229. Ang Babae na may Pagdurugo at ang Anak ni Jairus.

Marso 11, 1944

Ang bisyon na ito ay lumabas nang ako ay nagdarasal, at ako ay pagod at naiinis, at kung gayon nasa pinakamasamang kondisyon na mag-isip tungkol sa maraming bagay. Ngunit ang pisikal at mental na pagkapagod at pagkainis ay naglalaho kaagad kapag ang aking Jesus ay nagpakita at ako ay magsusulat.

Si Jesus ay naglalakad sa isang maaraw na maalikabok na daan na tumatakbo sa tabi ng baybayin ng lawa. Siya ay patungo sa nayon at napaligiran ng malaking pulutong, na tiyak na naghihintay sa Kanya. Ang mga tao ay nagsisiksikan sa Kanya bagama't ang mga apostol ay tumutulak sa pamamagitan ng kanilang mga bisig at mga balikat upang mabigyan Siya ng daan at itinataas ang kanilang mga tinig upang mapakiusapan ang pulutong na gumawa ng madadaanan.

Ngunit si Jesus ay hindi nababalisa ng ganyang kalituhan. Sa dahilan na Siya ay mas mataas nang gangga-ulo kaysa sa mga nasa paligid Niya, Siya ay tumitingin at ngumingiting may-kabaitan sa mga pulutong na sumisiksik sa paligid Niya, tumutugon Siya sa kanilang mga pagbati, naghahaplos Siya ng ilang mga batang lalaki na nagtatagumpay sa pagapang sa hilera ng mga adulto at kung gayon nakakalapit sa Kanya, nagpapatong Siya ng Kanyang kamay sa mga ulo ng mga sanggol na itinaas ng kanilang mga ina sa ibabaw ng mga nasa malapit kay Jesus, upang sana mahipo Niya sila. At Siya ay nagpapatuloy sa paglalakad, dahan-dahan, matiyaga, si gitna ng nagsisigawan at patuloy na paniniksik na makapang-iinis sa ibang mga tao.

Ang isang lalaki ay sumigaw: «Magparaan, magparaan.» Ito ay isang humahangos na tinig at kailangan na malaman ng marami dahil ito ay halatang-halata na tinig ng isang maimpluwensiyang tao, sapagkat ang pulutong ay bumubukas, bagama't may kaunting kahirapan, sa gayong laki ng pulutong, upang maparaan ang mga limampung taong gulang na lalaki. Nakasuot siya ng isang mahabang maluwang na damit at sa paikot ng kanyang ulo mayroon siyang isang uri ng puting panyo, na ang dalawang dila nito ay nakabitin sa tabi ng kanyang mga pisngi at leeg.

Nang siya ay dumating sa harapan ni Jesus, nagpatirapa siya sa paanan Niya at nagsabi: «O! Guro, bakit ang tagal Ninyong nawala? Ang aking maliit na anak na babae ay malubhang may sakit. Wala makagamot sa kanya. Kayo lamang ang tanging pag-asa ng kanyang ina at pag-asa ko. Halikayo, Guro. Matagal na akong naghihintay para sa Inyo nang may matinding pag-aalala. Pakiusap na pumunta kaagad. Ang aking tanging anak na babae ay namamatay…» at siya ay umiiyak.

Si Jesus ay ipinatong ang Kanyang kamay sa umiiyak na lalaki, na baluktot at nanginginig na may mga paghikbi, at tumugon sa kanya: «Huwag kang umiyak. Manampalataya. Ang iyong anak ay mabubuhay. Tayo na sa kanya. Tumayo ka. Tayo na! Ang Kanyang huling mga salita ay utos ang tunog. Bago nito Siya ay ang Tagapagpaginhawa, ngayon ito ay ang Dominador na nagsasalita.

Sila ay lumakad. Si Jesus ay naglalakad sa tabi ng umiiyak na ama at akay Niya sa kamay. At nang ang kaawa-awang lalaki ay nagkukumbulsiyon sa matitinding hikbi, nakikita ko si Jesus na tinitingnan Niya siya at pinipisil Niya ang kanyang kamay nang mas mariin. Wala Siyang ginagawang iba, ngunit gaanong lakas ang maaaring dumadaloy sa isang kaluluwa na sinasamahan ni Jesus nang ganyan!

