay paminsan-minsan nagsasabi sa bata: «Hindi ka natatakot, eh! Ang isang disipulo ay kailangan na hindi kailanman natatakot…» Ang bata ay iniiling ang ulo sa pagtanggi, ngunit habang kapwa ang hangin at ang lawa ay tumataas habang papalapit sila sa bunganga ng lawa, kung saan ang Jordan ay dumadaloy sa lawa, isinasara niya ang kanyang mga mata nang mas mahigpit at mas madalas at sa wakas – nang ang bangka ay tumingala, nang hinampas ng isang alon sa isang tabi – bumigay siya ng isang sigaw sa takot.

Ang ilan sa mga apostol ay tumawa at ang ilan ay tinutukso si Pedro nagwiwika na siya ay naging isang ama ng isang hindi magaling na mandaragat, at ang iba ay tinutukso si Marjiam na laging nagsasabing na ibig niyang maglakbay sa pamamagitan ng dagat at ng lupa ipinapahayag si Jesus, at pagkatapos natatakot na maglayag nang kaunti sa lawa. Ngunit si Marjiam ay ipinagtatanggol ang sarili nagsasabing: «Ang bawat tao ay natatakot ng kung ano ang hindi niya alam. Ako ng tubig, si Judas ng kamatayan…»

Nabatid ko kung gayon na si Judas ay maaaring natakot ng baka mamatay at ako ay nagtataka na hindi siya nagsasalita sa wika ng bata. Sa kabaligtaran sinabi niya: «Tama ka. Ang lahat ay natatakot ng kung ano ang hindi niya alam. Ngunit malapit na tayong dumating sa Bethsaida, na mga ilang layo na lamang. At makakatiyak ka na makatatagpo ng pagmamahal doon. Ibig ko rin na kaunting distansiya na lang ako sa Bahay ng Ama at matiyak na makakakuha ng pagmamahal doon!» Sinabi niya nang ganyan na may pagod na malungkot na hitsura.

«Hindi mo ba pinagtitiwalaan ng Diyos?» tanong ni Andres na kitang-kita na nagulat.

«Hindi, hindi ko pinagkakatiwalaan ang aking sarili. Nang mga araw na ako ay may sakit, nang ako ay napaliligiran ng napakaraming dalisay na mabubuting babae, ang aking pakiramdam napakakupad ko sa  espirituwal! Gaano akong nagnilay-nilay! Masasabi ko sa aking sarili: “Kung sila ay nagtatrabaho upang mapaunlad pa ang kanilang sarili at kamtin Langit, ano ang kailangan kong gawin?” Sapagkat ang pakiramdam nila sila ay mga makasalanan pa rin, samantalang iniisip ko na sila ay mga santo na. At papaano ako?... Magtatagumpay pa kaya ako, Guro?»

«Sa pamamagitan ng mabuting kalooban, ang isa ay magagawa ang lahat.»

«Ngunit ang aking kalooban ay napakadi-maaasahan.»

«Ang tulong ng Diyos ay pupuno sa kung ano ang kulang. Ang iyong kasalukuyang kababaang-loob ay ang resulta ng iyong pagkakasakit. Makikita mo kung gayon na ang Diyos, sa pamamagitan ng masakit na pangyayari, ay naglaan para sa iyo ng kung ano ang wala ka.»

«Totoo iyan, Guro. Ngunit ang mga babaeng ito! Anong mga perpektong disipulo sila? Ako ay hindi nagsasalita tungkol sa Inyong Ina. Nalalaman naming lahat ang tungkol sa Kanya. Ang ibig kong sabihin ay ang iba. O! Totoong nalampasan nila tayo! Ako ang una sa kanilang unang mga pagsubok para sa kanilang ministeryo sa hinaharap. Ngunit, maniwala sa akin, Guro, makakaasa Kayo nang lubos sa kanila. Si Eliza at ako ay kanilang inaasikaso, at siya ay bumalik sa Bethzur na may ganap na nabagong kaluluwa at mentalidad at ako… ako ay umaasa na magbabago rin ako, ngayon na trinabaho nila ako…» si Judas, na hindi pa pisikal na ganap na malakas, ay nagsimulang umiyak. Si Jesus, Na nakaupo sa tabi niya, ay ipinatong ang Kanyang kamay sa kanyang ulo, tumatango sa iba na manahimik. Sina Pedro at Andres ay abala sa huling pagpapadaong na mga manyobra at tahimik: ang Zealot, sina Mateo, Felipe at Marjiam ay tiyak na hindi nananabik na magsalita, sapagkat sila ay kung hindi nananabik na makababa na, sila ay sapat na marunong na huwag gumawa ng anumang salita.

