230. Si Jesus at si Martha sa Capernaum.

Hulyo 27, 1945.

Si Jesus, naiinitan at natatakpan ng alikabok, ay bumalik sa bahay sa Capernaum kasama si Pedro at si Juan.

Kapapasok pa lamang Niya sa pangkusinang-hardin at patungo sa kusina, nang ang lalaking maybahay ay tinawag siya nang may-kasanayan nagsasabing: «Jesus, ang babaeng iyon na sinasabi ko sa inyo sa Bethsaida, ay pumunta muli naghahanap sa Inyo. Sinabi ko sa Kanya na maghintay at dinala ko siya sa silid sa itaas.»

«Salamat sa iyo, Tomas. Pupunta kaagad Ako sa kanya. Kung dumating ang iba sabihin na maghintay dito.» At si Jesus ay umakyat sa itaas kaagad na hindi na inaalis ang Kanyang manta.

Sa terasa sa itaas ng hagdanan ay naroon si Marcella, ang katulong ni Martha. Siya ay nakatayo roon na nag-iisa. «O! Guro. Ang aking sinyora ay nasa loob. Maraming araw na siyang naghihintay sa Inyo» sabi ng babae lumuluhod upang sambahin si Jesus.

«Kung baga naisip Ko iyan. Pupunta Ako sa kanya kaagad. Pagpalain ka nawa ng Diyos, Marcella.»

Si Jesus ay itinaas ang kurtina na nagpoprotekta sa silid sa labis na maningning na sinag ng araw sapagkat bagama't ang araw ay lumulubog na, napakainit pa rin at ang mga puting bahay sa Capernaum ay tila umaapoy sa pulang ningning ng isang napakalaking pinggan. Sa loob ng silid, nakaupo malapit sa bintana ay si Martha, nakabalot sa isang manta at natatakpan ng isang belo. Baka pinagninilayan niya ang bahagi ng lawa mula kung saan ang isang makahoy na burol ay nakausli patungo sa tubig napoporma ang isang lungos. Baka pinagninilayan lamang niya ang kanyang sariling naiisip. Siya ay tiyak na nakalubog sa pag-iisip at sa katunayan hindi niya naririnig ang magaang kaluskos ng mga paa ni Jesus Na naglalakad patungo sa kanya. At siya ay nagulat nang tinawag Niya siya.

«O! Guro!» bulalas niya. At siya ay bumagsak sa kanyang mga tuhod, na may nakaunat na mga kamay, na tila humihingi siya ng tulong at pagkatapos siya ay yumukong napakababa na mahipo ang sahig ng kanyang noo, at siya ay napaiyak.

«Ano ang nangyayari? Tumayo ka.  Bakit ka umiiyak nang napakapait? May masama bang nangyari na sasabihin mo sa Akin? Mayroon? Ano ito? Nalalaman mo ba na Ako ay nasa Bethany? Alam mo? At Ako ay nasabihan na may mabuting balita. Ngunit ngayon ikaw ay umiiyak. Ano ang nangyari?» at pinilit Niya siya na tumayo at ginawa siyang maupo sa isang bangkito na nasa pader, habang nauupo Siya sa harapan niya. «Ngayon, alisin mo ang iyong belo at manta, katulad sa ginagawa Ko. Maaaring hindi ka na makahinga sa ilalim ng mga ‘yan. At ibig Kong makita ang mukha ng Aking mahal na Martha, na balisang-balisa, upang sana mapaalis Ko ang lahat na mga ulap na gumagambala niyan.»

Si Martha ay sumunod, umiiyak pa, at ang kanyang mapulang mukha at namamagang mga mata ay makikita na ngayon.

«Bueno? Tutulungan kita. Si Maria ay nagpahatid para sa iyo. Siya ay labis na umiyak, ibig niyang malaman ang maraming mga bagay tungkol sa Akin, at inakala mo iyon ay mabuting tanda, labis upang ginusto mo na Ako ay pumunta upang makumpleto ang himala. At Ako ay nagpunta. At ngayon?...»

