228. Si Jesus Nagsasalita sa Bethsaida.

Hulyo 25, 1945.

Si Jesus ay nagsasalita sa loob ng bahay ni Felipe. Maraming tao ang nag-ipun-ipon sa harapan nito at si Jesus ay nakatayo sa pamasukan, na itinayo sa kasing taas ng dalawang baytang.

Ang balita tungkol kay Pedro na may ampon na batang lalaki, na dumating na may dalang maliit na kayamanan na tatlong maliliit na tupa, maghahanap ng dakilang kayamanan ng isang pamilya, ay kumalat katulad ng isang patak ng langis sa isang piraso ng damit. Lahat sila ay ito ang pinag-uusapan, bumubulong ng mga komentaryo, na umaayon sa kanilang iba't ibang pamamaraan ng pag-iisip.

Ang mga sinsirong kaibigan nina Simon at Porphirea, ay natutuwa na makita silang masaya. Ang mga mapaghangad ng masama sa kapwa ay nagsasabi: «Upang tanggapin ni Porphirea ang bata, kinailangan ni Pedro na bigyan ang bata ng dote.» Ang mabubuting tao ay nagsasabi: «Mamahalin natin lahat ang maliit na batang lalaking iyon. Na minamahal ni Jesus.» Ang may masasamang balak na tao ay nagsasabi: «Kabutihang loob ni Simon? Hindi kailanman sa buhay mo! Maaaring kumita siya, kung hindi!...»

Ang ibang mga sakim na tao ay nagsasabi: «Gagawin ko rin iyan. Kung ako ay binigyan ng bata na may ilan na tupa. Tatlong tupa, nalalaman mo ba iyan? Isang maliit na kawan. At magaganda sila! Panustos na gatas at lana ay garantisado. At pagkatapos magkakaroon sila ng mga anak upang ibenta o palakihin! Iyan ay isang kayamanan! At ang bata ay makapaglilingkod at makapagtatrabaho…»

Ang iba ay sinasalungat silang lahat: «O! Nakakahiya! Umasa ng kabayaran para sa mabuting gawa? Si Simon ay kailanman hindi inisip iyan. Bilang isang mangingisda na may katamtamang kita, kilalang-kilala na natin siya na mapagbigay sa mahihirap at lalo na sa mga bata. Tama lamang, na ngayon na hindi na siya kumikita ng kahit ano sa pangingisda at na ngayon na ang kanyang pamilya ay lumalaki, kailangan niyang gumawa ng kaunting kita sa ibang pamamaraan.»

Habang silang lahat ay gumagawa ng kanilang mga komentaryo, isinasawika ang kabutihan o kasamaan na nakatago sa loob ng kanilang mga puso, si Jesus ay nakikinig at nagsasalita sa isang lalaki ng Capernaum, na nagpunta upang makita Siya at sabihin sa Kanya na pumunta kaagad hangga’t maaari, sapagkat ang anak na babae ng pangulo ng sinagoga ay namamatay at dahil din ang isang binibini ay laging pumupunta roon mga ilang araw na, na may kasamang isang katulong na babae, naghahanap sa Kanya. Si Jesus ay nangangako na pupunta sa susunod na umaga. Ang Kanyang pasya ay nakapagpamighati sa sambayanan ng Bethsaida, na ibig Siyang manatili sa kanilang bayan nang ilang mga araw.

«May ibang mga tao na nangangailangan sa Akin nang higit pa sa pangangailangan ninyo. Kung kaya’t pabayaan na makaalis Ako. Ako ay mapupunta sa Galilee sa loob ng mga buwan ng tag-init at Ako ay mapupunta sa Capernaum kaagad. Kung gayon mas madali para sa atin na magkita. Ang isang ama at ina ay naghihirap at karidad ang tulungan sila. Sumasang-ayon kayo sa kabaitan ni Simon sa ulila. Ang mabubuti man lamang sa inyo ay sumasang-ayon. Ngunit tanging ang mga opinyon lamang ng mabubuti ang may halaga. Kailangan na huwag kayong makinig sa mga opinyon ng hindi mabubuti, sapagkat ito ay laging may bahid ng lason at kasinungalingan. Kung gayon, dahil kayo ay mabubuti, kailangan na sumang-ayon kayo sa Aking kabutihan na pumunta upang paginhawahan ang isang ama at isang ina. At huwag hayaan na ang inyong pagsang-ayon ay maging walang bunga, bagkus hayaan na hikayatin kayo niyan patungo sa aktibong paggaya.