Dati si Santiago ay nasa lugar kung nasaan na ang ama ngayon. Ngunit ginawa siya ni Jesus na umusod upang magkaroon ng lugar ang ama. Si Pedro ay nasa kabilang tabi. Si Juan ay katabi ni Pedro at kapwa sila nagsisikap na mahawi ang mga pulutong, katulad ng ginagawa nina Santiago at ng Iskariote sa kabilang tabi, sa tabi ng umiiyak na ama. Ang iba sa mga apostol ay nasa harapan, ang iba sa likuran ni Jesus. Ngunit iyon ay isang imposibleng trabaho! Lalo na sa tatlong nasa likuran, na kasama rito ay si Mateo, na hindi mapigilan ang buhay na pader. Ngunit kapag sila ay nagrereklamo nang labis o halos insultuhin ang mga pulutong, si Jesus ay lumilingon at may-kabaitan na magsasabi: «Hayaan ang Aking maliliit!...»

«Subalit sa isang sandali Siya ay tumalikod na may biglang pagkilos binibitawan ang kamay ng ama at Siya ay tumigil. Hindi lamang ang Kanyang ulo ang lumingon, bagkus ang Kanyang buong katawan. Nagmumukha Siyang mas matangkad, sapagkat kinuha Niya ang isang makaharing tayo. Na may mahigpit na nagtatanong na hitsura tinitingnan Niya ang pulutong. Ang Kanyang mga mata ay kumikislap, hindi marahas, bagkus mahestuwoso: «Sino ang humawak sa Akin?» nagtanong Siya.

Walang tumutugon.

«Sino ang humawak sa Akin, inuulit Ko» pagpilit ni Jesus.

«Guro» tugon ng mga disipulo «Hindi ba Ninyo nakikita kung papaano ang mga pulutong sumisiksik sa Inyo sa lahat ng tabi? Lahat sila ay humahawak sa Inyo, sa kabila ng lahat naming pagsisikap.»

Si Jesus, habang nagsasalita, ay tumingin nang mga tatlo o apat na beses sa isang maliit na babae, mga apatnapung gulang, napaka-kaawa-awa ang pananamit at payat, na nagsisikap na makawala sa pulutong at mawala nang lubusan. Ang Kanyang mga mata ay maaaring sinusunog siya. Nabatid niya na hindi siya makatatakas, siya’y bumalik at itinapon ang sarili sa paanan Niya, halos nahihipo ng kanyang mukha ang alikabok, habang ang kanyang mga kamay ay nakabuka hindi nangangahas na hipuin si Jesus.

«Patawarin Ninyo ako! Ako iyon. Ako ay may sakit. May sakit ako labindalawang taon na! Ako ay iniiwasan ng lahat Ang aking asawa ay iniwan ako. Nagastos ko na ang lahat na mayroon ako upang hindi ako tingnan na isang salot, at baka makapamuhay katulad ng lahat. Ngunit walang sinuman ang makapagpagaling sa akin. Kita N’yo, Guro? Ako ay matanda na bago pa man ang aking panahon. Ang aking lakas ay umalis sa akin gawa ng aking di-mapagaling na pagdurugo at ang aking kapayapaan ay umalis kasama niyon. Sinabi nila sa akin na Kayo ay mabuti. Ako ay sinabihan ng isa na Inyong napagaling sa ketong na, bilang iniwasan din mismo ng mga tao sa loob ng maraming taon, ay hindi ako pinandirihan. Hindi ako naglakas loob na sabihin Kayo bago pa man. Patawarin Ninyo ako! Naisip ko na kung magagawa ko lamang na hipuin Kayo, ako ay gagaling. Ngunit hindi ko Kayo ginawang di-malinis. Halos hindi ko nahipo ang laylayan ng Inyong tunika, ang laylayan na sumasayad sa lupa, sa dumi ng daan… Ako ay dumi mismo… Ngunit ngayon ako ay magaling na, pagpalain nawa Kayo! Nang sandaling mahipo ko ang Inyong tunika, ang aking idinadaing ay nagkaroon ng katapusan. Katulad ko na ang ibang mga babae. Ako ay hindi na ulit iiwasan ng lahat. Ang aking asawa, ang aking mga anak at mga kamag-anak ay makapaninirahan nang kasama ako at mahahaplos ko na sila. Mapakikinabangan na ako sa bahay. Salamat sa Inyo, Jesus, aking mabuting Guro. Harinawang pagpalain kayo magpakailanman!»

Si Jesus ay tinitingnan siya nang may walang-hangganang kabaitan. Siya ay ngumiti at nagsabi: «Humayo sa kapayapaan, Aking anak. Ang iyong pananampalataya ay napagpanumbalik ang iyong kalusugan. Maging malaya sa iyong idinadaing magpakailanman, Maging mabuti at masaya. Lakad.»