«Ngayon, wala, Guro! Ako ay nagkamali. Ang napakalalim na pagmimithi ay nagagawa ang isa na makita ang wala naman… Nagawa ko Kayong pumunta para sa wala… Si Maria ay mas malala kaysa sa dati… Hindi! Ano ba ang aking sinasabi? Sinisiraan ko siya, nagsasabi ako ng mga kasinungalingan. Siya ay hindi malala, sapagkat ayaw na niya ulit ng mga lalaki sa paligid niya. Siya ay iba na, ngunit napakasamâ pa rin. Siya ay tila nababaliw… Hindi ko na siya maintindihan… Kung man lamang noon naiintindihan ko siya. Ngunit ngayon! Sino ang makaiintindi sa kanya?» at si Martha ay umiiyak nang labis.

«Ngayon, kumalma at sabihin sa Akin kung ano ang kanyang ginagawa. Bakit siya masama? Kung gayon, ayaw na niya ng mga lalaki sa paligid niya. Kung gayon nagpapalagay Ako na siya ay namumuhay ng isang retirada sa bahay. Ganyan ba iyan? Ganyan? Mabuti. Iyan ay napakabuti. Ang katotohanan na ibig niya na manirahan ka kasama niya, na tila ibig niyang maipagsanggalang laban sa mga tukso – iyan ang iyon isinulat – at ang katotohanan na ibig niyang maiwasan ang mga panunukso sa pag-iwas sa mga nagkakasalang mga kasamahan o kung ano ang maaaring makapagdala sa ganyang mga relasyon, ay mga tanda ng mabuting kalooban.»

«Sa palagay ba Ninyo, Guro? Sa palagay ba Ninyo ganyan nga?»

«Siyempre iyan sa palagay Ko. Kung gayon bakit mo iniisip na siya ay masama? Sabihin mo sa Akin kung ano ang kanyang ginagawa…»

«Bueno.» Si Martha, na kahit na papaano ay napaginhawahan ng pagtitiyak ni  Jesus, ay nagsalitang mas kalmante. «Bueno. Mula nang ako ay pumunta rito, si Maria ay hindi kailanman umalis ng bahay o sa hardin, ni hindi upang pumunta sa lawa sa kanyang bangka. At ang kanyang yaya ay sinabi sa akin na kahit na noong bago ako pumunta rito, halos hindi siya lumalabas. Tila ang pagbabagong ito ay nagsimula noong Paskuwa. Ngunit bago nang ako ay dumating, ilang mga tao ang madalas pumunta at tingnan siya at hindi lagi niya sila tinatanggihan na makita. Kung minsan nagbibigay siya ng mga tagubilin na huwag paraanin ang kahit na sino. At ito ay lumalabas na siyang laging utos. Ngunit pagkatapos siya ay humahantong hanggang sa hampasin niya ang kanyang mga katulong, dala ng di-makatarungang galit, kung nang marinig niya ang mga tinig ng mga bisita, siya ay pumunta sa bulwagan at makita na sila ay mga pinauwi na. Subalit, hindi na niya iyon ginawa ulit, mula nang ako ay dumating. Noong unang gabi sinabi siya sa akin, at iyan kung bakit ako labis na umaasa: «Pigilan mo ako, kung kinakailangan talian mo ako. Ngunit huwag mo akong palabasin, huwag mong gawin na makita ko ang sinuman bagkus ikaw at ang yaya. Sapagkat hindi mabuti ang aking kalusugan at ibig kong makapanumbalik . Ngunit ang mga pumupunta sa akin o gusto nila na sumama ako sa kanila, ay katulad ng mga may-lagnat na latian. At pinalalala nila ako. Ngunit ang kanilang hitsura ay napakaganda, napakamabulaklak at malugod, ang kanilang mga prutas ay napakagandang tingnan, na hindi ko sila matagalan, sapagkat ako ay isang kaawa-awang kapus-palad. Ang iyong kapatid ay mahina, Martha. At may ilan tao na nagsasamantala ng kanyang kahinaan upang magawa siyang gumawa ng maruruming bagay, kung saan ang isang bahagi ko ay hindi sumasang-ayon. Ang tanging bahagi na naiiwan pa sa akin mula sa aking kaawa-awang ina…” at siya ay umiyak. At ginawa ko iyan. Ginawa ko iyan nang may-kabaitan kapag siya ay rasonable; ngunit kumikilos ako nang may katatagan kapag siya ay katulad ng isang mabangis na hayop sa loob ng isang kulungan. Hindi siya kailanman nagrebelde laban sa akin. Sa kabaligtaran, kapag nakalampas na ang pinakamalalang panunukso, pupunta siya at iiyak sa paanan ko, pinapatong ang kanyang ulo sa aking lapi at magsasabi siya: “Patawarin mo ako, patawarin mo ako!” at kung tatanungin ko siya: “Para saan, kapatid? Hindi mo ako napamighati”, tutugon siya: “Sapagkat kamakailan lamang, o kagabi, nang sinabi mo sa akin: ‘Ikaw ay hindi lalabas mula rito’, napoot ako at isinumpa kita sa loob ng aking puso at hiniling ko sana mamatay ka”. Hindi ba’t kailangan siyang kaawaan, aking Panginoon? Siya kaya ay baliw? Ang kanya kayang mga bisyo ay nagawa siyang masira ang kanyang ulo? Sa palagay ko ang isa sa kanyang mga mangingibig ay binigyan siya ng gayuma upang magawa siyang maging alipin ng kanyang kahalayan at na ang lason nito ay nakarating sa kanyang mga utak…»