Ang mga pahina ng mga Iskriptura ay nagsasabi sa atin kung gaanong kabutihan ang lumalabas mula sa isang mabuting pagkilos. Ating alalahin si Tobit. Karapat-dapat siya na ang anghel ay protektahan ang kanyang anak na si Tobias at maturuan siya kung papaano maibalik ang paningin ng kanyang ama. Ngunit gaano karaming may-karidad na mga gawa ang kanya lamang ginawa na walang iniisip na pampersonal na kikitain, sa kabila ng mga paninita ng kanyang asawa at ng mga panganib para sa kanyang buhay! At tandaan ang mga salita ng arkanghel: “Panalangin at pag-aayuno ay mabuting mga bagay at ang paglilimos ay mas mahalaga kaysa bundok-bundok ng gintong kayamanan, sapagkat ang paglilimos ay nakapagliligtas mula sa kamatayan, nakapaglilinis ng lahat na uri ng kasalanan, nagagawa ang mga tao na makatagpo ng awa at eternal na buhay… Kapag kayo ay nananalangin at lumuluha at naglilibing ng patay… inaalay Ko ang inyong mga panalangin sa Panginoon”. Sasabihin Ko sa inyong totoo na ang Aking Simon ay lalampasan sa ngayon ang mga birtud ng matandang Tobit. Mananatili siya bilang ang tagapag-alaga ng inyong mga kaluluwa sa Aking Buhay, pagkatapos na Ako ay wala na. Sinisimulan na niya ang kanyang pagiging ama ng isang kaluluwa, upang bukas siya ang magiging banal na ama ng lahat ng mga kaluluwa na matatapat sa Akin.

Kung gayon huwag magreklamo. Bagkus kung isang araw makatagpo kayo sa inyong daan ng isang ulila, katulad ng isang ibon na nahulog mula sa kanyang pugad, pulutin mo siya. Hindi ang sansubo ng pagkain na ibinabahagi sa isang ulila ang nagpapahirap sa hapag-kainan ng mga tunay na anak. Sa kabaligtaran nagdadala ito ng mga pagpapalà ng Diyos sa bahay na iyon. Gawin iyan sapagkat ang Diyos ay ang Ama ng mga ulila at Kanya silang ipinipresenta Mismo sa inyo, upang sana tulungan ninyo sila sa pagtatayong muli para sa kanila sa pugad na nasira ng kamatayan. At gawin iyon sapagkat iyan ang ipinanuto ng Batas na ibinigay ng Diyos kay Moses, na siyang ating Lehislador, dahil lamang nang habang siya ay isang walang-laban na sanggol, sa loob ng isang marahas na lupain ng mga diyus-diyusan, nakatagpo siya ng isang maawaing puso na lumuhod upang iligtas siya mula sa kamatayan, inililigtas siya mula sa ilog, pinalalaya siya sa mga pang-uusig, sapagkat itinalaga ng Diyos na ang Israel isang araw ay magkakaroon ng kanyang tagapagpalaya. Ang resulta ng isang mabuting gawa ay katulad ng mga sound-wave, na malayong kumakalat mula sa lugar ng pinagsimulan, o, kung mas gugustuhin ninyo, katulad nito ang bugso ng hangin, na dinadalang malayo mula sa matabang lupa ang nahipan na butil.

Makakalakad na kayo. Ang kapayapaan ay sumainyo.»

                                                                -----------------------------------

Pagkatapos sinasabi ni Jesus:

jesus sinasabi

«Ilalagay mo rito ang bisyon ng pagkabuhay-muli ng anak na babae ni Jairus, na nagkaroon ka na noong 11 ng Marso 1944.»

180311

 

 



Sunod na kabanata