Ang bangka ay naglalayag pataas sa Jordan at pagkatapos ng kaunting sandali sumadsad sa grabang pampang. Habang ang mga katulong ay bumababa upang itali ang bangka, itinatali ito sa isang malaking bato, at upang maglagay ng isang tablang matutulayan at sina Pedro at Andres ay naglalagay ng kanilang mahabang mga kasuutan, ang isa pang bangka ay ginagawa ang gayon ding manyobra at ang iba pang mga apostol ay bumaba. Sina Jesus din at Judas ay bumababa habang si Pedro ay naglalagay ng maliit na tunika sa bata at inaayos ang kanyang hitsura upang ipresenta siya sa disenteng kalagayan sa kanyang asawa. Lahat sila ngayon ay nakababa na, pati rin ang mga tupa.

«At ngayon tayo na» sabi ni Pedro. Siya ay totoong masaya. Kinuha niya ang bata sa kamay. Si Marjiam din ay lubos na naaantig ang damdamin, at sa katunayan nakalimutan niya ang mga tupa at si Juan ang kumuha sa kanila. Sa biglang atake ng takot si Marjiam ay nagtanong: «Ngunit ako ba ay gugustuhin niya? At totoo bang mamahalin niya ako?»

Si Pedro ay tinitiyak sa kanya, ngunit siya ay baka apektado rin ng gayon ding takot at nagsabi siya kay Jesus: «Guro, maaari bang sabihin Ninyo kay Porphirea? Sa palagay ko hindi ko maipaliliwanag nang maayos ang sitwasyon sa kanya.»

Si Jesus ay ngumingiti at nangangako na Siya ang bahala nito.

Dumating kaagad sila sa bahay sinusundan ang pampang ng ilog. Sa pamamagitan ng nakabukas na pintuan naririnig nila si Porphirea abala sa kanyang gawaing bahay.

«Kapayapaan sa iyo!» sabi ni Jesus tumitingin sa loob ng pintuan ng kusina kung saan ang babae ay nililinis ang kanyang mga kagamitan sa kusina.

«Guro! Simon!» Ang babae ay tumakbo at nagpatirapa sa paanan ni Jesus at pagkatapos sa paanan ni Pedro. Siya pagkatapos ay tumayo, at habang ang kanyang mukha, na kung hindi maganda, ay tiyak na ganap na kaibig-ibig, ay namumula, sinabi niya: «Gustung-gusto ko na kayong makita! Maayos ba kayong lahat? Pasok kayo! Maaaring mga pagod kayo…»

«Hindi. Kami ay nanggaling sa Nazareth, kung saan kami nanatili nang mga ilang araw at tumigil din kami sa Cana. Ang mga bangka noon ay nasa Tiberias. Nakikita mo na hindi kami pagod. May kasama kami ng isang batang lalaki at si Judas ni Simon ay kung baga mahina pagkatapos nang pagkakasakit.»

«Isang bata? Ganyan kabatang disipulo?»

«Isang ulila na pinulot namin sa daan.»

«O! mahal! Halika rito, aking mahal, mahalikan nga kita!»

Ang bata, na natatakot na nakatago nang bahagya sa likuran ni Jesus, ay pinayagan ang babae, na nakaluhod na upang makapantay siya, na yakapin at halikan siya, at siya ay hindi nagpakita ng pag-alinlangan.