«Hindi. Ito ay hindi tungkol sa gayuma o kabaliwan. Ito ay isang ibang-iba. Ngunit magpatuloy.»

«Kung gayon siya ay mapaggalang at masunurin sa akin.  At hindi na niya minaltrato ang mga katulong ulit. Ngunit pagkatapos ng unang gabi, hindi siya nagtanong ng kahit anuman tungkol sa Inyo. At kung babanggitin ko Kayo, pinapalitan niya ang paksa. Ngunit nauupo siya nang napakatagal na oras sa isang bato kung nasaan ang belvedere, tinitingnan ang lawa, hanggang sa siya ay mahilo, at sa tuwing may maglalayag na bangka magtatanong siya sa akin: “Sa palagay mo ba iyan ay ang bangka ng mga mangingisdang Galilean?” Hindi niya kailanman binabanggit ang Inyong pangalan o ang mga pangalan ng mga apostol. Ngunit nalalaman ko na siya ay nag-iisip tungkol sa Inyo sapagkat kung minsan sa gabi, kapag kami ay naglalakad sa loob ng hardin o bago matulog, at ako ay nananahi, habang siya ay walang ginagawa, sasabihin niya sa akin: “Ganyan ba ang isa kailangan na mamuhay ayon sa doktrina na iyon sinusundan?”. At kung minsan siya ay iiyak, kung minsan tatawa nang may panunuya, katulad ng isang baliw o isang dimonyo. Sa ibang mga pagkakataon ibababa niya ang kanyang buhok, na laging nakaayos nang maarte, at gagawa siya ng dalawang tirintas, isusuot niya ang isa sa aking mga damit at pagkatapos pupunta siya sa akin, na ang kanyang mga tirintas nasa kanyang likuran o nasa harapan niya, mahiyain at batang tingnan sa aking mataas-na-leeg na damit, at dahil din sa kanyang mga tirintas at kanyang hitsura at sasabihin niya sa akin: “Ganyan ba ang hitsura na kailangan si Maria?” at kahit na diyan kung minsan siya ay iiyak hinahalikan ang kanyang magagandang tirintas, na mga kasing kapal ng kanyang mga braso at umaabot sa kanyang mga tuhod, ang buhay na ginto na siyang ipinagmamalaki ng aking ina, sa ibang pagkakataon, sa halip, tatawa siya sa kanyang nakatatakot na pamamaraan o sasabihin niya sa akin: “Tingnan, mas mabuti pang gawin ko ito at tapos na ang lahat” at itatali niya ang kanyang mga tirintas paikot sa kanyang leeg at hihigitin ito nang mahigpit hanggang mamula ang kanyang mukha, na tila ibig niyang sakalin ang kanyang sarili. Kung minsan naaawa siya sa kanyang sarili o mamaltratuhin niya ang kanyang sarili, at iyan ay kitang-kitang nangyayari kapag nararamdaman niya nang mas matindi ang mga panunukso ng kanyang laman. Nahuli ko siyang hinahampas niya ang kanyang dibdib at kinakalmot ang kanyang mukha nang may kabangisan o inuuntog ang kanyang ulo sa pader at kapag tinanong ko siya: “Bakit mo ginagawa iyan?” titingnan niya ako na may sirang hitsura magsasabing: “Upang sirain ko ang aking sarili, ang aking mga bituka, at aking ulo. Ang isinumpa na nakasasamang