Habang siya ay nagsasalita pa isang lalaki ang dumating. Sa palagay ko siya ay isang katulong, at kinakausap ang ama na laging naghihintay, magalang ngunit nag-aalala, na tila siya ay nasa balag na alanganin. «Ang inyong anak na babae ay patay na. Wala nang saysay na abalahin ang guro. Ang kanyang kaluluwa ay umalis na at ang mga kababaihan ay ipinagluluksa na siya. Ang kanyang ina ay inutusan ako na sabihin sa iyo at sinasabi niya na pumunta kayo kaagad.»

Ang kaawa-awang ama ay napaungol nang malalim. Itinatago niya ang kanyang mukha sa loob ng kanyang mga kamay, idinidiin ang kanyang noo at mga mata at iniyuyuko ang kanyang ulo na tila siya ay nahampas.

Habang si Jesus ay abala sa pakikinig at pagtugon sa babae, masasabi ng isa na Siya ay walang nakita o napakinggang anuman., sa halip Siya ay tumalikod at ipinapatong ang Kanyang kamay sa nakayukong mga balikat ng kaawa-awang ama, sinabi Niya: «Mamâ, sinabi Ko sa iyo: “Manampalataya”. Uulitin Ko: “Manampalataya”. Huwag matakot. Ang iyong anak ay mabubuhay. Tayo na sa kanya.» At Siya ay lumakad, hinahawakan ang nalulungkot na mamâ malapit sa Kanya.

Ang mga pulutong, nakikita ang labis na kapighatian at bilang labis na naapektuhan ng nakaraan pa lamang na himala, ay natakot at tumigil, sila pagkaraan ay naghiwa-hiwalay, napahihintulutan si Jesus at ang Kanyang mga disipulo na makapaglakad nang mabilis, at sila ay sumusunod sa bakas ng dumaraan na Grasya. Sila ay naglalakad nang gayon sa loob ng mga sandaan yarda, baka mahigit pa – hindi ako magaling sa pagtantsa – nagpapatuloy sa sentro ng bayan.

Ang mga tao ay nagsisiksikan sa harapan ng isang kagalang-galang na bahay, mga nagkukumentaryo sa malakas na matiling mga tinig tungkol sa nangyayari at tumutugon sa mas malalakas na tili nanggagaling sa loob ng bahay sa pamamagitan ng maluwang na nakabukas na pintuan. Ang mga tiling ito may papalit-palit ng tunog na nakabibingi, baka ginagawang nakakasawa ng mas matiling tinig na isang soloista, kung kanino ang isang grupo ng maninipis na tinig ay tumutugon nang una at pagkatapos sinusundan ng isa pang grupo ng ganap na mga tinig. May sapat na kaguluhan upang kahit na ang malulusog ay maaaring mamatay.

Si Jesus ay inuutusan ang Kanyang mga disipulo na tumigil sa may pintuan, at Kanyang sinasabihan si Pedro, si Juan at si Santiago na sumunod sa Kanya. Pinasok Niya ang bahay kasama sila, hawak ang umiiyak na ama sa braso lagi. Sa paghawak sa kanya nang ganyan, tila ibig ni Jesus na ipadama sa kanya ang katiyakan na Siya ay naroroon upang gawin siyang masaya. Ang mga babaeng mga tagapagluksa (matatawag ko silang mga taga-atungal), nang kanilang makita ang lalaking maybahay at ang guro, ay dinoble ang kanilang mga pagsigaw. Ipinapalakpak ang kanilang mga kamay, hinahampas ang mga tamborin, pinakakalansing ang mga triyanggulo upang saliwan ang kanilang mga lamentasyon.

«Manahimik» sabi ni Jesus. «Walang dahilan na umiyak. Ang bata ay hindi patay. Siya ay natutulog.»

Ang mga kababaihan ay sumigaw nang mas malalakas, ang ilan gumulong sa sahig, ang iba kinakalmot ang kanilang mga sarili, at hinihila ang kanilang mga buhok (o sila ay nagkukunwari), upang patunayan na ang bata ay totoong patay na. Ang mga manunugtog at mga kaibigan ng pamilya ay iniiling ang kanilang mga ulo sa maling palagay ni Jesus. Sa isip nila Siya ay nagkakamali. Ngunit inulit Niya: «Manahimik!» nang napakamapuwersa upang ang kagulo, habang hindi tumitigil nang ganap, ay naging isang bulong. At Siya ay dumaan.