«Lagi ba ninyo siyang isasama, habang siya ay napakaliit pa? Mapapagod siya…» Ang babae ay awang-awa. Niyakap niya ang bata at idinikit niya ang kanyang pisngi sa pisngi ng bata,

«Sa katunayan nag-iisip Ako ng ibang bagay. Nagbabalak Akong ipagkatiwala siya sa isa sa mga babaeng disipulo, kapag kami ay umaalis sa Galilee, mula sa lugar ng lawa…»

«At hindi sa akin, aking Panginoon? Hindi ako nagkaroon ng sariling anak. Ngunit marami akong mga pamangking lalaki at alam ko kung papaano mag-alaga ng bata. Ako ang disipulo na hindi magaling sa pagsasalita, na hindi napakalusog upang makasunod sa Inyo, katulad na nagagawa ng ibang babaeng disipulo… O! Nalalaman Ninyo! Ako ay maaari ding maging duwag, kung iyan ang iniisip Ninyo. Ngunit nalalaman Ninyo kung gaano ako nakatali. Sinabi ko bang “nakatali”? Ako ay natatalian ng dalawang lubid na humihila sa akin mula sa magkabilang direksiyon at wala akong lakas ng loob na putulin ang isa o ang kabila… Hayaan Ninyo na ako ay may kaunting paglilingkod sa Inyo, sa pagiging ang ina na disipulo ng batang ito. Tuturuan ko siya kung ano ang itinuturo ng iba sa maraming tao…  Ang mahalin Kayo…»

Si Jesus ay ipinatong ang Kanyang kamay sa kanyang ulo at ngumingiti nagsabi: «Ang bata ay dinala rito sapagkat alam Ko na makatatagpo siya ng isang ina at isang ama rito. Narito! Buuin natin ang pamilya.» At si Jesus ay inilagay ang kamay ni Marjiam sa mga kamay ni Pedro, na ang mga mata ay nagniningning sa mga luha, at sa mga kamay ni Porphirea. «At palakihin ang bata sa isang banal na pamamaraan.»

Si Pedro, siyempre, ay alam na niya, at kanya lamang pinunas ang isang luha sa pamamagitan ng likod ng kanyang kamay. Ngunit ang kanyang asawa, na hindi umaasa ng labis, ay naiwan na di makapagsalita sa pagtataka sa loob ng ilang sandali. Pagkatapos siya ay lumuhod muli nagsasabing: «O! Aking Panginoon. Kinuha Ninyo ang aking asawa at iniwan ako na halos isang biyuda. Ngayon binibigyan Ninyo ako ng isang anak. Binabalik Ninyo ang lahat na mga rosas ng aking buhay, hindi lamang ang Inyong mga kinuha, bagkus ang mga hindi rin ako nagkaroon. Pagpalain nawa Kayo! Ang batang ito ay mas magiging mahal sa akin kaysa kung siya ay ang naging bunga ng aking sariling sinapupunan. Sapagkat siya ay dumating sa akin mula sa Inyo.» At kanyang hinahalikan ang tunika ni Jesus at ang bata at kinuha niya ang bata sa kanyang lapi… Siya ay masaya…

«Iwanan natin siya sa pagbubuhos ng kanyang pagmamahal» sabi ni Jesus. «Makapananatili ka rin, Simon. Pupunta kami sa bayan upang magpahayag. Kami ay babalik malalim na sa gabing ito at hihingi sa iyo ng makakain at isang lugar na mapagpapahingahan.»

At si Jesus ay lumabas kasama ang Kanyang mga disipulo, iniiwan ang tatlo sa kapayapaan…

Si Juan ay nagsabi: «Aking Panginoon, si Simon ay masaya ngayon!»

«Gusto mo rin ba ng anak?»

«Hindi. Gusto ko ng isang pares ng mga pakpak upang makalipad patungo sa mga tarangkahan ng Langit at matutunan ang wika ng Liwanag, upang maulit ito sa mga tao» at siya’y ngumingiti.

Inilagay nila ang mga tupa sa dulo ng lootan, malapit sa malaking silid kung saan nakaimbak ang mga lambat, binigyan nila sila ng ilang dahon, damo at tubig ng balon, at pagkatapos pumunta sila sa sentro ng bayan.

180311                                                                               

 

 



Sunod na kabanata