mga bagay ay kailangan na masira. At sinisira ko ang aking sarili”. At kung nagsasalita ako sa kanya tungkol sa awa ng Diyos, Ninyo – sapagkat nagsasalita pa ako sa kanya nga tungkol sa Inyo, na tila siya ay ang pinakamatapat sa mga babaeng disipulo Ninyo, at sinusumpa ko sa Inyo na kung minsan nahihintakutan ako na banggitin ang Inyong pangalan sa presensya niya – siya ay tutugon: “Hindi maaaring magkaroon ng awa para sa akin. Ako ay lumampas sa hangganan”. Siya kung ganoon ay magkakaroon ng atake ng kawalang-pag-asa at sisigaw, hinahampas ang sarili hanggang siya ay dumugo: “Bakit mayroon ako ng halimaw na ito na pumupunit sa akin? At hindi ako nito binibigyan ng kapayapaan. At dinadala ako nito sa masasamang gawa sa pamamagitan ng matamis na umaawit na mga tinig, kung saan dinadagdag nito ang nanunumpang mga tinig ng aking ama’t ina, tinig mo at ni Lazarus, sapagkat kayo ni Lazarus ay sinusumpa rin ako, at ang Israel ay sinusumpa ako at ginagawa nito na mapakinggan ko sila upang mabaliw ako…” Kapag sinasabi niya ito, tumutugon ako sa kanya: “Bakit nag-aalala ka tungkol sa Israel, na isa lamang sambayanan, at hindi mo iniisip ang tungkol sa Diyos? Ngunit sa dahilan na tinatapakan mo ang lahat na hindi tinitingnan kung ano ang iyong ginagawa, magsikap na ngayon na mapangibabawan ang lahat at huwag mag-alala tungkol sa mga makamundong bagay, bagkus mangalaga lamang para sa Diyos, sa iyong ama’t ina. Kung babaguhin mo ang iyong pamumuhay, hindi nila ikaw susumpain, bagkus iuunat ang kanilang mga kamay sa iyo…” At siya’y makikinig sa akin, nag-iisip, nagtataka na tila nagkukuwento ako sa kanya ng hindi totoong kuwento, at pagkatapos siya ay iiyak… Ngunit hindi tumutugon. Kung minsan, sa halip uutusan niya ang mga katulong na magdala sa kanya ng mga alak at gamot at siya ay kakain at iinom ng mga artipisyal na pagkain na iyon at magpapaliwanag: “Ginagawa ko iyan upang makalimot”. Ngayon, mula ng kanyang malaman na Kayo ay naririto sa lugar ng lawa, sa tuwing makikita niya ako na pumupunta sa Inyo, sasabihin niya: “Pupunta rin ako minsan” at tumatawa sa pamamaraang iyon na isang pag-insulto sa kanyang sarili, maghihinuha siya: “Sa gayon ang mata ng Diyos ay tatama rin sa tae”. Ngunit ayaw ko siya na pumunta. At ngayon, kung ibig kong pumunta, naghihintay ako hanggang siya ay makatulog, kapag siya ay pagod sa pagiging galit, sa pag-iinom at sa pag-iiyak… sa lahat. Ngayon din, ako ay tumakas nang ganyan, upang makabalik ako sa gabi bago siya magising. Iyan ang aking buhay… hindi na ako umaasa…» at nagpatuloy siya sa pagluha na mas mapait kaysa dati, dahil ang kanyang mga luha ay hindi na napipigilan ng pagsisikap na makapagsalita nang kalmante.