Siya ay pumasok sa maliit na silid. Ang isang patay na batang babae ay nakahiga sa kama. Siya ay payat, napakamaputla, nabihisan na at ang kanyang maitim na buhok ay naiayos na. Ang kanyang ina ay umiiyak sa kanang tabi ng kama at hinahalikan ang maputlang maliit na kamay ng patay na bata. Si Jesus… gaano Siya kagandang lalaki na ngayon! Bihira ko Siyang makita na ganyan! Nilalapitan Niya nang maingat ang kama. Siya ay tila dumudulas o lumilipad patawid sa sahig, napakabilis niyang nalapitan ang maliit na kama. Ang tatlong apostol ay nakatayo na nakatalikod sa pintuan, na kanilang isinara sa mga mukha ng mauusyoso. Ang ama ay nakatayo sa paanan ng kama.

Si Jesus ay pumunta sa kaliwang tabi at sa pamamagitan ng Kanyang kaliwang kamay kinuha Niya ang walang-buhay na kaliwang kamay ng bata. Oo, nakita ko Siya nang mabuti. Iyon ay ang kaliwang kamay, kapwa ni Jesus at ng bata. Itinataas Niya ang Kanyang kanang kamay na nakabukas ang palad, hanggang sa kapantay ng Kanyang balikat at pagkatapos ibinaba ito ng isa na nanunumpa o nagbibigay ng isang utos. Sinabi Niya: «Maliit na bata, sinasabi Ko sa iyo: Bumangon!!»

Nagkaroon ng isang sandali kung saan ang lahat ay nakabitin, maliban kay Jesus at ang bata. Ang mga apostol ay iniunat ang mga leeg upang makakita nang mas mabuti. Ang ama at ina ay tinitingnan ang kanilang anak na may mga matang puno ng malalim na pamimighati. Pagkaraan ng isang sandali ang isang buntung-hininga ay naitaas ang dibdib ng bata. Ang isang magaang kulay ay nabahiran ang kanyang maputlang mukha.  At ang pangkamatayan na kaputlaan ay naglalaho. Ang isang pahiwatig ng isang ngiti ay lumitaw sa kanyang mga labì bago bumukas ang kanyang mga mata, na tila nagkakaroon siya ng isang magandang panaginip. Si Jesus ay hawak pa rin ang kanyang kamay. Malumanay na ibinuka niya ang kanyang mga mata at tumingin sa kapaligiran na tila siya ay nagigising. Nakita niyang una ang mukha ni Jesus, Na nakatingin sa kanya sa pamamagitan ng Kanyang napakagandang mga mata at ngumingiti nang may-kabaitan upang pasayahin siya, at siya ay ngumiti sa Kanya.

«Bangon» ulit ni Jesus. At Kanyang itinutulak sa tabi sa pamamagitan ng Kanyang kamay ang panlibing na mga pasinaya nakakalat sa kama at sa paligid nito (mga bulaklak, mga belo, atbp. atbp.) at tinutulungan siya na makabangon at kunin ang kanyang unang mga hakbang, hinahawakan siya sa kamay.

«Bigyan siya ng makakain, ngayon» iniutos Niya. «Siya ay magaling na. Ang Diyos ay ibinigay siya ulit sa inyo. Pasalamatan ninyo Siya para diyan. At huwag sabihin sa kaninuman kung ano ang nangyari. Alam ninyo kung ano ang nangyari sa kanya. Ikaw ay naniwala at karapat-dapat ka ng isang himala. Ang iba ay hindi nagkaroon ng pananampalataya. Walang-walang silbi ang kumbinsihin sila. Ang Diyos ay hindi Niya ipinakikita ang Kanyang Sarili sa mga tumatanggi sa isang himala. At ikaw, Aking maliit na bata, maging mabuti. Paalam! Kapayapaan sa bahay na ito.» At Siya ay lumabas isinasara ang pinto sa likuran Niya.

Ang bisyon ay natapos.

Sasabihin ko sa inyo na dalawang punto niyon na nakapagpalugod sa akin ay ang kung saan si Jesus ay tumitingin sa pulutong para sa tao na humipo sa Kanya at higit sa lahat nang nakatayo malapit sa maliit na patay na batang babae kinuha Niya siya sa kamay at sinabihan siya na bumangon. Ang kapayapaan at katiyakan ay pumunta sa akin. Imposible para sa Isa Na kasing Maawain at Makapangyarihan katulad Niya, na hindi magkaroon ng awa sa atin at hindi matalo ang Kasamaan na pumapatay sa atin.

Si Jesus pansamantala ay hindi gumagawa ng komentaryo, ni hindi Siya nagsasalita ng kahit ano tungkol sa ibang mga bagay. Nakikita Niya na ako ay halos patay na ngunit hindi tinitingnan na iyan ang kaso na kailangan akong makaramdam nang mas mabuti sa gabing ito. Mangyari ang Kanyang ginugusto. Ako ay masaya nang sapat na magkaroon ng bisyon na ito.

180311

 

 



Sunod na kabanata