«Naaalaala mo ba, Martha, ang sinabi Ko sa iyo minsan? “Si Maria ay may sakit”. Ayaw mong paniwalaan ito noon. Ngayon nakikita mo. Sinasabi mo na siya ay baliw. Sinasabi niya mismo na siya ay may sakit at naghihirap sa makasalanang lagnat. Sasabihin Ko: siya ay may sakit sapagkat napanghahawakan siya ng isang dimonyo. Iyan ay isa pa rin sakit. At ang kanyang paiba-ibang kilos, ang kanyang pag-iinit sa galit, ang kanyang mga luha, kanyang paghihirap, ang kanyang paghahanap sa Akin ay mga baytang ng kanyang pagkakasakit, na nakarating sa punto ng krisis at nasa pinakamarahas na pagbabago-bago. Nagagawa mo ang tama sa pagiging mabuti sa kanya at matiyaga sa kanya. Tama ka sa pagsasalita sa kanya ng tungkol sa Akin. Huwag kang mayamot sa pagbanggit ng pangalan Ko sa presensya niya. kaawa-awang kaluluwa ng Aking Maria! Ang kanyang kaluluwa ay nilikha rin ng Aking Ama at iyan ay hindi iba sa iba pang mga kaluluwa,  mula ng sa iyo, ng kay Lazarus, ng sa mga kaluluwa ng mga apostol at mga disipulo. Ang kanyang kaluluwa ay kasama rin at nakita rin na kasama ng mga kaluluwa para kung kanino Ako ay naging laman upang maging ang Tagapagtubos. Sa katunayan Ako ay naparito nang mas lalo para sa kanya kaysa para sa iyo, kay Lazarus, sa mga apostol at mga disipulo. Kawang kaluluwa ng Aking Maria, na labis na naghihirap! Ng Aking kaawa-awang Maria na nilason ng pitong lason bukod ng unang pang-unibersal na lason! Ng Aking naikulong na Maria! Ngunit gawin na pumunta siya sa Akin! Hayaang malanghap niya ang hangin na nalalanghap Ko, hayaan siyang marinig ang Aking tinig at makatagpo ang Aking sulyap!... Tinatawag niya ang kanyang sarili: “Tae”… O! Aking kaawa-awang mahal na kaluluwa kung kanino ang dimonyo ng pagmamalaki ay ang pinakamahina sa pitong humahawak sa kanya! Tanging dahil lamang diyan siya ay maliligtas!»

«At kung siya ay makatagpo ng sinuman na baka magpaligaw sa kanya muli, kapag siya ay lumabas? Siya mismo ay natatakot tungkol diyan…»

«At lagi siyang matatakot tungkol diyan, ngayon na siya ay nakalayo na nang ganito na kamuhian ang bisyo. Ngunit huwag matakot. Kapag ang isang kaluluwa ay mayroon nang mithiin na lumapit sa Kabutihan, at napipigilan lamang ng mala-dimonyong Kaaway, na nalalaman na mawawala sa kanya ang kanyang biktima, at ng personal na kaaway ng kaakuhan ng sarili, na nangangatwiran sa isang pantaong pamamaraan at naghuhusga sa sarili sa isang pantaong pamamaraan, ipinapasa-Diyos ang sarili nitong paghusga upang mapigilan ang kaluluwa na makontrolan nito ang pantaong kaakuhan, kung gayon ang kaluluwang iyan ay sapat na malakas na laban sa mga atake ng bisyo at ng mabibisyong tao. Natagpuan na nito ang Polong Tala at hindi na maliligaw. At huwag na muling magsabi sa kanya: “Hindi ka nag-isip ng tungkol sa Diyos at sa halip ikaw ay nag-iisip ng tungkol sa Israel?” Iyan ay patagong paninita. Huwag mong gawin iyan. Kalalabas pa lamang niya mula sa apoy. Siya ay isang malaking sugat, Hipuin siya nang magaan ng mga balsamo ng kabaitan lamang, ng pagpapatawad at pag-asa… Hayaan siyang malaya na lumapit. Kailangang sabihan mo siya kung iniisip mo ang pagpunta, ngunit huwag mong sabihin sa kanya: “Sumama ka sa akin”. Sa kabaligtaran, kung naiintindihan mo na ibig niyang sumama, huwag kang pumunta mismo. Bumalik ka at hintayin mo siya sa bahay. Siya ay babalik sa iyo na napayuko ng Awa. Sapagkat ibig Kong maalis ang masamang kapangyarihan na pumipigil sa kanya at sa loob ng kaunting oras magmumukha siyang katulad ng isang babae na ang mga ugat ay ginilitan o ang kanyang mga buto ay inalis ng isang doktor. Ngunit pagkatapos gaganda ang kanyang pakiramdam. Siya ay magtataka. Magkakaroon siya ng malaking pangangailangan para sa mga haplos at katahimikan. Tulungan siya na tila ikaw ay ang kanyang pangalawang gabay na anghel. At kung makita mo siya na umiyak, hayaan siyang umiyak. At kung mapakinggan mo na tinatanong niya ang kanyang sarili ng mga katanungan, hayaan siyang mag-isa. At kung makita mo siyang ngumiti, at pagkatapos maging seryoso, at pagkatapos ngumiti muli sa ibang pamamaraan, na may ibang tingin, na may ibang hitsura, huwag kang magtanong sa kanya ng mga katanungan, huwag mo siyang gawin na di-mapakali. Siya ay naghihirap nang mas mahigit pa ngayon, tumataas, kaysa ng nagawa niya, sa pagbaba. At kailangan niyang tumaas sa pamamagitan niya mismo, katulad na siya ay bumaba sa pamamagitan din niya. Hindi niya natatagalan na tingnan mo siya nang siya ay bumababa, sapagkat ang iyong mga mata ay puno ng mga paninisi. At hindi niya matatagalan na tingnan mo siya ngayon na ang kanyang kahihiyan ay napukaw sa wakas. Noon siya ay malakas, sapagkat si Satanas, kanyang panginoon, ay kasama niya at ang isang masamang lakas ay sumusuporta sa kanya at nahahamon niya ang mundo, subalit hindi niya matagalan ang makita mo siya sa kanyang kasalanan. Ngayon si Satanas ay hindi na ang kanyang panginoon. Siya ay isa pa rin panauhin niya, ngunit ang kalooban ni Maria ay hawak-hawak siya sa leeg. At wala pa Ako sa kanya. Iyan kung bakit napakahina niya. Ni hindi niya matagalan ang iyon maka-kapatid na nanghahaplos na mga mata pinagmamasdan ang kanyang pangungumpisal sa kanyang Tagapagligtas. Ang lahat ng kanyang enerhiya ay nagagamit at nauubos sa paghawak sa pitong ibayong dimonyo sa lalamunan. Sa lahat na iba pa siya ay walang panlaban at hubad. Ngunit daramtan Ko siya muli at palalakasin siya. Humayo sa kapayapaan, Martha. At bukas sabihan siya nang may-pakikitungo na Ako ay magsasalita malapit sa agos ng tubig ng Pontanya, dito sa Capernaum, pagkatapos ng panalangin sa gabi. Humayo sa kapayapaan. pinagpapalà kita.»

Si Martha ay lito pa rin.

«Huwag maging di-makapaniwala, Martha» sabi ni Jesus Na nagmamasid sa kanya.

«Hindi, aking Panginoon. Ngunit iniisip ko… O! Bigyan Ninyo ako ng kahit ano na maibibigay ko kay Maria, upang mabigyan siya ng kaunting lakas… Labis siyang naghihirap… at ako ay takot-na-takot na baka hindi siya magtagumpay sa dimonyo!»

«Ikaw ay isang maliit na bata! Si Maria ay nasa kanya Ako at sa iyo. Maaari bang hindi siya magtagumpay? Ngunit, kunin ito. Ibigay mo sa Akin ang iyong kamay, na hindi kailanman nagkasala, at na laging naging mabait, maawain, aktibo at banal. Lagi itong kumilos ng pagmamahal at ng pananalangin. Hindi iyan naging tamad kailanman o walang-ginagawa o narumihan. Ngayon, hahawakan Ko iyan sa pagitan ng Aking mga kamay upang gawin iyan na mas banal. Itaas mo iyan laban sa dimonyo at hindi niya iyan matatagalan. At kunin mo ang sinturon Kong ito. Huwag kailanman humiwalay diyan. At sa tuwing makikita mo siya, sabihin sa iyong sarili: “Ang kapangyarihan ni Jesus ay mas malakas pa kaysa sa sinturon na ito ni Jesus at sa pamamagitan nito ang lahat ay mapangingibabawan: mga dimonyo at mga halimaw din. Hindi ako kailangan na matakot”.  Masaya ka na ba ngayon? Ang Aking kapayapaan ay mapasaiyo. Humayo sa kapayapaan.»

Si Maria ay sinamba Siya at lumabas.

Si Jesus ay ngumingiti nang makita niya siya na umaakyat sa karwahe, na tinawag ni Marcella na pumunta sa geyt, at umalis papuntang Magdala.

240311

 



Sunod na kabanata